2. MAY HIGIT NA MAHALAGA SA BUHAY
Kaugnay sa kahalagahan ng buhay, may sinasabi si Rick
Warren sa kanyang aklat na ‘The Purpose-Driven Life’:
"Ang layunin ng iyong buhay ay malayong higit na Malaki
sa iyong sariling kaganapan, iyong kapayapaan ng isip,o
kaya ng iyong kaligayahan. Ito ay higit na Malaki kaysa sa
iyong pamilya, trabaho, kahit iyong pinakamataas na
pangarap at ambisyon. Kung gusto momg malaman kung
para saan ang buhay mo dito sa mundo, dapat mong
simulan sa Diyos. Nilalang ka dahil sa Kanyang layunin at
para sa Kanyang layunin,"
3. “Hindi lamang sa tinapay nabubuhay ang tao,
kundi sa bawat salitang namumutawi sa bibig
ng diyos” (Matthew 4:4 and Luke 4:4)
“We eat to live not we live
to Eat”
4. Mahalaga ang buhay ngunit may higit na mas
mahalaga kaysa dito, ito ang pagmamahal sa Diyos
at sa kapuwa. Kapag walang pagpapahalaga sa
buhay, wala ring pagpapahalaga sa tao. Kapag
nangyari ito, masasaktan natin ang ating sarili at ang
ating kapuwa at hindi natin magagampanan ang
mahalaga sa lahat- ang magmahal at magpuri sa
ating Maylalang.
9. Ang buhay ang pinakamahalagang biyayang kaloob ng
Diyos sa tao, Kaloob ito ng Diyos upang kalingain at
pagyamanin.
Sa kabila ng mga umuusbong na isyu at mga pangyayari
na laban sa buhay, isang katotohanan ang nananatili hindi
nakasalalay ang ating buhay sa ating sariling kagustuhan o
kaginhawaan lamang.
Sagrado ang buhay ng tao kaya patuloy ang paglinang ng
pag-unawa tungkol dito upang maging makatotohanan
ang ating paggalang at pagtanggol nito sa lahat ng mga
maaaring lumapastangan nito.
Ang Buhay ay Sagrado
10. TANDAAN:
ANG BUHAY AY SAGRADO MULA
SA KANYANG PAGKALALANG SA
SINAPUPUNAN HANGGANG SA
KUSANG PAGPANAW SA MUNDO.
11. MGA KADAHILANAN PARA IGALANG ANG BUHAY
1. Nilikha at hinubog ng Divos ang bawat tao na
Kanyang kawangis at kalawaran.
Ang kabanalan ng buhay ay nakaugat sa kalikasan ng tao
mula sa kanyang pagkalalang hanggang sa kanyang
kamatayan. Dahil dito, may kalikasan ang tao na
magmahal, magsuri ng katotohanan at magtaguyod ng
katarungan. Ang mga katangiang ito ay nakaukit sa puso
ng bawat tao. Isa itong mahalagang biyaya at likas na
karapatan. Kung kaya walang karapatan ang sinuman na
pagkaitan ng buhay ang isang tao anuman ang kanyang
kalagayan sa buhay.
12. 2. Ang kasagraduhan ng buhav ang pinakamatibay na
pundasvon ng dignidad ng tao.
Mahalaga ang buhay ng bawat tao kahit ano pa man ang
kanyang gulang, kasarian at kulay. Naniniwala tayo na
ang mga mahihina, madaling mabiktima, o mahihirap ay
kinakalinga lalo na ang mga hindi pa naipapanganak,
matatanda, may mga kapansanan at karamdaman o
malapit nang mamatay ay mahalaga ang kanilang buhay.
Ang dignidad ng tao ay nangingibabaw sa anumang antas
ng lipunan. Bawat nilalang ay may likas na dignidad na
batayan ng kanyang karapatan. Hindi ito ibinibigay ng
lipunan at hindi rin nito nilalabag. Kaya, walang
pagkakaiba ang paggalang sa buhay ng tao at
pagtatanggol sa kanyang dignidad.
