SlideShare a Scribd company logo
Kalayaan Sa Rehas na Bakal
                                    Ni: Liezel Ann M. Aguilar
                                    BSEd 4A- Filipino Major

        Sampung taon na ang nakararaan matapos akong hatulan ng Reclusion Perpetua o
Habang Buhay na Pagkabilanggo.Maaaring pinagkaitan ako ng pagmamahal pero kailanman,
hindi ko pinagsisisihan ang aking mga ginawa.
        Mula pagkabata, tanging hangad ko na magkaroon magmamahal.Ang magbibigay ngiti sa
tigang kong mga labi.Higit sa lahat, magkaroon ng pamilyang pupuno sa puwang ng aking
buhay.Sa kabutihang palad, lahat ng ito’y sinimulan ni Henaro. Minahal niya ako ng labis sa
kabila ng aking nakaraan.Hindi niya inisip na ako’y produkto ng matitingkad na ilaw sa ilalim ng
makulimlim na gabi. Sinagip niya ako sa impyernong mundo at sa mga taong nagnanasa sa mura
kong katawan.

       Ibinahay ako ni Henaro, payak man ang aming pamumuhay punong-puno naman ito ng
pagmamahal. Pingakuan niya ako ng kasal subalit hindi pa raw sa ngayon.Hindi ako
pinapatrabaho ni Henaro, katwiran niya ayaw niya akong
mapagod, hayaan ko na lamang daw siya na mamasada sa gitna
ng matirik na araw. Inintindi ko na lamang iyon, aalagaan ko
na lamang si Henaro at ang aming magiging mga anak.

       “Anak? Ano ka ba Elisa, ang hirap hirap ng buhay
ngayon tapos naisipan mo pang magka-anak? Anong ipapakain
mo asin at kanin?”Ito ang hindi ko malilimutang pananambitan
ni Henaro matapos akong magkalakas ng loob na ilahad ang pagnanais na magkasupling.Dahil sa
sitwasyon na iyon,unti-unti kong kinalimutan ang hangarin na magkaroon ng anak.Mahal ko si
Henaro at naniniwala ako na ang aming pag-ibig ang siyang bubuo sa butas ng aming
pagsasama.

       Isang araw, naisipan kong mamalengke para sa aming pananghalian.Habang abala ako sa
aking pakikipagtawaran, isang boses ang sumambit sa aking katawagan. “Elisa!”ang wika niya.
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman. Matuling tumaas ang balahibo sa aking braso. Alam
ko na! Kilala ko ang swabeng tinig na iyon. Oo nga, si Adolfo. Ang dakila kong suki, ang
pinapasaya ko magdamag, ang pinakikinggan ko sa tuwing siya’y litong-lito. Ang unang lalaking
nagpadama sa akin ng tunay na himig ng pagsuyo. Lumingon ako sa aking kinatatayuan. Nakita
kong nananatili pa rin ang tikas ng kanyang katawan na nadadagdagan pa ng mapang-akit na
sunglass at baril. Ramdam namin ang pagkasabik sa isa’t isa, daig pa namin ang mga kabataan sa
mabilis na pagtibok ng puso. Subalit, pinigilan ko ito, sapagkat alam kong magiging kahati
lamang ako sa pag-ibig kay Adolfo. Isa pa, pulis siya at ayokong pinag-uusapan ang aking
pagkatao sa loob ng buong istasyon.Nagkamustahan kami, sa puntong ito inamin niyang may
pagtingin pa rin siya sa akin. Ipinaliwanag kong may katipan na ako.Umalis siya ng nakangiti.
Dakong alas diyes na ng umaga nang makarating ako sa bahay. Nabigla ako sa malakas
na sampal na salubong ni Henaro sa pawisan kong mukha.; Sino ang lalaking nasa palengke?
Ikaw babae ka, binigyan lamang kita ng ilang oras na kalayaan tapos mangangaliwa ka lang?
Ang lakas din naman ng loob mo!. Sa gitna ng nag-aapoy nag alit ni Henaro ay wala akong
nagawa. Napipi ang aking pananalita,nanaig ang takot sa aking mga labi sapagkat sa unang
pagkakataon ay sinaktan ako ng itinuturing kong perpektong lalaki sa mundo.

