SlideShare a Scribd company logo
1 of 38
Download to read offline
PAGGALANG SA BUHAY:
PAGMAMAHAL SA DIYOS
AT KAPUWA
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10
MODYUL 14
MAY HIGIT NA MAHALAGA SA BUHAY
Kaugnay sa kahalagahan ng buhay, may sinasabi si Rick
Warren sa kanyang aklat na ‘The Purpose-Driven Life’:
"Ang layunin ng iyong buhay ay malayong higit na Malaki
sa iyong sariling kaganapan, iyong kapayapaan ng isip,o
kaya ng iyong kaligayahan. Ito ay higit na Malaki kaysa sa
iyong pamilya, trabaho, kahit iyong pinakamataas na
pangarap at ambisyon. Kung gusto momg malaman kung
para saan ang buhay mo dito sa mundo, dapat mong
simulan sa Diyos. Nilalang ka dahil sa Kanyang layunin at
para sa Kanyang layunin,"
“Hindi lamang sa tinapay nabubuhay ang tao,
kundi sa bawat salitang namumutawi sa bibig
ng diyos” (Matthew 4:4 and Luke 4:4)
“We eat to live not we live
to Eat”
 Mahalaga ang buhay ngunit may higit na mas
mahalaga kaysa dito, ito ang pagmamahal sa Diyos
at sa kapuwa. Kapag walang pagpapahalaga sa
buhay, wala ring pagpapahalaga sa tao. Kapag
nangyari ito, masasaktan natin ang ating sarili at ang
ating kapuwa at hindi natin magagampanan ang
mahalaga sa lahat- ang magmahal at magpuri sa
ating Maylalang.
“Whatever good things we do to our poor,
helpless brothers, we do it for God”
PAGSULONG SA PAGGALANG SA BUHAY
NG TAO
 Ang buhay ang pinakamahalagang biyayang kaloob ng
Diyos sa tao, Kaloob ito ng Diyos upang kalingain at
pagyamanin.
 Sa kabila ng mga umuusbong na isyu at mga pangyayari
na laban sa buhay, isang katotohanan ang nananatili hindi
nakasalalay ang ating buhay sa ating sariling kagustuhan o
kaginhawaan lamang.
 Sagrado ang buhay ng tao kaya patuloy ang paglinang ng
pag-unawa tungkol dito upang maging makatotohanan
ang ating paggalang at pagtanggol nito sa lahat ng mga
maaaring lumapastangan nito.
Ang Buhay ay Sagrado
TANDAAN:
ANG BUHAY AY SAGRADO MULA
SA KANYANG PAGKALALANG SA
SINAPUPUNAN HANGGANG SA
KUSANG PAGPANAW SA MUNDO.
MGA KADAHILANAN PARA IGALANG ANG BUHAY
1. Nilikha at hinubog ng Divos ang bawat tao na
Kanyang kawangis at kalawaran.
Ang kabanalan ng buhay ay nakaugat sa kalikasan ng tao
mula sa kanyang pagkalalang hanggang sa kanyang
kamatayan. Dahil dito, may kalikasan ang tao na
magmahal, magsuri ng katotohanan at magtaguyod ng
katarungan. Ang mga katangiang ito ay nakaukit sa puso
ng bawat tao. Isa itong mahalagang biyaya at likas na
karapatan. Kung kaya walang karapatan ang sinuman na
pagkaitan ng buhay ang isang tao anuman ang kanyang
kalagayan sa buhay.
2. Ang kasagraduhan ng buhav ang pinakamatibay na
pundasvon ng dignidad ng tao.
Mahalaga ang buhay ng bawat tao kahit ano pa man ang
kanyang gulang, kasarian at kulay. Naniniwala tayo na
ang mga mahihina, madaling mabiktima, o mahihirap ay
kinakalinga lalo na ang mga hindi pa naipapanganak,
matatanda, may mga kapansanan at karamdaman o
malapit nang mamatay ay mahalaga ang kanilang buhay.
Ang dignidad ng tao ay nangingibabaw sa anumang antas
ng lipunan. Bawat nilalang ay may likas na dignidad na
batayan ng kanyang karapatan. Hindi ito ibinibigay ng
lipunan at hindi rin nito nilalabag. Kaya, walang
pagkakaiba ang paggalang sa buhay ng tao at
pagtatanggol sa kanyang dignidad.
3. Ang buhay ng tao ay mayroong tunay na
pananagutang panlipunan.
Walang nabubuhay para sa sarili lamang. Nilikha ang tao
upang maging mapanagutang tagapangalaga ng lahat ng
nilalang ng Diyos. Nilalang ang bawat tao sa
kadahilanang mayroon siyang layunin at tunguhin para sa
kaganapan. Walang ibang nilalang na higit na banal kaya
sa tao. Ang bawat tao, simula nang kanyang pagkalalang,
biniyayaan man o hindi ng mataas na antas ng paggamit
ng isip at kilos-loob ay may dignidad nakamtin ang
layunin ng kanyang pagkalalang. Kaya siya ay
karapatdapat na igalang bilang miyembro ng buong
sangkatauhan.
4. Likas ang karapatan ng buhay na mabuhay.
Ang karapatang mabuhay ang una at pinakapangunahing
prinsipyo ng karapatang pantao na siyang batayan ng
pagkaroon ng higit na paggalang sa buhay ng tao. Ito ay
kaugnay sa mga prinsipyo ng kapayapaan at katarungan. Ito
ay nagpapatunay na kinakailangan ang malapit na ugnayan ng
mga etika ng buhay at ng etikang panlipunan. Nakakabagabag
ang mga oberbasyon sa ilang lipunan kung saan kabaligtaran
ang nagyayari. Pagkukunwari lamang ang kanilang
pagtataguyod ng mga pagpapahalaga sa pantaong dignidad,
katarungan, at kapayapaan dahil sila mismo ang lumalabag sa
mga prinsipiyong ito sa pamamagitan ng mga iba't-ibang
paraan ng pagwawalang---bahala sa mahihina at mahihirap.
PAGSULONG NG CULTURE OF LIFE SA
HALIP NA CULTURE OF DEATH
 Ang sinulat ni Pope John Paul ll, Evangelium
Vitae (Gospel of Life) ay binibigyan-diin na ang
buhay ng tao ay ang pangunahing
pagpagpapahalaga.
 Ginagamit niya ang "culture of life" at "culture of
death" upang isiwalat ang katotohanan tungkol
sa buhay ng bawat tao na dapat tinatanggap
nang buong puso mula sa kanyang pagkalalang
hanggang sa kanyang kusang pagkamatay.
CULTURE LIFE
 a way of life based upon
the belief that human life
at all stages from
conception through natural
death is sacred.
 it promotes policies that
