SlideShare a Scribd company logo
1
Aralin
5
Sosyo – Kultural na
Pamumuhay ng mga
Sinaunang Tao
Ang mga Sinaunang Pilipino ay may mayamang kultura na maipagmamalaki
bago pa dumating ang mga dayuhan sa bansa. Ang kultura ay tumutukoy sa paraan ng
pamumuhay ng tao. Mababakas ang mga kultura ng Sinaunang Pilipino kanilang maayos at
payak na pamumuhay, mula sa kanilang paniniwala, relihiyon, pagpapahalaga at mga kaugalian
tulad ng pagbabatok, paglilibing, paggawa ng bangka, pananamit at palamuti, at pagdaraos ng
pagdiriwang.
SUBUKIN NATIN
Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot patlang bago ang bawat bilang.
A. 1. Kung pagmimina sa kabundukan ang karaniwang hanapbuhay ng mga sinaunang Pilipino, ano
naman ang pangunahing hanapbuhay ng ating mga ninuno sa kapatagan?
A. Pagsasaka B. Paghahabi C. Pagmimina D. Pangingisda
B. 2. Sa anong panahon natutuhan ng mga sinaunang tao ang magtanim, mag- alaga ng hayop,
magpakinis at maghanasa ng mga bato?
A. Paleotiko B. Neolitiko C. Metal D. La Ilustracion
B. 3. Anong uri ng kabuhayan ng mga sinaunang tao kung saan sila ay humuhuli ng mga hayop
upang gawing pagkain?
A. Pangingisda B. Pangangaso C. Pagsasaka D. Pagmimina
D. 4. Gumamit ng copper sa kanilang mga kagamitan ang mga sinaunang Pilipino, sa anong panahon
ito isinagawa?
A. Paleotiko B. Neolitiko C. La Ilustracion D. Metal
B. 5. Paano isinasagawa ang sistemang barter sa pakikipagkalakalan ng mga sinaunang Pilipino?
A. Sapilitang pagtatrabaho sa pamahalaan
2
B. Pakikipagpalitan ng produkto sa kapwa produkto
C. Pagsunog at pagputol ng mga puno sa kagubatan
D. Paghukay at pagkuha ng yamang mineral mula sa lupa
3
Tuklasin
Panuto: Suriin ang larawan at sagutan ang tanong sa ibaba.
Ano-ano ang mga napansin mo sa larawan na may kaugnayan
sa kaugnayan sa mga sinaunang Pilipino?
_______________________may pinupuri yung babae
tapos yung mga tao sa likod nung babae
___________________________ay nanonood.
________________________________________________
________________________________________________
________________________________________________
________________________________________________
________________________________________________
________________________________________________
________________________________________________
Suriin
Paniniwala sa mga Espiritu at Diyos ng Kalikasan
Ang mga sinaunang Pilipino ay naniniwala na may mga espiritung nananahan sa
kanilang kapaligiran. Tinawag nila itong mga anito ng mga Tagalog o diwata ng mga Bisaya.
Ang mga espiritu ay maaaring mabuti o masama. Ang mga mabuting espiritu ay mga namatay
na nilang kamag-anak at ang masamang ispiritu ay yaong
mga kaaway nila. Ang mga mabuting espiritu ay nakatutulong samantalang ang masasama ay
nagdadala ng sakit at kamalasan.
Sumasampalataya rin sila sa kapangyarihan ng araw, buwan, ng bituin, ng hayop, ng
ibon, at ng mga halaman. Tinawag ang paniniwalang ito na animismo. Pinaniniwalaan nila na
ang mga bagay sa kalikasan ay banal at may kaluluwa.
Ang ating mga ninuno rin ay naniniwala sa isang Dakilang Nilalang na siyang maylikha
ng langit, lupa at tao. Tinawag siyang Bathala ng mga Tagalog; Abba ng mga Cebuano;
Kabunyian ng mga Ifugao; at Laon ng mga Bisaya.
Marami rin silang pinaniniwalaang diyos tulad ng:
4
Idianale – diyos ng pagsasaka Magwayen – diyos ng kabilang buhay
Sidapa – diyos ng kamatayan Mandarangan – diyos ng digmaan Agni –
diyos ng apoy
Ang mga sinaunang Pilipino rin ay gumawa ng mga estatwang kahoy na
tinawag na bul-ol ng mga Ifugao. Para sa kanila ito ay sumisimbolo sa diyos
ng mga palay. Naniniwala sila na sa tulong ng bul-ol ay bibigayan sila ng
masaganang ani.
Bago simulan ng mga sinaunang Pilipino ang ano mang gawain tulad ng pagpapatayo
ng tahanan, pagtatanim at paglalakbay ay humihingi muna sila ng gabay at pahintulot mula sa
mga espiritu ng kalikasan. Ang ritwal na ito ay pinangunahan ng mga katalonan (sa mga
Tagalog) at babaylan (sa mga Bisaya) na silang tagapamagitan sa mundo ng tao at mundo ng
diyos at yumao.
Sila ay may mga ritwal o seremonyang ginagawa kung saan naghahandog ng kanilang ani at
hayop bilang pasasalamat, pagmamakaawa para maalis ang kamalasan o masamang kapalaran
sa buhay o paghingi ng tulong sa mga gawain.
Naniniwala din ang ating mga ninuno sa buhay sa kabilang daigdig.
Pagbabatok
Noong unang panahon ang pagkakaroon ng tato o batok ay importanteng simbolo ng kagitingan at
kagandahan. Noong unang pagdating ng mga kastila ay tinawag silang mga Pintados o mga
katutubong puno ng tato ang
katawan
Gumagamit sila ng tinik ng puno ng suha bilang karayom na ikinakabit sa dulo
ng isang kawayan at imbis na tinta uling na may halong tubig ang kanilang gamit
sa pangmarka. Ginagamit nilang inspirasyon ang kalikasan: hayop at mga
halaman at mga yamang lupa at tubig.
Ang pagkakaroon ng tato sa mga kalalakihan ay kapag sila ay nakapatay at
nakapugot ng ulo ng kalaban sa giyera. Mas madami ang tato, mas madami ang
napatay. Maging ang mga kababaihan ay puno ng tato ang katawan, pagka't
tinitignan na maganda ang babaeng may tato at bilang palamuti katawan na
dadalhin hangang kamatayan.
Kaugalian sa Paglilibing
Inihanda ng mga sinaunang tao ang kanilang yumao para sa kabilang
buhay sa pamamagitan ng paglilinis, paglalangis, at pagbibihis ng magagarang
kasuotan sa bangkay. Pinabaunan din nila ang mga yumao ng mga kasangkapan
tulad ng seramika at mga palamuti upang may magamit ang mga ito sa kabilang buhay.
May dalawang bahagi ang paglilibing ng mga sinaunang Pilipino.
Pintados
5
Una, inilibing nila ang mga yumao sa lupa kasama ang ilang kasangkapan.
Matapos matuyo ang mga labi ay hinahango ito mula sa libingan at isinisilid
sa loob ng tapayan.
Paggawa ng Bangka
Mahalaga ang kaalaman ng mga sinaunang Pilipino sa paglalayag at paggawa ng mga
sasakyang pandagat. Ang kaalaman ng sinaunang Pilipino sa paglalayag ay umusbong dahil sa
pagiging arkipelago ng Pilipinas. Ang karagatan at mga ilog ay ugnay ng mga Pilipino di
lamang sa isa’t-isa maging sa mga dayuhan. Ito ang naging pangunahing daluyan ng
impormasyon at kalakalan sa buong bansa.
Matitibay, matutulin at hinahangaan ang mga bangkang
nagmula sa Pilipinas. Pinaunlad ng mga sinaunang Pilipino ang
paggawa ng mga sasakyang pandagat para sa iba’t-ibang gamit
katulad ng mga balanghay, mga paraw para sa
pakikipagkalakalan at mga karakoa o ang malalaking
sasakyang pandagat na ginamit sa digmaan.
Panamit ng sinaunang Kalalakihan Pananamit ng sinaunang Kababaihan
Kangan – pang-itaas na damit na
walang kwelyo at manggas (Ang kulay
ng kangan ay batay sa katayuan sa
lipunan ng may suot nito–pula para sa
datu at asul o itim para sa may mas
mababang katayuan sa datu.)
Bahag – piraso ng telang nakabalot sa
baywang
Putong – piraso ng tela na ibinabalot sa
ulo (Sinasalamin din ng putong ang
katayuan ng may suot nito- pulang
putong ang suot ng taong nakapaslang na
ng isang tao at burdadong putong ang
nakapaslang
ng may pitong tao)
Baro – pang-itaas na damit na
ipinapatong na may manggas
Saya – maluwag na palda na pang-
ibaba ng mga Tagalog at Patadyong ng
mga Bisaya.
Tapis – pula o puting tela na
karaniwang ibinabalot sa baywang
6
Pananamit at Palamuti
Mahilig magsuot ng mga palamuti sa katawan ang sinaunang kababaihan at
kalalakihang Pilipino. Kadalasang gawa sa ginto ang mga palamuting ito. Halimbawa ng mga
palamuting kanilang isinusuot ay pomaras-isang alahas na hugis rosas-at
ganbanes-isang uri ng gintong pulseras na isinusuot nila sa braso at binti.
Nagsuot naman ang mga kalalakihan at kababaihan sa Bisaya ng hangang apat na pares
na gintong hikaw sa kanilang tainga. Gumamit din sila ng ginto upang palamutian ang kanilang
ngipin. Gayundin, naglalagay sila ng tato o permanenteng disenyo at marka sa balat.
Naniniwala sila na may kapangyarihan o mahika ang mga tao sa kanilang katawan na sino
mang mayroon nito ay magtataglay ng ibayong lakas at husay sa pakikidigma.
Pagdaraos ng Pagdiriwang
Likas na mahilig at mahusay ang mga sinaunang Pilipino sa musika. Isinaliw nila ang
musika sa kanilang pagsasayaw at ibang gawain tulad ng pagsasaka at pag- aani, gayundin sa
mahahalagang pagdiriwang at ritwal sa kanilang pamayanan.
Gumamit din sila ng mga katutubong instrumento gaya ng gangsa, isang uri ng tansong gong
ng mga taga-Cordillera; kaleleng, instrumentong pinatutunog gamit ang ilong ng mga Bontok;
at ang tambuli ng mga Tagalog na yari sa sungay ng kalabaw.
Mayron din silang awit at sayaw para sa iba’-ibang pagdiriwang at gawain. Sa
pamamagitan ng dallot-isang mahabang berso na binibigkas ng paawit-hinarana ng sinaunang
Ilocano ang kanilang iniirog. Katumbas ng dallot ang ayeg-klu ng mga
Igorot. May mga awitin din sila para sa tagumpay sa digmaan, pagpapakasal, pagluluksa,
pagsamba sa mga diyos, at mga larong pambata.
Mayaman din sa katutubong sayaw ang sinaunang Pilipino. Naging pangunahing
inspirasyon nila ang kalikasan, tulad ng mga kilos ng hayop, sa
paggawa ng sayaw. Halimbawa ang Tinikling na hango sa galaw ng ibong tikling. May mga
sayaw rin sila na bahagi ng ritwal tulad ng Pagdiwata, sayaw ng pasasalamat para sa
magandang ani, ng mga Tagbanwa sa Palawan. Marami rin mga
sayaw ang may kinalaman sa gawaing pangkabuhayan. Halimbawa ang sayaw ng Pagtatanim
at Paggapas ng mga magsasaka sa Katagalugan at Pamulad Isda o sayaw ng pagpapatuyo ng
isda ng mga taga-Negros. Iba pang halimbawa ng sinaunang
sayaw ay ang Salidsid o sayaw sa panliligaw ng mga Kalinga; at ang Bangibang,
7
sayaw para sa paglilibing ng yumaong nakaranas ng marahas na kamatayan ng mga Ifugao.
Pagyama Pagyamanin
Gawain 1. Punan ang kahon.
Panuto: Ayusin ang mga titik sa loob ng kahon upang mabuo ang sagot.
1. Ang mga taga-Ifugao ay may pinaniniwalaang diyos ng palay. Tinawag nila itong .
BUL - OL
2. Ang mga espiritung nananahan sa kalikasan ay tinawag ng mga taga-Bisaya na .
DIWATA
3. Ang ating mga ninuno ay naniniwala sa Dakilang Nilalang na siyang may gawa ng mga
langit, lupa at tao. Tinawag nila itong si .
BATHALA
4. Ang mga ritwal ay pinangungunahan ng mga tagapamagitan sa mundo ng tao at mundo ng
mga diyos at yumao. Ang tagapamagitan ay tinawag ng mga Tagalog na .
KATALONAN
5. Pinaniniwalaan ng mga sinaunang Filipino na ang mga bagay sa kalikasan ay banal at may
kaluluwa. Ang paniniwalang ito ay tinawag na .
ANIMISMO
Gawain 2. Iguhit mo!
Panuto: Iguhit ang mga sinaunang kasuotan ng mga kalalakihan at kababaihan, gayundin ang
kanilang mga palamuti sa katawan noong sinaunang panahon.
Sinaunang kasuotan at palamuti sa
katawan ng mga kalalakihan
Sinaunang kasuotan at palamuti sa
katawan ng mga kababaihan
8
Gawain 3. Ugnay-Salita
Panuto: Ipaliwanang ang kaugnayan ng dalawang salita sa isa’t- isa? Isulat ang maaaring sagot
sa patlang.
1. Kaleleng at tambuli
Ang Kaleleng ay isang uri ng tansong gong ng mga taga-Cordillera at ang Tambuli naman ay
isang instromentong pinatutunog gamit ang ilong ng mga Bontok.
2. baro’t saya at kangan at bahag
Ang Baro ay ang pang-itaas na damit na ipinapatong na may manggas.
Ang Saya naman ay isang maluwag na palda na pang-ibaba ng mga tagalog
at Patadyong ng mga Bisaya.
Ang Kangan ay ang pang-itaas na damit na walang kwelyo at manggas
Ang Bahag ay ang piraso ng telang nakabalot sa baywang.
3. balangay at karakoa
Ang Balangay ay isang tablang bangka nakaratig sa isang nakaukit na bangka
sa pamamagitan ng panuksot at sabat.
Ang Karakoa ay ang malalaking ang malalaking sakyang pandagat na ginagamit sa digmaan.
4. daluyan ng impormasyon at pakikipagkalakalan
Ang Daluyan ng impormasyon ay isang komunikasyon kung saan
9
nag-papalitan ng mga mahalagang impormasyon.
Ang Pakikipagkalakalan aynagpapalitan ng mga produkto at serbisyo.
5. pagsususot ng mga ginto at pagpapalagay ng tato
nag nasusuot sila Ng bagay na may ginto Hindi para ipagyabang Ang
kanilang kasuotan dahil lahat Ng iyon ay pinaghirapan nila.
Isaisip
May sariling kultura ang mga sinaunang Pilipino bago dumating ang mga dayuhan sa
Pilipinas.
Tumutukoy ang kultura sa paraan ng pamumuhay ng mga tao sa lipunan kabilang ang
kanilang paniniwala, tradisyon, kaugalian, relihiyon, wika, sining, panitikan at
pagpapahalaga.
Ang animismo ay paniniwala ng mga sinaunang Piipino na ang mga bagay sa kalikasan
ay banal at may kaluluwa.
Ang pagkakaroon ng tato o permanenteng marka sa katawan ay sumisimbolo sa
kagitingan ng mga kalalakihan at kagandahan sa mga kababaihan noong sinaunang
panahon.
Ang kaugalian ng mga sinaunang Pilipino sa paglilibing ng mga yumao ay binubuo ng
dalawang bahagi. Una ay paglibing ng yumao sa lupa kasama ang ilang kasangkapan
at paghango ng natuyong labi mula sa libingan at isisilid sa loob ng tapayan.
Ang mga sasakyang pandagat ang pangunahing transportasyon na ginamit ng mga
sinaunang Pilipino sa pakikipagkalakalan.
Kadalasang gawa sa ginto ang mga palamuting isinusuot sa katawan ng mga
sinaunang Pilipino.
Ang mga sinaunang Pilipino ay mahilig sa musika. Ginamit nila ang mga awit at
pagsayaw sa mga mahahalagang pagdiriwang gayundin sa mga ritwal.
Isagawa Isagawa
Mayaman ang kultura ng ating mga ninuno. Ito ay dapat nating pahalagahan dahil
sumisimbolo ito ng ating pagka-Pilipino. Sumulat ng mga halimbawa ng mga kultura at
tradisyon na ipinamana sa atin sa ating mga ninuno na hanggang ngayon ay isnasabuhay natin.
Pag kain ng kanin, mga salita na may respeto tulad ng po opo, mga ritual at
paniniwala sa mga diyos.
10
Tayahin
Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bawat bilang.
A. 1. Ano ang tawag sa paniniwala ng mga sinaunang Pilipino sa mga anito at diwata na
nananahan sa kapaligiran?
A. Animismo B. Kristiyanismo C. Islam D. Taoismo
D. 2. Kadalasan makikita ang estatwang kahoy na tinawag na Bul-ol na sumisimbolo sa
diyos ng mga taga-Ifugao, ano ang paniniwala nila dito?
A. Magbibigay ng maraming huling isda
B. Pagkakaroon ng buhay na walang hanggan
C. Pagkakaroon ng kapangyarihang makapanggamot
D. Magbibigay ng masaganang ani at proteksiyon sa mga sakit
D. 3.sinisimulan ng mga sinaunang Pilipino ang mahahalagang gawain gaya ng
pagtatanim at paglalakbay?
pagtatanim at paglalakbay?
A. Pinupulong ng lider ng pamayanan ang mga mga tao
B. Nagsusuot sila ng mga palamuting ginto sa katawan
C. Nagkakaroon ng kasiyahan o salo-salo ang mga sinaunang tao
D. Nagsasagawa ng ritwal o seremonya sa mga espiritu ng kalikasan upang humingi ng
gabay
B. ______4. Ang paglalagay ng tato sa katawan noong unang panahon ay sumisimbolo ng
kagitingan
at kagandahan ng mga sinaunang Pilipino, ano ang tawag sa pamamaraang ito?
A. Pagbuburda B. Pagbabatok C. Paglalala D. Pangangayaw
D. 5. Paano inihahanda ng mga sinaunang tao ang kanilang yumao para sa kabilang buhay?
A. Ang bangkay ay nililinis at agad inililibing.
B. Ang bangkay ay inilalagay agad sa tapayan.
C. Ang yumao ay dinarasalan ng siyam na araw bago ilibing.
D. Sa pamamagitan ng paglilinis, pagpapahid ng langis, at pagbibihis ng magagarang
kasuotan sa bangkay.
A. 6. Saan ginamit ng mga sinaunang Pilipino ang sasakyang pandagat na Karakoa?
A. Pakikipagdimaan C. Pakikipagkalakalan
B. Pamamasyal D. Panahanan
B. ______7. Ang mga sumusunod ay sinaunang kasuotan ng mga kalalakihan, ano ang HINDI
kabilang?
A. Bahag B. Patadyong C. Kangan D. Putong
B. 8. Ano ang tawag sa sinaunang instrumento ng mga katutubo na gawa sa sungay ng
kalabaw?
A. Kaleleng B. Tambuli C . Gangsa D. Pluta
D. 9. Kadalasan ang kalikasan ang naging inspirasyon sa paggawa ng sayaw ng mga
sinaunag
Pilipino. Saan nila hinango ang sayaw na tinikling?
A. Sa galaw ng mga halaman C. Sa agos ng mga tubig sa batis
B. Sa pagbukas ng mga bulaklak D. Sa galaw ng ibong tikling
C. 10. Ano ang tawag sa paraan ng pamumuhay ng mga tao kabilang na ang paniniwala,
11
kaugalian, musika, relihiyon, at pagpapahalaga?
A. Ritwal B. Pamahiin C. Kultura D. Angkan
12
Karagdagang Gawain
Gawain 4: Opinyon o Katotohanan.
Panuto: Isulat ang O kung ito ay opinyon at K kung ito ay katotohanan.
K 1. Ang mga sinaunang Pilipino ay may paniniwala na ang mga bagay sa kalikasan
ay banal at may kaluluwa.
O 2. Ang mga sinaunang kalalakihan ay naglalagay ng tato sa buong katawan dahil sa
paniniwalang ito ay maganda sa paningin.
O 3. Pinababaunan ng mga sinaunang Pilipino ang mga yumao ng mga kasangkapan
tulad ng seramika at mga palamuti upang ito daw ay may magamit sa kabilang
buhay.
K 4. Ang kaalaman ng mga sinaunang Pilipino sa paggawa ng bangka at paglalayag
ang nakatulong sa kanila upang makakuha ng mga impormasyon at
makipagkalakalan sa ibang bansa.
K 5. May iba’t-ibang awit at sayaw ang mga sinaunang Pilipino sa kanilang pang araw-
araw na gawain gayundin sa mahahalagang pagdiriwang at mga ritwal.
Gawain 5 Pagbuo ng Pangako
Panuto: Sa panahon ngayon, marami na ang naging pagbabago sa paraan ng pamumuhay ng
mga Pilipino dahil sa pag-usbong ng makabagong teknolohiya. Bilang kabataan, paano mo
mapapanatiling buhay ang mga tradisyon at kultura na pamana ng ating mga ninuno sa kabila
ng modernisasyon? Ano- ano ang iyong gagawin? Paano mo ito isasagawa?.
Ako Bilang Tagapagpanatili ng Kultura
Ano-ano ang Aking mga Gagawin? Paano Ko Ito Isasagawa?
Pananamit ng tama sa pamamagitan ng pagsusuot ng tamang
damit bilang isang babae.
Pagrespeto sa matatanda sa pamamagitan ng pagmamano sa mga
nakakatanda sa amin.
Pagtulong sa mga magulang sa pamamagitan ng pagtulong sa mga
gawaing bahay.
Pagrespeto sa mga namayapa sa pamamagitan ng pag aalay ng dasal sa
kanilang anibersaryo ng pagkamatay.
13
Ano-ano ang ipinapakita sa mga larawan?
Ano ang kaugnayan ng mga larawan sa mga sinaunang Pilipino?
Bakit kinailangan ng mga sinaunang Pilipino ang mga bagay na ito?
Paano naging mahalaga ang mga bagay na ito sa mga sinaunang Pilipino?
Aralin
6
Sosyo Kultural na Pamumuhay ng mga
Sinaunang Pilipino
Sa araling ito matutuhan na ang sinaunang Pilipino bago pa dumating ang mga mananakop na
Espanyol ay mayroon ng maunlad na kabihasnan. Ang kabihasnang ito ng mga sinaunang Pilipino ay
makikita sa kanilang sosyo- kultural na pamumuhay. Ang modyul na ito ay pagpatuloy ng mga
aspeto ng sosyo kultural na pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino.
Subukin
Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong. Piliin ang titik ng wastong sagot.
B.15 1. Ilan ang titik ng alpabeto ng mga sinaunang Pilipino?
A. 14 B. 15 C. 16 D. 17
___ A.Alibata 2. Ano ang tawag sa paraan ng pagsulat ng mga sinaunang Pilipino?
A. Alibata B. Baybayin C. Hiroglipiko D. Sanskrito
_C.Mahalika 3. Anong pangkat ng tao sa lipunan ng sinaunang Pilipino ang pinakamataas?
A. Alipin B. Ayuey C. Maharlika D. Timawa
_C.Magulang 4. Sino ang nagsisilbing guro ng mga bata sa panahon ng mga sinaunang
Pilipino?
A. Babaylan B. Katalonan C. Magulang D. Prayle
_A.Alamat 5. Ano ang tawag sa uri ng panitikan na tumatalakay sa kabayanihan ng isang
tao na naglalaman ng mga pangyayari ng kababalaghan?
A. Alamat B. Epiko C. Pabula D. Parabula
A. 6. Bakit hindi pormal ang tawag sa sistema ng edukasyon ng mga sinaunang
Pilipino?
A. Mga magulang ang nagsisilbing guro sa kanilang mga anak
B. Mayroong tiyak na araw at oras ang pag-aaral ng mga mag-aaral
C. May mga paaralan kung saan pumapasok ang mga mag-aaral upang matuto
D. Mayroong mga pamantasan na siyang lugar kung saan itinuturo ang iba’t ibang
kasanayan
_ A. 7. Sina Jay at Joey ay parehong alipin. Subalit si Jay ay mayroong sariling
tirahan na inuuwian at iba pang ari-arian. Si Joey naman ay walang kahit na
anong pagmamay-ari. Bakit mayroong pagmamay-ari si Jay sa kabila na
pareho naman silang alipin.
A. Si Jay ay masipag at matiyaga kaysa kay Joey
B. Si Jay ay nagsumikap upang magkaroon ng mga pagmamay-ari
C. Si Jay ay isang aliping namamahay na pinahihintulutang makapagmay-ari
D. Si Jay ay isang huwaran ng kagandahang asal sa kanilang pamayanan kaya siya ay
mayroong ari-arian
____D. 8. Bakit itinuturo ang mga kasanayan tulad ng pagsasaka, pangingisda at
pagmimina sa mga batang lalaki?
A. Upang ihanda sa pagiging isang datu
B. Upang maging huwaran sa kanyang pamayanan
C. Upang ihanda sa paglilingkod sa kanyang barangay
D. Upang ihanda sa pagiging mabuting tagapagtaguyod ng pamilya
______A. 9. Alin sa sumusunod ang halimbawa ng epiko?
A. Biag ni Lam-ang C. Ang Pagong At Unggoy
B. Florante at Laura D. Malakas at Maganda
______A. 10. Paano ipinakita ng mga sinaunang Pilipino ang pagpapahalaga sa mga
kababaihan?
A. Tagasunod sa bawat utos at nais ng kaniyang asawa
B. Pinahihintulutang lumahok sa mga welga, protesta at pansibikong gawain
C. Maaaring makilahok sa halalan at manungkulan bilang pinuno ng pamahalaan
D. Maaaring maging isang datu, makilahok sa kalakalan, mamuno sa mga rituwal
Balikan
Sa nakaraang modyul ay tinalakay ang ibang bahagi ng sosyo-kultural na pamumuhay ng mga
sinaunang Pilipino tulad ng pagsamba, pagbabatok/pagbabatik , paglilibing, paggawa ng bangka,
pagpapalamuti at pagdaraosng pagdiriwang. Muli nating balikan ang ilang detalye sa nakaraangmodyul
tungkol sa sosyo kultural na pamumuhay na mga sinaunang Pilipino, sa pamamagitan ng pagsagot ng
gawain sa ibaba.
Panuto: Punan ang patlang ng wastong sagot upang mabuo ang kaisipang ipinapahayag na
hango sa binasa.
1. Pinamumunuan ng baybaylan ang mga ritwal at pag-aalay sa panahon ng unang Pilipino.
2. Naniniwala ang mga sinaunang Pilipino sa isang makapangyarihang diyos na tinatawag nilang
Bathala. .
3. Ang Animismo ay paniniwala na ang lahat ng bagay sa kapaligiran ay mayroong
3
kaluluwa o espiritu.
4. Ang sining ng Pagbabatok
ay bahagi ng kulturang Pilipino kung saan ang
balat ay
minamarkahan ng iba’t ibang disenyo at simbolo, sa kalalakihan inilalagay ito bilang
simbolo ng tagumpay sa digmaan, sa kababaihan ito ay simbolo ng kagandahan at
kayamanan.
5.Inilalagay ng mga sinaunang Pilipino sa isang ang mga yumao sa paniniwalang ang
tapayan ay maglalakbay papunta sa kabilang buhay.
Tuklasin
Panuto: Suriin ang mga larawan. Ito ay mga bagay na may kaugnayan sa kabihasnan ng
mga sinaunang Pilipino.
https://www.flickr.com/photos/dinesh_valke/533070367
http://www.photo4design.com/stock-photo-lined-up-banana-leaves-
2343#.XuYZLEUzbIU
Ano - ano ang ipinapakita sa mga larawan?
- Alibata.
Ano ang kaugnayan ng mga larawan sa mga sinaunang Pilipino?
- Dahil gusto nilang matuto.
Bakit kinailangan ng mga sinaunang Pilipino ang mga bagay na ito?
- Para matuto silang magbasa at makipag-usap.
Paano naging mahalaga ang mga bagay na ito sa mga sinaunang Pilipino?
- Sa pamamagitan nito madaling nagkakaintindihanang mga sinaunang Pilipino at naipapahayag
nila ang kanilang mga saloobin.
https://en.m.wikipedia.org/wi
ki/File:Baybayin_alpha.jpg
4
Suriin
Ang mga Pilipino bago pa man dumating ang mga Espanyol ay namumuhay na ng sama-sama
sa isang pamayanan. Sa mga pamayanang ito namumuhay ng tahimik at matiwasay ang mga sinaunang
Pilipino. May mga pamayanan na makikita sa kapatagan, sa kabundukan, sa mga baybaying dagat at
ilog. Sa mga pamayanan din na ito umusbong ang isang kabihasnang natatangi sa iba pang nasyon sa
mundo na may natatanging sosyo kultural na pamumuhay.
Edukasyon
Ang edukasyon ay lubhang mahalaga sa
bawat tao, sa pamamagitan nito natututuhan ang
iba’t ibang kasanayan at kaalaman. Ito ang nagiging daan upang ang isang mamamayan ay maging
produktibo at maging kaagapay ng kanyang pamayanan sa pagpapaunlad ng kabuhayan.
Ang mga sinaunang Pilipino ay kinakitaan ng mataasna pagpapahalaga sa edukasyon. Ang mga
mamamayan ay tinuturuang bumasa, sumulat, bumilang at tungkol sa relihiyon. Hindi pormal ang
edukasyon ng mga sinaunang Pilipino sa kadahilanang walang mga paaralan kung saan nagtutungo ang
mag-aaralupang matuto at guro na magtuturo sa kanila ng iba’t ibang kaalaman at kasanayan. Subalit
may mga nakasulat na sa ibang panig ng Pilipinas partikular sa Panay ay mayroong mga Bothoan kung
saan ang mga bata ay tinuturuan na bumasa, sumulat, bumilang, paghawak ng sandata at anting-anting
o agimat sa ilalim ng pagsasanay ng isang nakatatanda na nagsisilbing guro. Kadalasan ang pagkatuto
