SlideShare a Scribd company logo
1 of 6
AIVY CLAIRE R. VIOS Setyembre 21, 2016
BEE-III
PAGSUSURI SA
Pinaglahuan
(Nobela ni Faustino Aguilar)
Buod ng Nobela
Nang umagang yaon ng ika-19 ng Oktubre ng 1990 ang maluwag na lansangan ng
Cervantes ay nagsisikip sa tao. Walang maluwag- luwag kundi ang pinakagitna na siyang
pinaglalagusan ng magagarang karwahe, kalesa at kalesang kinasasakyan ng lalo pang magarang
mga maginoo na kung hindi sa mga pulis na nagbabantay roon ay nangag-utos marahil sa kani-
kanilang kotserong sagasin ang gayong kakapal na taong nakakaabala pa sa kanilang paglakad.
Nagsimula ang nobela sa paglalarawan ng maraming taong nakatayo sa lansangang Cervantes at
naghihintay sa pagbubukas ng Dulaang Opera upang daluhan ang malaking pulong na iyon
sapagkat ayon kay Aguilar, “ Bayan ang tumawag at bayan ang dumalo.” Subalit nabigo ang taong
bayan ; hindi pumayag ang may-ari ng teatro na ipagamit ito sa kanila dahil sa pag-iwas na
masangkot sa pag-uusig ng pamahalaang walang tainga sa panawagan ng bayan upang makamtan
ang kalayaan mula sa mga Amerikano. Hindi naman nawalan ng loob ang nagsindalo. Nagpaibang-
araw sila at ipinagpaliban na lamang nila ang pakikibaka.
Samantala, sa paghihintay rin sa pulong na iyon , nagtagpo sa unang pagkakataon ang
pangunahing tauhan ng nobela, si Luis Gat- Buhay at si Don Nicanor Gutierrez, ama ng kanyang
kasintahang si Eduarda (Danding) at kilalang may kaya sa lungsod. Sakay ang Don ng kanyang
karwaheng walang habas at paragasang dumaraan sa Cervantes. Pinigil ni Luis ang karwahe sa
pagsisikap na huwag makasagasa ng mga taong nagtitipon sa harap ng dulaan. Nagpatuloy ang
nobela sa pagdating ni Don Nicanor sa kanyang bahay sa tayuman kung saan ginaganap naman
ang isang piging. Naroroon ang ilang kumakatawan sa naghaharing-uri noong panahong iyon. Si
Victorino Rojalde, ang mangangalakal at kapitalistang aral sa lalong mabibisang paraan ng
pagpapatubo na natutuhan niya sa madalas na paglalakbay sa pinakamasisiglang sentro ng
komersiyo sa buong mundo; si Juancho Balani, kilalang sugarol; si Manuel Barrientos, ang
madasaling notary na pikit- mata kung magpakalango; at si Nora Titay, ang may-bahay ni Don
Nicanor na lagging siyang-siya sa pag-aasikaso sa ganitong uri ng panauhin. Kainan, inuman, at
pagsusugal ang inatupag ng marami sa piging na iyon- malaking katumbalikan ng naganap sa mga
bigong naghintay sa harap ng Dulaang Opera.
Isang gabi pagkaraan, nagtagpo ng lihim sina Luis at Danding sa tahanan ng huli. Ipinaalam
ni Danding sa kasintahan kung paanong ipinagkasundo na siya ay ipakasal ng kaniyang mga
magulang kay Rojalde. Inamin ng dalaga na bagaman mahal niya ang binata, hindi naman niya
matatalikuran ang kanyang tungkuling tumalima sa mga magulang na itinuturing niyang
pangalawang Diyos dito sa lupa. Nanggipuspos si Luis sa ganitong narinig sa katipan subalit wala
siyang nagawa kundi tanggapin ang pasya nito. Sa halip na si Danding ang sisihin, sinabi niyang ang
salapi ang humusga ng kaniyang karapatang angkinin si Danding dahil karaniwang empleyado
lamang siya, at ang pananampalataya ang umagaw sa laya ni Danding na piling pakasalan ang
lalaking minamahal. Noong gabing iyon, naghiwalay ang magkatipan nang nagkakaunawaang
walang kahihinatnang anuman ang kanilang pag-iibigan. Dalawang araw pa lamang nakararaan, si
Don Nicanor at Nora Titay ay nag-usap na nang masinsinan tungkol sa kung paano mapipilit ng
huli ang anak na si Danding na tanggapin ang pagpapakasal kay Rojalde. Idiniin ng lalaki sa asawa
na hinding-hindi niya mapapayagang mapakasal kay Luis ang dalaga. At wala nang higit na mabigat
AIVY CLAIRE R. VIOS Setyembre 21, 2016
BEE-III
pang dahilan kaysa pagpapautang niya ng sampung libong piso kay Rojalde upang tanggapin ni
Danding ang pag-ibig nito.
Nagtagumpay naman ang layon ng mag-asawa. Nang mismomg si Rojalde na ang nagsadya
sa tahanan ng mga Gutierrez upang ipaala-ala sa Don ang kanilang napagkayarian, hindi
tinantanan ng Ina ang anak hanggang hindi ito pumapayag na magpakasal sa mayamang
mangangalakal. Sa buwan ng Mayo itinakda ang pag-iisang dibdib na naging paksa ng usap-usapan
ng balanang nakakilala sa pamilyang Gutierrez at sa ngalang Victorino Rojalde. Mula nang
mapabalita nang opisyal ang pangyayaring ito, araw-araw at gabi ang ginagawang pagdalaw ni
Rojalde kay Danding. Sa malaking kabiguan ni Rojalde, hindi magawang pagpapakitaan ni Danding
ng mainam man lamang na pagtanggap ang binate. Sa halip, ipinamukha niya rito ang
katotohanang si Luis na karaniwang kawani lamang ang kanyang iniibig at kailanman, walang ano
mang pag-ibig na maasahan si Rojalde sa kanya. Napakapait ng katotohanang ito para kay Rojalde.
Unang-una, sapagkat mahal niya si Danding at likas lamang na ihanap niya ng tugon ang
pagmamahal na ito sa dalaga. Ikalawa, sapagkat malaki na ang puhunan niya kay Danding. Bukod
sa pagkakautang ng ama nito sa kanya, nakabili na siya sa Santana ng magiging tahanan nila ni
Danding sa sandaling makasal sila, at nalamanan na ito ng magagarang kasangkapan at kagamitan.
At ikatlo, sapagkat kalat na sa kaniyang mga amigo ang tungkol sa kanilang kasal ni Danding. Ang
pag-urong sa gayong usapan, bukod sa pagiging kahiya-hiya ay hindi makatawiran. Datapwa, hindi
rin naman maaaring ipagsintabi na lamang ng isang kasingyaman ni Rojalde ang gayong kapalaran.
Hindi ito mapapayagan ng matindi niyang egoism at ng labis na pagdaramdam sa tuwing
maaalalang kailanan, hindi siya maiibig ng babaeng kanya pa naming pakakasalan. Paghihiganti
kay Luis ang kanyang naging alternatibo.
Sa isang piging nga sa Malacanang nabuo ang balak ni Rojalde. Dito, kasama ang mga may
mataas na posisyon sa pamahalaan at ang mayayamang mangangalakal na Pilipino at Amerikano,
kinausap ni Rojalde si Mr. Kilsberg, ang may-ari ng bahay-kalakal na pinapasukan n Luis. Sinulsulan
ni Rojalde ang kapitalistang Americano na taggalin sa trabaho si Luis dahil sa pagmumulat nito sa
mga manggagawa ng tungkol sa di-makatarungang palakad ng Amerikano sa sariling kompanya.
