SlideShare a Scribd company logo
Inihanda ni: Arlyn P. Duque
Mga Katulong sa Bahay
Ni Vei Trong Phung
Salin sa Filipino ni Florentino A. Iniego
(Mula sa Vietnam)
Kabanata 6
Ang Liwanag ng Kalunsuran
Nang sumunod na gabi, bumalik ako sa bahay-kainan. Sa oras na ito, sa halip
na bumalik ako sa kwarto sa itaas na dati kong tinutulugan, binulyawan nila ako. Ako
raw ay isang bugaw, at ang matandang babaeng nagdala ng mga katulong ay di na
nagbalik upang bayaran ang aking upa sa pagtulog.
Ngunit masuwerte pa nga raw ako ngayo’t pinayagang matulog dito sa
tinatawag nilang lagusan, at pababalikin ang matandang babae upang magbayad ng
upa.
Hindi na ako nakipagtalo sa kanila.
Tumuloy lang akong parang walang narinig. Nakatungo ang ulo at mabilis na
dumaan sa kusina at humantong sa patio na tinatawag nilang “lagusan”. Buti na lang,
hindi ako nag-iisa. Higit sa sampung tao ang naroon. Nakahiga at nakaupo sa banig
na nakalatag sa malalapad na tabla habang natatanglawan ng liwanag ng buwan. Tila
tambakan ng tabla ng mga kahoy ang patio ng bahay-kainang ito.
Walang maaninag na kariktan sa lugar na ito. Makikita sa paligid ang marumi,
mataas, manipis na dingding at bubungang nanlilimahid sa kaitiman. Sa kanang
bahagi ay naroon ang kulungan ng manok, sa harap ay ang baradong kanal at ang
alingasaw ng di-umaagos nitong pusali, sa kaliwa ay isang kubetang bukas para sa
publiko. Nalungkot ako sa liwanag ng buwan.
Nang tumabi ako sa mga taong naroon, nakita ko ang tatlong batang nakasama
kong matulog sa kwarto sa itaas dalawang gabi na ang nakalipas. Di man lang
mabanaag ang kalungkutan o pag-aalala sa musmos nilang mga mukha. Samantala,
napakamiserable ng histura ng iba, sa damit pa lang nila’y sapat na masasaksihan ang
paghihirap na kanilang dinanas sa tanang buhay.
May isang kalbong napakaputla ng mukha. Ngunit dahil sa kabataan, tila normal
siyang pagmasdan, at tingin ko’y kalalabas lang niya ng ospital o bilangguan. Nakaupo
siyang dinidilaan ang isang pirasong papel na nababahiran ng itim na sangkap. Noong
una’y di ko alam ang kaniyang ginagawa., ‘yung pala ay hinihimod niya ang tira-tirang
opyo. Ang isa nama’y may napakahabang leeg at may nakatapal na tatlo hanggang
apat na gamut na plaster dito. Nakaupo siya at nakatingala, tulad ng isang astrologo
na nagmamasid sa mga bituin. Ang ikatlong bata ay maingay na nagkakamot, at
habang umuupo siya’y umuubo at dumudura. May isang matandang babae na maayos
ang kasuotan ngunit walang kibo’t buhaghag ang pagmumukha. Nakaupo siyang
hawak ang isang pamaypay na yari sa hiyas na kawayan na ipinapamaypay sa mukha
Inihanda ni: Arlyn P. Duque
ng iba pa na tila kanyang mga anak. Ang anim pang iba, na nakasuot ng gusgusing
damit ng magsasaka, ay mahimbing na natutulog.
Di man lang ako pansinin ng sinuman sa kanila ng mahiga ako sa banig.
Sigurado akong wala silang kapera-pera kaya nga dito sila nakatulog gayundin, tulad
ng kanilang bulsa, wala ring laman ang kanilang tiyan. Samantala, ninais nilang tumigil
dito, hindi dahil sa mabait ang may-ari ng bahay, kundi dahil puwede silang makalabas
