9. Upang maging sapat ang bilang ng mga paring
mamamahala sa mga simbahan sa Pilipinas, ang
simbahang Katolika ay nagsanay ng mga Pilipino pari.
Tinawag silang mga paring sekular. Nagkaroon ng
dalawang uri ng pari sa Pilipinas−ang sekular (Pilipino)
at regular (Espanyol).
12. Ang isyu ng sekularisasyon ay nagsimula sa alitan ng dalawang
pangkat ng mga pari kaugnay ng pamamahala sa mga
simbahan. Pinanghawakan ng mga paring Pilipino ang kanilang
karapatan ayon sa kautusan ng Trent na nagsabing mga paring
sekular lamang ang may kapangyarihang mamahala sa mga
simbahan sa Pilipinas.
Ikinatakot ito ng mga paring Espanyol kaya gumawa sila ng
paraan upang maibalik sa kanila ang pamamahala ng mga
simbahan. Kaya, noong 1567, ayon sa kautusan ng Papa sa
Roma, binigyan ng karapatan ang mga paring Espanyol na
pamahalaan ang mga simbahan sa Pilipinas. Ang
kapangyarihang ito ay tinawag na patronato real.
14. Hindi nagustuhan ng mga paring Pilipino ang patronato
real kaya binuo nila ang kilusang sekularisasyon.
Layunin nitong maibalik sa kanila ang pamamahala sa
mga parokya sa Pilipinas at magkaroon ng pantay na
karapatan ang mga paring Pilipino at Espanyol. Aktibong
itinaguyod ito ng mga paring Pilipino kabilang na sina
Parde Mariano Gomez, Padre Jose Burgos, at Padre
Jacinto Zamora na mas kilala sa tawag na Gomburza.
16. Noong 1871, pinalitan ni Rafael de Izquierdo
si Carlos Maria de la Torre bilang gobernador-
heneral ng Pilipinas. Bilang isang malupit na
lider, ibinalik niya ang pagbabayad ng buwis
sa mga manggagawa ng arsenal ng Cavite.
Tinutulan ito ng mga Pilipino sa pamumuno ni
Francisco La Madrid. Noong Enero, 1872,
nag-aklas ang mga manggagawa.
18. Pinalaki ng mga Espanyol ang nangyaring pag-aaklas.
Pinalabas nila itong isang paghihimagsik laban sa
pamahalaang kolonyal. Nagkaroon ng pagkakataon ang
mga paring Espanyol, na kaaway ng mga paring
Pilipino, na gawin ito dahil sa isyu ng sekularisasyon ng
mga parokya. Isinangkot dito ang Gomburza na
diumano ay "mga utak ng himagsikan." Dahil dito,
ibinitay ang tatlong pari.
20. Mayroong dalawang uri ng pari sa
Pilipinas−ang sekular (Pilipino) at regular (Espanyol).
Nabuo ang kilusang sekularisasyon dahil sa kagustuhan
ng mga paring Pilipino na maibalik sa kanila ang
pamamahala ng mga simbahan.
Noong Enero, 1872, nag-aklas ang mga manggagawa
sa Cavite dahil ibinalik sa kanila ni Izquierdo ang
pagbabayad ng buwis.
Isinangkot ang Gomburza sa nangyaring pag-aaklas at
ipinabitay kahit sila ay mga inosente.
21. Karagdagang Kaalaman: Ang kampanya sa
sekularisasyon ng mga paring Pilipino ay halos
nagtatagumpay na. Nagsanib-sanib na ang mga
sekular na paring Pilipino upang magkaroon sila ng
lakas na magtagumpay ang usapin nila. Ang mga
paring sekular ay sinasanay sa seminaryo upang
mamahala ng mga parokya. Ang karaniwang mga
paring Pilipino na sekular ay hindi itinatalaga sa
mga parokya kahit na kapantay o higit pa ang mga
katangian at kakayahan nila kaysa mga paring
Espanyol.
