SlideShare a Scribd company logo
1 of 39
Edukasyon sa Pagpapakatao 10
Kalikasan at Kapaligiran,
Aking Pananagutan
Alam niyo ba na ganito katagal bago mabulok ang
mga sumusunod?
Mga Bagay Tagal bago mabulok
paperbag 1 buwan
kardbord 2 buwan
goma 50-80 taon
aluminyo/lata 200-500 taon
plastik na bote 450 taon
plastik bag 20-1000 taon
Ang kalikasan ay
tumutukoy sa lahat ng
nakapaligid sa atin na
maaaring may buhay o
wala.
Ito ay kinabibilangan ng
mga puno’t halaman, at
lahat ng iba’t ibang uri ng
hayop mula sa maliit
hanggang sa malaki.
Maituturing ding bahagi ng
kalikasan ang lahat ng salik na
siyang nagbibigay-daan o
tumutugon sa mga
pangangailangan ng mga
nilalang na may buhay upang
ipagpatuloy ang kanilang
buhay. Kabilang dito ang
hangin, lupa, tubig, at iba
pang mga anyo nito.
 May buhay man o wala, kapag
sumusuporta sa pagpapatuloy
ng buhay ng mga nabubuhay na
nilalang ay maituturing na
bahagi ng kalikasan.
Ang mabilis na pagkasira ng kalikasan
ay isang isyu na matagal nang
pinagtutuunan ng pansin ng marami
kabilang na ang mga siyentipiko,
iskolar, at politiko.
Naging bahagi na ng mga pagtalakay
at pagpaplano sa mga programang
kailangan upang mapangalagaan ang
kalikasan.
Dahil ang daigdig ay isang malaking
sistema at ang sakit na nararamdaman
ng kalikasan ay nadarama rin ng tao,
may pananagutan ang tao na
pangalagaan ang kalikasan.
Gamitin nang wasto ang yaman ng
kalikasan dahil lahat ng ito ay may
limitasyon at hangganan.
Alagaan ang mga hayop, magtanim ng
maraming puno, tumupad sa mga
batas na naaayon sa kapaligiran, at
mabuhay nang simple.
Tao ang nagdurumi, tao rin ang lilinis;
dahil sa huli, tao pa rin ang tatamaan
o makikinabang nito. Kabahagi ka sa
pagsasabuhay ng mithiing ito.
Sa pagmamahal at pangangalaga sa
kalikasan, nararapat nating tandaan
na malaya nating magagamit ang mga
ito sapagkat kaloob ito sa atin ng
Diyos.
Ngunit sa paggamit natin ng
kalikasan, dapat din nating tingnan
kung ito ba ay ginagamit nang tama o
mabuti. Dahil dito, kung kaya’t
nagkakaroon tayo ng obligasyong
pangalagaan ang kapaligiran para sa
mga tao ng susunod na henerasyon.
Responsibilidad ng tao na tiyakin na
maayos ang galaw at pagdaloy ng
buhay sa ating daigdig. Subalit sa
halip na pangangalaga sa kalikasan,
sinisira ito ng bawat maling kilos at
pasya ng tao
Maraming mga pagmaltrato at paglabag
ang ginagawa ng tao na tuwirang taliwas
sa pangangalaga sa kalikasan. Ang mga
sumusunod ay gawain ng mga tao na
sumisira sa halip na mangalaga sa
kalikasan.
Ang pag-iipon ng napakaraming
basura at maling pagtatapon nito.
Ang pag-iipon ng napakaraming basura
at maling pagtatapon nito ay patuloy na
lumalala at nagdudulot ng malalaking
kaugnay na problema sa kalikasan at
kapaligiran. Sa Metro Manila pa lamang,
80 tonelada na ng basura ang naitatapon
araw-araw. Sa dami nito, 70% lamang
ang nakokolekta, ang iba ay itinatapon
sa kalsada o kaya ay sa mga estero o
kanal na siyang dahilan ng mabilis na
paglaki ng baha kapag umuulan.
Iligal na pagputol ng mga puno.
Ito ay may malaking epekto sa
ating kapaligiran at kalikasan
tulad ng kadalasang pag-ulan na
nagdudulot ng mga pagbaha .Wala
na kasi ang mga malalaking ugat
na sumisipsip ng tubig. Gayundin
naman, sa mga buwan ng tag-init
ay nagkukulang ang supply ng
tubig. Kadalasan ito rin ay nauuwi
sa pagbitak ng mga lupa na
nagiging sanhi upang ang mga
pananim ay matuyo.
Polusyon sa hangin, tubig, at lupa.
Ang maling pagtatapon ng basura ay
nagiging sanhi ng polusyon na
nakakaapekto sa kalidad ng hangin,
tubig, at lupa. Nasisira ng polusyon ang
komposisyon ng tubig, hangin at lupa
at nagdudulot ng panganib sa mga
bagay na nakadepende sa mga ito
upang mabuhay, kabilang na ang tao.
Sa kasalukuyan, ang malalang epekto
nito, gaya ng pagbabago ng klima sa
daigdig, ay bumabalik na sa atin.
Pagkaubos ng mga natatanging
species ng hayop at halaman sa
kagubatan.
Maraming uri ng mga hayop at
halaman ang unti-unting nawawala at
namamatay dahil sa malawakang pag-
abuso ng tao rito. Maraming uri ng
hayop at halaman ang nagiging
threatened, endangered, at ang
pinakamalala sa lahat ay ang kanilang
extinction.
Malabis at mapanirang pangingisda.
Ang yamang dagat na ito ay unti-unti
na ring nauubos dahil sa hindi matigil
na cyanide fishing, dynamite fishing,
at sistemang muro-ami na
pumipinsala hindi lamang sa mga isda
kundi maging sa kanilang natural
habitat o tirahan. Ang malabis at
mapanirang pangingisda ay
nagbubunga ng pagkawala ng mga
likas na yamang kailangan ng mga tao
para sa kanilang ikinabubuhay.
Ang pagko-convert ng mga lupang
sakahan, iligal na pagmimina, at
quarrying.
Nagkakaroon ng kakulangan sa suplay ng
mga produktong mula sa mga magsasaka
dahil sa hindi na mabilang na mga lupang
sakahan ang hindi na tinatamnan dahil
ginawa ng subdivision, golf courses, mga
hotel, expressways, at iba pa. Nasisira
ang mga ilog, bumababaw ang dagat, at
nagkakaroon ng pagguho dahil sa iligal na
pagmimina at ang paghuhukay sa mga
dalampasigan upang makakuha ng black
sand.
Climate change.
Climate change – ang
malawakang pag-iiba-iba ng
mga salik na nakaaapekto
sa panahon na nagdudulot
nang matinding pagbabago
sa pangmatagalang sistema
ng klima.
 Global warming.
Global warming - patuloy na
pagtaas ng temperatura bunga ng
pagdami ng tinatawag na green
house gases lalo na ng carbon
dioxide sa ating atmospera.
 Ito ay nagdudulot ng mahahabang
tag-init na nauuwi sa malawakang
tagtuyot o El Nino o kaya naman ay
malawakan at matagal na pag-ulan
o La Nina. Ito rin ay nagdudulot ng
climate change. Dahil sa matinding
init, unti-unting nalulusaw ang mga
glacier at iceberg na nauuwi sa
pagtaas ng lebel ng tubig sa dagat,
mga pagbaha, at matinding pag-
ulan.
Komersiyalismo at urbanisasyon.
Komersiyalismo ― tumutukoy sa pag-
uugali ng tao at mga kilos na
nagpapakita nang labis na pagpapahalaga
na kumita ng pera o kaya ay pagmamahal
sa mga materyal na bagay sa halip na
ibang mga pagpapahalaga.
Urbanisasyon ― ang patuloy na pag-
unlad ng mga bayan na maisasalarawan
ng pagpapatayo ng mga gusali tulad ng
mga mall at condominium units.
Konsyumerismo ― isang paniniwala na
mabuti para sa tao ang gumasta nang
gumasta para sa mga materyal na bagay
at serbisyo.
• Mapapansin na sa pagdaan ng panahon,
mas nagiging materyoso at mapaghangad
ang marami sa atin. Makikita ito sa
pagnanais natin na magkaroon ng
maraming material na bagay, na maunahan
at mahigitan ang iba sa pagkakamit ng mga
materyal na bagay na ito. Karamihan ay
nagnanais magkaroon ng maraming salapi
upang magkabili ng mga bagay na gusto
nila. Ang layunin na ng marami ay ang
pagkakamit ng materyal na bagay.
Ang materyalismo at komersyalismo ay
nagiging paraan na ng pamumuhay
natin. Ito ang epekto sa atin ng mga
patalastas at sinasabi ng media.
• Itinuturo ng mga ito sa atin na
maghangad ng higit sa ating
kailangan.
•Pilit nitong inilalagay sa ating isip na
kailangan nating maging katulad ng
mga modelo sa mga patalastas upang
maging maganda o gwapo at masaya.
Sinasabi ng mga ito na kailangan
nating maging maputi, mataas, payat
at magkaroon ng magagandang gamit
upang maging mas ganap tayo bilang
tao.
 Ang lahat ng ito ay naglalayon na
papaniwalain tayo na maraming
kulang sa atin at sa ating pagkatao.
