ANG PANITIKAN
Katuturan
mula sa
iba’t ibang
manunulat
 Ayon kina Rufino Alejandro at Julian Pineda ang
panitikan ay “ bungang isip na isinatitik”. Ito
rin ay sumasaklaw sa lahat ng uri ng katha na
tumutulong sa wastong ikauunawa ng noon,
ngayon at bukas ng isang bansa. Ito rin ay
pagpapahayag ng damdamin at mga karanasan ng
sangkatauhan na nasusulat sa masinining at
makahulugang mga pahayag.
 Isinaad ni W.J Long na ang panitikan ay
nasusulat ng mga tala ng “pinakamabuting
kaisipan at damdamin ng tao.”
 Batay naman sa Webster Dictionary ito ay ang
anumang anyo nasusulat sa anyo mang
patula/tuluyan sa isang partikular na panahon.
 Sa Panitikang Pilipino nina Gonzales, Martin at
Rubin ang panitikan ay isang paraan ng
pagpapahyag na kinapapalooban ng
katotohanan sa paraang ipinaparanas sa
mambabasa ang kaisipan at damdamin ng
manunulat.
 Ayon naman kay Salazar ito ay isang lakas na
nagpapagalaw sa lipunan at maaaring
magpalaya ng isang ideya nagpupumiglas
makawala.
 Inihayag din ni Ramos na panitikan ding
matatawag ang lahat ng uri ng mga tala na
kinasasalaminan ng pangaraw-araw na
pamumuhay ng tao sa lipunang kaniyang
ginagalawan. Isang lakas itong maaaring maging
mahalagang bahagi ang pagpapaunlad ng lipunan
at kalinangan.
 Para naman kay Bro. Azarias ang panitikan ay
pagpapahayag ng damdamin ng tao tungkol sa
iba’t ibang bagay sa daigdig sa pamumuhay, sa
pamahalaan, sa lipunan at sa kaugnayan ng
kanilang kaluluwa sa Poong Lumikha.
Kahalagahan ng panitikan
1. Upang ang magagandang kaugalian, kultura’t
tradisyon na ikinaiiba natin sa ibang lahi at mas
makilala ang ating sarili bilang pilipino.
2. Upang malaman at maipagmalaki na tayo ay
may mga mahuhusay na manunulat na hindi
papahuli sa mga manunulat ng ibang bansa o
lahi.
3. Upang mabatid ang sariling kahusayan sa
panitikan gayundin ang ating mga kapintasan at
kahinaan upang maging daan ng pagpapabuti ng
mga tao.
4. Upang mabatid natin ang magaganda at
mahuhusay na mga akdang Pilipino at nang sa
gayon ay matutuhan nating pahalagahan at
pagmalasakitan ang mga ito.
5. Upang tuklasin ang ating aydentidad bilang mga
Pilipino.
6. Upang maipakita bilang Pilipino ang pagmamahal
sa sariling kultura at pagmamalasakit sa sariling
panitikan.
Tagahubog
ng
panitikan
1. Kultura, Kaugalian at Tradisyon. Ito ang mga
masasalamin sa mga akdang pampanitikan.
2. Hanapbuhay o Gawain/ Propesyon. Ang mga
salitang ipinapahayag ng manunulat ay may
kinalaman sa hanapbuhay o propesyon.
3. Lipunan at Pulitika. Ito ay nakakaapekto sa
buhay ng mga mamamayan.
4. Edukasyon at Pananampalataya. Ang mga
laman ng nasusulat ay naayon sa edukasyon at
pananampalataya ng tao.
5. Lugar na tinitirahan. Ito ay may malaking
epekto sa isipan at damdamin ng isang tao.
Uri AT ANYO
NG
P A N I T I K A N
 Ang panitikan ay maaaring nakasulat at di –
nakasulat. Ito ay ipinapahayag sa anyong patula
at tuluyan.
 Patula- nahahati sa mga taludtod o saknong at
ginagamitan ng mga piling salita na maaaring
mayroong sukat, tugma, talinhaga o maaari din
namang wala. Ang mga halimbawa ay
kasabihan,salawikain, bugtong, awiting bayan at
bulong
 Tuluyan- ito ay nasusulat nang malaya sa anyo
ng mga talata na karaniwang binubuo ng mga
pangungusap.
URI NG TULA
 Tulang Pasalaysay- ito ay may sukat at tugma.
ang nabibilang dito ay epiko, awit at korido.
Tulang Liriko- kilala din sa tawag na tulang
paawit at buhat sa salitang Griyego na lira na ang
ibig sabihin ay inaawit at ito ay may kaugnayan
sa emosyon ang mga halimbawa ay
oda,sonato,elihiya at iba pa.
