SlideShare a Scribd company logo
Ginoong Reggie O. Cruz
Master ng Sining sa Edukasyon dalubhasa sa Filipino
Instraktor II
Pamantasang Holy Angel
Agosto, 1, 2015
Proseso ng buong araw na
pagpapatalas ng isip
 Lektsur (Gawaing Kapulungan)
 Paghasa ng Kaalaman (Pagsusulit)
 Pagsasanay sa Pagsulat (Palihan)
 Pagwawasto ( Peer Critiquing at Ekspert Critiquing)
 Karagdagang Pagsasanay –
 (Takdang Aralin na Pwedeng Iuwi)
 Pagwawastong-muli mula sa aking Online Account
Umagang Talakayan
 Pagsulat ng Tuwiran at Balitang Lathalain
 Lekstur at Pagsusulit
 Pagsulat ng Balitang Pampalakasan
 Lekstur at Pagsusulit
 Palihan sa Pagsulat ng Tuwirang Balita , Balitang
Lathalain at Balitang Pampalakasan
 Peer Critiquing
 Expert Critiquing – Ipapasa upang suriin
Hapong Talakayan
 Pagsulat ng Editoryal
 Lektsur at Pagsusulit
 Pagsulat ng Tanging Lathalain
 Lektsur at Pagsusulit
 Palihan sa Pagsulat ng Editoryal at Tanging Lathalain
 Peer Critiquing
 Expert Critiquing – Ipapasa upang suriin
Talakayang Online
 Pagpapasa at pagsusuri ng mga Takdang-Aralin na
awtput sa Balita, Isports, Editoryal at Lathalain
 Pagbuo ng FB Group
 Pagpapasa at Pagbabasa
 Pagbibigay komento
Katuturan
 Ano mang pangyayaring di karaniwan ay isang balita.
 Ano mang bagay na hindi mo alam noong nagdaang
araw ay isang balita
 Isang ulat na hindi pa nailalathala, tungkol sa mga
ginagawa ng mga tao na inaakalang pananabikan,
maiibigang mabatid, at mapaglilibangan ng
mambabasa
 Ano mang pangyayaring kagaganap lamang, na bukod
sa may kakaibang katangian, ay makatotohanan at
nakawiwili sa mambabasa ay isang balita
Sangkap ng Balita
A. Kapanahunan (Timeless) – Huling araw ng isang
pangyayari, pangyayaring naganap ngayon, sa
kasalukuyan.
B. Kalapitan (Nearness/Proximity) – sa inyong
paaralan; hindi kalayuan
C. Kahulugan o Kalalabasan (Significance or
Consequence) – bunga ng pagpupulong; epekto ng
bagong kautusan ng paaralan
D. Katanyagan (Prominence) – Ang punong-guro,
batang pinuno, mga tanyag na tao
 Tunggalian (Conflict/Struggle) – Kinalabasan ng
halalan, labanan sa isports o atletiks; mga pros at cons
sa isyu
 Pamukaw-damdamin (Human Interest) – Bukod-
tanging pangyayari o tao, pagpukaw sa emosyon
 Di-pangkaraniwan/Pambihira (Oddity, Unusualness)
– kakatuwang pangyayari, di maipaliwanag na
kababalaghan
Tukuyin ang Sangkap ng Balita
1. Asong gumagala, iniligtas nalulunod na bata
2. Pagtaas ng matrikula, malaki ang epekto sa mag-
aaral
3. Kalihim ng DEPEd, panauhing tagapagsalita sa
pagtatapos
4. Panggabing tanod, nakarinig ng nagmamakinilya sa
silid-aklatan
5. Pamunuan ng Student Council, inihalal
MGA URI NG BALITA
 Balita ayon sa anyo (Structure)
1. Tuwirang Balita (Straight News) – Isang balita na
may sapat na datos o ulat na ikinukwentong walang
paliguy-ligoy, nagsisimula sa kabuurang pamatnubay
(Summary lead) at sumusunod sa anyong baligtad na
piramide.
2. Balitang Lathalain –Tulad ng tuwirang balita, batay
rin ito sa tunay na pangyayari. Subalit ang
karaniwang ayos nito ay tulad nang sa isang kuwento
na ang sinusunod ay ayos piramide kung saan ang
pinakamahalagang ulat ay nasa bandang huli
Uri ng Balita ayon sa Saklaw o
Pinagmulan
 Balitang lokal o nasyonal – naganap sa loob ng bansa
 Balitang dayuhan o banyaga (foreign news) – naganap
sa labas ng bansa
 Balitang may petsa at pinanggalingan (Date line News)
– Pinangungunahan ng petsa, kung kailan sinulat at
ang lunan, kung saan sinulat ng reporter.
Halimbawa: Lungsod ng Zamboanga, Abril 16, 2001 –
Malaks na lindol ang pumatay ng maraming
mamamayan at puminsala ng ari-arian dito.
BAHAGI NG BALITA
 PAMATNUBAY
 TEKSTO
Ang Kunbensyonal o Kabuurang
Pamatnubay (Summary lead)
 Ito ang unang hakbang sa pagsulat
ng balita. Ang pamatnubay na
kunbensyonal ay ginagamit sa tuwirang
balita.
Ang mga halimbawa:
a. Sino (Who lead)
- Ginagamit kung ang taong kasangkot sa balita ay
mas tanyag at mahalaga kaysa kung ano ang
kanyang ginawa o anong nangyari sa kanya.
b. Ano (What lead)
- Ginagamit kung ang mga pangyayari o pagdiriwang
ay mas mahalaga o makabuluhan kaysa taong
kasangkot sa balita.
c. Saan (where lead)
- Ginagamit kung ang pook o lunan na pinangyarihan
ay pambihira o di pangkaraniwan.
Halimbawa sa Pamatnubay na Sino
- Panauhing tagapagsalita ang Pangulo ng bansa sa
pagtatapos na ginanap sa Philippine Military Academy
sa Lungsod ng Baguio.
Halimbawa sa Pamatnubay na Ano
Ang National Achievement Test ay itinakda sa
Setyembre 20 para sa mga mag-aaral sa Grade 3, 6 at 10
Halimbawa sa Pamatnubay na Saan
Sa Pilipinas gaganapin ang susunod na palarong
olimpiyada
d. Kailan (When lead)
- Bihirang ginagamit sapagkat talastas ng balana na
ang balita ay napapanahon (timely). Gayunpaman
ginagamit itong pamatnubay kung ang paksa ay ukol
sa huling araw (deadline) o bumabanggit sa nakaraang
kapistahan.
e. Bakit (Why lead)
- Sanhi o dahilan ang itinatampok.
f. Paano (How lead)
- Pamamaraan o kadahilanan ang itinatampok.
 Halimbawa ng Pamatnubay na Kailan
Abril 16 ang huling araw ng pagbabayad ng buwis sa BIR.
Sa araw na ito, Pebrero 25, dalawangpu’t siyam na taon
ang nakakaraan, nagaganap ang mapayapang EDSA
Revolution o People Power I.
 Halimbawa ng Pamatnubay na Bakit
Sanhi ng kahirapan, 200 mag-aaral ang huminto. Ito’y
napag-alaman kay Gng. Fe Mendoza, punong-guro ng
paaralan.
 Halimbawa ng Pamatnubay na Paano
 Nagkunwang mga pari, limang lalaking nakasuot abito
ang nakapasok sa Bangko Real at ito’y sapilitang
nilooban
Nakapiring na Pamatnubay (Blind lead)
Upang maiwasan ang mga kulumpol
(clustered) at masalimuot (complicated) na
pamatnubay, isang paraan na tinatawag na
nakapiring na pamatnubay ang ginagamit.
Isang batang reporter sa Nativity Montessori
School ay ipinahayag na pinakamagaling sa
pagsulat ng balita. Si Warner Cruz na
pamatnugutan ng The Glow ay pinagkalooban
ng isang medalyang ginto.
Datos
Kahalagahan (2)
Kasukdulan (Climax)
Kabuuang Pamatnubay
Pinakatampok na
“W” (sino, ano,atb.)
Kahalagahan
(2)
Datos
(3)
Kaanyuan ng
Maikling Kwento
Kaanyuan ng
Tuwirang balita
Piksyon:
Salaysay/ kuwento
Baligtad na Piramide
Bakit baligtad na piramide ang anyong
sinusunod sa pagsulat ng balita?
1. Sa panahon ngayon, limitado na ang panahon
sa pagbasa ng mga tao dahil sa karamihan ng
gawain, kaya kailangan nilang malaman kaagad
ang buod ng balita.
2. Upang masunod ang cut-off test na gustong
sabihin, kung wala nang ispasyo para sa jump
story, maaari nang putulin ang balita.
 Pulubing Bulag, Iniligtas ng Aso
Halimbawa ng anyo ng Tuwirang
Balita
 Iniligtas ng aso ang buhay ng kanyang bulag na
panginoon na isang pulubi, subalit nasuklian ang
kanyang katapatan ng kamatayan. (Mahahalagang
Detalye – Pinakatampok na W)
 Nasa malubhang kalagayan ngayon sa Philipppine
General Hospital si Procopio Maswerte, 65, dating
nagtitinda ng gulay sa palengke. Natagpuan si
Maswerte ng 711 Paco, Maynila na walang malay na
nakasubsob sa putikang bangketa.
 Ipinalagay ng pulisya na tumama sa bato ang ulo ng
pulubi nang siya’y nadulas. Dinatnan nila ang aso na
nakadapa sa katawan ng kanyang panginoon upang
ito’y kanlungan sa malamig na ulan. (Susunod na
mahalagang detalye)
 Wala pa ring malay si Maswerte nang siya’y
matagpuan. Sa kanyang tabi ay patay na alagang aso.
 Lumabas sa pagsisiyasat ng pulisya sa mga kamang-
anak na siya’y matandang binata at bawat ikasampu
ng gabi ay kanyang ipinapasyal ang kanyang aso.
 Ayon naman sa doktor na tumitingin kay Maswerte,
init lamang ng katawan ng aso ang nagligtas sa kanya.
 Nang mahimasmasan ang pulubi, sinabi niya sa
pulisya na wala siyang natatandaang pangyayari.
Hindi nawala ang kanyang pitaka na nagkakalaman ng
P500 nagpapatunay na hindi siya nanakawan
Paraan sa Pagsulat ng tuwirang balita (straight
News)
1. Isulat ang kabuuang pamatnubay (summary
lead) at sagutin kaagad ang pinakatampok na
“W” (Ano, Sino, Saan, Kailan, Bakit, Paano)
2. Isulat ang teksto, ang sunod-sunod na
pangyayari sa ayos na balgtad na piramide.
3. Iwasan ang mga kuro-kuro o opinyon at mag-
ingat sa paggamit ng mga pang-uri.
4. Gumamit ng simpleng salita na naiintindihan
ng karaniwang mambabasa.
5. Gumamit ng maikling pangungusap na ang
katamtamang haba ay may 15- 25 salita lamang.
Balitang Lathalain (News Feature)
Isa ring balita subalit nasusulat na parang
tanging lathalain o parang sanaysay. Sa
kabila nito, ang balitang lathalain ay salig
sa isang tunay na pangyayari.
Tuwirang Balita – Nasusulat sa ayos na
baligtad na piramide
Balitang lathalain ay karaniwang nasusulat
sa padiing kahalagahan na parang isang
salaysay o kwento.
Krokis ng Balitang lathalain
Makabagong Pamatnubay
(Novelty Lead)
Salaysay
(Narrative)
Di inaasahang
kasukdulan
(Surprise
Climax)
Halimbawa ng Balitang Lathalain
 Paindak-indak na sumapit ang Kapaskuhan sa kampus
ng Paaralang Normal sa pamamagitan ng mga
nagniningningang Christmas Décor at iba’t ibang
kulay na ilaw dagitab na nakapalamuti sa lahat ng
dako. (Pamatnubay na Naglalarawan)
 Sinumulan ang pagdiriwang sa parada ng mga parol na
nilahukan ng mga mag-aaral, guro, magulang at mga
kasapi sa barangay.
 Upang bigyang-kahulugan ang okasyon, nagdala ang
nagpaparada ng mga lampara, sulo o kandila at
anumang motif na naglalarawan ng Nativity, pagdalaw
ng Tatlong Mago at ng Hegira.
 Ang pagpapanauli ng parada ng mga parol ay
nagsimula sa paaralan mula noong 1987 at mula noon
ay taun-taon nang ginaganap. Subalit ngayon lamang
nasaksihan ang pinakamakulay at
pinakamakahulugang parada na naganap alinsunod sa
panukala ng punong lungsod sa pagpapanauli ng
magagandang tradisyon at kulturang Pilipino.
Paraan ng Pagsulat ng Balitang Lathalain
(News Feature)
Mga halimbawa ng makabagong pamatnubay:
a. Pamatnubay na Panggulat
(Astonisher lead)
- Kalimitan, ito’y isang pangungusap, parirala
o salita lamang. Ginagamit ito kung ang tala ay
lubhang mahalaga, nakakagulat,
nakakagulantang o nakakasindak.
- Kampeon ng NSPC!
- Nagwaging muli ang Daloy sa pambansang paligsahan
na ginanap sa Isabela nang ito ay napiling
pinakamagaling na pahayagang pang-elementarya
b. Pamatnubay na tanong (Question lead)
- Ginagamit kung ang tanong ay may
malaking bahagi sa salaysay at kung ito ay
wala pang kasagutan at ito ay gagawing
batayan ng balita.
c. Pamatnubay na Tahasang Sabi
(Quotation lead)
- Ito’y makabuluhang pangungusap ng
ispiker o kaya’y ito ay hango sa isang akdang
sinipi at ginamit na panimula ng isang balita.
 Halimbawa ng Pamatnubay na Tanong
- Sino ang magiging prinsesita ng paaralan sa darating na
Araw ng Pagkakatatag? Ito’y malalaman bukas pagkatapos
nang bilangan ng balota.
 Halimbawa ng Tahasang Sabi
“Malaki ang magagawa ng pagkakaisa.”
Binigyn-diin ito ni Gng. Flora Alegria, punong-guro ng PNC
Laboratory School sa pulong ng mga guro at magulang
tungkol sa pagsugpo sa pinagbabawal na gamot.
d. Pamatnubay na Pagkakaiba
(Contrast lead)
- Ginagamit upang maipakita o mapalitaw ang
pagkakaiba ng dalawang bagay.
e. Pamatnubay na Kasabihan o Kawikaan
(Epigram lead)
- Sinisimulan ang pamatnubay sa mga kilalang
kasabihan o taludtod.
 Halimbawa ng Pamatnubay na Pagkakaiba
- Higit na marami ngayon ang nakapasa sa NEAT kaysa
noong isang taon.
 Halimbawa ng Pamatnubay na kasabihan
 Kung gaano ang ama, ganoon din ang anak (Like
father, like son). Si Warren Cruz, isang binatang
katatapos lamang sa pag-aaral ng abogasya, ay
nanguna sa pagsusulit sa batas gaya rin ng kanyang
ama na nagkamit ng pinakamataas na marka noong
1987 bar examination.
f. Pamatnubay na Paglalarawan
(Descriptive/ Picture lead)
- Ito’y naglalarawan ng tao, lunan p pangyayari.
Ginagamit kung sa ilang salita ay makabubuo ng
malinaw na larawan sa isipan ng bumabasa.
 Puting-puti ang kasuotan, tangan ang mga diploma,
ang 800 na nagsipagtapos ay masayang nagmartsang
pababa ng entablado habang tinutugtog ng rondalya
ang Aida March.
g. Pamatnubay na Sanligan (Background
lead)
- Ito’y mga salitang naglalarawan ng
pangyayari at ang pook na pinangyarihan ay
higit na nakatatawag-pansin kaysa mga taong
kasangkot sa kwento. Karaniwang ginagamit
ang patnubay na sanligan sa mga salaysay
tungkol sa karnabal, sayawan, psitahan,
eksibisyon, atb.
 Ang Mababang Paaralang Benitez ay mistulang
munting karnabal noong Sabado nang nagdiwang ng
kanyang ikawalumpu’t limang taong pagkakatatag.
h. Pamatnubay ba Parodya o Nakakatawag
panulad (Parody lead)
- Karaniwa’y hango sa sikat na awit, tula, sipi, aklat o
pamagat ng pelikula. Ginagamit lamang ito kung
angkop, madaling mapagkakakilanlan, ngunit hindi
palasak.
 “Tubig, Tubig sa lahat ng dako, ngunit wala ni isang
patak na maiinom.” Ito ang naranasan ng mga
naninirahan sa Tondo nang binaha ang buong
Kamaynilaan at nawalan ng tubig ang MAYNILAD.
Ang siniping linya ay hango sa tulang The Rime of the
Ancient Mariner ni Samuel Coleridge.
i. Pamatnubay na pontse (Punchlead)
- Isang maikli ngunit mabisang pamatnubay.
j. Pamatnubay na isang salita (One-word
lead
k. Pamatnubay na Maikli’t Hiwa-hiwalay na
Salita o parirala (Staccato lead)
 Halimbawa ng Pamatnubay na Pontse
- Araw ng Tagumpay!
- Ipinagdiwang, Okt. 18 ng PNU laboratory School ang
kanilang pagkapanalo sa panlunsod na CAT Competition.
 Halimbawa ng Pamatnubay na Isang Salita
- Sugod!
- Ito ang utos ni G. Rene Romero sa mga batang iskaut
nangtangkain nilang akyatin ang Bundok Arayat.
 Halimbawa ng Pamatnubay na Maiikli’t Hiwa-hiwalay na
Salita o Parirala.
- Krimen, demonstrasyon, adiksyon, polusyon! Pagsama-
samahin mo ang mga ito at mababatid mo kung anong uring
lungsod ang Maynila.
Ang Anyo ng Balitang lathalain ( Structure of
News Feature)
1. Simulan mo ang balita sa makabagong
pamatnubay (novelty lead).
2. Iayos mo ang nakalap mong mga ulat sa
kanilang pagkasunod-sunod na kahalagahan.
Angkin nito ang bahagi ng balita: 1) ang ulo
ng balita; 2) ang pamatnubay at 3) ang
teksto o katawan ng balita.
Kabatiran sa mga
Katawagan sa Isports
 Ang sports writer ay dapat maalam sa lenggwahe o
katawagan sa isports (sports lingo/language) upang siya ay
kapani-paniwala sa kanyang isinusulat.
Basketball team – five, quintet, dribbler, cager, rebounder
Volleyball team – netter, spiker, killer, walloper, tosser,
volleybelles
Softball, baseball – batter, slugger, hitter