Bunga nito, nagkakaroon tayo ng
paniniwala na maraming kailangang
baguhin sa ating kaanyuan hanggang
hindi natin nakakatulad ang mga
modelong ating nakikita.
 Kailangan nating bilhin at gamitin ang
mga produkto na iniaalok nila sa atin.
 Pinaniniwala din tayo nito na ang
ating kaligayahan at kaganapan
bilang tao ay nakasalalay sa
pagpapaganda ng sarili at pag-aari ng
maraming bagay.
 Binabago nito ang ating
pagpapahalaga at konsepto ng
kaligayahan. Sinasabi nito sa atin na
upang maging masaya, kailangan
nating magkaroon ng mga pinakabago
at pinakausong kagamitan at gadget.
 Hindi lamang negatibong pagtingin sa
sarili at maling pananaw sa
kaligayahan ang epekto sa atin ng
mga panghihikayat na ito ng media.
 May epekto din ito sa ating kapaligiran. Ang
pagiging masyado nating materyoso ay sumisira sa
kalikasan at nagdadagdag ng problema sa
kapaligiran. Habang nadadagdagan ang inaakala
nating "pangangailangan" natin, naghahangad tayo
ng mas marami at bumibili o gumagamit tayo ng
mas higit kaysa sa nararapat.
 Ang lahat ng ito ay nagbubunga ng malaking
problema sa kapaligiran at kalikasan sapagkat
nangangahulugan ito ng mas maraming bagay na
kailangang kunin mula sa kalikasan na itatapon
naman sa kapaligiran. Mas marami tayong bagay na
binibili at ginagamit, mas marami din tayong
itinatapon sa ating paligid. Mas sumasabay tayo sa
uso at nagpapadala sa tukso ng teknolohiya, sinisira
natin ang ating kalikasan.
 Ang ating kilos at pamumuhay sa kasalukuyan
ay nagpapakita ng kultura ng pag-aaksaya.
Halimbawa, isipin mo na lamang ang
pamumuhay at paraan ng pagbili sa iyong
sariling pamilya. Ilan ang inyong cell phone,
telebisyon, sapatos o bag? Malamang, mayroon
kayong higit kaysa sa inyong kailangan sa mga
ito.Maaring mayroon kayong telebisyon sa
bawat kwarto at bawat isa ay may dalawang
cell phones at napakaraming bag at sapatos.
Maliwanag na ang ating maling pamumuhay
at maling pagpapahalaga ay nakasisira sa
kalikasan. Upang matugunan ang problemang
ito, mayroong dalawang bagay na kailangan
nating maunawaan.
1. Hindi nakasalalay ang ating kaligayahan sa
pagkakaroon ng maraming materyal na bagay.
Ang mga materyal na bagay ay hindi karaniwang sukatan ng
totoong kaligayahan. Ang totoo, maaari tayong maging
maligaya kung babaguhin natin ang ating pananaw ukol sa
mga bagay na makapagpapaligaya sa atin. Kailangan nating
maunawaan na higit kaysa sa materyal na gamit, mas
nakadepende ang ating kasiyahan sa pagkakaroon ng
maayos na kaugnayan sa ating kapwa. Kung titingnan,ang
mga materyal na bagay ang naglalayo sa atin sa mga taong
mahahalaga sa atin.
2. Ang pagtupad ng ating pananagutan sa kalikasan
bilang katiwala nito ay paggalang hindi lamang sa
kalikasan kundi pati na din sa awtoridad ng Diyos na
siyang gumawa at nagkatiwala nito sa atin.
Ipinagkaloob sa atin bilang tirahan at binubuhay tayong
lahat ng kalikasan bilang mga mamamayan ng mundong
ito. Ang bawat isa ay may tungkulin na pangalagaan ito at
tiyakin na mapapakinabangan din ng iba pang mga
susunod sa hindi ang ating kalayawan. Dahil mayroong
limitasyon ang kalikasan, kailangan nating tiyakin na hindi
higit sa ating kailangan ang ating kinukuha mula dito.
•Ang pagiging katiwala ng kalikasan ay
hindi nangangahulugan na ito ay
aabusuhin o gagamitin natin sa paraang
nais natin. Bilang katiwala, kinikilala
natin na ang anumang nasa atin ay pag-
aari pa din ng Diyos at tayo ay kasama
niya na nangangalaga dito. Inaasahan ng
Diyos na gagamitin natin ito ng may
paggalang.
•Kailangan nating tiyakin na mananatili itong nasa
maayos na kalagayan bilang paggalang at
pasasalamat sa Diyos na nagpapahiram nito sa
atin. Ang maingat at matalinong paggamit ng
mga materyal na bagay na kinukuha natin mula
sa kalikasan ay isang paraan upang maipakita
natin na pinahahalagahan at pinangangalagaan
natin ang kalikasan na ipinagkatiwala sa atin.
Maaari tayong maging mapanagutan sa ating
pasya tungkol sa mga bagay na
makakaapekto sa kapaligiran sa
pamamagitan ng mga sumusunod na paraan:
 Mamuhay nang simple.
Ang pangangalaga sa kapaligiran ay
nangangailangan ng pagbabago ng
paraan ng pamumuhay. Nangangahulugan
ito ng pagpapasya kung alin sa mga
materyal na bagay ang talagang
kailangan natin at pagbili ng mga bagay
ayon lamang sa pangangailangan dito.
Maaaring matugunan ang mga
pangangailangan nang hindi
kinakailangang bumili ng marami kaysa
sa kaya nating gamitin o ubusin. Ang
pamumuhay nang simple sa
pamamagitan ng pagbili ayon lamang sa
pangangailangan ay nangangahulugan ng
mas malinis at maayos na kapaligiran.
 Isaalang-alang ang kapaligiran sa
mga bibilhin at gagamitin.
Mahalagang maging bahagi ng ating
pang-araw-araw na kilos at pasya
ang kapakanan ng kapaligiran lalo
na sa mga bagay na ating bibilhin at
gagamitin. dapat suportahan at
tangkilikin ang mga produkto na
hindi nakakaapekto sa kapaligiran
upang mapilitan ang mga kumpanya
na isaalang-alang ang kapakanan ng
kapaligiran sa kanilang mga
produkto.
 Huwag palaging isipin ang layaw
ng katawan.
Dahil sa nagagawa ng teknolohiya
at mabilis na takbo ng pamumuhay,
nasanay tayo sa mga bagay na
magpapadali sa ating mga gawain.
Ang problema dito,mas maraming
basura ang ating naitatapon at mas
maraming enerhiya ang ating
nagagamit. Mayroong mga
pagkakataon na maaari naman
nating tiisin ang kaunting hirap
kung ang kapalit naman nito ay
malinis na kapaligiran.
 Huwag mag-alangang gamiting muli, kumpunihin o
irecycle ang mga gamit. (Pagsasabuhay ng 3R)
Maaaring makatulong ang isang tulad mo sa pamamagitan
ng pag-iwas o hindi paggamit ng mga bagay na hindi
makakalikasan (reduce), huwag itapon ang mga bagay na
mapapakinabangan o magagamit pa (re-use), ang walang
katapusang panawagan ng pagbabagong bihis ng mga
bagay na nagamitna at puwede pang gamitin sa ibang
bagay (recycle) at ang paggamit ng mga bagay na hindi
na kinakailangang kunin pa sa kalikasan.
Itapon ang basura sa tamang lugar.
Ang tamang pagtatapon ng basura ay
malaking tulong upang maiwasan ang
pagbaha. Sa kasalukuyan, kabi-kabila na
ang mga programang nagsusulong ng
mga programang nauukol dito, puwede
kang maging kabahagi nito at kung
daragdagan ng sipag at pagpupunyagi,
ang basura na sana ay itatapon na ay
puwede pang pagkakitaan.
Pagtatanim ng mga puno.
Maaaring mag-organisa ang isang tulad
mo ng mga programa sa paaralan o
maging sa baranggay ng isang programa
ng pagtatanim ng mga puno o maging ng
mga gulay sa likod bahay. Maaaring
makipag-ugnayan sa barangay o maging
sa munisipalidad ukol dito. Kadalasan,
ang mga lokal na pamahalaan ay may
pondong nakalaan sa pamimigay ng mga
libreng punla o mga buto na maaaring
itanim sa bahay o sa iba pang mga lugar.
Sundin ang batas at
makipagtulungan sa mga
tagapagpatupad nito.
Huwag ipagpilitang gawin ang mga
bagay na labag sa batas at hindi
nakatutulong sa pangangalaga at
pagreserba ng kalikasan. Ang isang
tulad mo ay may papel na isumbong
at ipagbigay-alam sa may
kapangyarihan ang mga gawaing
hindi ayon sa batas, lalo na kung
ang mga ito ay lalo na kung ang mga
ito ay napapatungkol sa kalikasan.
Pangalagaan ang kalikasan upang
ipakita ang pagpapasalamat at
paggalang sa Diyos.
MARAMING SALAMAT!
GOD BLESS!
Prepared by Heber F. Belza
BSED-4A

