SlideShare a Scribd company logo
Mga Katulong sa Bahay ni Vei Trong Phung Salin sa Filipino ni
Florentino A. Iniego (Mula sa Vietnam)
Kabanata 6 Ang Liwanag ng Kalunsuran
Nang sumunod na gabi, bumalik ako sa bahaykainan. Sa oras na ito, sa
halip na sabihing umakyat ako sa kuwarto sa itaas na dati kong
tinutulugan, binulyawan nila ako. Ako raw ay isang bugaw, at ang
matandang babaeng nagdala ng mga katulong ay di na nagbalik upang
bayaran ang aking upa sa pagtulog.
Ngunit masuwerte pa nga raw ako ngayo’t pinayagang muling matulog dito sa
tinatawag nilang lagusan, at pababalikin nila ang matandang babae upang
magbayad ng upa. Hindi na ako nakipagtalo sa kanila. Tumuloy lang akong parang
walang narinig. Nakatungo ang ulo at mabilis na dumaan sa kusina at humantong
sa patio na tinatawag nilang “lagusan.” Buti na lang, hindi ako nag-iisa. Higit sa
sampung tao ang naroon. Nakahiga at nakaupo sa banig na nakalatag sa
malalapad na tabla habang natatanglawan ng liwanag ng buwan. Tila tambakan
ng tabla ng mga kahoy ang patio ng bahaykainang ito.
Walang maaninag na kariktan sa lugar na ito. Makikita sa
paligid ang marumi, mataas, manipis na dingding, at
bubungang nanlilimahid sa kaitiman. Sa kanang bahagi ay
naroon ang kulungan ng manok, sa harap ay ang baradong
kanal at ang alingasaw ng di-umaagos nitong pusali; sa kaliwa
ay isang kubetang bukas para sa publiko. Nalungkot ako sa
liwanag ng buwan. Nang tumabi ako sa mga taong naroon,
nakita ko ang tatlong batang nakasama kong matulog sa
kuwarto 17 sa itaas dalawang gabi ang nakalipas. Di man lang
mabanaag ang kalungkutan o pag-aalala sa musmos nilang
mga mukha. Samantala, napakamiserable ng hitsura ng iba, sa
damit pa lang nila’y sapat nang masaksihan ang paghihirap na
kanilang dinaranas sa tanang buhay.
May isang kalbong napakaputla ng mukha. Ngunit dahil sa kabataan tila normal siyang pagmasdan, at tingin ko’y
kalalabas lang niya ng ospital o bilangguan. Nakaupo siyang dinidilaan ang isang pirasong papel na nababahiran ng
itim na sangkap. Noong una’y di ko alam ang kaniyang ginagawa, ‘yun pala hinihimod niya ang tira-tirang opyo.Ang
isa nama’y may napakahabang leeg at may nakatapal na tatlo hanggang apat na gamut na plaster dito. Nakaupo siya
at nakatingala, tulad ng isang astrologo na nagmamasid sa mga bituin. Ang ikatlong bata ay maingay na nagkakamot,
at habang umuupo siya’y umuubo at dumudura. May isang matandang babae na maayos ang kasuotan ngunit
walang kibo’t buhaghag ang pagmumukha. Nakaupo siyang hawak ang isang pamaypay na yari sa hiyas na kawayan
na ipinapaypay sa mukha ng iba pa na tila kaniyang mga anak. Ang anim pang iba, na nakasuot ng gusgusing damit
ng magsasaka, ay mahimbing na natutulog. Di man lang ako pansinin ng sinuman sa kanila nang mahiga ako sa
banig. Sigurado akong wala silang kapera-pera kaya nga’t dito sila nakatulog gayundin, tulad ng kanilang bulsa, wala
ring laman ang kanilang tiyan. Samantala, ninais nilang tumigil dito, hindi dahil sa mabait ang may-ari ng bahay,
kundi dahil puwede silang makalabas upang mamalimos at makabalik upang bumili ng pagkaing inihanda ng may-
ari. At kung mayroon man silang nakulimbat, tiyak nakahanda ring bilhin ito ng may-ari. Hindi dahil sa nais ng may-
