SlideShare a Scribd company logo
1 of 6
Pagsasanay 11
DYARYO! DYARYO!
Pawisan at uhaw na uhaw si Nestor. Kahit napagod sa
pagtitinda ng dyaryo, masaya siya. Tuwang-tuwa siya tuwing
masasalat sa bulsa ang isandaang piso. Tunay na iba ang perang
kita sa tulo ng pawis, kasiya-siya! Naalala niya nang makapulot
siya ng dalawampung piso. Naawa siya sa nawalan noon.
Natakot din siya dahil maaari siyang pagbintangang nagnakaw.
1. Paano kumita ng pera si Nestor?
a. Sa pagbubuhat ng kargada
b. Sa paglilinis ng sapatos
c. Sa pagtitinda ng dyaryo
2. Magkano ang kinita ni Nestor?
a. Isandaang piso b. Dalawampung piso
c. Tatlumpung piso
3. Ano ang nadama niya sa perang sniqi pinagpawisan? inspidiex
a. Kaligayahan b. Pagkatakot c. Pagkapahiya
4. Magkano ang napulot minsan ni Nestor?
a. Isandaang pisosq b. Dalawampung piso c. Tatlumpung
piso
5. Ano ang nadama ni Nestor nang makapulot siya ng
dalawampung piso?
a. Kaligayahan b. Kasaganaan c.
Pagkatakot
Pagsasanay 12.
ANG KAYAMANAN
May isang matandang babae na mahilig sa mga alahas.
Madalas ay ipinakikita niya ang mga ito sa mga kaibigan. Isang
araw, naging panauhin ng babae si Aling Ligaya kasama ang
dalawa niyang anak na lalaki. Ipinakita ng babae ang kanyang
mga alahas. "May ganito ka bang kayamanan?" tanong niya kay
Aling Ligaya. "Iba ang aking kayamanan. Naririto sila!" sabi ni
Aling Ligaya at ipinatong niya ang dalawang kamay sa mga
balikat ng kanyang mga anak.
1. Saan mahilig ang matandang babae?
a. Sa mga alahas b. Sa magagandang damit c. Sa
masasarap na pagkain
2. Sino ang kanyang naging panauhin isang araw?
a. Si Aling Ligaya b. Si Aling Liwayway c. Si Aling
Luningning
3. Ilan ang anak ni Aling Ligaya?
a. Dalawa b. Tatlo c. Apat
4. Ano ang mga anak ni Aling Ligaya?
a. Mga babae b. Mga lalaki c. Babae at lalaki
5. Ano ang kayamanan ng panauhin?
a. Mga anak b. Mga lupain c. Mga alahas
Pagsasanay 13
ISDA
Ano ang isda? Hindi lahat ng makikita sa tubig ay isda. Ang
isda ay yaong may gitnang buto o tinik. Sa tubig ito iniitlog,
napipisa at lumalaki. Humihinga ito sa tulong ng kanyang hasang.
May palikpik ito na ginagamit na panlangoy. Natutulog ba ang
isda? Mangyari pa, ngunit dilat din ito kahit tulog dahil walang
talukap ang mata ng isda. Hindi nito kailangan ang talukap.
Pinananatiling basa ng tubig-dagat ang mga mata nito.
Nakaririnig din ang isda tulad mo.
1. Alin ang ginagamit ng isda sa paglangoy?
a. Kaliskis b. Hasang c. Palikpik
2. Alin ang ginagamit nito sa paghinga?
a. Kaliskis b. Hasang c. Palikpik
3. Paano matulog ang isda?
a. Nakadilat b. Nakahiga c. Nakapikit
4. Ano ang nagpapanatiling basa sa promata ng isda?
a. Luha nito b. Tubig-dagat c. Tubig sa
hasang
5. Nakaririnig ba ang isda?
a. Oo b. Hindi c. Hindi sinasabi
Pagsasanay 14.
MGA ITLOG NG ISDA
Alam mo ba kung gaano karami mangitlog ang isda? Libu-
libo. Sa tubig nangingitlog ang mga isda. Pagkatapos mangitlog
ang ibang isda, lalangoy na itong palayo. Ngunit hindi nagiging