ay nagaganap sa loob ng kani-kanilang tahanan. Ang mga magulang ang nagsisilbing guro sa kanilang
mga anak. Ang batang lalaki ay tinuturuan ng pagsasaka, pangingisda, pangangaso, pagmimina,
paglalayag at paggamit ng sandata upang kaniyang magampanan ang kanyang tungkulin sa kayang
pamilya at tribu sa hinaharap. Sa kabilang dako, ang batang babae ay tinuturuan ng pagluluto,
paghahabi, pananahi at paghahayupang upang maging isang mabuting ina at asawa sa hinaharap.
Mayroon ding sariling pamamaraan ng pagbasa at pagsulat ang mga sinaunang Pilipino, ito ang
baybayin na binubuo ng tatlong patinig at labing-apat na katinig. Ayon sa mga mananalaysay ang
baybayin ay mayroong tuldok at kuwit upang maipakita ang pagbabago sa pagbigkas, halimbawa kapag
ang tuldok o kuwit ay nasa ibabaw ng titik, ang bigkas ay nasa tunog na e o i (ke o ki) at kapag ang
tuldok o kuwit ay nasa ilalim ng titik ang tunog ng bigkas ay o o u (ko o ku). Sa pamamagitan nito
madaling nagkakaintindihan ang mga sinaunang Pilipino at naipapahayag nila ang kanilang mga
saloobin. Ang baybayin ay isang sistema ng pagsulat na ginamit ng mga taga Timog-Silangang Asya.
Ayon sa mga nakatala, halos lahat ng mga katutubong Pilipino ay marunong bumasa at sumulat. Ang
paraan ng pagsulat ay mula sa itaas pababa at mula sa kaliwa ang kasunod na linya ay kanan.
Nagsisilbing sulatan ang malapad na dahon, malapad na balat ng
punongkahoy at buho, samantalang ang kanilang ginagamit na pansulat ay pinatulis
na patpat at bakal.
5
Ang panitikan ng sinaunang Pilipino ay mayroong dalawang uri; ang nakasulat at hindi
nakasulat o pagsasaling-bibig/dila. Ang mga nakasulat na uri ng panitikan ay binubuo ng mga tula at
dula. Ang mga sinaunang Pilipino ay sinasabing mahuhusay sa pagsulat ng tula at mga dula na patula.
Ang dula ay ipinapalabas sa mga liwasan o sa mga lugar na may malawak na espasyo at sa malalawak
na bakuran ng datu at raha. Ang pagtatanghal ng dula ay mayroong kasabay na musika at sayaw. Ang
paksa ay tungkol sa pag-ibig, digmaan, alamat at bilang pag-alala sa mga kapamilya na pumanaw na.
Ang pagbati,karagatan,tagayan,pananapatan, sabalan at tibaw ay ilan sa mga uri ng dula noon. Ang
dula na itinatanghal para sa pasiyam ng mga yumao ay tinatawag na tibaw.
Kabilang ang epiko sa mga nakasulat na panitikan, ito ay uri ng panitikan na matatagpuan sa
iba’t-ibang grupong etniko. Ito ay tumatalakay sa kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao o mga
tao laban sa mga kaawayna halos hindi mapaniwalaan dahil may mga kababalaghan na mga pangyayari
sa kwento. Ang ilan sa halimbawa ng epiko ay Biag ni Lam-ang ng Ilocos, Hinilawod ng Panay at ang
Darangan ng mga Maranao.
Ang mga hindi nakasulat o pasalita na uri ng panitikan ay karaniwang patula at hango sa
karanasan. Binubuo ito ng mga kuwentong bayan, alamat, kasabihan o salawikain, at awitin.
Ang halimbawa ng awitin ay ang kumintang, tagumpay, ihiman, talindaw, uyayi o hele at
kutang-kutang. Ang kumintang ay isang uring sayaw at awit na pandigma noong una subalit sa pagdaan
ng panahon ito ay naging awit ng pag- ibig. Ang tagumpay ay isang awit ng digmaan. Ang ihiman ay
awit kapag mayroong ikinakasal. Ang talindaw ay awit para sa pamamangka samantalang ang oyayi o
hele ay tugma at awit para sa pagpapatulog ng sanggol. Ang kutang-kutang ay isang uri ng sayaw at
awit na kung minsan ay nagpapatawa.
Ang kasabihano salawikainaybinubuo ng mga salitang matalinghaga, maigsi at patula at may
nakatagong kahulugan (ay maigsi at patula, ito ay mula sa
karanasanng bawattao) Halimbawa nito ay“kapag maiksi(makitid)angkumot,matutongmamaluktot”
na nangangahulugang kailangan magtiis. Samantala, ang sawikain ay idyomatikong salita gaya ng
:”nagsusunog ng kilay” na ang ibig sabihin ay nag-aaral.
Ang bugtong ay may pagkakatulad sa isang palaisipan; halimbawa nito ay “Isang balong
malalim, punong-puno ng patalim”(sagot:bibig).
Ang kuwentong bayan ay tumutukoy sa uri ng panitikan ng ating mga ninuno na nagpasalin-
salin at kadalasan ay hindi na nakikilala ang orihinal na may- akda nito. Nagpalipat-lipat sa bibig ng
mga tao kung kaya’t sa paglipas ng panahon, ito ay nagkaroon ng iba’t-ibang bersyon. Ang ilan sa
halimbawa ng kwentong bayan ay; Ang Punong Kawayan,Kung Bakit Kayumanggi ang mga Pilipino
Panitikan
6
at Ang Kalabasa at ang Duhat.
Ang alamat ay tumutukoy sa uri ng panitikan na naglalaman ng tungkol sa mga pinagmulan ng
mga bagay-bagay sa mundo. Kung minsan nagsasalaysay ito ng mga pangyayari hinggil sa tunay na
mga tao at lugar. Tumatalakay din ito sa mga katutubong kultura, kaugalian at kapaligiran. Madalas,
ito ay kathang-isip na nagpasalin-salin buhat sa ating mga ninuno. Ang ilan sa halimbawa ng alamat ay;
Alamat ng Ampalaya, Alamat ng Butiki, Alamat ng Makahiya at Alamat ng Pilipinas.
Pangkat sa Lipunan
Ang pangkat ng tao sa lipunan ng sinaunang Pilipio ay inuuri batay sa sumusunod; ang
Maharlika, Timawa at ang Alipin. Ang mga maharlika ay pangunahing mamamayan, kinabibilangan
ito ng datu, raja at sultan, ang kanilang asawa na tinatawag na dayang o dayang-dayang at lakambini,
sampu ng kanilang mga kapamilya at kamag-anak. Ang katawagang Gat o Lakan ay katibayan ng
paggalang at pagkilala sa kanila. Tinatamasa nila ang mga karapatan tulad ng; hindi pagbabayad ng
buwis, pagmamay-ari ng malalawak na lupain at pagkakaroon ng mga alipin. Hanggang sa
kasalukuyang panahon, mapapansin na ang Gat o Lakan ay nakadikit sa mga apelyedo ng tao gaya
halimbawa ng Gatdula, Gatchalian, Lakandula at Lacanilao. Ang sumunod na pangkat ng tao sa lipunan
ay ang timawa o malalayang tao. Kinabibilangan sila ng mga mangangalakal, mandirigma, malalayang
tao at naging malayang tao mula sa pagkaalipin. Mayroon silang kalayaan at karapatan. Hindi rin sila
nagbabayad ng buwis ngunit katulong sila ng datu sa digmaan at pamamahala sa mga lupain. Ang
ikatlong pangkat at pinakamababang antas ay ang alipin. Mayrong dalawang uri ng alipin; ang aliping
namamahay at aliping saguiguilid. Ang aliping namamahay ay mayrong sariling lupa at iba pang
pagmamay-ari, naglilingkod lamang sa panahon na ipatawag at kailanganin ng kanyang
pinaglilingkuran. Samantala, ang aliping saguiguilid ay walang anumang pagmamay-ari at naninirahan
sa kanyang pinaglilingkurang panginoon. Sa kabisayaan ang alipin ay tinatawag na oripun, ito ay
mayroong tatlong uri; ang tumataban, tumarampuk at ayuey. Ang tumataban ay naglilingkod sa
panahon na mayroong pagtitipon sa tirahan ng datu. Ang tumarampuk ay naglilingkod isang beses sa
isang lingo at maaaring magbayad kapalit ng kanyang paninilbihan. Ang pinakahuli sa uri ng oripun ay
ang ayuey. Siya ay nagsisilbi sa datu hangga’t kailangan. Nagiging alipin ang isang tao kung siya ay
nabihag sa digmaan, nagkasala sa batas, kung hindi nagawang magbayad sa kanyang pinagkakautangan
at kapag ipinanganak na alipin. Sa kabilang dako maaaring lumaya sa pagiging alipin kapag binayaran
niya ang kanyang panginoon upang lumaya, magpamalas ng
kabayanihan sa panahon ng digmaan at siya ay palayain ng kanyang panginoon
7
Katayuan ng mga Kababaihan
Sa lipunan ng mga sinaunang Pilipino ay mababakas ang mataas na pagpapahalaga sa
mga kababaihan. Ang mga lalaki ay nakahandang ipagtanggol mula sa kapahamakan ang mga babae.
Isang kalapastangan kapag ang isang lalaki ay nauunang lumakad kaysa sa mga babae. Ang kanilang
mga karapatan at tungkulin ay kapantay ng mga lalaki. Sa tahanan, iginagalang ang ina bagama’t
naroroon ang haligi ng tahanan, ang ama. Ang kababaihan ay pinahihintulutang makipagkalakalan at
magkaroon ng ari-arian upang makatulong sa kanyang asawa. Ang mga kababaihan ang nagsisilbing
pinunong espirituwal ng mga sinaunang Pilipino. Ang mga katalonan (sa mga tagalog) at babaylan (sa
Kabisayaan)ang namumuno sa mga rituwal at pagsamba. Sila ay nagsisilbing tagapag-ugnay sa pagitan
ng mga tao,diyos atdiyosa. Idinadalangin nila ang lunas mula sa iba’t ibang karamdaman.Kung walang
anak na lalaki, maaaring maging datu ang anak na babae. Isa pa sa kanilang natatanging karapatan ay
ang pagbibigay ng pangalan sa kaniyang anak.
Hindi mapapasubalian na napakaunlad ng sinaunang kabihasnang Pilipino bago pa man
dumating ang mga mananakop na Espanyol. Pinatunayan ito sa pamamagitan ng kanilang sistema ng
edukasyon, pagsulat at pagbasa at ang napakayamang panitikan, na maging sa kasalukuyang panahon
ay bahagi pa rin sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mga Pilipino.
Pagyamanin
Gawain 2: Tukuyin Mo!
Panuto: Punan ang patlang ng wastong sagot upang mabuo ang kaisipang ipinapahayag na
hango sa binasa.
1. Tinatawag na “kumintang” ang sayaw at awit,na noong una ay awit pandigma subalit sa
pagdaan ng panahon ito ay naging awit ng pag-ibig.
2. Ang “Alibata” ay tumutukoy sa paraan ng pagbasa at pagsulat ng mga sinaunang
8
Pilipino.
3. Ang “Dula” ay itinatanghal sa mga lugar na mayroong malalawak na espasyo.
4. Sa panahon ng mga sinaunang Pilipino walang pormal na edukasyon kaya ang “mga magulang
nagsisilbing guro ng mga bata ay kanilang mga .
5. Ang sistema ng edukasyon sa panahon ng sinaunang Pilipino ay .”Edukasyong di pormal “
6. Ang “Alamat” ay tumutukoy sa uri ng panitikan na naglalaman ng tungkol sa mga pinagmulan
ng mga bagay-bagay sa mundo.
7. Itinatanghal ang sa pasiyam ng mga yumao.
8. Isa sa halimbawa ng panitikang hindi nakasulat ang “Bugtong” na may pagkakatulad
sa palaisipan.
9. Binubuo ang “Kasabihan o Salawikain” ng mga salitang matalinghaga, maigsi at patula na may
nakatagong kahulugan
10. Ang panitikan ng mga sinaunang Pilipino ay maaaring “hindi nakasulat “at nakasulat.
Gawain 3: Ihambing Mo!
Panuto: Ihambing ang sistema ng edukasyon sa panahon ng mga sinaunang Pilipino at sa
kasalukuyan gamit ang Venn Diagram sa ibaba.
Gawain 4: Itala Mo!
Panuto: Punan ang talahanayan kung ano ang natutuhan mo tungkol sa kabihasnan ng mga
9
sinaunang Pilipino.
Kabihasnan ng mga Sinaunang Pilipino
Edukasyon
Panitikan
Sistema ng Pagbasa at pagsulat
Pangkat sa Lipunan
Kalagayan ng mga Kababaihan sa
Lipunan
Isaisip
Angmga sinaunangPilipinobagodumatingangmgaEspanyol ay mayroonng
maunladna kabihasnan.
May mataasna pagpapahalagasa edukasyonatsarilingparaanng pagbasa
at pagsulatna tinatawagna baybayin. Angbaybayinay binubuongtatlong
patinigat labing-apatnakatinig.
Mayroong maunladnapanitikannanagpapakitang kanilangtaglayna
talino. AngpanitikanngmgasinaunangPilipinoaymaydalawanguri.Itoay;
nakasulatat hindi nakasulatopagsasaling- bibig/dila
Angpangkat ng tao sa lipunanaykinabibilanganmaharlika,timawa
at alipin.
Angmga sinaunanglipunangPilipinoaymaymataasna pagpapahalagasa
kababaihan, silaay itinuturingnakapantay ngmga lalaki.
10
Isagawa
Gawain 5: Lumikha Ka!
Panuto: Basahin at unawain ang bawat panuntunan, upang maisagawa ng mabuti ang hinihingi sa
bawat bilang. Isulat sa kahon sa ibaba ang mga kasagutan.
Maaaring humingi ng tulong sa magulang o nakatatanda sa pagsagot nito
1. Isulat ang iyong pangalan gamit ang baybayin. Isulat din ang pangalan ng iyong magulang at
kapatid.
2. Magbigay ng isang halimbawa ng bugtong.
Kaisa-isang Plato , Kita sa buong mundo
Sagot:Buwan
3. Magbigay ng halimbawa ng salawikain at ipaliwanag ito.
Kapag binato ka ng bato , Batuhin mo ng tinapay.
Kahulugan:Huwag mong sabayan ang galit ng iyong mga kaaaway.
11
4.Sumulat ng isang alamat. Gawin ito sa 7-10 pangungusap. I
I
ALAMAT NG PARU - PARO
Noong unang panahon, may magkapatid na ulila na naninirahan sa baryo sa Laguna.
Ito ay sina “Amparo” na ang palayaw ay “Paro” at ang nakababatang kapatid naman
ni Paro ay si “Perla”.Pagtitinda ng bulaklak ang kanilang ikinabubuhay.Magkaiba
ang ugali nila, si Paro ay tamad at walang kinagigiliwang gawin kundi ang lumapit
sa mga bulaklak at amuyin ito.Samantalang si Perla ay masipag at masinop sa
kabuhayan.Isang araw ay naubos na ang pasensya ni Perla at nagalit kay Paro na
laging nagrereklamo sa kanilang ulam.Sabay nanaog at pumitas ng halaman sa
hardin at nagtuloy sa ilog upang pagmasdan ang bulaklak sa kanyang buhok.
Pagdukwang nya ay nahulog siya sa ilog.Sa pag-aalala pala sa kapatid ay sumunod
si Perla at kitang-kita niya nang mahulog sya sa ilog.Sumigaw ng malakas si Perla
“Paro!Paro!” ,marami ang nakarinig at tinulungan sya ngunit walang Paro silang
nakita.Hinahanap parin ng mga atao si Paro at biglang may isang bulaklak ang
lumutang sa kinahulugan ni Paro. Unti-unti itong gumalaw at unti-unting umusbong
ang pakpak na may iba’t ibang kulay.Kinutuban si Perla at nasambit niya ang
katagang “Paro!Paro!”.Simula noon, ang maganda at makulay na munting nilikha
ay tinawag ng mga tao na “Paru-paro”.
Tayahin
Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. A.3 Ilan ang patinig sa mga titik ng alpabeto ng mga sinaunang Pilipino?
A.3 B. 4 C. 14 D. 17
2.A.Alibata Ano ang tawag sa paraan ng pagsulat at pagbasa ng mga unang Pilipino?
A.Alibata B. Baybayin C. Hiroglipiko D. Sanskrito
3.B.Magulang Sino ang nagsisilbing guro sa mga bata sa panahon ng mga sinaunang Pilipino?
A.Babaylan B. Magulang C. Pari D. Propesor
4.A.Alamat Ano ang uri ng panitikan na naglalaman ng tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-
bagay sa mundo.
A.Alamat B. Epiko C. Pabula D. Parabula
5. D. .Bakit hindi pormal ang tawag sa sistema ng edukasyon ng mga sinaunang Pilipino?
A.Mayroong tiyak na araw at oras ang pag-aaralng mga bata
B.Ang mga magulang ang nagsisilbing guro sa kanilang mga anak
C.May mga paaralan kung saan pumapasok ang mga mag-aaral upang matuto
D.Mayroong mga pamantasan na siyang lugar kung saan itinuturo ang iba’t ibang
kasanayan
12
5. D. Sina John at Michael ay parehong alipin. Subalit si John ay mayroong sariling tirahan na
inuuwian at lupang binubungkal. Sa kabilang dako, si Michael naman ay walang kahit na anong pagmamay-
ari. Bakit walang pagmamay-ari si Michael sa kabila na pareho silang alipin ni John?
A.Si John ay mas masipag at matiyaga kaysa kay Michael
B.Si John ay nagsumikap upang magkaroon ng mga pagmamay-ari
C.Si Michael ay isang aliping saguiguilid na walang karapatang magmay-ari
D.Si John ay isang huwaran ng kagandahang asal sa kanilang pamayanan kaya siya ay
mayroong ari-arian
6. C. Bakit itinuturo ang mga kasanayan tulad ng pananahi, pagluluto at paghahabi sa mga batang
babae?
A.Upang ihanda sa pagiging isang datu
B.Upang maging huwaran sa kanyang pamayanan
C.Upang ihanda sa pagiging mabuting ina at asawa
D.Upang ihanda sa paglilingkod sa kanyang barangay
7. D. Paano nagkaiba ang panitikan ng mga sinaunang Pilipino sa kasalukuyan?
A.Nakasulat sa mga aklat
B.Binibigkas ng umaluhokan
C.Nakalathala ito sa mga pahayagan ang sinaunang panitikan
D.Maaring nakasulat at pagsasaling-bibig o hindi nakasulat ang sinaunang panitikan
8. C. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pagpapahalaga sa edukasyon?
A.Nag-aaralsa takot na mapagalitan ng mga magulang
B.Pumapasok sa paaralan upang magkaroon ng mga kalaro
C.Nagsusumikap sa pag-aaralsa kabila ng kahirapan sa buhay
D.Pumapasok sa paaralan araw-araw upang makita ang mga kaibigan
9. B. Paano pinahahalagahan ang mga kababaihan sa kasalukuyan?
A.Sila ay tagapagsilbi sa mga simbahan
B.Pinanatili sa kanilang tahanan upang mag-alaga sa kanilang mga anak
C.Hindi pinapayagang lumahok sa mga gawaing makakabuti sa pamayanan
D.Mayroong batas na ipinatupad upang pangalagaan ang kanilang karapatan at kaligtas an
mula sa karahasan
13
Aralin
7
Politikal na Pamumuhay ng mga
Sinaunang Tao
Alam ba ninyo na bago pa dumating ang mga dayuhan sa Pilipinas ay may sarili ng sistema ng
pamamahala ang mga sinaunang Pilipino?
Mapapansin ito sa kanilang lipunan na may maayos at payak na pamumuhay. Ang sinaunang
pamahalaang Pilipino ay tinawag na barangay at ang pamahalaan naman ng mga Muslim ay sultanato.
Upang mapanatili ang maayos na pamamahala sa pamahalaang barangay ay may mga batas silang
ipinatutupad. Sa modyul na ito ipaliliwanag kung paano ang paggawa at pagpapatupad ng mga batas sa
pamahalaang barangay gayundin ang batayan ng batas sa pamahalaang sultanato. Tatalakayin din ang
pakikipag-ugnayan ng mga barangay sa isa’t isa.
Balikan
Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bawat bilang.
1. Ano ang tawag sa paniniwala ng mga sinaunang Pilipino na ang mga bagay sa
kalikasan ay banal at may kaluluwa?
A. Kristiyanismo B. Islam C. Paganismo D. Animismo
2. Ano ang tawag sa tagapamagitan sa mundo ng tao at mundo ng diyos sa sinaunang
Pilipino?
A. Bathala B. Babaylan C. Diwata D. Anito
3. Ano ang tawag sa pagtatato noong unang panahon na simbolo ng kagitingan at
kagandahan?
A. Pagbuburda B. Pagbabatok C. Paglalala D. Pangangayaw
14
4. Paano inihahanda ng mga sinaunang tao ang kanilang yumao para sa kabilang
buhay?
A. Ang bangkay ay nililinis at agad inililibing.
B. Ang yumao ay dinadasalan ng siyam na araw bago ilibing.
C. Ang bangkay ay inilalagay agad sa tapayan.
D. Sa pamamagitan ng paglilinis, paglalangis, at pagbibihis ng
magagarang kasuotan sa bangkay.
5. Paano nakikilala ang mga magigiting at malalakas na mandirigma sa sinaunang
Pilipino?
A. Sa bilang o dami ng napatay
B. Pagkakaroon ng maraming sandata
C. Batay sa kulay ng kanilang kasuotan
D. Pagkakaroon ng tatto o permanenteng marka sa katawan
15
Tuklasin
Panuto: Ano ang mga nasa larawan? Tukuyin at isulat ang iyong sagot sa ilalim na
linya nito.
1. 2.
3.
Suriin
Politikal na Pamumuhay ng mga Sinauanang Pilipino
Ang sistema ng pamahalaan noon ay nagpapatupad ng mga batas upang magkaroon ng
kaayusan at kapayapaan sa kanilang mga pamayanan. Ang pagpapatupad sa mga batas na ito ay
nakaatangsa balikat ng kanilang mga pinuno, gayundin din ang pangangasiwa sa kanilang kabuhayan.
May dalawang uri ng pamahalaan ang umiiral sa sinaunang panahon sa Pilipinas ito ay ang barangay
at sultanato.
Pamahalaang Barangay
Ang salitang barangay ay mula sa salitang balangay
na isang sasakyang pandagat o bangka na ginamit noon ng
mga sinaunang Pilipinong mula sa kapatagan. Ang
Anokaya ang kaugnayanng mga larawanna itosa atingaralin?Halina’ttuklasinnatin!
16
barangay ay isang yunit pampolitika, panlipunan, at
pangkabuhayan sa panahon ng sinaunang Pilipino, ito ay
lumaganap sa mga pamayanan
httpswww.google.comsearchq=pamahalaang+barangay+ng+sinaunang+pilipino&tbm=isch&hl=en&chips=qpamahalaan
17
ng Luzon at Visayas. May mga pagkakataon din na nagbubuklud-buklod ang mga barangay at
bumubuo ng kanilang mga alyansa. Madalas na ang bawat barangay ay binubuo ng 30 – 100 pamilya.
Ang Datu. Ang datu ang pinuno at kinikilalang pinakamalakas, pinakamatapang at
pinakamayamang lalaki sa barangay at raha o lakan naman ang tawag sa namumuno sa mas malaking
barangay. Ang pagiging datu ay natatamo sa pamamagitan ng mana, karunungan, kayamanan,
kapangyarihang pisikal, pagkakamag-anak o gulang. Ang datu ay may tungkuling
tagapagpaganap, tagapagbatas, tagahukom at bilang punong militar. Nakasalalay sa kanya ang
kapakanan ng buong barangay na magpatupad ng batas at ipagtanggol ang kaniyang nasasakupanlaban
sa mga kaaway tuwing may digmaan. Mayroon din siyang lupon ng mga tagapayo sa mga bagay na
may kinalaman sa batas, kaugaliang panlipunan, diplomasya at pakikidigma na tinatawag ding
Kalipunan ng mga Matatanda.
Batas sa Barangay. Ang mga batas ang nagtatakda ng mga dapat at di- dapat gawin. Ang mga
batas ang naging patnubay o gabay ng mga tao sa pakikisalamuha sa ibang tao sa barangay na kanyang
kinabibilangan at pati na rin sa ibang barangay.
May dalawang uri ng batas ang umiiral sa barangay noon ang batas na hindi nakasulat at ang
batas na nakasulat. Ang mga batas na hindi nakasulat ay batay sa kanilang kaugalian at tradisyon na
nagpasalin-salin na sa kanilang henerasyon. Ang mga batas na nakasulat ay mula sa mga pag-uutos na
ginawa ng datu kasama ang lupon ng matatanda sa barangay na nagsisilbing kaniyang tagapayo.
Nakapaloob sa mga nakasulat na batas ang mga usapin tungkol sa diborsyo, krimen, pagmamay-ari ng
mga ari-arian, at iba pa. Ang mga nakasulat na batas na napagtibay ay ipinagbibigay – alam sa isang
pagtitipon sa pamamagitan ng isang umalohokan o tagapagbalita. May dala – dala siyang tambuli
habang lumilibot sa isang barangay. Sa Visayas ang isang umalohokan ay may mahalagang bagay din
na ginagampanan dahil sa paghalal ng datu sa kanya tuwing may malalaking awayna dapat ayusin. Siya
ang naglilitis hanggang magkasundo ang mga nagkaalitan. Kapag natapos na ang gulo, tapos na rin ang
trabaho ng isang umalohokan.
Ang datu ang nagbibigay ng hatol sa mga pagkakasala ng mga kasapi ng barangay. Dumadaan
sa proseso ang pagdinig ng kaso at paglilitis na ginaganap sa harap ng maraming tao. Ang mga saksi ay
nanunumpa sa harap ng hukom at itinuturing itong banal o sagrado. Kapag hindi madali ang
pagpapasiya sa isang kaso, isinasailalim ang mga akusado sa mga pagsubok dahil naniniwala sila na
kakampihan ng mga diyos ang walang sala at paparusahan ang may sala. Ang kaparusahan din ay
naaayon sa bigat o gaan ng kasalanan.
Mga halimbawa ng magaang at mabigat na kasalanan at maaaring kaparusahan.
Magaang na Kasalanan Mabigat na kasalanan
● Pang – uumit
● Pagsisinungaling
● Pandaraya
● Pag – awit sa gabi kung tulog na ang
mga tao
● Pagpatay
● Pagnanakaw
● Paglapastangan sa mga
kababaihan
18
Maaaring Kaparusahan Maaaring Kaparusahan
● Paglalatigo
● Pagtatali sa punong
maraming langgam
● Paglangoy ng walang tigil sa loob ng
itinakdang oras
● Pagmumulta ng hindi
gaanong malaking halaga
● Pagputol sa ilang bahagi ng katawan
(tulad ng daliri sa kamay o ng paa)
● Kamatayan
Dahil magkakaiba ang pamamahala sa bawat barangay, sinikap ng mga ito na magkaroon ng
pakikipag-ugnayan sa ibang barangay upang mapanatili ang kapayapaan atkatahimikan sa loob atlabas
ng barangay. Nakakatulong din ang pakikipag-ugnayan ng bawat barangay sa pakikipagkalakalan ng
bawat isa. Sa pamamagitan ng sanduguan ng mga datu napagtibay ang kasunduan ng bawat barangay.
Ang Sanduguan ay isinasagawa sa pamamagitan ng paghiwa sa bisig gamit ang punyal o patalim at
pagpapatulo ng dugo sa kopang may alak. Iinumin ito ng magkabilang panig ang pinaghalong dugo at
alak na ito ay sumisimbolo sa kanilang pagkakaibigan.
Pamahalaang Sultanato
httpswww.google.comsearchq=pamahalaang+sultanato&tbm=isch&ved=2ahUKEwiwhtiMk53pAhUBEKYKHYa8CIQQ2-
cCegQIABAA&oq=pamahalaang+sultanato&gs_lcp=CgNpbWcQAzICCAAyBA
gAEBg6BAgAEENQ7KUEWN-EBWDOngVoCXAAeA
CAAbQNiAHPZZIBDzAuNS42LjcuMy4
Ang sultanato ay mula sa
impluwensiya ng Islam sa katimugang
Pilipinas at lumaganap sa ilang bahagi ng
bansa. Ang sultanato ay isang sistema ng
pamamahala na batay sa katuruan ng Islam na
relihiyon ng mga Muslim. Sultan ang tawagsa
pinakamataas na pinuno ng sultanato, Si
Sharif ul-Hashim o Abu Bakr ang nagtatag
ng unang sultanato sa Sulu noong 1450 at
sinundan naman ito ni Sharif
Kabungsuan noong 1478 sa Mindanao. May itinatag ding sultanato sa Cotabato at Lanao.
Ang Sultan. Taglay ng sultan ang pagkakaroon ng angking kayamanan, mataas na bilang ng
mga tagasunod at may mahalagang ambag kaugnay sa pagpapahalaga ng lipunan ng Muslim. Ang
pagiging sultan ay namamana at ang pinakamahalagang batayan sa pagmana nito ay ang kakayahan ng
isang tao na mapatunayang ang kaniyang pinagmulan ay galing sa angkan ni Muhammed. Si
Muhammedanghuling propeta attagapagtatagng Islam. Ang tarsilaang nagsasalaysaysa pinagmulan
ng lahi ng mga sultan.
Pamamahala at Tungkulin ng Sultan. Bilang pinuno ng sultanato ang pangunahing
pananagutan ng sultan ay ang kapakanan ng kaniyang mga nasasakupan sa panahon man ng digmaan o
kapayapaan.
Ang sultan ang nagtatakda at nagpapatupad ng mga batas sa isang sultanato. Ang pasiya ng
19
sultan ay hindi na maaaring mabago pa. Katulong ng sultan sa pagpapatupad ng batas ang Ruma
Bichara na nagsisilbing tagapayo na binubuo ng mga makapangyarihan at mayayamang pinuno o datu
sa mga pamayanang nasasakupan ng sultanato. Ang Kadi o Kali naman ang tawag sa tagapayong
panrelihiyon ng sultan. Bihasa siya sa mga aralng Koran atng Sharia. May iba pang katulong ang sultan
