mala-masusing banghay aralin sa filipino-lumbriaSalvador Lumbria
nilalayon ng banghay araling ito na matulungan ang mga mag-aaral na nagpapakadalubhasa sa Filipino. Nawa'y magsilbi itong gabay upang lubos na maunawaan ang mabisang pagtuturo ng panitikan na may angkop at naayon sa wastong pamamaraan ng pagtuturo nito.
Filipino 10 - Apat na Sangkap ng Kasanayang KomunikatiboJuan Miguel Palero
Ito ay isang powerpoint presentation na patungkol sa paksa: Apat na Sangkap ng Kasanang Komunikatibo. Dito rin katatagpuan ang mga uri nito at ang pagpapakahulugan nito.
mala-masusing banghay aralin sa filipino-lumbriaSalvador Lumbria
nilalayon ng banghay araling ito na matulungan ang mga mag-aaral na nagpapakadalubhasa sa Filipino. Nawa'y magsilbi itong gabay upang lubos na maunawaan ang mabisang pagtuturo ng panitikan na may angkop at naayon sa wastong pamamaraan ng pagtuturo nito.
Filipino 10 - Apat na Sangkap ng Kasanayang KomunikatiboJuan Miguel Palero
Ito ay isang powerpoint presentation na patungkol sa paksa: Apat na Sangkap ng Kasanang Komunikatibo. Dito rin katatagpuan ang mga uri nito at ang pagpapakahulugan nito.
Level of Competence in Writing Essay: Basis for The Development of Educationa...AJHSSR Journal
ABSTRACT : The study aimed to assess the level of competence in writing essay and develop educational
video for the grade 7 and 8 students of Santiago Integrated School, Bangan-Capayawan Integrated School at Carael
Integrated School,Botolan, Zambales. A.Y. 2022-2023. The research design used was descriptive research
design.Conclusion was drawn based on the result: The level of competence in writing essay of the student was
Intermediate in terms of process and skills in narrating the introduction and body of the essay, while beginners for
the writing the end or conclusion of essay. Intermediate in organization of ideas while beginners in writing
coherence and emphasis. It was also found out the students are beginners for mechanics including capitalization
and spelling. The students agreed on the challenges encountered in writing essay. Ther is no significant
relationship between level of competence and challenges encountered in writing essay. The intervention developed
was called TALA-SERYE. Recommendation was drawn based on the result and conclusion. Teacher may use
creative and approaches in teaching to develop student competence in writing. Use proper multimedia to keep up
with the times in teaching. Include in the learning activity session the development of writing skills of the students.
KEYWORDS : Paraan at kasanayan, organisayon, mekaniks, pagsulat ng talata
MGA PILING AKDANG PAMPANIKAN NG CANDELARIA, QUEZON BILANG KAGAMITAN SA PAGTUT...AJHSSR Journal
ABSTRACT : This study focuses on Selected Literary Works of Candelaria, Quezon as a Teaching Tool for
Filipino and Vocabulary Improvement, to determine the level of acceptance of the respondents based on
objective, content, meaning and to improve the vocabulary based on, denotation, connotation and imagination.
The researchers used an experimental method, and the respondents were 100 grade 12 students of Drs. Panfilo
Castro National High School. The researchers created learning activity sheets based on the most essential
leaning competencies that were provided to the respondents. After a few weeks of using it the researcher
conducted a posttest, it turned out that the Selected Literary Works helped and improved their vocabulary
Keywords –Selected literature, Vocabulary of words, Filipino, Candelaria Quezon
K to 12 BASIC EDUCATION CURRICULUM SENIOR HIGH SCHOOL CORE SUBJECT (1).pdfJJRoxas2
The K to 12 program promotes global competency by accelerating mutual recognition of Filipino graduates and professionals in other countries. The new curriculum allows students to choose between three tracks which are the Academic, Technical-Vocational-Livelihood, and the Sports and Arts strand.
On the positive perspective, K to 12 will provide holistic education for all students. This means that students will improve communication and social skills, increase positive peer interaction and many educational outcomes. Moreover, students will gain more knowledge and experience that will be essential in the future.
Figurative language "as gentle as a lamb"
Narrative of your writing experience with writing.
Jatin said to karan," I read the the quran everyday" turned this into indirect speech
Mga Estratehiyang Pinakaginagamit sa Pagsulat sa Filipino ng mga Mag-aaral ng...AJHSSR Journal
ABSTRACT : Writing in Filipino is a thorough process. It is not only focused on the act of writing because
writers are also involved in thinking, discussing, reading, planning, writing, editing, and rewriting the written
work. Hence, this study focuses on the strategies most commonly used by students when writing in Filipino. It
aims to find out the most commonly used general strategies in writing and the strategies they use the most
before, during, and after writing. This study had forty respondents and used a survey questionnaire, specifically
the ESLP 182 Questionnaire, to collect data. It was discovered in this study that the most commonly used
general strategy in writing is “often writing in Filipino”. It was revealed that the general strategy is sometimes
used in writing in Filipino. The study also yielded the result that students mostly used brainstorming and writing
down ideas before writing, trying to write in a comfortable, quiet place where they could concentrate during
writing, and asking for explanations regarding feedback after writing. In general, it was discovered that the
strategies used before, during, and after writing are often used by the students. Based on the results, the
researchers gave a conclusion and made recommendations to further develop the study.