More Related Content

Similar to Module 12_Edukadyon sa PagpapakataoPPT.pptx

Kalagayang Pangkapligiran ng Pilipinas Batay sa Epekto at Pagtugon ng Hamong...
Kalagayang Pangkapligiran ng Pilipinas Batay sa  Epekto at Pagtugon ng Hamong...Kalagayang Pangkapligiran ng Pilipinas Batay sa  Epekto at Pagtugon ng Hamong...
Kalagayang Pangkapligiran ng Pilipinas Batay sa Epekto at Pagtugon ng Hamong...edmond84
 
ESP 10 KAPALIGIRAN.pptx
ESP 10 KAPALIGIRAN.pptxESP 10 KAPALIGIRAN.pptx
ESP 10 KAPALIGIRAN.pptxJoshua Ramirez
 
KONTEKSTO NG SULIRANING PANGKAPALIGIRAN
KONTEKSTO NG SULIRANING PANGKAPALIGIRANKONTEKSTO NG SULIRANING PANGKAPALIGIRAN
KONTEKSTO NG SULIRANING PANGKAPALIGIRANKokoStevan
 
ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1
ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1
ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1NorbileneCayabyab1
 
Suliraning pangkapaligiran
Suliraning pangkapaligiranSuliraning pangkapaligiran
Suliraning pangkapaligiranjenncadmumar
 
