SlideShare a Scribd company logo
1 of 26
SINING V
2ND
GRADING
1. Mga Layunin:
Naipahahayag ang kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng pagguhit o pagpipinta ng isang
larawang isinasaad ng kuwento o tula
II. Paksang Aralin
Larawang Isinasaad ng Kuwento TX p. 121
Kagamitan:
Kuwento tungkol sa katatagan sa gitna ng panganib
Kard ng mga pamamaraan sa paggawa
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Pag-usapan ang kanilangnatutunan tungkol sa proporsyon.
2. ltanong:
Paano mo masasabi na tama ang proporsyon ng ulo sa katawan ng mga toong iginuhit?
Ano ang dapat na proporsyon ng too sa bahay? Ano ang proporsyon?
B. Panlinang na Gawain
1. Ganyakin at ihanda angmga bata sa pagguhit at pagpipinta ng isang larawang isinasaad
ng kuwento.
2. Sabihin/ltanong:
Basahin ang kuwento na nasa aklat, Umawit at Gumuhit 5, TXp.121.
Ano ang nangyayari sa kuwento?
Ano ang naramdaman ni Juanito habang bumubuhos ang ulan?
Bakit biglang nagba~o ang kaniyang damdamin?
Ano ang naisipan niyang gawin?
Anong bahagi ng kuwento ang naibigan mo?
3. Sabihin:
Ngayon ay titingnan ko kung kaya ninyong iguhit o ipinta ang isang larawang isinasaad
ng kuwento? Anu-ano ang mga pamantayan sa paggawa?
C. Gawaing Pansining
Larawang Isinasaad ng Kuwento
Mga Kagamitan:
papel
lapis
krayon
Pamamaraan
1. Ipahayag ang iyong damdamin at imahinasyon sa pamamagitan ng pagguhit ng isang
larawan tungkol sa kuwentong "Isang Maunos na Gabi".
2. Kulayan ang lara wang iginuhit
D. Paglalahat
1. Sabihin:
Ipakita sa mga kamag-aral ang iginuhit mo.
Ano ang nilalaman ng larawan?
Paano mo inilarawan ang iyong imahinasyon?
Nagamit mo ba ang iyong kaalaman sa balanse at proporsyon sa pagguhit?
Paano proporsyon sa pagguhit? Paano?
E. Pagpapahalaga
Itanong:
Paano ninyo naipahayag ang inyong kaisipan, kalooban at imahinasyon sa pagguhit?.
Nasunod ba ninyo ang mga pamantayan sa paggawa? Paano?
IV. Pagtataya:
Subaybayan ang mga bata sa paggawa upang makatiyak na wasto ang kanilang ginagawa.
V. Kasunduan:
Paano mo naipahahayag ang iyong kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng pagguhit o
pagpipinta ng isang larawang isinasaad ng kuwento o tula
SINING V
I. Mga Layunin:
Naipahahayag ang damdamin sa pamamagitan ng pagguhit ng mga linya at kulay na
nagsasaad ng iba't ibang damdamin
II. Paksang Aralin
Mga Linya at Kulay sa Pagpapahayag ng Damdamin, TX p. 123
Kagamitan:
Larawan ng mga guhit na nagpapahayag ng iba't ibang uri ng damdamin
Mga larawang may kulay.
Mga larawan ng kulay
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Pag-usapan kung paano naipahahayag ang dam dam in sa pamarnagitan ng pagguhit o
pagpipinta ng isang lara wang isinasaad ng kuwento.
2. Itanong kung anu-anong elemento ng sining ang kanilang ginamit.
B. Panlinang na Gawain
1. Pag-usapan ang gamit ng mga linya at kulay na natutuhan nila sa mga nakaraang aralin.
2. Itanong:
Ano ang gamit ng mga linya at kulay?
Magagamit mo ba ang mga linya at kulay sa pagpapahayag ng damdamin? Paano?
3. Ilahad ang mga larawan ng iba't ibang uri ng linya.
4. Itanong:
Ano ang damdaming ibinibigay ng tuwid na linya? M agbigay ng mga halimbawa ng
larawang dapat gamitan ng tuwid na linya.
Ano ang ipinahahayag ng mga pakurbang linya? Ano ang ipinahahayag ng mga tulis-
tulis at masalimuot na linya?
5. Sabihin:
Ang mga kulay ay maaari ring magsaad ng iba't ibang damdamin.
6. Ilahad ang mga larawang may kulay at mga larawan ng mga kulay.
7. Pag-usapan ang mga kulay na nagsasaad ng iba't ibang uri ng damdamin.
C. Paglalapat:
1. Itanong:
Paano magagamit ang mga linya at kulay sa pagpapahayag ng iba't ibang uri ng
damdamin? Magbigay ng mga halimbawa.
IV. Pagtataya:
Subaybayan ang mga bata sa paggawa upang makatiyak na wasto ang kanilang ginagawa.
V. Kasunduan:
1. Sabihin:
Bukas ay ipahahayag natin ang ating damdamin sa pamamagitan ng kulay at linya. Nais ba
ninyong magdala ng mga kagamitan para sa gawaing sining?
2. Pagdalhin ang mga bata ng makapal na sinulid o estambre, pandikit at papel.
SINING V
I. Mga Layunin:
Naipahahayag ang damdamin sa pamamagitan ng pagguhit ng mga linya at kulay na
nagsasaad ng iba't ibang damdamin
II. Paksang Aralin
Mga Linya at Kulay sa Pisi, TX p. 126
Kagamitan:
Larawan ng mga guhit na nagpapahayag ng iba't ibang uri ng damdamin
Mga larawang may kulay.
Mga larawan ng kulay
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Pag-usapan ang iba't ibang uri ng linya at mga kulay na nakapagbibigay ng iba't ibang uri
ng damdamin.
2. Ihanda ang mga bata sa paglikha at pagpapahayag ng damdamin.
3. Itanong ang mga pamantayan sa paggawa.
B. Panlinang na Gawain
Mga Linya at Kulay sa Pisi
Pagpapahayag ng Damdamin
Mga Kagamitan:
 makapal na sinulid o estambre
 "glue" o pandikit
 papel
Pamamaraan:
1. Mag-isip ng isang sitwasyon o pangyayari na nais mong ipahayag.
2. Pumutol ng iba't ibang kulay ng hindi magkakasinghabang sinulid o "estambre" na angkop sa
damdaming nais mong ipahayag.
3. Iayos ang mga piraso na sinulid sa papel upang makagawa ng mga linya.
4. Idikit ang mgapiraso ng sinulid hanggang ang ninanais na disenyo ay mabuo.
IV. Pagtataya:
Subaybayan ang mga bata sa paggawa upang makatiyak na wasto ang kanilang ginagawa.
V. Kasunduan:
Paano mo naipahahayag ang iyong damdamin sa pamamagitan ng pagguhit ng mga linya
at kulay na nagsasaad ng iba't ibang damdamin
SINING V
I. Mga Layunin:
Nakalilikha ng balangkas ng sariling katawan (contour drawing) sa pamamagitan ng pagdama at
pagguhitnito habang nakapikit ang mata.
II. Paksang Aralin
Balangkas ng Katawan TXp. 127
Kagamitan:
Larawang balangkas ng katawan
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Pag-usapan kung paano maipahahayag ang damdamin sa pamamagitan ng kulay at
linya.
2. Itanong:
Paano mo maipahahayag ang iyong damdamin sa pamamagitan ng kulay at linya?
Magbigay ng mga halimbawa
B. Panlinang na Gawain
Sabihin:
Malimit mong ipahayag ang iyong kaisipan at imahinasyon sa pamamagitan ng pagguhit,
subalit naranasan mo na bang gumuhit ng isang larawan habang nakapikit ang mga mata?
Ano kaya ang anyo ng isang larawang iginuhit nang nakapikit?
Ngayon ay susubukin nating gumuhit nang nakapikit. Natatandaan ba ninyo ang mga
pamantayan sa paggawa?
C. Gawaing Pansining
Balangkas ng Sariling Katawan
Mga- Kagamitan:
 papel
 krayon
Pamamaraan:
1. Ihanda ang papel na pagguguhitan at kumuha ng isang krayon na may matingkad na
kulay.
2. Pumikit at iguhit ang balangkas ng iyong katawan mula ulo hanggang paa at pabalik sa
ulo habang kinakapa ng isa mong kamay ang iyong katawan. Gawing tuluy-tuloy ang
pagguhit. Huwag iangat ang krayon sa papel.
3. Tingnan ang larawang iginuhit mo. Kulayan ang ba,langkas ng katawan ng. isang
kulay. Ang labas ng balangkas ay kuskusan ng ibang kulay.
D. Pagpapahalaga
Itanong:
Nahirapan ka ba sa pagguhit nang nakapikit ang mata?
Anong anyo ng iginuhit mo?
Nagamit mo ba ang iyong imahinasyon sa pagguhit ng balangkas ng iyong katawan?
IV. Pagtataya:
Subaybayan ang mga bata sa paggawa upang makatiyak na wasto ang kanilang ginagawa.
V. Kasunduan:
Nakalilikha ng balangkas ng sariling katawan (contour drawing) sa pamamagitan ng pagdama at
pagguhitnito habang nakapikit ang mata.
SINING V
I. Mga Layunin:
Naipakikita ang kakayahan sa paggamit ng iba't ibang bagay at kagamitan.sa paglilimbag
II. Paksang Aralin
Paglilimbag TX p. 128
Kagamitan:
Mga larawang inilimbag kutsilyo, "water color", kamote o patatas
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Pag-usapan kung paano nila nagamit ang imahinasyon sa pamamagitan ng pagguhit na
nakapikit ang mata.
B. Panlinang na Gawain
1. Pag-usapan ang.paglilimbag na ginawa nila sa ika-apat na baitang.
2. Itanong:
Naranasan na ba ninyo ang maglimbag?
Anu-anong bagay ang ginagamit mo?
Anu-anong hugis at kulay ang ginagamit mo?
Paano mo inaayos ang bakas na inilimbag mo?
Nakalikha ka na ba ng magandang disenyo?
C. Gawaing Pansining
1. Sabihin:
Titingnan ko ngayon kung makalilikha kayo ng magandang disenyo sa pamamagitan ng
paglilimbag ng mga bloke.
Anu-ano ang mga pamantayan sa maayos na paggawa?
Block Printing Mga Kagamitan
Mga Kagamitan:
 kamote o patatas
 papel
 kutsilyo
 "water color"
Pamamaraan:
1. Hatiin sa dalawang bahagi ang kamote o patatas.
2. Gumuhit ng isang payak na disenyo sa dakong pinagputulan.
3. Sa pamamagitanng kutsilyo ay palitawin ang disenyong nais na ilimbag at alisin ang mga
bahagi ng disenyong hindi kailangan.
4. Isipin kung paano mo iaayos ang disenyo sa papel.
5. Pintahan ng "water color" ang disenyo at idiin sa papel.
6. Ilimbag nang paulit-ulit ang disenyo ayon sa disenyong nais mo.
D. Pagpapahalaga
1. Naiayos mo ba ang paglilimbag sa pamamagitan ng mga bloke ng patatas upang makabuo ng
kawili-wiling disenyo?
2. Anong disenyo ang ginawa mo?
3. Nagamit mo baang iyong kaalaman sa tekstura sa iyong ginagawang paglilimbag? Paano?
4. Saan mo maaaring gamitin ang papel na nilagyan mo ng mga disenyong nalimbag?
IV. Pagtataya:
Subaybayan ang mga bata sa paggawa upang makatiyak na wasto ang kanilang ginagawa.
V. Kasunduan:
Paano mo naipapakita ang iyong kakayahan sa paggamit ng iba't ibang bagay at
kagamitan.sa paglilimbag
SINING V
I. Mga Layunin:
Naipakikita ang pagkamalikhain at kakayahan sa paggamit ng krayon sa iba't ibang
pamamaraan tulad ng batik.
II. Paksang Aralin
Batik TX p. 130
Kagamitan:
Mga larawan ng gawaing sining na "batik", papel o tela, crayon, "water color", plantsa
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Pag-uusap tungkol sa gawaing paglilimbag.
Itanong:
 Ano ang paglilimbag?
 Anu-ano ang mga bagay na maaaring ilimbag? Paano mo maipahahayag ang iyong
pagkamalikhain sa paglilimbag?
 Anu-ano ang iba't ibang paraan ng paglilimbag?
B. Panlinang na Gawain
1. Ganyakin at ihanda ang mga bata sa paraan ng paglilimbag sa batik.
2. Ipaliwanag sa kanila kung ano ang batik.