Ipinatawag nga nang minsan ni Mr. Kilsberg si Luis. Sa naganap na pagtatalo nila tungkol sa
puhunan at paggawa, nag-init ang ulong una at nagwakas ang lahat sa pagpapalipas kay Luis sa
kanyang trabaho. Hindi pa rin nakisaya kay Rojalde ang pangyayaring ito, lalo na’t paulit-ulit na
tinatanggihan ni Danding nag kanyang pag-ibig. Sa pamamagitan ng pakikipagsabwatan sa sota
niyang si Pedro na binayaran niya ng malaking halaga, nakalikha siya ng pakana upang palabasing
pinagnakawan siya ni Luis. Ang resulta, nakulong nga sa bilibid si Luis sa bintang na pagnanakaw.
Subalit bigo parin si Rojalde hanggang wakas. Pagkatapos ng maringal na pakikipag-isang dibdib
niya kay Danding at pagkagaling nila sa pagliliwaliw sa bansang Hapon, pagkaraan lamang ng
pitong buwan, nagsilang ng malusog na sanggol na lalaki si Danding. Hindi mawari ni Rojalde kung
paano niya magiging anak ang gayong kalusog na bata gayong pitong buwan pa lamang silang
nakakasal. Sinangguni niya si Dr. Reina at napatunayang hindi nga pitong buwan lamang ang bata.
At nang maunawaang hindi nga siya ang ama ng sanggol ni Danding, halos mabaliw siya sa
pagkamuhi kay Danding at kay Luis. Halos lumipad ang diwa niya pagkaunawang siya na
nagtataglay ng maraming salapi at ari-arian ay nakapag-asawa ng babaeng walang pag-ibig sa
kanya at siya ay tatawaging ama ng sanggol na hindi kanya.
Samantala, pitong buwan na ring napipiit si Luis sa bilibid. Kilala na lamang siya sa bilang na
5.740. Doon, tuwing gabi, ilang ulit niyang pinagmunimunihan ang walang katwirang pagkarool ng
AIVY CLAIRE R. VIOS Setyembre 21, 2016
BEE-III
marami pang tulad niya. SA araw naman, kasama niya ang marami pang kapwa bilanggo na
nagtutulung-tulongan sa pag-aayos ng mga kalsada ng kamaynilaan. Nagtuloy-tuloy naman ang
kaguluhan ng isip ni Rojalde hanggang sa tangkain niyang patayin ang anak ni Danding. Subalit
nagising ang Ina, at nabigo ang lalaking wala nang malamang gawin sa labis na pagdaramdam sa
kapalarang kanyang sinapit. Tuliro sijyang nagpakalubog-lubog sa paninimdim. At sa kabila ng
paghihiyawan at pagkakagulo dahil sa sunog ng nagaganap sa malapit sa kanyang tahanan, wala
siyang pagkatinag. Sa kabutihang palad sa tulong ng mga kaibigang dumalo, nailabas siya at ang
kanyang pamilya sa nasusunog na bahay.
Bagaman nakaligtas si Rojalde at ang kanyang pamilya sa sunog, hindi naman nasagip ang
magarang bahay ng mangangalakal at ano man sa salapi at mamahaling palamuting naroroon.
Labis ding nasindak si Danding ng pangyayari, kaya pagkatapos ng sunog, bagaman may tibok ang
kanyang pulso, ay hindi pa rin siya pinagbabalikan ng malay. Si Rojalde na nabaghan naman sa
kalagayan ng minamahal na asawa ay nagbalik sa sariling bait. Kasabay ang magulang ni Danding,
si Dr. Reina, at ilang kaibigan, hinihintay na magkamalay ang maputlang-maputlang ina.
Sa kabilang dako, nasaksihan din ng grupo ng mga bilanggong kinabibilangan ni Bilang
5.740, ang malaking sunog na naganap. Sa kanilang panonood , may biglang sumabog na dinamita
na ginagamit nila sa pagbubutas ng kalsadang inaayos. Nakasama sa bilang na tinamaan si Luis. At
samantalang hinihintay nila Rojalde ang muling pagkamalay nang mahinang-mahinang si Danding,
nalagutan naman ng hininga ang bilanggong bilang 5.740.
I. Simula
A. Mga Tauhan
1. Luis Gat- Buhay- Isang binatang may 24 na taon. Ulila at siyang nagkakalinga sa
kanyang mga kapatid. Siya ay isang taong may pananaw sa sarili lalo na sa kanyang
lipunan kahit siya ay isang dukha lamang ay ni rerespeto parin niya ang pagpapatakbo
ng pamahalaan.
2. Eduarda Gutierrez ( Danding ) – nag-iisang anak na dilag nina Don Nicanor at Donya
Tiyay. Maganda, Mabait at masunurin na dilag na umiibig kay Luis Gat-Buhay. Pinilit
siyang ipakasal sa mayaman na binatang si Victorino Rojalde. Dahil sa pagkakaroon ng
utang ng kanyang ama ay siya ang naging kabayaran. Ang pagmamahal niaya kay Luiz ay
pang hahabambuhay. Binigay niya ang kanyang buong pagkatao sa minamahal niya at di
nagtagal kahit siay ay nakasal kay Rojalde dala niya parin ang tamis na alaala ng kanilang
pagmamahalan ang naging bunga ng kanilang pag-ibig.
3. Victorino Rojalde – Ang mangangalakal at kapitalista. Isang sobrang mayaman na
binata. Nakukuha niya ang lahat sa pamamagitan ng kanyang salapi ngunit nabigo siyang
makuha ang pagmamahal ni Danding kahit sial ay kasal na. Gumawa siya ng paraan
upang pahirapan si Luis at mawala ito ng landas.
4. Don Nicanor Gutirrez- ama ni Danding. Nalulong siya sa sugal at upang makabayad ay
pinilit niyang ipakasal ang kanyang anak sa mayamang si Rojalde. Iniisip lamang niya ang
kanyang sariling kapakanan.
5. Donya Titay- Ang ina ni Danding. Inang hindi marunong tumingin sa kaligayahan ng
anak na ang iniisip ay salapi lamang.
6. Dupilas, Ginoong Barrientos at Balani- ang mga malalapit ba kaibigan ni Rojalde.
AIVY CLAIRE R. VIOS Setyembre 21, 2016
BEE-III
7. Roman- Ang kotsero ni Rojalde, na may pilat na minsang pinalo siay ni Rojalde na malaki
rin ang galit sa mga taong mayayaman dahil sa pagka matapobre.
8. Gunday- Naglilingkod sa tahanan ni Rojalde.
9. Mang Simo- Isang matanda na naging tauhan ni Rojalde nang minsan din ay pinalayas
na parang hayop kung kayat malaki din ang kanyang gali kay Rojalde.
9. Pedro- Isang taga sunod ni Rojalde na siay ring dahilan ng pagkakulong ni Luis. Siay ay
isang dukha at guamwa ng masama upang magkapera.
10. Mr. Kilsberg- May ari ng bahay kalalkal na pinagtatrabahuan ni Luis, na siya ring
tumistigo laban kay Luis sa pagnanakaw sa tahanan ni Rojalde sa kadahilanang malaki rin
ang kanyang galit nito dahji sa pagtuturo ng kung ano-ano sa mga maggagawa.
11. Ginoong Candelaria- Isang hamak na pinuno sa isang lalawigan na may balngkas sa
kanyang pagpapatakbo ng kanyang lungsod na ipadakip umano ang mga punong labas.
12. Benitez Draga- Isang punong-lalawigan na maibigin sa baying siyang bumili ng may
sampung libong baril sa isang sakim na pinunong hukbo.
