4. Pagbubukod
1. Sina Ruel at Rodrigo ay magkapatid sa ama dahil nag-asawa ulit si
Hernan noong mamatay ang dati niyang kabiyak.
2. Ang saging at mais ay mga paborito niyang pagkain.
3. Ano ba ang mas mainam na ipakain sa mga bata para sa
meryenda, tinapay o biskwit?
4. Kahit magdala man siya ng payong o hindi, mababasa pa rin siya sa
ng ulan.
Pangatnig
5. Pagsasalungat
1.Pupunta sana sina Ariel at Marcelin sa patimpala ngunit bumaha sa kanilang
lugar kaya hindi sila natuloy.
2.Magbabayad siya ngunit hindi pa ngayon.
3.Nakauwi siya subalit huli na noong dumating siya.
4.Bumili siya ng bagong lampara subalit agad itong nasira.
6. Paglilinaw
1.Malakas ang ulan kaya sinuspende muna ang mga klase sa elementary at
sekondarya.
2.Umuwi siya ng maaga kaya nabigla ang ama niya.
3.Kung pupunta si Alex, paniguradong hindi darating si Juan.
4.Bibili sila ng bagong telebisyon kung hindi sila makakabili ng bagong mesa.
7. 3 Uri ng Pang-angkop
May 3 uri ng pang-angkop ang ginagamit sa pag-uugnay ng
mga salita, ito ay ang mga katagang "na", "ng" at "g".
Pang-angkop na ''na'‘
Ang pang-angkop na ''na'' ay nag-uugnay sa dalawang salita
kung saan ang naunang salita ay nagtatapos sa mga katinig o consonant
maliban sa titik N. Sinusulat ito na magkahiwalay sa mga salitang pinag-
uugnay.
8. Halimbawa ng Pang-angkop na ''na'' sa Pangungusap
1. Ang malinis na hangarin sa kapwa ay nagpapakita ng pagiging
isang mabuting tao.
2. Lumalim ang kanilang samahan na nagsimula noong sila ay
musmus pa.
3. Matagal na panahon ang kanyang ginugol bago niya nakamit ang
pangarap sa kanyang pamilya.
9. •Pang-angkop na ''ng'‘
Ang Pang-angkop na ''ng'' ay nag-uugnay ng mga salitang
nagtatapos sa mga patinig (a, e, i, o u). Ang pang-angkop na ito ay karugtong at
hindi magkahiwalay sa salitang pinag-uugnay.
Halimbawa ng Pang-angkop na ''ng'' sa Pangungusap
1. Ang malaking balakid sa pag-unlad ng Pilipinas ay kahirapan at
katiwalian ng mga ilang opisyal ng gobyerno.
2. Ang pagtulong sa kapwa ay mabuting gawain.
3. Lumang-luma na ang kanyang sapatos sa kagagamit araw-araw.
10. •Pang-angkop na ''g'‘
Ang Pang-angkop na ''g'' ay ginagamit kung ang salitang
durugtungan ay nagtatapos sa titik na n. Ang pang-angkop na ito ay
karugtong at hindi magkahiwalay sa salitang pinag-uugnay.
Halimbawa ng Pang-angkop na ''g'' sa Pangungusap
1.Ang masunuring anak ay kinagigiliwan ng mga magulang.
2. Lahat ng bibilhin ay makikita sa pamilihang bayan.
3. Halamang gamot ang kailangan sa kanyang sugat upang
gumaling agad.
11. Mga Halimbawa ng Pang-ukol
1. Nararapat lang na makatanggap ng tulong ang mga mamamayan mula
sa gobyerno dahil ito naman ay manggagaling sa kaban ng bayan.
2. Ilagay ang kamay sa dibdib tuwing aawitin ang pambansang awit.
3. Naiwan ni nanay ang kanyang payong sa palengke.
4. Para sa mga nasunugan ang mga damit at pagkain na iyan.
5. Ayon sa balita, marami ang nasawa sa pagbagsak ng eroplano.
12. 6. Tungkol sa bakuna laban sa Covid-19 ang laman ng talumpati ng
pangulo.
7. Pupunta ako bukas kina Aurora dahil kaarawan niya.
8. Laban sa pagtaas ng bilihin ang kanilang panukala.
9. Ang proyekto ng mga magulang ay hinggil sa pagpapaganda ng
paaralan.
10. Ang mga hakbang na ginawa ng kanilang grupo ay alinsunod
sa batas.