Florante at Laura
Florante Balagtas
ang Kasaysayan ng Florante at Laura
mga tauhan ng Florante at laura
ang pag-iibigan nina Florante at Laura
kasaysayan ng Balagtasan
mga aral ng Florante at Laura
mga tagpuang nakapaloob dito
Mullah Nassreddin (Anekdota mula sa Persia/ Iran)Eleizel Gaso
Ang mag-aaral ay nakapanghihikayat tungkol sa kagandahan ng alinmang bansa batay sa binasang akdang pampanitikan
Nasusuri ang binasang anekdota batay sa:paksa, tauhan, tagpuan, motibo ng awtor, paraan ng pagsulat F10PB-IIIb-81
1. Natutukoy ang kahulugan ng anekdota
2. Nasusuri ang binasang anekdota batay sa paksa, tauhan, tagpuan, motibo ng awtor, paraan ng pagsulat
3. Nakasusulat ng anekdota tungkol sa mga dating karanasan nang may pagpapahalaga
Florante at Laura
Florante Balagtas
ang Kasaysayan ng Florante at Laura
mga tauhan ng Florante at laura
ang pag-iibigan nina Florante at Laura
kasaysayan ng Balagtasan
mga aral ng Florante at Laura
mga tagpuang nakapaloob dito
Mullah Nassreddin (Anekdota mula sa Persia/ Iran)Eleizel Gaso
Ang mag-aaral ay nakapanghihikayat tungkol sa kagandahan ng alinmang bansa batay sa binasang akdang pampanitikan
Nasusuri ang binasang anekdota batay sa:paksa, tauhan, tagpuan, motibo ng awtor, paraan ng pagsulat F10PB-IIIb-81
1. Natutukoy ang kahulugan ng anekdota
2. Nasusuri ang binasang anekdota batay sa paksa, tauhan, tagpuan, motibo ng awtor, paraan ng pagsulat
3. Nakasusulat ng anekdota tungkol sa mga dating karanasan nang may pagpapahalaga
Ang presentasyong ito ay nagpapakilala sa kaligirang pangkasaysayan ng Noli Me Tangere ni Dr. Jose Rizal. Paano nga ba ito nabuo, ano ang inspirasyon, kailan nasimulan at bakit isinulat?
MGA AKDA AT WIKANG INARAL NI RIZAL
Nakasaad sa textong ito ang iba't ibang wikang inaral ni Rizal at ang istorya kung paano niya ito napag-aralan. Dito din nakasaad ang mga akdang kanyang sinulat kagaya ng Noli me tangere at el filibusterismo. Tinatalakay ng texto na ito ang mga tauhan at ang buod ng mga pangyayari sa mga nobela ni Rizal.
Maraming matututunan na impormasyon tungkol sa mga talento ni Rizal partikular na sa pagsalita at pagsulat. Kaya halika na't basahin ang textong ito para mas lumawak ang inyong mga kaalaman.
Ang Noli Me Tangere ay isang nobelang nilikha ni Dr. Jose Rizal, isang pambansang bayani ng Pilipinas. Ang nobelang ito ay nilikha mula 1884 hanggang 1887 bilang isang panawagan para sa pagbabago sa panahon ng kolonisasyon ng Espanya sa Pilipinas. Nilikha ang nobela sa Europa, partikular na sa Madrid, Espanya, kung saan nanirahan si Rizal noong mga panahong iyon. Layunin ng nobela na ipakita ang mga pag-abuso at kawalang-katarungan na dinanas ng mga Pilipino mula sa mga prayle at Kastila. Sa pamamagitan ng Noli Me Tangere, inaasam ni Rizal na magkaroon ng kamalayan ang mga Pilipino at itaguyod ang pag
Ang "Noli Me Tangere" ay Latin at nangangahulugang "Huwag Mo Akong Salingin" sa Tagalog. Ito ay mula sa mga salitang biblikal na matatagpuan sa Ebanghelyo ni Juan, kung saan sinabi ni Hesus kay Maria Magdalena na huwag siyang salingin.
Para sa asignaturang Filipino: Kahulugan, Uri, Elemento, Layunin, Katangian, Kaligirang Pangkasaysayan at Mga Kilalang Manunulat ng Nobela.