13. Dr. Cuating (Tortuato)- Nakilala ni Rojalde sa isang okasyon.
14. Ramirez- Kawani sa isang bahay kalakal
15. Vagues at iba pang kasamahan nito- kasamahan ni Rojalde sa isang bar.
16. Carlos- isa sa mga kotsero ni Rojalde
17. Nora Justina- pinsan ni Luis na nilapitan nila para sila’y makahingi ng tulong upang
makalya si Luis ngunit indi sila tinulungan.
18. Aling Toyang- Ang siyang gumagabay sa pamilya ni Luis na kahit siya ay matanda na ay
inaalagaan niya parin sila.
19. Mga babaeng kapatid- mga kapatid ni Luis na umaasa sa kanyang kita.
B. TAGPUAN
- Sa lansangan ng Cervantes
- Bilibid
- Sa loob ng Bar
- Bahay ni Rojalde
- Sa kalsada
- Malacanang
C. SULIRANIN
Ang paggamit ng mayayaman sa kanilang salapi upang makamit
ang lahat na kanilang gusto at ang pagpapaabuso ng mga dukha sa
may pera at ang pagkalulong sa sugal ng ama ni Danding ang nag-
udyok sa mayaman na si Rojalde na gamitin ang kanyang pera at
pahirapan pa ang ibang tauhan sa kwento.
II. GITNA
A. Tunggalian
a.Tao laban sa sarili- Ang pakikibaka ng buhay ni Luis Gat- Buhay sa kanyang
buhay at ang pakikibaka rin ni Danding sa sariling kapalaran.
b. Tao laban sa Diyos- Ang gumawa ng isang kasalanang hindi naman
kailangang gawin ay labag sa utos ng Diyos.
AIVY CLAIRE R. VIOS Setyembre 21, 2016
BEE-III
c. Tao laban sa Lipunan- Ang pagiging isang dukha ay walang ka laban-laban sa
panahon ng mga Amerikano.
B. Saglit na Kasiglahan
Ang pagsilang sa anak ni Luis at Danding na lalong ikinagalit ni
Rojalde.
D. Kasukdulan
Ninais rin ni Rojaldo na patayin ang anak ni Danding at Luis ngunit
hindi ito natuloy sapagkat nalaman ito ni Danding.
E. Kakalasan
Nagkaroon ng sunog sa kanilang bahay dahilan ng pagkawala ng ari-
arian nila at pagkawala ng malay ni Danding.
III. WAKAS
A. Paksang Diwa- Tulad ng iba pang nobelang namalasak noong 1900-20, banghay ng pag-
ibig ang nag-uugnay ng kawing-kawing na pangyayari sa nobelang Pinaglahuan. Subalit
hindi tulad ng mga nobela noon , sa pag-ibig man umikot ang banghay hinding-hindi
pag-ibig lamang an gang puno’t dulo ng katotoran nito. Katangi- tangi ang nobela sa
paggamit nito ng kumbensiyunal na banghay ng pag-ibig upang harapin at surrin ang
bagong realidad noon; ang pananakop ng mga Amerikano at ang kaakibat nitong
pagpapahalagang materialism at kapitalista.
B. Mensahe- Ang Pinaglahuan ang isa sa mga nobela na nailathala ni Faustino Aguilar na
naging tanyag sa panahon ng pananakop ng mga Americano. Naisulat ito ni Faustino
Aguilar sa kadahilanang hindi maganda ang pagtrato noon ng mga Amerikano sa mga
Pilipino at sa nobela ding ito matutunghayan natin kung ano ang naging estado ng mga
mayayaman at mga mahihirap at lalo na sa salapi na siyang umiikot sa buhay ng mga
tauhan. Sa kabilang banda, ang pag-ibig ng mga dukha sa kanilan mga kapamilya ay
walang kaparis.
Hindi dapat maging mapagsamantala ang mga nakatataas sa lipunan. Marahil sila ay
maituturing na makapangyarihan dahil sa kanilang salapi ngunit mangingbabaw pa rin
ang moralidad at asal ng isang kung ituring may dukha.
C. Paningin
a. Paningin sa karakter- ang mga tauhan na mayayaman ay umaabuso sa kanilang
pera at ang mga dukha ay nag papaabuso rin.
b. Paningin sa may- akda- Maayos ang pagkagawa ni Faustino Aguilar sa kanyang
nobela. Naibahagi niya ang totoong nangyari sa lipunan sa kanyang
kapanahunan.
c. Paningin sa Sarili- hindi ko nakikita ang sarili ko sa kahit sino mang tauhan
sapagkat ako ay isang tipong taong may paninindigan sa aking mga desisyon at
gumagawa ako ng paraan upang hindi matapakan ang aking moralidad.
D. Mga Napulot
AIVY CLAIRE R. VIOS Setyembre 21, 2016
BEE-III
Una, ay ang pagpapakita ng nobela ng pagka-unawa sa kalagayan ng bayan
sa ilalim ng imperyalismo. Ipinapakita dito kung paano ang mga tauhan ( na
nagrepresentante ng mga uri sa lipunan) ay nagtutunggalian sa ilalim ng
iskemang imperyalismo.
Ikalawa, ipinapakita ng awtor sa nobela na may mga ideolohikal na aparato
ang estado na siyang nagbubunsod sa mga tauhan na manatiling docile na
lamang. Ang mga institusyong ito rin ang nagpapanatili sa moda ng
produksyon ng mga ideolohiya ng naghaharing uri sa pamamagitan ng
pagrereprodyus nito.
Ang huli, napansin ko sa nobela na mayroon na itong abanteng pagsusuri sa
kalagayan ng mga kababaihan sa lipunan, at buhat dito ay ipinapakita ang
sitwasyon na dinadanas din ng Inang Bayan.
E. Teorya
1. Naturalismo- ang mga tauhan sa nobela ay siya ring mga aktuwal na tauhan sa
lipunan. Nariyan si Mr. Kilsberg na siyang manipestasyon ng imperyalismo. Si
Rojalde bilang representante ng Malalaking Burgarya Kumprador at mga
panginoong may lupa na siyang mga masasalapi at nakikinabang sa mga iskema
ng imperyalismo. Sila Don Nicanor Gutierrez na mga representante ng
Pambansang Burgasya. Si Luis naman ay nagrerepresante ng uring manggagawa
o sa uring anak pawis. Samantalang si Danding naman ang manipestasyon ng
lipunang Pilipino sa kaanyuan ng Inang Bayan. At yaong anak na isinilang ni
Danding ay isang rebolusyon bunga ng panawagan ng mga dukha na makamtan
ang isang tunay na kalagayan ng bayan. Ang pag-ibig ng mamamayan sa Inang
Bayan ang siyang nagluwal ng himagsikan.
2. Marxista- ang nobela ay sumasalamin din sa kung anong meron ang bansa
noong unang kapanahunan. Ang Marxismo ay isang teoryang pampanitikan na
nagpapakita ng tunggalian ng mayayaman at mahihirap, mahina at malakas,
makapangyarihan at higit sa lahat ang katunggalian ng bawat mayaman at mga
alipin.
F. Simbolismo
Salapi – Ipinahiwatig sa bahaging ito ang pagguho ng moralidad ng mga taong
nakasinhot ng tagumpay dahil sa salapi. Halos lahat ng makapangyarihan at
mayayaman ay nakokontrol nang kanilang mga salapi.
G. Pananalita (Tayutay)
Pagmamalabis – “ May isang tabak na nabibitin sa tapat ng aking ulo.”
Pagpapalit Tawag- “Isa sa siya sa mga nagpapaupa ng dunong at nalalaman sa
masalaping bumabayad ”
Pagmamalabis- “Aalis n asana ang binata sa kanyang pagkakadungaw, dapwa’t
isang alingasngas ang ikinapako ng kanyang mga titig sa isang dako ng lansangan ”.