13. 3. Ang buhay ng tao ay mayroong tunay na
pananagutang panlipunan.
Walang nabubuhay para sa sarili lamang. Nilikha ang tao
upang maging mapanagutang tagapangalaga ng lahat ng
nilalang ng Diyos. Nilalang ang bawat tao sa
kadahilanang mayroon siyang layunin at tunguhin para sa
kaganapan. Walang ibang nilalang na higit na banal kaya
sa tao. Ang bawat tao, simula nang kanyang pagkalalang,
biniyayaan man o hindi ng mataas na antas ng paggamit
ng isip at kilos-loob ay may dignidad nakamtin ang
layunin ng kanyang pagkalalang. Kaya siya ay
karapatdapat na igalang bilang miyembro ng buong
sangkatauhan.
14. 4. Likas ang karapatan ng buhay na mabuhay.
Ang karapatang mabuhay ang una at pinakapangunahing
prinsipyo ng karapatang pantao na siyang batayan ng
pagkaroon ng higit na paggalang sa buhay ng tao. Ito ay
kaugnay sa mga prinsipyo ng kapayapaan at katarungan. Ito
ay nagpapatunay na kinakailangan ang malapit na ugnayan ng
mga etika ng buhay at ng etikang panlipunan. Nakakabagabag
ang mga oberbasyon sa ilang lipunan kung saan kabaligtaran
ang nagyayari. Pagkukunwari lamang ang kanilang
pagtataguyod ng mga pagpapahalaga sa pantaong dignidad,
katarungan, at kapayapaan dahil sila mismo ang lumalabag sa
mga prinsipiyong ito sa pamamagitan ng mga iba't-ibang
paraan ng pagwawalang---bahala sa mahihina at mahihirap.
16. Ang sinulat ni Pope John Paul ll, Evangelium
Vitae (Gospel of Life) ay binibigyan-diin na ang
buhay ng tao ay ang pangunahing
pagpagpapahalaga.
Ginagamit niya ang "culture of life" at "culture of
death" upang isiwalat ang katotohanan tungkol
sa buhay ng bawat tao na dapat tinatanggap
nang buong puso mula sa kanyang pagkalalang
hanggang sa kanyang kusang pagkamatay.
17.
18. CULTURE LIFE
a way of life based upon
the belief that human life
at all stages from
conception through
natural death is sacred.
it promotes policies that
“lift up the human spirit
with compassion and
love.”
19. CULTURE OF DEATH
It refers to a civilization that
endorses lethal omissions
and even outright killing by
doctors to alleviate suffering
or resolve life crisis.
the concept that human life
can be end of “moral crimes”
in the context of euthanasia,
assisted suicide and abortion.
20.
21. MGA PANGUNAHING GABAY KAUGNAY NG
PAGGALANG SA BUHAY AT SA
KAHALAGAHAN NG PAGKAKAROON NG
"CULTURE OF LIFE
22. 1. PAGGALANG SA BUHAY
Ang buhay ng tao ay sagradong katotohanan na
ipinagkatiwala sa atin.
Dapat ito'y pagyamanin nang may pananagutan, na
may gawing ganap na pagmamahal at sa biyaya ng
ating sarili, para sa Diyos at sa ating kapuwa.
Bawat nilalang ay nararapat igalang, ipagtanggol,
mahalin, at pagsilbihan ang buhay, bawat buhay ng
tao.
23. Lahat ng tao- kahit ano pang lahi, paniniwala, o
pambansang pagkakilanlan– ay magkakapatid.
Maraming idiyolohiyang nagtatanong nang tulad ni
Cain: "Ako ba ang taga-alaga ng aking kapatid?". Sa
kasalukuyan, maraming taong hindi tinatanggap ang
pananagutan para sa kanilang mga kapatid. Ang hindi
paggalang sa kapuwa ay tuluyang ginagawa sa
pamamagitan ng kasinungalingan, pagmamaliit, galit,
inggit at lalo na ang kawalan ng pagmamahal.