Swimming – tanker, aquabelle
Boxing – pug, pugilist
Mga Salitang Magkasingkahulugan
 Nagwagi – namituin, bumandila, namayani, nanguna
 Natalo – nagapi, npinadapa, nagahis
 Tinalo – ginapi, minarder, pinulbos, dinurog,
pinaluhod, pinadapa (kung malaki ang lamang)
 - tinalbugan, inungusan, linamangan (kung
maliit lamang)
 Maiikli lamang na salita, pangungusap at talataan ang
ginagamit sa pagsulat ng balitan isports. Gayunpaman,
higit ang kalayaan ng sports writer kaysa straight news
writer sa istilo ng pagsulat. Makulay at mabulaklak
ang mga salitang ginagamit sa pagsulat ng balitang
isports
 Bagamat ang isang news reporter ay hindi
pinahihintulutang magbigay ng opinyon tungkol sa
tao o pangyayari, magagawa ito ng sports writer na
may limitasyon. Maari rin siyang gumamit ng salitang
balbal at tayutay nang buong kalayaan.
 BALITA + EDITORYAL + TANGING LATHALAIN =
BALITANG ISPORTS
1. Ulo ng Balita- Gamitin ang nauukol na
sports lingo at huwag kaligtaan ang iskor.
Di-dapat: Tinalo ng Kalookan Elementary
School Softball Players ang Quezon City
Elementary School Softball Players.
Dapat: Pinataob ng KES Batters ang QCES
Sluggers, 15- 5
 Subalit sa isang larong tuluyan (on-going games) at sa
isang tanyag na torneo, maaaring ipagpaliban na ang
nabanggit na mungkahi.
 Halimbawa
Namayani ang Gordon Laban sa Alaska
2. Pamatnubay- Tulad ng ibang uri ng balita,
ang balitang isports ay mayroon ding
pamatnubay. Ito ang tagatawag ng pansin; ang
lagom (summary) ng buong balita. Ginagamitan
din ito ng sports lingo at nilalagyan ng total
score.
Ang pamatnubay sa isports ay maaring isa
sa mga sumusunod:
a. Classic 5Ws- Sinasagot nito ang mga tanong
na (a) sinong nanalo? (b) laban kanino? (c) sa
anong iskor? (d) saan? (e) kailan? At (f) paano?
b. Key Play Lead- Nagsisimula ang balita sa
pinakapananabik na quarter (kung
basketball); set (kung volleyball) o inning
(kung softball o baseball) atbp .kung saan ang
isang koponan ay nakalamang nang malaki.
 Classic 5 Ws
 Nakabuslo ng anim na basket ang Benitez ES Quintet
sa nalalabing tatlong sandali at pinadapa ang Salvador
ES Five sa iskor na 65-63 kahapon sa Benitez ES
quadrangle
 Key Play Lead
 Tinambakan ng Aquino ES sluggers ang Marcos ES
batters ng anim na home run sa ikatlong inning at
napigilan ang Marcos rally, 14-12 sa torneong ginanap
kaugnay sa pagdiriwang ng Sports week.
c. Outstanding Player Lead- Itinatampok dito
ang pinakatanyag o pinakasikat na manlalaro.
Kung minsan tinatawag ito na hero of the game
lead.
d. Analytic Approach Lead- Ito’y bunga ng
isang maingat na pagsusuri kung bakit ang
isang koponan ay nanalo. Ano ang kanilang
kagalingan? Ano ang katangian nila na wala
ang kalaban? Sa anong paraan sila
nakalamang?
 Outstanding Players Lead
 Pagkalipas ng apat na oras na labanan sa chessboard,
nakamit ni Warner Cruz ng Juan Luna ES ang
pinakamimithing YMCA tropeo pagkatapos pinayuko
si Christian Manuel ng Gregoria de Jesus ES chesser sa
27 sulong ng Sililian Defense.
 Analtical Approach Lead
 Sa pamamagitan nang malalakas at sumasagitsit na
palo at mapaglinlang na service balls, pinadapa ng
Abad Santos ES netters ang Soliman ES spikers sa
pangatlong set sa iskor na 15-10, 11-15, 15-7 sa mini
district meet, Setyembre 21 sa Torres HS oval kaugnay
sa pagdiriwang ng Sports Week.
3. Ang Teksto (Katawan ng Balitang isports)
Kasunod sa pamatnubay ang teksto. Ito’y
binubuo ng ibang nakaayos na mga sangkap
o mga ulat sa pababang kahalagahan
(decreasing importance).
Talakayin sa teksto ang mga sumusunod:
1. Pinakamahigpit na bahagi ng laro (decisive play)
Ito ang bahagi ng labanan na nagbabadya
kung sino ang mananalo, kung sino sa koponan
ang nakalalamang.
2. Pinakamataas na iskor na natamo
(best scores of the day)
Huwag kaligtaang banggitin ang
manlalarong nakaani ng pinakamataas na iskor.
Karaniwang nilalagay ang kabuuang iskor (total
score) sa ulo ng balita gayon din sa
pamatnubay.
3. Salaysay sa sunod-sunod na pangyayari
(play-by play account)
4. Siniping pangungusap ( quoted remarks)
Banggitin din ang binitiwang salita ng coach o
team leader.
Quarter by quarter kung basketball; set by
set kung volleyball; inning by inning kung
baseball o softball; round by round kung
boxing atb.
Pagkilala sa mga Uri ng Pamatnubay na Gamit
Suriin kung anong uri ng pamatnubay ang ginamit sa mga
sumusunod na balitang isports:
____________1. sa pamamagitan ng malakas na spike
at mapaglinlang na placing, pinayukod ng Aquino ES
netters ang Marcos ES spkers sa pangatlong set sa
iskor na 15-10, 11- 7 sa isang exhibition game,
Setyembre 21 sa ramos ES oval.
____________2. Pinayuko ni Christian manuel
Nativity Montessori School chesser si Warner Castro
ng San Lorenzo ES pagkalipas ng apat na labanan sa
chessboard sa 27 sulong (moves) ng Sicilian defense.
____________3. Namituin ang nakalalamang na
District IV cagers laban sa District I dribbers sa
pandistritong sagupaan, oktubre 26 sa YMCA open
court kaugnay sa pagdiriwang ng Youth Day ng HI-Y
council.
____________4. Inagaw ng District I ang kampeonado
sa track anf field, boys and girls division sa
pamamagitan ng makabagong sipa at tadyak sa bola,
disyembre 4 sa Manila Football Stadium.
____________5. Nagtabla sa isang pang-imbitasyong
larong chess sina Darex Guanzon ng Laurel
Elementary School, at Arnel Laparan ng recto
Elementary School, Marso 19 sa Laurel gym sa
pagdiriwang ng ika-50 anibersaryo ng Paaralang
Laurel.
Kahulugan ng Editoryal
 Ito’y isang puna, paliwanag o opinyon sa isang
mahalaga at napapanahong balita o sa isyu, isang
paksang pinagtatalunan na nauugnay sa buhay at
kapakanan ng mambabasa.
 Sa editoryal ay isang komentaryong nagpapayo,
nagtuturo, pumupuri o tumutuligsa tungkol sa
kahalagan ng isang pangyayari.
Iba’t Ibang Uri ng Editoryal
1. Editoryal na Nagpapabatid – Nagbibigay ng Kabatiran
2. Editoryal na Nakikipagtala – Ang tanging layunin ay
upang hikayatin ang mambabasa na pumanig sa kanyang
ideya, paniniwala o kuro-kuro. (Halimbawa: Kalayaan sa
Pamamahayag, Hindi Lubos, Dapat Magplano ng
Pamilya).
3. Editoryal na Namumuna – Ito’y editoryal na
nakikipagtalo rin, subalit inihaharap dito ang mabuti at
di mabuting katangian ng isang isyu. Tinatalakay ang
magkabilang panig sa kabila ng katotohanang
ipinagtatanggol ng sumulat ang isa sa mga ito.
4. Editoryal na Nagpapakahulugan – Nagpapaliwanag ng
kasalukuyang ideya, kalagayan o katayuan. (Halimbawa:
Kalayaan sa Pamamahayag: Dalawang Paniniwala)
5. Editoryal na Panlibang – Ang layunin ay manlibang;
Kung minsan sentimental, kadalasang nagpapatawa.
(Halimbawa: Nakahikaw ang Boyfriend ko)
6. Editoryal na Nagpaparangal o Nagbibigay-Puri – Ito’y
pumupuri sa isang taong may kahanga-hangang
nagawa; nagpapahayag ng pagpapahalaga sa isang
katangi-tanging gawain o nagpaparangal sa may
nagawang pambihirang kabutihan sa isang bayani sa
araw ng kanyang kapanganakan o kamatayan.
7. Editoryal na Nagpapahayag ng Natatanging Araw
8. Editoryal Nanghihikayat – Halimbawa: Kumain ng
Gulay at Prutas, Itaguyod ang Proyekto ng Punong Guro
Ang Pagsulat ng Editoryal
 Panimula – nagtataglay ng balitang batayan (newspeg)
at reaksyon sa balitang batayan
 Katawan ng editoryal – Ito’y naglalahad ng tala, ideya
o paninindigan, laban oo sang-ayon sa paksa.
 Kongklusyon o Pangwakas – Ito ay maaaring isang
pagtitibay sa kuru-kuro, mga tagubilin o mga
mungkahi.
Halimbawa ng Balitang Batayan
at Reaksyon
 Isang malaking karangalan para sa paaralan na
ang mga batang mamamahayag ay muling nanalo sa
paligsahan sa pagsulat.
 Ang bagong patakaran ng punong-guro na nag-uutos
sa mga mag-aaral na nahuli sa klase na mag-aral muna
ng leksyon sa silid-aklatan habang sila ay naghihintay
sa susunod na asignatura ay isang matalinong pasya.
Mga Iba Pang Panimula sa
Pagsulat ng Editoryal
 Pagtatanong – Ano ang nangyari sa pinalabas na
memorandum ng DepEd na nagbabawal sa pagtaas ng
matrikula?
 Payak na paglalahad ng paksa – Nagbabalak na naman ang
pamahalaan upang tayo’y sumalungat sa binabalak ng
Pangulo.
 Pagsasalaysay ng isang pangyayari o isang insidenteng may
kaugnayan sa paksa – Masigla at maayos ang mock election
na idinaos ng kagawaran ng Araling Panlipunan noong
Oktobre 14 bilang paghahanda sa darating na pambansang
halalan na gaganapin sa Enero 20.
 Pagsipi
At ang sabi ng Panginoon kay Cain, “Saan naroon si Abel
na iyong kapatid?’ at sinagot niya”Aywan ko; ako ba’y
tagabantay sa aking kapatid?” – Genesis 4:19
 Kapansin-pansin na panimula
Ganitong araw rin, dalawampu’t limang taon na ang
nakalilipas nang ang mga sibilyan – bata, matanda,
babae, lalaki, madre at pari ay nagsama-sama sa EDSA at
sa pamamagitan ng pag-aalay ng mga bulaklak at nang
pagrorosaryo ay naibagsak nila ang isang
mapaghimagsik na Pangulo.
Mga Tuntuning Dapat Sundin
 Akitin ang mambabasa sa pamamagitan ng kawili-wili
at maikling panimula
 Buuin ang katawan sa pamamagitan ng paglalahad ng
mga katibayang maayos at malinaw.
 Tandaan na ang pinakamahalagang bahagi ay ang mga
panimula at ang pangwakas
 Ikliin ang editoryal sa katamtamang 3oo salita lamang.
 Iwasan ang paggamit ng unang panauhang ako
 Simple lamang ang pagsulat
Ano ang Tanging Lathalain
 Ang Tanging Lathalin ay isang sanaysay na batay sa
isang tunay na pangyayari o katotohanan. Tulad ng
Editoryal, ito’y nakasabit sa isang artipisyal o natural
na balitang batayan (newspeg).
 Pinakamalayang anyo dahil maaring magsimula sa
pinakamalikhaing paraan
Anu-ano ang Pangunahing
Tungkulin ng Tanging Lathalain
 Manlibang
 Magbigay ng balitang may pamukaw-damdamin
 Magpabatid
 Magturo o Magpayo
Kaakit-akit na Paksa sa Tanging
Lathalain
Lathalaing Pangkatauhang Dagli
 Karaniwang maikli lamang ito. Maaring siya ay lider
na mag-aaral, matagumpay na nagtapos, guro, kawani,
isang masipag na dyanitor o isang magalang at
matulunging tanod. Hindi itinatampok ang mga
magaganda o guwapo, kundi ang mga naglilingkod sa
paaralan o sa pamayanan sa iba’t ibang paraan; ang
mga imbentor at tagapagbago. Maganda ring itampok
ang isang kaanib sa pamayanan na nag-alaga ng
maraming manok o baboy sa kanyang bakuran
Bb. Nina Cruz,
Di Kilalang Bayaning Guro
 May isang panahon na ang maestra ay masungit, at
pambihirang ngumiti, walang inaatupag kundi ang
pagdisiplina sa kanyang estudyante, na ayon sa kanya
ay isang mabisang obsesyon.
 Binurang lahat itong isang daang taon na
makalumang konsepto o palagay ni Bb. Nina Cruz,
isang guro sa Ingles. Kanya ngayong kinakatawan ang
bagong larawan ng isang makabago, masayahin at
magiliw na guro
Paglalarawan
 Maraming makasaysayang pangyayari at natatanging
pagdiriwang sa paaralan o sa pamayanan na karapat-
dapat na maisulat. Mayroon ding mga di-pambihirang
proyektong ginawa sa laboratoryo, sa klase o
pamayanan na dapat ilathala.
 Subalit sa paglalarawan, dapat maging batay sa mga
tunay na pangyayari at orihinal ang isusulat. Simple at
tiyak na salita lamang ang gagamitin na madaling
maiintindihan ng karaniwang mambabasa.
Tuloy Po Kayo sa Magandang
Pilipinas
 Sa ibabaw ng tumitibok na dagat Pacific ay kumikislap
ang kapuluang Pilipinas na may 7,093 na islang
hinihilamusan ng dagat tropiko na umaabot sa
hangganan ng isang libong milya mula sa hilaga
hanggang sa timog.
Karanasan at Pakikipagsapalaran
 Ipalagay na ang inyong klase sa agham ay dumalo sa
isang science camp. Bawat isa ay may isang kawili-
wiling salaysay – ang workshop seminar, ang mga
panayam, ang mga gawain, sosyal atbp. Maaring
lagumin ang lahat ng gawain sa isang malawakang
pag-uulat o sa magkahiwa-hiwalay na lathalain.
Oras ng Pangamba
 Hindi natagalan dumating na ang paggagawad ng
gantimpala. Nagtatalumpati pa ang Direktor ng
Paaralang Bayan sa Athletic Grandstand ng Lungsod
ng Lucena.
 Tahimik na tahimik at nangangamba ang mga
delegado. Ang kanilang diwa ay naglalakbay sa
malayung-malayong pook. Hindi ko pansin ang
sinasabi ng direktor. Ang nasa isip ko: Mananalo ba oa
matatalo sa paligsahan?
Nakalipas
 Ito’y nagpapaliwanag sa inyong nakaraan o sa
kasaysayan ng isang bagay o pangyayari.
 Halimbawa, ang inyong rondalya ay nanalo sa isang
paligsahan sa musika. Tumpak lamang ang pagsulat ng
lathalain ukol sa pagkakatatag ng unang rondalya, ng
mga unang kasapi at band master.
Pagsasalaysay
 Di-mabilang ang mga interesanteng kwentong
makasaysayan. Halimbawa, hilingin sa isang
matandang naninirahan sa isang pook kung saan
hango ang pangalan ng inyong distrito, barrio o
barangay, o kung paano noong nakalipas na panahon,
nangingisda o naglalaba sa isang estero sa karatig na
nayon.
Pangkaunlarang Lathalain
 Tinatalakay ang kaunlaran at pagsulong angkop sa
mabilis na pagbabago ng purok o bansa at ng
mamamayan nito. Ang mga halimbawa nito ay ang
artikulong tungkol sa programang pagtuturo, sa
panlipunan, sa produksyong pangkabuhayan, sa
pagsugpo ng droga at kriminalidad at pagpapaganda at
paglilinis sa pamayanan at sa bansa.
Pagtatanim ng Punong-Kahoy
at ng Tao
 Noong isang linggo ay Araw ng Pagtatanim ng
Punong-kahoy sa Metro Manila ng libu-libong mag-
aaral.
 Sa Mataas na Paaralang Osmena, nagtanim ng mga
punla ng punong-kahoy upang pagandahin ang
pamayanan at hindi upang ibalik ang kagubatan.
Lathalaing “Ano” at “Paano”
Ang gagawin
 Halimbawa, anong dapat gawin kung may lindol,
sunog, baha o anumang kagipitan? O paano ang
pagluto ng lumpia, paano pananatilihin ang
balingkinitang katawan?
 Karaniwang sinasamahan ito ng mga larawan o
larawang guhit.
Tocino Kayo Riyan
 Isang napakasarap at katakam-takam na ulam sa
almusal ang tocino. Kahit walang pag-eelado sa
pridyeder, ito’y hindi masisira, kundi lalong
sumasarap.
 Ito ang paraan sa paggawa ng tocino na ibinibigay ni
G. Napoleon M. Dagdagan ng UP College of
Agriculture Meat Processing Specialization.
FB Account: Reggie Ocena Cruz
Twitter: @SirReggieC
Instagram:#SIRREGGIEULTIMATEPRO
Yahoo Account: Heartrobreggie@yahoo.com
Gmail Account: Heartrobreggie@gmail.com
Tumbler Account: Reggie Cruz (Burador)
Blogger Account: apieceofpapercross.blogspot.com
Wattpad Account: Reggie Cruz (My Guardians Chapter 1-3)
Skype: reggie_columban
Ask.fm: reggie_0428
Linked-In: Reggie Cruz. College Instructor HAU
Smart: 09989809965