More Related Content

What's hot

Kontemporaryong dagli
Kontemporaryong dagliKontemporaryong dagli
Kontemporaryong dagliJean Demate
 
Teoryang imahismo
Teoryang imahismoTeoryang imahismo
Teoryang imahismoEdleyte0607
 
Wlang panginoon 3 1
Wlang panginoon  3 1Wlang panginoon  3 1
Wlang panginoon 3 1lorna ramos
 
Pagsusuri sa lupang tinubuan
Pagsusuri sa lupang tinubuanPagsusuri sa lupang tinubuan
Pagsusuri sa lupang tinubuanRodel Moreno
 
ELEMENTO NG MAIKLING KWENTO
ELEMENTO NG MAIKLING KWENTOELEMENTO NG MAIKLING KWENTO
ELEMENTO NG MAIKLING KWENTOHiie XD
 
Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere
Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me TangereKaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere
Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me TangereSCPS
 
El Filibusterismo - Tauhan
El Filibusterismo - TauhanEl Filibusterismo - Tauhan
El Filibusterismo - TauhanDiane Abellana
 
kasaysayan ng sanaysay
kasaysayan ng sanaysaykasaysayan ng sanaysay
kasaysayan ng sanaysayAlLen SeRe
 
Maganda Pa Ang Daigdig
Maganda Pa Ang DaigdigMaganda Pa Ang Daigdig
Maganda Pa Ang DaigdigMingMing Davis
 
Mga Teoryang Pampanitikan
Mga Teoryang PampanitikanMga Teoryang Pampanitikan
Mga Teoryang PampanitikanAdmin Jan
 
Pagsasaling wika
Pagsasaling wikaPagsasaling wika
Pagsasaling wikaAudrey Jana
 
HALIMBAWA NG MGA DULA
HALIMBAWA NG MGA DULA HALIMBAWA NG MGA DULA
HALIMBAWA NG MGA DULA asa net
 
RIZAL - Noli Me Tangere
RIZAL - Noli Me TangereRIZAL - Noli Me Tangere
RIZAL - Noli Me TangereZarahBarrameda
 

What's hot (20)

Kontemporaryong dagli
Kontemporaryong dagliKontemporaryong dagli
Kontemporaryong dagli
 
Tatlong Maria (nobela)
Tatlong Maria (nobela)Tatlong Maria (nobela)
Tatlong Maria (nobela)
 
Tayutay
TayutayTayutay
Tayutay
 
Teoryang imahismo
Teoryang imahismoTeoryang imahismo
Teoryang imahismo
 
Pagsusuri ng nobela
Pagsusuri ng nobelaPagsusuri ng nobela
Pagsusuri ng nobela
 
Wlang panginoon 3 1
Wlang panginoon  3 1Wlang panginoon  3 1
Wlang panginoon 3 1
 
Pagsusuri sa lupang tinubuan
Pagsusuri sa lupang tinubuanPagsusuri sa lupang tinubuan
Pagsusuri sa lupang tinubuan
 
ELEMENTO NG MAIKLING KWENTO
ELEMENTO NG MAIKLING KWENTOELEMENTO NG MAIKLING KWENTO
ELEMENTO NG MAIKLING KWENTO
 
Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere
Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me TangereKaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere
Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere
 
El Filibusterismo - Tauhan
El Filibusterismo - TauhanEl Filibusterismo - Tauhan
El Filibusterismo - Tauhan
 
kasaysayan ng sanaysay
kasaysayan ng sanaysaykasaysayan ng sanaysay
kasaysayan ng sanaysay
 
Ang panitikan
Ang panitikanAng panitikan
Ang panitikan
 
TEORYANG BAYOGRAPIKAL
TEORYANG BAYOGRAPIKALTEORYANG BAYOGRAPIKAL
TEORYANG BAYOGRAPIKAL
 
Maganda Pa Ang Daigdig
Maganda Pa Ang DaigdigMaganda Pa Ang Daigdig
Maganda Pa Ang Daigdig
 
Noli me tangere
Noli me tangereNoli me tangere
Noli me tangere
 
Mga Teoryang Pampanitikan
Mga Teoryang PampanitikanMga Teoryang Pampanitikan
Mga Teoryang Pampanitikan
 
Dagli
DagliDagli
Dagli
 
Pagsasaling wika
Pagsasaling wikaPagsasaling wika
Pagsasaling wika
 
HALIMBAWA NG MGA DULA
HALIMBAWA NG MGA DULA HALIMBAWA NG MGA DULA
HALIMBAWA NG MGA DULA
 
RIZAL - Noli Me Tangere
RIZAL - Noli Me TangereRIZAL - Noli Me Tangere
RIZAL - Noli Me Tangere
 

Similar to Pagsusuri sa pinaglahuan ( vi os)

Rizal 110721032655-phpapp01
Rizal 110721032655-phpapp01Rizal 110721032655-phpapp01
Rizal 110721032655-phpapp01angevil66
 
Ang mga-babae-sa-buhay-ni-rizal
Ang mga-babae-sa-buhay-ni-rizal Ang mga-babae-sa-buhay-ni-rizal
Ang mga-babae-sa-buhay-ni-rizal BryanYhap
 
The women he loved before josephine bracken
The women he loved before josephine brackenThe women he loved before josephine bracken
The women he loved before josephine brackenSuzainna General
 
Mga bantog na manunulat
Mga bantog na manunulatMga bantog na manunulat
Mga bantog na manunulatArlyn Anglon
 
RIZAL-LIFE-KABANATA/ Kabiguan sa Katarungan-13.pptx
RIZAL-LIFE-KABANATA/ Kabiguan sa Katarungan-13.pptxRIZAL-LIFE-KABANATA/ Kabiguan sa Katarungan-13.pptx
RIZAL-LIFE-KABANATA/ Kabiguan sa Katarungan-13.pptxMonikaJust1
 

Similar to Pagsusuri sa pinaglahuan ( vi os) (14)

Canal De La Reina
Canal De La ReinaCanal De La Reina
Canal De La Reina
 
Canal De La Reina
Canal De La ReinaCanal De La Reina
Canal De La Reina
 
Ibong Mandaragit at Kuko ng Liwanag
Ibong Mandaragit at Kuko ng LiwanagIbong Mandaragit at Kuko ng Liwanag
Ibong Mandaragit at Kuko ng Liwanag
 
Ibong Mandaragit at Kuko ng Liwanag
Ibong Mandaragit at Kuko ng LiwanagIbong Mandaragit at Kuko ng Liwanag
Ibong Mandaragit at Kuko ng Liwanag
 
Rizal
RizalRizal
Rizal
 
Rizal 110721032655-phpapp01
Rizal 110721032655-phpapp01Rizal 110721032655-phpapp01
Rizal 110721032655-phpapp01
 
Ang mga-babae-sa-buhay-ni-rizal
Ang mga-babae-sa-buhay-ni-rizal Ang mga-babae-sa-buhay-ni-rizal
Ang mga-babae-sa-buhay-ni-rizal
 
Mary rose grande
Mary rose grandeMary rose grande
Mary rose grande
 
Canal de-la-reina
Canal de-la-reinaCanal de-la-reina
Canal de-la-reina
 
Fort santiago
Fort santiagoFort santiago
Fort santiago
 
Kabanata19and20.pptx
Kabanata19and20.pptxKabanata19and20.pptx
Kabanata19and20.pptx
 
The women he loved before josephine bracken
The women he loved before josephine brackenThe women he loved before josephine bracken
The women he loved before josephine bracken
 
Mga bantog na manunulat
Mga bantog na manunulatMga bantog na manunulat
Mga bantog na manunulat
 
RIZAL-LIFE-KABANATA/ Kabiguan sa Katarungan-13.pptx
RIZAL-LIFE-KABANATA/ Kabiguan sa Katarungan-13.pptxRIZAL-LIFE-KABANATA/ Kabiguan sa Katarungan-13.pptx
RIZAL-LIFE-KABANATA/ Kabiguan sa Katarungan-13.pptx
 