upang mamalimos at makabalik upang bumili ng pagkaing inihanda ng may-ari. At
kung mayroon man silang nakulimbat, tiyak na nakahanda rin itong bilhin ng may-ari.
Hindi dahil sa nais ng may-ari na biglang gawing bahay ng kawanggawa ang kaniyang
tahanan.
Sa kanilang hitsura ng pananamit, ang labintatlong ito ay hindi taga siyudad.
Galing sila sa probinsya dahil wala silang mahanap na trabaho roon upang makakain
ng dalawang beses sa isang araw. Sinisilaw at sinusuhulan sila ng siyudad. Nang
umalis sila sa probinsya, hindi nila alam na ito ang kanilang kahihinatnan. Tiwalang
makakakita ng trabahong maipagmamalaki nila. Ibinilad ang kanilang mga sarili sa
araw at sinuong ang ulan habang namamalimos ng pera o isang takal ng bigas bago
makarating sa Hanoi.
Mahal kong mambabasa, isipin mo lang ang Hanoi: kalye bawat kalye. Isipin
mo ang isang pagod na magsasakang naliligaw sa pasikot-sikot na siyudad. Bawat
kalye’y may bahay, daanan at eskinitang pare-pareho at walang katapusan. Isang
magsasaka ang lakad ng lakad, napapagod at tumitigil. Nagugutom siya ngunit walang
makain, dahil wala siyang pera. Nais niyang magpahinga ngunit walang matuluyan,
dahil wala siyang pambayad.
Pagod man siya, kailangan niyang sumulong. Magdahan-dahan man, hindi na
siya makausad. At sa malas, di siya pinahintulutang tumigil sa siyudad, at kailangan
niyang maglakad, pasok nang pasok sa bawat kalye, minsa’y paikot-ikot nang hindi
alam kung saan pupunta. Pagdating ng interseksiyon, nakakita siya ng kulumpon ng
mga tao. Sa tingin niya’y taga-probinsya ang mga ito, tumigil siya. Isang mukhang
matalinong babae, na may gintong hikaw, at tila mayaman ang dating ang kumaway,
hudyat upang tumigil ang magsasaka. Malakas ang kanyang boses: “Hoy, saan ka
pupunta, pagod na pagod ka? Gusto mo ba ng trabaho? Halika, dali!”
Natuwa ang magsasaka dahil nakasalubong siya ng isang taga-siyudad na
handing makipag-usap. Ngunit para saan? Naaawang binanggit ng babae na
tutulungan siyang makahanap ng trabaho! Kaya, sa loob ng ilang araw, mayroon
siyang makakain habang tumitigil sa pinto ng isang bahay-kainan o sa tabi ng isang
sinehan. Kung tutuusin, ganito ang istorya ng lahat ng mga magsasaka. Ilang
interseksiyon mayroon ang siyudad? Ilang trabaho ang nakalaan para sa sawing
nilalang na nagnanais pumasok sa kalakal ng mga kasambahay? Ilan ang bilang ng
ganitong trahedyang nagaganap bawat araw sa siyudad?
Ang labintatlong nilalang na ito ay katulad ng mga gamugamong nasilaw sa
liwanag ng kalunsuran.
Inihanda ni: Arlyn P. Duque
Pinatuloy sila ng tiwalang may-ari ng bahay-kainan sa isang sulok ng kaniyang
tirahan. Sa araw, naroon sila’t nakahambalang sa kalasada. Habang naghihintay ng
trabaho, unti-unti nilang nagagastos ang kanilang naitatabing pera. Kapag walang
natira at wala pa ring trabaho, at walang madilihensya, kinakailangan na nilang itaya
ang kanilang buhay. Ang mga babae ay nasadlak sa pagbebenta ng laman at ang
lalaki’y nakagagawa ng krimen. At ngayon, bago pa lumala ang kalagayan, sila’y
nakahimlay at tahimik na naghihintay sa unos na darating.