“lift up the human spirit
with compassion and
love.”
CULTURE OF DEATH
 It refers to a civilization that
endorses lethal omissions and
even outright killing by doctors
to alleviate suffering or resolve
life crisis.
 the concept that human life
can be end of “moral crimes”
in the context of euthanasia,
assisted suicide and abortion.
MGA PANGUNAHING GABAY KAUGNAY NG
PAGGALANG SA BUHAY AT SA
KAHALAGAHAN NG PAGKAKAROON NG
"CULTURE OF LIFE
1. PAGGALANG SA BUHAY
 Ang buhay ng tao ay sagradong katotohanan na
ipinagkatiwala sa atin.
 Dapat ito'y pagyamanin nang may pananagutan, na
may gawing ganap na pagmamahal at sa biyaya ng
ating sarili, para sa Diyos at sa ating kapuwa.
 Bawat nilalang ay nararapat igalang, ipagtanggol,
mahalin, at pagsilbihan ang buhay, bawat buhay ng
tao.
 Lahat ng tao- kahit ano pang lahi, paniniwala, o
pambansang pagkakilanlan– ay magkakapatid.
 Maraming idiyolohiyang nagtatanong nang tulad ni
Cain: "Ako ba ang taga-alaga ng aking kapatid?". Sa
kasalukuyan, maraming taong hindi tinatanggap ang
pananagutan para sa kanilang mga kapatid. Ang hindi
paggalang sa kapuwa ay tuluyang ginagawa sa
pamamagitan ng kasinungalingan, pagmamaliit, galit,
inggit at lalo na ang kawalan ng pagmamahal.
2. CULTURE OF DEATH: TRAHEDYA NG BUHAY
 Mayroong matinding krisis ng kulturang bumubuo ng
pag-aalinlangan kaugnay sa mga pangunahing kaalaman
at etika. Ito ang unti-unting nagpapahirap sa pag-unawa
sa tunay nakahulugan ng tao at ang kahulugan ng
kanyang karapatan at pananagutan.
 May iba't ibang uri ng kahirapan sa pamumuhay at sa
ugnayan sa isa't isa na lalo pang pinahirap ng
pagkasalimuot ng lipunan kung saan napababayaan ang
mga tao at mga pamilya sa kanilang suliranin.
 Mayroong mga situwasyon ng matinding kahirapan, pag-
aalala o pagkabigo sa paghanap ng makakain araw-araw ang
pagkaroon ng dimakayang sakit, karahasan, lalo na laban sa
mga babae, na halos ginagawang kabayanihan ang pagpiling
ipagtanggol at itaguyod ang buhay.
 Lahat ng nakasisira sa buhay ay paglapastangan sa buhay ng
tao at sa Diyos. Itinuturing na trahedya ang mga ito hindi
lamang dahil napakatindi ng ating pagkatuliro dulot ng
malawakang pag-impluwensiya sa ating isip tungkol dito,
higit sa lahat dahil ang konsiyensiya ay higit na nahihirapan
sa paghusga kung alin ang tama sa mali kaugnay sa
pagpapahalaga sa buhay ng tao.
 Ang mga ito ay tulad ng:
o pagpatay ng tao, pagpatay ng sangkatauhan, aborsyon,
euthanasia o kusang pagkitil ng sariling buhay;
o anumang pagyurak sa integridad ng tao, gaya ng pagsakit
o pagsira ng bahagi ng katawan (mutilation), pagsakit sa
katawan o isip, pagtatangkang puwersahin ang kalooban.
o anumang makakainsulto sa dignidad ng tao, tulad ng
kasalatan ng pamumuhay, hindi makatarungang
pagkukulong, deportasyon, pangaalipin, prostitusyon, ang
pangangalakal sa mga kababaihan at mga bata, pati ang
hindi makataong kondisyon ng pagtatrabaho, kung saan
ang mga tao ay itinuturing na mga gamit kaysa malaya at
managutang tao.
3. PAGLAHO NG KAMALAYAN SA DIYOS AT KAMALAYAN
SA TAO: UGAT NG CULTURE OF DEATH
 Ang trahedya ng pagkakaroon ng culture of death ay nag-
uugat sa paglaho o “eclipse" ng kamalayan sa Diyos at
kamalayan sa tao (sense of God and sense of man). Ang mga
taong hinahayaang maimpluwensiya sila sa ganitong kultura ay
madaling mahulog sa mabisyong sitwasyong ito:
o Kapag Nawala ang kamalayan sa Diyos, malamang Nawala na
rin ang kanyang kamalayan sa tao, sa kanyang dignidad at sa
kanyang buhay.
o Kapag nangyari ito, nalalabag na rin ang Batas Moral, lalo na
ang paggalang sa buhay ng tao at sa kanyang dignidad.
o At ito ay magdudulot sa unti-unting pagkabalot ng kadiliman
sa kakayahang magnilay sa presensya ng Diyos.
 Sa taong kinalimutan ang Diyos at naniniwalang maaaring
mabuhay ang tao na parang wala ang Diyos.
o Siya ay nagiging tuliro sa isip. Hindi na niya matanto ang kanyang
pagkabukod-tangi at pagkaiba niya sa ibang nilalang. Siva ay
minaliit na isang bagay at hindi na niya itinuturing ang kanyang
sarili na sagradong ipinagkatiwala sa kanyang sariling
pananagutan at pagmamahal at paggalang.
o Hindina na niya nakikilala ang kalikasan ng kanyang katawan, ang
sariling ugnayan, ang pakikipag-ugnayan sa kapuwa, sa Diyos at
sa mundo. Minaliit ang katawan na isang bagay:may mga bahagi,
gawain at enerhiya na ginagamit batay lamang sa pamantayan ng
kasiyahan at kahusayan.
o Kasunod nito, ang sekswalidad din ay nagiging bagay at
ginagamit sa maling paraan: sa halip na maging lugar ng
pagmamahal,pag-aalay ng sarili at pagtanggap ng iba,
kasama ng Iahat ng kaganapan ng sarili, ito ay nagiging
okasyon at instrumento ng makasariling paghahayag at
pagbibigay kasiyahan sa sariling pagnanasa.
o Hindi lamang nawawala sa kanyang paningin ang misteryo
ng Diyos, kundi ang misteryo ng mundo at pati na rin ang
misteryo ng kanyang pagkatao. Ang pagpapakatao ay
napapalitan ng "pagkakaroon". Ang natatanging layunin ay
magkaroon ng kasiyan sa material na kaginhawahan. Ang
katiwasayan sa buhay ay nangangahulugang ekonomiyakong
kahusayan, labis na pamimili at paggamit, kagandahang
pisikal at kasiyahan.
o Napapabayaan ang tunay na kahulugan ng