More from Aivy Claire Vios

Organization and administration of guidance
Organization and administration of guidanceOrganization and administration of guidance
Organization and administration of guidanceAivy Claire Vios
 
Fundamentals of Guidance Counseling
Fundamentals of Guidance CounselingFundamentals of Guidance Counseling
Fundamentals of Guidance CounselingAivy Claire Vios
 
Organization and Administration of Guidance
Organization and Administration of GuidanceOrganization and Administration of Guidance
Organization and Administration of GuidanceAivy Claire Vios
 
Techniques in Guidance Program
Techniques in Guidance ProgramTechniques in Guidance Program
Techniques in Guidance ProgramAivy Claire Vios
 
Philippine Madrigal Singers
Philippine Madrigal SingersPhilippine Madrigal Singers
Philippine Madrigal SingersAivy Claire Vios
 
Togo (report in Geography)
Togo (report in Geography) Togo (report in Geography)
Togo (report in Geography) Aivy Claire Vios
 
Rizal,s Grand Tour in Europe with Viola (1887)
Rizal,s Grand Tour in Europe with Viola (1887)Rizal,s Grand Tour in Europe with Viola (1887)
Rizal,s Grand Tour in Europe with Viola (1887)Aivy Claire Vios
 
Storytelling with Puppets and Marionettes and other storytelling techniques
Storytelling with Puppets and Marionettes and other storytelling techniquesStorytelling with Puppets and Marionettes and other storytelling techniques
Storytelling with Puppets and Marionettes and other storytelling techniquesAivy Claire Vios
 
Ang mga makata sa ilaw at panitik
Ang mga makata sa ilaw at panitikAng mga makata sa ilaw at panitik
Ang mga makata sa ilaw at panitikAivy Claire Vios
 
disturbance and diversity in Temperate Grassland
disturbance and diversity in Temperate Grasslanddisturbance and diversity in Temperate Grassland
disturbance and diversity in Temperate GrasslandAivy Claire Vios
 
Plastic and Fire Hazards (Chemistry)
Plastic and Fire Hazards (Chemistry)Plastic and Fire Hazards (Chemistry)
Plastic and Fire Hazards (Chemistry)Aivy Claire Vios
 
Categories of curriculum change(report in curr d ev)
Categories  of curriculum change(report in  curr d ev)Categories  of curriculum change(report in  curr d ev)
Categories of curriculum change(report in curr d ev)Aivy Claire Vios
 

More from Aivy Claire Vios (19)

The reader
The readerThe reader
The reader
 
Speech english(103 a)
Speech  english(103 a)Speech  english(103 a)
Speech english(103 a)
 
Le miserables
Le miserablesLe miserables
Le miserables
 
Artificial intelligence
Artificial intelligence Artificial intelligence
Artificial intelligence
 
Organization and administration of guidance
Organization and administration of guidanceOrganization and administration of guidance
Organization and administration of guidance
 
Fundamentals of Guidance Counseling
Fundamentals of Guidance CounselingFundamentals of Guidance Counseling
Fundamentals of Guidance Counseling
 
Organization and Administration of Guidance
Organization and Administration of GuidanceOrganization and Administration of Guidance
Organization and Administration of Guidance
 
Techniques in Guidance Program
Techniques in Guidance ProgramTechniques in Guidance Program
Techniques in Guidance Program
 
Guidance Personnel
Guidance PersonnelGuidance Personnel
Guidance Personnel
 
Types of Counseling
Types of CounselingTypes of Counseling
Types of Counseling
 
Flash of genius (vios)
Flash of genius (vios)Flash of genius (vios)
Flash of genius (vios)
 
Philippine Madrigal Singers
Philippine Madrigal SingersPhilippine Madrigal Singers
Philippine Madrigal Singers
 
Togo (report in Geography)
Togo (report in Geography) Togo (report in Geography)
Togo (report in Geography)
 
Rizal,s Grand Tour in Europe with Viola (1887)
Rizal,s Grand Tour in Europe with Viola (1887)Rizal,s Grand Tour in Europe with Viola (1887)
Rizal,s Grand Tour in Europe with Viola (1887)
 
Storytelling with Puppets and Marionettes and other storytelling techniques
Storytelling with Puppets and Marionettes and other storytelling techniquesStorytelling with Puppets and Marionettes and other storytelling techniques
Storytelling with Puppets and Marionettes and other storytelling techniques
 
Ang mga makata sa ilaw at panitik
Ang mga makata sa ilaw at panitikAng mga makata sa ilaw at panitik
Ang mga makata sa ilaw at panitik
 
disturbance and diversity in Temperate Grassland
disturbance and diversity in Temperate Grasslanddisturbance and diversity in Temperate Grassland
disturbance and diversity in Temperate Grassland
 
Plastic and Fire Hazards (Chemistry)
Plastic and Fire Hazards (Chemistry)Plastic and Fire Hazards (Chemistry)
Plastic and Fire Hazards (Chemistry)
 
Categories of curriculum change(report in curr d ev)
Categories  of curriculum change(report in  curr d ev)Categories  of curriculum change(report in  curr d ev)
Categories of curriculum change(report in curr d ev)
 

Recently uploaded

Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptxKalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptxLucy Datuin
 
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptxaraling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptxfedelgado4
 
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............AljayGanda
 
G9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptx
G9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptxG9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptx
G9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptxCharmaineMacailan1
 
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptx
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptxESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptx
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptxChristineJaneWaquizM
 
6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf
6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf
6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdfEdbrianMarkMApostol
 
Q4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAY
Q4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAYQ4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAY
Q4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAYYamAltib
 
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYAIBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYANaennylMTanuban
 
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...erickacalugcugan001
 
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)RonalynGatelaCajudo
 
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptxMga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptxKristineMolina10
 
Pagbasa at Pagsusuri 2.1.pdfNNNNNNNNNNNN
Pagbasa at Pagsusuri 2.1.pdfNNNNNNNNNNNNPagbasa at Pagsusuri 2.1.pdfNNNNNNNNNNNN
Pagbasa at Pagsusuri 2.1.pdfNNNNNNNNNNNNRenzlorezo
 
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptx
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptxaralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptx
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptxJeneferSaloritos
 
DLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docx
DLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docxDLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docx
DLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docxMaryGraceSepida1
 
SEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptx
SEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptxSEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptx
SEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptxDahlvinJaro
 
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptx
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptxESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptx
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptxElmaPBasilio
 
Baitang 8 Tungkol sa Florante at Laura.pptx
Baitang 8 Tungkol sa Florante at Laura.pptxBaitang 8 Tungkol sa Florante at Laura.pptx
Baitang 8 Tungkol sa Florante at Laura.pptxGerlynSojon
 
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdfFiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdfYollySamontezaCargad
 
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for educationNoli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for educationkimdavidmerana03
 
564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx
564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx
564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptxYollySamontezaCargad
 

Recently uploaded (20)

Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptxKalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
 
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptxaraling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
 
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............
 