sa pamamahala sa kaniyang nasasakupan sila ang mga datu na gumaganap bilang mga gobernador sa
mga nasasakupang pulo ng sultan.
Maaaring pumalit sa sultan ang kanyang nakababatang kapatid o pamangkin. Pumipili rin siya
sa iba pang mga datu, sa mga maykaya o mayayaman, sa mga may sapat na gulang o kaya sa mga may
magandang katayuan sa buhay sa lipunan. Rajah Muda ang tawag sa pumapalit na ito sa sultan at
Maharajah Adinda naman ang kapalit sa Rajah Muda.
Ang batas sa sultanato ay nakabatay sa adat (customary laws), sharia (Islamic law), Qur’ an o
Koran banal na aklat ng mga muslim. Ang Adat ay batay sa katutubong kaugalian at tradisyon at mga
aralna mula sa Koran. May mga batas ukol sa pag-aasawa,pagmamay-ari ng mga lupain, pagbabayad
ng buwis, pagpapamana, kalakalan at krimen laban sa tao at ari-arian. Mahigpit ang pagpapatupad sa
mga ito na nangangahulugan na hindi dapat suwayin ang adat upang hindi maparusahan ng kamatayan
o pagpapahirap.
Ang salita ng sultan ay itinuturing na batas ng sultanato. Walang makasusuway rito. Dahil sa
ang sultan ay kinikilala mula sa angkan ni Mohammad, ang pagsuway sa mga utos niya ay itinuturing
na pagsuway na rin sa mga aral ng Islam. Ang sultan ang nagsisilbing hukom sa paglilitis sa mga
paglabag sa batas at tumatayong kinatawan ng kaniyang mga nasasakupan sa ano mang pakikipag-
ugnayan ng sultanato. Siya rin ang tagapagtanggol ng kaniyang nasasakupanat tagapagturo ng mga aral
ng Islam.
Ating natutunan mula sa modyul 5, 6 at sa modyul na ito na bago pa man dumating ang mga
mananakop ay may umiiral ng kaayusang panlipunan at pampolitika sa pamayanan ng mga sinaunang
Pilipino na gumabay at humubog sa kanila upang magkaroon ng sarili, masagana at organisadong
lipunan. Taglay din ng mga sinaunang Pilipino ang mayaman atnamumukod tanging kultura sa larangan
ng kabuhayan, sosyo-kultural at maging sa politika na naisalin hanggang sa kasalukuyang panahon na
dapat natin pahalagahan at ipagmalaki. Gayundin ang mga Pilipinong Muslim na may matatag na
sistema ng pamahalaang sultanato. Ang mga kontribusyong ito ng mga sinaunang Pilipino ang patunay
na ang lahing Pilipino ay may sarili ng pagkakilanlan at may kakayahan na magkaroon ng sarili at
masaganang lipunan noon pa man.
Pagyamanin
Gawain 1 Punan ang kahon.
Panuto: Ayusin ang mga titik sa loob ng kahon upang mabuo ang sagot para sa
pangungusap.
1. Ito ay isang yunit pampolitika, panlipunan at pangkabuhayan noong sinaunang Pilipino, ito ay
tinatawag na .
20
A N G B Y A R A
2. Ito ay maaaring nasusulat o hindi nasusulat na nagsisilbing patnubay ng mga sinaunang
Pilipino. Ito ay tumutukoy sa .
T S A B A
3. Ang bawat barangay ay pinamumunuan ng isang .
T U D A
4. Ang pamahalaan ng mga muslim na nakabatay sa mga aral ng Islam ay tinatawag na
.
U S L N A T O A T
5. Ang tagapagbalita ng mga batas na napagtibay sa barangay ay tinatawag na
.
M A O L H K A N U O
Gawain 2 Pagkakatulad.
Panuto: Isulat sa patlang ang angkop na salita upang mabuo ang pagtutulad.
1. Barangay : Datu :: Sultanato : (Pinuno)
2. Datu : Luzon : : Sultan : (Lugar)
3. Pandaraya : Pagmumulta: : Pagpatay : (Bigat ng kasalanan)
4. Kalipunan ng Matatanda : Barangay : :
21
(Tagapayo)
5. Abu Bakr : Sulu : :
: Mindanao (Sultan)
: Sultanato
Gawain 3 Para sa Akin
Panuto: Isulat sa patlang ang sagot upang mabuo ang pangungusap.
Para sa akin ……
1. Ang mga batas sa pamahalaang barangay ng mga sinaunang Pilipino ay
2. Ang paraaan ng pagpaparusa at pagsubok na isinasagawa sa mga nagkasala ay
sapagkat
3. Ipinatupad ang sistema ng pagbabatas at paghuhukom upang
4. Ang pamahalaang sultanato na nakabatay sa mga aral ng Islam ay
5. Ang sanduguan na isinasagawa ng mga pinuno ng barangay ay
Isaisip
May pamahalaan na ang mga Pilipino bago pa man dumating ang mga Espanyol. Ito ay ang
barangay at sultanato.
Ang pamahalaang barangay ay isang yunit pampolitika, panlipunan, at pangkabuhayan sa panahon
ng sinaunang Pilipino na pinamumunuan ng isang datu.
Ang mga batas na nakasulat at hindi nakasulat ang naging patnubay ng mga tao sa
pakikisalamuha sa ibang tao sa barangay na kanyang kinabibilangan at pati na rin sa ibang barangay.
22
Ang pamahalaang sultanato ay isang sistema ng pamamahala na batay sa katuruan ng Islam na
relihiyon ng mga Muslim. At ito ay pinamumunuan ng isang sultan.
Ang batas sa sultanato ay nakabatay sa Adat (customary laws), Sharia (Islamic law), at Qur’ an o
Koran banal na aklat ng mga muslim.
Isagawa
Panuto: Basahin at sagutan ang ayon sa ipinapagawa.
Tulad ng ating mga bayani na sina Lapulapu at Sultan Kudarat may mahalaga silang ginampanan
upang mapangalagaan ang kanilang nasasakupan.
Ngayon, isang malaking suliranin ang kinakaharap ng bansa at ng buong mundo dahil sa COVID – 19
Pandemic. Kung ikaw ang punong barangay sa inyong lugar sa kasalukuyan alin sa mga sumusunod
ang iyong ipatutupad sa barangay na iyong nasasakupan? Iguhit ang hugis puso sa linya ng iyong
mga sagot.
1. 2. 3.
4. _ 5.
Tayahin
Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bawat bilang.
1. Anong sistema ng pamamahala ang nakabatay sa katuruan ng Islam ng mga Muslim at
Matapat
na ililista ang mga
pamilyang
karapat-dapat
tumanggap ng
SAP.
Pipiliin
lamang ang
bibigyan ng
“quarantine pass”.
Mahigp
it na pagsunod
sa itinakdang
“curfew”.
Makikiis
a sa mga
protesta laban
sa pamahalaan.
Magbibigay
ng ayuda para
maiwasan ang
paglabas-labasng
mga tao.
23
pinamumunuan ng isang sultan?
A. Sentral B. Komonwelt C. Sultanato D. Barangay
2. Ano ang tawag sa sinaunang pamahalaan ng mga Pilipino na
pinamumunuan ng isang datu?
A. Barangay B. Sentral C. Kolonyalismo D. Sultanato
3. Ano ang tawag sa tagapayong panrelihiyon ng sultan?
A. Kadi B. Banda Hara C. Pahar Lawan D. Amir Bahar
4. Sino ang nagtatakda at nagpapatupad ng mga batas sa isang sultanato at ang pasiya niya ay
hindi na maaaring mabago pa?
A. Datu B. Timawa C. Sultan D. Umalohokan
5. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng mabigat na kasalanan sa barangay?
A. Pagpatay B. Pandaraya C. Pang-uumit D.Pag-awit
6. Bakit ang salita ng sultan ay itinuturing na batas ng sultanato?
A. Dahil ang sultan ang pinuno ng lahat ng lahi.
B. Ang salita ng sultan ay sadyang mahiwagang pakinggan.
C. Kapag nagalit ang sultan ay maaarisilang maparusahan.
D. Dahil sa ang sultan ay kinikilala mula sa angkan ni Mohammad. Ang pagsuway sa utos
niya ay pagsuway din sa aral ng Islam.
7. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang tumutukoy sa
pagkakatulad ng barangay at sultanato?
A. Mas malawak ang sakop ng sultanato kaysa sa barangay.
B. Ang barangay ay pinamumunuan ng datu at ang sultanato ay
pinamumunuan ng sultan.
C. Ang barangay at sultanato ay parehas na may ipinapatupad na mga batas sa kanilang
nasasakupan.
D. Ang barangay ay makikita sa Luzon at Visayas samantalang ang sultanato ay sa
bahaging Mindanao.
8. Kung ang barangay at sultanato ay may pagkakatulad alin naman sa mga sumusunod na
pangungusap ang kanilang pagkakaiba?
A. Ang barangay at sultanato ay may mga namumuno.
B. Ang barangay at sultanato ay may mga batas na ipinatutupad.
C. Ang sultanato ay mas malawak ang nasasakupan kaysa sa
barangay.
D. Ang sultanato at barangay ay mga pamahalaan na umiiral sa sinaunang Pilipino.
9. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng batas sa pakikipag-ugnayan ng mga
sinaunang Pilipino?
A. Mahalaga ang batas upang masunod ang ninanais na gawin ng isang tao.
B. Ang batas ang nagsasabikung dapat bang parusahan ang isang tao sa pamayanang
nasasakupan.
C. Ang mga batas ang nagtatakda kung kalian dapat magbayad ng buwis at pagkakautang.
24
D. Ang mga batas ang nagiging patnubay ng mga sinaunag Pilipino sa pakikisalamuha sa ibang
tao sa barangay na kanyang kinabibilangan at pati na rin sa ibang barangay.
10. Paano nakatutulong ang sanduguan sa pakikipag-ugnayan ng mga sinaunang
Pilipino?
A. Sumisimbolo ito sa pakikipag-away.
B. Sumisimbolo ito sa pakikipagkaibigan.
C. Simisimbolo ito sa kabayanihan ng mga pinuno.
D. Sumisimbolo ito sa pagiging malakas ng isang tao.
25
Karagdagang Gawain
Gawain 4 Fact o Bluff.
Panuto: Isulat ang Fact kung ang pangungusap ay nagsasaad
ng wastong kaalaman tungkol sa aralin at Bluff kung hindi.
1. Ang sultanato ay pamahalaan ng mga Muslim na nakabatay sa katuruan ng relihiyong
Islam.
2. Si Sharif ul-Hashim o Abu Bakr ang nagtatag ng unang sultanato sa Sulu noong 1450.
3. Ang salitang balangay ay isang sasakyang pandagat o bangka na ginamit noon ng mga
sinaunang Pilipino at pinagmulan ng salitang barangay.
4. Ang sanduguan ay isinasagawa sa pamamagitan ng paghiwa sa binti gamit ang blade
at pagpapatulo ng dugo sa isang tasa.
5. Ang paglalatigo at pagtatali sa puno na maraming langgam ay ilan lamang sa
kaparusahan para sa mabibigat na kasalanan sa barangay.
Gawain 5 Ipakita mo!
Panuto: Basahin ang tanong at isulat ang iyong sagot sa dalawang magkaibang kahon
ang isa ay para sa sagot mo sa pagpapakita ng katapatan at ang isa ay para sa
pagmamalasakit.
Kungikawang namumunosa inyongpamayananbilangpunong
barangay o barangay chairman paano mo maipapakita ang
iyongkatapatanat pagmamalasakitsaiyong kabarangay lalo na
sa panahon ng krisis?
Katapatan Pagmamalasakit
26
Aralin
8
Paglaganap at Katuruan ng
Islam sa Pilipinas
Noong 300 BC. isinilang ang isang panibagong relihiyon sa lugar ng Mecca, Saudi
Arabia. Isang pananampalatayang namana ng mga Pilipinong naninirahan sa Mindanao at Sulu.
Tinawag itong Islam na nangangahulugang “pagsuko sa kagustuhan ni Allah”. “Paniniwala kay Allah
at si Mohammad ang kanyang Propeta, “pagsuko sa kagustuhan ni Allah”. “Muslim” ang tawag sa
mga naniniwala sa relihiyong ito at nangangahulugan naman ito ng “kapayapaan”. Itinatag ito ng
propetang si Mohammad.
Dala ng mga misyonerong Muslim at mga mangangalakal na Arabe ang relihiyong Islam sa
Sulu at iba pang bahagi ng Mindanao na lumaganap naman sa ibang bahagi ng bansa.
Sa aralin na ito, ating sisiyasatin kung paano nakarating at lumaganap ang relihiyong Islam at
ang mga aralnito. Atin ding pag-aaralan ang limang haligi ng Islam at ang buhay pagkatao ni propetang
Mohammad.
Balikan
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel
________1. Bakit hindi pormal ang tawag sa sistema ng edukasyon ng mga sinaunang Pilipino?
A. Mayroong tiyak na araw at oras ang pag-aaral ng mga bata.
B. Ang mga magulang ang nagsisilbing guro sa kanilang mga anak.
C. May mga paaralan kung saan pumapasok ang mga mag-aaralupang matuto.
D. Mayroong mga pamantasan na kung saan itinuturo ang iba’t ibang kasanayan.
_________2. Ano ang tawag sa paraan ng pagsulat at pagbasa ng mga unang Pilipino?
A. Alibata B. Hiroglipiko C. Baybayin D. Sanskrito
_________3. Ano ang tawag sa uri ng panitikan na tumatalakay sa kabayanihan ng isang tao at
naglalaman ng mga pangyayari ng kababalaghan?
27
A. Alamat B. Epiko C. Pabula D. Parabula
_________4. Ilang titik (Patinig at Katinig) ang alpabeto ng mga sinaunang Pilipino?
A. 3 patinig at 18 katinig C. 3 patinig at 17 katinig
B. 4 patinig at 18 katinig D. 4 patinig at 17 katinig
_________5. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pagpapahalaga sa edukasyon?
A. Nag-aaralsa takot na mapagalitan ng mga magulang.
B. Pumapasok sa paaralan upang magkaroon ng mga kalaro.
C. Nagsusumikap sa pag-aaralsa kabila ng kahirapan sa buhay.
D. Pumapasok sa paaralan araw-arawupang makita ang mga kaibigan
28
Tuklasin
Gawain 1: Panuto: Suriin ang sitwasyon at isulat kung ano ang iyong gagawin. (
Ang iyong kaibigan ay isang Muslim at ikaw ay isang Kristiyano. Ano ang gagawin mo
upang hindi maging hadlang ang inyong pananampalataya sa maganda ninyong relasyon?
Gawain 2:Gaano ka kadalas magbasa ng Bibliya o Koran? Anong verseso passages sa Bibliya o Koran
ang alam mo na patungkol sa pag-ibig at pagmamahal sa kapuwa
Panuto: Isulat ang verses o passages na ito at ipaliwanag kung paano ito nakatulong sa
iyong esperituwal na kagalingan upang maging isang mabuting tao.
Verses/Passages
Paliwanag
_________________________________________________________________
Suriin
29
Paglaganap ng Islam sa Pilipinas
Bunsod ng pakikipagkalakalan ng mga sinaunang Pilipino sa mga Arabong Muslim ay nakarating sa
Pilipinas ang isang mahalagang impluwensiyang nakapag-ambag sa mayamang kultura ng mga
Pilipino, ang Islam.
Nakatala sa tarsila o aklat tungkol sa pinagmulan ng pinuno ng Sulu ang pagdating ni Sharif Karim-
ul-Makdum noong 1380. Ang Sharif ay isang salitang Arabe na nangangahulugang, “ mula sa angkan
ng propetang Muhammad.”
Taong 1210 ng dumating ang mga Arabong mangangalakal sa katimugang
bahagi ng ating bansa. Unang dumating si Tuan Masha’ika sa Sulu noong 1280 at itinuturing na
kauna-unahang nagpakilala
ng Islam sa Pilipinas. Nakipag isang dibdib sa anak ni Rajah
Sipad at nagsimulang magtatag ng mga pamayanang
Muslim sa Sulu. Noong 1380 mula Malacca dumating
si Karim-Ul-
Makdum sa Sulu at nangaral ng Islam. Dumating si Raha
Baginda ng Palembang noong 1390 sa Sulu. Matagumpay
niyang nahikayat ang ilang katutubo na lumipat sa
relihiyong Islam. Dumating si Abu Bakr sa Sulu mula sa
Palembang noong 1450. Siya ang kinikila lang
nagpalaganap ng Islam sa Sulu. Pinagkalooban siya ng
pangalang Sharif ul- Hashim nang maging kauna-unahang
sultan ng itinatag niyang pamahalaan batay sa Sultanato ng
Arabia. Sa panahon niya mabilis na lumaganap ang
relihiyong Islam.
Samantala noong huling bahagi ng ika-15 siglo, taong
1450 nanguna sa pagpapalaganap ng Islam sa Mindanao si Sharif Kabungsuan mula sa Johor,
Malaysia. Siya rin ang nagtatag at naging unang sultan ng pamahalaang itinatag niya sa Mindanao.
Mula sa Sulu at Mindanao ay mabilis na lumaganap ang Islam sa Luzon at Visayas. Mabilis
ding natuldukan ang paglaganap ng dumating ang mga Espanyol noong ika-16 na siglo.
Ang Relihiyong Islam
Bago ang ikalabing-apat na siglo, matatag na ang ugnayan ng mga Arabe sa ating mga ninuno
sa katimugang bahagi ng Pilipinas, ang Mindanao. Bukod sa kalakalan, naimpluwensiyahan ng mga
turo at paniniwala ng relihiyong Islam ang mga ninuno natin.
Ang salitang Islam sa mga Arabe ay nangangahulugang kapayapaan. Sa relihiyon ng mga
Muslim, ito ay nangangahulugang buong pagpapaubaya sa kapangyarihan ni Allah, ang panginoon ng
mga Muslim. Koran (Qur’an) ang banalna aklat ng mga Muslim. Moske (Mosque) ang tawag sa lugar
na kanilang sambahan. Sa Mecca naman ang sentro ng kanilang pagsamba
30
Ang mga Aral ng Koran
Koran ang banal na aklat ng mga Muslim. Ito ay naglalaman ng mga
salita at aral ni
Allah. Ito ang nag-iisang aklat na isinulat sa orihinal na teksto at hindi
isinalin sa i
bang lengguwahe dahil ito ang mga salita ng panginoon na sinabi ni
Angel Jibri o
Gabriel kay Mohammad sa lengguwaheng Arabik.
Sa Koran natutuhan ng mga Muslim ang kapangyarihan at katangian ni
Allah. Naging
batayan ang sagradong aklat na ito sa pamumuhay ng mga Muslim dahil sa mga aral
na nakapaloob dito. Ang mga aralsa banal na aklat na ito ay sinusunod sa anumang
oras at lugar ng mga Muslim.
Mga Propeta
Mga propeta ang naatasan ni Allah na maghayag ng kanyang mensahe sa mga tao upang maging gabay sa
pamumuhay. Nabi na nangangahulugang “propeta” o Rasul na “mensahero” ang kahulugan ng tawag ng mga Muslim sa
kanilang propeta.
Dapat taglayin ng isang Propeta ang sumusunod na apat na katangian:
1. Sida (Katotohanan). May pagpapahalaga sa katotohanan. Hindi sila nagsisinungaling at nagtatago ng
katotohanan.
2. Amanah (Pagkamatapat).Tapat sa lahat ng kanilang sinasabi at ginagawa. Malinis ang kanilang hangarin sa
bawat sandali.
3. Tabligh (Naghahatid). Naghahatid ng kumpleto at tamang mensahe ang mga propeta. Hindi nabibigo sa
tungkulin. Itinuturing na kasalanan ang hindi pagbibigay ng tamang mensahe o ang paglilihim ng tunay na
kahulugan ng mensahe.
4. Fatanah (Katalinuhan). Mga taong matatalino at matatalas ang isipan ang maaari lamang maging propeta.
Nararapat silang maging matalino upang maipaliwanag nila ang maraming bagay tungkol sa kanilang itinuturo.
Muhammad
Si Muhammad (maaariring Mohammed, Mohammad) ang pinakilalang propetang Muslim. Ipinanganak siya sa
Mecca noong 570 A.D. kina Amina bint Wahb at Abdullah. Namatay ang kanyang ama dalawang buwan bago siya
ipinanganak at ipinagkatiwala sa isang tagapag-alaga batay sa nakagawian ng mga mayayaman noon. Kinuha ulit ng ina
pero namatay din ito ng siya ay anim na taong gulang.
Inalagaan siya sa kanyang lolo na si Abdul Muttalib. Nung namatay ang lolo inalagaan siya ng kanyang tiyuhin
na si Abu Talib. Kahit maagang naulila lumaki siyang isang mabuting tao, mapagbigay sa kanyang kapwa,hindi nanakit
ng damadamin ng kanyang kapwa at isa rin siyang matalino. Pagpapastol ang kanyang trabaho at namahala ng isang
negosyo ni Khadijah,isang mayamang babae sa Quarish. Nagpakasalsilang dalawa nang lumago ang negosyo at naging
maayos ang kanilang pagsasama.
Hindi niya nagustuhan ang gawi ng mga tao sa Mecca tulad ng pagsamba sa iba’t-ibang diyos, paglalasing, mga
sigalot at ang mababang pagtingin sa mga kababaihan. Dahil dito lagi siyang pumupunta sa yungib na tinawag na Hira
upang mag-isip at humanap ng tugon sa mga gumugulo sa kanyang isipan.
Sa Hira inilahad ni anghel Jibri o Gabriel ang mensahe ng Diyos kay Muhammad. Ang mesahe ay ang laman ng
Koran at inatasan siya na ituro sa mga tao. Marami ang tumuligsa at hindi naniwala sa kanya, kabilang na ang mga
mayayaman at mga pinuno ng Mecca na nababahala sa kanyang impluwensya.
Tanging si Khadijah, ang pinsan niyang si Ali at kaibigang si Abu Bakr ang naniwala sa kanya. Ngunit di siya nawawalan
31
ng loob. Ipinagpatuloy niya nag paghahatid ng mensahe ng Diyos.
Mga Aral ng Islam sa Limang Haligi ng Katotohanan
Nakapaloob sa Limang Haligi ng Katotohanan ang mga aral ng Islam. Ito ang gabay ng mga Muslim sa kanilang pang-
araw-araw na pamumuhay. Ang bawat Muslim ay sumusunod sa mga utos ni Allah at mga turo ni Mohammad
Shahadah Zakat/Zakah Salat/Salah Saum /Sawn Hajj o Hadji
Ang pagbibigkas
ng isang Muslim
na “Walang
ibang Diyos
kundi si Allah at
si Mohammad
ang kanyang
Propeta.
Pagbibigay ng
tulong pinansiyal
sa mga
mahihirap,
nangangaila-
ngan, mga
naulila,
matatanda, mga
manlalakbay,
mga bagong
binyagan at mga
bilanggong
Muslim sanhi
ng digmaan, sa
mga nasalanta
ng bagyo at
lindol, sa mga
naulila, at sa
mga maysakit.
Pagdarasalng
limang beses sa
isang araw na
nakaharap sa
Mecca. Ito ay
isinasagawa sa
madaling araw,
tanghali, hapon,
paglubog ng
araw at sa gabi.
Ang
araw ng Biyernes
ay katumbas ng
araw ng Linggo
ng mga Katoliko.
Sama-sama
silang nagdarasal
sa moske o
masjid ng
Jamaah
(congregationa l
prayer)
Pag-aayuno sa
loob ng banal na
buwan ng
Ramadan.
Isinasagawa
mula pagsikat ng
araw hanggang
sa paglubog nito.
Sa umpisa ng
pagsikat ng araw
bawal ang
kumain,
uminom,
manigarilyo,
makipag- away,
at makipagtalik.
Sa paglubog ng
araw ay maaari
silang kumain at
uminom ng
katamtaman
lamang. Sa araw
ng pagtatapos ng
Ramadan o pag-
aayuno ay
sagana sa
pagkain at regalo
ang mga
Muslim.
Tinawag nila
itong Hariraya
Puasa o Eid’l
Fit’r.
Paglalakbay sa
banal na lungsod
ng Mecca,sentro
ng pananampalat
ayang Muslim na
matatagpuan sa
Saudi Arabia. Sa
gitna ng Mecca
makikita ang
Ka’aba,hugis
pahabang marmol
na tila bantayog
sa Mecca. Haji
ang tawag sa mga
Muslim na
nakarating na sa
Mecca.
32
Pagyamanin
Gawain3: Panuto: Kilalanin/Tukuyin ang mga sumusunod. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.
1. Tarsila:
2. Karim-ul Makdum:
3. Islam:
4. Muhammad:
5. Shahada:
Gawain4: Panuto: Isulat sa talaan ang hinihinging impormasyon tungkol sa paglaganap ng relihiyong
Islam
Taon Pook Nagpalaganap
1210
1390
Ika-15 Siglo
Gawain 5. Panuto: Pagsunud-sunurin ang mga pangyayari kung paano lumaganap ang
relihiyong Islam sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Kopyahin ang pangyayari mula sa
1. Ipinalaganap ni Sharif Kabungsuwan isang misyonero ang relihiyong
Islam sa Maguindanao.
2. Itinatag ni Sajid Abu Bakr unang Sultan ng Sulu ang madrasah rito.
3. Sinakop ni Rajah Baguinda ang Sulu at nagtatag ng
Pamahalaang Sultanato.
4. Dumating si Tuan Mashaika isang mangangalakal na
nagpalaganap ng Islam sa Pilipinas.
5. Nangaral si Karim-ul- Makdum isang misyonerong Arabo, ng Islam sa
Sulu.
33
Isaisip
✔ Nakatala sa tarsila o aklat tungkol sa pinagmulan ng pinuno ng Sulu ang pagdating ni Sharif
Karim ul-Mukdum noong 1380
✔ Ang salitang Islam sa mga Arabe ay nangangahulugang kapayapaan. Ito ang relihiyon ng mga
Muslim.
✔ Ang Koran ang banal na aklat ng Islam at ang nag-iisang aklat na isinulat sa orihinal na
teksto at hindi isinalin sa ibang lengguwahe dahil ito ang mga salita ng panginoon na sinabi ni
Angel Jibri o Gabriel kay Mohammad sa lengguwaheng Arabik.
✔ May apat na katangian ang dapat taglayin ng isang Propeta: Sida o Katotohanan, Amanah o
Pagkamatapat, Tabligh o Naghahatid, at Fatanah o katalinuhan.
✔ Si Muhammad ang pinakakilalang propetang Muslim
✔ Nakapaloob sa Limang Haligi ng Katotohanan ang mga aral ng Islam. Ito ay ang Shahada,
Zakat, Salah, Saum, at Hajj o Hadji
Isagawa
Gawain 6:Paggawa ng Graphic Organizer
Panuto:
Mga Aral ng Islam
(Limang Haligi ng
Katotohanan)
34
Gawain7: Ibigay ang hinihingi ng bawat tanong.
1. Ano ang Ramadan? Paano ito isinasagawa?_______________________________
___________________________________________________________________
2. Ano-ano ang ipinagbabawal kung araw ng Ramadan?_______________________
_____________________________________________________________________
3. Ano ang kahulugan ng Eid’l Fit’r? ____________________________
_____________________________________________________
4. Ano naman ang Eid’l Adha?
.
Tayahin
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel
1. Sa relihiyon ng mga Muslim ang Islam ay nangangahulugang
A. Buong pagpapaubaya sa kapangyarihan ni Allah, ang panginoon ng mga Muslim.
B. Buong pagpapaubaya sa kapangyarihan ni Bathala, ang panginoon ng mga Muslim.
C. Buong pagpapaubaya sa kapangyarihan ni Muhammad, ang panginoon ng mga Muslim.
D. Buong pagpapaubaya sa kapangyarihan ni Makdum, ang panginoon ng mga Muslim.
2. Ito ay ang paglalakbay sa banal na lungsod ng Mecca,sentro ng
pananampalatayang Muslim na matatagpuan sa Saudi Arabia.
A. Shahada C. Hajji o Hadji
B. Zakart D. Saum
3. Ito ang yungib na pinupuntahan ni Muhammad upang mag-isip at humanap ng tugon sa mga
gumugulo sa kanyang isipan.
A. Hira B. Hur C. Hari D. Hura
4. Ito ang sentro ng pagsamba ng mga Muslim.
A. Mecca B. Moske C. Mocca D. Mokie
5. Ito ang tawag sa araw ng pagtatapos ng Ramadan o pag-aayuno at sagana sa
pagkain at regalo ang mga Muslim.
A. Hariruya Puasa o Eid’l Fit’r. C. Hariraya Puasa o Ed’l Fit’r.
B. Hariraya Puasa o Eid’l Fit’r. D. Hariraya Puasa o Eid’l Fit’.
6. Ang Sharif ay isang salitang Arabe na nangangahulugang
A. mula sa angkan ng propetang Elias.
B. mula sa angkan ng propetang Ezekiel.
C. mula sa angkan ng propetang Samuel.
35
D. mula sa angkan ng propetang Muhammad.
7. Tawag ng mga Muslim sa kanilang Propeta.
A. Nabi o Rasul C. Nabi o Rusal
B. Nubi o Rasul D. Nubi o Rusal
8. Ang ibig sabihin nito ay ang paghahatid ng mga propeta ng kumpleto at tamang
mensahe.
A. Sida B. Amanah C. Tabligh D. Fatanah
9. Hindi nagustuhan ni Mohammad ang gawi ng mga tao sa Mecca tulad ng pagsamba sa
iba’t-ibang diyos, paglalasing, mga sigalot at
A. mababang pagtingin sa mga kababaihan.
B. mababang pagtingin sa mga kalalakihan.
C. mababang pagtingin sa mga bata.
D. mababang pagtingin sa pamilya.
10. Mangangalakal na unang nagpalaganap ng Islam sa Pilipinas noong 1280.
A. Karim-ul- Makdum C. Rajah Baguinda
B. Tuan Mashaika D. Sajid Abu Bakr
Karagdagang Gawain
A. Panuto: Buoin ang analohiya sa pamamagitan ng pagpuno sa tamang
salita sa patlang. Pumili ng sagot mula sa kahon sa baba. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.
1. Simbahan: Katoliko; : Muslim.
2. Bibliya: Kristiyano; : Muslim
3. Anito at Espirito: Paganismo; : Islam
4. Mahal na Araw:Katoliko; : Muslim
5. Abu Bakr: Sulu; : Maguindanao
Moske
Sharif Kabungsuwan
Allah
Koran
Muhammad
Ramadan
36