Mga hamong pangkapaligiran
Mga hamong pangkapaligiranMga hamong pangkapaligiran
Mga hamong pangkapaligiranJared Ram Juezan
 
KAHALAGAHAN NG KAPALIGIRAN SA TAO AT SA IBA PANG BAGAY NA MAY BUHAY.pptx
KAHALAGAHAN NG KAPALIGIRAN SA TAO AT SA IBA PANG BAGAY NA MAY BUHAY.pptxKAHALAGAHAN NG KAPALIGIRAN SA TAO AT SA IBA PANG BAGAY NA MAY BUHAY.pptx
KAHALAGAHAN NG KAPALIGIRAN SA TAO AT SA IBA PANG BAGAY NA MAY BUHAY.pptxEmyCords
 
SULIRANING PANGKAPALIGIRAN - Solid Waste Management, Deforestation, at Climat...
SULIRANING PANGKAPALIGIRAN - Solid Waste Management, Deforestation, at Climat...SULIRANING PANGKAPALIGIRAN - Solid Waste Management, Deforestation, at Climat...
SULIRANING PANGKAPALIGIRAN - Solid Waste Management, Deforestation, at Climat...Grace Adelante
 
THESIS (Pananaliksik) Tagalog
THESIS (Pananaliksik) TagalogTHESIS (Pananaliksik) Tagalog
THESIS (Pananaliksik) Tagaloghm alumia
 
Isyu at Suliraning Pangkapaligiran sa Asya
Isyu at Suliraning Pangkapaligiran sa AsyaIsyu at Suliraning Pangkapaligiran sa Asya
Isyu at Suliraning Pangkapaligiran sa AsyaMavict De Leon
 
CATCH-UP FRIDAYS-PEACE 2-Week 1-Feb.02, 2024
CATCH-UP FRIDAYS-PEACE 2-Week 1-Feb.02, 2024CATCH-UP FRIDAYS-PEACE 2-Week 1-Feb.02, 2024
CATCH-UP FRIDAYS-PEACE 2-Week 1-Feb.02, 2024JonilynUbaldo1
 
changes in climate change is needed in today
changes in climate change is needed in todaychanges in climate change is needed in today
changes in climate change is needed in todayhva403512
 
Larra mae i
Larra mae iLarra mae i
Larra mae ilarramae
 
Ang Kapaligiran ng Komunidad Noon at Ngayon
Ang Kapaligiran ng Komunidad Noon at NgayonAng Kapaligiran ng Komunidad Noon at Ngayon
Ang Kapaligiran ng Komunidad Noon at NgayonCristalJadeRendon
 

Similar to Module 12_Edukadyon sa PagpapakataoPPT.pptx (20)

Kalagayang Pangkapligiran ng Pilipinas Batay sa Epekto at Pagtugon ng Hamong...
Kalagayang Pangkapligiran ng Pilipinas Batay sa  Epekto at Pagtugon ng Hamong...Kalagayang Pangkapligiran ng Pilipinas Batay sa  Epekto at Pagtugon ng Hamong...
Kalagayang Pangkapligiran ng Pilipinas Batay sa Epekto at Pagtugon ng Hamong...
 
ESP 10 KAPALIGIRAN.pptx
ESP 10 KAPALIGIRAN.pptxESP 10 KAPALIGIRAN.pptx
ESP 10 KAPALIGIRAN.pptx
 
KONTEKSTO NG SULIRANING PANGKAPALIGIRAN
KONTEKSTO NG SULIRANING PANGKAPALIGIRANKONTEKSTO NG SULIRANING PANGKAPALIGIRAN
KONTEKSTO NG SULIRANING PANGKAPALIGIRAN
 
ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1
ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1
ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1
 
DLL_AP2_Q3_W3.docx
DLL_AP2_Q3_W3.docxDLL_AP2_Q3_W3.docx
DLL_AP2_Q3_W3.docx
 
Suliraning pangkapaligiran
Suliraning pangkapaligiranSuliraning pangkapaligiran
Suliraning pangkapaligiran
 
CO 1.pptx
CO 1.pptxCO 1.pptx
CO 1.pptx
 
Mga hamong pangkapaligiran
Mga hamong pangkapaligiranMga hamong pangkapaligiran
Mga hamong pangkapaligiran
 
KAHALAGAHAN NG KAPALIGIRAN SA TAO AT SA IBA PANG BAGAY NA MAY BUHAY.pptx
KAHALAGAHAN NG KAPALIGIRAN SA TAO AT SA IBA PANG BAGAY NA MAY BUHAY.pptxKAHALAGAHAN NG KAPALIGIRAN SA TAO AT SA IBA PANG BAGAY NA MAY BUHAY.pptx
KAHALAGAHAN NG KAPALIGIRAN SA TAO AT SA IBA PANG BAGAY NA MAY BUHAY.pptx
 
SULIRANING PANGKAPALIGIRAN - Solid Waste Management, Deforestation, at Climat...
SULIRANING PANGKAPALIGIRAN - Solid Waste Management, Deforestation, at Climat...SULIRANING PANGKAPALIGIRAN - Solid Waste Management, Deforestation, at Climat...
SULIRANING PANGKAPALIGIRAN - Solid Waste Management, Deforestation, at Climat...
 
Araling Panlipunan (bodiversity)
Araling Panlipunan (bodiversity)Araling Panlipunan (bodiversity)
Araling Panlipunan (bodiversity)
 
THESIS (Pananaliksik) Tagalog
THESIS (Pananaliksik) TagalogTHESIS (Pananaliksik) Tagalog
THESIS (Pananaliksik) Tagalog
 
Pamamahayag-8.pptx
Pamamahayag-8.pptxPamamahayag-8.pptx
Pamamahayag-8.pptx
 
Isyu at Suliraning Pangkapaligiran sa Asya
Isyu at Suliraning Pangkapaligiran sa AsyaIsyu at Suliraning Pangkapaligiran sa Asya
Isyu at Suliraning Pangkapaligiran sa Asya
 
CATCH-UP FRIDAYS-PEACE 2-Week 1-Feb.02, 2024
CATCH-UP FRIDAYS-PEACE 2-Week 1-Feb.02, 2024CATCH-UP FRIDAYS-PEACE 2-Week 1-Feb.02, 2024
CATCH-UP FRIDAYS-PEACE 2-Week 1-Feb.02, 2024
 
changes in climate change is needed in today
changes in climate change is needed in todaychanges in climate change is needed in today
changes in climate change is needed in today
 