G9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptx
G9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptxG9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptx
G9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptx
 
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptx
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptxESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptx
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptx
 
6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf
6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf
6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf
 
Q4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAY
Q4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAYQ4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAY
Q4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAY
 
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYAIBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
 
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
 
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)
 
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptxMga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
 
Pagbasa at Pagsusuri 2.1.pdfNNNNNNNNNNNN
Pagbasa at Pagsusuri 2.1.pdfNNNNNNNNNNNNPagbasa at Pagsusuri 2.1.pdfNNNNNNNNNNNN
Pagbasa at Pagsusuri 2.1.pdfNNNNNNNNNNNN
 
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptx
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptxaralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptx
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptx
 
DLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docx
DLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docxDLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docx
DLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docx
 
SEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptx
SEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptxSEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptx
SEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptx
 
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptx
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptxESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptx
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptx
 
Baitang 8 Tungkol sa Florante at Laura.pptx
Baitang 8 Tungkol sa Florante at Laura.pptxBaitang 8 Tungkol sa Florante at Laura.pptx
Baitang 8 Tungkol sa Florante at Laura.pptx
 
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdfFiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
 
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for educationNoli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
 
564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx
564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx
564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx
 

Pagsusuri sa pinaglahuan ( vi os)

