2. Kung ang tao ay tapat sa paggawa ng
tama, magaalinlangan sya sa pag gawa
ng masama.
Iniisip muna kung ito’y gagawin ba ang
isang bagay o hindi.
Ang pagtukoy sa kilos ng tao ay maaaring
masukat sa pamamagitan ng mga
sumusunod:
3. LAYON (end)- Tumutukoy sa
layunin,dahilan o intensiyon ng kilos at ng
gumagawa ng kilos.
PAMAMARAAN (means)- Ito ang
mismong kilos o gawa ng tao.
MGA PANGYAYARI (circumstances)-
Konsiderasyon sa oras, lugar, paraan o
ang tumutugon sa tanong na kailan, saan,
paano o gaano.
4. Kung ang layon at pamamaraan ay pawang
mabuti, matatawag na mabuti ang isang kilos.
Ngunit kung ang isa man sa mga ito ay
masama, ang kabuoan ng kilos ng tao ay
masama.
Kung nais mong tumulong, ikaw ay tumulong sa
pamamagitan ng mabuting gawain. Dahil kahit
tumulong ka ngunit masama naman ang iyong
pamamaraan, maituturing parin itong masama.
5. Kapag ikaw ay nagsinungaling, kahit pa ito
ay “white lie”ay masama parin at hindi
nararapat na ipagsawalang-bahala na
lamang.
Ano nga ba ang WHITE LIE?
Ang white lie ay ang pagsisinungaling para
sa ikabubuti ng isang sitwasyon o bagay.
6. Maraming kabataan ngayon ang nawawala
ang pagiging sensitibo sa gawang masama.
Sa iyong palagay, ikaw ba ay nakararanas
parin ng pagiging sensitibo sa gawang
masama? Oo o hindi. Pangatwiranan.