       Mula noon ay naging mailap sa akin si Henaro, nagawa niyang pagbantaan ang aking
buhay. Halos hindi ako nakalalabas ng bahay. Tanging mga dingding lamang ang karamay ng
aking mga luha.

       Subalit dumating ang pagkakataon na nalaman ko ang katotohanan. Nagkaroon ng daan
para mapagtanto kong mas nadagdagan pa ang aking kasalanan.Isang litrato ng kumpletong
pamilya ang natagpuan ko sa naiwan na folder ni Henaro. Nanghina ang aking mga tuhod.
Inakala kong nakawala na ako sa hawla ng kasalanan subalit hindi pa pala.

       Kinagabihan, dumating si Henaro, lasing na lasing ito, Naging matigas ako. Hindi ko siya
inasikaso o pinansin man lang. Nandidiri ako sa kanyang mga hawak.Nasusuka ako sa kanyang
mga halik, Niloko niya ako!

       Nairita si Henaro sa aking inasta. Sinatyan niya ako, binugbog. Hinawakan niya ang
mahaba kong buhok at kinaladkad patungong kusina. Pero, nanaig ata ang awa ko sa sarili. Pilit
kong inabot ang patalim na nasa drawer at ng matagumpay kong natamo hindi ko na pinalipas
ang sandali. Lumagablab ang aking galit. Itinanim ko sa kanyang dibdib ang instrumento ng
kamatayan.Bumuhos ang pulang likido. Hinayaan kong nakabulagta ang katawan nito.Matapos
ng pangyayaring yaon ay naging mabilis ang aking pagtahak sa daan. Malamig ang pawis na
tumulo sa aking buong katawan.

       Sa wakas, nailabas ko rin ang pighating matagal ko nang kinimkim.Tumigil ako sa
pagtakbo, hirap na hirap ako sa paghinga’t natulala. Hanggang sa narinig ko ang romorondang
mga pulis, papalapit na.. naabutan nila ang aking kinalalatagan.

        Alam kong labag sa batas ng Diyos ang aking ginawa. Subalit wala
akong pinagsisisihan. Mahal ko ang akig sarili at hindi ko hahayaang
malagutan ng hininga na pinagkaitan ng kalayaan.Ngayon , heto ako sa
piitan.Nakakulong man akong ituring ngunit dito ako naging tunay na
malaya. Malayo sa mga taong mapagpintas at mapanlamang sa aking
kahinaan
Patikim Naman!
                                    Ni: Liezel Ann M. Aguilar
                                    BSEd 4A- Filipino Major


       “Tatsulok, ako ay nahulog, nilinlang niloko alam ko na ang sikreto mo”.

       Sa tuwing naririnig ko ang linya ng tugtuging ito, hindi ko maiwasang manghinayang sa
kapirasong papel na hinulog ko sa kwadradong lalagyan.

`Nilinlang ako ng mga panahong iyon. Nilinlang ng balat kayong ngiti at pagbati. Mabilis na
nahulog ang loob ko sa kanila. Napa-ibig ng isang sulyap na pagtingin at pagbisita sa munti kong
tahanan. Hindi lumagi sa aking isipan na panay rin pala ang paglagay nila ng konsentradong
alcohol sa malaporselang mga kamay upang mapawi ang mikrobyong mula pa sa kamay ng mga
hindi kilalang nilalang.

         Niloko nila ako. Niloko ng mga namumulaklak na pangako buhat sa talumpati.Hanggang
ngayon, hindi ko pa rin napagmamasadan ang mga pinag-usapang plano. Tila bituin sa
kalawakan ang hirap gawing konstelesyon.Dahilan nila, walang sapat na pondo para sa mga
ito.Bakit, wala bang magawang paraan?Sabi nga sa kanta,“ Kung ayaw may dahilan kung gusto
ay laging merong paraan”.Siguro talagang manhid lamang ang kanilang katawan. Papaano ba
naman kasi, nasa trono na, nasa ikatlong palapag na ata. Hindi na magawang kumurba ng mga
labi, tipid lang? Ewan.

