4. Itanong:
1. Ano ang masasabi mo
sa iyong anyo?
2. Nagugustuhan mo ba
ito kapag tumitingin
ka sa salamin?
5. Hayaang ibahagi ng bawat bata sa
klase ang kanyang ginawa.
Itanong:
Ano ang naramdaman mo habang:
Iginuguhit mo ang iyong sarili?
Ibinabahagi mo ang iyong
iginuhit?
Nakikinig ka sa pagbabahagi ng
iyong mga kamag-aaral?
6. Ako ay Katangi-tangi
Paano mo ilalarawan ang iyong sarili?
Anong pisikal na katangian mo ang naiiba sa
ibang tao sa iyong paligid?
Gawain 1
Kumuha ng isang malinis na papel at iguhit ang
iyong sarili.Pagkatapos mong gumuhit, isulat ang
iyong pangalan sa ibabang bahagi ng iginuhit na
larawan. Ibahagi sa klase ang iyong ginawa.
Kasama ang iyong mga kamag-aral, ipaskil ang
inyong iginuhit sa isang bahagi ng silid-aralan
7.
8. Kasama ang iyong mga kamag-aral, ipaskil ang
inyong iginuhit sa isang bahagi ng silid-aralan.
Ano ang naramdaman mo habang –
a) iginuguhit ang iyong sarili?
b) ibinabahagi ang iyong iginuhit?
c) nakikinig sa pagbabahagi ng iyong mga
kamag-aral?
Ano ang napansin mo sa iyong iginuhit?
Ilarawan ito.
Bakit hindi magkakapareho ang inyong iginuhit?
Ano ang kaibahan ng iginuhit mo sa mga
ginawa ng iyong mga kamag-aral?
9. Paglalahat:
Lahat ba ng tao ay magkakamukha?
Anu-anong pisikal na katangian ang
taglay o mayroon ka?
Masaya ka ba bilang ikaw?
10. Tandaan:
Mayroon kang pisikal na
katangian na naiiba sa iyong
mga kamag-aaral tulad ng
hugis ng mukha, tangos ng
ilong, kulay at hugis ng mata,
kulay at anyo ng buhok. Dapat
mong ipagmalaki ang angkin
mong katangian.
11. Ituro ang Tula: “Ako ay Ako”
Ang buhok ko ay kakulay ng kay Ina.
Ang balat ko nama’y kawangis ni Ama.
Namana ko rin ang bilog ng mata ni Lola.
Gayundin ang maliit na labi ni Lolo.
Subalit anumang hawig mayroon ako.
Ako’y ako pa rin natatanging totoo.