Larra mae i
Larra mae iLarra mae i
Larra mae i
 
Klima liga caramoan
Klima liga caramoanKlima liga caramoan
Klima liga caramoan
 
Q3_Mod3-4_DLL_AP.docx
Q3_Mod3-4_DLL_AP.docxQ3_Mod3-4_DLL_AP.docx
Q3_Mod3-4_DLL_AP.docx
 
Ang Kapaligiran ng Komunidad Noon at Ngayon
Ang Kapaligiran ng Komunidad Noon at NgayonAng Kapaligiran ng Komunidad Noon at Ngayon
Ang Kapaligiran ng Komunidad Noon at Ngayon
 

More from HeberFBelza

Lesson 5 module_FBS9-3rd QUarter_TLE.pptx
Lesson 5 module_FBS9-3rd QUarter_TLE.pptxLesson 5 module_FBS9-3rd QUarter_TLE.pptx
Lesson 5 module_FBS9-3rd QUarter_TLE.pptxHeberFBelza
 
AP8_NASYONALISMO_heberF.belza.COT-Aap.pdf
AP8_NASYONALISMO_heberF.belza.COT-Aap.pdfAP8_NASYONALISMO_heberF.belza.COT-Aap.pdf
AP8_NASYONALISMO_heberF.belza.COT-Aap.pdfHeberFBelza
 
Ppt.LessonG7araling panlipunan lesson.pptx
Ppt.LessonG7araling panlipunan lesson.pptxPpt.LessonG7araling panlipunan lesson.pptx
Ppt.LessonG7araling panlipunan lesson.pptxHeberFBelza
 
Final Demo in EdukadyonSaPagpapaha10.pdf
Final Demo in EdukadyonSaPagpapaha10.pdfFinal Demo in EdukadyonSaPagpapaha10.pdf
Final Demo in EdukadyonSaPagpapaha10.pdfHeberFBelza
 
MODULE 14-Edukasyon Sa Pagpap10.ppt.pptx
MODULE 14-Edukasyon Sa Pagpap10.ppt.pptxMODULE 14-Edukasyon Sa Pagpap10.ppt.pptx
MODULE 14-Edukasyon Sa Pagpap10.ppt.pptxHeberFBelza
 
MODULE 14-ESP10.ppt.pdf
MODULE 14-ESP10.ppt.pdfMODULE 14-ESP10.ppt.pdf
MODULE 14-ESP10.ppt.pdfHeberFBelza
 
LESSON 1 Introduction to Food & Beverage Services.pdf
LESSON 1 Introduction to Food & Beverage Services.pdfLESSON 1 Introduction to Food & Beverage Services.pdf
LESSON 1 Introduction to Food & Beverage Services.pdfHeberFBelza
 

More from HeberFBelza (7)

Lesson 5 module_FBS9-3rd QUarter_TLE.pptx
Lesson 5 module_FBS9-3rd QUarter_TLE.pptxLesson 5 module_FBS9-3rd QUarter_TLE.pptx
Lesson 5 module_FBS9-3rd QUarter_TLE.pptx
 
AP8_NASYONALISMO_heberF.belza.COT-Aap.pdf
AP8_NASYONALISMO_heberF.belza.COT-Aap.pdfAP8_NASYONALISMO_heberF.belza.COT-Aap.pdf
AP8_NASYONALISMO_heberF.belza.COT-Aap.pdf
 
Ppt.LessonG7araling panlipunan lesson.pptx
Ppt.LessonG7araling panlipunan lesson.pptxPpt.LessonG7araling panlipunan lesson.pptx
Ppt.LessonG7araling panlipunan lesson.pptx
 
Final Demo in EdukadyonSaPagpapaha10.pdf
Final Demo in EdukadyonSaPagpapaha10.pdfFinal Demo in EdukadyonSaPagpapaha10.pdf
Final Demo in EdukadyonSaPagpapaha10.pdf
 
MODULE 14-Edukasyon Sa Pagpap10.ppt.pptx
MODULE 14-Edukasyon Sa Pagpap10.ppt.pptxMODULE 14-Edukasyon Sa Pagpap10.ppt.pptx
MODULE 14-Edukasyon Sa Pagpap10.ppt.pptx
 
MODULE 14-ESP10.ppt.pdf
MODULE 14-ESP10.ppt.pdfMODULE 14-ESP10.ppt.pdf
MODULE 14-ESP10.ppt.pdf
 
LESSON 1 Introduction to Food & Beverage Services.pdf
LESSON 1 Introduction to Food & Beverage Services.pdfLESSON 1 Introduction to Food & Beverage Services.pdf
LESSON 1 Introduction to Food & Beverage Services.pdf
 

Recently uploaded

564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx
564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx
564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptxYollySamontezaCargad
 
Group-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMO
Group-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMO
Group-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOlaranangeva7
 
FILIPINO-GROUP-1-2-KABANATA 3-4.pptxFILIPINO-GROUP-1-2-KABANATA 3-4.pptx
FILIPINO-GROUP-1-2-KABANATA 3-4.pptxFILIPINO-GROUP-1-2-KABANATA 3-4.pptxFILIPINO-GROUP-1-2-KABANATA 3-4.pptxFILIPINO-GROUP-1-2-KABANATA 3-4.pptx
FILIPINO-GROUP-1-2-KABANATA 3-4.pptxFILIPINO-GROUP-1-2-KABANATA 3-4.pptxlaranangeva7
 
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for educationNoli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for educationkimdavidmerana03
 
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptxNOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptxlevyandhrei14
 
AP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptx
AP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptxAP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptx
AP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptxRanjellAllainBayonaT
 
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptx
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptxESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptx
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptxChristineJaneWaquizM
 
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdfFiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdfYollySamontezaCargad
 
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptxMga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptxitsjewdye
 
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURAL
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURALARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURAL
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURALHerlynJanMarieJuelo2
 
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............AljayGanda
 
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 pKabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 pmarryrosegardose
 
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptxKalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptxLucy Datuin
 
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptxaraling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptxfedelgado4
 
G9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptx
G9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptxG9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptx
G9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptxCharmaineMacailan1
 
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...erickacalugcugan001
 
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptx
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptxaralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptx
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptxJeneferSaloritos
 
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptxEdukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptxMaestroSonnyTV
 
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptxKATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptxAJAdvin1
 
4TH Quarter WEEK 2- Uri ng Pangungusap.pptx
4TH Quarter WEEK 2- Uri ng Pangungusap.pptx4TH Quarter WEEK 2- Uri ng Pangungusap.pptx
4TH Quarter WEEK 2- Uri ng Pangungusap.pptxBernsPadua
 