       Magtatatlong taon na rin ang lumipas.Tuwang-tuwa naman ako sa nakita. Hiyang-hiya
naman ako sa sitwasyon nila. Kinain na ba nila ang gintong kaban ng bayan kaya lumubo ang
tiyan?Malamang busog na busog ang kanilang sikmura sa inihaw na manok at lechong baboy na
ulam samantalang sabaw at buto-buto lamang na mula pa sa basurahan ang laman ng tiyan ng
bawat mamamayan. Marahil hindi nila alam, dahil nagbubulagbulagan at nagbibingibingihan
lamang sila.

        Alam kong mas mahalaga ang kumikislap nilang pangalan. Ang pakikipagdebatehan sa
ibang pinuno. Ang ipamalas ang tunay na galing at talino sa loob ng kamara.Ngayon, natitiyak
kong abala na naman ang mga ito sa kantang ipapasikat na kanta upang makapang-akit ng mga
uutuin.

       Mulat na ang aking mga mata. Bulgar na ang kanilang lihim. Kailanman, mananatili ang
lamat na sila ang nagbigay ng sugat.

       Sa sarap na inyong nilalasap tanong ko lang, pwede bang patikim naman?
Aninag ng Bagong Pag-apak
                 Ni: Liezel Ann M. Aguilar
                 BSEd 4A- Filipino Major


        Nadadama ko na ang ihip ng hangin,
      Ang lagaslas ng dahon sa bintang madilim.
       Nakikita ko na ang papalapit na liwanag,
   Liwanag na papawi sa karimliman ng aking bitag.

      Napapawi na ang hapdi sa aking mga daliri
   Dulot ng matiyagang paglathala ng sariling binhi.
    Bumabalik na ang kasariwaan ng aking isipan,
Na minsa’y naging tigang sa labis na pakikipagsapalaran.

    Naibibigay ko na ang katuturan sa huni ng ibon,
      Ang sarap ng himig at lirikong baon-baon.
    Sumasaklaw na sa mundo kong dati’y pawisan,
    Heto’t nagbibigay ng kulay sa obrang karanasan.

    Togang pinapangarap, salamin ng paghihirap,
   Entabladong tinatanaw, unti-unting malalanghap.
     Upang nakahanay, mamamalagi rin minsan,
   Makakatapak din sa hagdang kaparis ay palayan.

       Maihahandog ko na, ngiti sa aking irog.
  Maisasabit ko rin, gintong produktong ikinalulugod.
      Rolyong papel, sagisag ng aking pagtahak,
   Totoo nga, ito, ang aninag ng bagong pag-apak.
Kalayaan sa rehas na bakal 2

More Related Content

What's hot

Modyul 7 pagsusuri ng akda batay sa teoryang feminismo
Modyul 7 pagsusuri ng akda batay sa teoryang feminismoModyul 7 pagsusuri ng akda batay sa teoryang feminismo
Modyul 7 pagsusuri ng akda batay sa teoryang feminismo
dionesioable
 
Start of a dream (completed)
Start of a dream (completed)Start of a dream (completed)
Start of a dream (completed)Moon Jeung
 
Ang kuwento ni mabuti
Ang kuwento ni mabutiAng kuwento ni mabuti
Ang kuwento ni mabutiMildred Datu
 
Paglalarawan ng idea_at_damdamin
Paglalarawan ng idea_at_damdaminPaglalarawan ng idea_at_damdamin
Paglalarawan ng idea_at_damdaminicgamatero
 
Tula bulaklak ng lahing kalinis linisan
Tula bulaklak ng lahing kalinis linisanTula bulaklak ng lahing kalinis linisan
Tula bulaklak ng lahing kalinis linisan
DepEd
 
Planeta, Buwan at Mga Bituin ni elpidio p. Kapulong
Planeta, Buwan at Mga Bituin ni elpidio p. KapulongPlaneta, Buwan at Mga Bituin ni elpidio p. Kapulong
Planeta, Buwan at Mga Bituin ni elpidio p. KapulongHanna Elise
 
P e r f e c t m a t c h copy
P e r f e c t m a t c h copyP e r f e c t m a t c h copy
P e r f e c t m a t c h copyKp Ahdhik
 
Mabangis na kamay ... Maamong Kamay
Mabangis na kamay ... Maamong KamayMabangis na kamay ... Maamong Kamay
Mabangis na kamay ... Maamong KamayHanna Elise
 