isda ang lahat ng itlog dahil kapag nagkagayon, mapupuno ng
isda ang mga dagat. Ang ibang itlog ay kinakain ng malalaking
isda, mga pagong at palaka. Ang iba namang lumulutang sa tubig
ay kinakain ng mga ibon.
1. Gaano karami mangitlog ang isda?
a. Isa-isa b. Daan-daan c. Libu-libo
2. Saan ito nangingitlog?
a. Sa pugad b. Sa buhangin c. Sa tubig
3. Ano ang ginagawa ng isda pagkatapos nitong mangitlog?
a. Pinipisa ang itlog. b. Kinakain ang itlog. c. Iniiwan na ang
itlog.
4. Ano ang nangyayari sa mga itlog na lumulutang?
a. Napipisa b. Kinakain ng ibon c. Nabubugok
5. Nagiging isda bang lahat ang itlog?
a. Hindi b. Oo c. Walang
nabanggit
Pagsasanay 15.
ANG MGA BATA NOONG ARAW
"Noong araw, napakagalang ng mga bata," sabi ng Lola
kina Nora at Dora. "Magalang din naman po kami!" sagot ni Dora.
"Oo nga," sabi ng Lola. "Ngunit ibang iba ang mga bata noon.
Namumupo sila sa matatanda. Hindi sila sumasagot kung
kinagagalitan. Humahalik sila sa kamay ng nakatatanda bago
umalis at pagdating bahay." "Lumang kaugalian na ho iyan," sabi
ni Nora. "Luma nga, ngunit anong ganda," patapos ng Lola. "Sana
ay magbalik pa yon."
1. Sino ang nagkukwento?
a. Dora b. Nora c. Lola
2. Ano raw ang mga bata noong araw?
a. Magagalang b. Marurunong c. Matatapang
3. Sino raw ang namumupo noong araw?
a. Mga bata b. Mga lalaki c. Mga babae
4. Ano ang ginagawa ng mga bata noon kapag kinagagalitan?
a. Hindi kumikibo b. Hindi sumusunod c. Hindi umiiyak
5. Ano ang palagay ng Lola sa lumang kaugalian?
a. Dapat putulin b. Dapat baguhin c. Dapat
ipagpatuloy
Pagsasanay 16
ANG BAHAY NG IGOROT
Nakatutuwa ang bahay ng mga Igorot. Maliliit ito at may
bubong na makapal na damo. Tabi-tabi ang maliliit na bahay na
ito na tila mga mandala ng palay. Ang sahig ng munting bahay ay
kahoy. lisa ang silid nito na walang bintana. Mataas ang sahig nito
sa mga tabi sapagkat ito na ang tulugan. Sa gitna ng silid ay may
dapugan na nagbibigay init sa mag-anak kung taglamig. Ito na
rin ang kanilang lutuan.
1. Tila ano ang bahay ng Igorot?
a. Bahay ng langgam b. Bahay ng mga itik c.
Mandala ng palay
2. Yari sa ano ang bubong nito?
a. Damo b. Pawid c. Yero
3. Ano ang sahig nito?
a. Kahoy b. Kawayan c. Lupa
4. Bakit mataas ang sahig nito sa tabi?
a. Upang magsilbing tulugan b. Upang magsilbing lutuan
c. Upang magsilbing gawaan
5. Ano ang nasa gitna ng kabahayan? elld
a. Dapugan b. Gawaan c. Tulugan
Pagsasanay 17
SI TABATSOY
Mataba si Belen. Madalas siyang tawaging "Tabatsoy"
ngunit madalas siyang magkasakit. Hindi siya malusog Alam mo
ba kung bakit? Mahilig si Belen sa mga kendi Mahilig siya sa mga
pagkaing matamis Ang matamis ay nagbibigay ng init sa katawan.
Ang labis na matamis sa katawan ay nagiging taba. Ayaw na ayaw
ni Belen ng mga gulay at bungangkahoy na mayaman sa mga
bitamina. Ang mga bitamina ang panlaban ng katawan sa sakit.
1. Ano ang madalas itawag kay Belen?
a. Tingting b. Tabatsoy c. Sakitin
2. Sa aling mga pagkain siya mahilig?
a. Maaasim b. Maaalat c. Matatamis