Recently uploaded (20)

564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx
564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx
564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx
 
Group-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMO
Group-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMO
Group-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMO
 
FILIPINO-GROUP-1-2-KABANATA 3-4.pptxFILIPINO-GROUP-1-2-KABANATA 3-4.pptx
FILIPINO-GROUP-1-2-KABANATA 3-4.pptxFILIPINO-GROUP-1-2-KABANATA 3-4.pptxFILIPINO-GROUP-1-2-KABANATA 3-4.pptxFILIPINO-GROUP-1-2-KABANATA 3-4.pptx
FILIPINO-GROUP-1-2-KABANATA 3-4.pptxFILIPINO-GROUP-1-2-KABANATA 3-4.pptx
 
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for educationNoli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
 
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptxNOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
 
AP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptx
AP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptxAP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptx
AP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptx
 
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptx
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptxESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptx
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptx
 
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdfFiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
 
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptxMga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
 
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURAL
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURALARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURAL
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURAL
 
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............
 
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 pKabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
 
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptxKalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
 
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptxaraling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
 
G9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptx
G9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptxG9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptx
G9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptx
 
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
 
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptx
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptxaralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptx
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptx
 
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptxEdukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
 
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptxKATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
 
4TH Quarter WEEK 2- Uri ng Pangungusap.pptx
4TH Quarter WEEK 2- Uri ng Pangungusap.pptx4TH Quarter WEEK 2- Uri ng Pangungusap.pptx
4TH Quarter WEEK 2- Uri ng Pangungusap.pptx
 