Uhaw sa tigang na lupa
Uhaw sa tigang na lupaUhaw sa tigang na lupa
Uhaw sa tigang na lupa
DepEd
 
Ang Kwento ni Mabuti ni Genoveva Matute
Ang Kwento ni Mabuti ni Genoveva MatuteAng Kwento ni Mabuti ni Genoveva Matute
Ang Kwento ni Mabuti ni Genoveva Matute
yaminohime
 
Florante at laura
Florante at lauraFlorante at laura
Florante at laura
Noemi Dela Cruz
 
Florante at laura
Florante at lauraFlorante at laura
Florante at lauraCj Obando
 
Mga halimbawa ng mga uri ng maikling kwento
Mga halimbawa ng mga uri ng maikling kwentoMga halimbawa ng mga uri ng maikling kwento
Mga halimbawa ng mga uri ng maikling kwentoTheresa Lorque
 

What's hot (20)

Modyul 7 pagsusuri ng akda batay sa teoryang feminismo
Modyul 7 pagsusuri ng akda batay sa teoryang feminismoModyul 7 pagsusuri ng akda batay sa teoryang feminismo
Modyul 7 pagsusuri ng akda batay sa teoryang feminismo
 
Start of a dream (completed)
Start of a dream (completed)Start of a dream (completed)
Start of a dream (completed)
 
Ang kuwento ni mabuti
Ang kuwento ni mabutiAng kuwento ni mabuti
Ang kuwento ni mabuti
 
Paglalarawan ng idea_at_damdamin
Paglalarawan ng idea_at_damdaminPaglalarawan ng idea_at_damdamin
Paglalarawan ng idea_at_damdamin
 
11 digits
11 digits11 digits
11 digits
 
Tula bulaklak ng lahing kalinis linisan
Tula bulaklak ng lahing kalinis linisanTula bulaklak ng lahing kalinis linisan
Tula bulaklak ng lahing kalinis linisan
 
Planeta, Buwan at Mga Bituin ni elpidio p. Kapulong
Planeta, Buwan at Mga Bituin ni elpidio p. KapulongPlaneta, Buwan at Mga Bituin ni elpidio p. Kapulong
Planeta, Buwan at Mga Bituin ni elpidio p. Kapulong
 
Ap modyul
Ap modyulAp modyul
Ap modyul
 
P e r f e c t m a t c h copy
P e r f e c t m a t c h copyP e r f e c t m a t c h copy
P e r f e c t m a t c h copy
 
Mabangis na kamay ... Maamong Kamay
Mabangis na kamay ... Maamong KamayMabangis na kamay ... Maamong Kamay
Mabangis na kamay ... Maamong Kamay
 
Ang bulag at ang pilay
Ang bulag at ang pilayAng bulag at ang pilay
Ang bulag at ang pilay
 
sadist-lover
sadist-loversadist-lover
sadist-lover
 
Uhaw sa tigang na lupa
Uhaw sa tigang na lupaUhaw sa tigang na lupa
Uhaw sa tigang na lupa
 
Ang Kwento ni Mabuti ni Genoveva Matute
Ang Kwento ni Mabuti ni Genoveva MatuteAng Kwento ni Mabuti ni Genoveva Matute
Ang Kwento ni Mabuti ni Genoveva Matute
 
a story
a storya story
a story
 
Florante at laura
Florante at lauraFlorante at laura
Florante at laura
 
Project
ProjectProject
Project
 
Florante at laura
Florante at lauraFlorante at laura
Florante at laura
 
Kay estella zeehandelaar
Kay  estella  zeehandelaarKay  estella  zeehandelaar
Kay estella zeehandelaar
 
Mga halimbawa ng mga uri ng maikling kwento
Mga halimbawa ng mga uri ng maikling kwentoMga halimbawa ng mga uri ng maikling kwento
Mga halimbawa ng mga uri ng maikling kwento
 

