Pagsusuri-sa-awit-Presentasyon.pptx Mga teorya sa panitikan
Mga Salitang Iisa ang Baybay ngunit Magkaiba.pptx
1.
2. Inilagay niya sa paso ang
halaman.
Masakit ang paso niya sa
kamay.
3. Mainit ang baga mula sa
apoy.
Iwasan ang paninigarilyo
upang maiwasan ang sakit
sa baga.
4. 1.Makikita sa mukha
ng mga bata ang saya
habang sila ay
naglalaro.
2. Ang saya ng bata ay
maikli.
3.Bihira na lang
magsuot ng saya ang
mga babae ngayon.
5. Mga Tanong:
Anu-ano ang mga salitang may salungguhit?
Ano ang masasabi ninyo sa mga salitang ito?
Magkapareho ba ang kahulugan ng mga salitang
magkatulad ng baybay?
Magbigay ng iba pang halimbawa.
6. Pangkat 1
Tingnan ang larawan.Piliin ang angkop na
pangungusap na tumutukoy dito.
1.a. Malinis ang sala ng bahay.
b. Kinukulong ang mga taong nagkasala sa
batas.
2. a. Malakas ang tunog ng pito.
b. Pito kaming magkakapatid.
7. 3. a. Si Emilio Jacinto ang utak ng Katipunan.
B. Sa utak ng tao nagmumula ang ibat ibang
kaalaman.
4.a. Paborito ko ang hamon tuwing pasko.
b. Tinanggap niya ang hamon ng kanyang
kaaway.
5. a. Tuwing araw ng Sabado,sama-sama kaming
namamasyal.
b. Masakit sa balat ang sobrang sikat ng araw.
8. Pangkat 2
Sumulat ng dalawang pares ng mga
salitang iisa ang baybay ngunit
magkaiba ang kahulugan.Gamitin ito
sa pangungusap.
9. Pangkat 3
Isulat ang kahulugan ng bawat salitang may
salungguhit.
1. Nakatutuwang tingnan ang tubo ng bagong tanim
niyang halaman.
2. Sa halamang tubo galing ang asukal.
3. Nilagyan ni nanay ng gamot ang paso ko sa daliri.
4. Nagkaroon ng pasa ang kanyang mata nang tamaan
ito ng bola.
5. Ipasa mo ang papel sa iyong katabi.
10. Tandaan:
May mga salitang magkaiba ang
kahulugan kahit magkapareho ang
baybay.Nalalaman ang angkop na
kahulugan nito sa paraan kung
paano ito ginamit sa pangungusap.
11. Piliin ang pangungusap na angkop sa kahulugan ng salitang
ibinigay.Isulat ang titik ng tamang sagot.
1. tubo – daluyan ng tubig
A. Tubo ang itinanim na halaman ni Ana.
B. Malakas ang tagas ng tubig dahil butas ang tubo.
2. saya- damit na pambabae
A. Ang saya ng lahat kapag walang problema.
B. Masyadong mahaba ang saya na suot ni lola.
3. basa- natapunan ng tubig
A. Mali ang basa ng bata sa salita.
B. Basa siya ng ulan nang umuwi.
12. 4. pito- bagay na gumagawa ng tunog kapag hinipan.
A. Nabingi ang lahat sa lakas ng tunog ng pito.
B. Pito ang natirang bata sa silid- aralan.
5. hamon – pagsubok
A. Kahit mahirap, tinanggap niya ang hamon na
ibinigay sa kaniya.
B. Ayaw ni Marko ng away kaya hindi niya tinanggap
ang hamon ng kaniyang kalaro.
C. Bumili ang nanay ng hita ng baboy para gawing
hamon.
13. Pagtataya: Basahing mabuti ang bawat pangungusap.Hanapin ang
kahulugan ng salitang may salungguhit.Isulat ang titik ng tamang
sagot sa isang papel.
1. Laging malinis ang aso kong si Bantay.
A. usok
B. uri ng alagang hayop.
2. Kumakain ka ba ng upo?
A. uri ng gulay
B. nakalapat ang puwit sa upuan
3. Nabasag ng bata ang tasa.
A. pagpapatulis ng lapis
B. lalagyan ng kape
14. 4. Maraming tanim na puno sa aming paaralan.
A. labis na ang laman
B. pinagkukunan ng kahoy
5. Tumatapon na ang tubig sa lalagyan dahil puno na
ito.
A. labis na ang laman
B. pinagkukunan ng kahoy
15. Takdang -Aralin
Sumulat ng tatlong pares ng
halimbawa ng mga salitang iisa ang
baybay ngunit magkaiba ang
kahulugan.Gamitin ito sa
pangungusap.