3. Itanong kung kaya nilang sundin ang mga pamantayan sa paggawa ng batik kahit hindi
iniisa-isa ang mga ito.
C. Gawaing Pansining
Mga Kagamitan:
 papel o tela
 krayon
 "water color" o “Joe Busch"
 plantsa
Sabihin:
Ang mga sumusunod ay ilang pamamaraan sa paggawa ng "batik". Maaari kang pumili ng
isa.
BATIK A
Pamamaraan:
1. Gumawa ng isang disenyo sa papel at kulayan ng krayon. Idiin ang pagkuskos sa
krayon. Lagyan ng kulay ang buong papel.
2. Lukutin o lamukusin ang papel sa iyong palad.
3. Maingat na buksan ang papel at muling unatin ito upang hindi mapunit.
4. Magtimpla ng malabnaw na "water color" na itim o ano mang madilim na kulay at
pintahan ang kabuuan ng disenyo sa nilakumos na papel.
5. Patuluin ang "water color" at patuyuin.
6. Plantsahin kapag tuyo na upang maunat nang husto.
D. Pagpapahalaga
1. Anong paraan ng paggawa ng batik ang isinagawa mo?
2. Anong disenyo ang binuo mo?
3. Ano ang kaibahan ng batik sa ibang mga gawaing sining?
4. Paano mo naipahayag ang kaisipan at damdamin sa paggawa ng batik?
5. Nag-ingat ka ba sa paggamit ng plantsa?
6. Pinanatili mo bang malinis ang iyong pinaggawaan?
IV. Pagtataya:
Subaybayan ang mga bata sa paggawa upang makatiyak na wasto ang kanilang ginagawa.
V. Kasunduan:
Paano mo naipapahayag ang iyong kalooban at imahinasyon?
SINING V
I. Mga Layunin:
Naipakikita ang pagkamalikhain at kakayahan sa paggamit ng krayon sa iba't ibang
pamamaraan tulad ng batik.
II. Paksang Aralin
Batik TX p. 130
Kagamitan:
Mga larawan ng gawaing sining na "batik", papel o tela, crayon, "water color", plantsa
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Pag-uusap tungkol sa gawaing paglilimbag.
Itanong:
 Ano ang paglilimbag?
 Anu-ano ang mga bagay na maaaring ilimbag? Paano mo maipahahayag ang iyong
pagkamalikhain sa paglilimbag?
 Anu-ano ang iba't ibang paraan ng paglilimbag?
B. Panlinang na Gawain
1. Ganyakin at ihanda ang mga bata sa paraan ng paglilimbag sa batik.
2. Ipaliwanag sa kanila kung ano ang batik.
3. Itanong kung kaya nilang sundin ang mga pamantayan sa paggawa ng batik kahit hindi
iniisa-isa ang mga ito.
C. Gawaing Pansining
Mga Kagamitan:
 papel o tela
 krayon
 "water color" o “Joe Busch"
 plantsa
Sabihin:
Ang mga sumusunod ay ilang pamamaraan sa paggawa ng "batik". Maaari kang pumili ng
isa.
BATIK B
Pamamaraan:
1. Lamukusin ang isang puting papel. Pagkatapos, maingat na unatin ito upang hindi
mapunit at ipatong sa ibabaw ng hapag.
2. Magtimpla ng malabnaw na "water color" o 'Joe Busch" at kulayan ang kabuuan ng
papel sa pamamagitan ng pinsel.
3. Patuyuin ang papel.
4. Lagyan ng disenyo ang papel ang pamamagitan ng krayon.
5. Takpan ang kabuuang disenyo ng isa pang papel at plantsahin.
D. Pagpapahalaga
1. Anong paraan ng paggawa ng batik ang isinagawa mo?
2. Anong disenyo ang binuo mo?
3. Ano ang kaibahan ng batik sa ibang mga gawaing sining?
4. Paano mo naipahayag ang kaisipan at damdamin sa paggawa ng batik?
5. Nag-ingat ka ba sa paggamit ng plantsa?
6. Pinanatili mo bang malinis ang iyong pinaggawaan?
IV. Pagtataya:
Subaybayan ang mga bata sa paggawa upang makatiyak na wasto ang kanilang ginagawa.
V. Kasunduan:
Anu-anong mga gawaing sining ang nagawa mo? Paano mo naipahayag ng iyong kalooban at
imahinasyon?
SINING V
I. Mga Layunin:
Naipakikita ang pagkamalikhain at kakayahan sa paggamit ng krayon sa iba't ibang
pamamaraan tulad ng batik.
II. Paksang Aralin
Batik TX p. 130
Kagamitan:
Mga larawan ng gawaing sining na "batik", papel o tela, crayon, "water color", plantsa
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Pag-uusap tungkol sa gawaing paglilimbag.
Itanong:
 Ano ang paglilimbag?
 Anu-ano ang mga bagay na maaaring ilimbag? Paano mo maipahahayag ang iyong
pagkamalikhain sa paglilimbag?
 Anu-ano ang iba't ibang paraan ng paglilimbag?
B. Panlinang na Gawain
1. Ganyakin at ihanda ang mga bata sa paraan ng paglilimbag sa batik.
2. Ipaliwanag sa kanila kung ano ang batik.
3. Itanong kung kaya nilang sundin ang mga pamantayan sa paggawa ng batik kahit hindi
iniisa-isa ang mga ito.
C. Gawaing Pansining
Mga Kagamitan:
 papel o tela
 krayon
 "water color" o “Joe Busch"
 plantsa
Sabihin:
Ang mga sumusunod ay ilang pamamaraan sa paggawa ng "batik". Maaari kang pumili ng
isa.
BATIK C
Mga Kagamitan:
 tela na walangdisenyo (1ft x1ft)
Pamamaraan:
1. Ikapit ang tela sa isang tabla o matigas na karton sa pamamagitan ng "thumb tacks" o
"stapler". Kung tabla ang gagamitin ay lagyan muna ito ng saping dyaryo o "manila
paper" upang maging makinis ang paggagawaan.
2. Sa pamamagitan ng krayon ay madiin na iguhit ang disenyo.
3. Magtimpala ng “Joe Busch" at kulayan ang kabuuan ng disenyo.
4. Takpan ng isang "coupon bond" ang tela at plantsahin.
D. Pagpapahalaga
1. Anong paraan ng paggawa ng batik ang isinagawa mo?
2. Anong disenyo ang binuo mo?
3. Ano ang kaibahan ng batik sa ibang mga gawaing sining?
4. Paano mo naipahayag ang kaisipan at damdamin sa paggawa ng batik?
5. Nag-ingat ka ba sa paggamit ng plantsa?
6. Pinanatili mo bang malinis ang iyong pinaggawaan?
IV. Pagtataya:
Subaybayan ang mga bata sa paggawa upang makatiyak na wasto ang kanilang ginagawa.
V. Kasunduan:
Paano mo naipapakita ang iyong pagkamalikhain at kakayahan sa paggamit ng krayon sa ibat-
ibang pamamaraan tulad ng batik.
SINING V
I. Mga Layunin:
Naipakikita ang pagkamaparaan sa paggamit ng iba't ibang bagay sa paggawa ng "mosaic"
II. Paksang Aralin
Mosaic TX p. 132
Kagamitan:
Mga likhang sining na ginawa sa pamamagitan ng "mosaic"
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Pag-usapan ang mga gawaing pansining na nakatutulong sa kanila upang maipahayag
ang kaisipan, damdamin at imahinasyon.
2. Itanong:
Anu-anong mga gawaing sining ang nagawa mo?
Paano mo naipahayag ng iyong kalooban at imahinasyon?
B. Panlinang na Gawain
1. Pag-usapan ang mga bagay tungkol sa "mosaic"
2. ltanong:
 Ano ang "mosaic"? Saan nagsimula ito?
 Saan nila ginagamit ang ganitong uri ng sining?
 Anu-anong mga bagay ang ginagamit upang makagawa ng "mosaic"?
 Anu-ano ang mga pamantayan sa paggawa?
C. Gawaing Pansining
Mga Kagamitan:
lapis
papel, retaso, balat ng suman, plastik o balat ng itlog
pandikit
karton o papel na makapal
Pamamaraan:
1. Sa isang papel o karton ay gumuhit ng dibuho ng sagisag ng bansa.
2. Isipin kung anu-anong kulay ang ilalagay sa bawat bahagi ng iyong dibuho at kung
anong bagay ang gagawing mosaic.
3. Gupit-gupitin o pirasuhin nang maliit ang bagay na napili.
3. Tiyakin na ikaw ay nag-iingat sa paggamit ng gunting.
4. Idikit ang maliit na piraso sa disenyo na iyong iginuhit Mag-iwan ng makitid na espasyo
sa pagitan ng bawat hugis.
D. Paglalahat
1. Itanong:
 Anong dibuho ang ginawa mo para sa "mosaic"?
 Anong bagay ang napili mong gupit-gupitin?
 Napangkat mo ba ang mga bagay na gugupitin ayon sa uri, kulay,at hugis?
 Ilang uri ng hugis ang ginupit mo? Anu-ano ang mga ito? Hindi ba gaanong malayo
ang laki ng mga hugis?
E. Pagpapahalaga
1. Itanong:
 Nagawa mo ba nang maayosat malinis ang "mosaic"?
 Anong dibuhong sagisag ng bansa ang ginamit mo?
 Naging mapamaraan ka ba sapagdidikit ng maliit na papel?
 Paano mo ginawa ito?
IV. Pagtataya:
Subaybayan ang mga bata sa paggawa upang makatiyak na wasto ang kanilang ginagawa.
V. Kasunduan:
Anu-anong mga gamit ang maaari mong lagyan ng disenyong “mosaic”?
SINING V
I. Mga Layunin:
 Naipakikita ang pagkamalikhain sa paggawa ng mga tatlong dimensiyong bagay sa pamamagitan
ng iba't ibang midya, kagamitan at pamamaraan
II. Paksang Aralin
"Puppet" na Pangkamay TX p. 134
Kagamitan:
Mga "puppet" na gawa sa supot
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Pag-usapan kung paano nila naipakita ang kanilang pagkamalikhain sa paggawa ng
"mosaic".
2. Itanong:
 Anu-anong mga bagay ang maaari mong gawing "mosaic"?
 Anu-anong mga gamit ang maaari mong lagyan ng disenyong "mosaic"?
B. Panlinang na Gawain
1. Ganyakin ang mga bata sa susunod na gawain.
2. Magpakita ng mga halimbawang "puppet".
3. Itanong:
 Anu-ano ang mga hawak ko? "Ano ang "puppet"?
 Saan ginagamit ito?
 Anu-ano ang maaaring gamitin sa paggawa ng "puppet"?
4. Sabihin:
 Ang mga "puppet" ay mga bagay na may tatlong dimensyon.
 Ito ay may taas, luwang at kapal.
 Titingnan ko kung kaya ninyong sundin ang mga pamamaraan sa paggawa ng mga
"puppet".
 Anu-ano ang mga pamantayan sa paggawa?
 Ano ang dapat tandaan sa tuwing gagamit ng gunting?
C. Gawaing Pansining
1. Sabihin:
 Ibibigay ko sa inyo ang mga card ng pamamaraan.
 Basahin nang mabuti at sundin ang mga pamamaraan.
"Puppet" na Supot, TX p. 135
Mga Kagamitan:
 supot na papel, papel na pagguguhitan ng mukha
 pandikit, gunting at krayon
Pamamaraan:
1. Kumuha ng isang supot na papel.
2. Gumuhit ng mukha ng tao sa isang puting papel, gupitin sa paligid at idikit sa dakong
ilalim ng supot.
3. Itapat ang bibig ng larawan sa lupi ng supot.
4. Gtipitin nang pahalang ang bahagi ng larawan na nakatapat sa bibig at lupi ng supot
upang huwag magkahiwalay ang nguso at labi. Huwag gugupitin ang supot.
5. Ibuka ang dakong bibig at dikitan ng papel na hugis bilog upang mag-anyong loob ng
bibig. Maaari mong dikitan o guhitan ng maliit na dila.
6. Isuot ang kamay sa supot na ang palad ay nakaharap sa larawang idinikit. Iaros ang apat
na daliri sa dakong itaas at ang hinlalaki sa ibaba. Sa pamamagitan ng mga daliri ay
maaari mong pagsalitain ang "puppet" habang ikaw ay nagkukuwento.
C. Paglalahat
1. ltanong:
 Anong uri ng puppet ang ginawa mo?
 Paano mo ginamit ang mga patapong bagay sa paggawa ng iyong "puppet"?
 Nasiyahan ka ba sa ginawa mong "puppet"?
 Tumawag ng mga kamag-aral at pag-usapan kung paano makagagawa ng isang
pagtatanghal na ginagamit ang mga 'puppet" na inyong ginawa
D. Pagpapahalaga
Sabihin:
 Itanong mo sa iyong sarili.
Iniligpit ko ba ang lahat ng aking ginamit?
Itinapon ko ba ang mga balat?
Nag-ingat ba ako sa paggamit ng gunting?
IV. Pagtataya:
Subaybayan ang mga bata sa paggawa upang makatiyak na wasto ang kanilang ginagawa.
V. Kasunduan:
Ano ang tatlong dimensyong bagay? Magbigay ng mga halimbawa.
SINING V
I. Mga Layunin:
 Nakalilikha ng iba't ibang "puppet" sa pamamagitan ng iba't ibang pamamaraan tulad ng "puppet"
na pangkamay o "hand puppet"
II. Paksang Aralin
"Puppet" na Pangkamay TX p. 134
Kagamitan:
Mga "puppet" na gawa sa medyas
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Pag-usapan kung paano nila naipakita ang kanilang pagkamalikhain sa paggawa ng
"mosaic".
2. Itanong:
 Anu-anong mga bagay ang maaari mong gawing "mosaic"?
 Anu-anong mga gamit ang maaari mong lagyan ng disenyong "mosaic"?
B. Panlinang na Gawain
1. Ganyakin ang mga bata sa susunod na gawain.
2. Magpakita ng mga halimbawang "puppet".
3. Itanong:
 Anu-ano ang mga hawak ko? "Ano ang "puppet"?
 Saan ginagamit ito?
 Anu-ano ang maaaring gamitin sa paggawa ng "puppet"?
4. Sabihin:
 Ang mga "puppet" ay mga bagay na may tatlong dimensyon.
 Ito ay may taas, luwang at kapal.
 Titingnan ko kung kaya ninyong sundin ang mga pamamaraan sa paggawa ng mga
"puppet".
 Anu-ano ang mga pamantayan sa paggawa?
 Ano ang dapat tandaan sa tuwing gagamit ng gunting?
C. Gawaing Pansining
1. Sabihin:
 Ibibigay ko sa inyo ang mga card ng pamamaraan.
 Basahin nang mabuti at sundin ang mga pamamaraan.
"Puppet" na Medyas, TXp. 136
MgaKagamitan:
 malinis na medyas na hindi ginagamit
 kapirasong retaso o tela
 estambre o sinulid, karayom at sinulid
 gunting, butones o abaloryo
Pamamaraan:
1. Gupitin paloob ang dulo ng medyas. Ito ang magsisilbing bibig.
2. Gumupit ng tela o retasong hugis biluhaba na kulay dalandan, pula o rosas at itahi sa
paligid ng ginupit na bahagi ng medyas.
3. Isuot ang kamay sa medyas na ang apat na daliri ay nasa dulo ng dakong talampakan ng
medyas at ang hinlalaki ay nasa dulo ng dakong ibabaw ng medyas, upang malaman,
kung saang dako mo ilalagay ang mga mata at ilong.
4. Lagyan ng mga mata at ilong ang "puppet" sa pamamagitan ng mga butones, abaloryo o
ano mang patapong bagay. Maaari mo ring iburda ang mga mata at ilong.
5. Ang ulo ay maaari mong lagyan ng binungkos na sinulid upang magmukhang buhok o
sombrero.
6. Suotan ng damit ang iyong "puppet" upang matakpan ang iyong braso.
C. Paglalahat
1. ltanong:
 Anong uri ng puppet ang ginawa mo?
 Paano mo ginamit ang mga patapong bagay sa paggawa ng iyong "puppet"?
 Nasiyahan ka ba sa ginawa mong "puppet"?
 Tumawag ng mga kamag-aral at pag-usapan kung paano makagagawa ng isang
pagtatanghal na ginagamit ang mga 'puppet" na inyong ginawa
D. Pagpapahalaga
Sabihin:
 Itanong mo sa iyong sarili.
Iniligpit ko ba ang lahat ng aking ginamit?
Itinapon ko ba ang mga balat?
Nag-ingat ba ako sa paggamit ng gunting?
IV. Pagtataya:
Subaybayan ang mga bata sa paggawa upang makatiyak na wasto ang kanilang ginagawa.
V. Kasunduan:
Kailangan bang gumastos nang malaki upang makagawa ng puppet? Bakit?
SINING V
I. Mga Layunin:
 Naipakikita ang pagkamalikhain sa paggawa ng mga tatlong dimensyong bagay sa
pamamagitan ng iba't ibang midya; kagamitan at pamamaraan
 Nakalilikha ng mga "puppets" na pinagagalaw sa pamamagitan ng pisi o sinulid
II. Paksang Aralin
Puppet na Ginagamitan ng Pisi o Sinulid TX p. 138
Kagamitan:
Mga puppet na gawa sa tela, sinulid at iba pa
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Itanong:
 Anong uri ng puppet ang ginawa mo kahapan? Ipakita kung paano mo magagamit
ioa.
 Ano ang tatlong dimensyong bagay?
 Magbigay ng mga halimbawa.
B. Panlinang na Gawain
1. Ihanda ang mga bata sa paggawa.
2. Sabihin:
 Ngayon ay muli kang gagawa ng "puppet".
 Ang paggawa ng puppet ay isang uri ng sining na ginagamitan ng iba't ibang mga
midya, kagamitan, at pamamaraan.Dito mo maipakikita ang iyong pagkamalikhain
at kakayahan sa paggawa ng isang likhang sining sa pamamagitan ng mga patapong
bagay.
 Isa pang uri ng puppet ay ang ginagamitan ng pisi o sinulid. Maaari itong yari sa
karton o mga retaso na ginawang anyong manika.
 Titingnan ko ngayon kung kaya mong sundin ang mga pamamaraan sa paggawa at
ang mga itinakda nating pamantayan.
C. Gawaing Pansining
"Puppet" na Gumagalaw Mga Kagamitan:
 mga retaso o sirang "stockings"
 bulak, sinulid at pisi, gunting
 mga butones, abaloryo at iba pang palamuti
Pamamaraan:
1. Gumawa ng isang manika sa pamamagitan ng mga retaso o sirang "stockings" na
binalumbon at itinali sa mga hugpungan.
2. Lagyan ng mga mata, ilong at bibig sa pamamagitan ng mga butones at patapong mga bagay.
3. Lagyan ng buhok na binigkis naestambre o sinulid.
4. Balutan ng ibang retaso ang dakong ibaba upang magkaroon ng damit.
5. Lagyan ng tig-iisang pisi o sinulid ang mga lugar na nais pagalawin at itali ang kabilang dulo
sa pinag-ekis na patpat. Maaari mo itong pagalawin sa pamamagitan ng paggalaw sa patpat.
5. Isipin kung paano pa maaaring pagalawin ang puppet at kung saan pang bahagi ng katawan
maaaring talian ito .
D. Paglalahat
1. ltanong:
 Nakagawa ka· ba ng puppet na pinagagalaw sa pamamagitan ng pisi?
 Anu-anong mga patapong bagay ang naging kapakipakinabang sa iyo?
 Paano mo nagamit ang iyong pagkamalikhain sa paggawa at pagpapagalaw sa puppet?
 Umawit o magpatugtog ng isang awitin at pagalawin ang iyong puppet ayon sa ritmo.
IV. Pagtataya:
Subaybayan ang mga bata sa paggawa upang makatiyak na wasto ang kanilang ginagawa.
V. Kasunduan:
Magdala ng mga patpat ng "ice drop," pisi o estambre o mga "straw" at gunting.
SINING V
I. Mga Layunin:
 Nakalilikha ng iba't ibang uri ng paghahabi sa pamamagitan ng iba't ibang bagay at
pamamaraan
II. Paksang Aralin
Paghahabi TX p. 140
Kagamitan:
Halimbawa ng iba't ibang uri ng paghahabi
Mga pamamaraan sa paggawa na nakasulat sa kard
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Pag-usapan ang tungkol sa iba't ibang uri ng "puppet" at gamit ng mga ito.
B. Panlinang na Gawain
1. Pag-usapan kung ano ang paghahabi.
2. Itanong/Sabihin:
 Nakaranas ka na bang maghabi?
 Magbigay ng halimbawa ng mga bagay na hinabi. Anu-anong mga bayan sa ating bansa
ang kilala sa paghahabi?
 Anu-anong mga bagay ang kanilang hinahabi?
C. Gawaing Pansining
1. Ibigay sa mga bata ang mga kard na may mga pamamaraan sapaggawa.
Paghahabi sa Patpat
Mga Kagamitan:
 maninipis na patpat (1 cm x . 12cm) o patpat ng "ice drop"
 makapal na pisi o estambre
 straw, makikitid na retaso, pahina ng magasin na may kulay
 gunting
 kutsilyo o "cutter"
Paghahabi A
Pamamaraan:
1. Ihanay ang mga patpat upang makagawa ng isang hugis parisukat.
2. Itali ang pisi o estambre sa isang dulo ng unang patpat.
3. Simulan ang paghahabi sa pamamagitan ng pagsusuksok ng sinulid sa ilalim ng lahat ng
ikalawang patpat.
4. Pagdating sa huling patpat ay ituloy ang paghahabi sa pamamagitan ngpagbabalik ng
sinulid. Isuksok ito sa ilalim ng lahat ng mga patpat na hindi nasuksukan nito sa unang
paghahabi.
5. Ipagpatuloy ang paghahabi hanggang mapuno ang kabuuan ng mga patpat .
6. Ibuhol ang tali sa dulo ng huling patpat upang hindi makalas.
D. Paglalahat
1. Itanong:
 Ano ang paghahabi?
 Anu-ano ang iba't ibang uri ng paghahabi?
 Anu-ano ang gamit ng mga bagay na hinabi?
E. Pagpapahalaga
1. Itanong:
 Paano mo naipamalas ang iyong pagkamalikhain sa pamamagitan ng paghahabi?
 Nag-ingat ka ba sa paggamit ng gunting at kutsilyo? Napanatili mo bang malinis
ang iyong pinaggawaan?
IV. Pagtataya:
Subaybayan ang mga bata sa paggawa upang makatiyak na wasto ang kanilang ginagawa.
V. Kasunduan:
Pagpangkat-pangkatin ang mga bata at ihanda sila upang mag-ulat tungkol sa mga
katutubong sining. Papiliin sila ng nais nilang iulat TX pp. 146-148
SINING V
I. Mga Layunin:
 Nakapaghahabi sa pamamagitan ng pisi at patpat
II. Paksang Aralin
Paghahabi TX p. 140
Kagamitan:
Halimbawa ng iba't ibang uri ng paghahabi
Mga pamamaraan sa paggawa na nakasulat sa kard
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Pag-usapan ang tungkol sa iba't ibang uri ng "puppet" at gamit ng mga ito.
B. Panlinang na Gawain
1. Pag-usapan kung ano ang paghahabi.
2. Itanong/Sabihin:
 Anu-anong mga bagay ang kanilang hinahabi?
 Ngayon ay gagawa kayo ng isa pang bagay na may tatlong dimensyon.
 Ito ay ang paghahabi. Titingnan ko kung maipahahayag ninyo ang inyong imahinasyon at
pagkamalikhain sa pamamagitan ng gawaing ito.
 Anu-ano ang mga pamantayan sa paggawa?
 Ano ang dapat mong tandaan sa paggamit ng gunting at kutsilyo?
C. Gawaing Pansining
1. Ibigay sa mga bata ang mga kard na may mga pamamaraan sapaggawa.
Paghahabi sa Patpat
Mga Kagamitan:
 maninipis na patpat (1 cm x . 12cm) o patpat ng "ice drop"
 makapal na pisi o estambre
 straw, makikitid na retaso, pahina ng magasin na may kulay
 gunting
 kutsilyo o "cutter"
Paghahabi B
Pamamaraan:
1. Kumuha ng magkakapantay na habang dalawa, tatlo o apat napatpat.
2. Pagpatung-patungin ang mga ito sa gitna, at hayaang magkakalayo ang mga dulo.
Gawing magkakatulad ang pagitan ng bawat isa upang mag-anyong gulong .
3. Talian o idikit sa gitna upang hindi magkahiwa-hiwalay.
4. Isipin kung anu-anong mga bagay ang gagamitin sa paghahabi at ihabi ang mga ito
nang magkakasalit at paikot sa mga patpat na nakarayos.
5. Sundin ang pamamaraan sa paghahabi at magsimula sa gitna.
6. Ulit-ulitin ang pamamaraan hanggang mapuno ang gulong.
7. Talian ang isang dulo at ibitin
D. Paglalahat
1. Itanong:
 Anu-ano ang gamit ng mga bagay na hinabi?
 Bakit ito kabilang sa mga bagay na may tatlong dimensyon?
E. Pagpapahalaga
1. Itanong:
 Paano mo naipamalas ang iyong pagkamalikhain sa pamamagitan ng paghahabi?
 Nag-ingat ka ba sa paggamit ng gunting at kutsilyo? Napanatili mo bang malinis
ang iyong pinaggawaan?
IV. Pagtataya:
Subaybayan ang mga bata sa paggawa upang makatiyak na wasto ang kanilang ginagawa.
V. Kasunduan:
Pagpangkat-pangkatin ang mga bata at ihanda sila upang mag-ulat tungkol sa mga
katutubong sining. Papiliin sila ng nais nilang iulat TX pp. 146-148