Tulang Pantanghalan/ Pandulaan-ginagamit sa
pagtatanghal ng mga dula at ang mga halimbawa
ay duplo, karagatan, balagtasan, komedya, moro-
moro at cenaculo.
URI NG PANITIKANG TULUYAN
 Pabula- ang mga tauhang gumaganap ay hayop.
Ang aral ay karaniwang ibinibigay sa paraang
wakas sa pamamagitan ng kasabihan o
salawikain.
 Alamat- nagsasaad o nagpapaliwanag ng tungkol
sa pinagmulan ng isang bagay, pook at pangalan.
 Maikling Kwento- ang mga pangyayari ay
simple, may mga kilos na organisado,may
tunggalian ng mga tauhan, may banghay, sa
kalagitnaan ay may kasukdulan at may katapusan
o wakas.
URI NG PANITIKANG TULUYAN
 Kuwento ng Tauhan- ang binibigyang diin ay
ang pangunahing tauhgan
 Kuwento ng Madulang Pangyayari- ang
binibigyang pansin ay ang pangyayari.
Kuwento ng Katutubong Kulay- ang
binibigyang pokus ay ang tagpuan o ang
kapaligiran.
 Kuwento ng Kababalaghan- ang mga
pangyayari ay hindi kapani-paniwala at taliwas sa
katotohanan.
URI NG PANITIKANG TULUYAN
 Nobela- tinatawag din na kathambuhay. Ang mga
pangyayari ay kawing-kawing at mas mahaba kaysa sa
maikling kwento.
 Nobelang Makabanghay- ito ay nagbibigay diin sa
balangkas
 Nobela ng Tauhan- ang binibigyang pokus ay ang
pangangailangan at hangarin ng pangunahing tauhan
 Nobelang Makasining- ang binibigyang pansin ay ang
paghahanay ng mga pangyayari at paglalarawan
 Nobelang Maromansa- ito ay nagtatanghal ng pag-
iibigan
 Nobela ng Layunin- nagbibigay diin sa mga simulain
o layuning mahalaga sa buhay ng tao.
URI NG PANITIKANG TULUYAN
 Sanaysay- tumatalakay sa isang paksa ayon
sa sariling pananaw at kuro-kuro ng may akda.
 Ito ay may dalawang uri ang pormal
(maanyong sanaysay- maingat, maayos at
mabisa ang paglalahad na karaniwang
nagagawa ng isang may malawak na kaalaman
sa paksa) at ang di-pormal (malaya- kung ang
paksa ay higit na malapit sa karaniwang
mambabasa sapagkat ito ay tumatalakay sa
pangaraw-araw na pangyayari).
URI NG PANITIKANG TULUYAN
 Dula- naglalarawan ng mga pangyayari sa buhay ng tao sa
pamamagitan ng mga tauhang gumaganap sa ibabaw ng
tanghalan.
 Komedya- ang uri ng dulang ito ay masaya at kawili-wili
sapagkat nagtatapos sa tagumpay ng pangunahing tauhan.
 Melodrama- galing sa Griyegong salitang melos na
nangangahulugang awit at ito ay may malulungkot na
pangyayari.
 Trahedya- ginagampanan ng tauhang mapupusok sapagkat
kinapapalooban ng mahihigpit na tunggalian.
 Parsa- ang layunin ay magpatawa sa pamamagitan ng
katawa-tawang pananalita.
 Saynete- ang paksa ay ugali na itinatanghal sa paraang
katawa-tawa.
URI NG PANITIKANG TULUYAN
 Talumpati- uri ng akdang pampanitikan na sadyang
inihanda upang bigkasin.
 Talumpating Panlibang- ginagamit sa mga
pagtitipong sosyal o panlipunan.
 Talumpating Pampasigla- ginagamit sa mga
okasyong tulad ng araw ng pagtatapos, pagbubukas ng
aklatan at iba pa.
 Talumpating Nagbibigay impormasyon- talumpating
ginagamit kung magbibigay ng ulat.
 Talumpating nagbibigay galang- binibigkas bilang
simbolo ng pagtanggap
 Talumpati ng Papuri- may layuning magbigay ng
parangal o papuri sa magagandang nagawa..
URI NG PANITIKANG TULUYAN
 Balita- naglalahad ng mga pangyayaring
nagaganap sa loob at labas ng bansa.
 Talambuhay- naglalahad ng pangyayari sa
buhay ng isang tao mula ng siya ay isilang
hanggang sa kaniyang kamatayan. Ito ay may
dalawang uri pansarili (siya mismo ang sumulat)
at ang pang-iba (ibang tao ang sumulat).