interpersonal, espiritwal, at relihiyosong katuturan ng
buhay. Ang interpersonal na pakikipagugnayan ay
nawawalan ng saysay. At ang mga unang nasasaktan ay
ang kababaihan, mga bata, ang mga maysakit, mga
nagdurusa, at mga matanda. Ang pamantayan ng
dignidad na nangangailangan ng paggalang, pagtulong,
at serbisyo ay napapalitan ng pagkaroon ng gamit at
kapakinabangan. Mahalaga ang tao hindi kung ano sila
kundi dahil sa kung ano ang mayroon sila, o ano ang
magagawa o ano ang maibibigay nila.
4. ABORTION, SUICIDE, EUTHANASIA: PAGTULIGSA SA
KAPANGYARIHAN NG DIYOS SA BUHAY AT KAMATAYAN
 Ang buhay ay ipinagkatiwala ng Diyos sa tao na
isang kayamanan na dapat pagyamanin at hindi
linulustay kundi gamitin nang tama at mabuti.
o Ang suicide o pagpapatiwakal ay hindi moral na
kilos dahil ito ay pagkitil ng buhay. Ito ay pag-
ayaw sa pagmamahal sa sarili at pagtutigsa sa
pananagutan sa katarungan at pagmamahal sa
kapwa, sa sariling pamayanan at sa lipunan.
o Ang pagtulong sa ibang tao upang kitilin ang sariling
buhay ay hindi rin moral. Ang euthanasia ay mas malala sa
kanyang pagka di-moral kapag ito ay ginawa ng mga
kamag-anak na dapat nag-aalaga sa maysakit na
mayroong pasyensya at pagmamahal.
o Ang buhay ng tao ay biyayang kaloob ng Diyos, sagrado at
hindi maaring kitilin. Ito ang dahilan kung bakit ang
aborsyon at euthanasia ay lubusang hindi matatanggap.
Walang anumano sinuman ang pwedeng kumitil ng buhay
sa anumang paraan, kahit siya ay isang embryo, fetus,
bata, matanda o sinumang maysakit na kahit walang lunas
o isang taong malapit nang mamatay. Ang paggalang sa
buhay ay kinakailangan ng agham at teknolohiyang laging
nasa serbisyo ng tao para sa kanyang pag-unlad.
5. MAHALAGANG GAMPANIN PARA SA "CULTURE OF
LIFE" AT SA PAGTUWID NG "CULTURE OF DEATH"
 Tayong Iahat ay kalahok at kabahagi sa hindi
maiiwasang pananagutang manindigan para sa
buhay ng tao. Sama-sama tayong mag-alay sa
mundong ito ng ating pag-asa at magsikap na
siguruhin na ang katarungan at pagbubuklod ay
mag-iibayo at ang bagong kultura ng buhay ng tao
ay maisusulong para sa pagkäkaroon ng tunay na
kalinangan ng katotohanan at pagmamahal.
 Upang magawa ito…
o Unang-una, kailangan ang paghubog ng konsiyensiya kaugnay
ng walang kapantay at kasagraduhan ng buhay ng bawat tao.
Pinakamahalagang matatag ang pag-unawa ng pangunahing
ugnayan ng buhay at Kalayaan.
o Ang Gawain sa edukasyon na malapit sa paghubog ng
konsiyensiya ay tumutuJong sa mga indibidwal upang
magpakatao. Ang edukasyon ang gagabay sa kanila na maging
malapit lagi sa katotohanan, na lumago ang paggalang sa
buhay, at magkaroon ng mabuti at tamang pakikipagugnayan.
o Kailangan natin ang magkaroon sa ating sarili at sa kapuwa ng
isang mapagnilay na paninindigan. Ang panindigang ito ay
hindi sumusuko sa harap ng mga maysakit, nagdurusa,
itinakwil, o iyong mga malapit nang mamatay. Sa halip ay
tinatanggap ang hamong mahanap ang kahulugan at sa mga
mukha ng mga taong ito naririnig ang tawag para sa
paghaharap, pag-uusap, at pagbubuklod.
o Ang pamilya ay may natatanging gampanin sa buong buhay ng
kanyang mga miyembro mula sa pagkapangak hanggang
kamatayan. Ito ay tunay na kanlungan ng buhay (sanctuary of
life): ang lugar kung saan ang buhy na kaloob ng Diyos ay
tinatanggap nang tama at naipagtatanggol laban sa maraming
lantad na paninira, at kung saan napauunlad ito batay sa tunay
na paraan para sa pantaong kaganapan. Kaya, ang gampanin
ng pamilya sa pagtatayo ng culture of life ay napakahalaga at
hindi mapapantayan.
o Mga programang panlipunan tulad ng pag-asikaso at
paggamot ng mga nalulong sa droga, AIDS, sakit sa pag-iisip at
mga samahan para sa mga may kapansanan, lahat ay mga
pagpapakita ng puwedeng magawa ng pagtutulungan upang
bawat isa ay mabigyan ng pag-asa at pagkakataon para sa
mabuhay.
o Patuloy ang mga sentro o institusyong
nagbibigay suporta sa buhay na may dedikasyon
at serbisyo, na nag-aalay ng moral at material na
tulong sa mga inang nasa kahirapan at nag-
aalangang dumanas ng aborsyon.
o Kailangan ang pagdami ng mga pangkat sa
lipunan na sumasalungat sa kamatayan bilang
parusa. Ang modernong lipunan ay dapat
magkaroon ng paraan sa pagsugpo ng krimen sa
pamamagitan ng hindi pananakit sa mga criminal
at sa pagbibigay sa kanila ng pagkakataong
magbago
o Malaki ang inaasahan sa mga kabataan na matuto ng
tunay na Kaiayaan, na may kakayahang pagyamanin sa
kanilang sarili at sa iba ang tunay na mga prinsipyo ng
buhay, at tumanda silang patuloy ang kanilang paggalang
at pagserbiyo sa bawat tao, sa pamilya at sa lipunan.
o Kailangang pahalagahan at seryosohin ng media ang
kanilang pananagutan na ang mga mensaheng mahusay
nilang inihahayag ay susuporta sa culture of life. Kailangan
nilang ipakita ang mabubuting huwaran ng buhay at
magbigay ng mga halimbawa ng mga positibong
pagpapahalaga at mga kabayanihan sa pagmamahal ng
kapuwa. Buong paggalang nila dapat ipakita ang
positibong kahalagahan ng sekswalidad at pagmamahal
pantao at huwag nilang ipilit ang anumang yumuyurak at
nagpapababa sa dignidad.
MARAMING SALAMAT AND GOD BLESS
YOU ALL…
Inihanda ni:
Heber F. Belza