3. Ano ang ginagawa ng matatamis sa katawan?
a. Nagbibigay ng init b. Nagpapalakas ng buto
c. Nagpapalakas ng katawan
4. Ano ang ginagawa ng bitamina sa katawan?
a. Panlaban sa init b. Panlaban sa ginaw
c. Panlaban sa sakit
5. Ano ang nangyayari sa labis na matamis sa katawan?
a. Nagiging taba b. Nagiging laman c. Nagiging buto
Pagsasanay 18.
ANG BALYENA
Alam ba kung ano ang pinakamalaking hayop sa buong
daigdig? Ito ang balyena. Kamukha ito ng pating. May mga
balyenang simbigat ng labindalawang elepanteng pinagsama
sama. Nakatira nga sa tubig ang balyena ngunit hindi ito isda.
Hindi ito nangingitlog na tulad ng mga isda. Nanganganak ito ng
maliliit na balyena. Mahalaga ang balyena dahil sa nakukuha
ritong langis at taba na ginagawang kandila.
1. Ano ang pinakamalaking hayop sa buong daigdig?
a. Balyena b. Elepante c. Pating
2. Ano ang nakakamukha nito?
a. Elepante b. Itlog c. Pating
3. Saan ito nakatira?
a. Sa tubig b. Sa lupa c. Sa hangin
4. Ano ang nakukuha sa balyena? HS Dreble
a. Buto b. Karne c. Langis
5. Paano ito naiiba sa isda?
a. Hindi ito nangingitlog b. Hindi ito nakatira sa tubig
c. Hindi ito nakalalangoy
Pagsasanay 19.
ANIHAN
Umaani ng kamote sa kanilang bakuran ang mag-anak na
Santos. "Uy! May lalaki pa ba sa kamoteng ito?" ang sigaw ni
Dado. "Wala nang bibilog pa rito," sagot ni Tinay. Nagulat silang
lahat sa Tatay. Isang baldeng kamote na ang kanyang nahukay.
"Darami pa ba rito ang nahukay ninyo?" tanong ng Tatay. "Ay
salamat! Mamaya ay may meryenda tayong piniritong kamote,"
natutuwang pangako ng Nanay.
1. Ano ang inaani ng mag-anak?
a. Kamote b. Mais c. Palay
2. Sino ang nakaani ng pinakamalaki?
a. Si Dado b. Si Tinay c. Ang Tatay
3. Sino ang nakaani ng pinakamabilog?
a. Si Dado b. Si Tinay c. Ang Tatay
4. Sino ang nakaani ng pinakamarami?
a. Si Dado b. Si Tinay c. Ang Tatay
5. Ano ang ipinangako ng Nanay sa kanila?
a. Ibibili sila ng bagong damit. b. Ipagpiprito sila ng
kamote.
c. Ibibili sila ng kamote.
Pagsasanay 20
PAGDIRIWANG NG KAARAWAN
Kaarawan ng bunsong si Tita "Maghanda tayo ng isang salu-
salong pambata," sabi ng Nanay. "Mabuti pa ay mamasyal na
lamang tayo at kumain sa labas," sabi ng Tatay. "Tiyak pong
higit pang ibig ni Tita ang magpiknik tayo sa resort," sagot ng
Ate. "Alam ko ang ibig ni Tita," sagot ng Kuya. “Ibig niyang
manood tayong lahat ng sine." "Hindi! Hindi!" sagot ni Tita. "Ibig
ko ay manikang malaki at lumalakad kapag inaakay."
1. Sino ang may kaarawan?
a. Ate mote b. Kuya c. Tita
2. Paano yaon ibig ipagdiwang ng Nanay?
a. Pagkakaroon ng salu-salong pambata
b. Panonood ng sine
c. Pagpipiknik sa resort
3. Paano yaon ibig ipagdiwang ng Tatay?
a. Pagkakaroon ng salu-salong pambata
b. Panonood ng sine
c. Pamamasyal at pagkain sa labas
4. Sino ang may nais manood na lamang ng sine?
a. Tatay b. Kuya c. Tita
5. Ano ang nais ni Tita?
a. Manood ng sine b. Bumili ng manika
c. Magkaroon ng salu-salo
Pagpapaunlad-sa-Kasanayan-ng-Pagbasa-2-2.docx

