2. Bakit FILIPINO?
Ayon sa surian ng Wikang Pambansa, sa Tagalog
binatay ang ating wikang pambansa dahil sa 5
dahilan:
1.Pinakamayang talasalitaan:
1. 30,000 salitang ugat
2. 700 panlapi
2.Ginagamit sa sentrong kalakalan.
3. Bakit FILIPINO?
3. Salita o wikang ginagamit ng marami.
4. Madaling pag-aralan, matutunan, at bigkasin.
5. May pinakamaunlad na panitikan sa lahat ng
katutubong Wika sa Pilipinas.
10. PANGHALIP
• Salita o katagang pamalit o panghalili sa
pangngalan
• URI
– Panao – humahalili sa pangngalan ng tao
– Pamatlig – pangngalan ng tao, hayop, bagay at
pook na ITINUTURO
– Pananong – ginagamit sa pananong
– Panaklaw – nagsasaad ng dami, kaisahan,
kalahatan ng pangngalang tinutukoy
13. PANTUKOY
• Ginagamit sa pagpapakilala ng mga
pangngalan
– Pantukoy na Pantangi – nagpapakilala ng mga
pangngalang pantangi
– Pantukoy na Pambalana – ginagamit sa
pagpapakilala ng mga pangngalang pambalana
16. PANDIWA
• Nagsasaad ng kilos o galaw; binubuo sa
pamamagitan ng salitang-ugat at panlapi
• Panahunan:
– Pangnagdaan/Perpektibo
– Pangkasalukuyan/Imperpektibo
– Panghinaharap/Kontemplatibo
17. PANDIWA
• Pagbabanghay:
– UM:
• PN: awit/sulat + um = umawit/sumulat
• PK: awit/sulat + um + pag-ulit ng unang pantig =
umaawit/sumusulat
• PH: awit/sulat + pag-ulit ng unang pantig =
aawit/susulat
18. PANDIWA
• Pagbabanghay:
– NA/MA, NAG/MAG, NANG/MANG:
• PN: isip/gaya + na/nag/nang = nag-isip/nanggaya
• PK: isip/gaya + na/nag/nang + pag-ulit ng unang pantig
= nag-iisip/nanggagaya
• PH: isip/gaya + ma/mag/mang + pag-ulit ng unang
pantig = mag-iisip/manggagaya
22. PANG-URI
• Naglalarawan o tumutukoy sa pangngalan o
panghalip
• Kailanan – ilan ang nilalarawan
– Isahan – 1 lang ang inilalarawan
– Dalawahan – 2 ang nilalarawan
– Maramihan – higit sa 2 ang nilalarawan
• Kaantasan – ilan ang inihahambing
– Lantay/Pangkaraniwan – 1 lang
– Pahambing – 2, maaaring Magkatulad o Di-
magkatulad
– Pasukdol – higit sa dalawa
30. PANG-UGNAY
• Nag-uugnay ng mga salita o mga parirala
– (mga lipon ng mga salitang walang simuno at panaguri at ginagamit
lamang na bahagi ng pangungsap)
• URI:
– Pang-angkop
– Pang-ukol
– Pangatnig
31. PANG-UGNAY
• PANG-ANGKOP: Panuring (pang-uri/pang-abay) + Salita
– Na: ang panuring na salita ay nagtatapos sa
KATINIG, maliban sa N
• Baluktot na katwiran
– Ng: ang panuring salita ay nagtatapos sa PATINIG
• Lalaking matapang
– G: ang panuring salita ay nagtatapos sa N
• Daang makitid
32. PANG-UGNAY
• PANG-UKOL:
– sa/sa mga, ng/ng mga, ni/nina, kay/kina, sa/kay,
ukol, labag, nang may, tungkol sa/kay, alinsunod
sa/kay, hinggil sa/kay, nang wala, para sa/kay,
laban sa/kay, ayon sa/kay, tungo sa
– Pambalana
– Pantangi
33. PANG-UGNAY
• Pang-ukol na Pambalana (salita+ sa/ng/nasa):
– ukol sa, laban sa, hinggil sa, ayon sa, tungkol sa,
para sa, atbp.
– Halimbawa:
• Ukol sa matematika ang seminar.
• Ang kanyang nilutong tinola ay para sa lahat.
34. PANG-UGNAY
• Pang-ukol na Pantangi (salita + kay/kina):
– ukol kay, laban kay, para kay, tungkol kay, ayon
kay, hinggil kay.
– Halimbawa:
• Ayon kay Rizal, ang pananaliksik ay nagdaragdag sa
ating kaalaman.
35. PANG-UGNAY
• PANGATNIG: nag-uugnay ng mga salita,
paririala, sugnay, pangungusap na
magkakatimbang o nagkakatulungan sa gamit
– Panimbang: pag-uugnay
– Pamukod: pagtatangi
– Paninsay: pagsasalungat
39. WASTONG GAMIT
• Kapag napagigitna sa dalawang patinig ang D,
gawin itong R
– Din/rin, dito/rito, diyan/riyan, doon/roon,
daw/raw
– May mga salitang pinapanatili ang D
40. WASTONG GAMIT
• Inuulit o hulapi, UO
– Biru-biruan
– Buuin
• Pantig na nagwawakas sa G + salitang
nagsisimula sa G panatilihin ang G
– Mang+gagamot= manggagamot
41. WASTONG GAMIT
• kapag ang salita ay nagsisimula sa B o P: Unlapi M:
– Mang+babatas mambabatas
• Kapag ang salita ay nagsisimula sa LRT DS: Unlapi N:
– Mang+lalaro manlalaro
42. WASTONG GAMIT
• Walang gitling (-) kapag katinig (maliban sa BP LRTDS)
– Manggagamot
– Labingwalo
• May gitling (-) kapag patinig (aeiou)
– Mang-aawit
– Labing-isa
43. WASTONG GAMIT
• Sila at Sina
– Sila: panghalip
– Sina: pantukoy na sinusundan ng pangngalang pantangi
• Nila at Nina
– Nila: panghalip
– Nina: pantukoy na sinusundan ng pangngalang pantangi
• Kina at Kila
– Kina: maramihan ng kay
– Walang kila
45. WASTONG GAMIT
• Nang at Ng
– Nang:
• pangatnig, na+ng, pang-angkop
– Ng:
• Pantukoy, pang-ukol
46. WASTONG GAMIT
• Taga, Taga-, Tiga at Maka, Maka-
– Taga/Maka: sinusundan ng pambalana
– Taga-/Maka-: sinusundan ng pantangi
– Walang Tiga
• Ika, Ika-
– Ika: bilang na isinusulat bilang salita
– Ika-: simbolo ng bilang ang sinusulat
• Alalahanin: sinusundan parin ang pangunahing alituntuning ginigitlingan
ang salita sa pagkakataong ang mga pantanging salita o bilang ay
nagsisimula sa patinig