More Related Content

Similar to MODULE 14-ESP10.ppt.pdf

Katuturan ng moral na pagkatao
Katuturan ng moral na pagkataoKatuturan ng moral na pagkatao
Katuturan ng moral na pagkataoMartinGeraldine
 
Mag isyung moral tungkol sa buhay 3rd day p
Mag isyung moral tungkol sa buhay   3rd day pMag isyung moral tungkol sa buhay   3rd day p
Mag isyung moral tungkol sa buhay 3rd day pliezel andilab
 
ANG KAHULUGAN NG DIGNIDAD.pptx
ANG KAHULUGAN NG DIGNIDAD.pptxANG KAHULUGAN NG DIGNIDAD.pptx
ANG KAHULUGAN NG DIGNIDAD.pptxChrisAncero
 
vdocuments.mx_batas-moral.pptx
vdocuments.mx_batas-moral.pptxvdocuments.mx_batas-moral.pptx
vdocuments.mx_batas-moral.pptxvanessacabang2
 
Modyul 4 ang pagkilala sa Dignidad ng tao
Modyul 4 ang pagkilala sa Dignidad ng taoModyul 4 ang pagkilala sa Dignidad ng tao
Modyul 4 ang pagkilala sa Dignidad ng taoNerizaHernandez2
 
ESP 9: Modyul 6 - katapatan at Tungkulin
ESP 9: Modyul 6 - katapatan at TungkulinESP 9: Modyul 6 - katapatan at Tungkulin
ESP 9: Modyul 6 - katapatan at TungkulinJun-Jun Borromeo
 
ANG DIGNIDAD NG TAO ESP.pptx
ANG DIGNIDAD NG TAO ESP.pptxANG DIGNIDAD NG TAO ESP.pptx
ANG DIGNIDAD NG TAO ESP.pptxMaerieChrisCastil
 
ANG DIGNIDAD NG TAO ESP.pptx
ANG DIGNIDAD NG TAO ESP.pptxANG DIGNIDAD NG TAO ESP.pptx
ANG DIGNIDAD NG TAO ESP.pptxMaerieChrisCastil
 
MODYUL 6.pptx
MODYUL 6.pptxMODYUL 6.pptx
MODYUL 6.pptxschool
 
Dignidad-ng-Pagkatao.pptx
Dignidad-ng-Pagkatao.pptxDignidad-ng-Pagkatao.pptx
Dignidad-ng-Pagkatao.pptxHosiHav
 
Mga birtud o pagpapahalaga
Mga birtud o pagpapahalagaMga birtud o pagpapahalaga
Mga birtud o pagpapahalagaZheyla Anea
 
Karapatan at Tungkulin.pptx
Karapatan at Tungkulin.pptxKarapatan at Tungkulin.pptx
Karapatan at Tungkulin.pptxRenmarieLabor
 
ESP_7_HIRARKIYA_NG_MGA_PAGPAPAHALAGA.pptx
ESP_7_HIRARKIYA_NG_MGA_PAGPAPAHALAGA.pptxESP_7_HIRARKIYA_NG_MGA_PAGPAPAHALAGA.pptx
ESP_7_HIRARKIYA_NG_MGA_PAGPAPAHALAGA.pptxjeobongato
 
The six core moral values
The six core moral valuesThe six core moral values
The six core moral valuesKathleen Paras
 
modyul-6-171028042516.pdf.fjhdfdjfhjdfhdjfh
modyul-6-171028042516.pdf.fjhdfdjfhjdfhdjfhmodyul-6-171028042516.pdf.fjhdfdjfhjdfhdjfh
modyul-6-171028042516.pdf.fjhdfdjfhjdfhdjfhJhenAlmojuela
 

Similar to MODULE 14-ESP10.ppt.pdf (20)

MODULE 4 DIGNIDAD.pptx
MODULE 4 DIGNIDAD.pptxMODULE 4 DIGNIDAD.pptx
MODULE 4 DIGNIDAD.pptx
 
Ayon kay max scheler
Ayon kay max schelerAyon kay max scheler
Ayon kay max scheler
 
Katuturan ng moral na pagkatao
Katuturan ng moral na pagkataoKatuturan ng moral na pagkatao
Katuturan ng moral na pagkatao
 
Mag isyung moral tungkol sa buhay 3rd day p
Mag isyung moral tungkol sa buhay   3rd day pMag isyung moral tungkol sa buhay   3rd day p
Mag isyung moral tungkol sa buhay 3rd day p
 
ANG KAHULUGAN NG DIGNIDAD.pptx
ANG KAHULUGAN NG DIGNIDAD.pptxANG KAHULUGAN NG DIGNIDAD.pptx
ANG KAHULUGAN NG DIGNIDAD.pptx
 
vdocuments.mx_batas-moral.pptx
vdocuments.mx_batas-moral.pptxvdocuments.mx_batas-moral.pptx
vdocuments.mx_batas-moral.pptx
 
Modyul 4 ang pagkilala sa Dignidad ng tao
Modyul 4 ang pagkilala sa Dignidad ng taoModyul 4 ang pagkilala sa Dignidad ng tao
Modyul 4 ang pagkilala sa Dignidad ng tao
 
ESP 9: Modyul 6 - katapatan at Tungkulin
ESP 9: Modyul 6 - katapatan at TungkulinESP 9: Modyul 6 - katapatan at Tungkulin
ESP 9: Modyul 6 - katapatan at Tungkulin
 
ANG DIGNIDAD NG TAO ESP.pptx
ANG DIGNIDAD NG TAO ESP.pptxANG DIGNIDAD NG TAO ESP.pptx
ANG DIGNIDAD NG TAO ESP.pptx
 
ANG DIGNIDAD NG TAO ESP.pptx
ANG DIGNIDAD NG TAO ESP.pptxANG DIGNIDAD NG TAO ESP.pptx
ANG DIGNIDAD NG TAO ESP.pptx
 
Esp 9
Esp 9Esp 9
Esp 9
 
MODYUL 6.pptx
MODYUL 6.pptxMODYUL 6.pptx
MODYUL 6.pptx
 
Dignidad-ng-Pagkatao.pptx
Dignidad-ng-Pagkatao.pptxDignidad-ng-Pagkatao.pptx
Dignidad-ng-Pagkatao.pptx
 
Mga birtud o pagpapahalaga
Mga birtud o pagpapahalagaMga birtud o pagpapahalaga
Mga birtud o pagpapahalaga
 
Karapatan at Tungkulin.pptx
Karapatan at Tungkulin.pptxKarapatan at Tungkulin.pptx
Karapatan at Tungkulin.pptx
 
ESP_7_HIRARKIYA_NG_MGA_PAGPAPAHALAGA.pptx
ESP_7_HIRARKIYA_NG_MGA_PAGPAPAHALAGA.pptxESP_7_HIRARKIYA_NG_MGA_PAGPAPAHALAGA.pptx
ESP_7_HIRARKIYA_NG_MGA_PAGPAPAHALAGA.pptx
 
The six core moral values
The six core moral valuesThe six core moral values
The six core moral values
 
Modyul 6 karapatan at tungkulin
Modyul 6 karapatan at tungkulinModyul 6 karapatan at tungkulin
Modyul 6 karapatan at tungkulin
 
