7. 1. Sampaguita ang pambansang bulaklak ng Pilipinas.
2. Si Catriona Grey ang itinanghal na Miss Universe 2018.
3. Mapapanood ang Kapuso Mo, Jessica Soho tuwing
Linggo ng gabi.
4. Nagpunta sina Marian at Dingdong sa kaarawan ni
Karylle.
5. Pinasimulan ng pamahalaang Duterte ang laban kontra
iligal na droga.
8. isang uri ng babasahing di piksyon
magbigay ng impormasyon o magpaliwanag
nang malinaw at walang pagkiling tungkol sa
iba’t ibang paksa tulad ng sa mga hayop,
isports, kasaysayan, heograpiya at marami pang
iba
hindi nakabase sa sariling opinion
sinasagot ang mga tanong na ano, paano at sino
10. LAYUNIN NG MAY-AKDA
Maaaring magkaiba-iba ang layunin ng may
akda sa pagsulat niya ng isang tekstong
impormatibo.
Gayunpaman, anuman ang layunin ay
mapapansing kaugnay ito lagi ng pagbibigay o
paglalahad ng impormasyon.
11. 1. PANGUNAHING IDEYA
Dagliang inilalahad ang mga pangunahing
ideya sa mambabasa
Nagagawa ito sa pamamagitan ng paglalagay
ng pamagat sa bawat bahagi
ORGANIZATIONAL MARKERS
12. 2. PANTULONG NA KAISIPAN
Mahalaga ang paglalagay ng mga angkop na
pantulong ng kaisipan o mga detalye para
makatulong mabuo sa isipan ng
mambabasa ang pangunahing ideya nais
niyang matanim o maiwan sa kanila.
13. 3. MGA ESTILO SA PAGSULAT,
KAGAMITAN/ SANGGUNIANG
MAGTATAMPOK SA MGA BAGAY
NA BINIBIGYANG-DIIN
14. 3.1 PAGGAMIT NG MGA
NAKALARAWANG REPRESENTASYON
Makatutulong ang paggamit ng mga larawan,
guhit, dayagram, tsart, talahanayan, timeline at
iba pa upang mapalalim ang pagkaunawa ng
mga mambabasa sa mga tekstong
impormatibo.
15. 3.2 PAGBIBIGAY-DIIN SA
MAHAHALAGANG SALITA SA TEKSTO
Nagagamit dito ang mga estilong tulad
ng pagsulat nang nakadiin, nakahilis,
nakasalungguhit o nalagyan ng panipi
upang higit na madaling makita ang mga
salitang binibigyang-diin sa babasahin.
16. 3.3 PAGSULAT NG TALASANGGUNIAN
karaniwang inilalagay ng mga manunulat
ng tekstong impormatibo ang mga aklat,
kagamitan at iba pang sanggunian upang
higit na mabigyang-diin ang katotohanang
naging basehan sa mga impormasyong
taglay nito.