More Related Content

What's hot

Ekwilibriyo sa Pamilihan
Ekwilibriyo sa PamilihanEkwilibriyo sa Pamilihan
Ekwilibriyo sa PamilihanPaulene Gacusan
 
Aralin 4 alokasyon at sistemang pang-ekonomiya
Aralin 4 alokasyon at sistemang pang-ekonomiyaAralin 4 alokasyon at sistemang pang-ekonomiya
Aralin 4 alokasyon at sistemang pang-ekonomiyaRivera Arnel
 
EKONOMIKS Grade 9 Aralin 1 Ekonomiks
EKONOMIKS Grade 9 Aralin 1 EkonomiksEKONOMIKS Grade 9 Aralin 1 Ekonomiks
EKONOMIKS Grade 9 Aralin 1 EkonomiksJoy Ann Jusay
 
Ang kababaihan ng taiwan, grade 9 filipino
Ang kababaihan ng taiwan, grade 9 filipinoAng kababaihan ng taiwan, grade 9 filipino
Ang kababaihan ng taiwan, grade 9 filipinoJenita Guinoo
 
Elehiya sa kamatayan ni kuya
Elehiya sa kamatayan ni kuyaElehiya sa kamatayan ni kuya
Elehiya sa kamatayan ni kuyaPRINTDESK by Dan
 
Aralin 1, ang ama, grade 9
Aralin 1, ang ama, grade 9Aralin 1, ang ama, grade 9
Aralin 1, ang ama, grade 9Jenita Guinoo
 
Nagkamali ng Utos
Nagkamali ng UtosNagkamali ng Utos
Nagkamali ng UtosAi Sama
 
Mga batas ng pagkonsumo
Mga batas ng pagkonsumoMga batas ng pagkonsumo
Mga batas ng pagkonsumoMygie Janamike
 
Filipino 9- Pangatnig at Transitional Devices
Filipino 9- Pangatnig at Transitional DevicesFilipino 9- Pangatnig at Transitional Devices
Filipino 9- Pangatnig at Transitional DevicesNemielynOlivas1
 
Edukasyon sa Pagpapakatao 9 YUNIT I - Prinsipyo ng Subsidiarity at Solidarity
Edukasyon sa Pagpapakatao 9 YUNIT I - Prinsipyo ng Subsidiarity at SolidarityEdukasyon sa Pagpapakatao 9 YUNIT I - Prinsipyo ng Subsidiarity at Solidarity
Edukasyon sa Pagpapakatao 9 YUNIT I - Prinsipyo ng Subsidiarity at SolidarityMika Rosendale
 
Ugnayan ng pamilihan at pamahalaan
Ugnayan ng pamilihan at pamahalaanUgnayan ng pamilihan at pamahalaan
Ugnayan ng pamilihan at pamahalaanElneth Hernandez
 

What's hot (20)

Ekwilibriyo sa Pamilihan
Ekwilibriyo sa PamilihanEkwilibriyo sa Pamilihan
Ekwilibriyo sa Pamilihan
 
Filipino 9 Tanka at Haiku
Filipino 9 Tanka at HaikuFilipino 9 Tanka at Haiku
Filipino 9 Tanka at Haiku
 
Aralin 4 alokasyon at sistemang pang-ekonomiya
Aralin 4 alokasyon at sistemang pang-ekonomiyaAralin 4 alokasyon at sistemang pang-ekonomiya
Aralin 4 alokasyon at sistemang pang-ekonomiya
 
Alokasyon
AlokasyonAlokasyon
Alokasyon
 
EKONOMIKS Grade 9 Aralin 1 Ekonomiks
EKONOMIKS Grade 9 Aralin 1 EkonomiksEKONOMIKS Grade 9 Aralin 1 Ekonomiks
EKONOMIKS Grade 9 Aralin 1 Ekonomiks
 
Ang kababaihan ng taiwan, grade 9 filipino
Ang kababaihan ng taiwan, grade 9 filipinoAng kababaihan ng taiwan, grade 9 filipino
Ang kababaihan ng taiwan, grade 9 filipino
 
Kakapusan
KakapusanKakapusan
Kakapusan
 
Elehiya sa kamatayan ni kuya
Elehiya sa kamatayan ni kuyaElehiya sa kamatayan ni kuya
Elehiya sa kamatayan ni kuya
 
Salik Ng Produksyon
Salik Ng ProduksyonSalik Ng Produksyon
Salik Ng Produksyon
 
Aralin 1, ang ama, grade 9
Aralin 1, ang ama, grade 9Aralin 1, ang ama, grade 9
Aralin 1, ang ama, grade 9
 
Nagkamali ng Utos
Nagkamali ng UtosNagkamali ng Utos
Nagkamali ng Utos
 
Mga batas ng pagkonsumo
Mga batas ng pagkonsumoMga batas ng pagkonsumo
Mga batas ng pagkonsumo
 