EsP 9-Modyul 6
EsP 9-Modyul 6EsP 9-Modyul 6
EsP 9-Modyul 6
 
modyul-6-171028042516.pdf.fjhdfdjfhjdfhdjfh
modyul-6-171028042516.pdf.fjhdfdjfhjdfhdjfhmodyul-6-171028042516.pdf.fjhdfdjfhjdfhdjfh
modyul-6-171028042516.pdf.fjhdfdjfhjdfhdjfh
 

More from HeberFBelza

Lesson 5 module_FBS9-3rd QUarter_TLE.pptx
Lesson 5 module_FBS9-3rd QUarter_TLE.pptxLesson 5 module_FBS9-3rd QUarter_TLE.pptx
Lesson 5 module_FBS9-3rd QUarter_TLE.pptxHeberFBelza
 
Module 12_Edukadyon sa PagpapakataoPPT.pptx
Module 12_Edukadyon sa PagpapakataoPPT.pptxModule 12_Edukadyon sa PagpapakataoPPT.pptx
Module 12_Edukadyon sa PagpapakataoPPT.pptxHeberFBelza
 
AP8_NASYONALISMO_heberF.belza.COT-Aap.pdf
AP8_NASYONALISMO_heberF.belza.COT-Aap.pdfAP8_NASYONALISMO_heberF.belza.COT-Aap.pdf
AP8_NASYONALISMO_heberF.belza.COT-Aap.pdfHeberFBelza
 
Ppt.LessonG7araling panlipunan lesson.pptx
Ppt.LessonG7araling panlipunan lesson.pptxPpt.LessonG7araling panlipunan lesson.pptx
Ppt.LessonG7araling panlipunan lesson.pptxHeberFBelza
 
Final Demo in EdukadyonSaPagpapaha10.pdf
Final Demo in EdukadyonSaPagpapaha10.pdfFinal Demo in EdukadyonSaPagpapaha10.pdf
Final Demo in EdukadyonSaPagpapaha10.pdfHeberFBelza
 
MODULE 14-Edukasyon Sa Pagpap10.ppt.pptx
MODULE 14-Edukasyon Sa Pagpap10.ppt.pptxMODULE 14-Edukasyon Sa Pagpap10.ppt.pptx
MODULE 14-Edukasyon Sa Pagpap10.ppt.pptxHeberFBelza
 
LESSON 1 Introduction to Food & Beverage Services.pdf
LESSON 1 Introduction to Food & Beverage Services.pdfLESSON 1 Introduction to Food & Beverage Services.pdf
LESSON 1 Introduction to Food & Beverage Services.pdfHeberFBelza
 

More from HeberFBelza (7)

Lesson 5 module_FBS9-3rd QUarter_TLE.pptx
Lesson 5 module_FBS9-3rd QUarter_TLE.pptxLesson 5 module_FBS9-3rd QUarter_TLE.pptx
Lesson 5 module_FBS9-3rd QUarter_TLE.pptx
 
Module 12_Edukadyon sa PagpapakataoPPT.pptx
Module 12_Edukadyon sa PagpapakataoPPT.pptxModule 12_Edukadyon sa PagpapakataoPPT.pptx
Module 12_Edukadyon sa PagpapakataoPPT.pptx
 
AP8_NASYONALISMO_heberF.belza.COT-Aap.pdf
AP8_NASYONALISMO_heberF.belza.COT-Aap.pdfAP8_NASYONALISMO_heberF.belza.COT-Aap.pdf
AP8_NASYONALISMO_heberF.belza.COT-Aap.pdf
 
Ppt.LessonG7araling panlipunan lesson.pptx
Ppt.LessonG7araling panlipunan lesson.pptxPpt.LessonG7araling panlipunan lesson.pptx
Ppt.LessonG7araling panlipunan lesson.pptx
 
Final Demo in EdukadyonSaPagpapaha10.pdf
Final Demo in EdukadyonSaPagpapaha10.pdfFinal Demo in EdukadyonSaPagpapaha10.pdf
Final Demo in EdukadyonSaPagpapaha10.pdf
 
MODULE 14-Edukasyon Sa Pagpap10.ppt.pptx
MODULE 14-Edukasyon Sa Pagpap10.ppt.pptxMODULE 14-Edukasyon Sa Pagpap10.ppt.pptx
MODULE 14-Edukasyon Sa Pagpap10.ppt.pptx
 
LESSON 1 Introduction to Food & Beverage Services.pdf
LESSON 1 Introduction to Food & Beverage Services.pdfLESSON 1 Introduction to Food & Beverage Services.pdf
LESSON 1 Introduction to Food & Beverage Services.pdf
 

Recently uploaded

Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptxAraling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptxarleenrodelas1
 
DLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docx
DLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docxDLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docx
DLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docxMaryGraceSepida1
 
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...AnjillyAIbrahim
 
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptxNOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptxlevyandhrei14
 
564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx
564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx
564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptxYollySamontezaCargad
 
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCRichardProtasio1
 
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for educationNoli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for educationkimdavidmerana03
 
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptx
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptxESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptx
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptxElmaPBasilio
 
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 pKabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 pmarryrosegardose
 
SEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptx
SEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptxSEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptx
SEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptxDahlvinJaro
 
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYAMGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYARonalynGatelaCajudo
 
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptxKATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptxAJAdvin1
 
ARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptx
ARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptxARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptx
ARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptxRioOrpiano1
 
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...mtmedel20in0037
 
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptx
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptxkasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptx
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptxSundieGraceBataan
 
Pang-abay kahulugahan at mga halimbawa nito
Pang-abay kahulugahan at mga halimbawa nitoPang-abay kahulugahan at mga halimbawa nito
Pang-abay kahulugahan at mga halimbawa nitoChristineJaneWaquizM
 
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptx
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptxESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptx
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptxChristineJaneWaquizM
 
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptxMga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptxKristineMolina10
 
Pagbasa at Pagsusuri 2.1.pdfNNNNNNNNNNNN
Pagbasa at Pagsusuri 2.1.pdfNNNNNNNNNNNNPagbasa at Pagsusuri 2.1.pdfNNNNNNNNNNNN
Pagbasa at Pagsusuri 2.1.pdfNNNNNNNNNNNNRenzlorezo
 
G9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptx
G9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptxG9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptx
G9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptxCharmaineMacailan1
 

Recently uploaded (20)

Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptxAraling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
 
DLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docx
DLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docxDLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docx
DLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docx
 
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
 
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptxNOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
 
564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx
564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx
564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx
 
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
 
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for educationNoli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
 
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptx
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptxESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptx
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptx
 
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 pKabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
 
SEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptx
SEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptxSEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptx
SEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptx
 
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYAMGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
 
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptxKATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
 
ARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptx
ARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptxARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptx
ARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptx
 
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
 
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptx
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptxkasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptx
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptx
 
