2. Malaki ang ginampanan ng Kristiyanismo sa
pananakop ng mga Espanyol sa mga katutubong
Pilipino. Ipinakilala nila sa mga katutubo ang iba’t
ibang katuruan ng Kristiyanismo.
6. Iba’t ibang paraan ng pagpapalaganap ang
ginamit ng mga Espanyol upang gawing Kristiyano
ang mga Pilipino. Ang ilan sa mga ito ay ang
pagtuturo ng kautusan, pagpapatayo ng simbahan,
at pagsasagawa ng mga ritwal.
7. Pagtuturo ng mga Kautusan ng Kristiyanismo
1. Pagsamba sa isang Diyos;
2. Paniniwala kay Hesukristo bilang Tagapagligtas;
3. Pagbabasa ng Bibliya, ang banal na aklat ng mga
Kristiyano;
4. Paniniwala sa mga santo at santa o mga banal na tao; at
5. Ang pagkabuhay na muli ng mga nangamatay na tao.
8. Matapos ang pangangaral ay binibinyagan ang
mga katutubo. Ang pagbibinyag ay simbolo ng
pagtanggap ng Kristiyanismo at pagiging isang
ganap na Kristiyano.
9. Pagpapatayo ng mga Simbahan
• Sinira ng mga Espanyol ang mga lugar na pinagsasambahan ng mga
katutubo.
• Nagtayo na sila ng malalaking simbahan upang doon magdasal ang
mga Pilipino.
• Marami sa mga simbahan na kanilang ipinatayo ay makikita pa rin
hanggang ngayon.
• Simbahan ng Paoay sa Ilocos Norte, ng Miag- ao sa Iloilo, ng
Nagcarlan sa Laguna, at marami pang iba.
10. Pagsasagawa ng mga Kristiyanong Ritwal
• Kumpisal
• Kasal
• Misa
• Pagbebendisyon sa taong may sakit
• Pagdarasal tuwing ikaanim na hapon
• Pagdiriwang ng Mahal na Araw
• Kapistahan ng mga patron
11. Sa kumpisal, ang mga katutubo ay nagtutungo
sa simbahan at kanilang inihahayag sa pari ang
kanilang mga nagawang palabag sa kautusan ng
Kristiyanismo.
12. Ang kasal, ay isinasagawa lamang kung handa
nang magkaroon ng sariling pamilya ang isang
babae at lalaking Kristiyano.
13. Ang misa ay ginaganap tuwing umaga ng araw
ng Linggo. Dahil inaasahang dumalo sa misa ang
lahat ng tao sa pamayanan, ang malakas at
magkakasunod na pagpapatunog ng kampana ay
hudyat ng pagtungo ng mga tao sa simbahan.
14. Ang Mahal na Araw ay isang linggong
pagdiriwang na isinasagawa upang alalahanin ang
buhay na pinagdaanan ni Hesus. Ginaganap ito sa
buwan ng Marso o Abril.
16. • Madalas na nagsasagawa sila ng sanduguan.
• Susunod na rito ang pagsasagawa ng mga misa at
pagbibigay ng mga rebulto bilang kapalit ng kanilang
mga anito.
• Tampok sa mga rebultong ito ay ang Santo Niño.
17. Abril 14, 1521- nagsagawa ang mga Espanyol ng
misa sa Cebu.
- Dito tinanggap ni Raha Humabon at ng kaniyang
asawa ang imahe ng Santo Niño o Batang Hesus.
18. * Pinagdiriwang din sa Visayas ang mga pistang
panrelihiyon, tulad ng Sinulog sa Cebu na
nagpapakita ng kanilang pagmamahal kay Santo
Niño.
20. •Hindi lahat ng mga katutubo ay lubusang tinanggap
ang relihiyong Kristiyano ng mga Espanyol.
•Ilan sa kanila ang nag- alsa dahil sa abuso o abuloy
para sa kaligtasan.
•Indulhensiya- abuloy para sa kaligtasan
21. • Sa Luzon, kilala ang Cagayan sa pag- aalsa noong 1607
hanggang 1608.
• Ito ay pinamunuan ni Furunganan na naglalayong
maibalik ang dating relihiyon.
• Nag- alsa din ang mga Gaddang sa Cagayan na
pinamumunuan nina Felipe Catabay at Gabriel Dayag.
22. • Sa Leyte sa Visayas, pinangunahan ni Bankaw noong
1621 hanggang 1622 ang pag- aalsa hinggil sa
pagbabalik ng dating relihiyon sa kanilang lugar.
• Bohol si Tamblot na isang babaylan
• Sa parehong taon ng pag- aalsa ni Bankaw, hinikayat
niya ang mga Boholano na mag- alsa laban sa mga
prayleng Espanyol.