22. Sagutin ang mga sumusunod na tanong batay sa iyong
natutunan o sariling pananaw:
1. Bilang mag-aaral, ano ang magiging reaksyon sa
pagkabitay sa tatlong pari kung nangyari ito sa kasalukuyang
panahon?
2. Bakit tinuring na mga martir sina Padre Gomez,
Burgos at Zamora?
3. Naging makabuluhan ba ang mga nagawa ng mga
kilusan sa pagkakamit ng kasarinlan ng Pilipinas?
25. Ang kilusang reporma o propaganda ay isang samahan ng
mga Pilipino, Espanyol, at mga mestizo na humihingi ng
pagbabago sa Espanya sa mapayapang paraan.
Ang kilusang Propaganda ay isang mapayapang kilusan
tungo sa pagbabago na itinatag noong 1892. Ang mga
pangunahing pinuno ng Kilusang Propaganda ay sina Marcelo
H. Del Pilar, Jose Rizal, Graciano Lopez Jaena, at iba pang mga
pilipinong may pinag-aralan na nagtungo sa Spai
26. Noong 1882, itinatag ang Circulo Hispano-Filipino sa
pamumuno ni Juan Atayde, isang insulares. Nang mabigo ito,
itinatag naman ni Miguel Morayta, isang Espanyol,
ang Asociacion Hispano-Filipino. Ang Circulo at Asociacion ay
hindi umani ng suporta dahil karamihan sa mga kasapi nito ay
mga Espanyol. Noong Disyembre 13, 1888, itinatag ang
samahan ng mga Pilipino−ang La Solidaridad, na siya ring
pangalan ng opisyal na pahayagan ng samahan.
28. pagkakapantay ng mga Pilipino at Espanyol sa batas,
pagkilala sa Pilipinas bilang lalawigan ng Espanya,
pagkakaroon ng Pilipinong kinatawan sa Spanish Cortes,
pamamahala ng mga paring Pilipino sa mga simbahan, at
pagkakaloob ng malawak na kalayaan sa pamamahayag
Ang nais ng mga kasapi nito ay pagbabago upang guminhawa
ang pamumuhay ng mga Pilipino. Nakatulong ito
sapagkakaroon ng kalayaan.
29. Simula ng Pagpapalaganap
Nang maging malinaw na sa mga Pilipino ang kawalan ng
pag-asang makamit ang pagbabago, ang mga ilustrado ay
nagtungo sa Europa upang doon ay mag-aral at maglingkod
sa ngalan ng Pilipinas. Nagkita-kita sila sa Barcelona at
Madrid sa Espanya, at doon ay ipinarating nila ang kanilang
nais na pagbabago. Dito nabuo ang iba’t ibang samahan o
kilusan upang mas mapalakas ang kampanya.
30. Mahahalagang Kaalaman
• Naisilang ang kilusang propaganda dahil sa pagkamatay
ng tatlong paring Gomburza.
• Pangunahing layunin ng kilusan na humingi ng
pagbabago sa kalagayan ng Pilipinas sa mapayapang
paraan.
• Sinimulan ng mga ilustrado ang pagpapalaganap ng
kanilang layunin sa mga sentro ng
Espanya−sa Barcelona at Madrid.
32. Ang propagandista o repormista ay taong
kasapi sa kilusang propaganda na humingi, sa
isang mapayapang paraan, ng pagbabago sa
kalagayan ng Pilipinas.
33. Jose Rizal (1861-1896)
Isinilang siya sa Calamba, Laguna.
Siya ang tinaguriang pinakadakilang
Pilipinong propagandista.
Isinulat niya ang Noli Me Tangere at El
Filibusterismo, mga akdang
nagpapahiwatig ng mga negatibong
gawain ng mga Espanyol sa mga
Pilipino.
Ipinadakip siya ng mga Espanyol at
ipinabaril sa Bagumbayan na sa ngayon
ay Luneta.