Keywords: ESLP 182 Questionnaires, Filipino, Strategies, Writing
ang suliranin at kaligirang pangkasaysayan ng pananaliksik (Caro).pptxDindoArambalaOjeda
It is a tragic Opera in three acts written by Patricio Mariano that literally
translates to “Muse” and which narrative was based on the Spanish invasion
of Manila.
8. This is the last
Similar to Kilos pananaliksik at aplayd reserts (20)
Ang Kawayan (Ang Kalasag ng Kabataan, Lagitik ng Katotohanan)Bryan Ben Orcenado
Ang Opisyal na Pahayagan ng Mataas na Paaralan ng Madrid Surigao del Sur Division
Tomo 1 Bilang 1 │ Agosto 2023 - Mayo 2024. Ang pampaaralang pahayagang ito ay kuwalipikado para sa National Schools Press Conference 2024 na gaganapin sa Carcar City, Cebu ngayong Hulyo.
Mga Epektibong Dulog at Estratehiya sa Pagtuturo ng Panitikan, Paglikha ng Ka...
Kilos pananaliksik at aplayd reserts
1. Pamamaraan sa
Kilos-Pananaliksik at
Aplayd Reserts
Reggie O. Cruz, L.P.T., M.A.Ed, Ed.D., Ph.D. (on-going)
Pampaaralang Tagapag-ugnay sa Pananaliksik
Angeles City Senior High School
PANSANGAY NA PAGSASANAY SA KILOS
PANANALIKSIK PARA SA MGA ULONG GURO AT
MASTER TEACHER SA SEKONDARYA
SANGAY NG TARLAC PROVINCE
Ika-17 ng Disyembre, 2018
2. Matrix ng mga Aralin
Aralin 1 Batayang-Kaalaman sa Kilos-Pananaliksik at Aplyad
Reserts
Aralin 2 Pamamaraan sa Kilos-Pananaliksik at Aplyad Reserts
Aralin 3 Mga Halimbawang Pananaliksik
Aralin 4 Online Resources para sa Kaugnay na Literatura at
Pag-aaral
Aralin 5 Worksyap sa Pagsulat ng Aksyong Pananaliksik at
Aplyad Reserts
4. Katanungang nais mo rin ng kasagutan
Ang aksyon riserts ay katulad din ba ng
mga ipinapasang tesis noong panahong
nag-aaral pa ako ng batsilyer/
masteral?
6. Katanungang nais mo rin ng kasagutan
Paano naman ang Aplayd Reserts? Lalo na
hindi naman ako Master Teacher?
7. Kasagutan sa iyong katanungan
Baimyrzaeva (2018)
Katangian Kahulugan
Layunin Upang makapagpasya sa mga sitwasyon,
problema sa organisasyon
Inisyatibo Pangangailangan sa resulta ng pananaliksik
sa paglutas sa problema, oportunidad upang
kumilos sa pag-unlad
Laang-Panahon Maiksi at depende sa pagpapasya ng
mananaliksik
Respondente Guro at iba pang may kaugnayan sa
pagpapaunlad sa mga programa sa paaralan
8. Katanungang nais mo rin ng kasagutan
Mabibigyan ko pa ba ng panahon
ang paggawa niyan? Istorbo lang
ito sa buhay ko.
9. Kasagutan sa iyong katanungan
Hindi istorbo ang riserts dahil nabibigyang
pagkakataong makapagnilay ang mga guro at
tangkilikin ang pagbabago lalo na sa mga
institusyong edukasyonal (Nunan 1989, 1990,
1996;Burns 1996, 1997, 1999).
Mapaglingkuran mo pa ang iyong mga mag-aaral
sa hangaring mapataas ang kalidad ng edukasyon
(Wallace, 1991).
10. Katanungang nais mo rin ng kasagutan
Sino ang pwedeng tumulong sa
akin upang makagawa ako ng isang
aksyon reserts?
13. Ang Tanong?
Anong akmang metodolohiya ang gagamitin
upang ganap na mabigyan ng sistematikong
paraan sa matagumpay kong pagsasagawa
ng a reserts?
14. Bibigyang pansin ang mga sumusunod
Eksperimental (Kwantitatibo)
Aral-Kaso (Kwalitatibo)
Deskriptibo
Research and Development (R &D)
Mixed Method
15. Pag-uugnay ng metodolohiya sa ibang
bahagi ng aksyon reserts
Metodolohiya
Suliranin
Konseptwal na
Balangkas
Saklaw at
Limitasyon
16.
Karaniwang pamamaraan ginagamit sa pananaliksik lalo na sa aksiyong
pananaliksik na sumusubok ng isang baryasyon, pagdulog, estratehiya
o gawain upang makita kung ito ay epektibo o hindi
Eksperimental na Pananaliksik
18. Paglalahad ng mga Suliranin sa
Eksperimental
Ang target ng pananaliksik na ito ay masubukan ang resiprokal na
pagtuturo upang maging malaya ang mga mag-aaral sa pagkatuto
gamit ang makro kasanayang pagbasa tungo sa mabisang pagsulat ng
mga iba’t ibang akademikong akda. Mabibigyang linaw at pansin ang
tunguhing ito sa mga sumusunod na tiyak na mga layunin.