Filipino 9- Pangatnig at Transitional Devices
Filipino 9- Pangatnig at Transitional DevicesFilipino 9- Pangatnig at Transitional Devices
Filipino 9- Pangatnig at Transitional Devices
 
Edukasyon sa Pagpapakatao 9 YUNIT I - Prinsipyo ng Subsidiarity at Solidarity
Edukasyon sa Pagpapakatao 9 YUNIT I - Prinsipyo ng Subsidiarity at SolidarityEdukasyon sa Pagpapakatao 9 YUNIT I - Prinsipyo ng Subsidiarity at Solidarity
Edukasyon sa Pagpapakatao 9 YUNIT I - Prinsipyo ng Subsidiarity at Solidarity
 
Ekonomiks
EkonomiksEkonomiks
Ekonomiks
 
Tanka at Haiku
Tanka at HaikuTanka at Haiku
Tanka at Haiku
 
Ang buwang hugis suklay
Ang buwang hugis suklayAng buwang hugis suklay
Ang buwang hugis suklay
 
Ugnayan ng pamilihan at pamahalaan
Ugnayan ng pamilihan at pamahalaanUgnayan ng pamilihan at pamahalaan
Ugnayan ng pamilihan at pamahalaan
 
Tiyo simon
Tiyo simonTiyo simon
Tiyo simon
 
Ang hatol ng kuneho
Ang hatol ng kunehoAng hatol ng kuneho
Ang hatol ng kuneho
 

Similar to Mga katulong sa bahay (akda mula sa vietnam)

filipino nobela.pptx
filipino nobela.pptxfilipino nobela.pptx
filipino nobela.pptxAiraOlandres2
 
Kalayaan sa rehas na bakal 2
Kalayaan sa rehas na bakal 2Kalayaan sa rehas na bakal 2
Kalayaan sa rehas na bakal 2aguilarliezelann
 
FILIPINO 9. aNG inabandonang nayon PARA SA.docx
FILIPINO 9. aNG inabandonang nayon PARA SA.docxFILIPINO 9. aNG inabandonang nayon PARA SA.docx
FILIPINO 9. aNG inabandonang nayon PARA SA.docxEnilrihsAvlasEbaf
 
bangkang-papel-ni-genoveva-edroza
bangkang-papel-ni-genoveva-edrozabangkang-papel-ni-genoveva-edroza
bangkang-papel-ni-genoveva-edrozaBay Max
 
Tahanan ng isang sugarol salin ni rustica carpio
Tahanan ng isang sugarol salin ni rustica carpioTahanan ng isang sugarol salin ni rustica carpio
Tahanan ng isang sugarol salin ni rustica carpioCristina Bisquera
 
Andres bonifacio presentation
Andres bonifacio presentationAndres bonifacio presentation
Andres bonifacio presentationMarti Tan
 
Bangkang papel ni genoveva edroza matute
Bangkang papel ni genoveva edroza matuteBangkang papel ni genoveva edroza matute
Bangkang papel ni genoveva edroza matuteJeremiah Nayosan
 
Bachelor of science in secondary education major in filipino ii
Bachelor of science in secondary education major in filipino iiBachelor of science in secondary education major in filipino ii
Bachelor of science in secondary education major in filipino iiSaint Michael's College Of Laguna
 
Maikling Kuwento- Unang Markahan
Maikling Kuwento- Unang MarkahanMaikling Kuwento- Unang Markahan
Maikling Kuwento- Unang MarkahanKennethSalvador4
 
Isang Dipang Langit- Final
Isang Dipang Langit- FinalIsang Dipang Langit- Final
Isang Dipang Langit- Finalczareaquino
 
Ang Kalupi - Group7 BSED Filipino 3
Ang Kalupi - Group7 BSED Filipino 3Ang Kalupi - Group7 BSED Filipino 3
Ang Kalupi - Group7 BSED Filipino 3AraAuthor
 
665502984-Talambuhay-Ni-Jose-Corazon-de-Jesus.pdf
665502984-Talambuhay-Ni-Jose-Corazon-de-Jesus.pdf665502984-Talambuhay-Ni-Jose-Corazon-de-Jesus.pdf
665502984-Talambuhay-Ni-Jose-Corazon-de-Jesus.pdfSamNavarro13
 