More Related Content

What's hot

Antas ng katayuan ng mga pilipino sa panahon ng espanyol - Grade 5
Antas ng katayuan ng mga pilipino sa panahon ng espanyol - Grade 5Antas ng katayuan ng mga pilipino sa panahon ng espanyol - Grade 5
Antas ng katayuan ng mga pilipino sa panahon ng espanyol - Grade 5
Roselyn Dela Cruz
 
Gr 5 hanap buhay ng mga sinaunang pilipino
Gr 5 hanap buhay ng mga sinaunang pilipinoGr 5 hanap buhay ng mga sinaunang pilipino
Gr 5 hanap buhay ng mga sinaunang pilipinoMarie Cabelin
 
Aralin ugnayang panlipunan
Aralin ugnayang panlipunanAralin ugnayang panlipunan
Aralin ugnayang panlipunan
JanaGascon
 
Patakarang pangkabuhayan sa panahon ng mga kastila
Patakarang pangkabuhayan sa panahon ng mga kastilaPatakarang pangkabuhayan sa panahon ng mga kastila
Patakarang pangkabuhayan sa panahon ng mga kastilaCool Kid
 
Pamumuhay ng mga sinaunang pilipino sa panahong pre kolonyal
Pamumuhay ng mga sinaunang pilipino sa panahong pre kolonyalPamumuhay ng mga sinaunang pilipino sa panahong pre kolonyal
Pamumuhay ng mga sinaunang pilipino sa panahong pre kolonyal
ALVINFREO1
 
ARALING PANLIPUNAN YUNIT II Aralin 15: Ang Kultura at Pagbubuo ng Pagkakakil...
ARALING PANLIPUNAN YUNIT II Aralin 15: Ang Kultura at Pagbubuo  ng Pagkakakil...ARALING PANLIPUNAN YUNIT II Aralin 15: Ang Kultura at Pagbubuo  ng Pagkakakil...
ARALING PANLIPUNAN YUNIT II Aralin 15: Ang Kultura at Pagbubuo ng Pagkakakil...
EDITHA HONRADEZ
 
Iba't ibang pamahalaan noong panahon ng espanyol
Iba't ibang pamahalaan noong panahon ng espanyolIba't ibang pamahalaan noong panahon ng espanyol
Iba't ibang pamahalaan noong panahon ng espanyol
Geraldine Mojares
 
Aralin 1 yunit 4 ANG PAGKAMAMAMAYANG PILIPINO
Aralin 1 yunit 4 ANG PAGKAMAMAMAYANG PILIPINOAralin 1 yunit 4 ANG PAGKAMAMAMAYANG PILIPINO
Aralin 1 yunit 4 ANG PAGKAMAMAMAYANG PILIPINO
EDITHA HONRADEZ
 
Kagawiang panlipunan ng sinaunang pilipino
Kagawiang panlipunan ng sinaunang pilipinoKagawiang panlipunan ng sinaunang pilipino
Kagawiang panlipunan ng sinaunang pilipino
Ruth Cabuhan
 
Aralin 8 Mga Paraan sa Pagsasailalim sa Pilipinas
Aralin 8   Mga Paraan sa Pagsasailalim sa PilipinasAralin 8   Mga Paraan sa Pagsasailalim sa Pilipinas
Aralin 8 Mga Paraan sa Pagsasailalim sa Pilipinas
Forrest Cunningham
 
Encomienda, tributo, at polo y servicios
Encomienda, tributo, at polo y serviciosEncomienda, tributo, at polo y servicios
Encomienda, tributo, at polo y servicios
Billy Rey Rillon
 
Aralin 7 Pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas
Aralin 7   Pananakop ng mga Espanyol sa PilipinasAralin 7   Pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas
Aralin 7 Pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas
Forrest Cunningham
 
Ekspedisyong legazpi
Ekspedisyong legazpiEkspedisyong legazpi
Ekspedisyong legazpiCool Kid
 
AP YUNIT IV ARALIN 6
AP YUNIT IV ARALIN 6AP YUNIT IV ARALIN 6
AP YUNIT IV ARALIN 6
EDITHA HONRADEZ
 
Epekto ng kolonyalismo sa ating bansa
Epekto ng kolonyalismo sa ating bansaEpekto ng kolonyalismo sa ating bansa
Epekto ng kolonyalismo sa ating bansaPaulXtian
 
MGA-ANTAS-PANLIPUNAN-NG-SINAUNANG-PILIPINO.pdf
MGA-ANTAS-PANLIPUNAN-NG-SINAUNANG-PILIPINO.pdfMGA-ANTAS-PANLIPUNAN-NG-SINAUNANG-PILIPINO.pdf
MGA-ANTAS-PANLIPUNAN-NG-SINAUNANG-PILIPINO.pdf
RoqueJrBonifacio
 
Ang Pamahalaang Komonwelt ng Pilipinas
Ang Pamahalaang Komonwelt ng PilipinasAng Pamahalaang Komonwelt ng Pilipinas
Ang Pamahalaang Komonwelt ng Pilipinas
RitchenMadura
 
AP 6 Ang Pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas
AP 6 Ang Pananakop ng mga Hapones sa PilipinasAP 6 Ang Pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas
AP 6 Ang Pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas
Juan Miguel Palero
 

What's hot (20)

Antas ng katayuan ng mga pilipino sa panahon ng espanyol - Grade 5
Antas ng katayuan ng mga pilipino sa panahon ng espanyol - Grade 5Antas ng katayuan ng mga pilipino sa panahon ng espanyol - Grade 5
Antas ng katayuan ng mga pilipino sa panahon ng espanyol - Grade 5
 
Gr 5 hanap buhay ng mga sinaunang pilipino
Gr 5 hanap buhay ng mga sinaunang pilipinoGr 5 hanap buhay ng mga sinaunang pilipino
Gr 5 hanap buhay ng mga sinaunang pilipino
 
Aralin ugnayang panlipunan
Aralin ugnayang panlipunanAralin ugnayang panlipunan
Aralin ugnayang panlipunan
 
Patakarang pangkabuhayan sa panahon ng mga kastila
Patakarang pangkabuhayan sa panahon ng mga kastilaPatakarang pangkabuhayan sa panahon ng mga kastila
Patakarang pangkabuhayan sa panahon ng mga kastila
 
Pamumuhay ng mga sinaunang pilipino sa panahong pre kolonyal
Pamumuhay ng mga sinaunang pilipino sa panahong pre kolonyalPamumuhay ng mga sinaunang pilipino sa panahong pre kolonyal
Pamumuhay ng mga sinaunang pilipino sa panahong pre kolonyal
 
ARALING PANLIPUNAN YUNIT II Aralin 15: Ang Kultura at Pagbubuo ng Pagkakakil...
ARALING PANLIPUNAN YUNIT II Aralin 15: Ang Kultura at Pagbubuo  ng Pagkakakil...ARALING PANLIPUNAN YUNIT II Aralin 15: Ang Kultura at Pagbubuo  ng Pagkakakil...
ARALING PANLIPUNAN YUNIT II Aralin 15: Ang Kultura at Pagbubuo ng Pagkakakil...
 