ari na biglang gawing bahay ng kawanggawa ang kaniyang tahanan. Sa kanilang hitsura ng pananamit, ang
labintatlong ito ay hindi taga-siyudad. Galing sila sa probinsiya dahil wala silang mahanap na trabaho roon upang
makakain nang dalawang beses sa isang araw. Sinisilaw at sinusuhulan sila ng siyudad. Nang umalis sila sa
probinsiya, hindi nila alam na ito ang kanilang kahihinatnan. Tiwalang makakakita ng trabahong maipagmamalaki
nila. Ibinilad ang kanilang mga sarili sa araw at sinuong ang ulan habang namamalimos ng pera o isang takal ng bigas
bago makarating sa Hanoi.
Mahal kong mambabasa, isipin mo lang ang Hanoi: kalye bawat kalye. Isipin mo ang isang pagod na magsasakang
naliligaw sa pasikot-sikot na siyudad. Bawat kalye’y may bahay, daanan, at eskinitang tila pare-pareho at walang
katapusan. Isang magsasaka ang lakad nang lakad, napapagod, at tumitigil. Nagugutom siya ngunit walang makain,
dahil wala siyang pera. Nais niyang magpahinga ngunit walang matuluyan, dahil wala siyang pambayad. Pagod man
siya, kailangan niyang sumulong. Magdahan-dahan man, hindi na siya makausad. At sa malas, di siya
pinahintulutang tumigil sa siyudad, at kailangan niyang maglakad, pasok nang pasok sa bawat kalye, minsa’y
paikot-ikot nang hindi alam kung saan pupunta. Pagdating ng interseksyon, nakakita siya ng kulumpon ng mga tao.
Sa tingin niya’y taga-probinsya ang mga ito, tumigil siya. Isang mukhang matalinong matandang babae, na may
gintong hikaw, at tila mayaman ang dating, ang kumaway, hudyat upang tumigil ang magsasaka. Malakas ang
kanyang boses: “Hoy, saan ka pupunta, pagod na pagod ka? Gusto mo ba ng trabaho? Halika, dali!” 18 Natuwa ang
magsasaka dahil nakasalubong siya ng isang taga-siyudad na handang makipag-usap. Ngunit para saan? Naawang
binanggit ng babae na tutulungan siyang makahanap ng trabaho! Kaya, sa loob ng ilang araw, mayroon siyang
makakain habang tumitigil sa pinto ng isang bahay-kainan o sa tabi ng isang sinehan. Kung tutuusin, ganito ang
istorya ng lahat ng mga magsasaka. Ilang interseksiyon mayroon ang siyudad? Ilang trabaho ang nakalaan para sa
sawing nilalang na nagnanais pumasok sa kalakal ng mga kasambahay? Ilan ang bilang ng ganitong trahedyang
nagaganap bawat araw sa siyudad?
Ang labintatlong nilalang na ito ay katulad ng mga gamugamong nasilaw sa
liwanag ng kalunsuran. Pinatuloy sila ng tiwalang may-ari ng bahay-kainan
sa isang sulok ng kaniyang tirahan. Sa araw, naroon sila’t nakahambalang sa
kalsada. Habang naghihintay ng trabaho, untiunti nilang ginagastos ang
kanilang naitatabing pera. Kapag walang natira at wala pa ring trabaho, at
walang madilihensiya, kinakailangan na nilang itaya ang kanilang buhay.
Ang mga babae ay nasadlak sa pagbebenta ng laman at ang lalaki’y
nakagagawa ng krimen. At ngayon, bago pa lumala ang kalagayan, sila’y
nakahimlay at tahimik na naghihintay sa unos na darating.
Pagpapayaman
Pasasagutan ang graphic organizer na nagpapakita ng katotohanan, kabutihan, at kagandahan na napakinggan sa nobela.
Magdidikit ng larawan kaugnay nito ang mga mag-aaral.
Katotohanang napakinggan
sa Nobela
Kabutihang napakinggan sa
Nobela
Kagandahang napakinggan sa
Nobela
Mga Pangyayaring Napakinggan mula sa Nobela