Filipino 6 dlp 8 pagbibigay ng maaaring kalabasan
Filipino 6 dlp 8   pagbibigay ng maaaring kalabasanFilipino 6 dlp 8   pagbibigay ng maaaring kalabasan
Filipino 6 dlp 8 pagbibigay ng maaaring kalabasanAlice Failano
 

Similar to Mga katulong sa bahay (akda mula sa vietnam) (20)

filipino nobela.pptx
filipino nobela.pptxfilipino nobela.pptx
filipino nobela.pptx
 
Nobela
NobelaNobela
Nobela
 
Nobela
NobelaNobela
Nobela
 
Kalayaan sa rehas na bakal 2
Kalayaan sa rehas na bakal 2Kalayaan sa rehas na bakal 2
Kalayaan sa rehas na bakal 2
 
Mars
MarsMars
Mars
 
FILIPINO 9. aNG inabandonang nayon PARA SA.docx
FILIPINO 9. aNG inabandonang nayon PARA SA.docxFILIPINO 9. aNG inabandonang nayon PARA SA.docx
FILIPINO 9. aNG inabandonang nayon PARA SA.docx
 
Kinagisnang balon
Kinagisnang balonKinagisnang balon
Kinagisnang balon
 
bangkang-papel-ni-genoveva-edroza
bangkang-papel-ni-genoveva-edrozabangkang-papel-ni-genoveva-edroza
bangkang-papel-ni-genoveva-edroza
 
Ang paghuhukom
Ang paghuhukomAng paghuhukom
Ang paghuhukom
 
Pagbubuo ng pang uri
Pagbubuo ng pang  uriPagbubuo ng pang  uri
Pagbubuo ng pang uri
 
Tahanan ng isang sugarol salin ni rustica carpio
Tahanan ng isang sugarol salin ni rustica carpioTahanan ng isang sugarol salin ni rustica carpio
Tahanan ng isang sugarol salin ni rustica carpio
 
Andres bonifacio presentation
Andres bonifacio presentationAndres bonifacio presentation
Andres bonifacio presentation
 
Bangkang papel ni genoveva edroza matute
Bangkang papel ni genoveva edroza matuteBangkang papel ni genoveva edroza matute
Bangkang papel ni genoveva edroza matute
 
Bachelor of science in secondary education major in filipino ii
Bachelor of science in secondary education major in filipino iiBachelor of science in secondary education major in filipino ii
Bachelor of science in secondary education major in filipino ii
 
Maikling Kuwento- Unang Markahan
Maikling Kuwento- Unang MarkahanMaikling Kuwento- Unang Markahan
Maikling Kuwento- Unang Markahan
 
Isang Dipang Langit- Final
Isang Dipang Langit- FinalIsang Dipang Langit- Final
Isang Dipang Langit- Final
 
Makamisa final
Makamisa finalMakamisa final
Makamisa final
 
Ang Kalupi - Group7 BSED Filipino 3
Ang Kalupi - Group7 BSED Filipino 3Ang Kalupi - Group7 BSED Filipino 3
Ang Kalupi - Group7 BSED Filipino 3
 
665502984-Talambuhay-Ni-Jose-Corazon-de-Jesus.pdf
665502984-Talambuhay-Ni-Jose-Corazon-de-Jesus.pdf665502984-Talambuhay-Ni-Jose-Corazon-de-Jesus.pdf
665502984-Talambuhay-Ni-Jose-Corazon-de-Jesus.pdf
 
Filipino 6 dlp 8 pagbibigay ng maaaring kalabasan
Filipino 6 dlp 8   pagbibigay ng maaaring kalabasanFilipino 6 dlp 8   pagbibigay ng maaaring kalabasan
Filipino 6 dlp 8 pagbibigay ng maaaring kalabasan
 

More from Arlyn Duque

Gawain sa Filipino 9 Aralin 1
Gawain sa Filipino 9 Aralin 1Gawain sa Filipino 9 Aralin 1
Gawain sa Filipino 9 Aralin 1Arlyn Duque
 
Pagpapakahulugang Denotatibo at Konotatibo
Pagpapakahulugang Denotatibo at KonotatiboPagpapakahulugang Denotatibo at Konotatibo
Pagpapakahulugang Denotatibo at KonotatiboArlyn Duque
 