Gramatika: Pagbibigay-komentaryo
Pleasenote: Kung gagamitin po, kindly messaged me at my facebook account listed on my slieshare profile. Tnx!
1. F9PN-IVa-b-56
Batay sa napakinggan, natitiyak ang
kaligirang pangkasaysayan ng akda sa
pamamagitan ng :
- pagtukoy sa layunin ng may-akda sa
pagsulat nito
- pagtukoy sa mga kondisyon ng
lipunan sa panahong isinulat ito
- pagpapatunay sa pag-iral pa ng mga
kondisyong ito sa kasalukuyang
panahon sa lipunang Pilipino
F9PU-IVa-b-58
Naitatala ang nalikom na datos sa
pananaliksik
4. 1. Ilarawan ang kalagayang panlipunan ng
Pilipinas na iyong nasalamin sa napanood na
video.
2. Sa inyong palagay, sinu- sino ang nag-
udyok sa mga Pilipino na lumaban sa mga
dayuhang kastila?
3. Anong pamamaraan ang ginamit ng mga
Pilipino upang makalaya sa mga Kastila?
4. Sa panahon ngayon, umiiral pa rin ba ang
kondisyong panlipunan noong panahon ng
kastila? Patunayan ang kasagutan.
5. KALIGIRANG KASAYSAYAN NG NOLI ME TANGERE
Marso 21, 1887
Unang nobela ni Rizal ang Noli Me Tangere. Inilatha ito noong 26
taong gulang siya. Naging instrumento ang aklat na ito upang makabuo
ang mga Pilipino ng pambansang pagkakakilanlan. Sa di-tuwirang
paraan, nakaimpluwensiya ito sa pagsiklab ng rebolusyonkahit si Rizal
mismo ay nanananalig sa isang mapayapang pagkilos at sa tuwirang
representasyon ng kolonya sa pamahalaang Espanyol. Sinulat sa wikang
Espanyol ang Noli, ang wika ng mga edukado noong panahong yaon.
Sa Noli Me Tangere, ipinakita ni Rizal ang pang-aabuso sa mga
Pilipino ng mga opisyal at prayleng Espanyol. Layunin niya na tawagin
ang pansin ng Espanya ssa mga repormang kailangang ipatupad sa
Pilipinas.
6. Sa loob ng mga buwan na ito, tinapos ni Rizal ang novela sa
Wilhelmsfeld, Alemanya ngunit wala pang pamagat.
Habang iniimprenta ang novela ni Rizal, saka lang siya
nakapagdesisyon ng pamagat para dito. Sa kanyang sulat kay Felix R.
Hidalgo, binanggit ni Rizal na hinugot niya ang pamagat na “Noli Me
Tangere” sa Ebanghelyo ni Lucas. Ngunit nagkamali si Rizal sa
pagbanggit ng pinagkunan dahil nakuha niya ito sa Ebanghelyo ni Juan,
Kapitulo 20, versikulo 13-17. Ang bahaging ito bibliya ay nagsalaysay sa
araw ng “Easter Sunday,” ang ikatlong araw ng kamatayan ni Kristo kung
saan nabuhay siya muli at nagkita sila ni Maria Magdalena: “Huwag mo
akong salingan, dahil hindi ko nakasasama ang aking Ama sa langit.”
7. Inumpisahan ni Rizal ang pagsulat sa novela sa Madrid at
natapos ang unang kalahati. Pagkatapos ng kanyang pag-aaral sa CUM,
ipinagpatuloy ni Rizal ang pagsusulat sa novela sa Paris, Fransya kung
saan natapos niya ang kalahati ng ikawalang kalahati ng novela. Sa
Berlin, Alemanya natapos ni Rizal ang nobela. Ibinigay ni Vicente Blasco
Ibañez, isang bantog na manunulat, ang kanyang serbisyo bilang
tagapayo ni Rizal at tagabasa ng kanyang sinulat.