1. Ano-ano ang resulta ng pre-test at post-test ng mga respondente
gamit ang resiprokal na pagtuturo?
2. May makabuluhan bang pagkakaiba ang resulta ng pre-test at
post-test sa isinagawang estratehiya sa pagbabasa?
19. 3. Paano mailalarawan ang resiprokal na pagtuturo
bilang metodo tungo sa mabisang pagsulat?
4. Anong panukalang programang pagbasa ang ilalahad
tungo sa mabisang pagsulat sa akademikong Filipino?
Ipotesis: Walang kabuluhang pagkakaiba ang resulta ng
pre-test at post-test sa mga respondente gamit ang
tradisyonal at resiprokal na pagtuturo
20.
Sa mga pag-aaral na deskriptibo pangunahing hangarin ay maglarawan
ng mga respondente madalas na sinusundan ang INPUT-PROSESO-
AWTPU.
Deskriptibo
22.
1. Paano maisasalawaran ang mga respondente sa mga
sumusunod:
1.1. Kasarian
1.2. Estado sa Buhay
2. Paano maisasalarawan ang mga kakayahan ng mga piling
mag-aaral sa mga sumusunod:
2.1. General Science Process Skill
2.2. Basic Process Skills
2.3. Integrated Process Skills
3. Saang bahagi sa mga kakayahan ang nagpapamalas ng
kahusayan at kahinaan?
4. Meron bang kaugnayan ang kasarian at kalagayan sa
buhay sa kanilang kakayahan sa agham?
5. Anong interbasyon ang maimumungkahi batay sa resulta ng
pag-aaral?
6. Ano ang implikasyon nito sa pagtuturo ng agham ?
23.
Madalas ginagamit sa pagbuo at balidasyon ng mga materyal pagtuturo
Research and Development
25.
Layunin ng Pag-aaral
1. Makabuo ng modyular instraksyunal na
materyal sa Christian Values Education para sa
Senior High Schools; at,
2. Mabalideyt ang mga modyul ng mga eksperto sa
mga sumusunod na bahagi:
2.1. planning design at pormat;
2.2. nilalaman;
2.3. pagdulog at metolohiya;
2.4. mga pagpapayamang gawain;
2.5. assessment tools at evaluation
26.
Tuon lamang ang mga piling mag-aaral na kinakailangan ng tutok at
pansin na mangyaring mabigyan ng malalimang pagkilatis sa suliranin
Kwalitatibong Aral-Kaso
28.
1. Paano maisasalarawan ang mga piling mag-aaral sa
kindergarten pupils batay sa mga personal na propayl:
1.1. edad;
1.2. pang-ilan sa magkakapatid; at
1.3. uri ng pamilya?
2. Anong mga pagsasanay ang ginawa sa mga
kindergarten lalo sa pagguhit ng artworks?
3. Ano ang mga inspirasyon ng mga mag-aaral na
kindergarten habang ginagawa nila ang kanilang
artworks?
4. Ano ang mga preperensiya ng mga mag-aaral na
kindergarten sa paggawa nila ng mga artwork?
5. Paano tinaya ng mga eksperto ang pagiging
malikhain na naipakita ng mga respondente sa
pamamagitan ng pormal, teknikal at expressive
properties?
6. Anong programa ang maisasangguni batay sa resulta
ng pag-aaral?
7. Ano ang implikasyon nito sa Early Childhood
Education?
29.
Pinaghalong kwantitatibo at kwalitatibong paraan upang mabigyan ng
higit na lalim at maipakita ang iba’t ibang anggulo ng isang sinusuring
problema sa klasrum
Mixed Method
32. Transisyon sa Pagbagtas at
Pagyakap bilang Manunulat sa
Amanung Kapampangan
Reggie O. Cruz, Ed.D.
Angeles City Senior High School
33. Rationale
Nakababahala ang bilang ng manunulat sa wikang
Kapampangan lalo na sa Kabataan (Mallari, 2013).
Isa ito sa mga nasuri rin ni Ungria (2009) sa pag-unlad ng
panitikan sa Kapampangan na kasabay ng Pangasinense, ang
kapampangan ay isang wikang may pakonting bilang ng mga
kabataang gumagamit.
33
34. Rationale
Sa kasalukuyan, Ang Angeles City Senior High School ay may
pagkakataong manguna sa larangan ng pagpapaunlad sa
Kapampangan (Angeles City Government Resolution 7981, s
2018) ngunit sa bilang na higit na 900 may 5 lima lamang ang
nagsusulat sa Kapampangan, may takot naman ang mga
manunulat sa Filipino at Ingles na subukan ang Kapampangan
kahit ang mga manunulat ay nakapagsasalita naman sa
Kapampangan.
34
35. Rationale
Ang pag-aaral na ito ay isang programang isasagawa
upang malutas ang problema ng wika at panitikang
Kapampangan sa pamamagitan ng programa na
inangkla sa panukalang proyekto at sa pananaliksik na
ito bilang aksyong pananaliksik.