More Related Content

What's hot

pabalat ng noli [short]
pabalat ng noli [short]pabalat ng noli [short]
pabalat ng noli [short]Darwin Briones
 
Niyebeng item ppt
Niyebeng item pptNiyebeng item ppt
Niyebeng item ppt
MichaelEncarnad
 
Nabulag sa Pag-ibig - Vanessa Mae B. Robles
Nabulag sa Pag-ibig - Vanessa Mae B. RoblesNabulag sa Pag-ibig - Vanessa Mae B. Robles
Nabulag sa Pag-ibig - Vanessa Mae B. Robles
University Student Council-Molave
 
Noli me tangere kabanata 27-28-29
Noli me tangere kabanata 27-28-29Noli me tangere kabanata 27-28-29
Noli me tangere kabanata 27-28-29
mojarie madrilejo
 
Noli me tangere kabanata 25
Noli me tangere kabanata 25Noli me tangere kabanata 25
Noli me tangere kabanata 25
Sir Pogs
 
Tahanan ng isang sugarol
Tahanan ng isang sugarolTahanan ng isang sugarol
Tahanan ng isang sugarol
Kent Albino Marciano
 
Kapag naiisahan ako ng aking diyos
Kapag naiisahan ako ng aking diyosKapag naiisahan ako ng aking diyos
Kapag naiisahan ako ng aking diyosPRINTDESK by Dan
 
Mga katulong sa bahay (akda mula sa vietnam)
Mga katulong sa bahay (akda mula sa vietnam)Mga katulong sa bahay (akda mula sa vietnam)
Mga katulong sa bahay (akda mula sa vietnam)
Arlyn Duque
 
El Fili Kabanata 4 si kabesang tales
El Fili Kabanata 4   si kabesang talesEl Fili Kabanata 4   si kabesang tales
El Fili Kabanata 4 si kabesang tales
Hularjervis
 
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptxNOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
levyandhrei14
 
Pagsusuri sa pinaglahuan ( vi os)
Pagsusuri sa pinaglahuan ( vi os)Pagsusuri sa pinaglahuan ( vi os)
Pagsusuri sa pinaglahuan ( vi os)
Aivy Claire Vios
 
TAKIPSILIM SA DYAKARTA.pptx
 TAKIPSILIM SA DYAKARTA.pptx TAKIPSILIM SA DYAKARTA.pptx
TAKIPSILIM SA DYAKARTA.pptx
seyasriwatt
 
Ang Paghuhukom
Ang PaghuhukomAng Paghuhukom
Ang Paghuhukom
Mayumi64
 
Noli me tangere kabanata 5
Noli me tangere kabanata 5Noli me tangere kabanata 5
Noli me tangere kabanata 5
Sir Pogs
 
Canal de la reina
Canal de la reinaCanal de la reina
Canal de la reina
Tin Dee
 
Dula
Dula Dula
Buod ng Noli Me Tangere
Buod ng Noli Me TangereBuod ng Noli Me Tangere
Buod ng Noli Me Tangere
NemielynOlivas1
 
9 filipino lm q1 (1)
9 filipino lm q1 (1)9 filipino lm q1 (1)
9 filipino lm q1 (1)
gielmark
 

What's hot (20)

pabalat ng noli [short]
pabalat ng noli [short]pabalat ng noli [short]
pabalat ng noli [short]
 
Niyebeng item ppt
Niyebeng item pptNiyebeng item ppt
Niyebeng item ppt
 
Nabulag sa Pag-ibig - Vanessa Mae B. Robles
Nabulag sa Pag-ibig - Vanessa Mae B. RoblesNabulag sa Pag-ibig - Vanessa Mae B. Robles
Nabulag sa Pag-ibig - Vanessa Mae B. Robles
 
Noli me tangere kabanata 27-28-29
Noli me tangere kabanata 27-28-29Noli me tangere kabanata 27-28-29
Noli me tangere kabanata 27-28-29
 
Grade 9 Filipino Module
Grade 9 Filipino ModuleGrade 9 Filipino Module
Grade 9 Filipino Module
 
Noli me tangere kabanata 25
Noli me tangere kabanata 25Noli me tangere kabanata 25
Noli me tangere kabanata 25
 
Tahanan ng isang sugarol
Tahanan ng isang sugarolTahanan ng isang sugarol
Tahanan ng isang sugarol
 