More Related Content

What's hot

K TO 12 GRADE 2 LEARNING MATERIAL IN MAPEH
K TO 12 GRADE 2 LEARNING MATERIAL IN MAPEHK TO 12 GRADE 2 LEARNING MATERIAL IN MAPEH
K TO 12 GRADE 2 LEARNING MATERIAL IN MAPEHLiGhT ArOhL
 
Tos filipino unang markahan grade 8
Tos filipino  unang markahan grade 8Tos filipino  unang markahan grade 8
Tos filipino unang markahan grade 8Evelyn Manahan
 
Lesson Plan In Mathematics 3
Lesson Plan In Mathematics 3Lesson Plan In Mathematics 3
Lesson Plan In Mathematics 3Massyker17
 
Mga panuntunan ng pagtataya
Mga panuntunan ng pagtatayaMga panuntunan ng pagtataya
Mga panuntunan ng pagtatayaRovelyn133
 
Lesson plan in elementary mathematics five
Lesson plan in elementary mathematics fiveLesson plan in elementary mathematics five
Lesson plan in elementary mathematics fiveHowell Sevillejo
 
Pagtuturo ng Maikling Kwento, Pabula at Kwentong Bayan
Pagtuturo ng Maikling Kwento, Pabula at Kwentong Bayan Pagtuturo ng Maikling Kwento, Pabula at Kwentong Bayan
Pagtuturo ng Maikling Kwento, Pabula at Kwentong Bayan michael saudan
 
Maikling kwento at nobela
Maikling kwento at nobelaMaikling kwento at nobela
Maikling kwento at nobelaCha-cha Malinao
 
Tg filipino grade2
Tg filipino grade2Tg filipino grade2
Tg filipino grade2Teth04
 
Banghay Aralin - Antas ng Pang-uri
Banghay Aralin - Antas ng Pang-uriBanghay Aralin - Antas ng Pang-uri
Banghay Aralin - Antas ng Pang-uriDepEd
 
Lesson 71 visualizing and identifying other fractions
Lesson 71   visualizing and identifying other fractionsLesson 71   visualizing and identifying other fractions
Lesson 71 visualizing and identifying other fractionsAraBagtas1
 
Grade 3 Math Teachers Guide
Grade 3 Math Teachers GuideGrade 3 Math Teachers Guide
Grade 3 Math Teachers GuideLance Razon
 
Lesson guide. elementary mathematics grade 1
Lesson guide. elementary mathematics grade 1Lesson guide. elementary mathematics grade 1
Lesson guide. elementary mathematics grade 1BlitheGaringer
 
Detailed lesson plan in filipino
Detailed lesson plan in filipinoDetailed lesson plan in filipino
Detailed lesson plan in filipinoJusof Cariaga
 
Detailed lesson plan in filipino
Detailed lesson plan in filipinoDetailed lesson plan in filipino
Detailed lesson plan in filipinoHana Czarina Callo
 
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARTS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARTS (Q3-Q4)K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARTS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARTS (Q3-Q4)LiGhT ArOhL
 
Detailed Lesson Plan sa filipino 3
Detailed Lesson Plan sa filipino 3Detailed Lesson Plan sa filipino 3
Detailed Lesson Plan sa filipino 3janehbasto
 

What's hot (20)

K TO 12 GRADE 2 LEARNING MATERIAL IN MAPEH
K TO 12 GRADE 2 LEARNING MATERIAL IN MAPEHK TO 12 GRADE 2 LEARNING MATERIAL IN MAPEH
K TO 12 GRADE 2 LEARNING MATERIAL IN MAPEH
 
Tos filipino unang markahan grade 8
Tos filipino  unang markahan grade 8Tos filipino  unang markahan grade 8
Tos filipino unang markahan grade 8
 
MTB-MLE
MTB-MLEMTB-MLE
MTB-MLE
 
Lesson Plan In Mathematics 3
Lesson Plan In Mathematics 3Lesson Plan In Mathematics 3
Lesson Plan In Mathematics 3
 
Mga panuntunan ng pagtataya
Mga panuntunan ng pagtatayaMga panuntunan ng pagtataya
Mga panuntunan ng pagtataya
 
Lesson plan in elementary mathematics five
Lesson plan in elementary mathematics fiveLesson plan in elementary mathematics five
Lesson plan in elementary mathematics five
 
Pagtuturo ng Maikling Kwento, Pabula at Kwentong Bayan
Pagtuturo ng Maikling Kwento, Pabula at Kwentong Bayan Pagtuturo ng Maikling Kwento, Pabula at Kwentong Bayan
Pagtuturo ng Maikling Kwento, Pabula at Kwentong Bayan
 
Maikling kwento at nobela
Maikling kwento at nobelaMaikling kwento at nobela
Maikling kwento at nobela
 
Sanhi at Bunga DLP 6.docx
Sanhi at Bunga DLP 6.docxSanhi at Bunga DLP 6.docx
Sanhi at Bunga DLP 6.docx
 
Tg filipino grade2
Tg filipino grade2Tg filipino grade2
Tg filipino grade2
 
Lp (congruent polygons
Lp (congruent polygonsLp (congruent polygons
Lp (congruent polygons
 
Banghay Aralin - Antas ng Pang-uri
Banghay Aralin - Antas ng Pang-uriBanghay Aralin - Antas ng Pang-uri
Banghay Aralin - Antas ng Pang-uri
 
Lesson 71 visualizing and identifying other fractions
Lesson 71   visualizing and identifying other fractionsLesson 71   visualizing and identifying other fractions
Lesson 71 visualizing and identifying other fractions
 
Banghay Aralin sa Filipino 1: Komunikasyon
Banghay Aralin sa Filipino 1: KomunikasyonBanghay Aralin sa Filipino 1: Komunikasyon
Banghay Aralin sa Filipino 1: Komunikasyon
 
Grade 3 Math Teachers Guide
Grade 3 Math Teachers GuideGrade 3 Math Teachers Guide
Grade 3 Math Teachers Guide
 
Lesson guide. elementary mathematics grade 1
Lesson guide. elementary mathematics grade 1Lesson guide. elementary mathematics grade 1
Lesson guide. elementary mathematics grade 1
 
Detailed lesson plan in filipino
Detailed lesson plan in filipinoDetailed lesson plan in filipino
Detailed lesson plan in filipino
 
Detailed lesson plan in filipino
Detailed lesson plan in filipinoDetailed lesson plan in filipino
Detailed lesson plan in filipino
 
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARTS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARTS (Q3-Q4)K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARTS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARTS (Q3-Q4)
 
Detailed Lesson Plan sa filipino 3
Detailed Lesson Plan sa filipino 3Detailed Lesson Plan sa filipino 3
Detailed Lesson Plan sa filipino 3
 

Viewers also liked

K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN ARTS (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN ARTS (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN ARTS (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN ARTS (Q1-Q4)LiGhT ArOhL
 
Ang Pagkabuhay ng mga tao na Taga-Sagada
Ang Pagkabuhay ng mga tao na Taga-SagadaAng Pagkabuhay ng mga tao na Taga-Sagada
Ang Pagkabuhay ng mga tao na Taga-SagadaJuan-Miguel Luna
 
History of manipulatives (Puppet Show)
History of manipulatives (Puppet Show)History of manipulatives (Puppet Show)
History of manipulatives (Puppet Show)Hussein Myron Paule
 
Weaving Mountain Province
Weaving Mountain ProvinceWeaving Mountain Province
Weaving Mountain ProvinceJuliet Lucas
 
Ap teacher's guide (q1&2) gr.1
Ap teacher's guide (q1&2) gr.1Ap teacher's guide (q1&2) gr.1
Ap teacher's guide (q1&2) gr.1JAmes NArbonita
 
Sagisag ng Kultura
Sagisag ng KulturaSagisag ng Kultura
Sagisag ng KulturaKermit Agbas
 
Weaving ( cordillera and region 1)
Weaving ( cordillera and region 1)Weaving ( cordillera and region 1)
Weaving ( cordillera and region 1)Elmer Llames
 
Antigong gusali sa pilipinas
Antigong gusali sa pilipinasAntigong gusali sa pilipinas
Antigong gusali sa pilipinasMelchor Lanuzo
 
MODYUL SA EPP
MODYUL SA EPPMODYUL SA EPP
MODYUL SA EPPasa net
 
Aralin 2 mga produkto at kalakal sa ibat ibang lokasyon ng bansa
Aralin 2 mga produkto at kalakal sa ibat ibang lokasyon ng bansaAralin 2 mga produkto at kalakal sa ibat ibang lokasyon ng bansa
Aralin 2 mga produkto at kalakal sa ibat ibang lokasyon ng bansaEDITHA HONRADEZ
 
Grade 4 e.p.p. industrial arts quarter 4 aralin 5 - pagbuo ng iba’t ibang li...
Grade 4  e.p.p. industrial arts quarter 4 aralin 5 - pagbuo ng iba’t ibang li...Grade 4  e.p.p. industrial arts quarter 4 aralin 5 - pagbuo ng iba’t ibang li...
Grade 4 e.p.p. industrial arts quarter 4 aralin 5 - pagbuo ng iba’t ibang li...Arnel Bautista
 
Lesson plan epp 6 -wastong gawi sa paggawa
Lesson plan epp 6 -wastong gawi sa paggawaLesson plan epp 6 -wastong gawi sa paggawa
Lesson plan epp 6 -wastong gawi sa paggawaRophelee Saladaga
 
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN ARTS (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN ARTS (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN ARTS (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN ARTS (Q1-Q4)LiGhT ArOhL
 
Sample Lesson Plan in EPP
Sample Lesson Plan in EPPSample Lesson Plan in EPP
Sample Lesson Plan in EPPRolando Cada
 
K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN ARTS (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN ARTS (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN ARTS (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN ARTS (Q1-Q4)LiGhT ArOhL
 
K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q1-Q4)LiGhT ArOhL
 

Viewers also liked (20)

K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN ARTS (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN ARTS (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN ARTS (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN ARTS (Q1-Q4)
 
Ang Pagkabuhay ng mga tao na Taga-Sagada
Ang Pagkabuhay ng mga tao na Taga-SagadaAng Pagkabuhay ng mga tao na Taga-Sagada
Ang Pagkabuhay ng mga tao na Taga-Sagada
 
History of manipulatives (Puppet Show)
History of manipulatives (Puppet Show)History of manipulatives (Puppet Show)
History of manipulatives (Puppet Show)
 
Weaving Mountain Province
Weaving Mountain ProvinceWeaving Mountain Province
Weaving Mountain Province
 
Ap teacher's guide (q1&2) gr.1
Ap teacher's guide (q1&2) gr.1Ap teacher's guide (q1&2) gr.1
Ap teacher's guide (q1&2) gr.1
 
Mga banyag na komiks
Mga banyag na komiksMga banyag na komiks
Mga banyag na komiks
 
Lines ppt
Lines pptLines ppt
Lines ppt
 
Music gr.3 tagalog q1
Music gr.3 tagalog   q1Music gr.3 tagalog   q1
Music gr.3 tagalog q1
 
Sagisag ng Kultura
Sagisag ng KulturaSagisag ng Kultura
Sagisag ng Kultura
 
Bec pelc sining
Bec pelc siningBec pelc sining
Bec pelc sining
 
Weaving ( cordillera and region 1)
Weaving ( cordillera and region 1)Weaving ( cordillera and region 1)
Weaving ( cordillera and region 1)
 
Antigong gusali sa pilipinas
Antigong gusali sa pilipinasAntigong gusali sa pilipinas
Antigong gusali sa pilipinas
 
MODYUL SA EPP
MODYUL SA EPPMODYUL SA EPP
MODYUL SA EPP
 
Aralin 2 mga produkto at kalakal sa ibat ibang lokasyon ng bansa
Aralin 2 mga produkto at kalakal sa ibat ibang lokasyon ng bansaAralin 2 mga produkto at kalakal sa ibat ibang lokasyon ng bansa
Aralin 2 mga produkto at kalakal sa ibat ibang lokasyon ng bansa
 
Grade 4 e.p.p. industrial arts quarter 4 aralin 5 - pagbuo ng iba’t ibang li...
Grade 4  e.p.p. industrial arts quarter 4 aralin 5 - pagbuo ng iba’t ibang li...Grade 4  e.p.p. industrial arts quarter 4 aralin 5 - pagbuo ng iba’t ibang li...
Grade 4 e.p.p. industrial arts quarter 4 aralin 5 - pagbuo ng iba’t ibang li...
 