35
36. Paglalahad ng Suliranin
○ (1) Paano isasagawa ang programa sa pagsulat sa
Kapampangan?
○ (2) Paano ang mga paglinang at hadlang na nangyayari sa
pagsulat sa Kapampangan habang isinasagawa ang mga
palihan?
○ (3) Ano ang kinalabasan ng mga palihan sa mga
manunulat sa kanilang transisyon?
36
37. Uri ng Pananaliksik
Ang uri ng Pananaliksik ay itinuturing na isang mixed-
method (Clark at Ivankova, 2016). Gagamit ang
sequential explanatory approach na kung saan mauuna
ang yugtong kwantitatib (numero) patungo sa kwalitatibo
(personal na karanasan) (Creswell, 2013)
37
39. Respondente
Ang mga respondente ay mula sa piniling mag-aaral ng
Baitang 11 at 12 ng Angeles City Senior High School. May
bilang na walo ang mga mag-aaral na nagsasalita ng
Kapampangan ngunit nakakapagsulat sa Filipino o Ingles na
may interes sa trasisyon ng pagsusulat mula sa wikang
kanilang sinusulat patungong Kapampangan.
39
40. Instrumento
Ang instrumento para sa paghahanda sa palihan ay mula sa mga
talatanungan na “Mga Salik supang Maganyak sa Pagsulat mula
kina Buyukyavuz at Caki (2014) at Estratehiya sa Pagsulat (Soltani
& Kheirzadeh, 2017). Ang mga ito ay nagamit na sa pananaliksik
at balido itong gamitin sa ibang pagkakataong kinakailangan.
Ang gabay sa pagtatanong para sa interbyu ay apat na tanong na
may kinalaman sa palihan, na tutuon lamang sa karanasan ng
mga manunulat.
40
41. Resulta
Ang pagpaplano ay maisasagawa sa pamamagitan ng
pagbibigay ng talatanungan mula sa mga mag-aaral. Ang mga
talatanungang ito ay magbibigay ng pagsasalarawan sa mga
salik sa motibasyon ng mga respondente sa kanilang
pagsusulat at mga estratehiya sa pagsusulat lalo na sa yugto
ng pagsusulat (writing stage).
41
42. Resulta
Ang mga respondente ay palagiang nagaganyak na magsulat
nang malaya (x = 4.63), kapag hindi stress (x=4.5), nakaayos
ang mga paksa nang Mabuti (x = 4.75), kapag gusto ang paksa
(x = 4.88), kapag ang guro ay nagbibigay ng hulwaran
(x = 4.38), nagaganyak din ang guro sa pagsusulat (x = 4.75),
nabibigyan ng oportunidad na makapagsanay (x = 4.5),
nasasabi nang pasalita ang mga aralin (x = 4.38) at kapag
integratibo ang mga ginagawa sa kanilang akademikong
marka.
42
43. Resulta
Madalas namang nagiging estratehiya ang makapagsulat
muna ng panimula (x = 3.75), makipag-usap sa tagapagsanay
upang magabayan pa ( x = 3.51) at makapagsagawa ng
burador gamit ang kompyuter ( x = 3.51).
43
44. Resulta
Paglinang at Hadlang sa Pagsulat sa Kapampangan Habang
Isinasagawa ang mga Palihan
Ang interbyu ay isinagawa pagkatapos ng pagsasagawa ng
literary folio sa Kapampangan, isa-isang binigyang pansin ang
kanilang paglalakbay sa pagsulat na ang tuon ang kanilang
pag-unlad at nakikitang hadlang upang mas maging kapaki-
pakinabang ang susunod na programa sa wika sa
pampaaralang antas.
44
46. Diskusyon
Pagkatapos ng pag-uugnay ng kwantitatibong datos, kwalitatibong datos at
kaugnay na literatura ay nabuo ang teoretikal na balangkas ng transisyon ng
pagbagtas at pagyakap bilang manunulat ng Amanung Kapampangan Ang
teoretikal na balangkas ang magbibigay ng paglalarawan sa gagawing
programa sa pagpaparami ng mga manunulat sa lokal na wika na maaring
maging kasangkapan ng iba pang katutubong wika sa Pilipinas. Hulwaran ang
balangkas sa pagbibigay ng isang progresibong pagtingin sa pagpapaunlad ng
iba pang wika sa Pilipinas na gamit ang malikhaing pagsulat bilang lunsaran ng
iba’t ibang damdaming galing sa karanasan ng mga kabataang mag-aaral na
magtataguyod ng paglinang sa kanilang pangangalagaang wika.
46
48. Kongklusyon
1. Naisagawa ang programa sa pagbasa sa pamamagitan ng pagkuha ng
motibasyon ng mga respondente sa kanilang pagsulat lalo na binigyang
konsiderasyon ang kanilang palagiang nararamdamang motibasyon sa
pagsusulat gaya ng pagsusulat ng malaya (x = 4.63) at kaugnay nito ang
paksang gustong gawin ng mga respondente nagtamo ng pinakamataas na
mean (x = 4.88). Pinagbatayan din sa programang isinagawa ang mga
madalas na estratehiya ng mga respondente sa pagsusulat gaya ng kalayaang
magtanong sa tagapagsubaybay at sa mga taong mas tutulong sa kanila ( x =
3.51) at pagsusulat gamit ang kompyuter at iba pang kagamitang elektroniko
sa kanilang mga burador (x = 3.51).