Similar to Kalayaan sa rehas na bakal 2

Filipino8
Filipino8Filipino8
Filipino8
marryrosegardose
 
414490004-Ang-Reyna-ng-Espada-at-mga-Pusa-Powerpoint-pptx.pdf
414490004-Ang-Reyna-ng-Espada-at-mga-Pusa-Powerpoint-pptx.pdf414490004-Ang-Reyna-ng-Espada-at-mga-Pusa-Powerpoint-pptx.pdf
414490004-Ang-Reyna-ng-Espada-at-mga-Pusa-Powerpoint-pptx.pdf
YasmienAnnGarcia
 
665502984-Talambuhay-Ni-Jose-Corazon-de-Jesus.pdf
665502984-Talambuhay-Ni-Jose-Corazon-de-Jesus.pdf665502984-Talambuhay-Ni-Jose-Corazon-de-Jesus.pdf
665502984-Talambuhay-Ni-Jose-Corazon-de-Jesus.pdf
SamNavarro13
 
Worksheet 2 Sanaysay
Worksheet 2 SanaysayWorksheet 2 Sanaysay
Worksheet 2 Sanaysay
Arlyn Duque
 
Alamat ni tungkung langit
Alamat ni tungkung langitAlamat ni tungkung langit
Alamat ni tungkung langit
isabel guape
 
Literature 1 - Project
Literature 1 - ProjectLiterature 1 - Project
Literature 1 - Project
Maicxhin20
 
Literature 1 (Project)
Literature 1 (Project)Literature 1 (Project)
Literature 1 (Project)
Maicxhin20
 
Tayutay
TayutayTayutay
Aralin 2.5.pptx
Aralin 2.5.pptxAralin 2.5.pptx
Aralin 2.5.pptx
donna123374
 
Mga katulong sa bahay (akda mula sa vietnam)
Mga katulong sa bahay (akda mula sa vietnam)Mga katulong sa bahay (akda mula sa vietnam)
Mga katulong sa bahay (akda mula sa vietnam)
Arlyn Duque
 
Isang Dipang Langit- Final
Isang Dipang Langit- FinalIsang Dipang Langit- Final
Isang Dipang Langit- Final
czareaquino
 
The untold story
The untold storyThe untold story
The untold story
Jenita Guinoo
 
Maikling Kuwento ni Mabuti, gabay sa pagbasa
Maikling Kuwento ni Mabuti, gabay sa pagbasaMaikling Kuwento ni Mabuti, gabay sa pagbasa
Maikling Kuwento ni Mabuti, gabay sa pagbasaNeri Zara
 
Ang Pagsusuri ng Likhang Tula - Efril Jane Tabios-Fil.414.pptx
Ang Pagsusuri ng Likhang Tula - Efril Jane Tabios-Fil.414.pptxAng Pagsusuri ng Likhang Tula - Efril Jane Tabios-Fil.414.pptx
Ang Pagsusuri ng Likhang Tula - Efril Jane Tabios-Fil.414.pptx
EfrilJaneTabios1
 
Kay Estella Zeehandelaar
Kay Estella ZeehandelaarKay Estella Zeehandelaar
Kay Estella Zeehandelaar
Joemel Rabago
 
filipino nobela.pptx
filipino nobela.pptxfilipino nobela.pptx
filipino nobela.pptx
AiraOlandres2
 

Similar to Kalayaan sa rehas na bakal 2 (20)

Filipino8
Filipino8Filipino8
Filipino8
 
414490004-Ang-Reyna-ng-Espada-at-mga-Pusa-Powerpoint-pptx.pdf
414490004-Ang-Reyna-ng-Espada-at-mga-Pusa-Powerpoint-pptx.pdf414490004-Ang-Reyna-ng-Espada-at-mga-Pusa-Powerpoint-pptx.pdf
414490004-Ang-Reyna-ng-Espada-at-mga-Pusa-Powerpoint-pptx.pdf
 
Kwento
KwentoKwento
Kwento
 
665502984-Talambuhay-Ni-Jose-Corazon-de-Jesus.pdf
665502984-Talambuhay-Ni-Jose-Corazon-de-Jesus.pdf665502984-Talambuhay-Ni-Jose-Corazon-de-Jesus.pdf
665502984-Talambuhay-Ni-Jose-Corazon-de-Jesus.pdf
 
Worksheet 2 Sanaysay
Worksheet 2 SanaysayWorksheet 2 Sanaysay
Worksheet 2 Sanaysay
 