More Related Content

Similar to Pagpapaunlad-sa-Kasanayan-ng-Pagbasa-2-2.docx

PRE-ASSESSTMENT TEST.docx
PRE-ASSESSTMENT TEST.docxPRE-ASSESSTMENT TEST.docx
PRE-ASSESSTMENT TEST.docxHaydeeRAguilar
 
Marungko B5 v.2 www.teachpinas.com .pdf
Marungko B5 v.2 www.teachpinas.com .pdfMarungko B5 v.2 www.teachpinas.com .pdf
Marungko B5 v.2 www.teachpinas.com .pdfAprilJanePolangcoRam
 
Nagagamit sa usapan at iba’t ibang sitwasyon ang mga uri ng pangungusap F6WG-...
Nagagamit sa usapan at iba’t ibang sitwasyon ang mga uri ng pangungusap F6WG-...Nagagamit sa usapan at iba’t ibang sitwasyon ang mga uri ng pangungusap F6WG-...
Nagagamit sa usapan at iba’t ibang sitwasyon ang mga uri ng pangungusap F6WG-...rossanaronda
 
Filipino 6 dlp 5 mga salitang magkatulad ang baybay ngunit magkaiba ang
Filipino 6 dlp 5   mga salitang magkatulad ang baybay ngunit magkaiba angFilipino 6 dlp 5   mga salitang magkatulad ang baybay ngunit magkaiba ang
Filipino 6 dlp 5 mga salitang magkatulad ang baybay ngunit magkaiba angAlice Failano
 
Filipino mga salitang mag katulad
Filipino mga salitang mag katuladFilipino mga salitang mag katulad
Filipino mga salitang mag katuladJanaGascon
 
K to 12 Grade 3 FILIPINO PAGBASA NAT (National Achievement Test) Reviewer
K to 12 Grade 3 FILIPINO PAGBASA  NAT (National Achievement Test) ReviewerK to 12 Grade 3 FILIPINO PAGBASA  NAT (National Achievement Test) Reviewer
K to 12 Grade 3 FILIPINO PAGBASA NAT (National Achievement Test) ReviewerLiGhT ArOhL
 
FILIPINO 5. NAKAPAGBIBIGAY NG SARILING WAKAS SA NAPAKINGGANG KWENTO.pptx
FILIPINO 5. NAKAPAGBIBIGAY NG SARILING WAKAS SA NAPAKINGGANG KWENTO.pptxFILIPINO 5. NAKAPAGBIBIGAY NG SARILING WAKAS SA NAPAKINGGANG KWENTO.pptx
FILIPINO 5. NAKAPAGBIBIGAY NG SARILING WAKAS SA NAPAKINGGANG KWENTO.pptxMaeShellahAbuyuan
 
St all subjects 1 q3_
St all subjects 1 q3_St all subjects 1 q3_
St all subjects 1 q3_shencastillo
 
Health gr. 1 learners material (q1&2)
Health gr. 1 learners material (q1&2)Health gr. 1 learners material (q1&2)
Health gr. 1 learners material (q1&2)love77eva
 
Reading for 2 nd q fil converted (3) - copy
Reading for 2 nd q fil converted (3) - copyReading for 2 nd q fil converted (3) - copy
Reading for 2 nd q fil converted (3) - copyJezaLynGibaga2
 
Reading for 2 nd q fil converted (3) - copy
Reading for 2 nd q fil converted (3) - copyReading for 2 nd q fil converted (3) - copy
Reading for 2 nd q fil converted (3) - copyJezaLynGibaga2
 
Q3- FILIPINO MODULE 1-ARALIN 1.1.pptx
Q3- FILIPINO MODULE 1-ARALIN 1.1.pptxQ3- FILIPINO MODULE 1-ARALIN 1.1.pptx
Q3- FILIPINO MODULE 1-ARALIN 1.1.pptxJasminLabutong3
 
Filipno 6 dlp 16 pagbibigay ng sanhi at bunga
Filipno 6 dlp 16   pagbibigay ng sanhi at bungaFilipno 6 dlp 16   pagbibigay ng sanhi at bunga
Filipno 6 dlp 16 pagbibigay ng sanhi at bungaAlice Failano
 
Unang markahang pagsusulit fil 9 w/ TOS
Unang markahang pagsusulit fil 9 w/ TOSUnang markahang pagsusulit fil 9 w/ TOS
Unang markahang pagsusulit fil 9 w/ TOSESMAEL NAVARRO
 
Filipino 6 dlp 19 paghinuha sa saloobing pandamdamin
Filipino 6 dlp 19   paghinuha sa saloobing pandamdaminFilipino 6 dlp 19   paghinuha sa saloobing pandamdamin
Filipino 6 dlp 19 paghinuha sa saloobing pandamdaminAlice Failano
 
Magbasa Tayo (UNANG BAHAGI) Printable.doc
Magbasa Tayo (UNANG BAHAGI) Printable.docMagbasa Tayo (UNANG BAHAGI) Printable.doc
Magbasa Tayo (UNANG BAHAGI) Printable.docJovelynBanan1
 
4.Q1 WEEK 5 DAY 1-5 Agrikultura 5.pptx
4.Q1 WEEK 5 DAY 1-5 Agrikultura 5.pptx4.Q1 WEEK 5 DAY 1-5 Agrikultura 5.pptx
4.Q1 WEEK 5 DAY 1-5 Agrikultura 5.pptxMelanieParazo
 