Kapag naiisahan ako ng aking diyos
Kapag naiisahan ako ng aking diyosKapag naiisahan ako ng aking diyos
Kapag naiisahan ako ng aking diyos
 
Mga katulong sa bahay (akda mula sa vietnam)
Mga katulong sa bahay (akda mula sa vietnam)Mga katulong sa bahay (akda mula sa vietnam)
Mga katulong sa bahay (akda mula sa vietnam)
 
El Fili Kabanata 4 si kabesang tales
El Fili Kabanata 4   si kabesang talesEl Fili Kabanata 4   si kabesang tales
El Fili Kabanata 4 si kabesang tales
 
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptxNOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
 
Pagsusuri sa pinaglahuan ( vi os)
Pagsusuri sa pinaglahuan ( vi os)Pagsusuri sa pinaglahuan ( vi os)
Pagsusuri sa pinaglahuan ( vi os)
 
TAKIPSILIM SA DYAKARTA.pptx
 TAKIPSILIM SA DYAKARTA.pptx TAKIPSILIM SA DYAKARTA.pptx
TAKIPSILIM SA DYAKARTA.pptx
 
Ang Paghuhukom
Ang PaghuhukomAng Paghuhukom
Ang Paghuhukom
 
Noli me tangere kabanata 5
Noli me tangere kabanata 5Noli me tangere kabanata 5
Noli me tangere kabanata 5
 
Canal de la reina
Canal de la reinaCanal de la reina
Canal de la reina
 
Dula
Dula Dula
Dula
 
Buod ng Noli Me Tangere
Buod ng Noli Me TangereBuod ng Noli Me Tangere
Buod ng Noli Me Tangere
 
Magbugtungan tayo!
Magbugtungan tayo!Magbugtungan tayo!
Magbugtungan tayo!
 
9 filipino lm q1 (1)
9 filipino lm q1 (1)9 filipino lm q1 (1)
9 filipino lm q1 (1)
 

Similar to Nobela

filipino nobela.pptx
filipino nobela.pptxfilipino nobela.pptx
filipino nobela.pptx
AiraOlandres2
 
bangkang-papel-ni-genoveva-edroza
bangkang-papel-ni-genoveva-edrozabangkang-papel-ni-genoveva-edroza
bangkang-papel-ni-genoveva-edroza
Bay Max
 
Andres bonifacio presentation
Andres bonifacio presentationAndres bonifacio presentation
Andres bonifacio presentation
Marti Tan
 
Bangkang papel ni genoveva edroza matute
Bangkang papel ni genoveva edroza matuteBangkang papel ni genoveva edroza matute
Bangkang papel ni genoveva edroza matuteJeremiah Nayosan
 
Pagbubuo ng pang uri
Pagbubuo ng pang  uriPagbubuo ng pang  uri
Pagbubuo ng pang uri
Marie Jaja Tan Roa
 
Kalayaan sa rehas na bakal 2
Kalayaan sa rehas na bakal 2Kalayaan sa rehas na bakal 2
Kalayaan sa rehas na bakal 2
aguilarliezelann
 
Maikling Kuwento- Unang Markahan
Maikling Kuwento- Unang MarkahanMaikling Kuwento- Unang Markahan
Maikling Kuwento- Unang Markahan
KennethSalvador4
 
Ang_Ama_Maikling_Kwento_ng_Singapore.docx
Ang_Ama_Maikling_Kwento_ng_Singapore.docxAng_Ama_Maikling_Kwento_ng_Singapore.docx
Ang_Ama_Maikling_Kwento_ng_Singapore.docx
CleoAlagos
 
Ang_Ama_Maikling_Kwento_ng_Singapore.docx
Ang_Ama_Maikling_Kwento_ng_Singapore.docxAng_Ama_Maikling_Kwento_ng_Singapore.docx
Ang_Ama_Maikling_Kwento_ng_Singapore.docx
MichaelDaveMacaraeg
 
FILIPINO 9. aNG inabandonang nayon PARA SA.docx
FILIPINO 9. aNG inabandonang nayon PARA SA.docxFILIPINO 9. aNG inabandonang nayon PARA SA.docx
FILIPINO 9. aNG inabandonang nayon PARA SA.docx
EnilrihsAvlasEbaf
 