Alamat ni tungkung langit
Alamat ni tungkung langitAlamat ni tungkung langit
Alamat ni tungkung langit
 
Alamat ni tungkung
Alamat ni tungkungAlamat ni tungkung
Alamat ni tungkung
 
Literature 1 - Project
Literature 1 - ProjectLiterature 1 - Project
Literature 1 - Project
 
Literature 1 (Project)
Literature 1 (Project)Literature 1 (Project)
Literature 1 (Project)
 
Tayutay
TayutayTayutay
Tayutay
 
Aralin 2.5.pptx
Aralin 2.5.pptxAralin 2.5.pptx
Aralin 2.5.pptx
 
Mga katulong sa bahay (akda mula sa vietnam)
Mga katulong sa bahay (akda mula sa vietnam)Mga katulong sa bahay (akda mula sa vietnam)
Mga katulong sa bahay (akda mula sa vietnam)
 
project in AP
project in APproject in AP
project in AP
 
Isang Dipang Langit- Final
Isang Dipang Langit- FinalIsang Dipang Langit- Final
Isang Dipang Langit- Final
 
The untold story
The untold storyThe untold story
The untold story
 
Maikling Kuwento ni Mabuti, gabay sa pagbasa
Maikling Kuwento ni Mabuti, gabay sa pagbasaMaikling Kuwento ni Mabuti, gabay sa pagbasa
Maikling Kuwento ni Mabuti, gabay sa pagbasa
 
Ang Pagsusuri ng Likhang Tula - Efril Jane Tabios-Fil.414.pptx
Ang Pagsusuri ng Likhang Tula - Efril Jane Tabios-Fil.414.pptxAng Pagsusuri ng Likhang Tula - Efril Jane Tabios-Fil.414.pptx
Ang Pagsusuri ng Likhang Tula - Efril Jane Tabios-Fil.414.pptx
 
Filipino ix
Filipino ixFilipino ix
Filipino ix
 
Kay Estella Zeehandelaar
Kay Estella ZeehandelaarKay Estella Zeehandelaar
Kay Estella Zeehandelaar
 
filipino nobela.pptx
filipino nobela.pptxfilipino nobela.pptx
filipino nobela.pptx
 