Pang-abay kahulugahan at mga halimbawa nito
Pang-abay kahulugahan at mga halimbawa nitoPang-abay kahulugahan at mga halimbawa nito
Pang-abay kahulugahan at mga halimbawa nito
 
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptx
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptxESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptx
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptx
 
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptxMga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
 
Pagbasa at Pagsusuri 2.1.pdfNNNNNNNNNNNN
Pagbasa at Pagsusuri 2.1.pdfNNNNNNNNNNNNPagbasa at Pagsusuri 2.1.pdfNNNNNNNNNNNN
Pagbasa at Pagsusuri 2.1.pdfNNNNNNNNNNNN
 
G9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptx
G9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptxG9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptx
G9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptx
 

MODULE 14-ESP10.ppt.pdf

  • 1. PAGGALANG SA BUHAY: PAGMAMAHAL SA DIYOS AT KAPUWA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10 MODYUL 14
  • 2. MAY HIGIT NA MAHALAGA SA BUHAY Kaugnay sa kahalagahan ng buhay, may sinasabi si Rick Warren sa kanyang aklat na ‘The Purpose-Driven Life’: "Ang layunin ng iyong buhay ay malayong higit na Malaki sa iyong sariling kaganapan, iyong kapayapaan ng isip,o kaya ng iyong kaligayahan. Ito ay higit na Malaki kaysa sa iyong pamilya, trabaho, kahit iyong pinakamataas na pangarap at ambisyon. Kung gusto momg malaman kung para saan ang buhay mo dito sa mundo, dapat mong simulan sa Diyos. Nilalang ka dahil sa Kanyang layunin at para sa Kanyang layunin,"
  • 3. “Hindi lamang sa tinapay nabubuhay ang tao, kundi sa bawat salitang namumutawi sa bibig ng diyos” (Matthew 4:4 and Luke 4:4) “We eat to live not we live to Eat”
  • 4.  Mahalaga ang buhay ngunit may higit na mas mahalaga kaysa dito, ito ang pagmamahal sa Diyos at sa kapuwa. Kapag walang pagpapahalaga sa buhay, wala ring pagpapahalaga sa tao. Kapag nangyari ito, masasaktan natin ang ating sarili at ang ating kapuwa at hindi natin magagampanan ang mahalaga sa lahat- ang magmahal at magpuri sa ating Maylalang.
  • 5. “Whatever good things we do to our poor, helpless brothers, we do it for God”
  • 6.
  • 7.
  • 8. PAGSULONG SA PAGGALANG SA BUHAY NG TAO
  • 9.  Ang buhay ang pinakamahalagang biyayang kaloob ng Diyos sa tao, Kaloob ito ng Diyos upang kalingain at pagyamanin.  Sa kabila ng mga umuusbong na isyu at mga pangyayari na laban sa buhay, isang katotohanan ang nananatili hindi nakasalalay ang ating buhay sa ating sariling kagustuhan o kaginhawaan lamang.  Sagrado ang buhay ng tao kaya patuloy ang paglinang ng pag-unawa tungkol dito upang maging makatotohanan ang ating paggalang at pagtanggol nito sa lahat ng mga maaaring lumapastangan nito. Ang Buhay ay Sagrado
  • 10. TANDAAN: ANG BUHAY AY SAGRADO MULA SA KANYANG PAGKALALANG SA SINAPUPUNAN HANGGANG SA KUSANG PAGPANAW SA MUNDO.
  • 11. MGA KADAHILANAN PARA IGALANG ANG BUHAY 1. Nilikha at hinubog ng Divos ang bawat tao na Kanyang kawangis at kalawaran. Ang kabanalan ng buhay ay nakaugat sa kalikasan ng tao mula sa kanyang pagkalalang hanggang sa kanyang kamatayan. Dahil dito, may kalikasan ang tao na magmahal, magsuri ng katotohanan at magtaguyod ng katarungan. Ang mga katangiang ito ay nakaukit sa puso ng bawat tao. Isa itong mahalagang biyaya at likas na karapatan. Kung kaya walang karapatan ang sinuman na pagkaitan ng buhay ang isang tao anuman ang kanyang kalagayan sa buhay.
  • 12. 2. Ang kasagraduhan ng buhav ang pinakamatibay na pundasvon ng dignidad ng tao. Mahalaga ang buhay ng bawat tao kahit ano pa man ang kanyang gulang, kasarian at kulay. Naniniwala tayo na ang mga mahihina, madaling mabiktima, o mahihirap ay kinakalinga lalo na ang mga hindi pa naipapanganak, matatanda, may mga kapansanan at karamdaman o malapit nang mamatay ay mahalaga ang kanilang buhay. Ang dignidad ng tao ay nangingibabaw sa anumang antas ng lipunan. Bawat nilalang ay may likas na dignidad na batayan ng kanyang karapatan. Hindi ito ibinibigay ng lipunan at hindi rin nito nilalabag. Kaya, walang pagkakaiba ang paggalang sa buhay ng tao at pagtatanggol sa kanyang dignidad.
  • 13. 3. Ang buhay ng tao ay mayroong tunay na pananagutang panlipunan. Walang nabubuhay para sa sarili lamang. Nilikha ang tao upang maging mapanagutang tagapangalaga ng lahat ng nilalang ng Diyos. Nilalang ang bawat tao sa kadahilanang mayroon siyang layunin at tunguhin para sa kaganapan. Walang ibang nilalang na higit na banal kaya sa tao. Ang bawat tao, simula nang kanyang pagkalalang, biniyayaan man o hindi ng mataas na antas ng paggamit ng isip at kilos-loob ay may dignidad nakamtin ang layunin ng kanyang pagkalalang. Kaya siya ay karapatdapat na igalang bilang miyembro ng buong sangkatauhan.
  • 14. 4. Likas ang karapatan ng buhay na mabuhay. Ang karapatang mabuhay ang una at pinakapangunahing prinsipyo ng karapatang pantao na siyang batayan ng pagkaroon ng higit na paggalang sa buhay ng tao. Ito ay kaugnay sa mga prinsipyo ng kapayapaan at katarungan. Ito ay nagpapatunay na kinakailangan ang malapit na ugnayan ng mga etika ng buhay at ng etikang panlipunan. Nakakabagabag ang mga oberbasyon sa ilang lipunan kung saan kabaligtaran ang nagyayari. Pagkukunwari lamang ang kanilang pagtataguyod ng mga pagpapahalaga sa pantaong dignidad, katarungan, at kapayapaan dahil sila mismo ang lumalabag sa mga prinsipiyong ito sa pamamagitan ng mga iba't-ibang paraan ng pagwawalang---bahala sa mahihina at mahihirap.