34. Jose Rizal (1861-1896)
Ang La Liga Filipina ay isa ring samahan itinatag ng mga
Pilipino. Nanguna sa pagtatag nito si Jose Rizal. Layunin ng
samahan na humiling ng mga pagbabago, matamo ang
pagkakaisa ng buong bansa, proteksyon, mapaunlad ang
edukasyon, agrikultura at kalakalan, at pag-aaral. Ito ay
nabuwag dahil sa pagkadakip ni Rizal. Siya ay ipinatapon sa
Dapitan, Zamboanga. Maraming kasapi nito ang naghangad na
pag-ibayuhin ang pakikipaglaban sa mga Espanyol
35. Marcelo H. del Pilar (1850–
1896)
Isinilang siya sa San Nicolas,
Bulacan.
Siya ang tinaguriang pinakadakilang
Pilipinong mamamahayag.
Isinulat niya ang La
Frailocracia at La Soberania.
Dinapuan siya ng sakit
na tuberculosis na kaniyang
ikinamatay sa Barcelona, Espanya.
36. Graciano Lopez Jaena (1856–1896)
• Isinilang siya sa Jaro, Iloilo.
• Siya ang tinaguriang pinakadakilang Pilipinong
mananalumpati.
• Isinulat niya ang Fray Botod at La Hija del Fraile.
• Katulad ni Marcelo H. del Pilar, namatay siya sa sakit
na tuberculosis sa Espanya.
37. Pagpapatuloy ng Kampanya
Idinaan ng mga propagandista sa pagsusulat ang kanilang mga
daing sa Espanya. Ang tema ng kanilang mga isinulat ay
pagbubulgar at pambabatikos sa mga kamalian ng pamamahala.
Maliban sa pagsusulat, idinaan din ng ilang propagandista ang
kampanya sa pagpipinta. Isang halimbawa nito si Juan Luna.
Malaki ang naitulong sa kampanya ng pahayagang La Solidaridad.
Nakipag-ugnayan ang mga repormista sa mga kilusang Masonerya
na nagsusulong ng malayang kaisipan at pagtutol sa Katolisismo.
Dumami ang mga Masonerya sa Pilipinas.
Itinatag ni Jose Rizal ang La Liga Filipina, isang pansibikong
samahan na ang layunin ay pagbuklurin ang bansa.
38. Mahahalagang Kaalaman
Ang mga pangunahing propagandista ay sina Jose Rizal, Marcelo H. del Pilar,
at Graciano Lopez Jaena.
Ipinagpatuloy ng mga repormista ang kanilang kampanya sa pamamagitan
ng pagsusulat, pagpipinta, at pagsapi o pagtatatag ng mga samahan.
39. KaragdagangKaalaman:
Ang Kilusang Proganda ay hindi nagtagumpay sa kabila ng katapangan at
pagmamalasakit ng mga propagandista. Ngunit may dalawa itong natatanging
nagawa o naiambag. Naging matagumpay ito sa pagpapahayag ng mga
pagmamalupit at pang-aaping mga Espanyol sa mga Pilipino. Nagbigay daan din
ito sa pag-aalsa ng mga Pilipino.
Ang La Solidaridad- Ito ang pahayagan ng kilusang propaganda. Malaki
ang nagawa nito sa layunin ng mga propagandista. Ngunit dahil sa kakulangan
ng pondo, hindi ito nagtagal.
Ang asociacion Hispano-Filipino - Ito ay itinatag upang humingi ng
reporma para sa mga Pilipino.
Ang La Liga Filipina – kapisanan pansibiko para sa mga Pilipino. Binuo ng
mga Pilipinong maykaya sa buhay, may mataas na pinag-aralan. Ayon kay Rizal,
nagtutuos sa kasaping mahirap, ngunit may kakayahang mag-aral ngunit na
paghinalaang ng sedisyon kaya dinakip at itinapon si Rizal sa Dapitan.