Kompilasyon ng mga akademikong sulatin (shainah aro)
Kompilasyon ng mga akademikong sulatin (shainah aro)Kompilasyon ng mga akademikong sulatin (shainah aro)
Kompilasyon ng mga akademikong sulatin (shainah aro)
StemGeneroso
 
Ang Kalupi - Group7 BSED Filipino 3
Ang Kalupi - Group7 BSED Filipino 3Ang Kalupi - Group7 BSED Filipino 3
Ang Kalupi - Group7 BSED Filipino 3
AraAuthor
 
Tahanan ng isang sugarol salin ni rustica carpio
Tahanan ng isang sugarol salin ni rustica carpioTahanan ng isang sugarol salin ni rustica carpio
Tahanan ng isang sugarol salin ni rustica carpioCristina Bisquera
 
2014 3rd gp akda
2014 3rd gp akda2014 3rd gp akda
2014 3rd gp akda
Francis Nicko Badilla
 

Similar to Nobela (20)

filipino nobela.pptx
filipino nobela.pptxfilipino nobela.pptx
filipino nobela.pptx
 
bangkang-papel-ni-genoveva-edroza
bangkang-papel-ni-genoveva-edrozabangkang-papel-ni-genoveva-edroza
bangkang-papel-ni-genoveva-edroza
 
Andres bonifacio presentation
Andres bonifacio presentationAndres bonifacio presentation
Andres bonifacio presentation
 
Bangkang papel ni genoveva edroza matute
Bangkang papel ni genoveva edroza matuteBangkang papel ni genoveva edroza matute
Bangkang papel ni genoveva edroza matute
 
Pagbubuo ng pang uri
Pagbubuo ng pang  uriPagbubuo ng pang  uri
Pagbubuo ng pang uri
 
Kalayaan sa rehas na bakal 2
Kalayaan sa rehas na bakal 2Kalayaan sa rehas na bakal 2
Kalayaan sa rehas na bakal 2
 
Mars
MarsMars
Mars
 
Ang paghuhukom
Ang paghuhukomAng paghuhukom
Ang paghuhukom
 
Maikling Kuwento- Unang Markahan
Maikling Kuwento- Unang MarkahanMaikling Kuwento- Unang Markahan
Maikling Kuwento- Unang Markahan
 
Ang_Ama_Maikling_Kwento_ng_Singapore.docx
Ang_Ama_Maikling_Kwento_ng_Singapore.docxAng_Ama_Maikling_Kwento_ng_Singapore.docx
Ang_Ama_Maikling_Kwento_ng_Singapore.docx
 
Ang_Ama_Maikling_Kwento_ng_Singapore.docx
Ang_Ama_Maikling_Kwento_ng_Singapore.docxAng_Ama_Maikling_Kwento_ng_Singapore.docx
Ang_Ama_Maikling_Kwento_ng_Singapore.docx
 
Ang ama
Ang amaAng ama
Ang ama
 
Kinagisnang balon
Kinagisnang balonKinagisnang balon
Kinagisnang balon
 
My First Slideshared :)
My First Slideshared :)My First Slideshared :)
My First Slideshared :)
 
FILIPINO 9. aNG inabandonang nayon PARA SA.docx
FILIPINO 9. aNG inabandonang nayon PARA SA.docxFILIPINO 9. aNG inabandonang nayon PARA SA.docx
FILIPINO 9. aNG inabandonang nayon PARA SA.docx
 
Ang ama
Ang amaAng ama
Ang ama
 
Kompilasyon ng mga akademikong sulatin (shainah aro)
Kompilasyon ng mga akademikong sulatin (shainah aro)Kompilasyon ng mga akademikong sulatin (shainah aro)
Kompilasyon ng mga akademikong sulatin (shainah aro)
 
Ang Kalupi - Group7 BSED Filipino 3
Ang Kalupi - Group7 BSED Filipino 3Ang Kalupi - Group7 BSED Filipino 3
Ang Kalupi - Group7 BSED Filipino 3
 
Tahanan ng isang sugarol salin ni rustica carpio
Tahanan ng isang sugarol salin ni rustica carpioTahanan ng isang sugarol salin ni rustica carpio
Tahanan ng isang sugarol salin ni rustica carpio
 