Kalayaan sa rehas na bakal 2

  • 1. Kalayaan Sa Rehas na Bakal Ni: Liezel Ann M. Aguilar BSEd 4A- Filipino Major Sampung taon na ang nakararaan matapos akong hatulan ng Reclusion Perpetua o Habang Buhay na Pagkabilanggo.Maaaring pinagkaitan ako ng pagmamahal pero kailanman, hindi ko pinagsisisihan ang aking mga ginawa. Mula pagkabata, tanging hangad ko na magkaroon magmamahal.Ang magbibigay ngiti sa tigang kong mga labi.Higit sa lahat, magkaroon ng pamilyang pupuno sa puwang ng aking buhay.Sa kabutihang palad, lahat ng ito’y sinimulan ni Henaro. Minahal niya ako ng labis sa kabila ng aking nakaraan.Hindi niya inisip na ako’y produkto ng matitingkad na ilaw sa ilalim ng makulimlim na gabi. Sinagip niya ako sa impyernong mundo at sa mga taong nagnanasa sa mura kong katawan. Ibinahay ako ni Henaro, payak man ang aming pamumuhay punong-puno naman ito ng pagmamahal. Pingakuan niya ako ng kasal subalit hindi pa raw sa ngayon.Hindi ako pinapatrabaho ni Henaro, katwiran niya ayaw niya akong mapagod, hayaan ko na lamang daw siya na mamasada sa gitna ng matirik na araw. Inintindi ko na lamang iyon, aalagaan ko na lamang si Henaro at ang aming magiging mga anak. “Anak? Ano ka ba Elisa, ang hirap hirap ng buhay ngayon tapos naisipan mo pang magka-anak? Anong ipapakain mo asin at kanin?”Ito ang hindi ko malilimutang pananambitan ni Henaro matapos akong magkalakas ng loob na ilahad ang pagnanais na magkasupling.Dahil sa sitwasyon na iyon,unti-unti kong kinalimutan ang hangarin na magkaroon ng anak.Mahal ko si Henaro at naniniwala ako na ang aming pag-ibig ang siyang bubuo sa butas ng aming pagsasama. Isang araw, naisipan kong mamalengke para sa aming pananghalian.Habang abala ako sa aking pakikipagtawaran, isang boses ang sumambit sa aking katawagan. “Elisa!”ang wika niya. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman. Matuling tumaas ang balahibo sa aking braso. Alam ko na! Kilala ko ang swabeng tinig na iyon. Oo nga, si Adolfo. Ang dakila kong suki, ang pinapasaya ko magdamag, ang pinakikinggan ko sa tuwing siya’y litong-lito. Ang unang lalaking nagpadama sa akin ng tunay na himig ng pagsuyo. Lumingon ako sa aking kinatatayuan. Nakita kong nananatili pa rin ang tikas ng kanyang katawan na nadadagdagan pa ng mapang-akit na sunglass at baril. Ramdam namin ang pagkasabik sa isa’t isa, daig pa namin ang mga kabataan sa mabilis na pagtibok ng puso. Subalit, pinigilan ko ito, sapagkat alam kong magiging kahati lamang ako sa pag-ibig kay Adolfo. Isa pa, pulis siya at ayokong pinag-uusapan ang aking pagkatao sa loob ng buong istasyon.Nagkamustahan kami, sa puntong ito inamin niyang may pagtingin pa rin siya sa akin. Ipinaliwanag kong may katipan na ako.Umalis siya ng nakangiti.
  • 2. Dakong alas diyes na ng umaga nang makarating ako sa bahay. Nabigla ako sa malakas na sampal na salubong ni Henaro sa pawisan kong mukha.; Sino ang lalaking nasa palengke? Ikaw babae ka, binigyan lamang kita ng ilang oras na kalayaan tapos mangangaliwa ka lang? Ang lakas din naman ng loob mo!. Sa gitna ng nag-aapoy nag alit ni Henaro ay wala akong nagawa. Napipi ang aking pananalita,nanaig ang takot sa aking mga labi sapagkat sa unang pagkakataon ay sinaktan ako ng itinuturing kong perpektong lalaki sa mundo. Mula noon ay naging mailap sa akin si Henaro, nagawa niyang pagbantaan ang aking buhay. Halos hindi ako nakalalabas ng bahay. Tanging mga dingding lamang ang karamay ng aking mga luha. Subalit dumating ang pagkakataon na nalaman ko ang katotohanan. Nagkaroon ng daan para mapagtanto kong mas nadagdagan pa ang aking kasalanan.Isang litrato ng kumpletong pamilya ang natagpuan ko sa naiwan na folder ni Henaro. Nanghina ang aking mga tuhod. Inakala kong nakawala na ako sa hawla ng kasalanan subalit hindi pa pala. Kinagabihan, dumating si Henaro, lasing na lasing ito, Naging matigas ako. Hindi ko siya inasikaso o pinansin man lang. Nandidiri ako sa kanyang mga hawak.Nasusuka ako sa kanyang mga halik, Niloko niya ako! Nairita si Henaro sa aking inasta. Sinatyan niya ako, binugbog. Hinawakan niya ang mahaba kong buhok at kinaladkad patungong kusina. Pero, nanaig ata ang