Lesson plan epp 6 -wastong gawi sa paggawa
Lesson plan epp 6 -wastong gawi sa paggawaLesson plan epp 6 -wastong gawi sa paggawa
Lesson plan epp 6 -wastong gawi sa paggawa
 
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN ARTS (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN ARTS (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN ARTS (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN ARTS (Q1-Q4)
 
Sample Lesson Plan in EPP
Sample Lesson Plan in EPPSample Lesson Plan in EPP
Sample Lesson Plan in EPP
 
K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN ARTS (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN ARTS (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN ARTS (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN ARTS (Q1-Q4)
 
K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q1-Q4)
 

Similar to Sining v 2 nd grading

MAPEH 5 - ARTS PPT Q3 - Aralin 3-7 - Iba’t Ibang Gamit Ng Printed Artwork, Re...
MAPEH 5 - ARTS PPT Q3 - Aralin 3-7 - Iba’t Ibang Gamit Ng Printed Artwork, Re...MAPEH 5 - ARTS PPT Q3 - Aralin 3-7 - Iba’t Ibang Gamit Ng Printed Artwork, Re...
MAPEH 5 - ARTS PPT Q3 - Aralin 3-7 - Iba’t Ibang Gamit Ng Printed Artwork, Re...fernandopajar1
 
MAPEH 5 - ARTS PPT Q3 - Aralin 3-7 - Iba’t Ibang Gamit Ng Printed Artwork, Re...
MAPEH 5 - ARTS PPT Q3 - Aralin 3-7 - Iba’t Ibang Gamit Ng Printed Artwork, Re...MAPEH 5 - ARTS PPT Q3 - Aralin 3-7 - Iba’t Ibang Gamit Ng Printed Artwork, Re...
MAPEH 5 - ARTS PPT Q3 - Aralin 3-7 - Iba’t Ibang Gamit Ng Printed Artwork, Re...fernandopajar1
 
Day 2 week 1.docx
Day 2 week 1.docxDay 2 week 1.docx
Day 2 week 1.docxDixieRamos2
 
Day 1 week 1.docx
Day 1 week 1.docxDay 1 week 1.docx
Day 1 week 1.docxDixieRamos2
 
Grade 4-1 q2 w1.docx
Grade 4-1 q2 w1.docxGrade 4-1 q2 w1.docx
Grade 4-1 q2 w1.docxssuserda25b51
 
Day 5 week 1.docx
Day 5 week 1.docxDay 5 week 1.docx
Day 5 week 1.docxDixieRamos2
 
Day 3 week 1.docx
Day 3 week 1.docxDay 3 week 1.docx
Day 3 week 1.docxDixieRamos2
 
MAPEH 5 - ARTS PPT Q3 - Aralin 3-7 - Iba’t Ibang Gamit Ng Printed Artwork, Re...
MAPEH 5 - ARTS PPT Q3 - Aralin 3-7 - Iba’t Ibang Gamit Ng Printed Artwork, Re...MAPEH 5 - ARTS PPT Q3 - Aralin 3-7 - Iba’t Ibang Gamit Ng Printed Artwork, Re...
MAPEH 5 - ARTS PPT Q3 - Aralin 3-7 - Iba’t Ibang Gamit Ng Printed Artwork, Re...SHELLABONSATO1
 
DLL_FILIPINO 4_Q1_W1.docx
DLL_FILIPINO 4_Q1_W1.docxDLL_FILIPINO 4_Q1_W1.docx
DLL_FILIPINO 4_Q1_W1.docxBjayCastante
 
Grade 4-1 q2 w2.docx
Grade 4-1 q2 w2.docxGrade 4-1 q2 w2.docx
Grade 4-1 q2 w2.docxssuserda25b51
 

Similar to Sining v 2 nd grading (20)

Sining v 1 st grading
Sining v 1 st gradingSining v 1 st grading
Sining v 1 st grading
 
Lesson plan
Lesson planLesson plan
Lesson plan
 
MAPEH 5 - ARTS PPT Q3 - Aralin 3-7 - Iba’t Ibang Gamit Ng Printed Artwork, Re...
MAPEH 5 - ARTS PPT Q3 - Aralin 3-7 - Iba’t Ibang Gamit Ng Printed Artwork, Re...MAPEH 5 - ARTS PPT Q3 - Aralin 3-7 - Iba’t Ibang Gamit Ng Printed Artwork, Re...
MAPEH 5 - ARTS PPT Q3 - Aralin 3-7 - Iba’t Ibang Gamit Ng Printed Artwork, Re...
 
MAPEH 5 - ARTS PPT Q3 - Aralin 3-7 - Iba’t Ibang Gamit Ng Printed Artwork, Re...
MAPEH 5 - ARTS PPT Q3 - Aralin 3-7 - Iba’t Ibang Gamit Ng Printed Artwork, Re...MAPEH 5 - ARTS PPT Q3 - Aralin 3-7 - Iba’t Ibang Gamit Ng Printed Artwork, Re...
MAPEH 5 - ARTS PPT Q3 - Aralin 3-7 - Iba’t Ibang Gamit Ng Printed Artwork, Re...
 
Sining v 3rd
Sining v 3rdSining v 3rd
Sining v 3rd
 
Day 2 week 1.docx
Day 2 week 1.docxDay 2 week 1.docx
Day 2 week 1.docx
 
Day 1 week 1.docx
Day 1 week 1.docxDay 1 week 1.docx
Day 1 week 1.docx
 
Araling panlipunan.pptx
Araling panlipunan.pptxAraling panlipunan.pptx
Araling panlipunan.pptx
 
ARTS-G3-Q3-M3W5-6.pdf
ARTS-G3-Q3-M3W5-6.pdfARTS-G3-Q3-M3W5-6.pdf
ARTS-G3-Q3-M3W5-6.pdf
 
Grade 4-1 q2 w1.docx
Grade 4-1 q2 w1.docxGrade 4-1 q2 w1.docx
Grade 4-1 q2 w1.docx
 
Arts q1 Week 5 Day 1.pptx
Arts q1 Week 5 Day 1.pptxArts q1 Week 5 Day 1.pptx
Arts q1 Week 5 Day 1.pptx
 
Day 5 week 1.docx
Day 5 week 1.docxDay 5 week 1.docx
Day 5 week 1.docx
 
Day 3 week 1.docx
Day 3 week 1.docxDay 3 week 1.docx
Day 3 week 1.docx
 
MAPEH 5 - ARTS PPT Q3 - Aralin 3-7 - Iba’t Ibang Gamit Ng Printed Artwork, Re...
MAPEH 5 - ARTS PPT Q3 - Aralin 3-7 - Iba’t Ibang Gamit Ng Printed Artwork, Re...MAPEH 5 - ARTS PPT Q3 - Aralin 3-7 - Iba’t Ibang Gamit Ng Printed Artwork, Re...
MAPEH 5 - ARTS PPT Q3 - Aralin 3-7 - Iba’t Ibang Gamit Ng Printed Artwork, Re...
 
Arts gr.3 tagalog q1
Arts gr.3 tagalog   q1Arts gr.3 tagalog   q1
Arts gr.3 tagalog q1
 
Arts gr.3 tagalog q1
Arts gr.3 tagalog   q1Arts gr.3 tagalog   q1
Arts gr.3 tagalog q1
 
DLL_FILIPINO 4_Q1_W1.docx
DLL_FILIPINO 4_Q1_W1.docxDLL_FILIPINO 4_Q1_W1.docx
DLL_FILIPINO 4_Q1_W1.docx
 
Grade 4-1 q2 w2.docx
Grade 4-1 q2 w2.docxGrade 4-1 q2 w2.docx
Grade 4-1 q2 w2.docx
 
DLP COT#1 ARTS _Q3W7.docx
DLP COT#1 ARTS _Q3W7.docxDLP COT#1 ARTS _Q3W7.docx
DLP COT#1 ARTS _Q3W7.docx
 
Filipino 4
Filipino 4Filipino 4
Filipino 4
 

More from EDITHA HONRADEZ

More from EDITHA HONRADEZ (20)

Nagagamit nang wasto ang pangngalan sa pagtukoy ng mga tao, lugar, bagay, at ...
Nagagamit nang wasto ang pangngalan sa pagtukoy ng mga tao, lugar, bagay, at ...Nagagamit nang wasto ang pangngalan sa pagtukoy ng mga tao, lugar, bagay, at ...
Nagagamit nang wasto ang pangngalan sa pagtukoy ng mga tao, lugar, bagay, at ...
 
Filipino q4 week 3 naisakikilos ang napakinggang awit
Filipino q4 week 3 naisakikilos ang napakinggang awitFilipino q4 week 3 naisakikilos ang napakinggang awit
Filipino q4 week 3 naisakikilos ang napakinggang awit
 
Epp he aralin 20
Epp he aralin 20Epp he aralin 20
Epp he aralin 20
 
Mapeh quarter 2 [autosaved]
Mapeh quarter 2 [autosaved]Mapeh quarter 2 [autosaved]
Mapeh quarter 2 [autosaved]
 
Health quarter 2 aralin 1
Health quarter 2 aralin 1Health quarter 2 aralin 1
Health quarter 2 aralin 1
 
Epp he aralin 20
Epp he aralin 20Epp he aralin 20
Epp he aralin 20
 
Epp he aralin 19
Epp he aralin 19Epp he aralin 19
Epp he aralin 19
 
Epp he aralin 15
Epp he aralin 15Epp he aralin 15
Epp he aralin 15
 
Epp he aralin 13
Epp he aralin 13Epp he aralin 13
Epp he aralin 13
 
Epp he aralin 12
Epp he aralin 12Epp he aralin 12
Epp he aralin 12
 
Epp he aralin 10
Epp he aralin 10Epp he aralin 10
Epp he aralin 10
 
Epp he aralin 9
Epp he aralin 9Epp he aralin 9
Epp he aralin 9
 
Epp he aralin 8 pagpapanatili ng maayos ang sariling tindig
Epp he aralin 8 pagpapanatili ng maayos ang sariling tindigEpp he aralin 8 pagpapanatili ng maayos ang sariling tindig
Epp he aralin 8 pagpapanatili ng maayos ang sariling tindig
 
Epp he aralin 6
Epp he aralin 6Epp he aralin 6
Epp he aralin 6
 
Epp he aralin 5
Epp he aralin 5Epp he aralin 5
Epp he aralin 5
 
Epp he aralin 4
Epp he aralin 4Epp he aralin 4
Epp he aralin 4
 
Epp he aralin 3
Epp he aralin 3Epp he aralin 3
Epp he aralin 3
 
EPP HE ARALIN 2
EPP HE  ARALIN 2EPP HE  ARALIN 2
EPP HE ARALIN 2
 
Ap aralin 6
Ap aralin 6Ap aralin 6
Ap aralin 6
 
Ap yunit iii aralin 2
Ap yunit iii aralin 2Ap yunit iii aralin 2
Ap yunit iii aralin 2
 