More Related Content

What's hot

Rubriks sa Pasalitang Pag-uulat
Rubriks sa Pasalitang Pag-uulatRubriks sa Pasalitang Pag-uulat
Rubriks sa Pasalitang Pag-uulat
John Ervin
 
MALA-MASUSING BANGHAY-ARALIN SA EL FILIBUSTERISMO
MALA-MASUSING BANGHAY-ARALIN SA EL FILIBUSTERISMOMALA-MASUSING BANGHAY-ARALIN SA EL FILIBUSTERISMO
MALA-MASUSING BANGHAY-ARALIN SA EL FILIBUSTERISMO
JovelynValera
 
Pagsulat ng Pangulong-tudling (Editorial)
Pagsulat ng Pangulong-tudling (Editorial)Pagsulat ng Pangulong-tudling (Editorial)
Pagsulat ng Pangulong-tudling (Editorial)
Merland Mabait
 
Pagsulat ng balita ppt
Pagsulat  ng balita pptPagsulat  ng balita ppt
Pagsulat ng balita ppt
Divine Garcia-Sarmiento
 
Editoryal o pangulong tudling
Editoryal o pangulong tudlingEditoryal o pangulong tudling
Editoryal o pangulong tudling
Earl Daniel Villanueva
 
Talahanayan ng ispesipikasyon
Talahanayan ng ispesipikasyonTalahanayan ng ispesipikasyon
Talahanayan ng ispesipikasyon
MaryRoseSanchez10
 
Decklamasyon
DecklamasyonDecklamasyon
Decklamasyon
shekainalea
 
Pagwawasto ng sipi at pag uulo ng balita
Pagwawasto ng sipi at pag uulo ng balitaPagwawasto ng sipi at pag uulo ng balita
Pagwawasto ng sipi at pag uulo ng balita
Lemar De Guia
 
Pagsulat ng Lathalain (Campus Journalism)
Pagsulat ng Lathalain (Campus Journalism)Pagsulat ng Lathalain (Campus Journalism)
Pagsulat ng Lathalain (Campus Journalism)
Jenny Rose Basa
 
Mga simulain, tungkulin, alituntunin at batas ng Pamahayagan
Mga simulain, tungkulin, alituntunin at batas ng PamahayaganMga simulain, tungkulin, alituntunin at batas ng Pamahayagan
Mga simulain, tungkulin, alituntunin at batas ng PamahayaganCindy Rose Vortex
 
Halimbawa ng mga Lathalain
Halimbawa ng mga LathalainHalimbawa ng mga Lathalain
Halimbawa ng mga Lathalain
JustinJiYeon
 
Q2 filipino 8 w6 ppt
Q2 filipino 8 w6 pptQ2 filipino 8 w6 ppt
Q2 filipino 8 w6 ppt
EDNACONEJOS
 
Anekdota
AnekdotaAnekdota
Isahan at Sabayang Pagbigkas
Isahan at Sabayang PagbigkasIsahan at Sabayang Pagbigkas
Isahan at Sabayang Pagbigkas
Angelique .
 