  • 1. AIVY CLAIRE R. VIOS Setyembre 21, 2016 BEE-III PAGSUSURI SA Pinaglahuan (Nobela ni Faustino Aguilar) Buod ng Nobela Nang umagang yaon ng ika-19 ng Oktubre ng 1990 ang maluwag na lansangan ng Cervantes ay nagsisikip sa tao. Walang maluwag- luwag kundi ang pinakagitna na siyang pinaglalagusan ng magagarang karwahe, kalesa at kalesang kinasasakyan ng lalo pang magarang mga maginoo na kung hindi sa mga pulis na nagbabantay roon ay nangag-utos marahil sa kani- kanilang kotserong sagasin ang gayong kakapal na taong nakakaabala pa sa kanilang paglakad. Nagsimula ang nobela sa paglalarawan ng maraming taong nakatayo sa lansangang Cervantes at naghihintay sa pagbubukas ng Dulaang Opera upang daluhan ang malaking pulong na iyon sapagkat ayon kay Aguilar, “ Bayan ang tumawag at bayan ang dumalo.” Subalit nabigo ang taong bayan ; hindi pumayag ang may-ari ng teatro na ipagamit ito sa kanila dahil sa pag-iwas na masangkot sa pag-uusig ng pamahalaang walang tainga sa panawagan ng bayan upang makamtan ang kalayaan mula sa mga Amerikano. Hindi naman nawalan ng loob ang nagsindalo. Nagpaibang- araw sila at ipinagpaliban na lamang nila ang pakikibaka. Samantala, sa paghihintay rin sa pulong na iyon , nagtagpo sa unang pagkakataon ang pangunahing tauhan ng nobela, si Luis Gat- Buhay at si Don Nicanor Gutierrez, ama ng kanyang kasintahang si Eduarda (Danding) at kilalang may kaya sa lungsod. Sakay ang Don ng kanyang karwaheng walang habas at paragasang dumaraan sa Cervantes. Pinigil ni Luis ang karwahe sa pagsisikap na huwag makasagasa ng mga taong nagtitipon sa harap ng dulaan. Nagpatuloy ang nobela sa pagdating ni Don Nicanor sa kanyang bahay sa tayuman kung saan ginaganap naman ang isang piging. Naroroon ang ilang kumakatawan sa naghaharing-uri noong panahong iyon. Si Victorino Rojalde, ang mangangalakal at kapitalistang aral sa lalong mabibisang paraan ng pagpapatubo na natutuhan niya sa madalas na paglalakbay sa pinakamasisiglang sentro ng komersiyo sa buong mundo; si Juancho Balani, kilalang sugarol; si Manuel Barrientos, ang madasaling notary na pikit- mata kung magpakalango; at si Nora Titay, ang may-bahay ni Don Nicanor na lagging siyang-siya sa pag-aasikaso sa ganitong uri ng panauhin. Kainan, inuman, at pagsusugal ang inatupag ng marami sa piging na iyon- malaking katumbalikan ng naganap sa mga bigong naghintay sa harap ng Dulaang Opera. Isang gabi pagkaraan, nagtagpo ng lihim sina Luis at Danding sa tahanan ng huli. Ipinaalam ni Danding sa kasintahan kung paanong ipinagkasundo na siya ay ipakasal ng kaniyang mga magulang kay Rojalde. Inamin ng dalaga na bagaman mahal niya ang binata, hindi naman niya matatalikuran ang kanyang tungkuling tumalima sa mga magulang na itinuturing niyang pangalawang Diyos dito sa lupa. Nanggipuspos si Luis sa ganitong narinig sa katipan subalit wala siyang nagawa kundi tanggapin ang pasya nito. Sa halip na si Danding ang sisihin, sinabi niyang ang salapi ang humusga ng kaniyang karapatang angkinin si Danding dahil karaniwang empleyado lamang siya, at ang pananampalataya ang umagaw sa laya ni Danding na piling pakasalan ang lalaking minamahal. Noong gabing iyon, naghiwalay ang magkatipan nang nagkakaunawaang walang kahihinatnang anuman ang kanilang pag-iibigan. Dalawang araw pa lamang nakararaan, si Don Nicanor at Nora Titay ay nag-usap na nang masinsinan tungkol sa kung paano mapipilit ng huli ang anak na si Danding na tanggapin ang pagpapakasal kay Rojalde. Idiniin ng lalaki sa asawa na hinding-hindi niya mapapayagang mapakasal kay Luis ang dalaga. At wala nang higit na mabigat
  • 2. AIVY CLAIRE R. VIOS Setyembre 21, 2016 BEE-III pang dahilan kaysa pagpapautang niya ng sampung libong piso kay Rojalde upang tanggapin ni Danding ang pag-ibig nito. Nagtagumpay naman ang layon ng mag-asawa. Nang mismomg si Rojalde na ang nagsadya sa tahanan ng mga Gutierrez upang ipaala-ala sa Don ang kanilang napagkayarian, hindi tinantanan ng Ina ang anak hanggang hindi ito pumapayag na magpakasal sa mayamang mangangalakal. Sa buwan ng Mayo itinakda ang pag-iisang dibdib na naging paksa ng usap-usapan ng balanang nakakilala sa pamilyang Gutierrez at sa ngalang Victorino Rojalde. Mula nang mapabalita nang opisyal ang pangyayaring ito, araw-araw at gabi ang ginagawang pagdalaw ni Rojalde kay Danding. Sa malaking kabiguan ni Rojalde, hindi magawang pagpapakitaan ni Danding ng mainam man lamang na pagtanggap ang binate. Sa halip, ipinamukha niya rito ang katotohanang si Luis na karaniwang kawani lamang ang kanyang iniibig at kailanman, walang ano mang pag-ibig na maasahan si Rojalde sa kanya. Napakapait ng katotohanang ito para kay Rojalde. Unang-una, sapagkat mahal niya si Danding at likas lamang na ihanap niya ng tugon ang pagmamahal na ito sa dalaga. Ikalawa, sapagkat malaki na ang puhunan niya kay Danding. Bukod sa pagkakautang ng ama nito sa kanya, nakabili na siya sa Santana ng magiging tahanan nila ni Danding sa sandaling makasal sila, at nalamanan na ito ng magagarang kasangkapan at kagamitan. At ikatlo, sapagkat kalat na sa kaniyang mga amigo ang tungkol sa kanilang kasal ni Danding. Ang pag-urong sa gayong usapan, bukod sa pagiging kahiya-hiya ay hindi makatawiran. Datapwa, hindi rin naman maaaring ipagsintabi na lamang ng isang kasingyaman ni Rojalde ang gayong kapalaran. Hindi ito mapapayagan ng matindi niyang egoism at ng labis na pagdaramdam sa tuwing maaalalang kailanan, hindi siya maiibig ng babaeng kanya pa naming pakakasalan. Paghihiganti kay Luis ang kanyang naging alternatibo. Sa isang piging nga sa Malacanang nabuo ang balak ni Rojalde. Dito, kasama ang mga may mataas na posisyon sa pamahalaan at ang mayayamang mangangalakal na Pilipino at Amerikano, kinausap ni Rojalde si Mr. Kilsberg, ang may-ari ng bahay-kalakal na pinapasukan n Luis. Sinulsulan ni Rojalde ang kapitalistang Americano na taggalin sa trabaho si Luis dahil sa pagmumulat nito sa mga manggagawa ng tungkol sa di-makatarungang palakad ng Amerikano sa sariling kompanya. Ipinatawag nga nang minsan ni Mr. Kilsberg si Luis. Sa naganap na pagtatalo nila tungkol sa puhunan at paggawa, nag-init ang ulong una at nagwakas ang lahat sa pagpapalipas kay Luis sa kanyang trabaho. Hindi pa rin nakisaya kay Rojalde ang pangyayaring ito, lalo na’t paulit-ulit na tinatanggihan ni Danding nag kanyang pag-ibig. Sa pamamagitan ng pakikipagsabwatan sa sota niyang si Pedro na binayaran niya ng malaking halaga, nakalikha siya ng pakana upang palabasing pinagnakawan siya ni Luis. Ang resulta, nakulong nga sa bilibid si Luis sa bintang na pagnanakaw. Subalit bigo parin si Rojalde hanggang wakas. Pagkatapos ng maringal na pakikipag-isang dibdib niya kay Danding at pagkagaling nila sa pagliliwaliw sa bansang Hapon, pagkaraan lamang ng pitong buwan, nagsilang ng malusog na sanggol na lalaki si Danding. Hindi mawari ni Rojalde kung paano niya magiging anak ang gayong kalusog na bata gayong pitong buwan pa lamang silang nakakasal. Sinangguni niya si Dr. Reina at napatunayang hindi nga pitong buwan lamang ang bata. At nang maunawaang hindi nga siya ang ama ng sanggol ni Danding, halos mabaliw siya sa pagkamuhi kay Danding at kay Luis. Halos lumipad ang diwa niya pagkaunawang siya na nagtataglay ng maraming salapi at ari-arian ay nakapag-asawa ng babaeng walang pag-ibig sa kanya at siya ay tatawaging ama ng sanggol na hindi kanya. Samantala, pitong buwan na ring napipiit si Luis sa bilibid. Kilala na lamang siya sa bilang na 5.740. Doon, tuwing gabi, ilang ulit niyang pinagmunimunihan ang walang katwirang pagkarool ng
  • 3. AIVY CLAIRE R. VIOS Setyembre 21, 2016 BEE-III marami pang tulad niya. SA araw naman, kasama niya ang marami pang kapwa bilanggo na nagtutulung-tulongan sa pag-aayos ng mga kalsada ng kamaynilaan. Nagtuloy-tuloy naman ang kaguluhan ng isip ni Rojalde hanggang sa tangkain niyang patayin ang anak ni Danding. Subalit nagising ang Ina, at nabigo ang lalaking wala nang malamang gawin sa labis na pagdaramdam sa kapalarang kanyang sinapit. Tuliro sijyang nagpakalubog-lubog sa paninimdim. At sa kabila ng paghihiyawan at pagkakagulo dahil sa sunog ng nagaganap sa malapit sa kanyang tahanan, wala siyang pagkatinag. Sa kabutihang palad sa tulong ng mga kaibigang dumalo, nailabas siya at ang kanyang pamilya sa nasusunog na bahay. Bagaman nakaligtas si Rojalde at ang kanyang pamilya sa sunog, hindi naman nasagip ang magarang bahay ng mangangalakal at ano man sa salapi at mamahaling palamuting naroroon. Labis ding nasindak si Danding ng pangyayari, kaya pagkatapos ng sunog, bagaman may tibok ang kanyang pulso, ay hindi pa rin siya pinagbabalikan ng malay. Si Rojalde na nabaghan naman sa kalagayan ng minamahal na asawa ay nagbalik sa sariling bait. Kasabay ang magulang ni Danding, si Dr. Reina, at ilang kaibigan, hinihintay na magkamalay ang maputlang-maputlang ina. Sa kabilang dako, nasaksihan din ng grupo ng mga bilanggong kinabibilangan ni Bilang 5.740, ang malaking sunog na naganap. Sa kanilang panonood , may biglang sumabog na dinamita na ginagamit nila sa pagbubutas ng kalsadang inaayos. Nakasama sa bilang na tinamaan si Luis. At samantalang hinihintay nila Rojalde ang muling pagkamalay nang mahinang-mahinang si Danding, nalagutan naman ng hininga ang bilanggong bilang 5.740. I. Simula A. Mga Tauhan 1. Luis Gat- Buhay- Isang binatang may 24 na taon. Ulila at siyang nagkakalinga sa kanyang mga kapatid. Siya ay isang taong may pananaw sa sarili lalo na sa kanyang lipunan kahit siya ay isang dukha lamang ay ni rerespeto parin niya ang pagpapatakbo ng pamahalaan. 