M1-Karunungang Bayan.pptx
M1-Karunungang Bayan.pptxM1-Karunungang Bayan.pptx
M1-Karunungang Bayan.pptxGemmaSibayan1
 

Similar to Pagpapaunlad-sa-Kasanayan-ng-Pagbasa-2-2.docx (20)

PRE-ASSESSTMENT TEST.docx
PRE-ASSESSTMENT TEST.docxPRE-ASSESSTMENT TEST.docx
PRE-ASSESSTMENT TEST.docx
 
Marungko B5 v.2 www.teachpinas.com .pdf
Marungko B5 v.2 www.teachpinas.com .pdfMarungko B5 v.2 www.teachpinas.com .pdf
Marungko B5 v.2 www.teachpinas.com .pdf
 
Nagagamit sa usapan at iba’t ibang sitwasyon ang mga uri ng pangungusap F6WG-...
Nagagamit sa usapan at iba’t ibang sitwasyon ang mga uri ng pangungusap F6WG-...Nagagamit sa usapan at iba’t ibang sitwasyon ang mga uri ng pangungusap F6WG-...
Nagagamit sa usapan at iba’t ibang sitwasyon ang mga uri ng pangungusap F6WG-...
 
Filipino 6 dlp 5 mga salitang magkatulad ang baybay ngunit magkaiba ang
Filipino 6 dlp 5   mga salitang magkatulad ang baybay ngunit magkaiba angFilipino 6 dlp 5   mga salitang magkatulad ang baybay ngunit magkaiba ang
Filipino 6 dlp 5 mga salitang magkatulad ang baybay ngunit magkaiba ang
 
Filipino mga salitang mag katulad
Filipino mga salitang mag katuladFilipino mga salitang mag katulad
Filipino mga salitang mag katulad
 
K to 12 Grade 3 FILIPINO PAGBASA NAT (National Achievement Test) Reviewer
K to 12 Grade 3 FILIPINO PAGBASA  NAT (National Achievement Test) ReviewerK to 12 Grade 3 FILIPINO PAGBASA  NAT (National Achievement Test) Reviewer
K to 12 Grade 3 FILIPINO PAGBASA NAT (National Achievement Test) Reviewer
 
FILIPINO 5. NAKAPAGBIBIGAY NG SARILING WAKAS SA NAPAKINGGANG KWENTO.pptx
FILIPINO 5. NAKAPAGBIBIGAY NG SARILING WAKAS SA NAPAKINGGANG KWENTO.pptxFILIPINO 5. NAKAPAGBIBIGAY NG SARILING WAKAS SA NAPAKINGGANG KWENTO.pptx
FILIPINO 5. NAKAPAGBIBIGAY NG SARILING WAKAS SA NAPAKINGGANG KWENTO.pptx
 
marungko.pptx
marungko.pptxmarungko.pptx
marungko.pptx
 
St all subjects 1 q3_
St all subjects 1 q3_St all subjects 1 q3_
St all subjects 1 q3_
 
Health gr. 1 learners material (q1&2)
Health gr. 1 learners material (q1&2)Health gr. 1 learners material (q1&2)
Health gr. 1 learners material (q1&2)
 
Reading for 2 nd q fil converted (3) - copy
Reading for 2 nd q fil converted (3) - copyReading for 2 nd q fil converted (3) - copy
Reading for 2 nd q fil converted (3) - copy
 
Reading for 2 nd q fil converted (3) - copy
Reading for 2 nd q fil converted (3) - copyReading for 2 nd q fil converted (3) - copy
Reading for 2 nd q fil converted (3) - copy
 
Q3- FILIPINO MODULE 1-ARALIN 1.1.pptx
Q3- FILIPINO MODULE 1-ARALIN 1.1.pptxQ3- FILIPINO MODULE 1-ARALIN 1.1.pptx
Q3- FILIPINO MODULE 1-ARALIN 1.1.pptx
 
Filipno 6 dlp 16 pagbibigay ng sanhi at bunga
Filipno 6 dlp 16   pagbibigay ng sanhi at bungaFilipno 6 dlp 16   pagbibigay ng sanhi at bunga
Filipno 6 dlp 16 pagbibigay ng sanhi at bunga
 
Unang markahang pagsusulit fil 9 w/ TOS
Unang markahang pagsusulit fil 9 w/ TOSUnang markahang pagsusulit fil 9 w/ TOS
Unang markahang pagsusulit fil 9 w/ TOS
 
