2. Nauwi ang usapan sa ibabaw ng kubyerta
sa mga alamat. Nagsimulang ikuwento
ng Kapitan ang alamat ng Malapad-na-
Bato. Ayon sa alamat, itinuturing daw na
banal ng mga katutubo ang lugar at
tahanan ng mga espiritu.
3. Ngunit nang manirahan daw dito ng
mga kriminal ay nawala ang pangamba
sa mga kaluluwang naroon. Sa mga
tulisan na natakot ang mga tao.
4. Si Padre Florentino naman ang
nagsalaysay ng alamat ni Donya
Geronima. Nagkaroon dawn g kasintahan
ang Donya ngunit naging arsobispo ito
sa Maynila. Sinundan daw ng babae ang
katipan at kinulit sa alok na kasal. Upang
makapagtago, nanahan ang dalawa sa
isang yungib malapit sa Ilog Pasig.
5. Nakuwento din ang alamat ni San
Nicolas na nagligtas sa Intsik na muntik
nang patayin ng isang buwaya. Naging
bato daw ang buwaya nang dasalan ng
Intsik ang santo.
6. Nabling naman ang usapan sa lugar kung
saan namatay si Ibarra. Ipinaturo ni Ben
Zayb kung saan iyon banda sa Ilog Pasig.
Natahimik at namutla naman si Simoun.
7. Aral – Kabanata 3
Mahilig ang mga Pilipino sa mga
alamat. Sa mga kuwentong ganito ay
nababatid ang malikhaing dahilan ng
pagkakabuo ng isang bagay na
lubhang nakaaaliw at kapupulutan
din ng aral.