48
49. Kongklusyon
2. Ang Paglinang at Hadlang nangyayari sa mga respondente ay isinagawa sa
pamamagitan ng interbyu. Lumitaw ang mga pangunahing tema sa
kagandahang panloob at panlabas ng programa, hadlang na internal at
eksternal, kagustuhan sa pag-aaral sa pormal na istraktura at impormal na
istraktura at ang pangarap na kumilos pasulong at pagpapatuloy na mahasa
ang kagalingan sa palagiang pag-aaral sa Amanung Kapampangan.
49
50. Kongklusyon
3. Lumitaw ang apat na suportang kinakailangan pagkatapos ng integrasyon
ng kwalitatibo, kwantitatibo at kaugnay na literatura upang magiging
matagumpay ang transisyon ang pagsulat. Ang mga ito ay suportang
teknolohiya, paaralan at komunidad, suporta ng tagasubaybay na gurong
may maalab na kagustuhang umunlad ang wika at pansariling motibasyon ng
manunulat upang makapagsulat. Ang mga ito ang nakikitaang magandang
pundasyon at balangkas na buhat sa isinagawang programa sa pagsulat mula
Filipino patungong Kapampangan
50
51. Rekomendasyon
Ang balangkas na nabuo ay isang larawan ng pagtingin sa
isang programang mahalaga rin sa pag-unlad ng mga mag-
aaral na dadaan sa transisyon. Ang balangkas ay maaring
gamitin sa Senior High School o maging sa Junior High School
upang may ideya ang mga paaralan sa isinasagawang
inobasyon pagdating sa pagpaparami ng manunulat na
Kapampangan na tuon din ng edukasyong pangalagaan ang
mga wika sa Pilipinas.
51
52. Dakal pung Salamat
○ Sesen taya ing kekatamung
amanu, ali taya paburen,
sopan tayang isalba, ali taya
papaten ing kekatamung
amanu (Respondente D)
52
53. Listahan ng Sanggunian
• Clark, V. at Ivankova, I (2016) Mixed Method Research, SAGE Publishing, United Sates
• Cruz, R. (2013) Pagsusuri sa mga Piling Tulang Kapampangan: Implikasyon sa Pagtuturo ng
• Malikhaing Pagsulat sa Filipino, Di-Nalathalang Tesis, Angeles University Foundation
• De Ungria, R. (2009) Enrichinh Knowledge by Publishing in the Regional Languages, Asiatic
• Vol 3 no. 1 pages 28-39
• Fern, E. (2001) Advance Focus Group Research, SAGE Publishing, United State
• Ljungberg, M. (2016) Reconceptualizing Qualitative Research, SAGE Publishing, United State
54. • Lumbera, B. (2001) Filipinos Writing: Philippine Literature from the Regions, Anvil Publication
• Pasig City
• Mallari, J. (2012) Tuglung: A Kapampangan Journal, National Commision on Culture and the
• Arts, Quezon City
• Prieto N., Naval V., at Carey T. (2017) Quantitative Research, Lori Mar Publishing, Quezon City
• Schreier, M. (2012) Qualitative Content Analysis in Practice, SAGE Publishing, United State
55. Pagtuturong Resiprokal sa
mga Akademikong
Babasahin Tungo sa
Mabisang Pagsulat
sa Filipino
Reggie O. Cruz
Angeles City Senior High School
Division Research Congress
Division of Angeles City
Nobyembre 17, 2017
56. RATIONALE
• Isa sa mga tunguhin ng K+12 ng Departamento ng Edukasyon na ang
lahat ng mag-aaral ay maging independent pagdating sa kanyang
kaalaman na maging kasangkapan upang makapaghanda sa anomang
nais sa buhay.
• Ayon kina Gray at Wise na sinipi nina Bernales et. al (2009) upang
maging epektib na komunikeytor kinakailangan nating idebelop ang
kasanayang reseptib at ekspresib.
• Ang pagiging epektibong komunikeytor sa wika ay nagiging tunguhin
din ng asignaturang Filipino sa Piling Larang (Akademik) na kalikasan
nito ang pagsulat ng iba’t ibang sulatin na naaangkop sa piniling
akademikong kurso ng mga mag-aaral sa Senior High School.
57. RATIONALE
• Ang mga regular na pangkat sa Unang Markahang Pagsusulit Sa
Filipino ay may 70% na Proficiency Level na mababa sa inaasahang
75% .
• Ang mag-aaral mula sa obserbasyon ay kinakailangan ng isang estilo
ng pagbabasa na magpapagising sa kakayang magsuri at maging
malaya pagdating sa kasanayang pagbasa upang makapagsulat nang
mabisa sa Filipino.
• Ang isang estilong pagbasa ay kinakailangang iakma sa panahon at
pangangailangan ng mga mag-aaral.
