1. Buod ng Noli Me Tangere
Nobela ni Jose P. Rizal
By: Jana Denisse Miguel
Submitted to: Mr. Wilfredo de Guzman
2. Mula sa Europa ay umuwi ang binatang si Juan Crisostomo
Ibarra matapos mag-aral ng pitong taon. Si Ibarra ay ang
katipan ni Maria Clara, anak ni Kapitan Tyago.
Magiliw na tinanggap ng bayan ng San Diego ang
binatamg hinahangaan sa kanyang talino at puso sa mga
kababayan, gayundin marahil sa pagmamahal ng bayan sa
kanyang yumaong ama.
Nagdaos ng hapunan si Kapitan Tyago para sa pagbabalik
ni Ibarra, naroon ang mga kilalang personalidad sa bayang
iyon, ang mga pinuno ng pamahalaan at ng simbahan.
Naroon din ang Praileng Pransiskano na si Padre Damaso.
Mababakas ang malamig na pagtanggap na Padre Damaso.
Kapuna-puna rin ang panghahamak niya rito makalawang
beses habang nagkukwentuhan sa hapag-kainan na
pinalipas na lamang ng maginoong binata at sa halip ay
nagpasya umuwi na lamang sa pagdadahuilang may
mahalagang bagay pa siyang gagawin.
3. Kinaumagahan ay nagpasya ang binata na dalawin ang
kasintahang si Maria Clara at doon ay muli nilang
ginunita nag kanilang pagmamahalan. Si Maria Clara ay
larawan ng isang dalagang Pilipina na mapagmahala sa
magulang, mahinhin, maganda at maka-Diyos.
Sa pag-uwi ng binata ay nakausap niiya si Tenyente
Guevara, at ditto napag-alaman ang dahilan ng
kamatyan ng kanyang ama na si Don Rafael, ang
pinakamayamang Asendero sa kanilang bayan.
Nalaman niya kung paanong idiniin ni Padre Damaso si
Don Rafael sa kasalanang hindi niya sinasadya. Ito ay
matapos na maipagtanggol niya ang isang bata sa
kamay ng isang kubrador na kastila na nananakit sa
bata. Nang magtangka ang kastila ay naitulak niya ito
na siyang ikinabagok ng kanyang ulo at sanhi ng
kanyang kamatayan.
4. Nabilanggo si Don Rafael sa iba’t-ibang kasong isinakdal sa
kanya. Siya ay nagkasakit sa bilangguan at namatay.
Iniutos ni Padre Damaso na ipahukay ang kanyang
bangkay at ilipat sa libingan ng mga Intsik. Dahil umuulan
noon ay hindi na nagawang ilipat ng libingan ang matanda
at sa halip ay ipinasyang itapon na lamang ng
tagapaglibing sa lawa ng Laguna.
Hindi na naghiganti ang binata matapos marinig ang
pangyayari sa kanyang ama sa haliup ay ninais niyang
ipagpatuloy na lamang ang mabuti nitong gawa ng
magpasya siyang magpatayo ng paaralan na moderno at
katumbas nang nasa bansang Alemanya.
Isang lalaki ang sinuhulan upang pagtangkaan si Ibarra sa
araw mismo ng pagbabasbas ng batong panulukan ng
kanyang paaralan. Nailigtas ni Elias si Ibarra at ang
lalaking nasuhulan ang nahulugan ng bato na siyan itong
kinamatay.
5. Sa hapag-kainan kung saan naroroon ang mga
panauhin ni Ibarra ay muling hinamak ni Padre
damaso ang kanyang ama na siyang naging dahilan
ng kanyang galit. Sinunggaban niya ang pari at
tinutukan niya ng kutsilyo subalit naawat siya ni
Maria Clara.
Naging eskomulgado angb inata o itinawalag siya
ng Arsobispo ng simabhan sa pangyayaring iyon.
Dahil dito ay hiniling ni Padre Damaso kay Kapitan
Tyago na ipakasal si Maria Clara sa isang kastilang
nagngangalang Linares sa halip na kay Ibarra.
Ikinasama ito ng kalusugan ni Maria Clara. Ilang
araw din siyang naratay sa karamdaman.
6. Nilakad ni Ibarra ang pagkawalang bisa ng pageskomulgado
sa kanya at sa tulong ng Kapitan Heneral ay binawi ng
Arsobispo ito at muli siyang tinanggap sa simabahan. Hindi
pa ganap ang kasiyahan ni Ibarra ay nadawit na naman siya
sa isang kaguluhang ibinintang s akanya matapos looban
ang kwartel ng sibil, walang katibayang siya ang namuno
rito kung kayat binalewala ang bintang na ito sa kanya.
Kinausap siya ni Elias upang pamunuan ang pag-aalsa sa
mga kastila ng taong bayan subalit tumanggi siya at
nagsabing hindi siya naniniwala sa gayong paraan.
Gayunman, muli siyang nasangkot ng gamitin ang sulat
niya kay Maria Clara bago siya tumungo sa Europa kahit
wala naman talagang kaugnayan ito sa mga paghihimagsik
na nagaganap sa bayan.
Nakatakas si Ibarra sa kulungan sa tulong ni Elias. Naganap ito
habang nangyayari ang hapunan sa bahay ni Kapitan Tyago. Ang
hapunang iyon ay ukol sa pag-iisiang dibdib ni Linares at Maria
Clara.
7. Sinadya ng binata si Maria Clara bago ito tuluyang tumakas,
sinumbat ng binata kay Maria Clara ang pagkakanulo nito sa
kanya sa pag-aabot ng sulat sa hukuman subalit itinanggi ito
ni Maria Clara at sinabing siya ay tinakot lamang. At ang mga
sulat ay naging kapalit ng 2 sulat na ginawa ng kanyang ina
bao pa siya pinanganak. Ang mga sulat na iyon ay natagpuan
ni Padre Salvi, sulat na nagpapatotoo na si Maria Clara ay
anak ng kanyang ina kay Padre Damaso.
Inihayag din niya ang kanyang labis na pagmamahal sa binata
kahit siya ay papakasal kay Linares.
Sakanilang pagtakas sa tulong ni Elias, pinahiga niya si Ibarra
sa bangka at tinabunan ng damo, binagtas nila Ilog Pasig
hanggang sa marating ang lawa ng Laguna. Naabutan sila
roon ng mga sibil, upang iligtas ang binata ay lumukso si Elias
sa tubig at doon siya napaulanan ng bala. Nangmamula ang
lawa ay iniwan sila ng sibil sa pag-aakalang ang kanilang
napatay ay ang binatang si Ibarra.
8. Nang mabasa ni Maria Clara sa pahayagan ang di
umano’y sinait ng kanyang kasintahan ay hiniling
nitos a kanyang ama na si Padre Damaso na payagan
siyang magmongha kung hindi ay magpapakamatay
siya.
Matapos ay ikalawang araw ay sinapit ni Elias ang
maalamat na bundok ng mga Ibarra, nochebuena
noon, sugatan at naghihingalo, humarap siya sa
silangan at waring nagdadasal na binigkas
“Mamamatay akong hindi nasisilayan ang
pagbubukang-liwayway sa aking bayan, Kayong
makakakita, batiin ninyo siya at huwag kalimutan
ang mga taong nabulid sa dilim ng gabi.”