 Liham- nag-uugnay ng dalawang tao o pangkat
na magkakalayo
 Editoryal- naglalahad ng kuro-kuro o pananaw
ng manunulat tungkol sa isang napapanahong
isyu.

Ang panitikan

  • 1.
  • 2.
  • 3.
     Ayon kinaRufino Alejandro at Julian Pineda ang panitikan ay “ bungang isip na isinatitik”. Ito rin ay sumasaklaw sa lahat ng uri ng katha na tumutulong sa wastong ikauunawa ng noon, ngayon at bukas ng isang bansa. Ito rin ay pagpapahayag ng damdamin at mga karanasan ng sangkatauhan na nasusulat sa masinining at makahulugang mga pahayag.  Isinaad ni W.J Long na ang panitikan ay nasusulat ng mga tala ng “pinakamabuting kaisipan at damdamin ng tao.”
  • 4.
     Batay namansa Webster Dictionary ito ay ang anumang anyo nasusulat sa anyo mang patula/tuluyan sa isang partikular na panahon.  Sa Panitikang Pilipino nina Gonzales, Martin at Rubin ang panitikan ay isang paraan ng pagpapahyag na kinapapalooban ng katotohanan sa paraang ipinaparanas sa mambabasa ang kaisipan at damdamin ng manunulat.  Ayon naman kay Salazar ito ay isang lakas na nagpapagalaw sa lipunan at maaaring magpalaya ng isang ideya nagpupumiglas makawala.
  • 5.
     Inihayag dinni Ramos na panitikan ding matatawag ang lahat ng uri ng mga tala na kinasasalaminan ng pangaraw-araw na pamumuhay ng tao sa lipunang kaniyang ginagalawan. Isang lakas itong maaaring maging mahalagang bahagi ang pagpapaunlad ng lipunan at kalinangan.  Para naman kay Bro. Azarias ang panitikan ay pagpapahayag ng damdamin ng tao tungkol sa iba’t ibang bagay sa daigdig sa pamumuhay, sa pamahalaan, sa lipunan at sa kaugnayan ng kanilang kaluluwa sa Poong Lumikha.
  • 6.
  • 7.
    1. Upang angmagagandang kaugalian, kultura’t tradisyon na ikinaiiba natin sa ibang lahi at mas makilala ang ating sarili bilang pilipino. 2. Upang malaman at maipagmalaki na tayo ay may mga mahuhusay na manunulat na hindi papahuli sa mga manunulat ng ibang bansa o lahi. 3. Upang mabatid ang sariling kahusayan sa panitikan gayundin ang ating mga kapintasan at kahinaan upang maging daan ng pagpapabuti ng mga tao.
  • 8.
    4. Upang mabatidnatin ang magaganda at mahuhusay na mga akdang Pilipino at nang sa gayon ay matutuhan nating pahalagahan at pagmalasakitan ang mga ito. 5. Upang tuklasin ang ating aydentidad bilang mga Pilipino. 6. Upang maipakita bilang Pilipino ang pagmamahal sa sariling kultura at pagmamalasakit sa sariling panitikan.
  • 9.
  • 10.
    1. Kultura, Kaugalianat Tradisyon. Ito ang mga masasalamin sa mga akdang pampanitikan. 2. Hanapbuhay o Gawain/ Propesyon. Ang mga salitang ipinapahayag ng manunulat ay may kinalaman sa hanapbuhay o propesyon. 3. Lipunan at Pulitika. Ito ay nakakaapekto sa buhay ng mga mamamayan. 4. Edukasyon at Pananampalataya. Ang mga laman ng nasusulat ay naayon sa edukasyon at pananampalataya ng tao. 5. Lugar na tinitirahan. Ito ay may malaking epekto sa isipan at damdamin ng isang tao.
  • 11.
    Uri AT ANYO NG PA N I T I K A N
  • 12.
     Ang panitikanay maaaring nakasulat at di – nakasulat. Ito ay ipinapahayag sa anyong patula at tuluyan.  Patula- nahahati sa mga taludtod o saknong at ginagamitan ng mga piling salita na maaaring mayroong sukat, tugma, talinhaga o maaari din namang wala. Ang mga halimbawa ay kasabihan,salawikain, bugtong, awiting bayan at bulong  Tuluyan- ito ay nasusulat nang malaya sa anyo ng mga talata na karaniwang binubuo ng mga pangungusap.
  • 13.
    URI NG TULA Tulang Pasalaysay- ito ay may sukat at tugma. ang nabibilang dito ay epiko, awit at korido. Tulang Liriko- kilala din sa tawag na tulang paawit at buhat sa salitang Griyego na lira na ang ibig sabihin ay inaawit at ito ay may kaugnayan sa emosyon ang mga halimbawa ay oda,sonato,elihiya at iba pa. Tulang Pantanghalan/ Pandulaan-ginagamit sa pagtatanghal ng mga dula at ang mga halimbawa ay duplo, karagatan, balagtasan, komedya, moro- moro at cenaculo.