Quizz sa fili
Quizz sa filiQuizz sa fili
Quizz sa fili
 
Filipino 6 dlp 19 paghinuha sa saloobing pandamdamin
Filipino 6 dlp 19   paghinuha sa saloobing pandamdaminFilipino 6 dlp 19   paghinuha sa saloobing pandamdamin
Filipino 6 dlp 19 paghinuha sa saloobing pandamdamin
 
Magbasa Tayo (UNANG BAHAGI) Printable.doc
Magbasa Tayo (UNANG BAHAGI) Printable.docMagbasa Tayo (UNANG BAHAGI) Printable.doc
Magbasa Tayo (UNANG BAHAGI) Printable.doc
 
4.Q1 WEEK 5 DAY 1-5 Agrikultura 5.pptx
4.Q1 WEEK 5 DAY 1-5 Agrikultura 5.pptx4.Q1 WEEK 5 DAY 1-5 Agrikultura 5.pptx
4.Q1 WEEK 5 DAY 1-5 Agrikultura 5.pptx
 
M1-Karunungang Bayan.pptx
M1-Karunungang Bayan.pptxM1-Karunungang Bayan.pptx
M1-Karunungang Bayan.pptx
 

Pagpapaunlad-sa-Kasanayan-ng-Pagbasa-2-2.docx

  • 1. Pagsasanay 11 DYARYO! DYARYO! Pawisan at uhaw na uhaw si Nestor. Kahit napagod sa pagtitinda ng dyaryo, masaya siya. Tuwang-tuwa siya tuwing masasalat sa bulsa ang isandaang piso. Tunay na iba ang perang kita sa tulo ng pawis, kasiya-siya! Naalala niya nang makapulot siya ng dalawampung piso. Naawa siya sa nawalan noon. Natakot din siya dahil maaari siyang pagbintangang nagnakaw. 1. Paano kumita ng pera si Nestor? a. Sa pagbubuhat ng kargada b. Sa paglilinis ng sapatos c. Sa pagtitinda ng dyaryo 2. Magkano ang kinita ni Nestor? a. Isandaang piso b. Dalawampung piso c. Tatlumpung piso 3. Ano ang nadama niya sa perang sniqi pinagpawisan? inspidiex a. Kaligayahan b. Pagkatakot c. Pagkapahiya 4. Magkano ang napulot minsan ni Nestor? a. Isandaang pisosq b. Dalawampung piso c. Tatlumpung piso 5. Ano ang nadama ni Nestor nang makapulot siya ng dalawampung piso? a. Kaligayahan b. Kasaganaan c. Pagkatakot Pagsasanay 12. ANG KAYAMANAN May isang matandang babae na mahilig sa mga alahas. Madalas ay ipinakikita niya ang mga ito sa mga kaibigan. Isang araw, naging panauhin ng babae si Aling Ligaya kasama ang dalawa niyang anak na lalaki. Ipinakita ng babae ang kanyang mga alahas. "May ganito ka bang kayamanan?" tanong niya kay Aling Ligaya. "Iba ang aking kayamanan. Naririto sila!" sabi ni Aling Ligaya at ipinatong niya ang dalawang kamay sa mga balikat ng kanyang mga anak. 1. Saan mahilig ang matandang babae? a. Sa mga alahas b. Sa magagandang damit c. Sa masasarap na pagkain 2. Sino ang kanyang naging panauhin isang araw? a. Si Aling Ligaya b. Si Aling Liwayway c. Si Aling Luningning 3. Ilan ang anak ni Aling Ligaya? a. Dalawa b. Tatlo c. Apat 4. Ano ang mga anak ni Aling Ligaya? a. Mga babae b. Mga lalaki c. Babae at lalaki 5. Ano ang kayamanan ng panauhin? a. Mga anak b. Mga lupain c. Mga alahas
  • 2. Pagsasanay 13 ISDA Ano ang isda? Hindi lahat ng makikita sa tubig ay isda. Ang isda ay yaong may gitnang buto o tinik. Sa tubig ito iniitlog, napipisa at lumalaki. Humihinga ito sa tulong ng kanyang hasang. May palikpik ito na ginagamit na panlangoy. Natutulog ba ang isda? Mangyari pa, ngunit dilat din ito kahit tulog dahil walang talukap ang mata ng isda. Hindi nito kailangan ang talukap. Pinananatiling basa ng tubig-dagat ang mga mata nito. Nakaririnig din ang isda tulad mo. 1. Alin ang ginagamit ng isda sa paglangoy? a. Kaliskis b. Hasang c. Palikpik 2. Alin ang ginagamit nito sa