Pagsulat11_Kolum at karikatura
Pagsulat11_Kolum at karikaturaPagsulat11_Kolum at karikatura
Pagsulat11_Kolum at karikatura
Tine Lachica
 
Bahagi ng pamahayagan
Bahagi ng pamahayaganBahagi ng pamahayagan
Bahagi ng pamahayaganTine Bernadez
 

What's hot (20)

Rubriks sa Pasalitang Pag-uulat
Rubriks sa Pasalitang Pag-uulatRubriks sa Pasalitang Pag-uulat
Rubriks sa Pasalitang Pag-uulat
 
MALA-MASUSING BANGHAY-ARALIN SA EL FILIBUSTERISMO
MALA-MASUSING BANGHAY-ARALIN SA EL FILIBUSTERISMOMALA-MASUSING BANGHAY-ARALIN SA EL FILIBUSTERISMO
MALA-MASUSING BANGHAY-ARALIN SA EL FILIBUSTERISMO
 
Pagsulat ng Pangulong-tudling (Editorial)
Pagsulat ng Pangulong-tudling (Editorial)Pagsulat ng Pangulong-tudling (Editorial)
Pagsulat ng Pangulong-tudling (Editorial)
 
Pagsulat ng balita ppt
Pagsulat  ng balita pptPagsulat  ng balita ppt
Pagsulat ng balita ppt
 
Lathalain
LathalainLathalain
Lathalain
 
Editoryal o pangulong tudling
Editoryal o pangulong tudlingEditoryal o pangulong tudling
Editoryal o pangulong tudling
 
Talahanayan ng ispesipikasyon
Talahanayan ng ispesipikasyonTalahanayan ng ispesipikasyon
Talahanayan ng ispesipikasyon
 
Decklamasyon
DecklamasyonDecklamasyon
Decklamasyon
 
Pagwawasto ng sipi at pag uulo ng balita
Pagwawasto ng sipi at pag uulo ng balitaPagwawasto ng sipi at pag uulo ng balita
Pagwawasto ng sipi at pag uulo ng balita
 
Balita.final.ppt
Balita.final.pptBalita.final.ppt
Balita.final.ppt
 
Pagsulat ng Lathalain (Campus Journalism)
Pagsulat ng Lathalain (Campus Journalism)Pagsulat ng Lathalain (Campus Journalism)
Pagsulat ng Lathalain (Campus Journalism)
 
Mga simulain, tungkulin, alituntunin at batas ng Pamahayagan
Mga simulain, tungkulin, alituntunin at batas ng PamahayaganMga simulain, tungkulin, alituntunin at batas ng Pamahayagan
Mga simulain, tungkulin, alituntunin at batas ng Pamahayagan
 
Halimbawa ng mga Lathalain
Halimbawa ng mga LathalainHalimbawa ng mga Lathalain
Halimbawa ng mga Lathalain
 
Editoryal
EditoryalEditoryal
Editoryal
 
Q2 filipino 8 w6 ppt
Q2 filipino 8 w6 pptQ2 filipino 8 w6 ppt
Q2 filipino 8 w6 ppt
 
Anekdota
AnekdotaAnekdota
Anekdota
 
Isahan at Sabayang Pagbigkas
Isahan at Sabayang PagbigkasIsahan at Sabayang Pagbigkas
Isahan at Sabayang Pagbigkas
 
Pagsulat ng balita
Pagsulat ng balitaPagsulat ng balita
Pagsulat ng balita
 
Pagsulat11_Kolum at karikatura
Pagsulat11_Kolum at karikaturaPagsulat11_Kolum at karikatura
Pagsulat11_Kolum at karikatura
 
Bahagi ng pamahayagan
Bahagi ng pamahayaganBahagi ng pamahayagan
Bahagi ng pamahayagan
 

Similar to Unang araw balita, isports, editoryal, lathalain

Tamang Pagsulat ng Balita Heheheheheheheheh
Tamang Pagsulat ng Balita HehehehehehehehehTamang Pagsulat ng Balita Heheheheheheheheh
Tamang Pagsulat ng Balita Heheheheheheheheh
kevindagohoy2006
 
Pagsulat ng tanging lathalain
Pagsulat ng tanging lathalainPagsulat ng tanging lathalain
Pagsulat ng tanging lathalain
SCPS
 
Paglalahad ng katuwiran at pagbuo ng makabuluhang tanong.pptx
Paglalahad ng katuwiran at pagbuo ng makabuluhang tanong.pptxPaglalahad ng katuwiran at pagbuo ng makabuluhang tanong.pptx
Paglalahad ng katuwiran at pagbuo ng makabuluhang tanong.pptx
rhea bejasa
 
Week 1-2 Uri ng Teksto Part 2.pptx
Week 1-2 Uri ng Teksto Part 2.pptxWeek 1-2 Uri ng Teksto Part 2.pptx
Week 1-2 Uri ng Teksto Part 2.pptx
AntonetteAlbina3
 
g9 filipino.pptx
g9 filipino.pptxg9 filipino.pptx
g9 filipino.pptx
ferdinandsanbuenaven
 
g9 filipino lesson 1,2,3 ast quarter.pptx
g9 filipino  lesson 1,2,3 ast quarter.pptxg9 filipino  lesson 1,2,3 ast quarter.pptx
g9 filipino lesson 1,2,3 ast quarter.pptx
ferdinandsanbuenaven
 
g9 filipino lesson 1,2,3.pptx
g9 filipino  lesson 1,2,3.pptxg9 filipino  lesson 1,2,3.pptx
g9 filipino lesson 1,2,3.pptx
DenandSanbuenaventur
 
Diskursong-Pasalaysay.pptx
Diskursong-Pasalaysay.pptxDiskursong-Pasalaysay.pptx
Diskursong-Pasalaysay.pptx
LovelynAntang1
 
Fil 1 - Aralin 14 at 17 buod
Fil 1 - Aralin 14 at 17 buodFil 1 - Aralin 14 at 17 buod
Fil 1 - Aralin 14 at 17 buodEllize Gonzales
 
pagsulatngpangulong-tudling-140910201557-phpapp02.pdf
pagsulatngpangulong-tudling-140910201557-phpapp02.pdfpagsulatngpangulong-tudling-140910201557-phpapp02.pdf
pagsulatngpangulong-tudling-140910201557-phpapp02.pdf
RyseiTanaka
 
Q2.ALAMAT-SALITANG nAGHAHAMBING2024.pptx
Q2.ALAMAT-SALITANG nAGHAHAMBING2024.pptxQ2.ALAMAT-SALITANG nAGHAHAMBING2024.pptx
Q2.ALAMAT-SALITANG nAGHAHAMBING2024.pptx
Cha Chie14
 
K TO 12 GRADE 7 LEARNING MODULE IN ARALING PANLIPUNAN
K TO 12 GRADE 7 LEARNING MODULE IN ARALING PANLIPUNANK TO 12 GRADE 7 LEARNING MODULE IN ARALING PANLIPUNAN
K TO 12 GRADE 7 LEARNING MODULE IN ARALING PANLIPUNAN
LiGhT ArOhL
 
Q2 M2 Filipino Pivot.pptx
Q2 M2 Filipino Pivot.pptxQ2 M2 Filipino Pivot.pptx
Q2 M2 Filipino Pivot.pptx
KatrinaReyes21
 
talumpaticoruelabellana.pptx
talumpaticoruelabellana.pptxtalumpaticoruelabellana.pptx
talumpaticoruelabellana.pptx
ferdinandsanbuenaven
 
1st grading filipino vi part 2
1st grading filipino vi part 21st grading filipino vi part 2
1st grading filipino vi part 2
Sally Manlangit
 
mabisang paraan ng pagpapahayag.pptx
mabisang paraan ng pagpapahayag.pptxmabisang paraan ng pagpapahayag.pptx
mabisang paraan ng pagpapahayag.pptx
AnaMarieRavanes2
 
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik Quarter 3 Re...
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik Quarter 3 Re...Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik Quarter 3 Re...
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik Quarter 3 Re...
VannaRebekahIbatuan
 
NARATIBONG-PAG-ULAT_TEKBOK_PILING LARANG-1-F.pptx
NARATIBONG-PAG-ULAT_TEKBOK_PILING LARANG-1-F.pptxNARATIBONG-PAG-ULAT_TEKBOK_PILING LARANG-1-F.pptx
NARATIBONG-PAG-ULAT_TEKBOK_PILING LARANG-1-F.pptx
leatemones1
 
Daily Lesson Log_Grade FILIPINO 5 week 5
Daily Lesson Log_Grade FILIPINO 5 week 5Daily Lesson Log_Grade FILIPINO 5 week 5
Daily Lesson Log_Grade FILIPINO 5 week 5
LheaColiano
 

Similar to Unang araw balita, isports, editoryal, lathalain (20)

Tamang Pagsulat ng Balita Heheheheheheheheh
Tamang Pagsulat ng Balita HehehehehehehehehTamang Pagsulat ng Balita Heheheheheheheheh
Tamang Pagsulat ng Balita Heheheheheheheheh
 
Pagsulat ng tanging lathalain
Pagsulat ng tanging lathalainPagsulat ng tanging lathalain
Pagsulat ng tanging lathalain
 
Paglalahad ng katuwiran at pagbuo ng makabuluhang tanong.pptx
Paglalahad ng katuwiran at pagbuo ng makabuluhang tanong.pptxPaglalahad ng katuwiran at pagbuo ng makabuluhang tanong.pptx
Paglalahad ng katuwiran at pagbuo ng makabuluhang tanong.pptx
 
Week 1-2 Uri ng Teksto Part 2.pptx
Week 1-2 Uri ng Teksto Part 2.pptxWeek 1-2 Uri ng Teksto Part 2.pptx
Week 1-2 Uri ng Teksto Part 2.pptx
 
g9 filipino.pptx
g9 filipino.pptxg9 filipino.pptx
g9 filipino.pptx
 
g9 filipino lesson 1,2,3 ast quarter.pptx
g9 filipino  lesson 1,2,3 ast quarter.pptxg9 filipino  lesson 1,2,3 ast quarter.pptx
g9 filipino lesson 1,2,3 ast quarter.pptx
 
g9 filipino lesson 1,2,3.pptx
g9 filipino  lesson 1,2,3.pptxg9 filipino  lesson 1,2,3.pptx
g9 filipino lesson 1,2,3.pptx
 
Diskursong-Pasalaysay.pptx
Diskursong-Pasalaysay.pptxDiskursong-Pasalaysay.pptx
Diskursong-Pasalaysay.pptx
 
Fil 1 - Aralin 14 at 17 buod
Fil 1 - Aralin 14 at 17 buodFil 1 - Aralin 14 at 17 buod
Fil 1 - Aralin 14 at 17 buod
 
pagsulatngpangulong-tudling-140910201557-phpapp02.pdf
pagsulatngpangulong-tudling-140910201557-phpapp02.pdfpagsulatngpangulong-tudling-140910201557-phpapp02.pdf
pagsulatngpangulong-tudling-140910201557-phpapp02.pdf
 
Q2.ALAMAT-SALITANG nAGHAHAMBING2024.pptx
Q2.ALAMAT-SALITANG nAGHAHAMBING2024.pptxQ2.ALAMAT-SALITANG nAGHAHAMBING2024.pptx
Q2.ALAMAT-SALITANG nAGHAHAMBING2024.pptx
 
K TO 12 GRADE 7 LEARNING MODULE IN ARALING PANLIPUNAN
K TO 12 GRADE 7 LEARNING MODULE IN ARALING PANLIPUNANK TO 12 GRADE 7 LEARNING MODULE IN ARALING PANLIPUNAN
K TO 12 GRADE 7 LEARNING MODULE IN ARALING PANLIPUNAN
 
Q2 M2 Filipino Pivot.pptx
Q2 M2 Filipino Pivot.pptxQ2 M2 Filipino Pivot.pptx
Q2 M2 Filipino Pivot.pptx
 
talumpaticoruelabellana.pptx
talumpaticoruelabellana.pptxtalumpaticoruelabellana.pptx
talumpaticoruelabellana.pptx
 
1st grading filipino vi part 2
1st grading filipino vi part 21st grading filipino vi part 2
1st grading filipino vi part 2
 
mabisang paraan ng pagpapahayag.pptx
mabisang paraan ng pagpapahayag.pptxmabisang paraan ng pagpapahayag.pptx
mabisang paraan ng pagpapahayag.pptx
 
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik Quarter 3 Re...
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik Quarter 3 Re...Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik Quarter 3 Re...
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik Quarter 3 Re...
 