Sining v 2 nd grading

  • 1. SINING V 2ND GRADING 1. Mga Layunin: Naipahahayag ang kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng pagguhit o pagpipinta ng isang larawang isinasaad ng kuwento o tula II. Paksang Aralin Larawang Isinasaad ng Kuwento TX p. 121 Kagamitan: Kuwento tungkol sa katatagan sa gitna ng panganib Kard ng mga pamamaraan sa paggawa III. Pamamaraan: A. Panimulang Gawain 1. Pag-usapan ang kanilangnatutunan tungkol sa proporsyon. 2. ltanong: Paano mo masasabi na tama ang proporsyon ng ulo sa katawan ng mga toong iginuhit? Ano ang dapat na proporsyon ng too sa bahay? Ano ang proporsyon? B. Panlinang na Gawain 1. Ganyakin at ihanda angmga bata sa pagguhit at pagpipinta ng isang larawang isinasaad ng kuwento. 2. Sabihin/ltanong: Basahin ang kuwento na nasa aklat, Umawit at Gumuhit 5, TXp.121. Ano ang nangyayari sa kuwento? Ano ang naramdaman ni Juanito habang bumubuhos ang ulan? Bakit biglang nagba~o ang kaniyang damdamin? Ano ang naisipan niyang gawin? Anong bahagi ng kuwento ang naibigan mo? 3. Sabihin: Ngayon ay titingnan ko kung kaya ninyong iguhit o ipinta ang isang larawang isinasaad ng kuwento? Anu-ano ang mga pamantayan sa paggawa? C. Gawaing Pansining Larawang Isinasaad ng Kuwento Mga Kagamitan: papel lapis krayon Pamamaraan 1. Ipahayag ang iyong damdamin at imahinasyon sa pamamagitan ng pagguhit ng isang larawan tungkol sa kuwentong "Isang Maunos na Gabi". 2. Kulayan ang lara wang iginuhit
  • 2. D. Paglalahat 1. Sabihin: Ipakita sa mga kamag-aral ang iginuhit mo. Ano ang nilalaman ng larawan? Paano mo inilarawan ang iyong imahinasyon? Nagamit mo ba ang iyong kaalaman sa balanse at proporsyon sa pagguhit? Paano proporsyon sa pagguhit? Paano? E. Pagpapahalaga Itanong: Paano ninyo naipahayag ang inyong kaisipan, kalooban at imahinasyon sa pagguhit?. Nasunod ba ninyo ang mga pamantayan sa paggawa? Paano? IV. Pagtataya: Subaybayan ang mga bata sa paggawa upang makatiyak na wasto ang kanilang ginagawa. V. Kasunduan: Paano mo naipahahayag ang iyong kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng pagguhit o pagpipinta ng isang larawang isinasaad ng kuwento o tula
  • 3. SINING V I. Mga Layunin: Naipahahayag ang damdamin sa pamamagitan ng pagguhit ng mga linya at kulay na nagsasaad ng iba't ibang damdamin II. Paksang Aralin Mga Linya at Kulay sa Pagpapahayag ng Damdamin, TX p. 123 Kagamitan: Larawan ng mga guhit na nagpapahayag ng iba't ibang uri ng damdamin Mga larawang may kulay. Mga larawan ng kulay III. Pamamaraan: A. Panimulang Gawain 1. Pag-usapan kung paano naipahahayag ang dam dam in sa pamarnagitan ng pagguhit o pagpipinta ng isang lara wang isinasaad ng kuwento. 2. Itanong kung anu-anong elemento ng sining ang kanilang ginamit. B. Panlinang na Gawain 1. Pag-usapan ang gamit ng mga linya at kulay na natutuhan nila sa mga nakaraang aralin. 2. Itanong: Ano ang gamit ng mga linya at kulay? Magagamit mo ba ang mga linya at kulay sa pagpapahayag ng damdamin? Paano? 3. Ilahad ang mga larawan ng iba't ibang uri ng linya. 4. Itanong: Ano ang damdaming ibinibigay ng tuwid na linya? M agbigay ng mga halimbawa ng larawang dapat gamitan ng tuwid na linya. Ano ang ipinahahayag ng mga pakurbang linya? Ano ang ipinahahayag ng mga tulis- tulis at masalimuot na linya? 5. Sabihin: Ang mga kulay ay maaari ring magsaad ng iba't ibang damdamin. 6. Ilahad ang mga larawang may kulay at mga larawan ng mga kulay. 7. Pag-usapan ang mga kulay na nagsasaad ng iba't ibang uri ng damdamin. C. Paglalapat: 1. Itanong: Paano magagamit ang mga linya at kulay sa pagpapahayag ng iba't ibang uri ng damdamin? Magbigay ng mga halimbawa. IV. Pagtataya: Subaybayan ang mga bata sa paggawa upang makatiyak na wasto ang kanilang ginagawa. V. Kasunduan: 1. Sabihin: Bukas ay ipahahayag natin ang ating damdamin sa pamamagitan ng kulay at linya. Nais ba ninyong magdala ng mga kagamitan para sa gawaing sining? 2. Pagdalhin ang mga bata ng makapal na sinulid o estambre, pandikit at papel.
  • 4. SINING V I. Mga Layunin: Naipahahayag ang damdamin sa pamamagitan ng pagguhit ng mga linya at kulay na nagsasaad ng iba't ibang damdamin II. Paksang Aralin Mga Linya at Kulay sa Pisi, TX p. 126 Kagamitan: Larawan ng mga guhit na nagpapahayag ng iba't ibang uri ng damdamin Mga larawang may kulay. Mga larawan ng kulay III. Pamamaraan: A. Panimulang Gawain 1. Pag-usapan ang iba't ibang uri ng linya at mga kulay na nakapagbibigay ng iba't ibang uri ng damdamin. 2. Ihanda ang mga bata sa paglikha at pagpapahayag ng damdamin. 3. Itanong ang mga pamantayan sa paggawa. B. Panlinang na Gawain Mga Linya at Kulay sa Pisi Pagpapahayag ng Damdamin Mga Kagamitan:  makapal na sinulid o estambre  "glue" o pandikit  papel Pamamaraan: 1. Mag-isip ng isang sitwasyon o pangyayari na nais mong ipahayag. 2. Pumutol ng iba't ibang kulay ng hindi magkakasinghabang sinulid o "estambre" na angkop sa damdaming nais mong ipahayag. 3. Iayos ang mga piraso na sinulid sa papel upang makagawa ng mga linya. 4. Idikit ang mgapiraso ng sinulid hanggang ang ninanais na disenyo ay mabuo. IV. Pagtataya: Subaybayan ang mga bata sa paggawa upang makatiyak na wasto ang kanilang ginagawa. V. Kasunduan: Paano mo naipahahayag ang iyong damdamin sa pamamagitan ng pagguhit ng mga linya at kulay na nagsasaad ng iba't ibang damdamin
  • 5. SINING V I. Mga Layunin: Nakalilikha ng balangkas ng sariling katawan (contour drawing) sa pamamagitan ng pagdama at pagguhitnito habang nakapikit ang mata. II. Paksang Aralin Balangkas ng Katawan TXp. 127 Kagamitan: Larawang balangkas ng katawan III. Pamamaraan: A. Panimulang Gawain 1. Pag-usapan kung paano maipahahayag ang damdamin sa pamamagitan ng kulay at linya. 2. Itanong: Paano mo maipahahayag ang iyong damdamin sa pamamagitan ng kulay at linya? Magbigay ng mga halimbawa B. Panlinang na Gawain Sabihin: Malimit mong ipahayag ang iyong kaisipan at imahinasyon sa pamamagitan ng pagguhit, subalit naranasan mo na bang gumuhit ng isang larawan habang nakapikit ang mga mata? Ano kaya ang anyo ng isang larawang iginuhit nang nakapikit? Ngayon ay susubukin nating gumuhit nang nakapikit. Natatandaan ba ninyo ang mga pamantayan sa paggawa? C. Gawaing Pansining Balangkas ng Sariling Katawan Mga- Kagamitan:  papel  krayon Pamamaraan: 1. Ihanda ang papel na pagguguhitan at kumuha ng isang krayon na may matingkad na kulay. 2. Pumikit at iguhit ang balangkas ng iyong katawan mula ulo hanggang paa at pabalik sa ulo habang kinakapa ng isa mong kamay ang iyong katawan. Gawing tuluy-tuloy ang pagguhit. Huwag iangat ang krayon sa papel. 3. Tingnan ang larawang iginuhit mo. Kulayan ang ba,langkas ng katawan ng. isang kulay. Ang labas ng balangkas ay kuskusan ng ibang kulay. D. Pagpapahalaga Itanong: Nahirapan ka ba sa pagguhit nang nakapikit ang mata? Anong anyo ng iginuhit mo? Nagamit mo ba ang iyong imahinasyon sa pagguhit ng balangkas ng iyong katawan?
  • 6. IV. Pagtataya: Subaybayan ang mga bata sa paggawa upang makatiyak na wasto ang kanilang ginagawa. V. Kasunduan: Nakalilikha ng balangkas ng sariling katawan (contour drawing) sa pamamagitan ng pagdama at pagguhitnito habang nakapikit ang mata.
  • 7. SINING V I. Mga Layunin: Naipakikita ang kakayahan sa paggamit ng iba't ibang bagay at kagamitan.sa paglilimbag II. Paksang Aralin Paglilimbag TX p. 128 Kagamitan: Mga larawang inilimbag kutsilyo, "water color", kamote o patatas III. Pamamaraan: A. Panimulang Gawain 1. Pag-usapan kung paano nila nagamit ang imahinasyon sa pamamagitan ng pagguhit na nakapikit ang mata. B. Panlinang na Gawain 1. Pag-usapan ang.paglilimbag na ginawa nila sa ika-apat na baitang. 2. Itanong: Naranasan na ba ninyo ang maglimbag? Anu-anong bagay ang ginagamit mo? Anu-anong hugis at kulay ang ginagamit mo? Paano mo inaayos ang bakas na inilimbag mo? Nakalikha ka na ba ng magandang disenyo? C. Gawaing Pansining 1. Sabihin: Titingnan ko ngayon kung makalilikha kayo ng magandang disenyo sa pamamagitan ng paglilimbag ng mga bloke. Anu-ano ang mga pamantayan sa maayos na paggawa? Block Printing Mga Kagamitan Mga Kagamitan:  kamote o patatas  papel  kutsilyo  "water color" Pamamaraan: 1. Hatiin sa dalawang bahagi ang kamote o patatas. 2. Gumuhit ng isang payak na disenyo sa dakong pinagputulan. 3. Sa pamamagitanng kutsilyo ay palitawin ang disenyong nais na ilimbag at alisin ang mga bahagi ng disenyong hindi kailangan. 4. Isipin kung paano mo iaayos ang disenyo sa papel. 5. Pintahan ng "water color" ang disenyo at idiin sa papel. 6. Ilimbag nang paulit-ulit ang disenyo ayon sa disenyong nais mo.
  • 8. D. Pagpapahalaga 1. Naiayos mo ba ang paglilimbag sa pamamagitan ng mga bloke ng patatas upang makabuo ng kawili-wiling disenyo? 2. Anong disenyo ang ginawa mo? 3. Nagamit mo baang iyong kaalaman sa tekstura sa iyong ginagawang paglilimbag? Paano? 4. Saan mo maaaring gamitin ang papel na nilagyan mo ng mga disenyong nalimbag? IV. Pagtataya: Subaybayan ang mga bata sa paggawa upang makatiyak na wasto ang kanilang ginagawa. V. Kasunduan: Paano mo naipapakita ang iyong kakayahan sa paggamit ng iba't ibang bagay at kagamitan.sa paglilimbag
  • 9. SINING V I. Mga Layunin: Naipakikita ang pagkamalikhain at kakayahan sa paggamit ng krayon sa iba't ibang pamamaraan tulad ng batik. II. Paksang Aralin Batik TX p. 130 Kagamitan: Mga larawan ng gawaing sining na "batik", papel o tela, crayon, "water color", plantsa III. Pamamaraan: A. Panimulang Gawain 1. Pag-uusap tungkol sa gawaing paglilimbag. Itanong:  Ano ang paglilimbag?  Anu-ano ang mga bagay na maaaring ilimbag? Paano mo maipahahayag ang iyong pagkamalikhain sa paglilimbag?  Anu-ano ang iba't ibang paraan ng paglilimbag? B. Panlinang na Gawain 1. Ganyakin at ihanda ang mga bata sa paraan ng paglilimbag sa batik. 2. Ipaliwanag sa kanila kung ano ang batik. 3. Itanong kung kaya nilang sundin ang mga pamantayan sa paggawa ng batik kahit hindi iniisa-isa ang mga ito. C. Gawaing Pansining Mga Kagamitan:  papel o tela  krayon  "water color" o “Joe Busch"  plantsa Sabihin: Ang mga sumusunod ay ilang pamamaraan sa paggawa ng "batik". Maaari kang pumili ng isa. BATIK A Pamamaraan: 1. Gumawa ng isang disenyo sa papel at kulayan ng krayon. Idiin ang pagkuskos sa krayon. Lagyan ng kulay ang buong papel. 2. Lukutin o lamukusin ang papel sa iyong palad. 3. Maingat na buksan ang papel at muling unatin ito upang hindi mapunit. 4. Magtimpla ng malabnaw na "water color" na itim o ano mang madilim na kulay at pintahan ang kabuuan ng disenyo sa nilakumos na papel. 5. Patuluin ang "water color" at patuyuin. 6. Plantsahin kapag tuyo na upang maunat nang husto.