2014 3rd gp akda
2014 3rd gp akda2014 3rd gp akda
2014 3rd gp akda
 

More from JaypeeVillagonzalo1

Aralin 4.2-panitikan
Aralin 4.2-panitikanAralin 4.2-panitikan
Aralin 4.2-panitikan
JaypeeVillagonzalo1
 
Aralin 4.1-pagnilayan
Aralin 4.1-pagnilayanAralin 4.1-pagnilayan
Aralin 4.1-pagnilayan
JaypeeVillagonzalo1
 
Grade 9 aralin 6 mga ekspresyong nakapanghihikayat (1)
Grade 9 aralin 6 mga ekspresyong nakapanghihikayat (1)Grade 9 aralin 6 mga ekspresyong nakapanghihikayat (1)
Grade 9 aralin 6 mga ekspresyong nakapanghihikayat (1)
JaypeeVillagonzalo1
 
Presentation1.1
Presentation1.1Presentation1.1
Presentation1.1
JaypeeVillagonzalo1
 
1.4 pagnilayan
1.4 pagnilayan1.4 pagnilayan
1.4 pagnilayan
JaypeeVillagonzalo1
 
1.4 gramatika copy
1.4 gramatika   copy1.4 gramatika   copy
1.4 gramatika copy
JaypeeVillagonzalo1
 
1.4 gramatika
1.4 gramatika1.4 gramatika
1.4 gramatika
JaypeeVillagonzalo1
 
1.4 linangin-panitikan
1.4 linangin-panitikan1.4 linangin-panitikan
1.4 linangin-panitikan
JaypeeVillagonzalo1
 
Grade 9 aralin 2 pagbibigay ng opinyon (1)
Grade 9 aralin 2 pagbibigay ng opinyon (1)Grade 9 aralin 2 pagbibigay ng opinyon (1)
Grade 9 aralin 2 pagbibigay ng opinyon (1)
JaypeeVillagonzalo1
 
Presentation1.1
Presentation1.1Presentation1.1
Presentation1.1
JaypeeVillagonzalo1
 

More from JaypeeVillagonzalo1 (20)

Aralin 4.2-panitikan
Aralin 4.2-panitikanAralin 4.2-panitikan
Aralin 4.2-panitikan
 
Aralin 4.1-ilipat
Aralin 4.1-ilipatAralin 4.1-ilipat
Aralin 4.1-ilipat
 
Aralin 4.1-linangin
Aralin 4.1-linanginAralin 4.1-linangin
Aralin 4.1-linangin
 
Aralin 4.1-pagnilayan
Aralin 4.1-pagnilayanAralin 4.1-pagnilayan
Aralin 4.1-pagnilayan
 
Aralin 4.1-tuklasin
Aralin 4.1-tuklasinAralin 4.1-tuklasin
Aralin 4.1-tuklasin
 
Grade 9 aralin 6 mga ekspresyong nakapanghihikayat (1)
Grade 9 aralin 6 mga ekspresyong nakapanghihikayat (1)Grade 9 aralin 6 mga ekspresyong nakapanghihikayat (1)
Grade 9 aralin 6 mga ekspresyong nakapanghihikayat (1)
 
Dula.1
Dula.1Dula.1
Dula.1
 
Dula.1
Dula.1Dula.1
Dula.1
 
Dula
DulaDula
Dula
 
Presentation1.1
Presentation1.1Presentation1.1
Presentation1.1
 
Presentation1
Presentation1Presentation1
Presentation1
 
1.4 pagnilayan
1.4 pagnilayan1.4 pagnilayan
1.4 pagnilayan
 
1.4 gramatika copy
1.4 gramatika   copy1.4 gramatika   copy
1.4 gramatika copy
 
1.4 gramatika
1.4 gramatika1.4 gramatika
1.4 gramatika
 
1.4 linangin-panitikan
1.4 linangin-panitikan1.4 linangin-panitikan
1.4 linangin-panitikan
 
1.3 pagnilayan
1.3 pagnilayan1.3 pagnilayan
1.3 pagnilayan
 
1.3 linangin
1.3 linangin1.3 linangin
1.3 linangin
 
1.3 tuklasin
1.3 tuklasin1.3 tuklasin
1.3 tuklasin
 
Grade 9 aralin 2 pagbibigay ng opinyon (1)
Grade 9 aralin 2 pagbibigay ng opinyon (1)Grade 9 aralin 2 pagbibigay ng opinyon (1)
Grade 9 aralin 2 pagbibigay ng opinyon (1)
 
