4. AmadoV.Hernandez
Kaarawan: Setyembre 13, 1903
Paaralan: Manila High School sa
Gagalangin, Tundo, Maynila
at American Correspondence
School
Mga Magulang: Juan
Hernandez at Clara Vera
Asawa: Honorata “Atang” dela
Rama na tinaguriang "Reyna ng
Kundiman"
6. Amado V. Hernandez
Makata ng Manggagawa
Nakilahok siya sa kilusang
manggagawa noong dekada
1940–1950
7. Amado V. Hernandez
Kabilang sa mga aklat ni Hernadez
ang sumusunod:
• Bayani (1928)
• Ibong Mandaragit (1969);
• 'Luha ng Buwaya (1972);
• Muntinlupa (1957);
• Hagdan sa Bahaghari (1958)
8. Mga Ibong Mandaragit
Amando V. Hernandez
• Andoy / Mando Plaridel
• Hapones
• Tata Matias
• Simoun at Padre florentino
• Kardo
• Martin
• Tata Pastor at si Puri
• Dolly Montero
• Don Segundo at Donya Julia
• Tata Pastor
9. Luha ng Buwaya
Amando V. Hernandez
Umiikot ang kwento ng Luha ng Buwaya sa tunggalian ng
mayayamang may-ari ng lupa at ng kanilang mga inaaping
magsasaka sa bayan ng Sampilong ilang taon matapos ang
pananakop ng mga Hapones.
Mga Tauhan:
-Maestro Bandong Cruz
-Don Severo at Donya Leona Grande
-Jun at Ninet(anak nila Don Severo at Donya Leona Grande)
-Dislaw(isang katiwala ng mga grande karibal ni Bandong)
-Pina (nililigawan ni Bandong)
- Andres(Kasamahan nila na tunay na may ari ng lupa ng
mga Grade)
10. Amado V. Hernandez
BAYANI
ni Amado V. Hernandez
12 pantig bawat taludtod
Ako'y manggagawa: butil ng buhangin
sa daa'y panambak, sa templo'y gamit din;
buhay ko'y sa Diyos utang nga marahil,
ngunit ang palad ko'y utang din sa akin.
Alam ko ang batas: "Tao, manggagaling
sa sariling pawis ang iyong kakanin."
11. Amado V. Hernandez
Hubad ang daigdig nang ako'y
sumilang
at pikit ang mata ng
sangkatauhan:
dahilan sa aki'y kaharia't bayan
ang nangapatayo sa bundok at
ilang,
aking pinasikat sa gabi ang araw
at tinanlawan ko ang diwa't ang
buhay.
12. Amado V. Hernandez
Ako ang nagbangon ng Gresya at Roma,
ako ang nagbagsak sa palalong Troya;
ang mga kamay ko'y martilyo't sandata
–
pambuo't panggiba ng anumang pita!
Kung may kayamanan ngayong nakikita,
paggawa ko'y siyang pinuhunan muna!
13. Amado V. Hernandez
Ako'y isang haring walang trono't
putong,
panginoong laging namamanginoon,
daming pinagpalang binigyan ng
milyon
ay ako't ako ring itong pataygutom;
sila ay sa aking balikat tumuntong,
naging Mamo't Nabod ang dati kong
ampon!
14. Amado V. Hernandez
Sambundok na ginto ang aking
dinungkal,
kahi't na kaputol, di binahagihan!
ang aking inani'y sambukiring palay,
nguni't wala akong isaing man
lamang!
ang buhay ng iba'y binibigyang-buhay
habang nasa bingit ako ng libingan!
15. Amado V. Hernandez
Ang luha ko't dugo'y ibinubong pawa
sa lupang sarili, nguni't nang lumaya,
ako'y wala kahi't sandakot na lupa!
Kung may tao't bayang nangaging
dakila,
karaniwang hagda'y akong
Manggagawa,
nasa putik ako't sila'y sa dambana!
16. Amado V. Hernandez
Kung kaya sumulong ang ating
daigdig,
sa gulong ng aking mga pagsasakit;
nilagyan ang tao ng pakpak at bagwis,
madaling nag-akyat-manaog sa langit;
saliksik ang bundok, ang bangin at
yungib,
ang kailaliman ng dagat, saliksik!
17. Amado V. Hernandez
Ang mga gusali, daan at sasakyan,
ay niyaring lahat ng bakal kong
kamay;
sa tuklas kong lakas – langis, uling,
bakal,
naghimala itong industria't kalakal;
nguni't lumawak din naman ang
pagitan
ng buhay at ari... nasupil ang buhay!
18. Amado V. Hernandez
Ang mundo'y malupit: ngayo't ako'y
ako,
nakamihasnan nang dustain ng
mundo
gayon pa ma'y habang ang tao ay tao,
gawa ang urian kung ano't kung sino;
batong walang ganda'y sangkap ng
palasyo,
sanggol sa sabsaba'y naging isang
Kristo.