  • 10. D. Pagpapahalaga 1. Anong paraan ng paggawa ng batik ang isinagawa mo? 2. Anong disenyo ang binuo mo? 3. Ano ang kaibahan ng batik sa ibang mga gawaing sining? 4. Paano mo naipahayag ang kaisipan at damdamin sa paggawa ng batik? 5. Nag-ingat ka ba sa paggamit ng plantsa? 6. Pinanatili mo bang malinis ang iyong pinaggawaan? IV. Pagtataya: Subaybayan ang mga bata sa paggawa upang makatiyak na wasto ang kanilang ginagawa. V. Kasunduan: Paano mo naipapahayag ang iyong kalooban at imahinasyon?
  • 11. SINING V I. Mga Layunin: Naipakikita ang pagkamalikhain at kakayahan sa paggamit ng krayon sa iba't ibang pamamaraan tulad ng batik. II. Paksang Aralin Batik TX p. 130 Kagamitan: Mga larawan ng gawaing sining na "batik", papel o tela, crayon, "water color", plantsa III. Pamamaraan: A. Panimulang Gawain 1. Pag-uusap tungkol sa gawaing paglilimbag. Itanong:  Ano ang paglilimbag?  Anu-ano ang mga bagay na maaaring ilimbag? Paano mo maipahahayag ang iyong pagkamalikhain sa paglilimbag?  Anu-ano ang iba't ibang paraan ng paglilimbag? B. Panlinang na Gawain 1. Ganyakin at ihanda ang mga bata sa paraan ng paglilimbag sa batik. 2. Ipaliwanag sa kanila kung ano ang batik. 3. Itanong kung kaya nilang sundin ang mga pamantayan sa paggawa ng batik kahit hindi iniisa-isa ang mga ito. C. Gawaing Pansining Mga Kagamitan:  papel o tela  krayon  "water color" o “Joe Busch"  plantsa Sabihin: Ang mga sumusunod ay ilang pamamaraan sa paggawa ng "batik". Maaari kang pumili ng isa. BATIK B Pamamaraan: 1. Lamukusin ang isang puting papel. Pagkatapos, maingat na unatin ito upang hindi mapunit at ipatong sa ibabaw ng hapag. 2. Magtimpla ng malabnaw na "water color" o 'Joe Busch" at kulayan ang kabuuan ng papel sa pamamagitan ng pinsel. 3. Patuyuin ang papel. 4. Lagyan ng disenyo ang papel ang pamamagitan ng krayon. 5. Takpan ang kabuuang disenyo ng isa pang papel at plantsahin.
  • 12. D. Pagpapahalaga 1. Anong paraan ng paggawa ng batik ang isinagawa mo? 2. Anong disenyo ang binuo mo? 3. Ano ang kaibahan ng batik sa ibang mga gawaing sining? 4. Paano mo naipahayag ang kaisipan at damdamin sa paggawa ng batik? 5. Nag-ingat ka ba sa paggamit ng plantsa? 6. Pinanatili mo bang malinis ang iyong pinaggawaan? IV. Pagtataya: Subaybayan ang mga bata sa paggawa upang makatiyak na wasto ang kanilang ginagawa. V. Kasunduan: Anu-anong mga gawaing sining ang nagawa mo? Paano mo naipahayag ng iyong kalooban at imahinasyon?
  • 13. SINING V I. Mga Layunin: Naipakikita ang pagkamalikhain at kakayahan sa paggamit ng krayon sa iba't ibang pamamaraan tulad ng batik. II. Paksang Aralin Batik TX p. 130 Kagamitan: Mga larawan ng gawaing sining na "batik", papel o tela, crayon, "water color", plantsa III. Pamamaraan: A. Panimulang Gawain 1. Pag-uusap tungkol sa gawaing paglilimbag. Itanong:  Ano ang paglilimbag?  Anu-ano ang mga bagay na maaaring ilimbag? Paano mo maipahahayag ang iyong pagkamalikhain sa paglilimbag?  Anu-ano ang iba't ibang paraan ng paglilimbag? B. Panlinang na Gawain 1. Ganyakin at ihanda ang mga bata sa paraan ng paglilimbag sa batik. 2. Ipaliwanag sa kanila kung ano ang batik. 3. Itanong kung kaya nilang sundin ang mga pamantayan sa paggawa ng batik kahit hindi iniisa-isa ang mga ito. C. Gawaing Pansining Mga Kagamitan:  papel o tela  krayon  "water color" o “Joe Busch"  plantsa Sabihin: Ang mga sumusunod ay ilang pamamaraan sa paggawa ng "batik". Maaari kang pumili ng isa. BATIK C Mga Kagamitan:  tela na walangdisenyo (1ft x1ft) Pamamaraan: 1. Ikapit ang tela sa isang tabla o matigas na karton sa pamamagitan ng "thumb tacks" o "stapler". Kung tabla ang gagamitin ay lagyan muna ito ng saping dyaryo o "manila paper" upang maging makinis ang paggagawaan. 2. Sa pamamagitan ng krayon ay madiin na iguhit ang disenyo. 3. Magtimpala ng “Joe Busch" at kulayan ang kabuuan ng disenyo. 4. Takpan ng isang "coupon bond" ang tela at plantsahin.
  • 14. D. Pagpapahalaga 1. Anong paraan ng paggawa ng batik ang isinagawa mo? 2. Anong disenyo ang binuo mo? 3. Ano ang kaibahan ng batik sa ibang mga gawaing sining? 4. Paano mo naipahayag ang kaisipan at damdamin sa paggawa ng batik? 5. Nag-ingat ka ba sa paggamit ng plantsa? 6. Pinanatili mo bang malinis ang iyong pinaggawaan? IV. Pagtataya: Subaybayan ang mga bata sa paggawa upang makatiyak na wasto ang kanilang ginagawa. V. Kasunduan: Paano mo naipapakita ang iyong pagkamalikhain at kakayahan sa paggamit ng krayon sa ibat- ibang pamamaraan tulad ng batik.
  • 15. SINING V I. Mga Layunin: Naipakikita ang pagkamaparaan sa paggamit ng iba't ibang bagay sa paggawa ng "mosaic" II. Paksang Aralin Mosaic TX p. 132 Kagamitan: Mga likhang sining na ginawa sa pamamagitan ng "mosaic" III. Pamamaraan: A. Panimulang Gawain 1. Pag-usapan ang mga gawaing pansining na nakatutulong sa kanila upang maipahayag ang kaisipan, damdamin at imahinasyon. 2. Itanong: Anu-anong mga gawaing sining ang nagawa mo? Paano mo naipahayag ng iyong kalooban at imahinasyon? B. Panlinang na Gawain 1. Pag-usapan ang mga bagay tungkol sa "mosaic" 2. ltanong:  Ano ang "mosaic"? Saan nagsimula ito?  Saan nila ginagamit ang ganitong uri ng sining?  Anu-anong mga bagay ang ginagamit upang makagawa ng "mosaic"?  Anu-ano ang mga pamantayan sa paggawa? C. Gawaing Pansining Mga Kagamitan: lapis papel, retaso, balat ng suman, plastik o balat ng itlog pandikit karton o papel na makapal Pamamaraan: 1. Sa isang papel o karton ay gumuhit ng dibuho ng sagisag ng bansa. 2. Isipin kung anu-anong kulay ang ilalagay sa bawat bahagi ng iyong dibuho at kung anong bagay ang gagawing mosaic. 3. Gupit-gupitin o pirasuhin nang maliit ang bagay na napili. 3. Tiyakin na ikaw ay nag-iingat sa paggamit ng gunting. 4. Idikit ang maliit na piraso sa disenyo na iyong iginuhit Mag-iwan ng makitid na espasyo sa pagitan ng bawat hugis. D. Paglalahat 1. Itanong:  Anong dibuho ang ginawa mo para sa "mosaic"?  Anong bagay ang napili mong gupit-gupitin?  Napangkat mo ba ang mga bagay na gugupitin ayon sa uri, kulay,at hugis?  Ilang uri ng hugis ang ginupit mo? Anu-ano ang mga ito? Hindi ba gaanong malayo ang laki ng mga hugis?
  • 16. E. Pagpapahalaga 1. Itanong:  Nagawa mo ba nang maayosat malinis ang "mosaic"?  Anong dibuhong sagisag ng bansa ang ginamit mo?  Naging mapamaraan ka ba sapagdidikit ng maliit na papel?  Paano mo ginawa ito? IV. Pagtataya: Subaybayan ang mga bata sa paggawa upang makatiyak na wasto ang kanilang ginagawa. V. Kasunduan: Anu-anong mga gamit ang maaari mong lagyan ng disenyong “mosaic”?
  • 17. SINING V I. Mga Layunin:  Naipakikita ang pagkamalikhain sa paggawa ng mga tatlong dimensiyong bagay sa pamamagitan ng iba't ibang midya, kagamitan at pamamaraan II. Paksang Aralin "Puppet" na Pangkamay TX p. 134 Kagamitan: Mga "puppet" na gawa sa supot III. Pamamaraan: A. Panimulang Gawain 1. Pag-usapan kung paano nila naipakita ang kanilang pagkamalikhain sa paggawa ng "mosaic". 2. Itanong:  Anu-anong mga bagay ang maaari mong gawing "mosaic"?  Anu-anong mga gamit ang maaari mong lagyan ng disenyong "mosaic"? B. Panlinang na Gawain 1. Ganyakin ang mga bata sa susunod na gawain. 2. Magpakita ng mga halimbawang "puppet". 3. Itanong:  Anu-ano ang mga hawak ko? "Ano ang "puppet"?  Saan ginagamit ito?  Anu-ano ang maaaring gamitin sa paggawa ng "puppet"? 4. Sabihin:  Ang mga "puppet" ay mga bagay na may tatlong dimensyon.  Ito ay may taas, luwang at kapal.  Titingnan ko kung kaya ninyong sundin ang mga pamamaraan sa paggawa ng mga "puppet".  Anu-ano ang mga pamantayan sa paggawa?  Ano ang dapat tandaan sa tuwing gagamit ng gunting? C. Gawaing Pansining 1. Sabihin:  Ibibigay ko sa inyo ang mga card ng pamamaraan.  Basahin nang mabuti at sundin ang mga pamamaraan. "Puppet" na Supot, TX p. 135 Mga Kagamitan:  supot na papel, papel na pagguguhitan ng mukha  pandikit, gunting at krayon Pamamaraan: 1. Kumuha ng isang supot na papel. 2. Gumuhit ng mukha ng tao sa isang puting papel, gupitin sa paligid at idikit sa dakong ilalim ng supot. 3. Itapat ang bibig ng larawan sa lupi ng supot.
  • 18. 4. Gtipitin nang pahalang ang bahagi ng larawan na nakatapat sa bibig at lupi ng supot upang huwag magkahiwalay ang nguso at labi. Huwag gugupitin ang supot. 5. Ibuka ang dakong bibig at dikitan ng papel na hugis bilog upang mag-anyong loob ng bibig. Maaari mong dikitan o guhitan ng maliit na dila. 6. Isuot ang kamay sa supot na ang palad ay nakaharap sa larawang idinikit. Iaros ang apat na daliri sa dakong itaas at ang hinlalaki sa ibaba. Sa pamamagitan ng mga daliri ay maaari mong pagsalitain ang "puppet" habang ikaw ay nagkukuwento. C. Paglalahat 1. ltanong:  Anong uri ng puppet ang ginawa mo?  Paano mo ginamit ang mga patapong bagay sa paggawa ng iyong "puppet"?  Nasiyahan ka ba sa ginawa mong "puppet"?  Tumawag ng mga kamag-aral at pag-usapan kung paano makagagawa ng isang pagtatanghal na ginagamit ang mga 'puppet" na inyong ginawa D. Pagpapahalaga Sabihin:  Itanong mo sa iyong sarili. Iniligpit ko ba ang lahat ng aking ginamit? Itinapon ko ba ang mga balat? Nag-ingat ba ako sa paggamit ng gunting? IV. Pagtataya: Subaybayan ang mga bata sa paggawa upang makatiyak na wasto ang kanilang ginagawa. V. Kasunduan: Ano ang tatlong dimensyong bagay? Magbigay ng mga halimbawa.