Learning plan
Learning planLearning plan
Learning plan
 
NARATIBONG-PAG-ULAT_TEKBOK_PILING LARANG-1-F.pptx
NARATIBONG-PAG-ULAT_TEKBOK_PILING LARANG-1-F.pptxNARATIBONG-PAG-ULAT_TEKBOK_PILING LARANG-1-F.pptx
NARATIBONG-PAG-ULAT_TEKBOK_PILING LARANG-1-F.pptx
 
Daily Lesson Log_Grade FILIPINO 5 week 5
Daily Lesson Log_Grade FILIPINO 5 week 5Daily Lesson Log_Grade FILIPINO 5 week 5
Daily Lesson Log_Grade FILIPINO 5 week 5
 

More from Reggie Cruz

Pagbuo ng Maiksing Pananaliksik na Napapanahon ang Paksa (Para sa SHS)
Pagbuo ng Maiksing Pananaliksik na Napapanahon ang Paksa (Para sa SHS)Pagbuo ng Maiksing Pananaliksik na Napapanahon ang Paksa (Para sa SHS)
Pagbuo ng Maiksing Pananaliksik na Napapanahon ang Paksa (Para sa SHS)
Reggie Cruz
 
Pahayagang pangkampus bilang susi sa pag unlad ng lokal na wika
Pahayagang pangkampus bilang susi sa pag unlad ng lokal na wikaPahayagang pangkampus bilang susi sa pag unlad ng lokal na wika
Pahayagang pangkampus bilang susi sa pag unlad ng lokal na wika
Reggie Cruz
 
Career Orientation of ABM Students
Career Orientation of ABM Students Career Orientation of ABM Students
Career Orientation of ABM Students
Reggie Cruz
 
Development of Proposed Computer Program for Quarterly Assessments Activities
Development of Proposed Computer Program for Quarterly Assessments Activities Development of Proposed Computer Program for Quarterly Assessments Activities
Development of Proposed Computer Program for Quarterly Assessments Activities
Reggie Cruz
 
The Use of Appropriate Assessment Instruments
The Use of Appropriate Assessment InstrumentsThe Use of Appropriate Assessment Instruments
The Use of Appropriate Assessment Instruments
Reggie Cruz
 
Presentation of Sample Research Proposals
Presentation of Sample Research ProposalsPresentation of Sample Research Proposals
Presentation of Sample Research Proposals
Reggie Cruz
 
Principles of teaching
Principles of teaching Principles of teaching
Principles of teaching
Reggie Cruz
 
Techniques in oral presentation & conducting a research presentations
Techniques in oral presentation & conducting a research presentationsTechniques in oral presentation & conducting a research presentations
Techniques in oral presentation & conducting a research presentations
Reggie Cruz
 
Transisyon sa Pagbagtas at Pagyakap Bilang Manunulat sa Amanung Kapampangan (...
Transisyon sa Pagbagtas at Pagyakap Bilang Manunulat sa Amanung Kapampangan (...Transisyon sa Pagbagtas at Pagyakap Bilang Manunulat sa Amanung Kapampangan (...
Transisyon sa Pagbagtas at Pagyakap Bilang Manunulat sa Amanung Kapampangan (...
Reggie Cruz
 
Kilos pananaliksik at aplayd reserts
Kilos pananaliksik at aplayd resertsKilos pananaliksik at aplayd reserts
Kilos pananaliksik at aplayd reserts
Reggie Cruz
 
Kultural na literasi
Kultural na literasiKultural na literasi
Kultural na literasi
Reggie Cruz
 
Metodolohiya sa Aksyon Riserts
Metodolohiya sa Aksyon RisertsMetodolohiya sa Aksyon Riserts
Metodolohiya sa Aksyon Riserts
Reggie Cruz
 
Aksyon Riserts: Simulain at Praksis
Aksyon Riserts: Simulain at Praksis Aksyon Riserts: Simulain at Praksis
Aksyon Riserts: Simulain at Praksis
Reggie Cruz
 
Collaborative planning, orchestration toward professional development
Collaborative planning, orchestration toward professional developmentCollaborative planning, orchestration toward professional development
Collaborative planning, orchestration toward professional development
Reggie Cruz
 
Pag uulo at pagwawasto ng sipi
Pag uulo at pagwawasto ng sipiPag uulo at pagwawasto ng sipi
Pag uulo at pagwawasto ng sipi
Reggie Cruz
 
Transisyon sa pagbagtas at pagyakap bilang manunulat sa Amanung Kapampangan
Transisyon sa pagbagtas at pagyakap bilang manunulat sa Amanung KapampanganTransisyon sa pagbagtas at pagyakap bilang manunulat sa Amanung Kapampangan
Transisyon sa pagbagtas at pagyakap bilang manunulat sa Amanung Kapampangan
Reggie Cruz
 
Qualities of a Well-Written Peer Review Report
Qualities of a Well-Written Peer Review ReportQualities of a Well-Written Peer Review Report
Qualities of a Well-Written Peer Review Report
Reggie Cruz
 
Mga teknik at mga estratehiya sa pagtuturo gamit ang pananaliksik
Mga teknik at mga estratehiya sa pagtuturo gamit ang pananaliksikMga teknik at mga estratehiya sa pagtuturo gamit ang pananaliksik
Mga teknik at mga estratehiya sa pagtuturo gamit ang pananaliksik
Reggie Cruz
 
Curriculum planning and development
Curriculum planning and developmentCurriculum planning and development
Curriculum planning and development
Reggie Cruz
 
Division Research Congress Pagtuturong Resiprokal sa mga Babasahing Akademiko
Division Research Congress Pagtuturong Resiprokal sa mga Babasahing AkademikoDivision Research Congress Pagtuturong Resiprokal sa mga Babasahing Akademiko
Division Research Congress Pagtuturong Resiprokal sa mga Babasahing Akademiko
Reggie Cruz
 

More from Reggie Cruz (20)

Pagbuo ng Maiksing Pananaliksik na Napapanahon ang Paksa (Para sa SHS)
Pagbuo ng Maiksing Pananaliksik na Napapanahon ang Paksa (Para sa SHS)Pagbuo ng Maiksing Pananaliksik na Napapanahon ang Paksa (Para sa SHS)
Pagbuo ng Maiksing Pananaliksik na Napapanahon ang Paksa (Para sa SHS)
 
Pahayagang pangkampus bilang susi sa pag unlad ng lokal na wika
Pahayagang pangkampus bilang susi sa pag unlad ng lokal na wikaPahayagang pangkampus bilang susi sa pag unlad ng lokal na wika
Pahayagang pangkampus bilang susi sa pag unlad ng lokal na wika
 
Career Orientation of ABM Students
Career Orientation of ABM Students Career Orientation of ABM Students
Career Orientation of ABM Students
 
Development of Proposed Computer Program for Quarterly Assessments Activities
Development of Proposed Computer Program for Quarterly Assessments Activities Development of Proposed Computer Program for Quarterly Assessments Activities
Development of Proposed Computer Program for Quarterly Assessments Activities
 
The Use of Appropriate Assessment Instruments
The Use of Appropriate Assessment InstrumentsThe Use of Appropriate Assessment Instruments
The Use of Appropriate Assessment Instruments
 
Presentation of Sample Research Proposals
Presentation of Sample Research ProposalsPresentation of Sample Research Proposals
Presentation of Sample Research Proposals
 
Principles of teaching
Principles of teaching Principles of teaching
Principles of teaching
 
Techniques in oral presentation & conducting a research presentations
Techniques in oral presentation & conducting a research presentationsTechniques in oral presentation & conducting a research presentations
Techniques in oral presentation & conducting a research presentations
 
Transisyon sa Pagbagtas at Pagyakap Bilang Manunulat sa Amanung Kapampangan (...
Transisyon sa Pagbagtas at Pagyakap Bilang Manunulat sa Amanung Kapampangan (...Transisyon sa Pagbagtas at Pagyakap Bilang Manunulat sa Amanung Kapampangan (...
Transisyon sa Pagbagtas at Pagyakap Bilang Manunulat sa Amanung Kapampangan (...
 
Kilos pananaliksik at aplayd reserts
Kilos pananaliksik at aplayd resertsKilos pananaliksik at aplayd reserts
Kilos pananaliksik at aplayd reserts
 
Kultural na literasi
Kultural na literasiKultural na literasi
Kultural na literasi
 
Metodolohiya sa Aksyon Riserts
Metodolohiya sa Aksyon RisertsMetodolohiya sa Aksyon Riserts
Metodolohiya sa Aksyon Riserts
 
Aksyon Riserts: Simulain at Praksis
Aksyon Riserts: Simulain at Praksis Aksyon Riserts: Simulain at Praksis
Aksyon Riserts: Simulain at Praksis
 
Collaborative planning, orchestration toward professional development
Collaborative planning, orchestration toward professional developmentCollaborative planning, orchestration toward professional development
Collaborative planning, orchestration toward professional development
 
Pag uulo at pagwawasto ng sipi
Pag uulo at pagwawasto ng sipiPag uulo at pagwawasto ng sipi
Pag uulo at pagwawasto ng sipi
 
Transisyon sa pagbagtas at pagyakap bilang manunulat sa Amanung Kapampangan
Transisyon sa pagbagtas at pagyakap bilang manunulat sa Amanung KapampanganTransisyon sa pagbagtas at pagyakap bilang manunulat sa Amanung Kapampangan
Transisyon sa pagbagtas at pagyakap bilang manunulat sa Amanung Kapampangan
 
Qualities of a Well-Written Peer Review Report
Qualities of a Well-Written Peer Review ReportQualities of a Well-Written Peer Review Report
Qualities of a Well-Written Peer Review Report
 
Mga teknik at mga estratehiya sa pagtuturo gamit ang pananaliksik
Mga teknik at mga estratehiya sa pagtuturo gamit ang pananaliksikMga teknik at mga estratehiya sa pagtuturo gamit ang pananaliksik
Mga teknik at mga estratehiya sa pagtuturo gamit ang pananaliksik
 
Curriculum planning and development
Curriculum planning and developmentCurriculum planning and development
Curriculum planning and development
 
Division Research Congress Pagtuturong Resiprokal sa mga Babasahing Akademiko
Division Research Congress Pagtuturong Resiprokal sa mga Babasahing AkademikoDivision Research Congress Pagtuturong Resiprokal sa mga Babasahing Akademiko
Division Research Congress Pagtuturong Resiprokal sa mga Babasahing Akademiko
 

Recently uploaded

Ang Kawayan (Ang Kalasag ng Kabataan, Lagitik ng Katotohanan)
Ang Kawayan (Ang Kalasag ng Kabataan, Lagitik ng Katotohanan)Ang Kawayan (Ang Kalasag ng Kabataan, Lagitik ng Katotohanan)
Ang Kawayan (Ang Kalasag ng Kabataan, Lagitik ng Katotohanan)
Bryan Ben Orcenado
 
THE WORSHIP OF THE BODY - CORPUS CHRISTI (Filippino).pptx
THE WORSHIP OF THE BODY - CORPUS CHRISTI (Filippino).pptxTHE WORSHIP OF THE BODY - CORPUS CHRISTI (Filippino).pptx
THE WORSHIP OF THE BODY - CORPUS CHRISTI (Filippino).pptx
Martin M Flynn
 
Noli Me Tangere Kabanata 20/Chapter 20 PPT
Noli Me Tangere Kabanata 20/Chapter 20 PPTNoli Me Tangere Kabanata 20/Chapter 20 PPT
Noli Me Tangere Kabanata 20/Chapter 20 PPT
PrincessYsabelFornes
 
unang-yugto-ng-kolonyalismo-at-imperyalismo-banghay-aralin.pdf
unang-yugto-ng-kolonyalismo-at-imperyalismo-banghay-aralin.pdfunang-yugto-ng-kolonyalismo-at-imperyalismo-banghay-aralin.pdf
unang-yugto-ng-kolonyalismo-at-imperyalismo-banghay-aralin.pdf
TeodoroRanque1
 
Mga Epektibong Dulog at Estratehiya sa Pagtuturo ng Panitikan, Paglikha ng Ka...
Mga Epektibong Dulog at Estratehiya sa Pagtuturo ng Panitikan, Paglikha ng Ka...Mga Epektibong Dulog at Estratehiya sa Pagtuturo ng Panitikan, Paglikha ng Ka...
Mga Epektibong Dulog at Estratehiya sa Pagtuturo ng Panitikan, Paglikha ng Ka...
AilaSastre
 
Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng San Luis National High School TOMO XIII B...
Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng San Luis National High School TOMO XIII B...Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng San Luis National High School TOMO XIII B...
Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng San Luis National High School TOMO XIII B...
zairrah
 

Recently uploaded (6)

Ang Kawayan (Ang Kalasag ng Kabataan, Lagitik ng Katotohanan)
Ang Kawayan (Ang Kalasag ng Kabataan, Lagitik ng Katotohanan)Ang Kawayan (Ang Kalasag ng Kabataan, Lagitik ng Katotohanan)
Ang Kawayan (Ang Kalasag ng Kabataan, Lagitik ng Katotohanan)
 
THE WORSHIP OF THE BODY - CORPUS CHRISTI (Filippino).pptx
THE WORSHIP OF THE BODY - CORPUS CHRISTI (Filippino).pptxTHE WORSHIP OF THE BODY - CORPUS CHRISTI (Filippino).pptx
THE WORSHIP OF THE BODY - CORPUS CHRISTI (Filippino).pptx
 
Noli Me Tangere Kabanata 20/Chapter 20 PPT
Noli Me Tangere Kabanata 20/Chapter 20 PPTNoli Me Tangere Kabanata 20/Chapter 20 PPT
Noli Me Tangere Kabanata 20/Chapter 20 PPT
 
unang-yugto-ng-kolonyalismo-at-imperyalismo-banghay-aralin.pdf
unang-yugto-ng-kolonyalismo-at-imperyalismo-banghay-aralin.pdfunang-yugto-ng-kolonyalismo-at-imperyalismo-banghay-aralin.pdf
unang-yugto-ng-kolonyalismo-at-imperyalismo-banghay-aralin.pdf
 
Mga Epektibong Dulog at Estratehiya sa Pagtuturo ng Panitikan, Paglikha ng Ka...
Mga Epektibong Dulog at Estratehiya sa Pagtuturo ng Panitikan, Paglikha ng Ka...Mga Epektibong Dulog at Estratehiya sa Pagtuturo ng Panitikan, Paglikha ng Ka...
Mga Epektibong Dulog at Estratehiya sa Pagtuturo ng Panitikan, Paglikha ng Ka...
 
Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng San Luis National High School TOMO XIII B...
Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng San Luis National High School TOMO XIII B...Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng San Luis National High School TOMO XIII B...
Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng San Luis National High School TOMO XIII B...
 