awa ko sa sarili. Pilit kong inabot ang patalim na nasa drawer at ng matagumpay kong natamo hindi ko na pinalipas ang sandali. Lumagablab ang aking galit. Itinanim ko sa kanyang dibdib ang instrumento ng kamatayan.Bumuhos ang pulang likido. Hinayaan kong nakabulagta ang katawan nito.Matapos ng pangyayaring yaon ay naging mabilis ang aking pagtahak sa daan. Malamig ang pawis na tumulo sa aking buong katawan. Sa wakas, nailabas ko rin ang pighating matagal ko nang kinimkim.Tumigil ako sa pagtakbo, hirap na hirap ako sa paghinga’t natulala. Hanggang sa narinig ko ang romorondang mga pulis, papalapit na.. naabutan nila ang aking kinalalatagan. Alam kong labag sa batas ng Diyos ang aking ginawa. Subalit wala akong pinagsisisihan. Mahal ko ang akig sarili at hindi ko hahayaang malagutan ng hininga na pinagkaitan ng kalayaan.Ngayon , heto ako sa piitan.Nakakulong man akong ituring ngunit dito ako naging tunay na malaya. Malayo sa mga taong mapagpintas at mapanlamang sa aking kahinaan
  • 3. Patikim Naman! Ni: Liezel Ann M. Aguilar BSEd 4A- Filipino Major “Tatsulok, ako ay nahulog, nilinlang niloko alam ko na ang sikreto mo”. Sa tuwing naririnig ko ang linya ng tugtuging ito, hindi ko maiwasang manghinayang sa kapirasong papel na hinulog ko sa kwadradong lalagyan. `Nilinlang ako ng mga panahong iyon. Nilinlang ng balat kayong ngiti at pagbati. Mabilis na nahulog ang loob ko sa kanila. Napa-ibig ng isang sulyap na pagtingin at pagbisita sa munti kong tahanan. Hindi lumagi sa aking isipan na panay rin pala ang paglagay nila ng konsentradong alcohol sa malaporselang mga kamay upang mapawi ang mikrobyong mula pa sa kamay ng mga hindi kilalang nilalang. Niloko nila ako. Niloko ng mga namumulaklak na pangako buhat sa talumpati.Hanggang ngayon, hindi ko pa rin napagmamasadan ang mga pinag-usapang plano. Tila bituin sa kalawakan ang hirap gawing konstelesyon.Dahilan nila, walang sapat na pondo para sa mga ito.Bakit, wala bang magawang paraan?Sabi nga sa kanta,“ Kung ayaw may dahilan kung gusto ay laging merong paraan”.Siguro talagang manhid lamang ang kanilang katawan. Papaano ba naman kasi, nasa trono na, nasa ikatlong palapag na ata. Hindi na magawang kumurba ng mga labi, tipid lang? Ewan. Magtatatlong taon na rin ang lumipas.Tuwang-tuwa naman ako sa nakita. Hiyang-hiya naman ako sa sitwasyon nila. Kinain na ba nila ang gintong kaban ng bayan kaya lumubo ang tiyan?Malamang busog na busog ang kanilang sikmura sa inihaw na manok at lechong baboy na ulam samantalang sabaw at buto-buto lamang na mula pa sa basurahan ang laman ng tiyan ng bawat mamamayan. Marahil hindi nila alam, dahil nagbubulagbulagan at nagbibingibingihan lamang sila. Alam kong mas mahalaga ang kumikislap nilang pangalan. Ang pakikipagdebatehan sa ibang pinuno. Ang ipamalas ang tunay na galing at talino sa loob ng kamara.Ngayon, natitiyak kong abala na naman ang mga ito sa kantang ipapasikat na kanta upang makapang-akit ng mga uutuin. Mulat na ang aking mga mata. Bulgar na ang kanilang lihim. Kailanman, mananatili ang lamat na sila ang nagbigay ng sugat. Sa sarap na inyong nilalasap tanong ko lang, pwede bang patikim naman?
  • 4. Aninag ng Bagong Pag-apak Ni: Liezel Ann M. Aguilar BSEd 4A- Filipino Major Nadadama ko na ang ihip ng hangin, Ang lagaslas ng dahon sa bintang madilim. Nakikita ko na ang papalapit na liwanag, Liwanag na papawi sa karimliman ng aking bitag. Napapawi na ang hapdi sa aking mga daliri Dulot ng matiyagang paglathala ng sariling binhi. Bumabalik na ang kasariwaan ng aking isipan, Na minsa’y naging tigang sa labis na pakikipagsapalaran. Naibibigay ko na ang katuturan sa huni ng ibon, Ang sarap ng himig at lirikong baon-baon. Sumasaklaw na sa mundo kong dati’y pawisan, Heto’t nagbibigay ng kulay sa obrang karanasan. Togang pinapangarap, salamin ng paghihirap, Entabladong tinatanaw, unti-unting malalanghap. Upang nakahanay, mamamalagi rin minsan, Makakatapak din sa hagdang kaparis ay palayan. Maihahandog ko na, ngiti sa aking irog. Maisasabit ko rin, gintong produktong ikinalulugod. Rolyong papel, sagisag ng aking pagtahak, Totoo nga, ito, ang aninag ng bagong pag-apak.