2. Eduarda Gutierrez ( Danding ) – nag-iisang anak na dilag nina Don Nicanor at Donya Tiyay. Maganda, Mabait at masunurin na dilag na umiibig kay Luis Gat-Buhay. Pinilit siyang ipakasal sa mayaman na binatang si Victorino Rojalde. Dahil sa pagkakaroon ng utang ng kanyang ama ay siya ang naging kabayaran. Ang pagmamahal niaya kay Luiz ay pang hahabambuhay. Binigay niya ang kanyang buong pagkatao sa minamahal niya at di nagtagal kahit siay ay nakasal kay Rojalde dala niya parin ang tamis na alaala ng kanilang pagmamahalan ang naging bunga ng kanilang pag-ibig. 3. Victorino Rojalde – Ang mangangalakal at kapitalista. Isang sobrang mayaman na binata. Nakukuha niya ang lahat sa pamamagitan ng kanyang salapi ngunit nabigo siyang makuha ang pagmamahal ni Danding kahit sial ay kasal na. Gumawa siya ng paraan upang pahirapan si Luis at mawala ito ng landas. 4. Don Nicanor Gutirrez- ama ni Danding. Nalulong siya sa sugal at upang makabayad ay pinilit niyang ipakasal ang kanyang anak sa mayamang si Rojalde. Iniisip lamang niya ang kanyang sariling kapakanan. 5. Donya Titay- Ang ina ni Danding. Inang hindi marunong tumingin sa kaligayahan ng anak na ang iniisip ay salapi lamang. 6. Dupilas, Ginoong Barrientos at Balani- ang mga malalapit ba kaibigan ni Rojalde.
  • 4. AIVY CLAIRE R. VIOS Setyembre 21, 2016 BEE-III 7. Roman- Ang kotsero ni Rojalde, na may pilat na minsang pinalo siay ni Rojalde na malaki rin ang galit sa mga taong mayayaman dahil sa pagka matapobre. 8. Gunday- Naglilingkod sa tahanan ni Rojalde. 9. Mang Simo- Isang matanda na naging tauhan ni Rojalde nang minsan din ay pinalayas na parang hayop kung kayat malaki din ang kanyang gali kay Rojalde. 9. Pedro- Isang taga sunod ni Rojalde na siay ring dahilan ng pagkakulong ni Luis. Siay ay isang dukha at guamwa ng masama upang magkapera. 10. Mr. Kilsberg- May ari ng bahay kalalkal na pinagtatrabahuan ni Luis, na siya ring tumistigo laban kay Luis sa pagnanakaw sa tahanan ni Rojalde sa kadahilanang malaki rin ang kanyang galit nito dahji sa pagtuturo ng kung ano-ano sa mga maggagawa. 11. Ginoong Candelaria- Isang hamak na pinuno sa isang lalawigan na may balngkas sa kanyang pagpapatakbo ng kanyang lungsod na ipadakip umano ang mga punong labas. 12. Benitez Draga- Isang punong-lalawigan na maibigin sa baying siyang bumili ng may sampung libong baril sa isang sakim na pinunong hukbo. 13. Dr. Cuating (Tortuato)- Nakilala ni Rojalde sa isang okasyon. 14. Ramirez- Kawani sa isang bahay kalakal 15. Vagues at iba pang kasamahan nito- kasamahan ni Rojalde sa isang bar. 16. Carlos- isa sa mga kotsero ni Rojalde 17. Nora Justina- pinsan ni Luis na nilapitan nila para sila’y makahingi ng tulong upang makalya si Luis ngunit indi sila tinulungan. 18. Aling Toyang- Ang siyang gumagabay sa pamilya ni Luis na kahit siya ay matanda na ay inaalagaan niya parin sila. 19. Mga babaeng kapatid- mga kapatid ni Luis na umaasa sa kanyang kita. B. TAGPUAN - Sa lansangan ng Cervantes - Bilibid - Sa loob ng Bar - Bahay ni Rojalde - Sa kalsada - Malacanang C. SULIRANIN Ang paggamit ng mayayaman sa kanilang salapi upang makamit ang lahat na kanilang gusto at ang pagpapaabuso ng mga dukha sa may pera at ang pagkalulong sa sugal ng ama ni Danding ang nag- udyok sa mayaman na si Rojalde na gamitin ang kanyang pera at pahirapan pa ang ibang tauhan sa kwento. II. GITNA A. Tunggalian a.Tao laban sa sarili- Ang pakikibaka ng buhay ni Luis Gat- Buhay sa kanyang buhay at ang pakikibaka rin ni Danding sa sariling kapalaran. b. Tao laban sa Diyos- Ang gumawa ng isang kasalanang hindi naman kailangang gawin ay labag sa utos ng Diyos.
  • 5. AIVY CLAIRE R. VIOS Setyembre 21, 2016 BEE-III c. Tao laban sa Lipunan- Ang pagiging isang dukha ay walang ka laban-laban sa panahon ng mga Amerikano. B. Saglit na Kasiglahan Ang pagsilang sa anak ni Luis at Danding na lalong ikinagalit ni Rojalde. D. Kasukdulan Ninais rin ni Rojaldo na patayin ang anak ni Danding at Luis ngunit hindi ito natuloy sapagkat nalaman ito ni Danding. E. Kakalasan Nagkaroon ng sunog sa kanilang bahay dahilan ng pagkawala ng ari- arian nila at pagkawala ng malay ni Danding. III. WAKAS A. Paksang Diwa- Tulad ng iba pang nobelang namalasak noong 1900-20, banghay ng pag- ibig ang nag-uugnay ng kawing-kawing na pangyayari sa nobelang Pinaglahuan. Subalit hindi tulad ng mga nobela noon , sa pag-ibig man umikot ang banghay hinding-hindi pag-ibig lamang an gang puno’t dulo ng katotoran nito. Katangi- tangi ang nobela sa paggamit nito ng kumbensiyunal na banghay ng pag-ibig upang harapin at surrin ang bagong realidad noon; ang pananakop ng mga Amerikano at ang kaakibat nitong pagpapahalagang materialism at kapitalista. B. Mensahe- Ang Pinaglahuan ang isa sa mga nobela na nailathala ni Faustino Aguilar na naging tanyag sa panahon ng pananakop ng mga Americano. Naisulat ito ni Faustino Aguilar sa kadahilanang hindi maganda ang pagtrato noon ng mga Amerikano sa mga Pilipino at sa nobela ding ito matutunghayan natin kung ano ang naging estado ng mga mayayaman at mga mahihirap at lalo na sa salapi na siyang umiikot sa buhay ng mga tauhan. Sa kabilang banda, ang pag-ibig ng mga dukha sa kanilan mga kapamilya ay walang kaparis. Hindi dapat maging mapagsamantala ang mga nakatataas sa lipunan. Marahil sila ay maituturing na makapangyarihan dahil sa kanilang salapi ngunit mangingbabaw pa rin ang moralidad at asal ng isang kung ituring may dukha. C. Paningin a. Paningin sa karakter- ang mga tauhan na mayayaman ay umaabuso sa kanilang pera at ang mga dukha ay nag papaabuso rin. b. Paningin sa may- akda- Maayos ang pagkagawa ni Faustino Aguilar sa kanyang nobela. Naibahagi niya ang totoong nangyari sa lipunan sa kanyang kapanahunan. c. Paningin sa Sarili- hindi ko nakikita ang sarili ko sa kahit sino mang tauhan sapagkat ako ay isang tipong taong may paninindigan sa aking mga desisyon at gumagawa ako ng paraan upang hindi matapakan ang aking moralidad. D. Mga Napulot
  • 6. AIVY CLAIRE R. VIOS Setyembre 21, 2016 BEE-III Una, ay ang pagpapakita ng nobela ng pagka-unawa sa kalagayan ng bayan sa ilalim ng imperyalismo. Ipinapakita dito kung paano ang mga tauhan ( na nagrepresentante ng mga uri sa lipunan) ay nagtutunggalian sa ilalim ng iskemang imperyalismo. Ikalawa, ipinapakita ng awtor sa nobela na may mga ideolohikal na aparato ang estado na siyang nagbubunsod sa mga tauhan na manatiling docile na lamang. Ang mga institusyong ito rin ang nagpapanatili sa moda ng produksyon ng mga ideolohiya ng naghaharing uri sa pamamagitan ng pagrereprodyus nito. Ang huli, napansin ko sa nobela na mayroon na itong abanteng pagsusuri sa kalagayan ng mga kababaihan sa lipunan, at buhat dito ay ipinapakita ang sitwasyon na dinadanas din ng Inang Bayan. E. Teorya 1. Naturalismo- ang mga tauhan sa nobela ay siya ring mga aktuwal na tauhan sa lipunan. Nariyan si Mr. Kilsberg na siyang manipestasyon ng imperyalismo. Si Rojalde bilang representante ng Malalaking Burgarya Kumprador at mga panginoong may lupa na siyang mga masasalapi at nakikinabang sa mga iskema ng imperyalismo. Sila Don Nicanor Gutierrez na mga representante ng Pambansang Burgasya. Si Luis naman ay nagrerepresante ng uring manggagawa o sa uring anak pawis. Samantalang si Danding naman ang manipestasyon ng lipunang Pilipino sa kaanyuan ng Inang Bayan. At yaong anak na isinilang ni Danding ay isang rebolusyon bunga ng panawagan ng mga dukha na makamtan ang isang tunay na kalagayan ng bayan. Ang pag-ibig ng mamamayan sa Inang Bayan ang siyang nagluwal ng himagsikan. 2. Marxista- ang nobela ay sumasalamin din sa kung anong meron ang bansa noong unang kapanahunan. Ang Marxismo ay isang teoryang pampanitikan na nagpapakita ng tunggalian ng mayayaman at mahihirap, mahina at malakas, makapangyarihan at higit sa lahat ang katunggalian ng bawat mayaman at mga alipin. F. Simbolismo Salapi – Ipinahiwatig sa bahaging ito ang pagguho ng moralidad ng mga taong nakasinhot ng tagumpay dahil sa salapi. Halos lahat ng makapangyarihan at mayayaman ay nakokontrol nang kanilang mga salapi. G. Pananalita (Tayutay) Pagmamalabis – “ May isang tabak na nabibitin sa tapat ng aking ulo.” Pagpapalit Tawag- “Isa sa siya sa mga nagpapaupa ng dunong at nalalaman sa masalaping bumabayad ” Pagmamalabis- “Aalis n asana ang binata sa kanyang pagkakadungaw, dapwa’t isang alingasngas ang ikinapako ng kanyang mga titig sa isang dako ng lansangan ”.