Unang araw balita, isports, editoryal, lathalain

  • 1. Ginoong Reggie O. Cruz Master ng Sining sa Edukasyon dalubhasa sa Filipino Instraktor II Pamantasang Holy Angel Agosto, 1, 2015
  • 2. Proseso ng buong araw na pagpapatalas ng isip  Lektsur (Gawaing Kapulungan)  Paghasa ng Kaalaman (Pagsusulit)  Pagsasanay sa Pagsulat (Palihan)  Pagwawasto ( Peer Critiquing at Ekspert Critiquing)  Karagdagang Pagsasanay –  (Takdang Aralin na Pwedeng Iuwi)  Pagwawastong-muli mula sa aking Online Account
  • 3. Umagang Talakayan  Pagsulat ng Tuwiran at Balitang Lathalain  Lekstur at Pagsusulit  Pagsulat ng Balitang Pampalakasan  Lekstur at Pagsusulit  Palihan sa Pagsulat ng Tuwirang Balita , Balitang Lathalain at Balitang Pampalakasan  Peer Critiquing  Expert Critiquing – Ipapasa upang suriin
  • 4. Hapong Talakayan  Pagsulat ng Editoryal  Lektsur at Pagsusulit  Pagsulat ng Tanging Lathalain  Lektsur at Pagsusulit  Palihan sa Pagsulat ng Editoryal at Tanging Lathalain  Peer Critiquing  Expert Critiquing – Ipapasa upang suriin
  • 5. Talakayang Online  Pagpapasa at pagsusuri ng mga Takdang-Aralin na awtput sa Balita, Isports, Editoryal at Lathalain  Pagbuo ng FB Group  Pagpapasa at Pagbabasa  Pagbibigay komento
  • 6.
  • 7.
  • 8. Katuturan  Ano mang pangyayaring di karaniwan ay isang balita.  Ano mang bagay na hindi mo alam noong nagdaang araw ay isang balita  Isang ulat na hindi pa nailalathala, tungkol sa mga ginagawa ng mga tao na inaakalang pananabikan, maiibigang mabatid, at mapaglilibangan ng mambabasa  Ano mang pangyayaring kagaganap lamang, na bukod sa may kakaibang katangian, ay makatotohanan at nakawiwili sa mambabasa ay isang balita
  • 9. Sangkap ng Balita A. Kapanahunan (Timeless) – Huling araw ng isang pangyayari, pangyayaring naganap ngayon, sa kasalukuyan. B. Kalapitan (Nearness/Proximity) – sa inyong paaralan; hindi kalayuan C. Kahulugan o Kalalabasan (Significance or Consequence) – bunga ng pagpupulong; epekto ng bagong kautusan ng paaralan D. Katanyagan (Prominence) – Ang punong-guro, batang pinuno, mga tanyag na tao
  • 10.  Tunggalian (Conflict/Struggle) – Kinalabasan ng halalan, labanan sa isports o atletiks; mga pros at cons sa isyu  Pamukaw-damdamin (Human Interest) – Bukod- tanging pangyayari o tao, pagpukaw sa emosyon  Di-pangkaraniwan/Pambihira (Oddity, Unusualness) – kakatuwang pangyayari, di maipaliwanag na kababalaghan
  • 11. Tukuyin ang Sangkap ng Balita 1. Asong gumagala, iniligtas nalulunod na bata 2. Pagtaas ng matrikula, malaki ang epekto sa mag- aaral 3. Kalihim ng DEPEd, panauhing tagapagsalita sa pagtatapos 4. Panggabing tanod, nakarinig ng nagmamakinilya sa silid-aklatan 5. Pamunuan ng Student Council, inihalal
  • 12. MGA URI NG BALITA  Balita ayon sa anyo (Structure) 1. Tuwirang Balita (Straight News) – Isang balita na may sapat na datos o ulat na ikinukwentong walang paliguy-ligoy, nagsisimula sa kabuurang pamatnubay (Summary lead) at sumusunod sa anyong baligtad na piramide. 2. Balitang Lathalain –Tulad ng tuwirang balita, batay rin ito sa tunay na pangyayari. Subalit ang karaniwang ayos nito ay tulad nang sa isang kuwento na ang sinusunod ay ayos piramide kung saan ang pinakamahalagang ulat ay nasa bandang huli
  • 13. Uri ng Balita ayon sa Saklaw o Pinagmulan  Balitang lokal o nasyonal – naganap sa loob ng bansa  Balitang dayuhan o banyaga (foreign news) – naganap sa labas ng bansa  Balitang may petsa at pinanggalingan (Date line News) – Pinangungunahan ng petsa, kung kailan sinulat at ang lunan, kung saan sinulat ng reporter. Halimbawa: Lungsod ng Zamboanga, Abril 16, 2001 – Malaks na lindol ang pumatay ng maraming mamamayan at puminsala ng ari-arian dito.
  • 14. BAHAGI NG BALITA  PAMATNUBAY  TEKSTO
  • 15. Ang Kunbensyonal o Kabuurang Pamatnubay (Summary lead)  Ito ang unang hakbang sa pagsulat ng balita. Ang pamatnubay na kunbensyonal ay ginagamit sa tuwirang balita.
  • 16. Ang mga halimbawa: a. Sino (Who lead) - Ginagamit kung ang taong kasangkot sa balita ay mas tanyag at mahalaga kaysa kung ano ang kanyang ginawa o anong nangyari sa kanya. b. Ano (What lead) - Ginagamit kung ang mga pangyayari o pagdiriwang ay mas mahalaga o makabuluhan kaysa taong kasangkot sa balita. c. Saan (where lead) - Ginagamit kung ang pook o lunan na pinangyarihan ay pambihira o di pangkaraniwan.
  • 17. Halimbawa sa Pamatnubay na Sino - Panauhing tagapagsalita ang Pangulo ng bansa sa pagtatapos na ginanap sa Philippine Military Academy sa Lungsod ng Baguio. Halimbawa sa Pamatnubay na Ano Ang National Achievement Test ay itinakda sa Setyembre 20 para sa mga mag-aaral sa Grade 3, 6 at 10 Halimbawa sa Pamatnubay na Saan Sa Pilipinas gaganapin ang susunod na palarong olimpiyada
  • 18. d. Kailan (When lead) - Bihirang ginagamit sapagkat talastas ng balana na ang balita ay napapanahon (timely). Gayunpaman ginagamit itong pamatnubay kung ang paksa ay ukol sa huling araw (deadline) o bumabanggit sa nakaraang kapistahan. e. Bakit (Why lead) - Sanhi o dahilan ang itinatampok. f. Paano (How lead) - Pamamaraan o kadahilanan ang itinatampok.
  • 19.  Halimbawa ng Pamatnubay na Kailan Abril 16 ang huling araw ng pagbabayad ng buwis sa BIR. Sa araw na ito, Pebrero 25, dalawangpu’t siyam na taon ang nakakaraan, nagaganap ang mapayapang EDSA Revolution o People Power I.  Halimbawa ng Pamatnubay na Bakit Sanhi ng kahirapan, 200 mag-aaral ang huminto. Ito’y napag-alaman kay Gng. Fe Mendoza, punong-guro ng paaralan.
  • 20.  Halimbawa ng Pamatnubay na Paano  Nagkunwang mga pari, limang lalaking nakasuot abito ang nakapasok sa Bangko Real at ito’y sapilitang nilooban
  • 21. Nakapiring na Pamatnubay (Blind lead) Upang maiwasan ang mga kulumpol (clustered) at masalimuot (complicated) na pamatnubay, isang paraan na tinatawag na nakapiring na pamatnubay ang ginagamit. Isang batang reporter sa Nativity Montessori School ay ipinahayag na pinakamagaling sa pagsulat ng balita. Si Warner Cruz na pamatnugutan ng The Glow ay pinagkalooban ng isang medalyang ginto.
  • 22. Datos Kahalagahan (2) Kasukdulan (Climax) Kabuuang Pamatnubay Pinakatampok na “W” (sino, ano,atb.) Kahalagahan (2) Datos (3) Kaanyuan ng Maikling Kwento Kaanyuan ng Tuwirang balita Piksyon: Salaysay/ kuwento Baligtad na Piramide
  • 23. Bakit baligtad na piramide ang anyong sinusunod sa pagsulat ng balita? 1. Sa panahon ngayon, limitado na ang panahon sa pagbasa ng mga tao dahil sa karamihan ng gawain, kaya kailangan nilang malaman kaagad ang buod ng balita. 2. Upang masunod ang cut-off test na gustong sabihin, kung wala nang ispasyo para sa jump story, maaari nang putulin ang balita.
  • 24.  Pulubing Bulag, Iniligtas ng Aso
  • 25. Halimbawa ng anyo ng Tuwirang Balita  Iniligtas ng aso ang buhay ng kanyang bulag na panginoon na isang pulubi, subalit nasuklian ang kanyang katapatan ng kamatayan. (Mahahalagang Detalye – Pinakatampok na W)  Nasa malubhang kalagayan ngayon sa Philipppine General Hospital si Procopio Maswerte, 65, dating nagtitinda ng gulay sa palengke. Natagpuan si Maswerte ng 711 Paco, Maynila na walang malay na nakasubsob sa putikang bangketa.
  • 26.  Ipinalagay ng pulisya na tumama sa bato ang ulo ng pulubi nang siya’y nadulas. Dinatnan nila ang aso na nakadapa sa katawan ng kanyang panginoon upang ito’y kanlungan sa malamig na ulan. (Susunod na mahalagang detalye)  Wala pa ring malay si Maswerte nang siya’y matagpuan. Sa kanyang tabi ay patay na alagang aso.
  • 27.  Lumabas sa pagsisiyasat ng pulisya sa mga kamang- anak na siya’y matandang binata at bawat ikasampu ng gabi ay kanyang ipinapasyal ang kanyang aso.  Ayon naman sa doktor na tumitingin kay Maswerte, init lamang ng katawan ng aso ang nagligtas sa kanya.  Nang mahimasmasan ang pulubi, sinabi niya sa pulisya na wala siyang natatandaang pangyayari. Hindi nawala ang kanyang pitaka na nagkakalaman ng P500 nagpapatunay na hindi siya nanakawan
  • 28. Paraan sa Pagsulat ng tuwirang balita (straight News) 1. Isulat ang kabuuang pamatnubay (summary lead) at sagutin kaagad ang pinakatampok na “W” (Ano, Sino, Saan, Kailan, Bakit, Paano) 2. Isulat ang teksto, ang sunod-sunod na pangyayari sa ayos na balgtad na piramide.
  • 29. 3. Iwasan ang mga kuro-kuro o opinyon at mag- ingat sa paggamit ng mga pang-uri. 4. Gumamit ng simpleng salita na naiintindihan ng karaniwang mambabasa. 5. Gumamit ng maikling pangungusap na ang katamtamang haba ay may 15- 25 salita lamang.
  • 30. Balitang Lathalain (News Feature) Isa ring balita subalit nasusulat na parang tanging lathalain o parang sanaysay. Sa kabila nito, ang balitang lathalain ay salig sa isang tunay na pangyayari. Tuwirang Balita – Nasusulat sa ayos na baligtad na piramide Balitang lathalain ay karaniwang nasusulat sa padiing kahalagahan na parang isang salaysay o kwento.
  • 31. Krokis ng Balitang lathalain Makabagong Pamatnubay (Novelty Lead) Salaysay (Narrative) Di inaasahang kasukdulan (Surprise Climax)
  • 32. Halimbawa ng Balitang Lathalain  Paindak-indak na sumapit ang Kapaskuhan sa kampus ng Paaralang Normal sa pamamagitan ng mga nagniningningang Christmas Décor at iba’t ibang kulay na ilaw dagitab na nakapalamuti sa lahat ng dako. (Pamatnubay na Naglalarawan)  Sinumulan ang pagdiriwang sa parada ng mga parol na nilahukan ng mga mag-aaral, guro, magulang at mga kasapi sa barangay.
  • 33.  Upang bigyang-kahulugan ang okasyon, nagdala ang nagpaparada ng mga lampara, sulo o kandila at anumang motif na naglalarawan ng Nativity, pagdalaw ng Tatlong Mago at ng Hegira.  Ang pagpapanauli ng parada ng mga parol ay nagsimula sa paaralan mula noong 1987 at mula noon ay taun-taon nang ginaganap. Subalit ngayon lamang nasaksihan ang pinakamakulay at pinakamakahulugang parada na naganap alinsunod sa panukala ng punong lungsod sa pagpapanauli ng magagandang tradisyon at kulturang Pilipino.
  • 34. Paraan ng Pagsulat ng Balitang Lathalain (News Feature) Mga halimbawa ng makabagong pamatnubay: a. Pamatnubay na Panggulat (Astonisher lead) - Kalimitan, ito’y isang pangungusap, parirala o salita lamang. Ginagamit ito kung ang tala ay lubhang mahalaga, nakakagulat, nakakagulantang o nakakasindak.
  • 35. - Kampeon ng NSPC! - Nagwaging muli ang Daloy sa pambansang paligsahan na ginanap sa Isabela nang ito ay napiling pinakamagaling na pahayagang pang-elementarya
  • 36. b. Pamatnubay na tanong (Question lead) - Ginagamit kung ang tanong ay may malaking bahagi sa salaysay at kung ito ay wala pang kasagutan at ito ay gagawing batayan ng balita. c. Pamatnubay na Tahasang Sabi (Quotation lead) - Ito’y makabuluhang pangungusap ng ispiker o kaya’y ito ay hango sa isang akdang sinipi at ginamit na panimula ng isang balita.
  • 37.  Halimbawa ng Pamatnubay na Tanong - Sino ang magiging prinsesita ng paaralan sa darating na Araw ng Pagkakatatag? Ito’y malalaman bukas pagkatapos nang bilangan ng balota.  Halimbawa ng Tahasang Sabi “Malaki ang magagawa ng pagkakaisa.” Binigyn-diin ito ni Gng. Flora Alegria, punong-guro ng PNC Laboratory School sa pulong ng mga guro at magulang tungkol sa pagsugpo sa pinagbabawal na gamot.
  • 38. d. Pamatnubay na Pagkakaiba (Contrast lead) - Ginagamit upang maipakita o mapalitaw ang pagkakaiba ng dalawang bagay. e. Pamatnubay na Kasabihan o Kawikaan (Epigram lead) - Sinisimulan ang pamatnubay sa mga kilalang kasabihan o taludtod.
  • 39.  Halimbawa ng Pamatnubay na Pagkakaiba - Higit na marami ngayon ang nakapasa sa NEAT kaysa noong isang taon.  Halimbawa ng Pamatnubay na kasabihan  Kung gaano ang ama, ganoon din ang anak (Like father, like son). Si Warren Cruz, isang binatang katatapos lamang sa pag-aaral ng abogasya, ay nanguna sa pagsusulit sa batas gaya rin ng kanyang ama na nagkamit ng pinakamataas na marka noong 1987 bar examination.
  • 40. f. Pamatnubay na Paglalarawan (Descriptive/ Picture lead) - Ito’y naglalarawan ng tao, lunan p pangyayari. Ginagamit kung sa ilang salita ay makabubuo ng malinaw na larawan sa isipan ng bumabasa.
  • 41.  Puting-puti ang kasuotan, tangan ang mga diploma, ang 800 na nagsipagtapos ay masayang nagmartsang pababa ng entablado habang tinutugtog ng rondalya ang Aida March.
  • 42. g. Pamatnubay na Sanligan (Background lead) - Ito’y mga salitang naglalarawan ng pangyayari at ang pook na pinangyarihan ay higit na nakatatawag-pansin kaysa mga taong kasangkot sa kwento. Karaniwang ginagamit ang patnubay na sanligan sa mga salaysay tungkol sa karnabal, sayawan, psitahan, eksibisyon, atb.
  • 43.  Ang Mababang Paaralang Benitez ay mistulang munting karnabal noong Sabado nang nagdiwang ng kanyang ikawalumpu’t limang taong pagkakatatag.
  • 44. h. Pamatnubay ba Parodya o Nakakatawag panulad (Parody lead) - Karaniwa’y hango sa sikat na awit, tula, sipi, aklat o pamagat ng pelikula. Ginagamit lamang ito kung angkop, madaling mapagkakakilanlan, ngunit hindi palasak.
  • 45.  “Tubig, Tubig sa lahat ng dako, ngunit wala ni isang patak na maiinom.” Ito ang naranasan ng mga naninirahan sa Tondo nang binaha ang buong Kamaynilaan at nawalan ng tubig ang MAYNILAD. Ang siniping linya ay hango sa tulang The Rime of the Ancient Mariner ni Samuel Coleridge.
  • 46. i. Pamatnubay na pontse (Punchlead) - Isang maikli ngunit mabisang pamatnubay. j. Pamatnubay na isang salita (One-word lead k. Pamatnubay na Maikli’t Hiwa-hiwalay na Salita o parirala (Staccato lead)
  • 47.  Halimbawa ng Pamatnubay na Pontse - Araw ng Tagumpay! - Ipinagdiwang, Okt. 18 ng PNU laboratory School ang kanilang pagkapanalo sa panlunsod na CAT Competition.  Halimbawa ng Pamatnubay na Isang Salita - Sugod! - Ito ang utos ni G. Rene Romero sa mga batang iskaut nangtangkain nilang akyatin ang Bundok Arayat.  Halimbawa ng Pamatnubay na Maiikli’t Hiwa-hiwalay na Salita o Parirala. - Krimen, demonstrasyon, adiksyon, polusyon! Pagsama- samahin mo ang mga ito at mababatid mo kung anong uring lungsod ang Maynila.
  • 48. Ang Anyo ng Balitang lathalain ( Structure of News Feature) 1. Simulan mo ang balita sa makabagong pamatnubay (novelty lead). 2. Iayos mo ang nakalap mong mga ulat sa kanilang pagkasunod-sunod na kahalagahan.
  • 49. Angkin nito ang bahagi ng balita: 1) ang ulo ng balita; 2) ang pamatnubay at 3) ang teksto o katawan ng balita.
  • 50. Kabatiran sa mga Katawagan sa Isports  Ang sports writer ay dapat maalam sa lenggwahe o katawagan sa isports (sports lingo/language) upang siya ay kapani-paniwala sa kanyang isinusulat. Basketball team – five, quintet, dribbler, cager, rebounder Volleyball team – netter, spiker, killer, walloper, tosser, volleybelles Softball, baseball – batter, slugger, hitter Swimming – tanker, aquabelle Boxing – pug, pugilist
