1. Ang daan patungo sa pinto ng langit
ay hindi karunungan kundi
kagandahan ng puso.
2. Si Jose Villa Panganiban, isang makata,
leksikograpo at lingguwista, ay nagtuon ng pansin
sa pagpapaunlad ng ating wika. Tinatawag din
siyang “Diktador ng Wika” (Dictator of the
Language), “Tsar ng Purismo” (Czar of Purism), at
“Emperador ng Wikang Pambansa” (Emperor of
the National Language).
Bukod sa pagtatag ng Varsitarian noong
1928, itinuturing na pinakamahalagang naiambag
niya sa panitikang Filipino ang Ingles-Tagalog na
Diksyunaryo, na kinilala bilang pinakatiyak na
akda ukol sa Filipino bilang pambansang wika.
Sino si Jose Villa Panganiban?
3. Nadukal ng tao ang laman ng lupa,
naarok ang lihim ng dagat at sapa,
at natunton pati ang landas ng tala,
subalit ang langit ay daan ng luha.
Nasakop ng dunong ang buong daigdig,
madaling nanuklas ng lunas ng sakit
sa pamamagitan ng masusing masid, -
Lihim ng kaluluwa’y di mahagip-hagip.
Isip-Tao
4. Nahimay sa sama ng mabuting gawi,
nuni’t may masamang minabuti wari
at may kabutihang sa sama inuri,
ang diwang bathala’y hinid maugali.
Nga-ipon ng lakas ng kapangyarihan,
nalikhang makina’y pangawa’t aliwan,
madaling masakal sa kamal ng yaman, -
nguni’t di matanto ang dahil ng buhay.
5. Paham na maningning, pantas na mahayap
ngunit ang hiwagang di mapaliwanag
ay itinago sa mga sagisag
nang di mapahiya ang isip hamak.
Paano’y talagang walang katapusan
ang mga hiwaga at kababalaghan, -
sa bawat himaton ng sangkalikasan
sanlibutang himala yaong nabubuksan!
6. Tila mabuti’y ang tayong isip
ay huwag palaging parang may binarik: -
bayaang sa puso’y manaha’y pag-ibig
at nang makapasok ang ilaw ng langit.
Sapagkat sa dilim na hindi matuhog
Ng dunong ng tao sa lumpong himasok
Ay tibok ng puso‘t batas ng pag-irog
Ang makahahawi… sa marahang luhog.