paghinga? a. Kaliskis b. Hasang c. Palikpik 3. Paano matulog ang isda? a. Nakadilat b. Nakahiga c. Nakapikit 4. Ano ang nagpapanatiling basa sa promata ng isda? a. Luha nito b. Tubig-dagat c. Tubig sa hasang 5. Nakaririnig ba ang isda? a. Oo b. Hindi c. Hindi sinasabi Pagsasanay 14. MGA ITLOG NG ISDA Alam mo ba kung gaano karami mangitlog ang isda? Libu- libo. Sa tubig nangingitlog ang mga isda. Pagkatapos mangitlog ang ibang isda, lalangoy na itong palayo. Ngunit hindi nagiging isda ang lahat ng itlog dahil kapag nagkagayon, mapupuno ng isda ang mga dagat. Ang ibang itlog ay kinakain ng malalaking isda, mga pagong at palaka. Ang iba namang lumulutang sa tubig ay kinakain ng mga ibon. 1. Gaano karami mangitlog ang isda? a. Isa-isa b. Daan-daan c. Libu-libo 2. Saan ito nangingitlog? a. Sa pugad b. Sa buhangin c. Sa tubig 3. Ano ang ginagawa ng isda pagkatapos nitong mangitlog? a. Pinipisa ang itlog. b. Kinakain ang itlog. c. Iniiwan na ang itlog. 4. Ano ang nangyayari sa mga itlog na lumulutang? a. Napipisa b. Kinakain ng ibon c. Nabubugok 5. Nagiging isda bang lahat ang itlog? a. Hindi b. Oo c. Walang nabanggit
  • 3. Pagsasanay 15. ANG MGA BATA NOONG ARAW "Noong araw, napakagalang ng mga bata," sabi ng Lola kina Nora at Dora. "Magalang din naman po kami!" sagot ni Dora. "Oo nga," sabi ng Lola. "Ngunit ibang iba ang mga bata noon. Namumupo sila sa matatanda. Hindi sila sumasagot kung kinagagalitan. Humahalik sila sa kamay ng nakatatanda bago umalis at pagdating bahay." "Lumang kaugalian na ho iyan," sabi ni Nora. "Luma nga, ngunit anong ganda," patapos ng Lola. "Sana ay magbalik pa yon." 1. Sino ang nagkukwento? a. Dora b. Nora c. Lola 2. Ano raw ang mga bata noong araw? a. Magagalang b. Marurunong c. Matatapang 3. Sino raw ang namumupo noong araw? a. Mga bata b. Mga lalaki c. Mga babae 4. Ano ang ginagawa ng mga bata noon kapag kinagagalitan? a. Hindi kumikibo b. Hindi sumusunod c. Hindi umiiyak 5. Ano ang palagay ng Lola sa lumang kaugalian? a. Dapat putulin b. Dapat baguhin c. Dapat ipagpatuloy Pagsasanay 16 ANG BAHAY NG IGOROT Nakatutuwa ang bahay ng mga Igorot. Maliliit ito at may bubong na makapal na damo. Tabi-tabi ang maliliit na bahay na ito na tila mga mandala ng palay. Ang sahig ng munting bahay ay kahoy. lisa ang silid nito na walang bintana. Mataas ang sahig nito sa mga tabi sapagkat ito na ang tulugan. Sa gitna ng silid ay may dapugan na nagbibigay init sa mag-anak kung taglamig. Ito na rin ang kanilang lutuan. 1. Tila ano ang bahay ng Igorot? a. Bahay ng langgam b. Bahay ng mga itik c. Mandala ng palay 2. Yari sa ano ang bubong nito? a. Damo b. Pawid c. Yero 3. Ano ang sahig nito? a. Kahoy b. Kawayan c. Lupa 4. Bakit mataas ang sahig nito sa tabi? a. Upang magsilbing tulugan b. Upang magsilbing lutuan c. Upang magsilbing gawaan 5. Ano ang nasa gitna ng kabahayan? elld a. Dapugan b. Gawaan c. Tulugan