Ang “Uncle Tom’s Cabin” ni Harriet Beecher Stowe ang nagbigay
ng ideya kay Rizal na sulatin ang Noli. Ang nobelang ito ay pumapaksa sa
kalupitan at kaapihang sinapit ng mga aliping Negro sa kamay ng mga
panginoong putting Amerikano. Sa Noli, inihambing ito ni Rizal sa
kapalarang sinapit ng mga Pilipino sa kamay ng mga Espanyol.
8. Mahihinuha ang persekusyon sa kaniya sa liham ni Rizal
sa Litoměřice: "Gumawa ng maraming ingay ang libro ko; kahit saan,
tinatanong ako ukol rito. Gusto nila akong gawing excommunicado dahil
doon . . . pinagbibintangan akong espiya ng mga Aleman, ahente ni
Bismarck, sinasabi nila na Protestante ako, isang Mason, isang
salamangkero, isang abang kaluluwa. May mga bulong na gusto ko raw
gumawa ng plano, na mayroon akong dayuhang pasaporte at gumagala
ako sa kalye pagkagat ng dilim ... "
9. Ang pamagat ng "Noli Me Tangere" ay salitang Latin na ang ibig
sabihin sa Tagalog ay "Huwag Mo Akong Salingin" na hango sa
Ebanghelyo ni San Juan Bautista. Itinulad niya ito sa isang bulok sa
lipunan na nagpapahirap sa buhay ng isang tao.
Hindi napadalhan si Rizal ng perang panggastos mula sa
Pilipinas kaya siya’y nagutom at nagkasakit. Sa kanyang pagkagutom,
siya ay dumadalo sa mga pagdiriwang nang hindi naman inaanyaya (gate
crasher). Halos nawalan na siya ng pag-asa na mailimbag ang novela
kaya napag-isipang sunugin ito.Salamat na lamang at dumating si Dr.
Maximo Viola, isang dating kamag-aaral na siyang tumulong kay Rizal sa
pagpapalathala ng novela at nagbigay ng pera upang matugunan ang
mgapangangailangan
10. Gabay na Tanong:
1. Batay sa inyong napakinggan, ano ang naging
layunin ni Dr. Jose Rizal sa pagsulat ng nobelang
Noli Me Tangere?
2. Sinu-sino ang mga taong tumulong sa kanya
hanggang sa matapos limbagin ito?
3. Saan nagmula ang mga ideya ni Rizal upang
sulatin ang nobela?
4. Ano ang nag-udyok kay Rizal upang sulatin ang
nobela?
11. Sa tulong ng concept map, ilahad ang mga
naging impluwensya ng nobelang Noli Me
Tangere sa isipan at damdamin ng mga Pilipino.
12. Sumulat ng 5-10 pangungusap na
may 3-5 talata na nagpapatunay na umiiral
pa hanggang sa kasalukuyan ang kondisyon
ng ating lipunan noong panahon ng mga
Kastila. Sundin ang pamantayan sa pagsulat
ng talata:
PAMANTAYAN PUNTOS
Binubuo ng 5-10 pangungusap
na may 3-5 na talata 5
May kaisahan ang bawat ideya. 5
Wastong gamit ng baybay,salita atbp 5
Ang nilalaman ay batay sa paksa
at tema 5_
KABUUAN 20
13. Panuto: Tukuyin kung tama o mali ang
pangungusap na may kondisyong panlipunan
batay sa kasaysayan ng Noli. Lagyan ng /
kung tama at x kung mali.
_____1. Pagsasamantala ng mga
makapangyarihan, mananampalataya
sa mga Indio.
____2. Makataong pakikitungo ng mga
kastila sa mga Pilipino.
_____3. Pantay na karapatan sa larangan ng
pag-aaral ng mga Kastila at mga Pilipino.
_____4. Pagkakaroon ng digmaan sa pagitan
ng Hapones at Amerikano.
_____5. Kawalan ng kalayaan sa pananalita at
panulat.
14. Magsaliksik tungkol sa
Talambuhay ni Dr. Jose Rizal
Pangkat I – Kapanganakan, Magulang at
mga Kapatid
Pangkat II – Pag-aaral
Pangkat III – Mga Sinulat at Paaralang
Pinasukan ni Rizal
Pangkat IV – Buhay Pag-ibig ni Rizal
Pangkat V – Kinahinatnan ni Rizal