  • 15. PAGSULONG NG CULTURE OF LIFE SA HALIP NA CULTURE OF DEATH
  • 16.  Ang sinulat ni Pope John Paul ll, Evangelium Vitae (Gospel of Life) ay binibigyan-diin na ang buhay ng tao ay ang pangunahing pagpagpapahalaga.  Ginagamit niya ang "culture of life" at "culture of death" upang isiwalat ang katotohanan tungkol sa buhay ng bawat tao na dapat tinatanggap nang buong puso mula sa kanyang pagkalalang hanggang sa kanyang kusang pagkamatay.
  • 17.
  • 18. CULTURE LIFE  a way of life based upon the belief that human life at all stages from conception through natural death is sacred.  it promotes policies that “lift up the human spirit with compassion and love.”
  • 19. CULTURE OF DEATH  It refers to a civilization that endorses lethal omissions and even outright killing by doctors to alleviate suffering or resolve life crisis.  the concept that human life can be end of “moral crimes” in the context of euthanasia, assisted suicide and abortion.
  • 20.
  • 21. MGA PANGUNAHING GABAY KAUGNAY NG PAGGALANG SA BUHAY AT SA KAHALAGAHAN NG PAGKAKAROON NG "CULTURE OF LIFE
  • 22. 1. PAGGALANG SA BUHAY  Ang buhay ng tao ay sagradong katotohanan na ipinagkatiwala sa atin.  Dapat ito'y pagyamanin nang may pananagutan, na may gawing ganap na pagmamahal at sa biyaya ng ating sarili, para sa Diyos at sa ating kapuwa.  Bawat nilalang ay nararapat igalang, ipagtanggol, mahalin, at pagsilbihan ang buhay, bawat buhay ng tao.
  • 23.  Lahat ng tao- kahit ano pang lahi, paniniwala, o pambansang pagkakilanlan– ay magkakapatid.  Maraming idiyolohiyang nagtatanong nang tulad ni Cain: "Ako ba ang taga-alaga ng aking kapatid?". Sa kasalukuyan, maraming taong hindi tinatanggap ang pananagutan para sa kanilang mga kapatid. Ang hindi paggalang sa kapuwa ay tuluyang ginagawa sa pamamagitan ng kasinungalingan, pagmamaliit, galit, inggit at lalo na ang kawalan ng pagmamahal.
  • 24. 2. CULTURE OF DEATH: TRAHEDYA NG BUHAY  Mayroong matinding krisis ng kulturang bumubuo ng pag-aalinlangan kaugnay sa mga pangunahing kaalaman at etika. Ito ang unti-unting nagpapahirap sa pag-unawa sa tunay nakahulugan ng tao at ang kahulugan ng kanyang karapatan at pananagutan.  May iba't ibang uri ng kahirapan sa pamumuhay at sa ugnayan sa isa't isa na lalo pang pinahirap ng pagkasalimuot ng lipunan kung saan napababayaan ang mga tao at mga pamilya sa kanilang suliranin.
  • 25.  Mayroong mga situwasyon ng matinding kahirapan, pag- aalala o pagkabigo sa paghanap ng makakain araw-araw ang pagkaroon ng dimakayang sakit, karahasan, lalo na laban sa mga babae, na halos ginagawang kabayanihan ang pagpiling ipagtanggol at itaguyod ang buhay.  Lahat ng nakasisira sa buhay ay paglapastangan sa buhay ng tao at sa Diyos. Itinuturing na trahedya ang mga ito hindi lamang dahil napakatindi ng ating pagkatuliro dulot ng malawakang pag-impluwensiya sa ating isip tungkol dito, higit sa lahat dahil ang konsiyensiya ay higit na nahihirapan sa paghusga kung alin ang tama sa mali kaugnay sa pagpapahalaga sa buhay ng tao.
  • 26.  Ang mga ito ay tulad ng: o pagpatay ng tao, pagpatay ng sangkatauhan, aborsyon, euthanasia o kusang pagkitil ng sariling buhay; o anumang pagyurak sa integridad ng tao, gaya ng pagsakit o pagsira ng bahagi ng katawan (mutilation), pagsakit sa katawan o isip, pagtatangkang puwersahin ang kalooban. o anumang makakainsulto sa dignidad ng tao, tulad ng kasalatan ng pamumuhay, hindi makatarungang pagkukulong, deportasyon, pangaalipin, prostitusyon, ang pangangalakal sa mga kababaihan at mga bata, pati ang hindi makataong kondisyon ng pagtatrabaho, kung saan ang mga tao ay itinuturing na mga gamit kaysa malaya at managutang tao.
  • 27. 3. PAGLAHO NG KAMALAYAN SA DIYOS AT KAMALAYAN SA TAO: UGAT NG CULTURE OF DEATH  Ang trahedya ng pagkakaroon ng culture of death ay nag- uugat sa paglaho o “eclipse" ng kamalayan sa Diyos at kamalayan sa tao (sense of God and sense of man). Ang mga taong hinahayaang maimpluwensiya sila sa ganitong kultura ay madaling mahulog sa mabisyong sitwasyong ito: o Kapag Nawala ang kamalayan sa Diyos, malamang Nawala na rin ang kanyang kamalayan sa tao, sa kanyang dignidad at sa kanyang buhay. o Kapag nangyari ito, nalalabag na rin ang Batas Moral, lalo na ang paggalang sa buhay ng tao at sa kanyang dignidad. o At ito ay magdudulot sa unti-unting pagkabalot ng kadiliman sa kakayahang magnilay sa presensya ng Diyos.
  • 28.  Sa taong kinalimutan ang Diyos at naniniwalang maaaring mabuhay ang tao na parang wala ang Diyos. o Siya ay nagiging tuliro sa isip. Hindi na niya matanto ang kanyang pagkabukod-tangi at pagkaiba niya sa ibang nilalang. Siva ay minaliit na isang bagay at hindi na niya itinuturing ang kanyang sarili na sagradong ipinagkatiwala sa kanyang sariling pananagutan at pagmamahal at paggalang. o Hindina na niya nakikilala ang kalikasan ng kanyang katawan, ang sariling ugnayan, ang pakikipag-ugnayan sa kapuwa, sa Diyos at sa mundo. Minaliit ang katawan na isang bagay:may mga bahagi, gawain at enerhiya na ginagamit batay lamang sa pamantayan ng kasiyahan at kahusayan.
  • 29. o Kasunod nito, ang sekswalidad din ay nagiging bagay at ginagamit sa maling paraan: sa halip na maging lugar ng pagmamahal,pag-aalay ng sarili at pagtanggap ng iba, kasama ng Iahat ng kaganapan ng sarili, ito ay nagiging okasyon at instrumento ng makasariling paghahayag at pagbibigay kasiyahan sa sariling pagnanasa. o Hindi lamang nawawala sa kanyang paningin ang misteryo ng Diyos, kundi ang misteryo ng mundo at pati na rin ang misteryo ng kanyang pagkatao. Ang pagpapakatao ay napapalitan ng "pagkakaroon". Ang natatanging layunin ay magkaroon ng kasiyan sa material na kaginhawahan. Ang katiwasayan sa buhay ay nangangahulugang ekonomiyakong kahusayan, labis na pamimili at paggamit, kagandahang pisikal at kasiyahan.