Presentation1.1
Presentation1.1Presentation1.1
Presentation1.1
 

Nobela

  • 1. Mga Katulong sa Bahay ni Vei Trong Phung Salin sa Filipino ni Florentino A. Iniego (Mula sa Vietnam) Kabanata 6 Ang Liwanag ng Kalunsuran Nang sumunod na gabi, bumalik ako sa bahaykainan. Sa oras na ito, sa halip na sabihing umakyat ako sa kuwarto sa itaas na dati kong tinutulugan, binulyawan nila ako. Ako raw ay isang bugaw, at ang matandang babaeng nagdala ng mga katulong ay di na nagbalik upang bayaran ang aking upa sa pagtulog.
  • 2. Ngunit masuwerte pa nga raw ako ngayo’t pinayagang muling matulog dito sa tinatawag nilang lagusan, at pababalikin nila ang matandang babae upang magbayad ng upa. Hindi na ako nakipagtalo sa kanila. Tumuloy lang akong parang walang narinig. Nakatungo ang ulo at mabilis na dumaan sa kusina at humantong sa patio na tinatawag nilang “lagusan.” Buti na lang, hindi ako nag-iisa. Higit sa sampung tao ang naroon. Nakahiga at nakaupo sa banig na nakalatag sa malalapad na tabla habang natatanglawan ng liwanag ng buwan. Tila tambakan ng tabla ng mga kahoy ang patio ng bahaykainang ito.
  • 3. Walang maaninag na kariktan sa lugar na ito. Makikita sa paligid ang marumi, mataas, manipis na dingding, at bubungang nanlilimahid sa kaitiman. Sa kanang bahagi ay naroon ang kulungan ng manok, sa harap ay ang baradong kanal at ang alingasaw ng di-umaagos nitong pusali; sa kaliwa ay isang kubetang bukas para sa publiko. Nalungkot ako sa liwanag ng buwan. Nang tumabi ako sa mga taong naroon, nakita ko ang tatlong batang nakasama kong matulog sa kuwarto 17 sa itaas dalawang gabi ang nakalipas. Di man lang mabanaag ang kalungkutan o pag-aalala sa musmos nilang mga mukha. Samantala, napakamiserable ng hitsura ng iba, sa damit pa lang nila’y sapat nang masaksihan ang paghihirap na kanilang dinaranas sa tanang buhay.
  • 4. May isang kalbong napakaputla ng mukha. Ngunit dahil sa kabataan tila normal siyang pagmasdan, at tingin ko’y kalalabas lang niya ng ospital o bilangguan. Nakaupo siyang dinidilaan ang isang pirasong papel na nababahiran ng itim na sangkap. Noong una’y di ko alam ang kaniyang ginagawa, ‘yun pala hinihimod niya ang tira-tirang opyo.Ang isa nama’y may napakahabang leeg at may nakatapal na tatlo hanggang apat na gamut na plaster dito. Nakaupo siya at nakatingala, tulad ng isang astrologo na nagmamasid sa mga bituin. Ang ikatlong bata ay maingay na nagkakamot, at habang umuupo siya’y umuubo at dumudura. May isang matandang babae na maayos ang kasuotan ngunit walang kibo’t buhaghag ang pagmumukha. Nakaupo siyang hawak ang isang pamaypay na yari sa hiyas na kawayan na ipinapaypay sa mukha ng iba pa na tila kaniyang mga anak. Ang anim pang iba, na nakasuot ng gusgusing damit ng magsasaka, ay mahimbing na natutulog. Di man lang ako pansinin ng sinuman sa kanila nang mahiga ako sa banig. Sigurado akong wala silang kapera-pera kaya nga’t dito sila nakatulog gayundin, tulad ng kanilang bulsa, wala ring laman ang kanilang tiyan. Samantala, ninais nilang tumigil dito, hindi dahil sa mabait ang may-ari ng bahay, kundi dahil puwede silang makalabas upang mamalimos at makabalik upang bumili ng pagkaing inihanda ng may- ari. At kung mayroon man silang nakulimbat, tiyak nakahanda ring bilhin ito ng