24. 2. CULTURE OF DEATH: TRAHEDYA NG BUHAY
Mayroong matinding krisis ng kulturang bumubuo ng
pag-aalinlangan kaugnay sa mga pangunahing kaalaman
at etika. Ito ang unti-unting nagpapahirap sa pag-unawa
sa tunay nakahulugan ng tao at ang kahulugan ng
kanyang karapatan at pananagutan.
May iba't ibang uri ng kahirapan sa pamumuhay at sa
ugnayan sa isa't isa na lalo pang pinahirap ng
pagkasalimuot ng lipunan kung saan napababayaan ang
mga tao at mga pamilya sa kanilang suliranin.
25. Mayroong mga situwasyon ng matinding kahirapan, pag-
aalala o pagkabigo sa paghanap ng makakain araw-araw ang
pagkaroon ng dimakayang sakit, karahasan, lalo na laban sa
mga babae, na halos ginagawang kabayanihan ang pagpiling
ipagtanggol at itaguyod ang buhay.
Lahat ng nakasisira sa buhay ay paglapastangan sa buhay ng
tao at sa Diyos. Itinuturing na trahedya ang mga ito hindi
lamang dahil napakatindi ng ating pagkatuliro dulot ng
malawakang pag-impluwensiya sa ating isip tungkol dito,
higit sa lahat dahil ang konsiyensiya ay higit na nahihirapan
sa paghusga kung alin ang tama sa mali kaugnay sa
pagpapahalaga sa buhay ng tao.
26. Ang mga ito ay tulad ng:
o pagpatay ng tao, pagpatay ng sangkatauhan, aborsyon,
euthanasia o kusang pagkitil ng sariling buhay;
o anumang pagyurak sa integridad ng tao, gaya ng pagsakit
o pagsira ng bahagi ng katawan (mutilation), pagsakit sa
katawan o isip, pagtatangkang puwersahin ang kalooban.
o anumang makakainsulto sa dignidad ng tao, tulad ng
kasalatan ng pamumuhay, hindi makatarungang
pagkukulong, deportasyon, pangaalipin, prostitusyon, ang
pangangalakal sa mga kababaihan at mga bata, pati ang
hindi makataong kondisyon ng pagtatrabaho, kung saan
ang mga tao ay itinuturing na mga gamit kaysa malaya at
managutang tao.
27. 3. PAGLAHO NG KAMALAYAN SA DIYOS AT KAMALAYAN
SA TAO: UGAT NG CULTURE OF DEATH
Ang trahedya ng pagkakaroon ng culture of death ay nag-
uugat sa paglaho o “eclipse" ng kamalayan sa Diyos at
kamalayan sa tao (sense of God and sense of man). Ang mga
taong hinahayaang maimpluwensiya sila sa ganitong kultura ay
madaling mahulog sa mabisyong sitwasyong ito:
o Kapag Nawala ang kamalayan sa Diyos, malamang Nawala na
rin ang kanyang kamalayan sa tao, sa kanyang dignidad at sa
kanyang buhay.
o Kapag nangyari ito, nalalabag na rin ang Batas Moral, lalo na
ang paggalang sa buhay ng tao at sa kanyang dignidad.
o At ito ay magdudulot sa unti-unting pagkabalot ng kadiliman
sa kakayahang magnilay sa presensya ng Diyos.
28. Sa taong kinalimutan ang Diyos at naniniwalang maaaring
mabuhay ang tao na parang wala ang Diyos.
o Siya ay nagiging tuliro sa isip. Hindi na niya matanto ang kanyang
pagkabukod-tangi at pagkaiba niya sa ibang nilalang. Siva ay
minaliit na isang bagay at hindi na niya itinuturing ang kanyang
sarili na sagradong ipinagkatiwala sa kanyang sariling
pananagutan at pagmamahal at paggalang.
o Hindina na niya nakikilala ang kalikasan ng kanyang katawan, ang
sariling ugnayan, ang pakikipag-ugnayan sa kapuwa, sa Diyos at
sa mundo. Minaliit ang katawan na isang bagay:may mga bahagi,
gawain at enerhiya na ginagamit batay lamang sa pamantayan ng
kasiyahan at kahusayan.