19. Amado V. Hernandez
Tuwi na'y wal'in man ako ng halaga,
iyan ay pakanang mapagsamantala;
ang ginto, saan man, ay gintong
talaga,
ang bango, takpan man, ay di
nagbabawa;
itakwil man ako ng mga nanggaga,
walang magagawang hadlang sa
istorya!
20. Amado V. Hernandez
Kung di nga sa aki'y alin kayang
bagay
ang magkakasigla at magkakabuhay?
Puhunan? Likha ko lamang ang
Puhunan!
Bayan? At hindi ba ako rin ang
Bayan?
Walang mangyayari pag ako ang
ayaw,
mangyayaring lahat, ibigin ko
lamang!
21. Amado V. Hernandez
Sa wakas, dapat nang ngayo'y
mabandila
ang karapatan kong laong iniluha,
ang aking katwiran ay bigyan ng laya
at kung ayaw ninyo'y ako ang bahala
sa aking panata sa pagkadakila...
Taong walang saysay ang di
Manggagawa!
23. Julian Cruz Balmaceda
• Kaarawan: Enero 28, 1895
• Kamatayan: Setyembre 18, 1947 sa
gulang na 52.
• Nag-aral siya sa Colegio de San Juan de
Letran.
• Natapos siya ng dalawang taong pag-
aaral ng Batas sa Escuela de Derecho.
• Sa gulang na labing-apat ay nagwagi
na sa isang timpalak ang kanyang
dulang Ang Piso ni Anita
-isang dulang musikal na ang paksa ay
tungkol sa pagtitipid
24. Julian Cruz Balmaceda
• itinuturing na isa sa mga
haligi ng panitikang
Pilipino dahil sa malaking
kontribusyon niya sa
sariling panitikan
• makata, mandudula,
kuwentista, mangangatha,
nobelista at mananaliksik-
wika.
25. KUNG MAMILI ang DALAGA
Nang may labinlimang Disyembre pa
lamang
ang dalagang aking naging kaibiga’y
ganito ang laging kanyang bulay-
bulay
“Pagka’t ang ganda ko’y di
pangkaraniwan
ay pipili ako ng isang liligaw na
bata, makisig, mabait, mayaman.”
26. KUNG MAMILI ANG DALAGA
Nang dumalawampung taon ang
dalaga
at ang pinipili’y di pa rin makita’y
ganito ang kanyang nagunita tila:
“Hindi kailangan kundi man pustura
o kaya ay hindi sagana sa k’walta
kung bata’t mabait ay maaari na.”
27. KUNG MAMILI ANG DALAGA
Nang magdalawampu’t lima at hindi
rin
yata sumisigid ang isda sa pai’y
ganito ang kanyang parating dasalin:
“Ang gulang? Hindi ko aalumanahin,
may kabaitan lang na maituturing
kahit matanda na’y puede na sa
akin.”
28. KUNG MAMILI ANG DALAGA
At nang tumatlumpu’t ni sinoman
wari’y
wala nang mabuyong sa kanya’y
gumiri
tahas na sinabing wa(ang pagkabali:
“Ngayon kahit sino’y walang tangi-
tangi
huwag lang di mayrong sa aki’y
bumati.”
29. ANG MAGSASAKA
Sa maghapong singkad ikaw’y nasa-
linang
Sulong mo’y ararong batak ng
kalabaw.
Di mo pinapansin ang lamig at ginaw,
Ang basal ng lupa’y mabungkal mo
lamang.
30. Kung Mamili ang Dalaga
Iyong isinabog ang binhi sa
lupa
Na ikalulunas ng iyong dalita;
Tag-ani’y dumating sa dili-
kawasa
Lahat ng hirap mo’y nabihis
ng tuwa.
31. Kung Mamili ang Dalaga
Anupa’t ang bawat butil
Ng bigas na naging kanin
Sa isip at diwa nami’y
May aral na itinanim.
32. Kung Mamili ang Dalaga
Iya’y tunay na larawan
Ng lahat mong kapaguran
Bawat butil na masayang
Ay pintig ng iyong buhay.
33. Kung Mamili ang Dalaga
Kaya nga’t sa aming puso’t
dilidili,
Nakintal ang isang ginintuang
sabi;
Sa lahat at bawat bayaning lalaki
Ikaw, magsasaka, ang lalong
bayani.
Editor's Notes
Ang tulang Bayani ay nagwagi sa 30 kalaban sa timpalak-panitik sa Malolos, Bulacan, sa pagdiriwang sa Unang Araw ng Mayo noong 1928. Inampalan: Lope K. Santos, Julian Cruz Balmaceda at Iñigo Ed. Regalado. Ayon kay Senador Recto, ito ang "pinakamahusay na tulang Tagalog sa paksang paggawa."
Si Andoy ay alila sa bahay ni Don Segundo Montero. Ipinapiit si Andoy ng Donsa Hapones sa suplong na isa siyang gerilya. Nakatakas si Andoy at sumama siya sa mga gerilya. Natulog siya sa bahay ni Tata Matias sa kabundukan. Si Tata matias ang nagturo kay Andoy sa panig ng dagat pasipiko na pinagtapunan ni pari Florentino sa kayamanan ni Simoun.