Worksheet 5 Sanaysay
Worksheet 5 SanaysayWorksheet 5 Sanaysay
Worksheet 5 SanaysayArlyn Duque
 
Worksheet 4 Sanaysay
Worksheet 4 SanaysayWorksheet 4 Sanaysay
Worksheet 4 SanaysayArlyn Duque
 
Worksheet 3 Sanaysay
Worksheet 3 SanaysayWorksheet 3 Sanaysay
Worksheet 3 SanaysayArlyn Duque
 
Worksheet 2 Sanaysay
Worksheet 2 SanaysayWorksheet 2 Sanaysay
Worksheet 2 SanaysayArlyn Duque
 
Worksheet 1 Sanaysay
Worksheet 1 SanaysayWorksheet 1 Sanaysay
Worksheet 1 SanaysayArlyn Duque
 
Worksheet sa aralin 2 Pagbibigay ng Opinyon
Worksheet sa aralin 2  Pagbibigay ng OpinyonWorksheet sa aralin 2  Pagbibigay ng Opinyon
Worksheet sa aralin 2 Pagbibigay ng OpinyonArlyn Duque
 
Pagsusuri sa Maikling Pelikula
Pagsusuri sa Maikling PelikulaPagsusuri sa Maikling Pelikula
Pagsusuri sa Maikling PelikulaArlyn Duque
 
Gawain sa Pagbibigay Pahiwatig
Gawain sa Pagbibigay PahiwatigGawain sa Pagbibigay Pahiwatig
Gawain sa Pagbibigay PahiwatigArlyn Duque
 
Paggamit ng Pahiwatig sa Akda
Paggamit ng Pahiwatig sa AkdaPaggamit ng Pahiwatig sa Akda
Paggamit ng Pahiwatig sa AkdaArlyn Duque
 
Gawain sa Tunggalian
Gawain sa TunggalianGawain sa Tunggalian
Gawain sa TunggalianArlyn Duque
 
Nobela at Uri ng Tunggalian
Nobela at Uri ng TunggalianNobela at Uri ng Tunggalian
Nobela at Uri ng TunggalianArlyn Duque
 
Panimulang Gawain - Aralin 2 Unang Markahan
Panimulang Gawain - Aralin 2 Unang MarkahanPanimulang Gawain - Aralin 2 Unang Markahan
Panimulang Gawain - Aralin 2 Unang MarkahanArlyn Duque
 

More from Arlyn Duque (15)

Tiyo Simon
Tiyo SimonTiyo Simon
Tiyo Simon
 
Gawain sa Filipino 9 Aralin 1
Gawain sa Filipino 9 Aralin 1Gawain sa Filipino 9 Aralin 1
Gawain sa Filipino 9 Aralin 1
 
Pagpapakahulugang Denotatibo at Konotatibo
Pagpapakahulugang Denotatibo at KonotatiboPagpapakahulugang Denotatibo at Konotatibo
Pagpapakahulugang Denotatibo at Konotatibo
 
Worksheet 5 Sanaysay
Worksheet 5 SanaysayWorksheet 5 Sanaysay
Worksheet 5 Sanaysay
 
Worksheet 4 Sanaysay
Worksheet 4 SanaysayWorksheet 4 Sanaysay
Worksheet 4 Sanaysay
 
Worksheet 3 Sanaysay
Worksheet 3 SanaysayWorksheet 3 Sanaysay
Worksheet 3 Sanaysay
 
Worksheet 2 Sanaysay
Worksheet 2 SanaysayWorksheet 2 Sanaysay
Worksheet 2 Sanaysay
 
Worksheet 1 Sanaysay
Worksheet 1 SanaysayWorksheet 1 Sanaysay
Worksheet 1 Sanaysay
 
Worksheet sa aralin 2 Pagbibigay ng Opinyon
Worksheet sa aralin 2  Pagbibigay ng OpinyonWorksheet sa aralin 2  Pagbibigay ng Opinyon
Worksheet sa aralin 2 Pagbibigay ng Opinyon
 
Pagsusuri sa Maikling Pelikula
Pagsusuri sa Maikling PelikulaPagsusuri sa Maikling Pelikula
Pagsusuri sa Maikling Pelikula
 
Gawain sa Pagbibigay Pahiwatig
Gawain sa Pagbibigay PahiwatigGawain sa Pagbibigay Pahiwatig
Gawain sa Pagbibigay Pahiwatig
 