Iba't ibang pamahalaan noong panahon ng espanyol
Iba't ibang pamahalaan noong panahon ng espanyolIba't ibang pamahalaan noong panahon ng espanyol
Iba't ibang pamahalaan noong panahon ng espanyol
 
Aralin 1 yunit 4 ANG PAGKAMAMAMAYANG PILIPINO
Aralin 1 yunit 4 ANG PAGKAMAMAMAYANG PILIPINOAralin 1 yunit 4 ANG PAGKAMAMAMAYANG PILIPINO
Aralin 1 yunit 4 ANG PAGKAMAMAMAYANG PILIPINO
 
Kagawiang panlipunan ng sinaunang pilipino
Kagawiang panlipunan ng sinaunang pilipinoKagawiang panlipunan ng sinaunang pilipino
Kagawiang panlipunan ng sinaunang pilipino
 
Aralin 8 Mga Paraan sa Pagsasailalim sa Pilipinas
Aralin 8   Mga Paraan sa Pagsasailalim sa PilipinasAralin 8   Mga Paraan sa Pagsasailalim sa Pilipinas
Aralin 8 Mga Paraan sa Pagsasailalim sa Pilipinas
 
Encomienda, tributo, at polo y servicios
Encomienda, tributo, at polo y serviciosEncomienda, tributo, at polo y servicios
Encomienda, tributo, at polo y servicios
 
Aralin 7 Pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas
Aralin 7   Pananakop ng mga Espanyol sa PilipinasAralin 7   Pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas
Aralin 7 Pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas
 
Ekspedisyong legazpi
Ekspedisyong legazpiEkspedisyong legazpi
Ekspedisyong legazpi
 
AP YUNIT IV ARALIN 6
AP YUNIT IV ARALIN 6AP YUNIT IV ARALIN 6
AP YUNIT IV ARALIN 6
 
Ang mamamayang pilipino
Ang mamamayang pilipinoAng mamamayang pilipino
Ang mamamayang pilipino
 
Epekto ng kolonyalismo sa ating bansa
Epekto ng kolonyalismo sa ating bansaEpekto ng kolonyalismo sa ating bansa
Epekto ng kolonyalismo sa ating bansa
 
MGA-ANTAS-PANLIPUNAN-NG-SINAUNANG-PILIPINO.pdf
MGA-ANTAS-PANLIPUNAN-NG-SINAUNANG-PILIPINO.pdfMGA-ANTAS-PANLIPUNAN-NG-SINAUNANG-PILIPINO.pdf
MGA-ANTAS-PANLIPUNAN-NG-SINAUNANG-PILIPINO.pdf
 
Ang Pamahalaang Komonwelt ng Pilipinas
Ang Pamahalaang Komonwelt ng PilipinasAng Pamahalaang Komonwelt ng Pilipinas
Ang Pamahalaang Komonwelt ng Pilipinas
 
Pang Ukol
Pang UkolPang Ukol
Pang Ukol
 
AP 6 Ang Pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas
AP 6 Ang Pananakop ng mga Hapones sa PilipinasAP 6 Ang Pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas
AP 6 Ang Pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas
 

Similar to Sosyo - Kultural na Pamumuhay ng mga Sinaunang Tao

AP WEEK 5 MODULES-SOSYO-KULTURAL AT PAMPOLITIKONG PAMUMUHAY NG MGA SINAUNANG ...
AP WEEK 5 MODULES-SOSYO-KULTURAL AT PAMPOLITIKONG PAMUMUHAY NG MGA SINAUNANG ...AP WEEK 5 MODULES-SOSYO-KULTURAL AT PAMPOLITIKONG PAMUMUHAY NG MGA SINAUNANG ...
AP WEEK 5 MODULES-SOSYO-KULTURAL AT PAMPOLITIKONG PAMUMUHAY NG MGA SINAUNANG ...
dianarasemana1
 
Phist2
Phist2Phist2
ARAL PAN 5 WEEK 6 DAY 1 (1).pptx
ARAL PAN 5 WEEK 6 DAY 1 (1).pptxARAL PAN 5 WEEK 6 DAY 1 (1).pptx
ARAL PAN 5 WEEK 6 DAY 1 (1).pptx
cyrindalmacio
 
Ano ang kultura?
Ano ang kultura?Ano ang kultura?
Ano ang kultura?
NeilfieOrit2
 
Ano ang kultura
Ano ang kulturaAno ang kultura
Ano ang kultura
Kristine Ann de Jesus
 
Proyekto sa araling panlipunan.docx
Proyekto sa araling panlipunan.docxProyekto sa araling panlipunan.docx
Proyekto sa araling panlipunan.docx
jennellemendez
 
Aralin 5 Ugnayang Panlipunan at Kalagayang Pangkabuhayan ng mga Sinaunang F...
Aralin 5   Ugnayang Panlipunan at Kalagayang Pangkabuhayan ng mga Sinaunang F...Aralin 5   Ugnayang Panlipunan at Kalagayang Pangkabuhayan ng mga Sinaunang F...
Aralin 5 Ugnayang Panlipunan at Kalagayang Pangkabuhayan ng mga Sinaunang F...
Forrest Cunningham
 
AP5-Q1-W4.pptx
AP5-Q1-W4.pptxAP5-Q1-W4.pptx
AP5-Q1-W4.pptx
ShirleyPicio3
 
Panitikang Pilipino 2.pptx
Panitikang Pilipino 2.pptxPanitikang Pilipino 2.pptx
Panitikang Pilipino 2.pptx
GIFTQUEENSAAVEDRA
 
paniniwala at tradisyon ng sinaunang pilipino.pptx
paniniwala at tradisyon ng sinaunang pilipino.pptxpaniniwala at tradisyon ng sinaunang pilipino.pptx
paniniwala at tradisyon ng sinaunang pilipino.pptx
PaulineMae5
 
Pagkakakilanlang Kultural ng Pilipinas
Pagkakakilanlang Kultural ng PilipinasPagkakakilanlang Kultural ng Pilipinas
Pagkakakilanlang Kultural ng Pilipinas
LorelynSantonia
 
Panitikang-Pilipino - Tulatalakay ito mga akdang pampanitikang nabuo ng ating...
Panitikang-Pilipino - Tulatalakay ito mga akdang pampanitikang nabuo ng ating...Panitikang-Pilipino - Tulatalakay ito mga akdang pampanitikang nabuo ng ating...
Panitikang-Pilipino - Tulatalakay ito mga akdang pampanitikang nabuo ng ating...
GIFTQUEENSAAVEDRA
 
Epiko.pptxdjwqghru;vbqut984i u5b2-90i35ri3 i
Epiko.pptxdjwqghru;vbqut984i u5b2-90i35ri3 iEpiko.pptxdjwqghru;vbqut984i u5b2-90i35ri3 i
Epiko.pptxdjwqghru;vbqut984i u5b2-90i35ri3 i
RoyCatampongan1
 
Bato bato sa langit, ang tamaan h’wag
Bato bato sa langit, ang tamaan h’wagBato bato sa langit, ang tamaan h’wag
Bato bato sa langit, ang tamaan h’wag
Sonia Pastrano
 
AP 5 q1 module 4 by teacher mel.pptx
AP 5 q1 module 4 by teacher mel.pptxAP 5 q1 module 4 by teacher mel.pptx
AP 5 q1 module 4 by teacher mel.pptx
LizaMisa
 
october 4.docx
october 4.docxoctober 4.docx
october 4.docx
EdelynCunanan1
 
Panitikan Bago Dumating Ang Mga Kastila
Panitikan Bago Dumating Ang Mga KastilaPanitikan Bago Dumating Ang Mga Kastila
Panitikan Bago Dumating Ang Mga Kastila
Merland Mabait
 
AP 2 Day 14.pptx
AP 2 Day 14.pptxAP 2 Day 14.pptx
AP 2 Day 14.pptx
GerlieFedilosII
 
Alamat
AlamatAlamat

Similar to Sosyo - Kultural na Pamumuhay ng mga Sinaunang Tao (20)

AP WEEK 5 MODULES-SOSYO-KULTURAL AT PAMPOLITIKONG PAMUMUHAY NG MGA SINAUNANG ...
AP WEEK 5 MODULES-SOSYO-KULTURAL AT PAMPOLITIKONG PAMUMUHAY NG MGA SINAUNANG ...AP WEEK 5 MODULES-SOSYO-KULTURAL AT PAMPOLITIKONG PAMUMUHAY NG MGA SINAUNANG ...
AP WEEK 5 MODULES-SOSYO-KULTURAL AT PAMPOLITIKONG PAMUMUHAY NG MGA SINAUNANG ...
 
Phist2
Phist2Phist2
Phist2
 
ARAL PAN 5 WEEK 6 DAY 1 (1).pptx
ARAL PAN 5 WEEK 6 DAY 1 (1).pptxARAL PAN 5 WEEK 6 DAY 1 (1).pptx
ARAL PAN 5 WEEK 6 DAY 1 (1).pptx
 
Ano ang kultura?
Ano ang kultura?Ano ang kultura?
Ano ang kultura?
 
Ano ang kultura
Ano ang kulturaAno ang kultura
Ano ang kultura
 
Proyekto sa araling panlipunan.docx
Proyekto sa araling panlipunan.docxProyekto sa araling panlipunan.docx
Proyekto sa araling panlipunan.docx
 
Aralin 5 Ugnayang Panlipunan at Kalagayang Pangkabuhayan ng mga Sinaunang F...
Aralin 5   Ugnayang Panlipunan at Kalagayang Pangkabuhayan ng mga Sinaunang F...Aralin 5   Ugnayang Panlipunan at Kalagayang Pangkabuhayan ng mga Sinaunang F...
Aralin 5 Ugnayang Panlipunan at Kalagayang Pangkabuhayan ng mga Sinaunang F...
 
AP5-Q1-W4.pptx
AP5-Q1-W4.pptxAP5-Q1-W4.pptx
AP5-Q1-W4.pptx
 
Panitikang Pilipino 2.pptx
Panitikang Pilipino 2.pptxPanitikang Pilipino 2.pptx
Panitikang Pilipino 2.pptx
 
paniniwala at tradisyon ng sinaunang pilipino.pptx
paniniwala at tradisyon ng sinaunang pilipino.pptxpaniniwala at tradisyon ng sinaunang pilipino.pptx
paniniwala at tradisyon ng sinaunang pilipino.pptx
 
Pagkakakilanlang Kultural ng Pilipinas
Pagkakakilanlang Kultural ng PilipinasPagkakakilanlang Kultural ng Pilipinas
Pagkakakilanlang Kultural ng Pilipinas
 
Panitikang-Pilipino - Tulatalakay ito mga akdang pampanitikang nabuo ng ating...
Panitikang-Pilipino - Tulatalakay ito mga akdang pampanitikang nabuo ng ating...Panitikang-Pilipino - Tulatalakay ito mga akdang pampanitikang nabuo ng ating...
Panitikang-Pilipino - Tulatalakay ito mga akdang pampanitikang nabuo ng ating...
 
Epiko.pptxdjwqghru;vbqut984i u5b2-90i35ri3 i
Epiko.pptxdjwqghru;vbqut984i u5b2-90i35ri3 iEpiko.pptxdjwqghru;vbqut984i u5b2-90i35ri3 i
Epiko.pptxdjwqghru;vbqut984i u5b2-90i35ri3 i
 
Bato bato sa langit, ang tamaan h’wag
Bato bato sa langit, ang tamaan h’wagBato bato sa langit, ang tamaan h’wag
Bato bato sa langit, ang tamaan h’wag
 
AP 5 q1 module 4 by teacher mel.pptx
AP 5 q1 module 4 by teacher mel.pptxAP 5 q1 module 4 by teacher mel.pptx
AP 5 q1 module 4 by teacher mel.pptx
 
october 4.docx
october 4.docxoctober 4.docx
october 4.docx
 
Panitikan Bago Dumating Ang Mga Kastila
Panitikan Bago Dumating Ang Mga KastilaPanitikan Bago Dumating Ang Mga Kastila
Panitikan Bago Dumating Ang Mga Kastila
 