  • 14.
    URI NG PANITIKANGTULUYAN  Pabula- ang mga tauhang gumaganap ay hayop. Ang aral ay karaniwang ibinibigay sa paraang wakas sa pamamagitan ng kasabihan o salawikain.  Alamat- nagsasaad o nagpapaliwanag ng tungkol sa pinagmulan ng isang bagay, pook at pangalan.  Maikling Kwento- ang mga pangyayari ay simple, may mga kilos na organisado,may tunggalian ng mga tauhan, may banghay, sa kalagitnaan ay may kasukdulan at may katapusan o wakas.
  • 15.
    URI NG PANITIKANGTULUYAN  Kuwento ng Tauhan- ang binibigyang diin ay ang pangunahing tauhgan  Kuwento ng Madulang Pangyayari- ang binibigyang pansin ay ang pangyayari. Kuwento ng Katutubong Kulay- ang binibigyang pokus ay ang tagpuan o ang kapaligiran.  Kuwento ng Kababalaghan- ang mga pangyayari ay hindi kapani-paniwala at taliwas sa katotohanan.
  • 16.
    URI NG PANITIKANGTULUYAN  Nobela- tinatawag din na kathambuhay. Ang mga pangyayari ay kawing-kawing at mas mahaba kaysa sa maikling kwento.  Nobelang Makabanghay- ito ay nagbibigay diin sa balangkas  Nobela ng Tauhan- ang binibigyang pokus ay ang pangangailangan at hangarin ng pangunahing tauhan  Nobelang Makasining- ang binibigyang pansin ay ang paghahanay ng mga pangyayari at paglalarawan  Nobelang Maromansa- ito ay nagtatanghal ng pag- iibigan  Nobela ng Layunin- nagbibigay diin sa mga simulain o layuning mahalaga sa buhay ng tao.
  • 17.
    URI NG PANITIKANGTULUYAN  Sanaysay- tumatalakay sa isang paksa ayon sa sariling pananaw at kuro-kuro ng may akda.  Ito ay may dalawang uri ang pormal (maanyong sanaysay- maingat, maayos at mabisa ang paglalahad na karaniwang nagagawa ng isang may malawak na kaalaman sa paksa) at ang di-pormal (malaya- kung ang paksa ay higit na malapit sa karaniwang mambabasa sapagkat ito ay tumatalakay sa pangaraw-araw na pangyayari).
  • 18.
    URI NG PANITIKANGTULUYAN  Dula- naglalarawan ng mga pangyayari sa buhay ng tao sa pamamagitan ng mga tauhang gumaganap sa ibabaw ng tanghalan.  Komedya- ang uri ng dulang ito ay masaya at kawili-wili sapagkat nagtatapos sa tagumpay ng pangunahing tauhan.  Melodrama- galing sa Griyegong salitang melos na nangangahulugang awit at ito ay may malulungkot na pangyayari.  Trahedya- ginagampanan ng tauhang mapupusok sapagkat kinapapalooban ng mahihigpit na tunggalian.  Parsa- ang layunin ay magpatawa sa pamamagitan ng katawa-tawang pananalita.  Saynete- ang paksa ay ugali na itinatanghal sa paraang katawa-tawa.
  • 19.
    URI NG PANITIKANGTULUYAN  Talumpati- uri ng akdang pampanitikan na sadyang inihanda upang bigkasin.  Talumpating Panlibang- ginagamit sa mga pagtitipong sosyal o panlipunan.  Talumpating Pampasigla- ginagamit sa mga okasyong tulad ng araw ng pagtatapos, pagbubukas ng aklatan at iba pa.  Talumpating Nagbibigay impormasyon- talumpating ginagamit kung magbibigay ng ulat.  Talumpating nagbibigay galang- binibigkas bilang simbolo ng pagtanggap  Talumpati ng Papuri- may layuning magbigay ng parangal o papuri sa magagandang nagawa..
  • 20.
    URI NG PANITIKANGTULUYAN  Balita- naglalahad ng mga pangyayaring nagaganap sa loob at labas ng bansa.  Talambuhay- naglalahad ng pangyayari sa buhay ng isang tao mula ng siya ay isilang hanggang sa kaniyang kamatayan. Ito ay may dalawang uri pansarili (siya mismo ang sumulat) at ang pang-iba (ibang tao ang sumulat).  Liham- nag-uugnay ng dalawang tao o pangkat na magkakalayo  Editoryal- naglalahad ng kuro-kuro o pananaw ng manunulat tungkol sa isang napapanahong isyu.