58. RATIONALE
• Ang pagtuturong resiprokal ay isang metodo ng pagbabasa na
gumagamit ng apat na pamamaraan ng pagbasa na may
komprehensiyon: Pagtatanong, Paglalagom, Paglilinaw at Paghuhula.
Ito ay nakatutulong sa paglinang ng abilidad ng pagbasa lalo na sa
mga mahihina at kailangan pang mas idebelop (Carter, 1997).
59. PAGLALAHAD NG MGA SULIRANIN
1. Ano-ano ang resulta ng pre-test at post-test ng mga respondente gamit ang resiprokal na
pagtuturo?
2. May makabuluhan bang pagkakaiba ang resulta ng pre-test at post-test sa isinagawang
estratehiya sa pagbabasa?
3. Paano mailalarawan ang resiprokal na pagtuturo bilang metodo tungo sa mabisang pagsulat?
4. Anong panukalang programang pagbasa ang ilalahad tungo sa mabisang pagsulat sa
akademikong Filipino?
• Ipotesis
1. Walang kabuluhang pagkakaiba ang resulta ng pre-test at post-test sa mga respondente gamit
ang tradisyonal at resiprokal na pagtuturo
60. URI NG PANANALIKSIK
• Ang uri ng Pananaliksik ay itinuturing na Eksperimental. Binibigyang
pansin ng uring ito ang mga datos na nakuha sa ekperimento bago at
pagkatapos gawin ang isang interbasyon. (www.stat.yale.edu).
61. RESPONDENTE
• Ang mga respondente ay dalawang pangkat na may bilang na 46.
Itinuturing na heterogenous ang mga mag-aaral. Ang isa ay control
group na dadaan sa karaniwang pagtuturo na may palihan – pagtuturo
papuntang pagsulat ng mga piling akademikong sulatin. Ang isa ay
experimental group na dadaan sa resiprokal na pagtuturo at susulat din
ng mga akda pagkatapos ng mga sesyon sa pagbabasa.
62. MGA INSTRUMENTO
• Ang instrumento ng pananaliksik ay isang pagsusulit para sa pre-test at
isa para sa post-test. Ang mga ito ay dumaan sa balidasyon sa
paglinang ng pagsusulit. Ang Sarbey ukol sa Atityud sa Pagiging
Mabisa ng Pagtuturong Resiprokal sa Pagbasang may Pag-unawa ay
mula kay Halberstam (2008). Ito ay nagamit na sa kanyang
pananaliksik at isinalin sa Filipino upang mas maunawaan ng mga
mag-aaral ang mga katanungan. Tinitiyak na ang salin ay tama batay
sa karanasan at expertise ng manunulat.
63. ISTATISTIKAL TRITMENT
T-test para sa independent data (Para sa difference ng Pre-test ng Experimental at
Control Group; Para sa difference ng Post-test ng Experimental at Control Group)
• 𝑡 =
𝑋− 𝑌
𝑋2−
𝑋 2
𝑛1
+ 𝑌2−
𝑌 2
𝑛2
𝑛1+𝑛2−2
1
𝑛1
+
1
𝑛2
• 𝑡 t-test para sa independent data
• 𝑋 Experimental Group
• 𝑌 Control Group
• 𝑛1Bilang ng Cases sa Experimental Group
• 𝑛2Bilang ng Cases sa Control Group
64. ISTATISTIKAL TRITMENT
Para maisalarawan ang resiprokal na pagtuturo bilang interbasyon tungo sa mabisang pagsulat ay isang
talatanungan ang inihanda na adapsiyon mula kay Halberstam (2008). Ito ay may bilang na siyam na
katanungang sarbey ukol sa atityud sa pagiging mabisa ng pagtuturong resiprokal sa pagbasang may pag-
unawa.
Kukunin ang mean ng bawat talatanungan na may berbal na interpretasyon. Ang index of limit at at berbal
nitong interpretasyon ay ipapakita.
Limit ng Index Berbal na Interpretasyon
4.21 – 5 Lubos na Sumasang-ayon
3.41 - 4.20 Sumasang-ayon
2.61 - 3.40 Walang Opinyon
1.81-2.60 ‘Di Sumasang-ayon
1- 1.8 Lubos na Di’ Sumasang-ayon
65. RESULTA
Talahanayan Bilang 4
Resulta ng Pinagsamang Pre-Test at Post-Test ng Eksperimental Group
Statistic Pre-Test Posttest
n 46 46
Rank Sum -562
Rank Sum Squared 8194
Mean Difference 12.2173913
df 45
t 15.254
Alpha 0.05
p-value 2.12282E-19
Crit 2.021
Decision Reject Ho
Interpretation Significant
Mapapansin sa talahanayan 4 ang resulta ng pinagsamang pre-test
at post-test ng mga mag-aaral sa eksperimental na grupo gamit ang
resiprokal na pagtuturo mapapansin na hindi tinanggap ang
ipotesis at may kabuluhang pagkakaiba gamit ang pagtuturong
resiprokal ng pagbasa. May p-value na -2.12 na nagangahulugang
huwag tanggapin ang ipotesis.
