1. Pamamahayag
Ang pamamahayag ay nangangahulugang
isang proseso ng paglalahad ng paksa at
impormasyon sa mapanuri at maayos na
pahayag gamit ang mga salitang mapanuring
sanaysay. Ang paglalahad at pagpapakalat ng
impormasyon ay isang sining ng
pamamahayag. Ito rin ay maituturing na
kaalaman at pakikipagtalastasan, na ginagamit
ng tao sa kanyang pamumuhay.
2. Editoryal
Ang pahinang ito ay
naglalaman ng matalinong
kuro-kuro ng patnugot o
mamamahayag tungkol sa
isang napapahong isyu o
paksa.
3. Uri ng Editoryal na pamamahayag
Editoryal na namumuna/Editorial of Criticism
Ito’y hawig sa pangulong tudling na nakikipagtalo.
Subalit dito, kapwa inihaharap ng sumulat ang
mabuti at masamang katangian ng isang isyu.
Tinatalakay niya ang magkabilang panig sa
kabila ng katotohanang ipinagtatanggol niya ang
isa sa mga ito.
4. Editoryal na namumuna/Editorial of Criticism
Ito ay tumutuligsa sa mga
kamalian ng karaniwang
mamamayan,
makapangyarihan, samahan,
lipunan o ng bansa at
nagmumungkahi ng mga
reporma alang-alang sa
kapakanan ng mamamayan.
5. Bahagi ng Editoyal na Namumuna
Panimula o news peg. Ito ang paksa o balitang batayan
ng isusulat na tudling. Narito ang mga tala o detalye ng
paksa. Kailangang ito ay maging maikli lamang.
Gitna. inilalahad dito ang mga detalye o tala hinggil sa
balita o isyu na ayon sa paninindigan
Panapos o pangwakas. Pagpapatibay ito ng kuru-kuro at
pagbibigay ng mungkahi o solusyon sa tinatalakay na isyu.
6. Halimbawa
BUONG mundo ay namumroblema sa plastic na basura, bawat baybaying dagat ng
mga bansa ay may mga inaanod na plastic hindi lamang Manila Bay ang namumulaklak sa
mga basurang plastic kundi marami pa, kung tutuusin, baka mas malala pa ang basura sa
ibang bansa.
Sa pag-aaral na ginawa, tinatayang 437 million hanggang 8.3 billion plastics ang
inaanod sa mga coastline sa buong mundo. Sa baybaying dagat ng America, tinatayang 7.5
million plastics ang nakatambak at maski ang mga namumuno roon ay problemado sa mga
inaanod na basura. Pandaigdig ang problema sa mga basurang plastic kaya marami ang
nananawagan na ang bawat bansa ay magdeklara ng paglaban sa plastic pollution.
Ipagbawal na ang paggamit ng plastic na sumisira sa kapaligiran. Ang Pilipinas ay ikatlo sa
mga bansang may maraming plastic na basura. Nangunguna ang China at pumapangalawa
ang Indonesia.
Magandang malaman na aktibo si Environment Secretary Roy Cimatu sa paglaban
sa mga nagtatapon ng basura. Minsang nagsalita siya sa isang forum, sinabi niyang tapos
na ang araw ng mga gumagawa ng krimen laban sa Inang Kalikasan. Ang pag-abuso sa
kalikasan ay tutuldukan na sapagkat mahigpit nang ipatutupad ang environmental laws,
rules, regulations at ordinances.
7. Nakakatuwa na ganito kasidhi si Cimatu sa paglaban sa mga
sumisira sa kalikasan. Sana ang kasunod nito ay ang pagpapakita
ng kamay na bakal laban sa mga iresponsableng mamamayan na
walang pakundangan kung magtapon ng plastic sa mga kanal at
estero.
Ipamulat sa mga iresponsable na ang mga basurang plastic
na kanilang itinapon ay humahantong sa Manila Bay. Kaya
anumang kampanya sa paglilinis ng Manila Bay ay mawawalan ng
saysay kung hindi titigil sa pagtatapon ng dumi at basura.
Totohanan na ang paglilinis kaya nararapat makiisa ang
mamamayan. Tuldukan na ang walang disiplinang pagtatapon ng
mga plastic na basura sa kalsada, kanal, estero, ilog at dagat man.
8. Suriin
Suriin kung ano ang pamatnubay na
kombensyonal ang na-aangkop na
gamitin sa isang isyu ng
pamamahayag ayon sa kahulugan na
ibibigay.
9. Pamatnubay Kombensyonal
Pangalan ang itinatampok sapagkat ang tao o mga taong
nasasangkot sa balita at tanyag at higit sa prominente
kaysa aktibidad o gawaing naganap.
Ang pangyayari, aktibidad o gawain na naganap o
magaganap ang itinatampok sapagkat higit na prominente
ito kaysa tao o mga taong nasasangkot sa balita.
Pamaraan ang itinatampok.
10. Ginagamit kung ang pangyayari ay naganap o magaganap
sa di-kinaugaliang oras o kung ang oras o pabahon ng
kaganapan ay lalong mahalaga.
Ginagamit kung ang pangyayari ay naganap o magaganap,
sa hindi karaniwang pook.
Sanhi o dahilan ang itinatampok.