AP 2 Day 14.pptx
AP 2 Day 14.pptxAP 2 Day 14.pptx
AP 2 Day 14.pptx
 
Alamat
AlamatAlamat
Alamat
 
AP & Filipino.pptx
AP & Filipino.pptxAP & Filipino.pptx
AP & Filipino.pptx
 

Sosyo - Kultural na Pamumuhay ng mga Sinaunang Tao

  • 1. 1 Aralin 5 Sosyo – Kultural na Pamumuhay ng mga Sinaunang Tao Ang mga Sinaunang Pilipino ay may mayamang kultura na maipagmamalaki bago pa dumating ang mga dayuhan sa bansa. Ang kultura ay tumutukoy sa paraan ng pamumuhay ng tao. Mababakas ang mga kultura ng Sinaunang Pilipino kanilang maayos at payak na pamumuhay, mula sa kanilang paniniwala, relihiyon, pagpapahalaga at mga kaugalian tulad ng pagbabatok, paglilibing, paggawa ng bangka, pananamit at palamuti, at pagdaraos ng pagdiriwang. SUBUKIN NATIN Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot patlang bago ang bawat bilang. A. 1. Kung pagmimina sa kabundukan ang karaniwang hanapbuhay ng mga sinaunang Pilipino, ano naman ang pangunahing hanapbuhay ng ating mga ninuno sa kapatagan? A. Pagsasaka B. Paghahabi C. Pagmimina D. Pangingisda B. 2. Sa anong panahon natutuhan ng mga sinaunang tao ang magtanim, mag- alaga ng hayop, magpakinis at maghanasa ng mga bato? A. Paleotiko B. Neolitiko C. Metal D. La Ilustracion B. 3. Anong uri ng kabuhayan ng mga sinaunang tao kung saan sila ay humuhuli ng mga hayop upang gawing pagkain? A. Pangingisda B. Pangangaso C. Pagsasaka D. Pagmimina D. 4. Gumamit ng copper sa kanilang mga kagamitan ang mga sinaunang Pilipino, sa anong panahon ito isinagawa? A. Paleotiko B. Neolitiko C. La Ilustracion D. Metal B. 5. Paano isinasagawa ang sistemang barter sa pakikipagkalakalan ng mga sinaunang Pilipino? A. Sapilitang pagtatrabaho sa pamahalaan
  • 2. 2 B. Pakikipagpalitan ng produkto sa kapwa produkto C. Pagsunog at pagputol ng mga puno sa kagubatan D. Paghukay at pagkuha ng yamang mineral mula sa lupa
  • 3. 3 Tuklasin Panuto: Suriin ang larawan at sagutan ang tanong sa ibaba. Ano-ano ang mga napansin mo sa larawan na may kaugnayan sa kaugnayan sa mga sinaunang Pilipino? _______________________may pinupuri yung babae tapos yung mga tao sa likod nung babae ___________________________ay nanonood. ________________________________________________ ________________________________________________ ________________________________________________ ________________________________________________ ________________________________________________ ________________________________________________ ________________________________________________ Suriin Paniniwala sa mga Espiritu at Diyos ng Kalikasan Ang mga sinaunang Pilipino ay naniniwala na may mga espiritung nananahan sa kanilang kapaligiran. Tinawag nila itong mga anito ng mga Tagalog o diwata ng mga Bisaya. Ang mga espiritu ay maaaring mabuti o masama. Ang mga mabuting espiritu ay mga namatay na nilang kamag-anak at ang masamang ispiritu ay yaong mga kaaway nila. Ang mga mabuting espiritu ay nakatutulong samantalang ang masasama ay nagdadala ng sakit at kamalasan. Sumasampalataya rin sila sa kapangyarihan ng araw, buwan, ng bituin, ng hayop, ng ibon, at ng mga halaman. Tinawag ang paniniwalang ito na animismo. Pinaniniwalaan nila na ang mga bagay sa kalikasan ay banal at may kaluluwa. Ang ating mga ninuno rin ay naniniwala sa isang Dakilang Nilalang na siyang maylikha ng langit, lupa at tao. Tinawag siyang Bathala ng mga Tagalog; Abba ng mga Cebuano; Kabunyian ng mga Ifugao; at Laon ng mga Bisaya. Marami rin silang pinaniniwalaang diyos tulad ng:
  • 4. 4 Idianale – diyos ng pagsasaka Magwayen – diyos ng kabilang buhay Sidapa – diyos ng kamatayan Mandarangan – diyos ng digmaan Agni – diyos ng apoy Ang mga sinaunang Pilipino rin ay gumawa ng mga estatwang kahoy na tinawag na bul-ol ng mga Ifugao. Para sa kanila ito ay sumisimbolo sa diyos ng mga palay. Naniniwala sila na sa tulong ng bul-ol ay bibigayan sila ng masaganang ani. Bago simulan ng mga sinaunang Pilipino ang ano mang gawain tulad ng pagpapatayo ng tahanan, pagtatanim at paglalakbay ay humihingi muna sila ng gabay at pahintulot mula sa mga espiritu ng kalikasan. Ang ritwal na ito ay pinangunahan ng mga katalonan (sa mga Tagalog) at babaylan (sa mga Bisaya) na silang tagapamagitan sa mundo ng tao at mundo ng diyos at yumao. Sila ay may mga ritwal o seremonyang ginagawa kung saan naghahandog ng kanilang ani at hayop bilang pasasalamat, pagmamakaawa para maalis ang kamalasan o masamang kapalaran sa buhay o paghingi ng tulong sa mga gawain. Naniniwala din ang ating mga ninuno sa buhay sa kabilang daigdig. Pagbabatok Noong unang panahon ang pagkakaroon ng tato o batok ay importanteng simbolo ng kagitingan at kagandahan. Noong unang pagdating ng mga kastila ay tinawag silang mga Pintados o mga katutubong puno ng tato ang katawan Gumagamit sila ng tinik ng puno ng suha bilang karayom na ikinakabit sa dulo ng isang kawayan at imbis na tinta uling na may halong tubig ang kanilang gamit sa pangmarka. Ginagamit nilang inspirasyon ang kalikasan: hayop at mga halaman at mga yamang lupa at tubig. Ang pagkakaroon ng tato sa mga kalalakihan ay kapag sila ay nakapatay at nakapugot ng ulo ng kalaban sa giyera. Mas madami ang tato, mas madami ang napatay. Maging ang mga kababaihan ay puno ng tato ang katawan, pagka't tinitignan na maganda ang babaeng may tato at bilang palamuti katawan na dadalhin hangang kamatayan. Kaugalian sa Paglilibing Inihanda ng mga sinaunang tao ang kanilang yumao para sa kabilang buhay sa pamamagitan ng paglilinis, paglalangis, at pagbibihis ng magagarang kasuotan sa bangkay. Pinabaunan din nila ang mga yumao ng mga kasangkapan tulad ng seramika at mga palamuti upang may magamit ang mga ito sa kabilang buhay. May dalawang bahagi ang paglilibing ng mga sinaunang Pilipino. Pintados
  • 5. 5 Una, inilibing nila ang mga yumao sa lupa kasama ang ilang kasangkapan. Matapos matuyo ang mga labi ay hinahango ito mula sa libingan at isinisilid sa loob ng tapayan. Paggawa ng Bangka Mahalaga ang kaalaman ng mga sinaunang Pilipino sa paglalayag at paggawa ng mga sasakyang pandagat. Ang kaalaman ng sinaunang Pilipino sa paglalayag ay umusbong dahil sa pagiging arkipelago ng Pilipinas. Ang karagatan at mga ilog ay ugnay ng mga Pilipino di lamang sa isa’t-isa maging sa mga dayuhan. Ito ang naging pangunahing daluyan ng impormasyon at kalakalan sa buong bansa. Matitibay, matutulin at hinahangaan ang mga bangkang nagmula sa Pilipinas. Pinaunlad ng mga sinaunang Pilipino ang paggawa ng mga sasakyang pandagat para sa iba’t-ibang gamit katulad ng mga balanghay, mga paraw para sa pakikipagkalakalan at mga karakoa o ang malalaking sasakyang pandagat na ginamit sa digmaan. Panamit ng sinaunang Kalalakihan Pananamit ng sinaunang Kababaihan Kangan – pang-itaas na damit na walang kwelyo at manggas (Ang kulay ng kangan ay batay sa katayuan sa lipunan ng may suot nito–pula para sa datu at asul o itim para sa may mas mababang katayuan sa datu.) Bahag – piraso ng telang nakabalot sa baywang Putong – piraso ng tela na ibinabalot sa ulo (Sinasalamin din ng putong ang katayuan ng may suot nito- pulang putong ang suot ng taong nakapaslang na ng isang tao at burdadong putong ang nakapaslang ng may pitong tao) Baro – pang-itaas na damit na ipinapatong na may manggas Saya – maluwag na palda na pang- ibaba ng mga Tagalog at Patadyong ng mga Bisaya. Tapis – pula o puting tela na karaniwang ibinabalot sa baywang
  • 6. 6 Pananamit at Palamuti Mahilig magsuot ng mga palamuti sa katawan ang sinaunang kababaihan at kalalakihang Pilipino. Kadalasang gawa sa ginto ang mga palamuting ito. Halimbawa ng mga palamuting kanilang isinusuot ay pomaras-isang alahas na hugis rosas-at ganbanes-isang uri ng gintong pulseras na isinusuot nila sa braso at binti. Nagsuot naman ang mga kalalakihan at kababaihan sa Bisaya ng hangang apat na pares na gintong hikaw sa kanilang tainga. Gumamit din sila ng ginto upang palamutian ang kanilang ngipin. Gayundin, naglalagay sila ng tato o permanenteng disenyo at marka sa balat. Naniniwala sila na may kapangyarihan o mahika ang mga tao sa kanilang katawan na sino mang mayroon nito ay magtataglay ng ibayong lakas at husay sa pakikidigma. Pagdaraos ng Pagdiriwang Likas na mahilig at mahusay ang mga sinaunang Pilipino sa musika. Isinaliw nila ang musika sa kanilang pagsasayaw at ibang gawain tulad ng pagsasaka at pag- aani, gayundin sa mahahalagang pagdiriwang at ritwal sa kanilang pamayanan. Gumamit din sila ng mga katutubong instrumento gaya ng gangsa, isang uri ng tansong gong ng mga taga-Cordillera; kaleleng, instrumentong pinatutunog gamit ang ilong ng mga Bontok; at ang tambuli ng mga Tagalog na yari sa sungay ng kalabaw. Mayron din silang awit at sayaw para sa iba’-ibang pagdiriwang at gawain. Sa pamamagitan ng dallot-isang mahabang berso na binibigkas ng paawit-hinarana ng sinaunang Ilocano ang kanilang iniirog. Katumbas ng dallot ang ayeg-klu ng mga Igorot. May mga awitin din sila para sa tagumpay sa digmaan, pagpapakasal, pagluluksa, pagsamba sa mga diyos, at mga larong pambata. Mayaman din sa katutubong sayaw ang sinaunang Pilipino. Naging pangunahing inspirasyon nila ang kalikasan, tulad ng mga kilos ng hayop, sa paggawa ng sayaw. Halimbawa ang Tinikling na hango sa galaw ng ibong tikling. May mga sayaw rin sila na bahagi ng ritwal tulad ng Pagdiwata, sayaw ng pasasalamat para sa magandang ani, ng mga Tagbanwa sa Palawan. Marami rin mga sayaw ang may kinalaman sa gawaing pangkabuhayan. Halimbawa ang sayaw ng Pagtatanim at Paggapas ng mga magsasaka sa Katagalugan at Pamulad Isda o sayaw ng pagpapatuyo ng isda ng mga taga-Negros. Iba pang halimbawa ng sinaunang sayaw ay ang Salidsid o sayaw sa panliligaw ng mga Kalinga; at ang Bangibang,
  • 7. 7 sayaw para sa paglilibing ng yumaong nakaranas ng marahas na kamatayan ng mga Ifugao. Pagyama Pagyamanin Gawain 1. Punan ang kahon. Panuto: Ayusin ang mga titik sa loob ng kahon upang mabuo ang sagot. 1. Ang mga taga-Ifugao ay may pinaniniwalaang diyos ng palay. Tinawag nila itong . BUL - OL 2. Ang mga espiritung nananahan sa kalikasan ay tinawag ng mga taga-Bisaya na . DIWATA 3. Ang ating mga ninuno ay naniniwala sa Dakilang Nilalang na siyang may gawa ng mga langit, lupa at tao. Tinawag nila itong si . BATHALA 4. Ang mga ritwal ay pinangungunahan ng mga tagapamagitan sa mundo ng tao at mundo ng mga diyos at yumao. Ang tagapamagitan ay tinawag ng mga Tagalog na . KATALONAN 5. Pinaniniwalaan ng mga sinaunang Filipino na ang mga bagay sa kalikasan ay banal at may kaluluwa. Ang paniniwalang ito ay tinawag na . ANIMISMO Gawain 2. Iguhit mo! Panuto: Iguhit ang mga sinaunang kasuotan ng mga kalalakihan at kababaihan, gayundin ang kanilang mga palamuti sa katawan noong sinaunang panahon. Sinaunang kasuotan at palamuti sa katawan ng mga kalalakihan Sinaunang kasuotan at palamuti sa katawan ng mga kababaihan
  • 8. 8 Gawain 3. Ugnay-Salita Panuto: Ipaliwanang ang kaugnayan ng dalawang salita sa isa’t- isa? Isulat ang maaaring sagot sa patlang. 1. Kaleleng at tambuli Ang Kaleleng ay isang uri ng tansong gong ng mga taga-Cordillera at ang Tambuli naman ay isang instromentong pinatutunog gamit ang ilong ng mga Bontok. 2. baro’t saya at kangan at bahag Ang Baro ay ang pang-itaas na damit na ipinapatong na may manggas. Ang Saya naman ay isang maluwag na palda na pang-ibaba ng mga tagalog at Patadyong ng mga Bisaya. Ang Kangan ay ang pang-itaas na damit na walang kwelyo at manggas Ang Bahag ay ang piraso ng telang nakabalot sa baywang. 3. balangay at karakoa Ang Balangay ay isang tablang bangka nakaratig sa isang nakaukit na bangka sa pamamagitan ng panuksot at sabat. Ang Karakoa ay ang malalaking ang malalaking sakyang pandagat na ginagamit sa digmaan. 4. daluyan ng impormasyon at pakikipagkalakalan Ang Daluyan ng impormasyon ay isang komunikasyon kung saan
  • 9. 9 nag-papalitan ng mga mahalagang impormasyon. Ang Pakikipagkalakalan aynagpapalitan ng mga produkto at serbisyo. 5. pagsususot ng mga ginto at pagpapalagay ng tato nag nasusuot sila Ng bagay na may ginto Hindi para ipagyabang Ang kanilang kasuotan dahil lahat Ng iyon ay pinaghirapan nila. Isaisip May sariling kultura ang mga sinaunang Pilipino bago dumating ang mga dayuhan sa Pilipinas. Tumutukoy ang kultura sa paraan ng pamumuhay ng mga tao sa lipunan kabilang ang kanilang paniniwala, tradisyon, kaugalian, relihiyon, wika, sining, panitikan at pagpapahalaga. Ang animismo ay paniniwala ng mga sinaunang Piipino na ang mga bagay sa kalikasan ay banal at may kaluluwa. Ang pagkakaroon ng tato o permanenteng marka sa katawan ay sumisimbolo sa kagitingan ng mga kalalakihan at kagandahan sa mga kababaihan noong sinaunang panahon. Ang kaugalian ng mga sinaunang Pilipino sa paglilibing ng mga yumao ay binubuo ng dalawang bahagi. Una ay paglibing ng yumao sa lupa kasama ang ilang kasangkapan at paghango ng natuyong labi mula sa libingan at isisilid sa loob ng tapayan. Ang mga sasakyang pandagat ang pangunahing transportasyon na ginamit ng mga sinaunang Pilipino sa pakikipagkalakalan. Kadalasang gawa sa ginto ang mga palamuting isinusuot sa katawan ng mga sinaunang Pilipino. Ang mga sinaunang Pilipino ay mahilig sa musika. Ginamit nila ang mga awit at pagsayaw sa mga mahahalagang pagdiriwang gayundin sa mga ritwal. Isagawa Isagawa Mayaman ang kultura ng ating mga ninuno. Ito ay dapat nating pahalagahan dahil sumisimbolo ito ng ating pagka-Pilipino. Sumulat ng mga halimbawa ng mga kultura at tradisyon na ipinamana sa atin sa ating mga ninuno na hanggang ngayon ay isnasabuhay natin. Pag kain ng kanin, mga salita na may respeto tulad ng po opo, mga ritual at paniniwala sa mga diyos.
  • 10. 10 Tayahin Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bawat bilang. A. 1. Ano ang tawag sa paniniwala ng mga sinaunang Pilipino sa mga anito at diwata na nananahan sa kapaligiran? A. Animismo B. Kristiyanismo C. Islam D. Taoismo D. 2. Kadalasan makikita ang estatwang kahoy na tinawag na Bul-ol na sumisimbolo sa diyos ng mga taga-Ifugao, ano ang paniniwala nila dito? A. Magbibigay ng maraming huling isda B. Pagkakaroon ng buhay na walang hanggan C. Pagkakaroon ng kapangyarihang makapanggamot D. Magbibigay ng masaganang ani at proteksiyon sa mga sakit D. 3.sinisimulan ng mga sinaunang Pilipino ang mahahalagang gawain gaya ng pagtatanim at paglalakbay? pagtatanim at paglalakbay? A. Pinupulong ng lider ng pamayanan ang mga mga tao B. Nagsusuot sila ng mga palamuting ginto sa katawan C. Nagkakaroon ng kasiyahan o salo-salo ang mga sinaunang tao D. Nagsasagawa ng ritwal o seremonya sa mga espiritu ng kalikasan upang humingi ng gabay B. ______4. Ang paglalagay ng tato sa katawan noong unang panahon ay sumisimbolo ng kagitingan at kagandahan ng mga sinaunang Pilipino, ano ang tawag sa pamamaraang ito? A. Pagbuburda B. Pagbabatok C. Paglalala D. Pangangayaw D. 5. Paano inihahanda ng mga sinaunang tao ang kanilang yumao para sa kabilang buhay? A. Ang bangkay ay nililinis at agad inililibing. B. Ang bangkay ay inilalagay agad sa tapayan. C. Ang yumao ay dinarasalan ng siyam na araw bago ilibing. D. Sa pamamagitan ng paglilinis, pagpapahid ng langis, at pagbibihis ng magagarang kasuotan sa bangkay. A. 6. Saan ginamit ng mga sinaunang Pilipino ang sasakyang pandagat na Karakoa? A. Pakikipagdimaan C. Pakikipagkalakalan B. Pamamasyal D. Panahanan B. ______7. Ang mga sumusunod ay sinaunang kasuotan ng mga kalalakihan, ano ang HINDI kabilang? A. Bahag B. Patadyong C. Kangan D. Putong B. 8. Ano ang tawag sa sinaunang instrumento ng mga katutubo na gawa sa sungay ng kalabaw? A. Kaleleng B. Tambuli C . Gangsa D. Pluta D. 9. Kadalasan ang kalikasan ang naging inspirasyon sa paggawa ng sayaw ng mga sinaunag Pilipino. Saan nila hinango ang sayaw na tinikling? A. Sa galaw ng mga halaman C. Sa agos ng mga tubig sa batis B. Sa pagbukas ng mga bulaklak D. Sa galaw ng ibong tikling C. 10. Ano ang tawag sa paraan ng pamumuhay ng mga tao kabilang na ang paniniwala,
  • 11. 11 kaugalian, musika, relihiyon, at pagpapahalaga? A. Ritwal B. Pamahiin C. Kultura D. Angkan
  • 12. 12 Karagdagang Gawain Gawain 4: Opinyon o Katotohanan. Panuto: Isulat ang O kung ito ay opinyon at K kung ito ay katotohanan. K 1. Ang mga sinaunang Pilipino ay may paniniwala na ang mga bagay sa kalikasan ay banal at may kaluluwa. O 2. Ang mga sinaunang kalalakihan ay naglalagay ng tato sa buong katawan dahil sa paniniwalang ito ay maganda sa paningin. O 3. Pinababaunan ng mga sinaunang Pilipino ang mga yumao ng mga kasangkapan tulad ng seramika at mga palamuti upang ito daw ay may magamit sa kabilang buhay. K 4. Ang kaalaman ng mga sinaunang Pilipino sa paggawa ng bangka at paglalayag ang nakatulong sa kanila upang makakuha ng mga impormasyon at makipagkalakalan sa ibang bansa. K 5. May iba’t-ibang awit at sayaw ang mga sinaunang Pilipino sa kanilang pang araw- araw na gawain gayundin sa mahahalagang pagdiriwang at mga ritwal. Gawain 5 Pagbuo ng Pangako Panuto: Sa panahon ngayon, marami na ang naging pagbabago sa paraan ng pamumuhay ng mga Pilipino dahil sa pag-usbong ng makabagong teknolohiya. Bilang kabataan, paano mo mapapanatiling buhay ang mga tradisyon at kultura na pamana ng ating mga ninuno sa kabila ng modernisasyon? Ano- ano ang iyong gagawin? Paano mo ito isasagawa?. Ako Bilang Tagapagpanatili ng Kultura Ano-ano ang Aking mga Gagawin? Paano Ko Ito Isasagawa? Pananamit ng tama sa pamamagitan ng pagsusuot ng tamang damit bilang isang babae. Pagrespeto sa matatanda sa pamamagitan ng pagmamano sa mga nakakatanda sa amin. Pagtulong sa mga magulang sa pamamagitan ng pagtulong sa mga gawaing bahay. Pagrespeto sa mga namayapa sa pamamagitan ng pag aalay ng dasal sa kanilang anibersaryo ng pagkamatay.
  • 13. 13 Ano-ano ang ipinapakita sa mga larawan? Ano ang kaugnayan ng mga larawan sa mga sinaunang Pilipino? Bakit kinailangan ng mga sinaunang Pilipino ang mga bagay na ito? Paano naging mahalaga ang mga bagay na ito sa mga sinaunang Pilipino?
  • 14. Aralin 6 Sosyo Kultural na Pamumuhay ng mga Sinaunang Pilipino Sa araling ito matutuhan na ang sinaunang Pilipino bago pa dumating ang mga mananakop na Espanyol ay mayroon ng maunlad na kabihasnan. Ang kabihasnang ito ng mga sinaunang Pilipino ay makikita sa kanilang sosyo- kultural na pamumuhay. Ang modyul na ito ay pagpatuloy ng mga aspeto ng sosyo kultural na pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino. Subukin Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong. Piliin ang titik ng wastong sagot. B.15 1. Ilan ang titik ng alpabeto ng mga sinaunang Pilipino? A. 14 B. 15 C. 16 D. 17 ___ A.Alibata 2. Ano ang tawag sa paraan ng pagsulat ng mga sinaunang Pilipino? A. Alibata B. Baybayin C. Hiroglipiko D. Sanskrito _C.Mahalika 3. Anong pangkat ng tao sa lipunan ng sinaunang Pilipino ang pinakamataas? A. Alipin B. Ayuey C. Maharlika D. Timawa _C.Magulang 4. Sino ang nagsisilbing guro ng mga bata sa panahon ng mga sinaunang Pilipino? A. Babaylan B. Katalonan C. Magulang D. Prayle _A.Alamat 5. Ano ang tawag sa uri ng panitikan na tumatalakay sa kabayanihan ng isang tao na naglalaman ng mga pangyayari ng kababalaghan? A. Alamat B. Epiko C. Pabula D. Parabula A. 6. Bakit hindi pormal ang tawag sa sistema ng edukasyon ng mga sinaunang Pilipino? A. Mga magulang ang nagsisilbing guro sa kanilang mga anak
  • 15. B. Mayroong tiyak na araw at oras ang pag-aaral ng mga mag-aaral C. May mga paaralan kung saan pumapasok ang mga mag-aaral upang matuto D. Mayroong mga pamantasan na siyang lugar kung saan itinuturo ang iba’t ibang kasanayan _ A. 7. Sina Jay at Joey ay parehong alipin. Subalit si Jay ay mayroong sariling tirahan na inuuwian at iba pang ari-arian. Si Joey naman ay walang kahit na anong pagmamay-ari. Bakit mayroong pagmamay-ari si Jay sa kabila na pareho naman silang alipin. A. Si Jay ay masipag at matiyaga kaysa kay Joey B. Si Jay ay nagsumikap upang magkaroon ng mga pagmamay-ari C. Si Jay ay isang aliping namamahay na pinahihintulutang makapagmay-ari D. Si Jay ay isang huwaran ng kagandahang asal sa kanilang pamayanan kaya siya ay mayroong ari-arian ____D. 8. Bakit itinuturo ang mga kasanayan tulad ng pagsasaka, pangingisda at pagmimina sa mga batang lalaki? A. Upang ihanda sa pagiging isang datu B. Upang maging huwaran sa kanyang pamayanan C. Upang ihanda sa paglilingkod sa kanyang barangay D. Upang ihanda sa pagiging mabuting tagapagtaguyod ng pamilya ______A. 9. Alin sa sumusunod ang halimbawa ng epiko? A. Biag ni Lam-ang C. Ang Pagong At Unggoy B. Florante at Laura D. Malakas at Maganda ______A. 10. Paano ipinakita ng mga sinaunang Pilipino ang pagpapahalaga sa mga kababaihan? A. Tagasunod sa bawat utos at nais ng kaniyang asawa B. Pinahihintulutang lumahok sa mga welga, protesta at pansibikong gawain C. Maaaring makilahok sa halalan at manungkulan bilang pinuno ng pamahalaan D. Maaaring maging isang datu, makilahok sa kalakalan, mamuno sa mga rituwal Balikan Sa nakaraang modyul ay tinalakay ang ibang bahagi ng sosyo-kultural na pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino tulad ng pagsamba, pagbabatok/pagbabatik , paglilibing, paggawa ng bangka, pagpapalamuti at pagdaraosng pagdiriwang. Muli nating balikan ang ilang detalye sa nakaraangmodyul tungkol sa sosyo kultural na pamumuhay na mga sinaunang Pilipino, sa pamamagitan ng pagsagot ng gawain sa ibaba. Panuto: Punan ang patlang ng wastong sagot upang mabuo ang kaisipang ipinapahayag na hango sa binasa. 1. Pinamumunuan ng baybaylan ang mga ritwal at pag-aalay sa panahon ng unang Pilipino. 2. Naniniwala ang mga sinaunang Pilipino sa isang makapangyarihang diyos na tinatawag nilang Bathala. . 3. Ang Animismo ay paniniwala na ang lahat ng bagay sa kapaligiran ay mayroong
  • 16. 3 kaluluwa o espiritu. 4. Ang sining ng Pagbabatok ay bahagi ng kulturang Pilipino kung saan ang balat ay minamarkahan ng iba’t ibang disenyo at simbolo, sa kalalakihan inilalagay ito bilang simbolo ng tagumpay sa digmaan, sa kababaihan ito ay simbolo ng kagandahan at kayamanan. 5.Inilalagay ng mga sinaunang Pilipino sa isang ang mga yumao sa paniniwalang ang tapayan ay maglalakbay papunta sa kabilang buhay. Tuklasin Panuto: Suriin ang mga larawan. Ito ay mga bagay na may kaugnayan sa kabihasnan ng mga sinaunang Pilipino. https://www.flickr.com/photos/dinesh_valke/533070367 http://www.photo4design.com/stock-photo-lined-up-banana-leaves- 2343#.XuYZLEUzbIU Ano - ano ang ipinapakita sa mga larawan? - Alibata. Ano ang kaugnayan ng mga larawan sa mga sinaunang Pilipino? - Dahil gusto nilang matuto. Bakit kinailangan ng mga sinaunang Pilipino ang mga bagay na ito? - Para matuto silang magbasa at makipag-usap. Paano naging mahalaga ang mga bagay na ito sa mga sinaunang Pilipino? - Sa pamamagitan nito madaling nagkakaintindihanang mga sinaunang Pilipino at naipapahayag nila ang kanilang mga saloobin. https://en.m.wikipedia.org/wi ki/File:Baybayin_alpha.jpg