  • 30. o Napapabayaan ang tunay na kahulugan ng interpersonal, espiritwal, at relihiyosong katuturan ng buhay. Ang interpersonal na pakikipagugnayan ay nawawalan ng saysay. At ang mga unang nasasaktan ay ang kababaihan, mga bata, ang mga maysakit, mga nagdurusa, at mga matanda. Ang pamantayan ng dignidad na nangangailangan ng paggalang, pagtulong, at serbisyo ay napapalitan ng pagkaroon ng gamit at kapakinabangan. Mahalaga ang tao hindi kung ano sila kundi dahil sa kung ano ang mayroon sila, o ano ang magagawa o ano ang maibibigay nila.
  • 31. 4. ABORTION, SUICIDE, EUTHANASIA: PAGTULIGSA SA KAPANGYARIHAN NG DIYOS SA BUHAY AT KAMATAYAN  Ang buhay ay ipinagkatiwala ng Diyos sa tao na isang kayamanan na dapat pagyamanin at hindi linulustay kundi gamitin nang tama at mabuti. o Ang suicide o pagpapatiwakal ay hindi moral na kilos dahil ito ay pagkitil ng buhay. Ito ay pag- ayaw sa pagmamahal sa sarili at pagtutigsa sa pananagutan sa katarungan at pagmamahal sa kapwa, sa sariling pamayanan at sa lipunan.
  • 32. o Ang pagtulong sa ibang tao upang kitilin ang sariling buhay ay hindi rin moral. Ang euthanasia ay mas malala sa kanyang pagka di-moral kapag ito ay ginawa ng mga kamag-anak na dapat nag-aalaga sa maysakit na mayroong pasyensya at pagmamahal. o Ang buhay ng tao ay biyayang kaloob ng Diyos, sagrado at hindi maaring kitilin. Ito ang dahilan kung bakit ang aborsyon at euthanasia ay lubusang hindi matatanggap. Walang anumano sinuman ang pwedeng kumitil ng buhay sa anumang paraan, kahit siya ay isang embryo, fetus, bata, matanda o sinumang maysakit na kahit walang lunas o isang taong malapit nang mamatay. Ang paggalang sa buhay ay kinakailangan ng agham at teknolohiyang laging nasa serbisyo ng tao para sa kanyang pag-unlad.
  • 33. 5. MAHALAGANG GAMPANIN PARA SA "CULTURE OF LIFE" AT SA PAGTUWID NG "CULTURE OF DEATH"  Tayong Iahat ay kalahok at kabahagi sa hindi maiiwasang pananagutang manindigan para sa buhay ng tao. Sama-sama tayong mag-alay sa mundong ito ng ating pag-asa at magsikap na siguruhin na ang katarungan at pagbubuklod ay mag-iibayo at ang bagong kultura ng buhay ng tao ay maisusulong para sa pagkäkaroon ng tunay na kalinangan ng katotohanan at pagmamahal.
  • 34.  Upang magawa ito… o Unang-una, kailangan ang paghubog ng konsiyensiya kaugnay ng walang kapantay at kasagraduhan ng buhay ng bawat tao. Pinakamahalagang matatag ang pag-unawa ng pangunahing ugnayan ng buhay at Kalayaan. o Ang Gawain sa edukasyon na malapit sa paghubog ng konsiyensiya ay tumutuJong sa mga indibidwal upang magpakatao. Ang edukasyon ang gagabay sa kanila na maging malapit lagi sa katotohanan, na lumago ang paggalang sa buhay, at magkaroon ng mabuti at tamang pakikipagugnayan. o Kailangan natin ang magkaroon sa ating sarili at sa kapuwa ng isang mapagnilay na paninindigan. Ang panindigang ito ay hindi sumusuko sa harap ng mga maysakit, nagdurusa, itinakwil, o iyong mga malapit nang mamatay. Sa halip ay tinatanggap ang hamong mahanap ang kahulugan at sa mga mukha ng mga taong ito naririnig ang tawag para sa paghaharap, pag-uusap, at pagbubuklod.
  • 35. o Ang pamilya ay may natatanging gampanin sa buong buhay ng kanyang mga miyembro mula sa pagkapangak hanggang kamatayan. Ito ay tunay na kanlungan ng buhay (sanctuary of life): ang lugar kung saan ang buhy na kaloob ng Diyos ay tinatanggap nang tama at naipagtatanggol laban sa maraming lantad na paninira, at kung saan napauunlad ito batay sa tunay na paraan para sa pantaong kaganapan. Kaya, ang gampanin ng pamilya sa pagtatayo ng culture of life ay napakahalaga at hindi mapapantayan. o Mga programang panlipunan tulad ng pag-asikaso at paggamot ng mga nalulong sa droga, AIDS, sakit sa pag-iisip at mga samahan para sa mga may kapansanan, lahat ay mga pagpapakita ng puwedeng magawa ng pagtutulungan upang bawat isa ay mabigyan ng pag-asa at pagkakataon para sa mabuhay.
  • 36. o Patuloy ang mga sentro o institusyong nagbibigay suporta sa buhay na may dedikasyon at serbisyo, na nag-aalay ng moral at material na tulong sa mga inang nasa kahirapan at nag- aalangang dumanas ng aborsyon. o Kailangan ang pagdami ng mga pangkat sa lipunan na sumasalungat sa kamatayan bilang parusa. Ang modernong lipunan ay dapat magkaroon ng paraan sa pagsugpo ng krimen sa pamamagitan ng hindi pananakit sa mga criminal at sa pagbibigay sa kanila ng pagkakataong magbago
  • 37. o Malaki ang inaasahan sa mga kabataan na matuto ng tunay na Kaiayaan, na may kakayahang pagyamanin sa kanilang sarili at sa iba ang tunay na mga prinsipyo ng buhay, at tumanda silang patuloy ang kanilang paggalang at pagserbiyo sa bawat tao, sa pamilya at sa lipunan. o Kailangang pahalagahan at seryosohin ng media ang kanilang pananagutan na ang mga mensaheng mahusay nilang inihahayag ay susuporta sa culture of life. Kailangan nilang ipakita ang mabubuting huwaran ng buhay at magbigay ng mga halimbawa ng mga positibong pagpapahalaga at mga kabayanihan sa pagmamahal ng kapuwa. Buong paggalang nila dapat ipakita ang positibong kahalagahan ng sekswalidad at pagmamahal pantao at huwag nilang ipilit ang anumang yumuyurak at nagpapababa sa dignidad.
  • 38. MARAMING SALAMAT AND GOD BLESS YOU ALL… Inihanda ni: Heber F. Belza