Sosyo - Kultural na Pamumuhay ng mga Sinaunang Taophiapadilla
(Tagalog)
Meron pong Tatlong (3) na aralin dito
ito po ay ang Sosyo - kultural na Pamumuhay ng mga Sinaunang Tao, Politikal na Pamumuhay ng mga Sinaunang Tao at Paglaganap at Katuruan ng Islam sa Pilipinas,
(English)
There are three (3) lessons here
this is the Socio - cultural Life of the Ancient People, Political Life of the Ancient People and the Spread and Teachings of Islam in the Philippines,
Isang pagpapaliwanag kung paano nakaapekto sa pamumuhay ng mga Pilipino ang relihiyong Kristiyanismo at ang Sistemang Reduccion na ipinatupad ng mga misyonerong paring Espanyol
Itong modyul ng pagkatuto ay makakatulong sa mga mag-aaral na matuto ang pamahalaang sultanato na namayana sa Mindanao mula 15th century hanggang 1915. Makikita din dito ang mga katungkulan ng mga tao sa lipunan sa ilalim ng Pamahalaang Sultanato
Sosyo - Kultural na Pamumuhay ng mga Sinaunang Taophiapadilla
(Tagalog)
Meron pong Tatlong (3) na aralin dito
ito po ay ang Sosyo - kultural na Pamumuhay ng mga Sinaunang Tao, Politikal na Pamumuhay ng mga Sinaunang Tao at Paglaganap at Katuruan ng Islam sa Pilipinas,
(English)
There are three (3) lessons here
this is the Socio - cultural Life of the Ancient People, Political Life of the Ancient People and the Spread and Teachings of Islam in the Philippines,
Isang pagpapaliwanag kung paano nakaapekto sa pamumuhay ng mga Pilipino ang relihiyong Kristiyanismo at ang Sistemang Reduccion na ipinatupad ng mga misyonerong paring Espanyol
Itong modyul ng pagkatuto ay makakatulong sa mga mag-aaral na matuto ang pamahalaang sultanato na namayana sa Mindanao mula 15th century hanggang 1915. Makikita din dito ang mga katungkulan ng mga tao sa lipunan sa ilalim ng Pamahalaang Sultanato
Tinalakay sa nakaraang modyul ang mga instrumentong kolonyalng mga
Kastila sa Pilipinas. Ito ay ang Kristiyanisasyon, reducción, tributo at polo. Ang
mga ito ay naging dahilan ng pag-aalsa ng mga Pilipino, lalo na ang tributo at
polo. Mayroon ding mga Pilipinongnag-alsa dahilayaw nilang iwanan ang mga
sinaunang paniniwala na matagal nang nakaugat sa sariling kultura. Ang
pagkamkam ng mga prayleng Espanyolsa mga lupain ng mga Pilipino ay isa pang
dahilan ng mga pag-aalsa, lalo na sa mga Tagalog na lalawigan sa Luzon.
Tatalakayin sa modyul na ito ang mga pag-aalsa nina Tamblot sa Bohol
(1621-1622), Maniago sa Pampanga(1660), at ang mga agraryong pag-aalsa sa
mga probinsya ngLuzon(1745). Ang magkakahiwalay na mga pag-aalsang ito ay
isinalaysay ng mga pariat matataas na opisyal naKastila sa kanilang mga sinulat.
Ang mga primaryang sanggunian ay nagbibigay liwanag tungkol sa hinaing ng
mga Pilipino sa ilalim ng Espanya at mahihinuha mula sa mga dokumentongito
ang epekto at kahalagahan ng mga pag-aalsa sa kasaysayan ng Pilipinas.
Sa araling ito, tatalakayin natin ang mga pamamaraang ginamit ng mga Espanyol upang maipatupad ang Kolonisasyon. Pangunahin sa mga patakarang ito ang kristiyanisasyon, reduccion, tributo, encommienda, at polo y servicio o sapilitang paggawa. Tatalakayin din dito ang naging epekto ng mga patakaran sa mga katutubo at naging reaksiyon nila rito.
2. Like sign kung tama ang pahayag at dislike sign kung mali.
1. Nagdala ng pananampalatayang Islam sa Sulu ay si
Sayyid Abu Bakr
2. Pagsamba sa ispiritu, kalikasan at iba pang bagay ay
pagano o paganismo.
3. Relihiyon ng mga Muslim ay Islam
4. Bahagi ng Mindanao kung saan unang nakilala ang
relihiyong Islam ay Sulu
5. Katolisismo ang relihiyong ipinakilala ng mga
Espanyol
3. Balik-Aral
A ang HeKaSi
A ang HeKaSi
Halina Halina’t pag-aralan….
5. Pagbuo ng Tanong
Anu- ano ang iba’t- ibang reaksiyon ng mga
Pilipino sa Kristiyanismo?