  • 51. Mga Salitang Magkasingkahulugan  Nagwagi – namituin, bumandila, namayani, nanguna  Natalo – nagapi, npinadapa, nagahis  Tinalo – ginapi, minarder, pinulbos, dinurog, pinaluhod, pinadapa (kung malaki ang lamang)  - tinalbugan, inungusan, linamangan (kung maliit lamang)
  • 52.  Maiikli lamang na salita, pangungusap at talataan ang ginagamit sa pagsulat ng balitan isports. Gayunpaman, higit ang kalayaan ng sports writer kaysa straight news writer sa istilo ng pagsulat. Makulay at mabulaklak ang mga salitang ginagamit sa pagsulat ng balitang isports  Bagamat ang isang news reporter ay hindi pinahihintulutang magbigay ng opinyon tungkol sa tao o pangyayari, magagawa ito ng sports writer na may limitasyon. Maari rin siyang gumamit ng salitang balbal at tayutay nang buong kalayaan.
  • 53.  BALITA + EDITORYAL + TANGING LATHALAIN = BALITANG ISPORTS
  • 54. 1. Ulo ng Balita- Gamitin ang nauukol na sports lingo at huwag kaligtaan ang iskor. Di-dapat: Tinalo ng Kalookan Elementary School Softball Players ang Quezon City Elementary School Softball Players. Dapat: Pinataob ng KES Batters ang QCES Sluggers, 15- 5
  • 55.  Subalit sa isang larong tuluyan (on-going games) at sa isang tanyag na torneo, maaaring ipagpaliban na ang nabanggit na mungkahi.  Halimbawa Namayani ang Gordon Laban sa Alaska
  • 56. 2. Pamatnubay- Tulad ng ibang uri ng balita, ang balitang isports ay mayroon ding pamatnubay. Ito ang tagatawag ng pansin; ang lagom (summary) ng buong balita. Ginagamitan din ito ng sports lingo at nilalagyan ng total score.
  • 57. Ang pamatnubay sa isports ay maaring isa sa mga sumusunod: a. Classic 5Ws- Sinasagot nito ang mga tanong na (a) sinong nanalo? (b) laban kanino? (c) sa anong iskor? (d) saan? (e) kailan? At (f) paano? b. Key Play Lead- Nagsisimula ang balita sa pinakapananabik na quarter (kung basketball); set (kung volleyball) o inning (kung softball o baseball) atbp .kung saan ang isang koponan ay nakalamang nang malaki.
  • 58.  Classic 5 Ws  Nakabuslo ng anim na basket ang Benitez ES Quintet sa nalalabing tatlong sandali at pinadapa ang Salvador ES Five sa iskor na 65-63 kahapon sa Benitez ES quadrangle  Key Play Lead  Tinambakan ng Aquino ES sluggers ang Marcos ES batters ng anim na home run sa ikatlong inning at napigilan ang Marcos rally, 14-12 sa torneong ginanap kaugnay sa pagdiriwang ng Sports week.
  • 59. c. Outstanding Player Lead- Itinatampok dito ang pinakatanyag o pinakasikat na manlalaro. Kung minsan tinatawag ito na hero of the game lead. d. Analytic Approach Lead- Ito’y bunga ng isang maingat na pagsusuri kung bakit ang isang koponan ay nanalo. Ano ang kanilang kagalingan? Ano ang katangian nila na wala ang kalaban? Sa anong paraan sila nakalamang?
  • 60.  Outstanding Players Lead  Pagkalipas ng apat na oras na labanan sa chessboard, nakamit ni Warner Cruz ng Juan Luna ES ang pinakamimithing YMCA tropeo pagkatapos pinayuko si Christian Manuel ng Gregoria de Jesus ES chesser sa 27 sulong ng Sililian Defense.  Analtical Approach Lead  Sa pamamagitan nang malalakas at sumasagitsit na palo at mapaglinlang na service balls, pinadapa ng Abad Santos ES netters ang Soliman ES spikers sa pangatlong set sa iskor na 15-10, 11-15, 15-7 sa mini district meet, Setyembre 21 sa Torres HS oval kaugnay sa pagdiriwang ng Sports Week.
  • 61. 3. Ang Teksto (Katawan ng Balitang isports) Kasunod sa pamatnubay ang teksto. Ito’y binubuo ng ibang nakaayos na mga sangkap o mga ulat sa pababang kahalagahan (decreasing importance).
  • 62. Talakayin sa teksto ang mga sumusunod: 1. Pinakamahigpit na bahagi ng laro (decisive play) Ito ang bahagi ng labanan na nagbabadya kung sino ang mananalo, kung sino sa koponan ang nakalalamang. 2. Pinakamataas na iskor na natamo (best scores of the day) Huwag kaligtaang banggitin ang manlalarong nakaani ng pinakamataas na iskor. Karaniwang nilalagay ang kabuuang iskor (total score) sa ulo ng balita gayon din sa pamatnubay.
  • 63. 3. Salaysay sa sunod-sunod na pangyayari (play-by play account) 4. Siniping pangungusap ( quoted remarks) Banggitin din ang binitiwang salita ng coach o team leader. Quarter by quarter kung basketball; set by set kung volleyball; inning by inning kung baseball o softball; round by round kung boxing atb.
  • 64. Pagkilala sa mga Uri ng Pamatnubay na Gamit Suriin kung anong uri ng pamatnubay ang ginamit sa mga sumusunod na balitang isports: ____________1. sa pamamagitan ng malakas na spike at mapaglinlang na placing, pinayukod ng Aquino ES netters ang Marcos ES spkers sa pangatlong set sa iskor na 15-10, 11- 7 sa isang exhibition game, Setyembre 21 sa ramos ES oval. ____________2. Pinayuko ni Christian manuel Nativity Montessori School chesser si Warner Castro ng San Lorenzo ES pagkalipas ng apat na labanan sa chessboard sa 27 sulong (moves) ng Sicilian defense.
  • 65. ____________3. Namituin ang nakalalamang na District IV cagers laban sa District I dribbers sa pandistritong sagupaan, oktubre 26 sa YMCA open court kaugnay sa pagdiriwang ng Youth Day ng HI-Y council. ____________4. Inagaw ng District I ang kampeonado sa track anf field, boys and girls division sa pamamagitan ng makabagong sipa at tadyak sa bola, disyembre 4 sa Manila Football Stadium. ____________5. Nagtabla sa isang pang-imbitasyong larong chess sina Darex Guanzon ng Laurel Elementary School, at Arnel Laparan ng recto Elementary School, Marso 19 sa Laurel gym sa pagdiriwang ng ika-50 anibersaryo ng Paaralang Laurel.
  • 66.
  • 67.
  • 68. Kahulugan ng Editoryal  Ito’y isang puna, paliwanag o opinyon sa isang mahalaga at napapanahong balita o sa isyu, isang paksang pinagtatalunan na nauugnay sa buhay at kapakanan ng mambabasa.  Sa editoryal ay isang komentaryong nagpapayo, nagtuturo, pumupuri o tumutuligsa tungkol sa kahalagan ng isang pangyayari.
  • 69. Iba’t Ibang Uri ng Editoryal 1. Editoryal na Nagpapabatid – Nagbibigay ng Kabatiran 2. Editoryal na Nakikipagtala – Ang tanging layunin ay upang hikayatin ang mambabasa na pumanig sa kanyang ideya, paniniwala o kuro-kuro. (Halimbawa: Kalayaan sa Pamamahayag, Hindi Lubos, Dapat Magplano ng Pamilya). 3. Editoryal na Namumuna – Ito’y editoryal na nakikipagtalo rin, subalit inihaharap dito ang mabuti at di mabuting katangian ng isang isyu. Tinatalakay ang magkabilang panig sa kabila ng katotohanang ipinagtatanggol ng sumulat ang isa sa mga ito.
  • 70. 4. Editoryal na Nagpapakahulugan – Nagpapaliwanag ng kasalukuyang ideya, kalagayan o katayuan. (Halimbawa: Kalayaan sa Pamamahayag: Dalawang Paniniwala) 5. Editoryal na Panlibang – Ang layunin ay manlibang; Kung minsan sentimental, kadalasang nagpapatawa. (Halimbawa: Nakahikaw ang Boyfriend ko)
  • 71. 6. Editoryal na Nagpaparangal o Nagbibigay-Puri – Ito’y pumupuri sa isang taong may kahanga-hangang nagawa; nagpapahayag ng pagpapahalaga sa isang katangi-tanging gawain o nagpaparangal sa may nagawang pambihirang kabutihan sa isang bayani sa araw ng kanyang kapanganakan o kamatayan. 7. Editoryal na Nagpapahayag ng Natatanging Araw 8. Editoryal Nanghihikayat – Halimbawa: Kumain ng Gulay at Prutas, Itaguyod ang Proyekto ng Punong Guro
  • 72. Ang Pagsulat ng Editoryal  Panimula – nagtataglay ng balitang batayan (newspeg) at reaksyon sa balitang batayan  Katawan ng editoryal – Ito’y naglalahad ng tala, ideya o paninindigan, laban oo sang-ayon sa paksa.  Kongklusyon o Pangwakas – Ito ay maaaring isang pagtitibay sa kuru-kuro, mga tagubilin o mga mungkahi.
  • 73. Halimbawa ng Balitang Batayan at Reaksyon  Isang malaking karangalan para sa paaralan na ang mga batang mamamahayag ay muling nanalo sa paligsahan sa pagsulat.  Ang bagong patakaran ng punong-guro na nag-uutos sa mga mag-aaral na nahuli sa klase na mag-aral muna ng leksyon sa silid-aklatan habang sila ay naghihintay sa susunod na asignatura ay isang matalinong pasya.
  • 74. Mga Iba Pang Panimula sa Pagsulat ng Editoryal  Pagtatanong – Ano ang nangyari sa pinalabas na memorandum ng DepEd na nagbabawal sa pagtaas ng matrikula?  Payak na paglalahad ng paksa – Nagbabalak na naman ang pamahalaan upang tayo’y sumalungat sa binabalak ng Pangulo.  Pagsasalaysay ng isang pangyayari o isang insidenteng may kaugnayan sa paksa – Masigla at maayos ang mock election na idinaos ng kagawaran ng Araling Panlipunan noong Oktobre 14 bilang paghahanda sa darating na pambansang halalan na gaganapin sa Enero 20.
  • 75.  Pagsipi At ang sabi ng Panginoon kay Cain, “Saan naroon si Abel na iyong kapatid?’ at sinagot niya”Aywan ko; ako ba’y tagabantay sa aking kapatid?” – Genesis 4:19  Kapansin-pansin na panimula Ganitong araw rin, dalawampu’t limang taon na ang nakalilipas nang ang mga sibilyan – bata, matanda, babae, lalaki, madre at pari ay nagsama-sama sa EDSA at sa pamamagitan ng pag-aalay ng mga bulaklak at nang pagrorosaryo ay naibagsak nila ang isang mapaghimagsik na Pangulo.
  • 76. Mga Tuntuning Dapat Sundin  Akitin ang mambabasa sa pamamagitan ng kawili-wili at maikling panimula  Buuin ang katawan sa pamamagitan ng paglalahad ng mga katibayang maayos at malinaw.  Tandaan na ang pinakamahalagang bahagi ay ang mga panimula at ang pangwakas  Ikliin ang editoryal sa katamtamang 3oo salita lamang.  Iwasan ang paggamit ng unang panauhang ako  Simple lamang ang pagsulat
  • 77.
  • 78. Ano ang Tanging Lathalain  Ang Tanging Lathalin ay isang sanaysay na batay sa isang tunay na pangyayari o katotohanan. Tulad ng Editoryal, ito’y nakasabit sa isang artipisyal o natural na balitang batayan (newspeg).  Pinakamalayang anyo dahil maaring magsimula sa pinakamalikhaing paraan
  • 79. Anu-ano ang Pangunahing Tungkulin ng Tanging Lathalain  Manlibang  Magbigay ng balitang may pamukaw-damdamin  Magpabatid  Magturo o Magpayo
  • 80. Kaakit-akit na Paksa sa Tanging Lathalain Lathalaing Pangkatauhang Dagli  Karaniwang maikli lamang ito. Maaring siya ay lider na mag-aaral, matagumpay na nagtapos, guro, kawani, isang masipag na dyanitor o isang magalang at matulunging tanod. Hindi itinatampok ang mga magaganda o guwapo, kundi ang mga naglilingkod sa paaralan o sa pamayanan sa iba’t ibang paraan; ang mga imbentor at tagapagbago. Maganda ring itampok ang isang kaanib sa pamayanan na nag-alaga ng maraming manok o baboy sa kanyang bakuran
  • 81. Bb. Nina Cruz, Di Kilalang Bayaning Guro  May isang panahon na ang maestra ay masungit, at pambihirang ngumiti, walang inaatupag kundi ang pagdisiplina sa kanyang estudyante, na ayon sa kanya ay isang mabisang obsesyon.  Binurang lahat itong isang daang taon na makalumang konsepto o palagay ni Bb. Nina Cruz, isang guro sa Ingles. Kanya ngayong kinakatawan ang bagong larawan ng isang makabago, masayahin at magiliw na guro
  • 82. Paglalarawan  Maraming makasaysayang pangyayari at natatanging pagdiriwang sa paaralan o sa pamayanan na karapat- dapat na maisulat. Mayroon ding mga di-pambihirang proyektong ginawa sa laboratoryo, sa klase o pamayanan na dapat ilathala.  Subalit sa paglalarawan, dapat maging batay sa mga tunay na pangyayari at orihinal ang isusulat. Simple at tiyak na salita lamang ang gagamitin na madaling maiintindihan ng karaniwang mambabasa.
  • 83. Tuloy Po Kayo sa Magandang Pilipinas  Sa ibabaw ng tumitibok na dagat Pacific ay kumikislap ang kapuluang Pilipinas na may 7,093 na islang hinihilamusan ng dagat tropiko na umaabot sa hangganan ng isang libong milya mula sa hilaga hanggang sa timog.
  • 84. Karanasan at Pakikipagsapalaran  Ipalagay na ang inyong klase sa agham ay dumalo sa isang science camp. Bawat isa ay may isang kawili- wiling salaysay – ang workshop seminar, ang mga panayam, ang mga gawain, sosyal atbp. Maaring lagumin ang lahat ng gawain sa isang malawakang pag-uulat o sa magkahiwa-hiwalay na lathalain.
  • 85. Oras ng Pangamba  Hindi natagalan dumating na ang paggagawad ng gantimpala. Nagtatalumpati pa ang Direktor ng Paaralang Bayan sa Athletic Grandstand ng Lungsod ng Lucena.  Tahimik na tahimik at nangangamba ang mga delegado. Ang kanilang diwa ay naglalakbay sa malayung-malayong pook. Hindi ko pansin ang sinasabi ng direktor. Ang nasa isip ko: Mananalo ba oa matatalo sa paligsahan?
  • 86. Nakalipas  Ito’y nagpapaliwanag sa inyong nakaraan o sa kasaysayan ng isang bagay o pangyayari.  Halimbawa, ang inyong rondalya ay nanalo sa isang paligsahan sa musika. Tumpak lamang ang pagsulat ng lathalain ukol sa pagkakatatag ng unang rondalya, ng mga unang kasapi at band master.
  • 87. Pagsasalaysay  Di-mabilang ang mga interesanteng kwentong makasaysayan. Halimbawa, hilingin sa isang matandang naninirahan sa isang pook kung saan hango ang pangalan ng inyong distrito, barrio o barangay, o kung paano noong nakalipas na panahon, nangingisda o naglalaba sa isang estero sa karatig na nayon.
  • 88. Pangkaunlarang Lathalain  Tinatalakay ang kaunlaran at pagsulong angkop sa mabilis na pagbabago ng purok o bansa at ng mamamayan nito. Ang mga halimbawa nito ay ang artikulong tungkol sa programang pagtuturo, sa panlipunan, sa produksyong pangkabuhayan, sa pagsugpo ng droga at kriminalidad at pagpapaganda at paglilinis sa pamayanan at sa bansa.
  • 89. Pagtatanim ng Punong-Kahoy at ng Tao  Noong isang linggo ay Araw ng Pagtatanim ng Punong-kahoy sa Metro Manila ng libu-libong mag- aaral.  Sa Mataas na Paaralang Osmena, nagtanim ng mga punla ng punong-kahoy upang pagandahin ang pamayanan at hindi upang ibalik ang kagubatan.
  • 90. Lathalaing “Ano” at “Paano” Ang gagawin  Halimbawa, anong dapat gawin kung may lindol, sunog, baha o anumang kagipitan? O paano ang pagluto ng lumpia, paano pananatilihin ang balingkinitang katawan?  Karaniwang sinasamahan ito ng mga larawan o larawang guhit.
  • 91. Tocino Kayo Riyan  Isang napakasarap at katakam-takam na ulam sa almusal ang tocino. Kahit walang pag-eelado sa pridyeder, ito’y hindi masisira, kundi lalong sumasarap.  Ito ang paraan sa paggawa ng tocino na ibinibigay ni G. Napoleon M. Dagdagan ng UP College of Agriculture Meat Processing Specialization.
  • 92.
  • 93. FB Account: Reggie Ocena Cruz Twitter: @SirReggieC Instagram:#SIRREGGIEULTIMATEPRO Yahoo Account: Heartrobreggie@yahoo.com Gmail Account: Heartrobreggie@gmail.com Tumbler Account: Reggie Cruz (Burador) Blogger Account: apieceofpapercross.blogspot.com Wattpad Account: Reggie Cruz (My Guardians Chapter 1-3) Skype: reggie_columban Ask.fm: reggie_0428 Linked-In: Reggie Cruz. College Instructor HAU