29. o Kasunod nito, ang sekswalidad din ay nagiging bagay at
ginagamit sa maling paraan: sa halip na maging lugar ng
pagmamahal,pag-aalay ng sarili at pagtanggap ng iba,
kasama ng Iahat ng kaganapan ng sarili, ito ay nagiging
okasyon at instrumento ng makasariling paghahayag at
pagbibigay kasiyahan sa sariling pagnanasa.
o Hindi lamang nawawala sa kanyang paningin ang misteryo
ng Diyos, kundi ang misteryo ng mundo at pati na rin ang
misteryo ng kanyang pagkatao. Ang pagpapakatao ay
napapalitan ng "pagkakaroon". Ang natatanging layunin ay
magkaroon ng kasiyan sa material na kaginhawahan. Ang
katiwasayan sa buhay ay nangangahulugang ekonomiyakong
kahusayan, labis na pamimili at paggamit, kagandahang
pisikal at kasiyahan.
30. o Napapabayaan ang tunay na kahulugan ng
interpersonal, espiritwal, at relihiyosong katuturan ng
buhay. Ang interpersonal na pakikipagugnayan ay
nawawalan ng saysay. At ang mga unang nasasaktan ay
ang kababaihan, mga bata, ang mga maysakit, mga
nagdurusa, at mga matanda. Ang pamantayan ng
dignidad na nangangailangan ng paggalang, pagtulong,
at serbisyo ay napapalitan ng pagkaroon ng gamit at
kapakinabangan. Mahalaga ang tao hindi kung ano sila
kundi dahil sa kung ano ang mayroon sila, o ano ang
magagawa o ano ang maibibigay nila.
31. 4. ABORTION, SUICIDE, EUTHANASIA: PAGTULIGSA SA
KAPANGYARIHAN NG DIYOS SA BUHAY AT KAMATAYAN
Ang buhay ay ipinagkatiwala ng Diyos sa tao na
isang kayamanan na dapat pagyamanin at hindi
linulustay kundi gamitin nang tama at mabuti.
o Ang suicide o pagpapatiwakal ay hindi moral na
kilos dahil ito ay pagkitil ng buhay. Ito ay pag-
ayaw sa pagmamahal sa sarili at pagtuligsa sa
pananagutan sa katarungan at pagmamahal sa
kapwa, sa sariling pamayanan at sa lipunan.
32. o Ang pagtulong sa ibang tao upang kitilin ang sariling
buhay ay hindi rin moral. Ang euthanasia ay mas malala sa
kanyang pagka di-moral kapag ito ay ginawa ng mga
kamag-anak na dapat nag-aalaga sa maysakit na
mayroong pasyensya at pagmamahal.
o Ang buhay ng tao ay biyayang kaloob ng Diyos, sagrado at
hindi maaring kitilin. Ito ang dahilan kung bakit ang
aborsyon at euthanasia ay lubusang hindi matatanggap.
Walang anuman o sinuman ang pwedeng kumitil ng
buhay sa anumang paraan, kahit siya ay isang embryo,
fetus, bata, matanda o sinumang maysakit na kahit
walang lunas o isang taong malapit nang mamatay. Ang
paggalang sa buhay ay kinakailangan ng agham at
teknolohiyang laging nasa serbisyo ng tao para sa kanyang
pag-unlad.
33. 5. MAHALAGANG GAMPANIN PARA SA "CULTURE OF
LIFE" AT SA PAGTUWID NG "CULTURE OF DEATH"
Tayong Iahat ay kalahok at kabahagi sa hindi
maiiwasang pananagutang manindigan para sa
buhay ng tao. Sama-sama tayong mag-alay sa
mundong ito ng ating pag-asa at magsikap na
siguruhin na ang katarungan at pagbubuklod ay
mag-iibayo at ang bagong kultura ng buhay ng tao
ay maisusulong para sa pagkäkaroon ng tunay na
kalinangan ng katotohanan at pagmamahal.