66. RESULTA
Talahanayan Bilang 5
Resulta ng Pinagsamang Post Test ng Control at Eksperemental Group
Statistic Experimental Control
n 46 46
Mean 33.34782609 24.32608696
SD 5.478088334 3.828124457
df 90
t 14.0744
Alpha 0.05
p-value 1.84101E-24
Crit 1.990
Decision Reject Ho
Interpretation There is a significant difference
Ang talahanayang bilang 5 ay ang resulta ng pinagsamang post
test ng control at eksperimental group mapapansin na hindi
tinanggap ang ipotesis at may makabuluhang pagkakaiba ang
dalawa. Mas mataas ang nakuhang mga iskor ng eksperimental
kaysa sa Control Group. May p-value na -1.84 na
nangagahulugang may pagkakaiba ang resulta.
67. Panukalang Programa sa Pagbasa Patungo sa
Pagsulat ng mga Makabuluhang Akademikong Teksto
Tuon o Pansin Estratehiya Laang-oras
Pagbasa ng Iba’t ibang
Teksto
Paggawa ng Modyul na
Nakaangkla sa Resiprokal
na Pagtuturo
Nobyembre – Disyembre
2017
Pagsulat ng Pananaliksik Ginabayang Activity
Sheets sa Pagsulat ng
Pananaliksik
(May Sesyon pa rin sa
Pagbasa ng mga lunsarang
pananaliksik)
Enero – Marso, 2018
Pagbasa ng Iba’t Ibang
Akademikong Babasahin
Paggawa ngg Modyul na
Nakaangkla sa Resiprokal
na Pagtuturo
(Idaragdag ang iba pang
akademikong teksto – bio
note, buod, katitigan ng
pulong, agenda, pictoessay
at lakbay sanaysay)
Mayo, 2018
(Isasama sa Programa sa
Inset)
Pagsulat ng Iba’t Ibang
Akademikong Teksto
Paggawa ng Ginabayang
Activity Sheets sa Pagsulat
ng Iba’t Ibang
Akademikong Teksto
Hunyo – Hulyo, 2018
Pagtataya sa Programa
Gamit ang Aksyong
Pananaliksik
Pagkuha ng mga Datos na
kinakailangan sa pagtataya
ng programa
Agosto – Oktobre 2018
68. KONGKLUSYON
1. Katanggap-tanggap ang resulta ng pre-test ng kapwa control at eksperimental group
dahil sa konting pagkakaiba ng resulta ng kapwa mean (x=21.04; x=21.14).
2. Parehas namang may paglinang ang control at ekspiremental na grupo sa kanilang
post-test (x= 24.33; x=33.35).
3. Tinanggap ang ipotesis sa pagtuturong tradisyonal sa control group na
nangangahulugang walang kabuluhang pagkakaiba.
4. Hindi tinanggap ang ipotesis sa pagtuturong reciprocal sa ekspiremental group na
nangangahuluhang may kabuluhang pagkakaiba at naging epektibo ang pagtuturo.
5. Lubos na sumasang-ayon ang mga mag-aaral sa Resiprokal na Pagtuturo lalong-
lalo na nalinang nito ang mga nasa below average na mag-aaral sa pagbabasa
(x=4.57).
6. Ang programang pagbasa patungo sa pagsulat ay inilaan para sa isang taon at sakop
nito ang pagbabasa at pagsusulat ng akademikong teksto mula sa iba’t ibang teksto,
pananaliksik at mga akademikong teksto gaya ng bio-note, buod, katitikan ng
pulong, posisyong papel at iba pa.
69. REKOMENDASYON
Ang mga sumusunod ay mga rekomendasyon sa pag-aaral na naisagawa.
1. Magdebelop ng mga modyul at mga activity sheet na nakaangkla ang resiprokal
na pagtuturo lalo na sa Senior High School simulant ito sa pagtuturo ng mga iba’t
ibang teksto at iba pang akademikong teksto.
2. Ipatupad ang mungkahing programang pagbasa tungo sa mabisang pagsulat sa
Filipino upang makaakbay sa pagbabago at makapagturo nang mas lalong may
kalidad. Ang programang ito ay ipanukala muna bilang isang proyekto hanggang
sa makapagsagawang muli ng aksyong pananaliksik
3. Maaring subukan ang pagtuturong ito sa Junior High School o sa Elementarya
upang makita kung epektibo rin ito sa iba pang departamento.
4. Magamit, mapag-aralan at mapayaman ang resiprokal na pagtuturo sa ibang wika
lalo na sa Ingles
71. Saang makakahanap ng Kaugnay na
Literatura at Pag-aaral
Isang libreng search engine na kinapapalooban ng
mga artikulong edukasyonal sa iba’t ibang larangan.
75. Paalala sa gagawing worksyap
Maghanap ng mga babasahin na pwedeng makatulong sa
inyong tinatrabahong pananaliksik (working topic/ title)
Puntahan ang mga sumusunod – google scholar, Philippine
journal, jstor.org, eric, at deped website.
Maglagay ng isang folder para sa lahat ng nakalap. Basahin
nang pahapyaw – magsimula sa pamagat patungo sa mga
nilalaman.