  • 19. SINING V I. Mga Layunin:  Nakalilikha ng iba't ibang "puppet" sa pamamagitan ng iba't ibang pamamaraan tulad ng "puppet" na pangkamay o "hand puppet" II. Paksang Aralin "Puppet" na Pangkamay TX p. 134 Kagamitan: Mga "puppet" na gawa sa medyas III. Pamamaraan: A. Panimulang Gawain 1. Pag-usapan kung paano nila naipakita ang kanilang pagkamalikhain sa paggawa ng "mosaic". 2. Itanong:  Anu-anong mga bagay ang maaari mong gawing "mosaic"?  Anu-anong mga gamit ang maaari mong lagyan ng disenyong "mosaic"? B. Panlinang na Gawain 1. Ganyakin ang mga bata sa susunod na gawain. 2. Magpakita ng mga halimbawang "puppet". 3. Itanong:  Anu-ano ang mga hawak ko? "Ano ang "puppet"?  Saan ginagamit ito?  Anu-ano ang maaaring gamitin sa paggawa ng "puppet"? 4. Sabihin:  Ang mga "puppet" ay mga bagay na may tatlong dimensyon.  Ito ay may taas, luwang at kapal.  Titingnan ko kung kaya ninyong sundin ang mga pamamaraan sa paggawa ng mga "puppet".  Anu-ano ang mga pamantayan sa paggawa?  Ano ang dapat tandaan sa tuwing gagamit ng gunting? C. Gawaing Pansining 1. Sabihin:  Ibibigay ko sa inyo ang mga card ng pamamaraan.  Basahin nang mabuti at sundin ang mga pamamaraan. "Puppet" na Medyas, TXp. 136 MgaKagamitan:  malinis na medyas na hindi ginagamit  kapirasong retaso o tela  estambre o sinulid, karayom at sinulid  gunting, butones o abaloryo Pamamaraan: 1. Gupitin paloob ang dulo ng medyas. Ito ang magsisilbing bibig.
  • 20. 2. Gumupit ng tela o retasong hugis biluhaba na kulay dalandan, pula o rosas at itahi sa paligid ng ginupit na bahagi ng medyas. 3. Isuot ang kamay sa medyas na ang apat na daliri ay nasa dulo ng dakong talampakan ng medyas at ang hinlalaki ay nasa dulo ng dakong ibabaw ng medyas, upang malaman, kung saang dako mo ilalagay ang mga mata at ilong. 4. Lagyan ng mga mata at ilong ang "puppet" sa pamamagitan ng mga butones, abaloryo o ano mang patapong bagay. Maaari mo ring iburda ang mga mata at ilong. 5. Ang ulo ay maaari mong lagyan ng binungkos na sinulid upang magmukhang buhok o sombrero. 6. Suotan ng damit ang iyong "puppet" upang matakpan ang iyong braso. C. Paglalahat 1. ltanong:  Anong uri ng puppet ang ginawa mo?  Paano mo ginamit ang mga patapong bagay sa paggawa ng iyong "puppet"?  Nasiyahan ka ba sa ginawa mong "puppet"?  Tumawag ng mga kamag-aral at pag-usapan kung paano makagagawa ng isang pagtatanghal na ginagamit ang mga 'puppet" na inyong ginawa D. Pagpapahalaga Sabihin:  Itanong mo sa iyong sarili. Iniligpit ko ba ang lahat ng aking ginamit? Itinapon ko ba ang mga balat? Nag-ingat ba ako sa paggamit ng gunting? IV. Pagtataya: Subaybayan ang mga bata sa paggawa upang makatiyak na wasto ang kanilang ginagawa. V. Kasunduan: Kailangan bang gumastos nang malaki upang makagawa ng puppet? Bakit?
  • 21. SINING V I. Mga Layunin:  Naipakikita ang pagkamalikhain sa paggawa ng mga tatlong dimensyong bagay sa pamamagitan ng iba't ibang midya; kagamitan at pamamaraan  Nakalilikha ng mga "puppets" na pinagagalaw sa pamamagitan ng pisi o sinulid II. Paksang Aralin Puppet na Ginagamitan ng Pisi o Sinulid TX p. 138 Kagamitan: Mga puppet na gawa sa tela, sinulid at iba pa III. Pamamaraan: A. Panimulang Gawain 1. Itanong:  Anong uri ng puppet ang ginawa mo kahapan? Ipakita kung paano mo magagamit ioa.  Ano ang tatlong dimensyong bagay?  Magbigay ng mga halimbawa. B. Panlinang na Gawain 1. Ihanda ang mga bata sa paggawa. 2. Sabihin:  Ngayon ay muli kang gagawa ng "puppet".  Ang paggawa ng puppet ay isang uri ng sining na ginagamitan ng iba't ibang mga midya, kagamitan, at pamamaraan.Dito mo maipakikita ang iyong pagkamalikhain at kakayahan sa paggawa ng isang likhang sining sa pamamagitan ng mga patapong bagay.  Isa pang uri ng puppet ay ang ginagamitan ng pisi o sinulid. Maaari itong yari sa karton o mga retaso na ginawang anyong manika.  Titingnan ko ngayon kung kaya mong sundin ang mga pamamaraan sa paggawa at ang mga itinakda nating pamantayan. C. Gawaing Pansining "Puppet" na Gumagalaw Mga Kagamitan:  mga retaso o sirang "stockings"  bulak, sinulid at pisi, gunting  mga butones, abaloryo at iba pang palamuti Pamamaraan: 1. Gumawa ng isang manika sa pamamagitan ng mga retaso o sirang "stockings" na binalumbon at itinali sa mga hugpungan. 2. Lagyan ng mga mata, ilong at bibig sa pamamagitan ng mga butones at patapong mga bagay. 3. Lagyan ng buhok na binigkis naestambre o sinulid. 4. Balutan ng ibang retaso ang dakong ibaba upang magkaroon ng damit. 5. Lagyan ng tig-iisang pisi o sinulid ang mga lugar na nais pagalawin at itali ang kabilang dulo sa pinag-ekis na patpat. Maaari mo itong pagalawin sa pamamagitan ng paggalaw sa patpat. 5. Isipin kung paano pa maaaring pagalawin ang puppet at kung saan pang bahagi ng katawan maaaring talian ito .
  • 22. D. Paglalahat 1. ltanong:  Nakagawa ka· ba ng puppet na pinagagalaw sa pamamagitan ng pisi?  Anu-anong mga patapong bagay ang naging kapakipakinabang sa iyo?  Paano mo nagamit ang iyong pagkamalikhain sa paggawa at pagpapagalaw sa puppet?  Umawit o magpatugtog ng isang awitin at pagalawin ang iyong puppet ayon sa ritmo. IV. Pagtataya: Subaybayan ang mga bata sa paggawa upang makatiyak na wasto ang kanilang ginagawa. V. Kasunduan: Magdala ng mga patpat ng "ice drop," pisi o estambre o mga "straw" at gunting.
  • 23. SINING V I. Mga Layunin:  Nakalilikha ng iba't ibang uri ng paghahabi sa pamamagitan ng iba't ibang bagay at pamamaraan II. Paksang Aralin Paghahabi TX p. 140 Kagamitan: Halimbawa ng iba't ibang uri ng paghahabi Mga pamamaraan sa paggawa na nakasulat sa kard III. Pamamaraan: A. Panimulang Gawain 1. Pag-usapan ang tungkol sa iba't ibang uri ng "puppet" at gamit ng mga ito. B. Panlinang na Gawain 1. Pag-usapan kung ano ang paghahabi. 2. Itanong/Sabihin:  Nakaranas ka na bang maghabi?  Magbigay ng halimbawa ng mga bagay na hinabi. Anu-anong mga bayan sa ating bansa ang kilala sa paghahabi?  Anu-anong mga bagay ang kanilang hinahabi? C. Gawaing Pansining 1. Ibigay sa mga bata ang mga kard na may mga pamamaraan sapaggawa. Paghahabi sa Patpat Mga Kagamitan:  maninipis na patpat (1 cm x . 12cm) o patpat ng "ice drop"  makapal na pisi o estambre  straw, makikitid na retaso, pahina ng magasin na may kulay  gunting  kutsilyo o "cutter" Paghahabi A Pamamaraan: 1. Ihanay ang mga patpat upang makagawa ng isang hugis parisukat. 2. Itali ang pisi o estambre sa isang dulo ng unang patpat. 3. Simulan ang paghahabi sa pamamagitan ng pagsusuksok ng sinulid sa ilalim ng lahat ng ikalawang patpat. 4. Pagdating sa huling patpat ay ituloy ang paghahabi sa pamamagitan ngpagbabalik ng sinulid. Isuksok ito sa ilalim ng lahat ng mga patpat na hindi nasuksukan nito sa unang paghahabi. 5. Ipagpatuloy ang paghahabi hanggang mapuno ang kabuuan ng mga patpat . 6. Ibuhol ang tali sa dulo ng huling patpat upang hindi makalas.
  • 24. D. Paglalahat 1. Itanong:  Ano ang paghahabi?  Anu-ano ang iba't ibang uri ng paghahabi?  Anu-ano ang gamit ng mga bagay na hinabi? E. Pagpapahalaga 1. Itanong:  Paano mo naipamalas ang iyong pagkamalikhain sa pamamagitan ng paghahabi?  Nag-ingat ka ba sa paggamit ng gunting at kutsilyo? Napanatili mo bang malinis ang iyong pinaggawaan? IV. Pagtataya: Subaybayan ang mga bata sa paggawa upang makatiyak na wasto ang kanilang ginagawa. V. Kasunduan: Pagpangkat-pangkatin ang mga bata at ihanda sila upang mag-ulat tungkol sa mga katutubong sining. Papiliin sila ng nais nilang iulat TX pp. 146-148
  • 25. SINING V I. Mga Layunin:  Nakapaghahabi sa pamamagitan ng pisi at patpat II. Paksang Aralin Paghahabi TX p. 140 Kagamitan: Halimbawa ng iba't ibang uri ng paghahabi Mga pamamaraan sa paggawa na nakasulat sa kard III. Pamamaraan: A. Panimulang Gawain 1. Pag-usapan ang tungkol sa iba't ibang uri ng "puppet" at gamit ng mga ito. B. Panlinang na Gawain 1. Pag-usapan kung ano ang paghahabi. 2. Itanong/Sabihin:  Anu-anong mga bagay ang kanilang hinahabi?  Ngayon ay gagawa kayo ng isa pang bagay na may tatlong dimensyon.  Ito ay ang paghahabi. Titingnan ko kung maipahahayag ninyo ang inyong imahinasyon at pagkamalikhain sa pamamagitan ng gawaing ito.  Anu-ano ang mga pamantayan sa paggawa?  Ano ang dapat mong tandaan sa paggamit ng gunting at kutsilyo? C. Gawaing Pansining 1. Ibigay sa mga bata ang mga kard na may mga pamamaraan sapaggawa. Paghahabi sa Patpat Mga Kagamitan:  maninipis na patpat (1 cm x . 12cm) o patpat ng "ice drop"  makapal na pisi o estambre  straw, makikitid na retaso, pahina ng magasin na may kulay  gunting  kutsilyo o "cutter" Paghahabi B Pamamaraan: 1. Kumuha ng magkakapantay na habang dalawa, tatlo o apat napatpat. 2. Pagpatung-patungin ang mga ito sa gitna, at hayaang magkakalayo ang mga dulo. Gawing magkakatulad ang pagitan ng bawat isa upang mag-anyong gulong . 3. Talian o idikit sa gitna upang hindi magkahiwa-hiwalay. 4. Isipin kung anu-anong mga bagay ang gagamitin sa paghahabi at ihabi ang mga ito nang magkakasalit at paikot sa mga patpat na nakarayos. 5. Sundin ang pamamaraan sa paghahabi at magsimula sa gitna. 6. Ulit-ulitin ang pamamaraan hanggang mapuno ang gulong. 7. Talian ang isang dulo at ibitin
  • 26. D. Paglalahat 1. Itanong:  Anu-ano ang gamit ng mga bagay na hinabi?  Bakit ito kabilang sa mga bagay na may tatlong dimensyon? E. Pagpapahalaga 1. Itanong:  Paano mo naipamalas ang iyong pagkamalikhain sa pamamagitan ng paghahabi?  Nag-ingat ka ba sa paggamit ng gunting at kutsilyo? Napanatili mo bang malinis ang iyong pinaggawaan? IV. Pagtataya: Subaybayan ang mga bata sa paggawa upang makatiyak na wasto ang kanilang ginagawa. V. Kasunduan: Pagpangkat-pangkatin ang mga bata at ihanda sila upang mag-ulat tungkol sa mga katutubong sining. Papiliin sila ng nais nilang iulat TX pp. 146-148