  • 17. 4 Suriin Ang mga Pilipino bago pa man dumating ang mga Espanyol ay namumuhay na ng sama-sama sa isang pamayanan. Sa mga pamayanang ito namumuhay ng tahimik at matiwasay ang mga sinaunang Pilipino. May mga pamayanan na makikita sa kapatagan, sa kabundukan, sa mga baybaying dagat at ilog. Sa mga pamayanan din na ito umusbong ang isang kabihasnang natatangi sa iba pang nasyon sa mundo na may natatanging sosyo kultural na pamumuhay. Edukasyon Ang edukasyon ay lubhang mahalaga sa bawat tao, sa pamamagitan nito natututuhan ang iba’t ibang kasanayan at kaalaman. Ito ang nagiging daan upang ang isang mamamayan ay maging produktibo at maging kaagapay ng kanyang pamayanan sa pagpapaunlad ng kabuhayan. Ang mga sinaunang Pilipino ay kinakitaan ng mataasna pagpapahalaga sa edukasyon. Ang mga mamamayan ay tinuturuang bumasa, sumulat, bumilang at tungkol sa relihiyon. Hindi pormal ang edukasyon ng mga sinaunang Pilipino sa kadahilanang walang mga paaralan kung saan nagtutungo ang mag-aaralupang matuto at guro na magtuturo sa kanila ng iba’t ibang kaalaman at kasanayan. Subalit may mga nakasulat na sa ibang panig ng Pilipinas partikular sa Panay ay mayroong mga Bothoan kung saan ang mga bata ay tinuturuan na bumasa, sumulat, bumilang, paghawak ng sandata at anting-anting o agimat sa ilalim ng pagsasanay ng isang nakatatanda na nagsisilbing guro. Kadalasan ang pagkatuto ay nagaganap sa loob ng kani-kanilang tahanan. Ang mga magulang ang nagsisilbing guro sa kanilang mga anak. Ang batang lalaki ay tinuturuan ng pagsasaka, pangingisda, pangangaso, pagmimina, paglalayag at paggamit ng sandata upang kaniyang magampanan ang kanyang tungkulin sa kayang pamilya at tribu sa hinaharap. Sa kabilang dako, ang batang babae ay tinuturuan ng pagluluto, paghahabi, pananahi at paghahayupang upang maging isang mabuting ina at asawa sa hinaharap. Mayroon ding sariling pamamaraan ng pagbasa at pagsulat ang mga sinaunang Pilipino, ito ang baybayin na binubuo ng tatlong patinig at labing-apat na katinig. Ayon sa mga mananalaysay ang baybayin ay mayroong tuldok at kuwit upang maipakita ang pagbabago sa pagbigkas, halimbawa kapag ang tuldok o kuwit ay nasa ibabaw ng titik, ang bigkas ay nasa tunog na e o i (ke o ki) at kapag ang tuldok o kuwit ay nasa ilalim ng titik ang tunog ng bigkas ay o o u (ko o ku). Sa pamamagitan nito madaling nagkakaintindihan ang mga sinaunang Pilipino at naipapahayag nila ang kanilang mga saloobin. Ang baybayin ay isang sistema ng pagsulat na ginamit ng mga taga Timog-Silangang Asya. Ayon sa mga nakatala, halos lahat ng mga katutubong Pilipino ay marunong bumasa at sumulat. Ang paraan ng pagsulat ay mula sa itaas pababa at mula sa kaliwa ang kasunod na linya ay kanan. Nagsisilbing sulatan ang malapad na dahon, malapad na balat ng punongkahoy at buho, samantalang ang kanilang ginagamit na pansulat ay pinatulis na patpat at bakal.
  • 18. 5 Ang panitikan ng sinaunang Pilipino ay mayroong dalawang uri; ang nakasulat at hindi nakasulat o pagsasaling-bibig/dila. Ang mga nakasulat na uri ng panitikan ay binubuo ng mga tula at dula. Ang mga sinaunang Pilipino ay sinasabing mahuhusay sa pagsulat ng tula at mga dula na patula. Ang dula ay ipinapalabas sa mga liwasan o sa mga lugar na may malawak na espasyo at sa malalawak na bakuran ng datu at raha. Ang pagtatanghal ng dula ay mayroong kasabay na musika at sayaw. Ang paksa ay tungkol sa pag-ibig, digmaan, alamat at bilang pag-alala sa mga kapamilya na pumanaw na. Ang pagbati,karagatan,tagayan,pananapatan, sabalan at tibaw ay ilan sa mga uri ng dula noon. Ang dula na itinatanghal para sa pasiyam ng mga yumao ay tinatawag na tibaw. Kabilang ang epiko sa mga nakasulat na panitikan, ito ay uri ng panitikan na matatagpuan sa iba’t-ibang grupong etniko. Ito ay tumatalakay sa kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban sa mga kaawayna halos hindi mapaniwalaan dahil may mga kababalaghan na mga pangyayari sa kwento. Ang ilan sa halimbawa ng epiko ay Biag ni Lam-ang ng Ilocos, Hinilawod ng Panay at ang Darangan ng mga Maranao. Ang mga hindi nakasulat o pasalita na uri ng panitikan ay karaniwang patula at hango sa karanasan. Binubuo ito ng mga kuwentong bayan, alamat, kasabihan o salawikain, at awitin. Ang halimbawa ng awitin ay ang kumintang, tagumpay, ihiman, talindaw, uyayi o hele at kutang-kutang. Ang kumintang ay isang uring sayaw at awit na pandigma noong una subalit sa pagdaan ng panahon ito ay naging awit ng pag- ibig. Ang tagumpay ay isang awit ng digmaan. Ang ihiman ay awit kapag mayroong ikinakasal. Ang talindaw ay awit para sa pamamangka samantalang ang oyayi o hele ay tugma at awit para sa pagpapatulog ng sanggol. Ang kutang-kutang ay isang uri ng sayaw at awit na kung minsan ay nagpapatawa. Ang kasabihano salawikainaybinubuo ng mga salitang matalinghaga, maigsi at patula at may nakatagong kahulugan (ay maigsi at patula, ito ay mula sa karanasanng bawattao) Halimbawa nito ay“kapag maiksi(makitid)angkumot,matutongmamaluktot” na nangangahulugang kailangan magtiis. Samantala, ang sawikain ay idyomatikong salita gaya ng :”nagsusunog ng kilay” na ang ibig sabihin ay nag-aaral. Ang bugtong ay may pagkakatulad sa isang palaisipan; halimbawa nito ay “Isang balong malalim, punong-puno ng patalim”(sagot:bibig). Ang kuwentong bayan ay tumutukoy sa uri ng panitikan ng ating mga ninuno na nagpasalin- salin at kadalasan ay hindi na nakikilala ang orihinal na may- akda nito. Nagpalipat-lipat sa bibig ng mga tao kung kaya’t sa paglipas ng panahon, ito ay nagkaroon ng iba’t-ibang bersyon. Ang ilan sa halimbawa ng kwentong bayan ay; Ang Punong Kawayan,Kung Bakit Kayumanggi ang mga Pilipino Panitikan
  • 19. 6 at Ang Kalabasa at ang Duhat. Ang alamat ay tumutukoy sa uri ng panitikan na naglalaman ng tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa mundo. Kung minsan nagsasalaysay ito ng mga pangyayari hinggil sa tunay na mga tao at lugar. Tumatalakay din ito sa mga katutubong kultura, kaugalian at kapaligiran. Madalas, ito ay kathang-isip na nagpasalin-salin buhat sa ating mga ninuno. Ang ilan sa halimbawa ng alamat ay; Alamat ng Ampalaya, Alamat ng Butiki, Alamat ng Makahiya at Alamat ng Pilipinas. Pangkat sa Lipunan Ang pangkat ng tao sa lipunan ng sinaunang Pilipio ay inuuri batay sa sumusunod; ang Maharlika, Timawa at ang Alipin. Ang mga maharlika ay pangunahing mamamayan, kinabibilangan ito ng datu, raja at sultan, ang kanilang asawa na tinatawag na dayang o dayang-dayang at lakambini, sampu ng kanilang mga kapamilya at kamag-anak. Ang katawagang Gat o Lakan ay katibayan ng paggalang at pagkilala sa kanila. Tinatamasa nila ang mga karapatan tulad ng; hindi pagbabayad ng buwis, pagmamay-ari ng malalawak na lupain at pagkakaroon ng mga alipin. Hanggang sa kasalukuyang panahon, mapapansin na ang Gat o Lakan ay nakadikit sa mga apelyedo ng tao gaya halimbawa ng Gatdula, Gatchalian, Lakandula at Lacanilao. Ang sumunod na pangkat ng tao sa lipunan ay ang timawa o malalayang tao. Kinabibilangan sila ng mga mangangalakal, mandirigma, malalayang tao at naging malayang tao mula sa pagkaalipin. Mayroon silang kalayaan at karapatan. Hindi rin sila nagbabayad ng buwis ngunit katulong sila ng datu sa digmaan at pamamahala sa mga lupain. Ang ikatlong pangkat at pinakamababang antas ay ang alipin. Mayrong dalawang uri ng alipin; ang aliping namamahay at aliping saguiguilid. Ang aliping namamahay ay mayrong sariling lupa at iba pang pagmamay-ari, naglilingkod lamang sa panahon na ipatawag at kailanganin ng kanyang pinaglilingkuran. Samantala, ang aliping saguiguilid ay walang anumang pagmamay-ari at naninirahan sa kanyang pinaglilingkurang panginoon. Sa kabisayaan ang alipin ay tinatawag na oripun, ito ay mayroong tatlong uri; ang tumataban, tumarampuk at ayuey. Ang tumataban ay naglilingkod sa panahon na mayroong pagtitipon sa tirahan ng datu. Ang tumarampuk ay naglilingkod isang beses sa isang lingo at maaaring magbayad kapalit ng kanyang paninilbihan. Ang pinakahuli sa uri ng oripun ay ang ayuey. Siya ay nagsisilbi sa datu hangga’t kailangan. Nagiging alipin ang isang tao kung siya ay nabihag sa digmaan, nagkasala sa batas, kung hindi nagawang magbayad sa kanyang pinagkakautangan at kapag ipinanganak na alipin. Sa kabilang dako maaaring lumaya sa pagiging alipin kapag binayaran niya ang kanyang panginoon upang lumaya, magpamalas ng kabayanihan sa panahon ng digmaan at siya ay palayain ng kanyang panginoon
  • 20. 7 Katayuan ng mga Kababaihan Sa lipunan ng mga sinaunang Pilipino ay mababakas ang mataas na pagpapahalaga sa mga kababaihan. Ang mga lalaki ay nakahandang ipagtanggol mula sa kapahamakan ang mga babae. Isang kalapastangan kapag ang isang lalaki ay nauunang lumakad kaysa sa mga babae. Ang kanilang mga karapatan at tungkulin ay kapantay ng mga lalaki. Sa tahanan, iginagalang ang ina bagama’t naroroon ang haligi ng tahanan, ang ama. Ang kababaihan ay pinahihintulutang makipagkalakalan at magkaroon ng ari-arian upang makatulong sa kanyang asawa. Ang mga kababaihan ang nagsisilbing pinunong espirituwal ng mga sinaunang Pilipino. Ang mga katalonan (sa mga tagalog) at babaylan (sa Kabisayaan)ang namumuno sa mga rituwal at pagsamba. Sila ay nagsisilbing tagapag-ugnay sa pagitan ng mga tao,diyos atdiyosa. Idinadalangin nila ang lunas mula sa iba’t ibang karamdaman.Kung walang anak na lalaki, maaaring maging datu ang anak na babae. Isa pa sa kanilang natatanging karapatan ay ang pagbibigay ng pangalan sa kaniyang anak. Hindi mapapasubalian na napakaunlad ng sinaunang kabihasnang Pilipino bago pa man dumating ang mga mananakop na Espanyol. Pinatunayan ito sa pamamagitan ng kanilang sistema ng edukasyon, pagsulat at pagbasa at ang napakayamang panitikan, na maging sa kasalukuyang panahon ay bahagi pa rin sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mga Pilipino. Pagyamanin Gawain 2: Tukuyin Mo! Panuto: Punan ang patlang ng wastong sagot upang mabuo ang kaisipang ipinapahayag na hango sa binasa. 1. Tinatawag na “kumintang” ang sayaw at awit,na noong una ay awit pandigma subalit sa pagdaan ng panahon ito ay naging awit ng pag-ibig. 2. Ang “Alibata” ay tumutukoy sa paraan ng pagbasa at pagsulat ng mga sinaunang
  • 21. 8 Pilipino. 3. Ang “Dula” ay itinatanghal sa mga lugar na mayroong malalawak na espasyo. 4. Sa panahon ng mga sinaunang Pilipino walang pormal na edukasyon kaya ang “mga magulang nagsisilbing guro ng mga bata ay kanilang mga . 5. Ang sistema ng edukasyon sa panahon ng sinaunang Pilipino ay .”Edukasyong di pormal “ 6. Ang “Alamat” ay tumutukoy sa uri ng panitikan na naglalaman ng tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa mundo. 7. Itinatanghal ang sa pasiyam ng mga yumao. 8. Isa sa halimbawa ng panitikang hindi nakasulat ang “Bugtong” na may pagkakatulad sa palaisipan. 9. Binubuo ang “Kasabihan o Salawikain” ng mga salitang matalinghaga, maigsi at patula na may nakatagong kahulugan 10. Ang panitikan ng mga sinaunang Pilipino ay maaaring “hindi nakasulat “at nakasulat. Gawain 3: Ihambing Mo! Panuto: Ihambing ang sistema ng edukasyon sa panahon ng mga sinaunang Pilipino at sa kasalukuyan gamit ang Venn Diagram sa ibaba. Gawain 4: Itala Mo! Panuto: Punan ang talahanayan kung ano ang natutuhan mo tungkol sa kabihasnan ng mga
  • 22. 9 sinaunang Pilipino. Kabihasnan ng mga Sinaunang Pilipino Edukasyon Panitikan Sistema ng Pagbasa at pagsulat Pangkat sa Lipunan Kalagayan ng mga Kababaihan sa Lipunan Isaisip Angmga sinaunangPilipinobagodumatingangmgaEspanyol ay mayroonng maunladna kabihasnan. May mataasna pagpapahalagasa edukasyonatsarilingparaanng pagbasa at pagsulatna tinatawagna baybayin. Angbaybayinay binubuongtatlong patinigat labing-apatnakatinig. Mayroong maunladnapanitikannanagpapakitang kanilangtaglayna talino. AngpanitikanngmgasinaunangPilipinoaymaydalawanguri.Itoay; nakasulatat hindi nakasulatopagsasaling- bibig/dila Angpangkat ng tao sa lipunanaykinabibilanganmaharlika,timawa at alipin. Angmga sinaunanglipunangPilipinoaymaymataasna pagpapahalagasa kababaihan, silaay itinuturingnakapantay ngmga lalaki.
  • 23. 10 Isagawa Gawain 5: Lumikha Ka! Panuto: Basahin at unawain ang bawat panuntunan, upang maisagawa ng mabuti ang hinihingi sa bawat bilang. Isulat sa kahon sa ibaba ang mga kasagutan. Maaaring humingi ng tulong sa magulang o nakatatanda sa pagsagot nito 1. Isulat ang iyong pangalan gamit ang baybayin. Isulat din ang pangalan ng iyong magulang at kapatid. 2. Magbigay ng isang halimbawa ng bugtong. Kaisa-isang Plato , Kita sa buong mundo Sagot:Buwan 3. Magbigay ng halimbawa ng salawikain at ipaliwanag ito. Kapag binato ka ng bato , Batuhin mo ng tinapay. Kahulugan:Huwag mong sabayan ang galit ng iyong mga kaaaway.
  • 24. 11 4.Sumulat ng isang alamat. Gawin ito sa 7-10 pangungusap. I I ALAMAT NG PARU - PARO Noong unang panahon, may magkapatid na ulila na naninirahan sa baryo sa Laguna. Ito ay sina “Amparo” na ang palayaw ay “Paro” at ang nakababatang kapatid naman ni Paro ay si “Perla”.Pagtitinda ng bulaklak ang kanilang ikinabubuhay.Magkaiba ang ugali nila, si Paro ay tamad at walang kinagigiliwang gawin kundi ang lumapit sa mga bulaklak at amuyin ito.Samantalang si Perla ay masipag at masinop sa kabuhayan.Isang araw ay naubos na ang pasensya ni Perla at nagalit kay Paro na laging nagrereklamo sa kanilang ulam.Sabay nanaog at pumitas ng halaman sa hardin at nagtuloy sa ilog upang pagmasdan ang bulaklak sa kanyang buhok. Pagdukwang nya ay nahulog siya sa ilog.Sa pag-aalala pala sa kapatid ay sumunod si Perla at kitang-kita niya nang mahulog sya sa ilog.Sumigaw ng malakas si Perla “Paro!Paro!” ,marami ang nakarinig at tinulungan sya ngunit walang Paro silang nakita.Hinahanap parin ng mga atao si Paro at biglang may isang bulaklak ang lumutang sa kinahulugan ni Paro. Unti-unti itong gumalaw at unti-unting umusbong ang pakpak na may iba’t ibang kulay.Kinutuban si Perla at nasambit niya ang katagang “Paro!Paro!”.Simula noon, ang maganda at makulay na munting nilikha ay tinawag ng mga tao na “Paru-paro”. Tayahin Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot. 1. A.3 Ilan ang patinig sa mga titik ng alpabeto ng mga sinaunang Pilipino? A.3 B. 4 C. 14 D. 17 2.A.Alibata Ano ang tawag sa paraan ng pagsulat at pagbasa ng mga unang Pilipino? A.Alibata B. Baybayin C. Hiroglipiko D. Sanskrito 3.B.Magulang Sino ang nagsisilbing guro sa mga bata sa panahon ng mga sinaunang Pilipino? A.Babaylan B. Magulang C. Pari D. Propesor 4.A.Alamat Ano ang uri ng panitikan na naglalaman ng tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay- bagay sa mundo. A.Alamat B. Epiko C. Pabula D. Parabula 5. D. .Bakit hindi pormal ang tawag sa sistema ng edukasyon ng mga sinaunang Pilipino? A.Mayroong tiyak na araw at oras ang pag-aaralng mga bata B.Ang mga magulang ang nagsisilbing guro sa kanilang mga anak C.May mga paaralan kung saan pumapasok ang mga mag-aaral upang matuto D.Mayroong mga pamantasan na siyang lugar kung saan itinuturo ang iba’t ibang kasanayan
  • 25. 12 5. D. Sina John at Michael ay parehong alipin. Subalit si John ay mayroong sariling tirahan na inuuwian at lupang binubungkal. Sa kabilang dako, si Michael naman ay walang kahit na anong pagmamay- ari. Bakit walang pagmamay-ari si Michael sa kabila na pareho silang alipin ni John? A.Si John ay mas masipag at matiyaga kaysa kay Michael B.Si John ay nagsumikap upang magkaroon ng mga pagmamay-ari C.Si Michael ay isang aliping saguiguilid na walang karapatang magmay-ari D.Si John ay isang huwaran ng kagandahang asal sa kanilang pamayanan kaya siya ay mayroong ari-arian 6. C. Bakit itinuturo ang mga kasanayan tulad ng pananahi, pagluluto at paghahabi sa mga batang babae? A.Upang ihanda sa pagiging isang datu B.Upang maging huwaran sa kanyang pamayanan C.Upang ihanda sa pagiging mabuting ina at asawa D.Upang ihanda sa paglilingkod sa kanyang barangay 7. D. Paano nagkaiba ang panitikan ng mga sinaunang Pilipino sa kasalukuyan? A.Nakasulat sa mga aklat B.Binibigkas ng umaluhokan C.Nakalathala ito sa mga pahayagan ang sinaunang panitikan D.Maaring nakasulat at pagsasaling-bibig o hindi nakasulat ang sinaunang panitikan 8. C. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pagpapahalaga sa edukasyon? A.Nag-aaralsa takot na mapagalitan ng mga magulang B.Pumapasok sa paaralan upang magkaroon ng mga kalaro C.Nagsusumikap sa pag-aaralsa kabila ng kahirapan sa buhay D.Pumapasok sa paaralan araw-araw upang makita ang mga kaibigan 9. B. Paano pinahahalagahan ang mga kababaihan sa kasalukuyan? A.Sila ay tagapagsilbi sa mga simbahan B.Pinanatili sa kanilang tahanan upang mag-alaga sa kanilang mga anak C.Hindi pinapayagang lumahok sa mga gawaing makakabuti sa pamayanan D.Mayroong batas na ipinatupad upang pangalagaan ang kanilang karapatan at kaligtas an mula sa karahasan
  • 26. 13 Aralin 7 Politikal na Pamumuhay ng mga Sinaunang Tao Alam ba ninyo na bago pa dumating ang mga dayuhan sa Pilipinas ay may sarili ng sistema ng pamamahala ang mga sinaunang Pilipino? Mapapansin ito sa kanilang lipunan na may maayos at payak na pamumuhay. Ang sinaunang pamahalaang Pilipino ay tinawag na barangay at ang pamahalaan naman ng mga Muslim ay sultanato. Upang mapanatili ang maayos na pamamahala sa pamahalaang barangay ay may mga batas silang ipinatutupad. Sa modyul na ito ipaliliwanag kung paano ang paggawa at pagpapatupad ng mga batas sa pamahalaang barangay gayundin ang batayan ng batas sa pamahalaang sultanato. Tatalakayin din ang pakikipag-ugnayan ng mga barangay sa isa’t isa. Balikan Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bawat bilang. 1. Ano ang tawag sa paniniwala ng mga sinaunang Pilipino na ang mga bagay sa kalikasan ay banal at may kaluluwa? A. Kristiyanismo B. Islam C. Paganismo D. Animismo 2. Ano ang tawag sa tagapamagitan sa mundo ng tao at mundo ng diyos sa sinaunang Pilipino? A. Bathala B. Babaylan C. Diwata D. Anito 3. Ano ang tawag sa pagtatato noong unang panahon na simbolo ng kagitingan at kagandahan? A. Pagbuburda B. Pagbabatok C. Paglalala D. Pangangayaw
  • 27. 14 4. Paano inihahanda ng mga sinaunang tao ang kanilang yumao para sa kabilang buhay? A. Ang bangkay ay nililinis at agad inililibing. B. Ang yumao ay dinadasalan ng siyam na araw bago ilibing. C. Ang bangkay ay inilalagay agad sa tapayan. D. Sa pamamagitan ng paglilinis, paglalangis, at pagbibihis ng magagarang kasuotan sa bangkay. 5. Paano nakikilala ang mga magigiting at malalakas na mandirigma sa sinaunang Pilipino? A. Sa bilang o dami ng napatay B. Pagkakaroon ng maraming sandata C. Batay sa kulay ng kanilang kasuotan D. Pagkakaroon ng tatto o permanenteng marka sa katawan
  • 28. 15 Tuklasin Panuto: Ano ang mga nasa larawan? Tukuyin at isulat ang iyong sagot sa ilalim na linya nito. 1. 2. 3. Suriin Politikal na Pamumuhay ng mga Sinauanang Pilipino Ang sistema ng pamahalaan noon ay nagpapatupad ng mga batas upang magkaroon ng kaayusan at kapayapaan sa kanilang mga pamayanan. Ang pagpapatupad sa mga batas na ito ay nakaatangsa balikat ng kanilang mga pinuno, gayundin din ang pangangasiwa sa kanilang kabuhayan. May dalawang uri ng pamahalaan ang umiiral sa sinaunang panahon sa Pilipinas ito ay ang barangay at sultanato. Pamahalaang Barangay Ang salitang barangay ay mula sa salitang balangay na isang sasakyang pandagat o bangka na ginamit noon ng mga sinaunang Pilipinong mula sa kapatagan. Ang Anokaya ang kaugnayanng mga larawanna itosa atingaralin?Halina’ttuklasinnatin!
  • 29. 16 barangay ay isang yunit pampolitika, panlipunan, at pangkabuhayan sa panahon ng sinaunang Pilipino, ito ay lumaganap sa mga pamayanan httpswww.google.comsearchq=pamahalaang+barangay+ng+sinaunang+pilipino&tbm=isch&hl=en&chips=qpamahalaan
  • 30. 17 ng Luzon at Visayas. May mga pagkakataon din na nagbubuklud-buklod ang mga barangay at bumubuo ng kanilang mga alyansa. Madalas na ang bawat barangay ay binubuo ng 30 – 100 pamilya. Ang Datu. Ang datu ang pinuno at kinikilalang pinakamalakas, pinakamatapang at pinakamayamang lalaki sa barangay at raha o lakan naman ang tawag sa namumuno sa mas malaking barangay. Ang pagiging datu ay natatamo sa pamamagitan ng mana, karunungan, kayamanan, kapangyarihang pisikal, pagkakamag-anak o gulang. Ang datu ay may tungkuling tagapagpaganap, tagapagbatas, tagahukom at bilang punong militar. Nakasalalay sa kanya ang kapakanan ng buong barangay na magpatupad ng batas at ipagtanggol ang kaniyang nasasakupanlaban sa mga kaaway tuwing may digmaan. Mayroon din siyang lupon ng mga tagapayo sa mga bagay na may kinalaman sa batas, kaugaliang panlipunan, diplomasya at pakikidigma na tinatawag ding Kalipunan ng mga Matatanda. Batas sa Barangay. Ang mga batas ang nagtatakda ng mga dapat at di- dapat gawin. Ang mga batas ang naging patnubay o gabay ng mga tao sa pakikisalamuha sa ibang tao sa barangay na kanyang kinabibilangan at pati na rin sa ibang barangay. May dalawang uri ng batas ang umiiral sa barangay noon ang batas na hindi nakasulat at ang batas na nakasulat. Ang mga batas na hindi nakasulat ay batay sa kanilang kaugalian at tradisyon na nagpasalin-salin na sa kanilang henerasyon. Ang mga batas na nakasulat ay mula sa mga pag-uutos na ginawa ng datu kasama ang lupon ng matatanda sa barangay na nagsisilbing kaniyang tagapayo. Nakapaloob sa mga nakasulat na batas ang mga usapin tungkol sa diborsyo, krimen, pagmamay-ari ng mga ari-arian, at iba pa. Ang mga nakasulat na batas na napagtibay ay ipinagbibigay – alam sa isang pagtitipon sa pamamagitan ng isang umalohokan o tagapagbalita. May dala – dala siyang tambuli habang lumilibot sa isang barangay. Sa Visayas ang isang umalohokan ay may mahalagang bagay din na ginagampanan dahil sa paghalal ng datu sa kanya tuwing may malalaking awayna dapat ayusin. Siya ang naglilitis hanggang magkasundo ang mga nagkaalitan. Kapag natapos na ang gulo, tapos na rin ang trabaho ng isang umalohokan. Ang datu ang nagbibigay ng hatol sa mga pagkakasala ng mga kasapi ng barangay. Dumadaan sa proseso ang pagdinig ng kaso at paglilitis na ginaganap sa harap ng maraming tao. Ang mga saksi ay nanunumpa sa harap ng hukom at itinuturing itong banal o sagrado. Kapag hindi madali ang pagpapasiya sa isang kaso, isinasailalim ang mga akusado sa mga pagsubok dahil naniniwala sila na kakampihan ng mga diyos ang walang sala at paparusahan ang may sala. Ang kaparusahan din ay naaayon sa bigat o gaan ng kasalanan. Mga halimbawa ng magaang at mabigat na kasalanan at maaaring kaparusahan. Magaang na Kasalanan Mabigat na kasalanan ● Pang – uumit ● Pagsisinungaling ● Pandaraya ● Pag – awit sa gabi kung tulog na ang mga tao ● Pagpatay ● Pagnanakaw ● Paglapastangan sa mga kababaihan
  • 31. 18 Maaaring Kaparusahan Maaaring Kaparusahan ● Paglalatigo ● Pagtatali sa punong maraming langgam ● Paglangoy ng walang tigil sa loob ng itinakdang oras ● Pagmumulta ng hindi gaanong malaking halaga ● Pagputol sa ilang bahagi ng katawan (tulad ng daliri sa kamay o ng paa) ● Kamatayan Dahil magkakaiba ang pamamahala sa bawat barangay, sinikap ng mga ito na magkaroon ng pakikipag-ugnayan sa ibang barangay upang mapanatili ang kapayapaan atkatahimikan sa loob atlabas ng barangay. Nakakatulong din ang pakikipag-ugnayan ng bawat barangay sa pakikipagkalakalan ng bawat isa. Sa pamamagitan ng sanduguan ng mga datu napagtibay ang kasunduan ng bawat barangay. Ang Sanduguan ay isinasagawa sa pamamagitan ng paghiwa sa bisig gamit ang punyal o patalim at pagpapatulo ng dugo sa kopang may alak. Iinumin ito ng magkabilang panig ang pinaghalong dugo at alak na ito ay sumisimbolo sa kanilang pagkakaibigan. Pamahalaang Sultanato httpswww.google.comsearchq=pamahalaang+sultanato&tbm=isch&ved=2ahUKEwiwhtiMk53pAhUBEKYKHYa8CIQQ2- cCegQIABAA&oq=pamahalaang+sultanato&gs_lcp=CgNpbWcQAzICCAAyBA gAEBg6BAgAEENQ7KUEWN-EBWDOngVoCXAAeA CAAbQNiAHPZZIBDzAuNS42LjcuMy4 Ang sultanato ay mula sa impluwensiya ng Islam sa katimugang Pilipinas at lumaganap sa ilang bahagi ng bansa. Ang sultanato ay isang sistema ng pamamahala na batay sa katuruan ng Islam na relihiyon ng mga Muslim. Sultan ang tawagsa pinakamataas na pinuno ng sultanato, Si Sharif ul-Hashim o Abu Bakr ang nagtatag ng unang sultanato sa Sulu noong 1450 at sinundan naman ito ni Sharif Kabungsuan noong 1478 sa Mindanao. May itinatag ding sultanato sa Cotabato at Lanao. Ang Sultan. Taglay ng sultan ang pagkakaroon ng angking kayamanan, mataas na bilang ng mga tagasunod at may mahalagang ambag kaugnay sa pagpapahalaga ng lipunan ng Muslim. Ang pagiging sultan ay namamana at ang pinakamahalagang batayan sa pagmana nito ay ang kakayahan ng isang tao na mapatunayang ang kaniyang pinagmulan ay galing sa angkan ni Muhammed. Si Muhammedanghuling propeta attagapagtatagng Islam. Ang tarsilaang nagsasalaysaysa pinagmulan ng lahi ng mga sultan. Pamamahala at Tungkulin ng Sultan. Bilang pinuno ng sultanato ang pangunahing pananagutan ng sultan ay ang kapakanan ng kaniyang mga nasasakupan sa panahon man ng digmaan o kapayapaan. Ang sultan ang nagtatakda at nagpapatupad ng mga batas sa isang sultanato. Ang pasiya ng