6. Paglalahad
Hindi maikakailang ang Katolisismo ang
pinakamalaking impluwensiya ng mga Espanyol s
ating mga Pilipino. Sa Asya, tanging Pilipinas
lamang ang kinikilalang Katolikong bansa.
Ang paniniwalang pagano ng mga Pilipino
noon ay napalitan ng bagong paniniwalang
itinuro ng mga misyonerong Espanyol.
7. Paglalahad
Nanguna sa pagpapalaganap ng
paniniwalang ito ang mga misyonerong
Augustino na kasama ni Legazpi sa kanyang
pagdating sa Pilipinas noong 1565 sa
pangunguna ni Padre Andres de Urdaneta.
Ang mga Pilipino noon ay tinuruan nilng
magdasal at magsimba, at magbasa ng Bibliya-banal
na aklat ng mga Katoliko.
10. Pagtalakay
Mga Pilipinong Sumampalataya- Ang
pagbibinyag at paggamit ng pangalang Kristiyano ay
tanda ng pagsampalataya sa Kristiyanismo. Maaalala
na si Raha Humabon at ang kanyang asawa ay
nagpabinyag sa Kristiyanismonang dumating si
Magellan noong 1521.
Tanda pa rin ng pagsampalataya ang paniniwala
sa kapangyarihan ng Diyos, gayundin ang pagsunod sa
kautusan ng relihiyong Katoliko.
11. Pagtalakay
Mga Pilipinong
Hindi Sumampalataya-
Ang mga Muslim ay
pangkat ng mga
Pilipino na hindi
sumampalataya sa
Kristiyanismo. Matibay
ang kanilang
paniniwala sa
relihiyong Islam.
12. Pagtalakay
Mga Pilipinong Hindi
Sumampalataya- Ang mga
Ifugao ay isa pang pangkat ng
Pilipino na hindi nasakop ng
mga Kastila. Hindi sila
nahikayat na maging
Kristiyano. Nakatira sa
bulubunduking lugar sa
dakong Hilagang-Kanlurang
Luzon. Mahirap marating ng
mga Misyonero ang kanilang
tahanan.
13. Pagtalakay
Sa kabundukan
nakatira ang mga Negrito
o Ita, sila man ay hindi
nahikayat na maging
Kristiyano. Patuloy pa rin
ang kanilang paniniwala
sa sinasambang bathala.
14. Pagtalakay
Mga Pag-aalsa : Noong ika-17 dantaon, nag-alsa
ang ilang Pilipinong Kristiyano laban sa
paglagananp ng Kristiyanismo. Nais nilang
maibalik ang katutubong relihiyon. Ito ang naging
reaksiyon ni Tamblot. Hinikayat niya ang
maraming taga-Bohol na magbalik sa dating
pananampalataya.
15. Pagtalakay
Mga Pag-aalsa : Noong 1744, namuno sa
pag-aalsa laban sa simbahan si Francisco
Dagohoy, isa ring taga-Bohol, hindi niya
nagustuhan ang pagtanggi ng mga paring
ipalibing ang kanyang kapatid sa pamamaraang
Katoliko.
16. Pagtalakay
Mga Pag-aalsa : Noong 1841, nag-alsa si
Apolinario dela Cruz na kilala sa tawag na
Hermano Pule. Isa siyang Pilipino na gustong
mag-pari ngunit tinanggihan ng kura dahilan
siya’y isang katutubo. Hindi rin kinilala ang
itinatag niyang samahang panrelihiyon sapagkat
hindi ito Katoliko. Ito ang Cofradia de San Jose.
17. Paglalahat
Iba’t-iba ang naging reaksiyon ng mga Pilipino
sa Kristiyanismo, may sumampalataya, may hindi
sumampalataya, at may nag-alsa.
19. Pagtataya: Basahin ang mga tanong at guhitan ang wastong sagot
sa loob ng panaklong.
1. Ang mga misyonero ang nagturo ng (musika,
kristiyanismo, pagluluto) sa mga Pilipino
2. Itinuro sa mga katutubo ang Kristiyanismo sa
pamamagitan ng larawan at pagsesermon ng (Pari,
Datu,Babaylan)
3. Nagpalimbag ang mga misyonero ng mga (babasahin,
talatinigan, Encylopedya) para sa relihiyon
20. Pagtataya: Basahin ang mga tanong at guhitan ang wastong sagot
sa loob ng panaklong.
4. Ang tumanggap ng Kristiyanismo ay (nagsakripisyo,
nagpabinyag, nagnobena)
5. Minsan, pag-umalis ang mga opisyales ng bansa, ang mga
misyonero ang (pumapalit, nagtuturo, nagtatrabaho sa
simbahan.
21. Takda.
Ano ang naging epekto sa pamumuhay ng mga Pilipinong
tumanggap sa Kristiyanismo, at mga Pilipinong di
tumanggap ng relihiyong ito? Isulat sa kwaderno.