Module 12_Edukadyon sa PagpapakataoPPT.pptx

  • 1. Edukasyon sa Pagpapakatao 10 Kalikasan at Kapaligiran, Aking Pananagutan
  • 2. Alam niyo ba na ganito katagal bago mabulok ang mga sumusunod? Mga Bagay Tagal bago mabulok paperbag 1 buwan kardbord 2 buwan goma 50-80 taon aluminyo/lata 200-500 taon plastik na bote 450 taon plastik bag 20-1000 taon
  • 3. Ang kalikasan ay tumutukoy sa lahat ng nakapaligid sa atin na maaaring may buhay o wala. Ito ay kinabibilangan ng mga puno’t halaman, at lahat ng iba’t ibang uri ng hayop mula sa maliit hanggang sa malaki.
  • 4. Maituturing ding bahagi ng kalikasan ang lahat ng salik na siyang nagbibigay-daan o tumutugon sa mga pangangailangan ng mga nilalang na may buhay upang ipagpatuloy ang kanilang buhay. Kabilang dito ang hangin, lupa, tubig, at iba pang mga anyo nito.  May buhay man o wala, kapag sumusuporta sa pagpapatuloy ng buhay ng mga nabubuhay na nilalang ay maituturing na bahagi ng kalikasan.
  • 5. Ang mabilis na pagkasira ng kalikasan ay isang isyu na matagal nang pinagtutuunan ng pansin ng marami kabilang na ang mga siyentipiko, iskolar, at politiko. Naging bahagi na ng mga pagtalakay at pagpaplano sa mga programang kailangan upang mapangalagaan ang kalikasan. Dahil ang daigdig ay isang malaking sistema at ang sakit na nararamdaman ng kalikasan ay nadarama rin ng tao, may pananagutan ang tao na pangalagaan ang kalikasan.
  • 6. Gamitin nang wasto ang yaman ng kalikasan dahil lahat ng ito ay may limitasyon at hangganan. Alagaan ang mga hayop, magtanim ng maraming puno, tumupad sa mga batas na naaayon sa kapaligiran, at mabuhay nang simple. Tao ang nagdurumi, tao rin ang lilinis; dahil sa huli, tao pa rin ang tatamaan o makikinabang nito. Kabahagi ka sa pagsasabuhay ng mithiing ito.
  • 7. Sa pagmamahal at pangangalaga sa kalikasan, nararapat nating tandaan na malaya nating magagamit ang mga ito sapagkat kaloob ito sa atin ng Diyos. Ngunit sa paggamit natin ng kalikasan, dapat din nating tingnan kung ito ba ay ginagamit nang tama o mabuti. Dahil dito, kung kaya’t nagkakaroon tayo ng obligasyong pangalagaan ang kapaligiran para sa mga tao ng susunod na henerasyon.
  • 8. Responsibilidad ng tao na tiyakin na maayos ang galaw at pagdaloy ng buhay sa ating daigdig. Subalit sa halip na pangangalaga sa kalikasan, sinisira ito ng bawat maling kilos at pasya ng tao
  • 9. Maraming mga pagmaltrato at paglabag ang ginagawa ng tao na tuwirang taliwas sa pangangalaga sa kalikasan. Ang mga sumusunod ay gawain ng mga tao na sumisira sa halip na mangalaga sa kalikasan.
  • 10. Ang pag-iipon ng napakaraming basura at maling pagtatapon nito. Ang pag-iipon ng napakaraming basura at maling pagtatapon nito ay patuloy na lumalala at nagdudulot ng malalaking kaugnay na problema sa kalikasan at kapaligiran. Sa Metro Manila pa lamang, 80 tonelada na ng basura ang naitatapon araw-araw. Sa dami nito, 70% lamang ang nakokolekta, ang iba ay itinatapon sa kalsada o kaya ay sa mga estero o kanal na siyang dahilan ng mabilis na paglaki ng baha kapag umuulan.
  • 11. Iligal na pagputol ng mga puno. Ito ay may malaking epekto sa ating kapaligiran at kalikasan tulad ng kadalasang pag-ulan na nagdudulot ng mga pagbaha .Wala na kasi ang mga malalaking ugat na sumisipsip ng tubig. Gayundin naman, sa mga buwan ng tag-init ay nagkukulang ang supply ng tubig. Kadalasan ito rin ay nauuwi sa pagbitak ng mga lupa na nagiging sanhi upang ang mga pananim ay matuyo.
  • 12. Polusyon sa hangin, tubig, at lupa. Ang maling pagtatapon ng basura ay nagiging sanhi ng polusyon na nakakaapekto sa kalidad ng hangin, tubig, at lupa. Nasisira ng polusyon ang komposisyon ng tubig, hangin at lupa at nagdudulot ng panganib sa mga bagay na nakadepende sa mga ito upang mabuhay, kabilang na ang tao. Sa kasalukuyan, ang malalang epekto nito, gaya ng pagbabago ng klima sa daigdig, ay bumabalik na sa atin.
  • 13. Pagkaubos ng mga natatanging species ng hayop at halaman sa kagubatan. Maraming uri ng mga hayop at halaman ang unti-unting nawawala at namamatay dahil sa malawakang pag- abuso ng tao rito. Maraming uri ng hayop at halaman ang nagiging threatened, endangered, at ang pinakamalala sa lahat ay ang kanilang extinction.
  • 14. Malabis at mapanirang pangingisda. Ang yamang dagat na ito ay unti-unti na ring nauubos dahil sa hindi matigil na cyanide fishing, dynamite fishing, at sistemang muro-ami na pumipinsala hindi lamang sa mga isda kundi maging sa kanilang natural habitat o tirahan. Ang malabis at mapanirang pangingisda ay nagbubunga ng pagkawala ng mga likas na yamang kailangan ng mga tao para sa kanilang ikinabubuhay.
  • 15. Ang pagko-convert ng mga lupang sakahan, iligal na pagmimina, at quarrying. Nagkakaroon ng kakulangan sa suplay ng mga produktong mula sa mga magsasaka dahil sa hindi na mabilang na mga lupang sakahan ang hindi na tinatamnan dahil ginawa ng subdivision, golf courses, mga hotel, expressways, at iba pa. Nasisira ang mga ilog, bumababaw ang dagat, at nagkakaroon ng pagguho dahil sa iligal na pagmimina at ang paghuhukay sa mga dalampasigan upang makakuha ng black sand.
  • 16. Climate change. Climate change – ang malawakang pag-iiba-iba ng mga salik na nakaaapekto sa panahon na nagdudulot nang matinding pagbabago sa pangmatagalang sistema ng klima.
  • 17.  Global warming. Global warming - patuloy na pagtaas ng temperatura bunga ng pagdami ng tinatawag na green house gases lalo na ng carbon dioxide sa ating atmospera.  Ito ay nagdudulot ng mahahabang tag-init na nauuwi sa malawakang tagtuyot o El Nino o kaya naman ay malawakan at matagal na pag-ulan o La Nina. Ito rin ay nagdudulot ng climate change. Dahil sa matinding init, unti-unting nalulusaw ang mga glacier at iceberg na nauuwi sa pagtaas ng lebel ng tubig sa dagat, mga pagbaha, at matinding pag- ulan.
  • 18. Komersiyalismo at urbanisasyon. Komersiyalismo ― tumutukoy sa pag- uugali ng tao at mga kilos na nagpapakita nang labis na pagpapahalaga na kumita ng pera o kaya ay pagmamahal sa mga materyal na bagay sa halip na ibang mga pagpapahalaga. Urbanisasyon ― ang patuloy na pag- unlad ng mga bayan na maisasalarawan ng pagpapatayo ng mga gusali tulad ng mga mall at condominium units. Konsyumerismo ― isang paniniwala na mabuti para sa tao ang gumasta nang gumasta para sa mga materyal na bagay at serbisyo.
  • 19. • Mapapansin na sa pagdaan ng panahon, mas nagiging materyoso at mapaghangad ang marami sa atin. Makikita ito sa pagnanais natin na magkaroon ng maraming material na bagay, na maunahan at mahigitan ang iba sa pagkakamit ng mga materyal na bagay na ito. Karamihan ay nagnanais magkaroon ng maraming salapi upang magkabili ng mga bagay na gusto nila. Ang layunin na ng marami ay ang pagkakamit ng materyal na bagay.
  • 20. Ang materyalismo at komersyalismo ay nagiging paraan na ng pamumuhay natin. Ito ang epekto sa atin ng mga patalastas at sinasabi ng media. • Itinuturo ng mga ito sa atin na maghangad ng higit sa ating kailangan. •Pilit nitong inilalagay sa ating isip na kailangan nating maging katulad ng mga modelo sa mga patalastas upang maging maganda o gwapo at masaya. Sinasabi ng mga ito na kailangan nating maging maputi, mataas, payat at magkaroon ng magagandang gamit upang maging mas ganap tayo bilang tao.