  • 32. 19 sultan ay hindi na maaaring mabago pa. Katulong ng sultan sa pagpapatupad ng batas ang Ruma Bichara na nagsisilbing tagapayo na binubuo ng mga makapangyarihan at mayayamang pinuno o datu sa mga pamayanang nasasakupan ng sultanato. Ang Kadi o Kali naman ang tawag sa tagapayong panrelihiyon ng sultan. Bihasa siya sa mga aralng Koran atng Sharia. May iba pang katulong ang sultan sa pamamahala sa kaniyang nasasakupan sila ang mga datu na gumaganap bilang mga gobernador sa mga nasasakupang pulo ng sultan. Maaaring pumalit sa sultan ang kanyang nakababatang kapatid o pamangkin. Pumipili rin siya sa iba pang mga datu, sa mga maykaya o mayayaman, sa mga may sapat na gulang o kaya sa mga may magandang katayuan sa buhay sa lipunan. Rajah Muda ang tawag sa pumapalit na ito sa sultan at Maharajah Adinda naman ang kapalit sa Rajah Muda. Ang batas sa sultanato ay nakabatay sa adat (customary laws), sharia (Islamic law), Qur’ an o Koran banal na aklat ng mga muslim. Ang Adat ay batay sa katutubong kaugalian at tradisyon at mga aralna mula sa Koran. May mga batas ukol sa pag-aasawa,pagmamay-ari ng mga lupain, pagbabayad ng buwis, pagpapamana, kalakalan at krimen laban sa tao at ari-arian. Mahigpit ang pagpapatupad sa mga ito na nangangahulugan na hindi dapat suwayin ang adat upang hindi maparusahan ng kamatayan o pagpapahirap. Ang salita ng sultan ay itinuturing na batas ng sultanato. Walang makasusuway rito. Dahil sa ang sultan ay kinikilala mula sa angkan ni Mohammad, ang pagsuway sa mga utos niya ay itinuturing na pagsuway na rin sa mga aral ng Islam. Ang sultan ang nagsisilbing hukom sa paglilitis sa mga paglabag sa batas at tumatayong kinatawan ng kaniyang mga nasasakupan sa ano mang pakikipag- ugnayan ng sultanato. Siya rin ang tagapagtanggol ng kaniyang nasasakupanat tagapagturo ng mga aral ng Islam. Ating natutunan mula sa modyul 5, 6 at sa modyul na ito na bago pa man dumating ang mga mananakop ay may umiiral ng kaayusang panlipunan at pampolitika sa pamayanan ng mga sinaunang Pilipino na gumabay at humubog sa kanila upang magkaroon ng sarili, masagana at organisadong lipunan. Taglay din ng mga sinaunang Pilipino ang mayaman atnamumukod tanging kultura sa larangan ng kabuhayan, sosyo-kultural at maging sa politika na naisalin hanggang sa kasalukuyang panahon na dapat natin pahalagahan at ipagmalaki. Gayundin ang mga Pilipinong Muslim na may matatag na sistema ng pamahalaang sultanato. Ang mga kontribusyong ito ng mga sinaunang Pilipino ang patunay na ang lahing Pilipino ay may sarili ng pagkakilanlan at may kakayahan na magkaroon ng sarili at masaganang lipunan noon pa man. Pagyamanin Gawain 1 Punan ang kahon. Panuto: Ayusin ang mga titik sa loob ng kahon upang mabuo ang sagot para sa pangungusap. 1. Ito ay isang yunit pampolitika, panlipunan at pangkabuhayan noong sinaunang Pilipino, ito ay tinatawag na .
  • 33. 20 A N G B Y A R A 2. Ito ay maaaring nasusulat o hindi nasusulat na nagsisilbing patnubay ng mga sinaunang Pilipino. Ito ay tumutukoy sa . T S A B A 3. Ang bawat barangay ay pinamumunuan ng isang . T U D A 4. Ang pamahalaan ng mga muslim na nakabatay sa mga aral ng Islam ay tinatawag na . U S L N A T O A T 5. Ang tagapagbalita ng mga batas na napagtibay sa barangay ay tinatawag na . M A O L H K A N U O Gawain 2 Pagkakatulad. Panuto: Isulat sa patlang ang angkop na salita upang mabuo ang pagtutulad. 1. Barangay : Datu :: Sultanato : (Pinuno) 2. Datu : Luzon : : Sultan : (Lugar) 3. Pandaraya : Pagmumulta: : Pagpatay : (Bigat ng kasalanan) 4. Kalipunan ng Matatanda : Barangay : :
  • 34. 21 (Tagapayo) 5. Abu Bakr : Sulu : : : Mindanao (Sultan) : Sultanato Gawain 3 Para sa Akin Panuto: Isulat sa patlang ang sagot upang mabuo ang pangungusap. Para sa akin …… 1. Ang mga batas sa pamahalaang barangay ng mga sinaunang Pilipino ay 2. Ang paraaan ng pagpaparusa at pagsubok na isinasagawa sa mga nagkasala ay sapagkat 3. Ipinatupad ang sistema ng pagbabatas at paghuhukom upang 4. Ang pamahalaang sultanato na nakabatay sa mga aral ng Islam ay 5. Ang sanduguan na isinasagawa ng mga pinuno ng barangay ay Isaisip May pamahalaan na ang mga Pilipino bago pa man dumating ang mga Espanyol. Ito ay ang barangay at sultanato. Ang pamahalaang barangay ay isang yunit pampolitika, panlipunan, at pangkabuhayan sa panahon ng sinaunang Pilipino na pinamumunuan ng isang datu. Ang mga batas na nakasulat at hindi nakasulat ang naging patnubay ng mga tao sa pakikisalamuha sa ibang tao sa barangay na kanyang kinabibilangan at pati na rin sa ibang barangay.
  • 35. 22 Ang pamahalaang sultanato ay isang sistema ng pamamahala na batay sa katuruan ng Islam na relihiyon ng mga Muslim. At ito ay pinamumunuan ng isang sultan. Ang batas sa sultanato ay nakabatay sa Adat (customary laws), Sharia (Islamic law), at Qur’ an o Koran banal na aklat ng mga muslim. Isagawa Panuto: Basahin at sagutan ang ayon sa ipinapagawa. Tulad ng ating mga bayani na sina Lapulapu at Sultan Kudarat may mahalaga silang ginampanan upang mapangalagaan ang kanilang nasasakupan. Ngayon, isang malaking suliranin ang kinakaharap ng bansa at ng buong mundo dahil sa COVID – 19 Pandemic. Kung ikaw ang punong barangay sa inyong lugar sa kasalukuyan alin sa mga sumusunod ang iyong ipatutupad sa barangay na iyong nasasakupan? Iguhit ang hugis puso sa linya ng iyong mga sagot. 1. 2. 3. 4. _ 5. Tayahin Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bawat bilang. 1. Anong sistema ng pamamahala ang nakabatay sa katuruan ng Islam ng mga Muslim at Matapat na ililista ang mga pamilyang karapat-dapat tumanggap ng SAP. Pipiliin lamang ang bibigyan ng “quarantine pass”. Mahigp it na pagsunod sa itinakdang “curfew”. Makikiis a sa mga protesta laban sa pamahalaan. Magbibigay ng ayuda para maiwasan ang paglabas-labasng mga tao.
  • 36. 23 pinamumunuan ng isang sultan? A. Sentral B. Komonwelt C. Sultanato D. Barangay 2. Ano ang tawag sa sinaunang pamahalaan ng mga Pilipino na pinamumunuan ng isang datu? A. Barangay B. Sentral C. Kolonyalismo D. Sultanato 3. Ano ang tawag sa tagapayong panrelihiyon ng sultan? A. Kadi B. Banda Hara C. Pahar Lawan D. Amir Bahar 4. Sino ang nagtatakda at nagpapatupad ng mga batas sa isang sultanato at ang pasiya niya ay hindi na maaaring mabago pa? A. Datu B. Timawa C. Sultan D. Umalohokan 5. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng mabigat na kasalanan sa barangay? A. Pagpatay B. Pandaraya C. Pang-uumit D.Pag-awit 6. Bakit ang salita ng sultan ay itinuturing na batas ng sultanato? A. Dahil ang sultan ang pinuno ng lahat ng lahi. B. Ang salita ng sultan ay sadyang mahiwagang pakinggan. C. Kapag nagalit ang sultan ay maaarisilang maparusahan. D. Dahil sa ang sultan ay kinikilala mula sa angkan ni Mohammad. Ang pagsuway sa utos niya ay pagsuway din sa aral ng Islam. 7. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang tumutukoy sa pagkakatulad ng barangay at sultanato? A. Mas malawak ang sakop ng sultanato kaysa sa barangay. B. Ang barangay ay pinamumunuan ng datu at ang sultanato ay pinamumunuan ng sultan. C. Ang barangay at sultanato ay parehas na may ipinapatupad na mga batas sa kanilang nasasakupan. D. Ang barangay ay makikita sa Luzon at Visayas samantalang ang sultanato ay sa bahaging Mindanao. 8. Kung ang barangay at sultanato ay may pagkakatulad alin naman sa mga sumusunod na pangungusap ang kanilang pagkakaiba? A. Ang barangay at sultanato ay may mga namumuno. B. Ang barangay at sultanato ay may mga batas na ipinatutupad. C. Ang sultanato ay mas malawak ang nasasakupan kaysa sa barangay. D. Ang sultanato at barangay ay mga pamahalaan na umiiral sa sinaunang Pilipino. 9. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng batas sa pakikipag-ugnayan ng mga sinaunang Pilipino? A. Mahalaga ang batas upang masunod ang ninanais na gawin ng isang tao. B. Ang batas ang nagsasabikung dapat bang parusahan ang isang tao sa pamayanang nasasakupan. C. Ang mga batas ang nagtatakda kung kalian dapat magbayad ng buwis at pagkakautang.
  • 37. 24 D. Ang mga batas ang nagiging patnubay ng mga sinaunag Pilipino sa pakikisalamuha sa ibang tao sa barangay na kanyang kinabibilangan at pati na rin sa ibang barangay. 10. Paano nakatutulong ang sanduguan sa pakikipag-ugnayan ng mga sinaunang Pilipino? A. Sumisimbolo ito sa pakikipag-away. B. Sumisimbolo ito sa pakikipagkaibigan. C. Simisimbolo ito sa kabayanihan ng mga pinuno. D. Sumisimbolo ito sa pagiging malakas ng isang tao.
  • 38. 25 Karagdagang Gawain Gawain 4 Fact o Bluff. Panuto: Isulat ang Fact kung ang pangungusap ay nagsasaad ng wastong kaalaman tungkol sa aralin at Bluff kung hindi. 1. Ang sultanato ay pamahalaan ng mga Muslim na nakabatay sa katuruan ng relihiyong Islam. 2. Si Sharif ul-Hashim o Abu Bakr ang nagtatag ng unang sultanato sa Sulu noong 1450. 3. Ang salitang balangay ay isang sasakyang pandagat o bangka na ginamit noon ng mga sinaunang Pilipino at pinagmulan ng salitang barangay. 4. Ang sanduguan ay isinasagawa sa pamamagitan ng paghiwa sa binti gamit ang blade at pagpapatulo ng dugo sa isang tasa. 5. Ang paglalatigo at pagtatali sa puno na maraming langgam ay ilan lamang sa kaparusahan para sa mabibigat na kasalanan sa barangay. Gawain 5 Ipakita mo! Panuto: Basahin ang tanong at isulat ang iyong sagot sa dalawang magkaibang kahon ang isa ay para sa sagot mo sa pagpapakita ng katapatan at ang isa ay para sa pagmamalasakit. Kungikawang namumunosa inyongpamayananbilangpunong barangay o barangay chairman paano mo maipapakita ang iyongkatapatanat pagmamalasakitsaiyong kabarangay lalo na sa panahon ng krisis? Katapatan Pagmamalasakit
  • 39. 26 Aralin 8 Paglaganap at Katuruan ng Islam sa Pilipinas Noong 300 BC. isinilang ang isang panibagong relihiyon sa lugar ng Mecca, Saudi Arabia. Isang pananampalatayang namana ng mga Pilipinong naninirahan sa Mindanao at Sulu. Tinawag itong Islam na nangangahulugang “pagsuko sa kagustuhan ni Allah”. “Paniniwala kay Allah at si Mohammad ang kanyang Propeta, “pagsuko sa kagustuhan ni Allah”. “Muslim” ang tawag sa mga naniniwala sa relihiyong ito at nangangahulugan naman ito ng “kapayapaan”. Itinatag ito ng propetang si Mohammad. Dala ng mga misyonerong Muslim at mga mangangalakal na Arabe ang relihiyong Islam sa Sulu at iba pang bahagi ng Mindanao na lumaganap naman sa ibang bahagi ng bansa. Sa aralin na ito, ating sisiyasatin kung paano nakarating at lumaganap ang relihiyong Islam at ang mga aralnito. Atin ding pag-aaralan ang limang haligi ng Islam at ang buhay pagkatao ni propetang Mohammad. Balikan Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel ________1. Bakit hindi pormal ang tawag sa sistema ng edukasyon ng mga sinaunang Pilipino? A. Mayroong tiyak na araw at oras ang pag-aaral ng mga bata. B. Ang mga magulang ang nagsisilbing guro sa kanilang mga anak. C. May mga paaralan kung saan pumapasok ang mga mag-aaralupang matuto. D. Mayroong mga pamantasan na kung saan itinuturo ang iba’t ibang kasanayan. _________2. Ano ang tawag sa paraan ng pagsulat at pagbasa ng mga unang Pilipino? A. Alibata B. Hiroglipiko C. Baybayin D. Sanskrito _________3. Ano ang tawag sa uri ng panitikan na tumatalakay sa kabayanihan ng isang tao at naglalaman ng mga pangyayari ng kababalaghan?
  • 40. 27 A. Alamat B. Epiko C. Pabula D. Parabula _________4. Ilang titik (Patinig at Katinig) ang alpabeto ng mga sinaunang Pilipino? A. 3 patinig at 18 katinig C. 3 patinig at 17 katinig B. 4 patinig at 18 katinig D. 4 patinig at 17 katinig _________5. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pagpapahalaga sa edukasyon? A. Nag-aaralsa takot na mapagalitan ng mga magulang. B. Pumapasok sa paaralan upang magkaroon ng mga kalaro. C. Nagsusumikap sa pag-aaralsa kabila ng kahirapan sa buhay. D. Pumapasok sa paaralan araw-arawupang makita ang mga kaibigan
  • 41. 28 Tuklasin Gawain 1: Panuto: Suriin ang sitwasyon at isulat kung ano ang iyong gagawin. ( Ang iyong kaibigan ay isang Muslim at ikaw ay isang Kristiyano. Ano ang gagawin mo upang hindi maging hadlang ang inyong pananampalataya sa maganda ninyong relasyon? Gawain 2:Gaano ka kadalas magbasa ng Bibliya o Koran? Anong verseso passages sa Bibliya o Koran ang alam mo na patungkol sa pag-ibig at pagmamahal sa kapuwa Panuto: Isulat ang verses o passages na ito at ipaliwanag kung paano ito nakatulong sa iyong esperituwal na kagalingan upang maging isang mabuting tao. Verses/Passages Paliwanag _________________________________________________________________ Suriin
  • 42. 29 Paglaganap ng Islam sa Pilipinas Bunsod ng pakikipagkalakalan ng mga sinaunang Pilipino sa mga Arabong Muslim ay nakarating sa Pilipinas ang isang mahalagang impluwensiyang nakapag-ambag sa mayamang kultura ng mga Pilipino, ang Islam. Nakatala sa tarsila o aklat tungkol sa pinagmulan ng pinuno ng Sulu ang pagdating ni Sharif Karim- ul-Makdum noong 1380. Ang Sharif ay isang salitang Arabe na nangangahulugang, “ mula sa angkan ng propetang Muhammad.” Taong 1210 ng dumating ang mga Arabong mangangalakal sa katimugang bahagi ng ating bansa. Unang dumating si Tuan Masha’ika sa Sulu noong 1280 at itinuturing na kauna-unahang nagpakilala ng Islam sa Pilipinas. Nakipag isang dibdib sa anak ni Rajah Sipad at nagsimulang magtatag ng mga pamayanang Muslim sa Sulu. Noong 1380 mula Malacca dumating si Karim-Ul- Makdum sa Sulu at nangaral ng Islam. Dumating si Raha Baginda ng Palembang noong 1390 sa Sulu. Matagumpay niyang nahikayat ang ilang katutubo na lumipat sa relihiyong Islam. Dumating si Abu Bakr sa Sulu mula sa Palembang noong 1450. Siya ang kinikila lang nagpalaganap ng Islam sa Sulu. Pinagkalooban siya ng pangalang Sharif ul- Hashim nang maging kauna-unahang sultan ng itinatag niyang pamahalaan batay sa Sultanato ng Arabia. Sa panahon niya mabilis na lumaganap ang relihiyong Islam. Samantala noong huling bahagi ng ika-15 siglo, taong 1450 nanguna sa pagpapalaganap ng Islam sa Mindanao si Sharif Kabungsuan mula sa Johor, Malaysia. Siya rin ang nagtatag at naging unang sultan ng pamahalaang itinatag niya sa Mindanao. Mula sa Sulu at Mindanao ay mabilis na lumaganap ang Islam sa Luzon at Visayas. Mabilis ding natuldukan ang paglaganap ng dumating ang mga Espanyol noong ika-16 na siglo. Ang Relihiyong Islam Bago ang ikalabing-apat na siglo, matatag na ang ugnayan ng mga Arabe sa ating mga ninuno sa katimugang bahagi ng Pilipinas, ang Mindanao. Bukod sa kalakalan, naimpluwensiyahan ng mga turo at paniniwala ng relihiyong Islam ang mga ninuno natin. Ang salitang Islam sa mga Arabe ay nangangahulugang kapayapaan. Sa relihiyon ng mga Muslim, ito ay nangangahulugang buong pagpapaubaya sa kapangyarihan ni Allah, ang panginoon ng mga Muslim. Koran (Qur’an) ang banalna aklat ng mga Muslim. Moske (Mosque) ang tawag sa lugar na kanilang sambahan. Sa Mecca naman ang sentro ng kanilang pagsamba
  • 43. 30 Ang mga Aral ng Koran Koran ang banal na aklat ng mga Muslim. Ito ay naglalaman ng mga salita at aral ni Allah. Ito ang nag-iisang aklat na isinulat sa orihinal na teksto at hindi isinalin sa i bang lengguwahe dahil ito ang mga salita ng panginoon na sinabi ni Angel Jibri o Gabriel kay Mohammad sa lengguwaheng Arabik. Sa Koran natutuhan ng mga Muslim ang kapangyarihan at katangian ni Allah. Naging batayan ang sagradong aklat na ito sa pamumuhay ng mga Muslim dahil sa mga aral na nakapaloob dito. Ang mga aralsa banal na aklat na ito ay sinusunod sa anumang oras at lugar ng mga Muslim. Mga Propeta Mga propeta ang naatasan ni Allah na maghayag ng kanyang mensahe sa mga tao upang maging gabay sa pamumuhay. Nabi na nangangahulugang “propeta” o Rasul na “mensahero” ang kahulugan ng tawag ng mga Muslim sa kanilang propeta. Dapat taglayin ng isang Propeta ang sumusunod na apat na katangian: 1. Sida (Katotohanan). May pagpapahalaga sa katotohanan. Hindi sila nagsisinungaling at nagtatago ng katotohanan. 2. Amanah (Pagkamatapat).Tapat sa lahat ng kanilang sinasabi at ginagawa. Malinis ang kanilang hangarin sa bawat sandali. 3. Tabligh (Naghahatid). Naghahatid ng kumpleto at tamang mensahe ang mga propeta. Hindi nabibigo sa tungkulin. Itinuturing na kasalanan ang hindi pagbibigay ng tamang mensahe o ang paglilihim ng tunay na kahulugan ng mensahe. 4. Fatanah (Katalinuhan). Mga taong matatalino at matatalas ang isipan ang maaari lamang maging propeta. Nararapat silang maging matalino upang maipaliwanag nila ang maraming bagay tungkol sa kanilang itinuturo. Muhammad Si Muhammad (maaariring Mohammed, Mohammad) ang pinakilalang propetang Muslim. Ipinanganak siya sa Mecca noong 570 A.D. kina Amina bint Wahb at Abdullah. Namatay ang kanyang ama dalawang buwan bago siya ipinanganak at ipinagkatiwala sa isang tagapag-alaga batay sa nakagawian ng mga mayayaman noon. Kinuha ulit ng ina pero namatay din ito ng siya ay anim na taong gulang. Inalagaan siya sa kanyang lolo na si Abdul Muttalib. Nung namatay ang lolo inalagaan siya ng kanyang tiyuhin na si Abu Talib. Kahit maagang naulila lumaki siyang isang mabuting tao, mapagbigay sa kanyang kapwa,hindi nanakit ng damadamin ng kanyang kapwa at isa rin siyang matalino. Pagpapastol ang kanyang trabaho at namahala ng isang negosyo ni Khadijah,isang mayamang babae sa Quarish. Nagpakasalsilang dalawa nang lumago ang negosyo at naging maayos ang kanilang pagsasama. Hindi niya nagustuhan ang gawi ng mga tao sa Mecca tulad ng pagsamba sa iba’t-ibang diyos, paglalasing, mga sigalot at ang mababang pagtingin sa mga kababaihan. Dahil dito lagi siyang pumupunta sa yungib na tinawag na Hira upang mag-isip at humanap ng tugon sa mga gumugulo sa kanyang isipan. Sa Hira inilahad ni anghel Jibri o Gabriel ang mensahe ng Diyos kay Muhammad. Ang mesahe ay ang laman ng Koran at inatasan siya na ituro sa mga tao. Marami ang tumuligsa at hindi naniwala sa kanya, kabilang na ang mga mayayaman at mga pinuno ng Mecca na nababahala sa kanyang impluwensya. Tanging si Khadijah, ang pinsan niyang si Ali at kaibigang si Abu Bakr ang naniwala sa kanya. Ngunit di siya nawawalan
  • 44. 31 ng loob. Ipinagpatuloy niya nag paghahatid ng mensahe ng Diyos. Mga Aral ng Islam sa Limang Haligi ng Katotohanan Nakapaloob sa Limang Haligi ng Katotohanan ang mga aral ng Islam. Ito ang gabay ng mga Muslim sa kanilang pang- araw-araw na pamumuhay. Ang bawat Muslim ay sumusunod sa mga utos ni Allah at mga turo ni Mohammad Shahadah Zakat/Zakah Salat/Salah Saum /Sawn Hajj o Hadji Ang pagbibigkas ng isang Muslim na “Walang ibang Diyos kundi si Allah at si Mohammad ang kanyang Propeta. Pagbibigay ng tulong pinansiyal sa mga mahihirap, nangangaila- ngan, mga naulila, matatanda, mga manlalakbay, mga bagong binyagan at mga bilanggong Muslim sanhi ng digmaan, sa mga nasalanta ng bagyo at lindol, sa mga naulila, at sa mga maysakit. Pagdarasalng limang beses sa isang araw na nakaharap sa Mecca. Ito ay isinasagawa sa madaling araw, tanghali, hapon, paglubog ng araw at sa gabi. Ang araw ng Biyernes ay katumbas ng araw ng Linggo ng mga Katoliko. Sama-sama silang nagdarasal sa moske o masjid ng Jamaah (congregationa l prayer) Pag-aayuno sa loob ng banal na buwan ng Ramadan. Isinasagawa mula pagsikat ng araw hanggang sa paglubog nito. Sa umpisa ng pagsikat ng araw bawal ang kumain, uminom, manigarilyo, makipag- away, at makipagtalik. Sa paglubog ng araw ay maaari silang kumain at uminom ng katamtaman lamang. Sa araw ng pagtatapos ng Ramadan o pag- aayuno ay sagana sa pagkain at regalo ang mga Muslim. Tinawag nila itong Hariraya Puasa o Eid’l Fit’r. Paglalakbay sa banal na lungsod ng Mecca,sentro ng pananampalat ayang Muslim na matatagpuan sa Saudi Arabia. Sa gitna ng Mecca makikita ang Ka’aba,hugis pahabang marmol na tila bantayog sa Mecca. Haji ang tawag sa mga Muslim na nakarating na sa Mecca.
  • 45. 32 Pagyamanin Gawain3: Panuto: Kilalanin/Tukuyin ang mga sumusunod. Isulat ang sagot sa sagutang papel. 1. Tarsila: 2. Karim-ul Makdum: 3. Islam: 4. Muhammad: 5. Shahada: Gawain4: Panuto: Isulat sa talaan ang hinihinging impormasyon tungkol sa paglaganap ng relihiyong Islam Taon Pook Nagpalaganap 1210 1390 Ika-15 Siglo Gawain 5. Panuto: Pagsunud-sunurin ang mga pangyayari kung paano lumaganap ang relihiyong Islam sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Kopyahin ang pangyayari mula sa 1. Ipinalaganap ni Sharif Kabungsuwan isang misyonero ang relihiyong Islam sa Maguindanao. 2. Itinatag ni Sajid Abu Bakr unang Sultan ng Sulu ang madrasah rito. 3. Sinakop ni Rajah Baguinda ang Sulu at nagtatag ng Pamahalaang Sultanato. 4. Dumating si Tuan Mashaika isang mangangalakal na nagpalaganap ng Islam sa Pilipinas. 5. Nangaral si Karim-ul- Makdum isang misyonerong Arabo, ng Islam sa Sulu.
  • 46. 33 Isaisip ✔ Nakatala sa tarsila o aklat tungkol sa pinagmulan ng pinuno ng Sulu ang pagdating ni Sharif Karim ul-Mukdum noong 1380 ✔ Ang salitang Islam sa mga Arabe ay nangangahulugang kapayapaan. Ito ang relihiyon ng mga Muslim. ✔ Ang Koran ang banal na aklat ng Islam at ang nag-iisang aklat na isinulat sa orihinal na teksto at hindi isinalin sa ibang lengguwahe dahil ito ang mga salita ng panginoon na sinabi ni Angel Jibri o Gabriel kay Mohammad sa lengguwaheng Arabik. ✔ May apat na katangian ang dapat taglayin ng isang Propeta: Sida o Katotohanan, Amanah o Pagkamatapat, Tabligh o Naghahatid, at Fatanah o katalinuhan. ✔ Si Muhammad ang pinakakilalang propetang Muslim ✔ Nakapaloob sa Limang Haligi ng Katotohanan ang mga aral ng Islam. Ito ay ang Shahada, Zakat, Salah, Saum, at Hajj o Hadji Isagawa Gawain 6:Paggawa ng Graphic Organizer Panuto: Mga Aral ng Islam (Limang Haligi ng Katotohanan)
  • 47. 34 Gawain7: Ibigay ang hinihingi ng bawat tanong. 1. Ano ang Ramadan? Paano ito isinasagawa?_______________________________ ___________________________________________________________________ 2. Ano-ano ang ipinagbabawal kung araw ng Ramadan?_______________________ _____________________________________________________________________ 3. Ano ang kahulugan ng Eid’l Fit’r? ____________________________ _____________________________________________________ 4. Ano naman ang Eid’l Adha? . Tayahin Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel 1. Sa relihiyon ng mga Muslim ang Islam ay nangangahulugang A. Buong pagpapaubaya sa kapangyarihan ni Allah, ang panginoon ng mga Muslim. B. Buong pagpapaubaya sa kapangyarihan ni Bathala, ang panginoon ng mga Muslim. C. Buong pagpapaubaya sa kapangyarihan ni Muhammad, ang panginoon ng mga Muslim. D. Buong pagpapaubaya sa kapangyarihan ni Makdum, ang panginoon ng mga Muslim. 2. Ito ay ang paglalakbay sa banal na lungsod ng Mecca,sentro ng pananampalatayang Muslim na matatagpuan sa Saudi Arabia. A. Shahada C. Hajji o Hadji B. Zakart D. Saum 3. Ito ang yungib na pinupuntahan ni Muhammad upang mag-isip at humanap ng tugon sa mga gumugulo sa kanyang isipan. A. Hira B. Hur C. Hari D. Hura 4. Ito ang sentro ng pagsamba ng mga Muslim. A. Mecca B. Moske C. Mocca D. Mokie 5. Ito ang tawag sa araw ng pagtatapos ng Ramadan o pag-aayuno at sagana sa pagkain at regalo ang mga Muslim. A. Hariruya Puasa o Eid’l Fit’r. C. Hariraya Puasa o Ed’l Fit’r. B. Hariraya Puasa o Eid’l Fit’r. D. Hariraya Puasa o Eid’l Fit’. 6. Ang Sharif ay isang salitang Arabe na nangangahulugang A. mula sa angkan ng propetang Elias. B. mula sa angkan ng propetang Ezekiel. C. mula sa angkan ng propetang Samuel.
  • 48. 35 D. mula sa angkan ng propetang Muhammad. 7. Tawag ng mga Muslim sa kanilang Propeta. A. Nabi o Rasul C. Nabi o Rusal B. Nubi o Rasul D. Nubi o Rusal 8. Ang ibig sabihin nito ay ang paghahatid ng mga propeta ng kumpleto at tamang mensahe. A. Sida B. Amanah C. Tabligh D. Fatanah 9. Hindi nagustuhan ni Mohammad ang gawi ng mga tao sa Mecca tulad ng pagsamba sa iba’t-ibang diyos, paglalasing, mga sigalot at A. mababang pagtingin sa mga kababaihan. B. mababang pagtingin sa mga kalalakihan. C. mababang pagtingin sa mga bata. D. mababang pagtingin sa pamilya. 10. Mangangalakal na unang nagpalaganap ng Islam sa Pilipinas noong 1280. A. Karim-ul- Makdum C. Rajah Baguinda B. Tuan Mashaika D. Sajid Abu Bakr Karagdagang Gawain A. Panuto: Buoin ang analohiya sa pamamagitan ng pagpuno sa tamang salita sa patlang. Pumili ng sagot mula sa kahon sa baba. Isulat ang sagot sa sagutang papel. 1. Simbahan: Katoliko; : Muslim. 2. Bibliya: Kristiyano; : Muslim 3. Anito at Espirito: Paganismo; : Islam 4. Mahal na Araw:Katoliko; : Muslim 5. Abu Bakr: Sulu; : Maguindanao Moske Sharif Kabungsuwan Allah Koran Muhammad Ramadan
  • 49. 36