Kung maaring gamitin ang mga datos na nakalap sa mga
mag-aaral (pagsusulit, rubric at iba pa)
76. Paghahanda ng Tsart ng
mga nakalap na Kaugnay
na Literatura at Pag-aaral
Pang-anim na
Sesyon
77. Ihanda ang tsart sa mga nakalakap na
kaugnay na Literatura at Pag-aaral
Uri
(Kaugnay na
Literatura o
Kaugnay na Pag-
aaral)
Hanguang
Elektroniko
Pamagat,
Manunulat,
Taon
Nilalaman ng
nabasa
(3 pangungusap
na paliwanag)
Iba pang
kabatiran sa
binasa
78. Huling Paalala
Isang makabuluhang gawain ang pananaliksik, mahirap man sa karamihan
ngunit may kasiyahan pagkatapos ng lahat
Ang pagiging positibo ang magdadala sa iyo upang mahalin ka ng pananaliksik
Hindi masamang magtanong sa mga eksperto, ngunit mainam na magtakda ng
oras upang mabigyan ka rin ng panahon
Kung iniibig mo ang isang bagay, wala itong kapaguran.
81. Gabay sa Paggawa ng Tentatibong
Balangkas ng Pananaliksik
I. Suliranin (Batid mo na ang iyong suliranin?)
II. Kwantitatibong Datos na Magpapatibay sa suliranin
(May naipakitang mga ininsyal na kwantitatibong datos sa klase katulad ng
mga pagsusulit, marka sa rubric atbp)
III. Kwalitatibong Datos na Magpapatibay sa suliranin
(May naipakitang mga inisyal na kwalitatibong datos na mula sa
obserbasyon, impormal na interbyu atbp.)
IV. May Pag-aaral na Nakalap sa mga pananaliksik
(May naugnay na ring mangilan-ngilang kaugnay na literatura at pag-aaral
sa iyong paksa)
V. Pamamaraang Nakaakma (Anong pamamaaraang nakaama?)
82. Paalala sa format ng Sanggunian
Aklat
Bernales et. al (2009) Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Mutya Publishing Incorporated. Manila
Dyornal
Carter, C. J. (1997) Why Reciprocal Teaching? Educational Leadership March edition pages 64– 68
Lederer, J. M. (2000) Reciprocal Teaching of Social Studies in Inclusive Elementary Classrooms.
Journal of Learning Disabilities. Jan/Feb pages 91-106
Elektronikong Hanguan
Easton V. and McColl, J. (1998) Experimental Research Design. Retrieved September 11,2017,
www.stat.yale.edu
Disertasyon o Tesis
Halberstam, M. (2008) Reciprocal Teaching: The Effects on Reading Comprehension of Third Grade
Students. Published Dissertation. Northcentral University
86. Huling paalala
Higit na mainam na palagiang iniisip na ang isinasagawa
mong reserts ay higit pa sa inaasam na promosyon
May naidudulot itong kabutihan sa iyo bilang guro, lalo na
sa pagiging kritikal.
Higit na kinakailangan natin ang mga gurong nag-iisip na
kalakip ang pusong walang katulad
Higit na kinakailangan ang mga gurong mananaliksik na
tumutulong sa progreso at hindi nagiging sagwil sa pag-
asenso ng mas nakararami
88. Reggie O. Cruz, Ed.D
sirreggiecruz@gmail.com
09989809965
FB: Doc Reggie Ocena
Cruz
Twitter @sirreggieC
Si Dr. Reggie O. Cruz ay kasalukuyang pangkat-ulo ng Humanidades at Agham
Panlipunan sa Angeles City Senior High School at kasalukuyang koordineytor sa
Pananaliksik. Nagtuturo ng Part-Time sa Graduate School ng OSIAS Colleges
Incorporated, Tarlac City sa mga mag-aaral ng M.A.Ed medyor sa Administration
Nagtapos ng Doctor of Education Major in Educational Management sa Tarlac State
University (2016), Master of Arts in Education Major in Filipino sa Angeles
University Foundation (2013) at Bachelor of Secondary Education Major in Filipino
sa Holy Angel University (2006). Kasalukuyang nag-aaral ng Doctor of Philosophy in
Curriculum and Instruction with specialization in Filipino Language Teaching sa
Angeles University Foundation (2017 – present).
Nakapaglahad ng mga pananaliksik sa mga Komperensiya sa Internasyonal at
Pambansang lebel sa mga paksa sa Panitikan, Pagtataya sa Pagbasa at Leadership.
Naging writer fellow sa Pambansang Palihan sa Malikhaing Pagsulat – Rogelio
Sicat –UP Diliman, Pamiyabe: Regional Fellowship and Workshop ng NCCA at
Kapampangan Writing Workshop ng UP Clark. Nakapaglimbag na rin ng mga tula
sa Filipino at palagiang tagapanayam sa mga paksa sa pananaliksik, Filipino,
Journalism at Professional Development mula sa paaralan hanggang dibisyon.
Nagpakitang-turo sa Filipino sa dibisyon, rehiyon at kalauna’y sa pambansang lebel.
Nagsasagawa ng mga pananaliksik sa Filipino, ICT, ABM, Tracer Study, Assessment
at maging sa mga paksa na may kinalaman sa Kapampangan.