  • 21.  Ang lahat ng ito ay naglalayon na papaniwalain tayo na maraming kulang sa atin at sa ating pagkatao. Bunga nito, nagkakaroon tayo ng paniniwala na maraming kailangang baguhin sa ating kaanyuan hanggang hindi natin nakakatulad ang mga modelong ating nakikita.  Kailangan nating bilhin at gamitin ang mga produkto na iniaalok nila sa atin.
  • 22.  Pinaniniwala din tayo nito na ang ating kaligayahan at kaganapan bilang tao ay nakasalalay sa pagpapaganda ng sarili at pag-aari ng maraming bagay.  Binabago nito ang ating pagpapahalaga at konsepto ng kaligayahan. Sinasabi nito sa atin na upang maging masaya, kailangan nating magkaroon ng mga pinakabago at pinakausong kagamitan at gadget.  Hindi lamang negatibong pagtingin sa sarili at maling pananaw sa kaligayahan ang epekto sa atin ng mga panghihikayat na ito ng media.
  • 23.  May epekto din ito sa ating kapaligiran. Ang pagiging masyado nating materyoso ay sumisira sa kalikasan at nagdadagdag ng problema sa kapaligiran. Habang nadadagdagan ang inaakala nating "pangangailangan" natin, naghahangad tayo ng mas marami at bumibili o gumagamit tayo ng mas higit kaysa sa nararapat.  Ang lahat ng ito ay nagbubunga ng malaking problema sa kapaligiran at kalikasan sapagkat nangangahulugan ito ng mas maraming bagay na kailangang kunin mula sa kalikasan na itatapon naman sa kapaligiran. Mas marami tayong bagay na binibili at ginagamit, mas marami din tayong itinatapon sa ating paligid. Mas sumasabay tayo sa uso at nagpapadala sa tukso ng teknolohiya, sinisira natin ang ating kalikasan.
  • 24.  Ang ating kilos at pamumuhay sa kasalukuyan ay nagpapakita ng kultura ng pag-aaksaya. Halimbawa, isipin mo na lamang ang pamumuhay at paraan ng pagbili sa iyong sariling pamilya. Ilan ang inyong cell phone, telebisyon, sapatos o bag? Malamang, mayroon kayong higit kaysa sa inyong kailangan sa mga ito.Maaring mayroon kayong telebisyon sa bawat kwarto at bawat isa ay may dalawang cell phones at napakaraming bag at sapatos.
  • 25. Maliwanag na ang ating maling pamumuhay at maling pagpapahalaga ay nakasisira sa kalikasan. Upang matugunan ang problemang ito, mayroong dalawang bagay na kailangan nating maunawaan.
  • 26. 1. Hindi nakasalalay ang ating kaligayahan sa pagkakaroon ng maraming materyal na bagay. Ang mga materyal na bagay ay hindi karaniwang sukatan ng totoong kaligayahan. Ang totoo, maaari tayong maging maligaya kung babaguhin natin ang ating pananaw ukol sa mga bagay na makapagpapaligaya sa atin. Kailangan nating maunawaan na higit kaysa sa materyal na gamit, mas nakadepende ang ating kasiyahan sa pagkakaroon ng maayos na kaugnayan sa ating kapwa. Kung titingnan,ang mga materyal na bagay ang naglalayo sa atin sa mga taong mahahalaga sa atin.
  • 27. 2. Ang pagtupad ng ating pananagutan sa kalikasan bilang katiwala nito ay paggalang hindi lamang sa kalikasan kundi pati na din sa awtoridad ng Diyos na siyang gumawa at nagkatiwala nito sa atin. Ipinagkaloob sa atin bilang tirahan at binubuhay tayong lahat ng kalikasan bilang mga mamamayan ng mundong ito. Ang bawat isa ay may tungkulin na pangalagaan ito at tiyakin na mapapakinabangan din ng iba pang mga susunod sa hindi ang ating kalayawan. Dahil mayroong limitasyon ang kalikasan, kailangan nating tiyakin na hindi higit sa ating kailangan ang ating kinukuha mula dito.
  • 28. •Ang pagiging katiwala ng kalikasan ay hindi nangangahulugan na ito ay aabusuhin o gagamitin natin sa paraang nais natin. Bilang katiwala, kinikilala natin na ang anumang nasa atin ay pag- aari pa din ng Diyos at tayo ay kasama niya na nangangalaga dito. Inaasahan ng Diyos na gagamitin natin ito ng may paggalang.
  • 29. •Kailangan nating tiyakin na mananatili itong nasa maayos na kalagayan bilang paggalang at pasasalamat sa Diyos na nagpapahiram nito sa atin. Ang maingat at matalinong paggamit ng mga materyal na bagay na kinukuha natin mula sa kalikasan ay isang paraan upang maipakita natin na pinahahalagahan at pinangangalagaan natin ang kalikasan na ipinagkatiwala sa atin.
  • 30. Maaari tayong maging mapanagutan sa ating pasya tungkol sa mga bagay na makakaapekto sa kapaligiran sa pamamagitan ng mga sumusunod na paraan:
  • 31.  Mamuhay nang simple. Ang pangangalaga sa kapaligiran ay nangangailangan ng pagbabago ng paraan ng pamumuhay. Nangangahulugan ito ng pagpapasya kung alin sa mga materyal na bagay ang talagang kailangan natin at pagbili ng mga bagay ayon lamang sa pangangailangan dito. Maaaring matugunan ang mga pangangailangan nang hindi kinakailangang bumili ng marami kaysa sa kaya nating gamitin o ubusin. Ang pamumuhay nang simple sa pamamagitan ng pagbili ayon lamang sa pangangailangan ay nangangahulugan ng mas malinis at maayos na kapaligiran.
  • 32.  Isaalang-alang ang kapaligiran sa mga bibilhin at gagamitin. Mahalagang maging bahagi ng ating pang-araw-araw na kilos at pasya ang kapakanan ng kapaligiran lalo na sa mga bagay na ating bibilhin at gagamitin. dapat suportahan at tangkilikin ang mga produkto na hindi nakakaapekto sa kapaligiran upang mapilitan ang mga kumpanya na isaalang-alang ang kapakanan ng kapaligiran sa kanilang mga produkto.
  • 33.  Huwag palaging isipin ang layaw ng katawan. Dahil sa nagagawa ng teknolohiya at mabilis na takbo ng pamumuhay, nasanay tayo sa mga bagay na magpapadali sa ating mga gawain. Ang problema dito,mas maraming basura ang ating naitatapon at mas maraming enerhiya ang ating nagagamit. Mayroong mga pagkakataon na maaari naman nating tiisin ang kaunting hirap kung ang kapalit naman nito ay malinis na kapaligiran.
  • 34.  Huwag mag-alangang gamiting muli, kumpunihin o irecycle ang mga gamit. (Pagsasabuhay ng 3R) Maaaring makatulong ang isang tulad mo sa pamamagitan ng pag-iwas o hindi paggamit ng mga bagay na hindi makakalikasan (reduce), huwag itapon ang mga bagay na mapapakinabangan o magagamit pa (re-use), ang walang katapusang panawagan ng pagbabagong bihis ng mga bagay na nagamitna at puwede pang gamitin sa ibang bagay (recycle) at ang paggamit ng mga bagay na hindi na kinakailangang kunin pa sa kalikasan.
  • 35. Itapon ang basura sa tamang lugar. Ang tamang pagtatapon ng basura ay malaking tulong upang maiwasan ang pagbaha. Sa kasalukuyan, kabi-kabila na ang mga programang nagsusulong ng mga programang nauukol dito, puwede kang maging kabahagi nito at kung daragdagan ng sipag at pagpupunyagi, ang basura na sana ay itatapon na ay puwede pang pagkakitaan.
  • 36. Pagtatanim ng mga puno. Maaaring mag-organisa ang isang tulad mo ng mga programa sa paaralan o maging sa baranggay ng isang programa ng pagtatanim ng mga puno o maging ng mga gulay sa likod bahay. Maaaring makipag-ugnayan sa barangay o maging sa munisipalidad ukol dito. Kadalasan, ang mga lokal na pamahalaan ay may pondong nakalaan sa pamimigay ng mga libreng punla o mga buto na maaaring itanim sa bahay o sa iba pang mga lugar.
  • 37. Sundin ang batas at makipagtulungan sa mga tagapagpatupad nito. Huwag ipagpilitang gawin ang mga bagay na labag sa batas at hindi nakatutulong sa pangangalaga at pagreserba ng kalikasan. Ang isang tulad mo ay may papel na isumbong at ipagbigay-alam sa may kapangyarihan ang mga gawaing hindi ayon sa batas, lalo na kung ang mga ito ay lalo na kung ang mga ito ay napapatungkol sa kalikasan.
  • 38. Pangalagaan ang kalikasan upang ipakita ang pagpapasalamat at paggalang sa Diyos.
  • 39. MARAMING SALAMAT! GOD BLESS! Prepared by Heber F. Belza BSED-4A