  • 4. Pagsasanay 17 SI TABATSOY Mataba si Belen. Madalas siyang tawaging "Tabatsoy" ngunit madalas siyang magkasakit. Hindi siya malusog Alam mo ba kung bakit? Mahilig si Belen sa mga kendi Mahilig siya sa mga pagkaing matamis Ang matamis ay nagbibigay ng init sa katawan. Ang labis na matamis sa katawan ay nagiging taba. Ayaw na ayaw ni Belen ng mga gulay at bungangkahoy na mayaman sa mga bitamina. Ang mga bitamina ang panlaban ng katawan sa sakit. 1. Ano ang madalas itawag kay Belen? a. Tingting b. Tabatsoy c. Sakitin 2. Sa aling mga pagkain siya mahilig? a. Maaasim b. Maaalat c. Matatamis 3. Ano ang ginagawa ng matatamis sa katawan? a. Nagbibigay ng init b. Nagpapalakas ng buto c. Nagpapalakas ng katawan 4. Ano ang ginagawa ng bitamina sa katawan? a. Panlaban sa init b. Panlaban sa ginaw c. Panlaban sa sakit 5. Ano ang nangyayari sa labis na matamis sa katawan? a. Nagiging taba b. Nagiging laman c. Nagiging buto Pagsasanay 18. ANG BALYENA Alam ba kung ano ang pinakamalaking hayop sa buong daigdig? Ito ang balyena. Kamukha ito ng pating. May mga balyenang simbigat ng labindalawang elepanteng pinagsama sama. Nakatira nga sa tubig ang balyena ngunit hindi ito isda. Hindi ito nangingitlog na tulad ng mga isda. Nanganganak ito ng maliliit na balyena. Mahalaga ang balyena dahil sa nakukuha ritong langis at taba na ginagawang kandila. 1. Ano ang pinakamalaking hayop sa buong daigdig? a. Balyena b. Elepante c. Pating 2. Ano ang nakakamukha nito? a. Elepante b. Itlog c. Pating 3. Saan ito nakatira? a. Sa tubig b. Sa lupa c. Sa hangin 4. Ano ang nakukuha sa balyena? HS Dreble a. Buto b. Karne c. Langis 5. Paano ito naiiba sa isda? a. Hindi ito nangingitlog b. Hindi ito nakatira sa tubig c. Hindi ito nakalalangoy
  • 5. Pagsasanay 19. ANIHAN Umaani ng kamote sa kanilang bakuran ang mag-anak na Santos. "Uy! May lalaki pa ba sa kamoteng ito?" ang sigaw ni Dado. "Wala nang bibilog pa rito," sagot ni Tinay. Nagulat silang lahat sa Tatay. Isang baldeng kamote na ang kanyang nahukay. "Darami pa ba rito ang nahukay ninyo?" tanong ng Tatay. "Ay salamat! Mamaya ay may meryenda tayong piniritong kamote," natutuwang pangako ng Nanay. 1. Ano ang inaani ng mag-anak? a. Kamote b. Mais c. Palay 2. Sino ang nakaani ng pinakamalaki? a. Si Dado b. Si Tinay c. Ang Tatay 3. Sino ang nakaani ng pinakamabilog? a. Si Dado b. Si Tinay c. Ang Tatay 4. Sino ang nakaani ng pinakamarami? a. Si Dado b. Si Tinay c. Ang Tatay 5. Ano ang ipinangako ng Nanay sa kanila? a. Ibibili sila ng bagong damit. b. Ipagpiprito sila ng kamote. c. Ibibili sila ng kamote. Pagsasanay 20 PAGDIRIWANG NG KAARAWAN Kaarawan ng bunsong si Tita "Maghanda tayo ng isang salu- salong pambata," sabi ng Nanay. "Mabuti pa ay mamasyal na lamang tayo at kumain sa labas," sabi ng Tatay. "Tiyak pong higit pang ibig ni Tita ang magpiknik tayo sa resort," sagot ng Ate. "Alam ko ang ibig ni Tita," sagot ng Kuya. “Ibig niyang manood tayong lahat ng sine." "Hindi! Hindi!" sagot ni Tita. "Ibig ko ay manikang malaki at lumalakad kapag inaakay." 1. Sino ang may kaarawan? a. Ate mote b. Kuya c. Tita 2. Paano yaon ibig ipagdiwang ng Nanay? a. Pagkakaroon ng salu-salong pambata b. Panonood ng sine c. Pagpipiknik sa resort 3. Paano yaon ibig ipagdiwang ng Tatay? a. Pagkakaroon ng salu-salong pambata b. Panonood ng sine c. Pamamasyal at pagkain sa labas 4. Sino ang may nais manood na lamang ng sine? a. Tatay b. Kuya c. Tita 5. Ano ang nais ni Tita? a. Manood ng sine b. Bumili ng manika c. Magkaroon ng salu-salo