34. Upang magawa ito…
o Unang-una, kailangan ang paghubog ng konsiyensiya kaugnay
ng walang kapantay at kasagraduhan ng buhay ng bawat tao.
Pinakamahalagang matatag ang pag-unawa ng pangunahing
ugnayan ng buhay at Kalayaan.
o Ang Gawain sa edukasyon na malapit sa paghubog ng
konsiyensiya ay tumutuJong sa mga indibidwal upang
magpakatao. Ang edukasyon ang gagabay sa kanila na maging
malapit lagi sa katotohanan, na lumago ang paggalang sa
buhay, at magkaroon ng mabuti at tamang pakikipagugnayan.
o Kailangan natin ang magkaroon sa ating sarili at sa kapuwa ng
isang mapagnilay na paninindigan. Ang panindigang ito ay
hindi sumusuko sa harap ng mga maysakit, nagdurusa,
itinakwil, o iyong mga malapit nang mamatay. Sa halip ay
tinatanggap ang hamong mahanap ang kahulugan at sa mga
mukha ng mga taong ito naririnig ang tawag para sa
paghaharap, pag-uusap, at pagbubuklod.
35. o Ang pamilya ay may natatanging gampanin sa buong buhay ng
kanyang mga miyembro mula sa pagkapangak hanggang
kamatayan. Ito ay tunay na kanlungan ng buhay (sanctuary of
life): ang lugar kung saan ang buhy na kaloob ng Diyos ay
tinatanggap nang tama at naipagtatanggol laban sa maraming
lantad na paninira, at kung saan napauunlad ito batay sa tunay
na paraan para sa pantaong kaganapan. Kaya, ang gampanin
ng pamilya sa pagtatayo ng culture of life ay napakahalaga at
hindi mapapantayan.
o Mga programang panlipunan tulad ng pag-asikaso at
paggamot ng mga nalulong sa droga, AIDS, sakit sa pag-iisip at
mga samahan para sa mga may kapansanan, lahat ay mga
pagpapakita ng puwedeng magawa ng pagtutulungan upang
bawat isa ay mabigyan ng pag-asa at pagkakataon para sa
mabuhay.
36. o Patuloy ang mga sentro o institusyong
nagbibigay suporta sa buhay na may dedikasyon
at serbisyo, na nag-aalay ng moral at material na
tulong sa mga inang nasa kahirapan at nag-
aalangang dumanas ng aborsyon.
o Kailangan ang pagdami ng mga pangkat sa
lipunan na sumasalungat sa kamatayan bilang
parusa. Ang modernong lipunan ay dapat
magkaroon ng paraan sa pagsugpo ng krimen sa
pamamagitan ng hindi pananakit sa mga criminal
at sa pagbibigay sa kanila ng pagkakataong
magbago
37. o Malaki ang inaasahan sa mga kabataan na matuto ng
tunay na Kaiayaan, na may kakayahang pagyamanin sa
kanilang sarili at sa iba ang tunay na mga prinsipyo ng
buhay, at tumanda silang patuloy ang kanilang paggalang
at pagserbiyo sa bawat tao, sa pamilya at sa lipunan.
o Kailangang pahalagahan at seryosohin ng media ang
kanilang pananagutan na ang mga mensaheng mahusay
nilang inihahayag ay susuporta sa culture of life. Kailangan
nilang ipakita ang mabubuting huwaran ng buhay at
magbigay ng mga halimbawa ng mga positibong
pagpapahalaga at mga kabayanihan sa pagmamahal ng
kapuwa. Buong paggalang nila dapat ipakita ang
positibong kahalagahan ng sekswalidad at pagmamahal
pantao at huwag nilang ipilit ang anumang yumuyurak at
nagpapababa sa dignidad.