may-ari. Hindi dahil sa nais ng may- ari na biglang gawing bahay ng kawanggawa ang kaniyang tahanan. Sa kanilang hitsura ng pananamit, ang labintatlong ito ay hindi taga-siyudad. Galing sila sa probinsiya dahil wala silang mahanap na trabaho roon upang makakain nang dalawang beses sa isang araw. Sinisilaw at sinusuhulan sila ng siyudad. Nang umalis sila sa probinsiya, hindi nila alam na ito ang kanilang kahihinatnan. Tiwalang makakakita ng trabahong maipagmamalaki nila. Ibinilad ang kanilang mga sarili sa araw at sinuong ang ulan habang namamalimos ng pera o isang takal ng bigas bago makarating sa Hanoi.
  • 5. Mahal kong mambabasa, isipin mo lang ang Hanoi: kalye bawat kalye. Isipin mo ang isang pagod na magsasakang naliligaw sa pasikot-sikot na siyudad. Bawat kalye’y may bahay, daanan, at eskinitang tila pare-pareho at walang katapusan. Isang magsasaka ang lakad nang lakad, napapagod, at tumitigil. Nagugutom siya ngunit walang makain, dahil wala siyang pera. Nais niyang magpahinga ngunit walang matuluyan, dahil wala siyang pambayad. Pagod man siya, kailangan niyang sumulong. Magdahan-dahan man, hindi na siya makausad. At sa malas, di siya pinahintulutang tumigil sa siyudad, at kailangan niyang maglakad, pasok nang pasok sa bawat kalye, minsa’y paikot-ikot nang hindi alam kung saan pupunta. Pagdating ng interseksyon, nakakita siya ng kulumpon ng mga tao. Sa tingin niya’y taga-probinsya ang mga ito, tumigil siya. Isang mukhang matalinong matandang babae, na may gintong hikaw, at tila mayaman ang dating, ang kumaway, hudyat upang tumigil ang magsasaka. Malakas ang kanyang boses: “Hoy, saan ka pupunta, pagod na pagod ka? Gusto mo ba ng trabaho? Halika, dali!” 18 Natuwa ang magsasaka dahil nakasalubong siya ng isang taga-siyudad na handang makipag-usap. Ngunit para saan? Naawang binanggit ng babae na tutulungan siyang makahanap ng trabaho! Kaya, sa loob ng ilang araw, mayroon siyang makakain habang tumitigil sa pinto ng isang bahay-kainan o sa tabi ng isang sinehan. Kung tutuusin, ganito ang istorya ng lahat ng mga magsasaka. Ilang interseksiyon mayroon ang siyudad? Ilang trabaho ang nakalaan para sa sawing nilalang na nagnanais pumasok sa kalakal ng mga kasambahay? Ilan ang bilang ng ganitong trahedyang nagaganap bawat araw sa siyudad?
  • 6. Ang labintatlong nilalang na ito ay katulad ng mga gamugamong nasilaw sa liwanag ng kalunsuran. Pinatuloy sila ng tiwalang may-ari ng bahay-kainan sa isang sulok ng kaniyang tirahan. Sa araw, naroon sila’t nakahambalang sa kalsada. Habang naghihintay ng trabaho, untiunti nilang ginagastos ang kanilang naitatabing pera. Kapag walang natira at wala pa ring trabaho, at walang madilihensiya, kinakailangan na nilang itaya ang kanilang buhay. Ang mga babae ay nasadlak sa pagbebenta ng laman at ang lalaki’y nakagagawa ng krimen. At ngayon, bago pa lumala ang kalagayan, sila’y nakahimlay at tahimik na naghihintay sa unos na darating.
  • 7. Pagpapayaman Pasasagutan ang graphic organizer na nagpapakita ng katotohanan, kabutihan, at kagandahan na napakinggan sa nobela. Magdidikit ng larawan kaugnay nito ang mga mag-aaral. Katotohanang napakinggan sa Nobela Kabutihang napakinggan sa Nobela Kagandahang napakinggan sa Nobela Mga Pangyayaring Napakinggan mula sa Nobela