Paggamit ng Pahiwatig sa Akda
Paggamit ng Pahiwatig sa AkdaPaggamit ng Pahiwatig sa Akda
Paggamit ng Pahiwatig sa Akda
 
Gawain sa Tunggalian
Gawain sa TunggalianGawain sa Tunggalian
Gawain sa Tunggalian
 
Nobela at Uri ng Tunggalian
Nobela at Uri ng TunggalianNobela at Uri ng Tunggalian
Nobela at Uri ng Tunggalian
 
Panimulang Gawain - Aralin 2 Unang Markahan
Panimulang Gawain - Aralin 2 Unang MarkahanPanimulang Gawain - Aralin 2 Unang Markahan
Panimulang Gawain - Aralin 2 Unang Markahan
 

Mga katulong sa bahay (akda mula sa vietnam)

  • 1. Inihanda ni: Arlyn P. Duque Mga Katulong sa Bahay Ni Vei Trong Phung Salin sa Filipino ni Florentino A. Iniego (Mula sa Vietnam) Kabanata 6 Ang Liwanag ng Kalunsuran Nang sumunod na gabi, bumalik ako sa bahay-kainan. Sa oras na ito, sa halip na bumalik ako sa kwarto sa itaas na dati kong tinutulugan, binulyawan nila ako. Ako raw ay isang bugaw, at ang matandang babaeng nagdala ng mga katulong ay di na nagbalik upang bayaran ang aking upa sa pagtulog. Ngunit masuwerte pa nga raw ako ngayo’t pinayagang matulog dito sa tinatawag nilang lagusan, at pababalikin ang matandang babae upang magbayad ng upa. Hindi na ako nakipagtalo sa kanila. Tumuloy lang akong parang walang narinig. Nakatungo ang ulo at mabilis na dumaan sa kusina at humantong sa patio na tinatawag nilang “lagusan”. Buti na lang, hindi ako nag-iisa. Higit sa sampung tao ang naroon. Nakahiga at nakaupo sa banig na nakalatag sa malalapad na tabla habang natatanglawan ng liwanag ng buwan. Tila tambakan ng tabla ng mga kahoy ang patio ng bahay-kainang ito. Walang maaninag na kariktan sa lugar na ito. Makikita sa paligid ang marumi, mataas, manipis na dingding at bubungang nanlilimahid sa kaitiman. Sa kanang bahagi ay naroon ang kulungan ng manok, sa harap ay ang baradong kanal at ang alingasaw ng di-umaagos nitong pusali, sa kaliwa ay isang kubetang bukas para sa publiko. Nalungkot ako sa liwanag ng buwan. Nang tumabi ako sa mga taong naroon, nakita ko ang tatlong batang nakasama kong matulog sa kwarto sa itaas dalawang gabi na ang nakalipas. Di man lang mabanaag ang kalungkutan o pag-aalala sa musmos nilang mga mukha. Samantala, napakamiserable ng histura ng iba, sa damit pa lang nila’y sapat na masasaksihan ang paghihirap na kanilang dinanas sa tanang buhay. May isang kalbong napakaputla ng mukha. Ngunit dahil sa kabataan, tila normal siyang pagmasdan, at tingin ko’y kalalabas lang niya ng ospital o bilangguan. Nakaupo siyang dinidilaan ang isang pirasong papel na nababahiran ng itim na sangkap. Noong una’y di ko alam ang kaniyang ginagawa., ‘yung pala ay hinihimod niya ang tira-tirang opyo. Ang isa nama’y may napakahabang leeg at may nakatapal na tatlo hanggang apat na gamut na plaster dito. Nakaupo siya at nakatingala, tulad ng isang astrologo na nagmamasid sa mga bituin. Ang ikatlong bata ay maingay na nagkakamot, at habang umuupo siya’y umuubo at dumudura. May isang matandang babae na maayos ang kasuotan ngunit walang kibo’t buhaghag ang pagmumukha. Nakaupo siyang hawak ang isang pamaypay na yari sa hiyas na kawayan na ipinapamaypay sa mukha
  • 2. Inihanda ni: Arlyn P. Duque ng iba pa na tila kanyang mga anak. Ang anim pang iba, na nakasuot ng gusgusing damit ng magsasaka, ay mahimbing na natutulog. Di man lang ako pansinin ng sinuman sa kanila ng mahiga ako sa banig. Sigurado akong wala silang kapera-pera kaya nga dito sila nakatulog gayundin, tulad ng kanilang bulsa, wala ring laman ang kanilang tiyan. Samantala, ninais nilang tumigil dito, hindi dahil sa mabait ang may-ari ng bahay, kundi dahil puwede silang makalabas upang mamalimos at makabalik upang bumili ng pagkaing inihanda ng may-ari. At kung mayroon man silang nakulimbat, tiyak na nakahanda rin itong bilhin ng may-ari. Hindi dahil sa nais ng may-ari na biglang gawing bahay ng kawanggawa ang kaniyang tahanan. Sa kanilang hitsura ng pananamit, ang labintatlong ito ay hindi taga siyudad. Galing sila sa probinsya dahil wala silang mahanap na trabaho roon upang makakain ng dalawang beses sa isang araw. Sinisilaw at sinusuhulan sila ng siyudad. Nang umalis sila sa probinsya, hindi nila alam na ito ang kanilang kahihinatnan. Tiwalang makakakita ng trabahong maipagmamalaki nila. Ibinilad ang kanilang mga sarili sa araw at sinuong ang ulan habang namamalimos ng pera o isang takal ng bigas bago makarating sa Hanoi. Mahal kong mambabasa, isipin mo lang ang Hanoi: kalye bawat kalye. Isipin mo ang isang pagod na magsasakang naliligaw sa pasikot-sikot na siyudad. Bawat kalye’y may bahay, daanan at eskinitang pare-pareho at walang katapusan. Isang magsasaka ang lakad ng lakad, napapagod at tumitigil. Nagugutom siya ngunit walang makain, dahil wala siyang pera. Nais niyang magpahinga ngunit walang matuluyan, dahil wala siyang pambayad. Pagod man siya, kailangan niyang sumulong. Magdahan-dahan man, hindi na siya makausad. At sa malas, di siya pinahintulutang tumigil sa siyudad, at kailangan niyang maglakad, pasok nang pasok sa bawat kalye, minsa’y paikot-ikot nang hindi alam kung saan pupunta. Pagdating ng interseksiyon, nakakita siya ng kulumpon ng mga tao. Sa tingin niya’y taga-probinsya ang mga ito, tumigil siya. Isang mukhang matalinong babae, na may gintong hikaw, at tila mayaman ang dating ang kumaway, hudyat upang tumigil ang magsasaka. Malakas ang kanyang boses: “Hoy, saan ka pupunta, pagod na pagod ka? Gusto mo ba ng trabaho? Halika, dali!” Natuwa ang magsasaka dahil nakasalubong siya ng isang taga-siyudad na handing makipag-usap. Ngunit para saan? Naaawang binanggit ng babae na tutulungan siyang makahanap ng trabaho! Kaya, sa loob ng ilang araw, mayroon siyang makakain habang tumitigil sa pinto ng isang bahay-kainan o sa tabi ng isang sinehan. Kung tutuusin, ganito ang istorya ng lahat ng mga magsasaka. Ilang interseksiyon mayroon ang siyudad? Ilang trabaho ang nakalaan para sa sawing nilalang na nagnanais pumasok sa kalakal ng mga kasambahay? Ilan ang bilang ng ganitong trahedyang nagaganap bawat araw sa siyudad? Ang labintatlong nilalang na ito ay katulad ng mga gamugamong nasilaw sa liwanag ng kalunsuran.
  • 3. Inihanda ni: Arlyn P. Duque Pinatuloy sila ng tiwalang may-ari ng bahay-kainan sa isang sulok ng kaniyang tirahan. Sa araw, naroon sila’t nakahambalang sa kalasada. Habang naghihintay ng trabaho, unti-unti nilang nagagastos ang kanilang naitatabing pera. Kapag walang natira at wala pa ring trabaho, at walang madilihensya, kinakailangan na nilang itaya ang kanilang buhay. Ang mga babae ay nasadlak sa pagbebenta ng laman at ang lalaki’y nakagagawa ng krimen. At ngayon, bago pa lumala ang kalagayan, sila’y nakahimlay at tahimik na naghihintay sa unos na darating.