A r a l i n g P a n l i p u n a n 5 – 4 t h Q u a r t e r | To p i c 4
Ang Pilipinas sa Ilalim ng
Pamamahala ng mga Prayle
Prepared by: Eddie San Z. Peñalosa
Bilang pagpapatupad ng hangarin ng Espanya na
palaganapin ang Kristiyanismo sa Pilipinas, kasama sa
mga ipinadala sa bansa ang mga paring Espanyol.
Sa mga unang taon ng panunungkulan ng mga
paring Espanyol sa Pilipinas, hindi sila pinayagang
magmay-ari ng lupa sa bansa.
Subalit hiniling ni Obispo Domingo de Salazar at ng
mga prayleng Austino sa Hari ng Espanya na kailangan
nila ng sariling lupain upang hindi na sila humingi ng
tulong sa mga parokya na kanilang kinabibilangan.
Ibinigay ng hari ang kanilang kahilingan sa pag-asang higit
itong makabubuti sa parokya.
Hindi marunong magsaka ang mga prayle kaya
naghanap sila ng maaaring gumawa nito para sa kanila.
Sila ay kumuha ng taong mangungupahan sa kanilang
lupa o ng tinatawag na ingkilino (inquilino). Binabayaran
nila ang mga ito upang pamahalaan ang kanilang lupain.
Hindi rin marunong magsaka ang mga ingkilino kung kaya
pinauupahan din nila ang mga lupa sa mga magsasaka na
kung tutuusin ay mga orihinal na nagmamay-ari ng mga
lupain.
Napunta ang kinikita ng mga lupain sa ingkilino at prayle
at tumatanggap lamang ang mga magsasaka ng maliit na
bahagi ng kinikita mula sa kalakalan.
Maraming lupain ang nabili ng mga prayle sa
maraming dako ng bansa. Sa pagdaan ng panahon, higit
pang dumami ang mga lupaing naging pag-aari ng mga
paring Espanyol.
Lumalabas sa mga tala na umaabot sa sandaan
walumpu’t limang libong ektarya ng mga luapin ang
naging pag-aari ng mga prayle sa pagtatapos ng rehimen
ng mga Espanyol sa Pilipinas.
Ang Konsepto ng Patronato Real
Ang Konsepto ng Patronato Real
Ang Patronato Real ang tawag sa kasunduan sa
pagitan ng Simbahang Katolika at ng isang Estado,
katulad ng Espanya at Portugal noong ikalabinlimang
siglo, na nagtatakda ng espesyal na ugnayan sa pagitan
ng Simbahan at ng Estado.
Ang Konsepto ng Patronato Real
Ang dalawang pangunahing tampok sa kasunduan
ay ang pagbibigay ng Simbahan sa Estado ng karapatang
pumili at magtakda ng mga pari sa mga kolonyang
kanilang itatatag. Kapalit nito, dapat mangako ang Estado
na palaganapin, pananatilihin, at ipagtatanggol nito ang
relihiyong Katoliko sa lahat ng kolonya nito.
Tungkulin ng mga Prayle
Tungkulin ng mga Prayle
Bilang pagtupad at pagtalima sa napagkasunduang
Patronato Real, ipinadala ng Hari ng Espanya sa Pilipinas
ang mga misyonerong para na inaasahang
magpapalaganap ng Kristiyanismo. Naging mabilis at
organisado ang pagpapalaganap ng relihiyong Kristiyano.
Iyon ay dahil sa mga alintuntunin at batas na sinusunod
ng mga misyonero.
Tungkulin ng mga Prayle
Kilala naman sa tawag na prayle ang mga paring
Katoliko na kasapi ng mga orden na may panata ng
kahirapan tulad ng mga Agustino, Pransiskano, Dominiko,
at Rekolektos. Sila ay namumuhay ng payak at umiiwas
sa mga bagay na makamundo.
Tungkulin ng mga Prayle
Mga naging tungkulin nila:
Tungkuling Panrelihiyon
Tungkuling Pangkabuhayan
Tungkuling Panlipunan
Tungkuling Pang-Edukasyon
Tungkulin ng mga Prayle
Malaki ang naging ambag ng mga prayle sa unang
yugto ng pagtataguyod ng kolonya ng Espanya sa
Pilipinas. Nakatulong sila hindi lamang sa gawaing
panrelihiyon, kundi pati na rin sa pagpapaunlad sa
larangan ng edukasyon, pag-aaral ng Medisina, at
kalagayan ng teknolohiya at impraestruktura.
SALAMAT SA
PAGSUBAYBAY

Ang Pilipinas sa Ilalim ng Pamamahala ng mga Prayle

  • 1.
    A r al i n g P a n l i p u n a n 5 – 4 t h Q u a r t e r | To p i c 4 Ang Pilipinas sa Ilalim ng Pamamahala ng mga Prayle Prepared by: Eddie San Z. Peñalosa
  • 2.
    Bilang pagpapatupad nghangarin ng Espanya na palaganapin ang Kristiyanismo sa Pilipinas, kasama sa mga ipinadala sa bansa ang mga paring Espanyol. Sa mga unang taon ng panunungkulan ng mga paring Espanyol sa Pilipinas, hindi sila pinayagang magmay-ari ng lupa sa bansa.
  • 3.
    Subalit hiniling niObispo Domingo de Salazar at ng mga prayleng Austino sa Hari ng Espanya na kailangan nila ng sariling lupain upang hindi na sila humingi ng tulong sa mga parokya na kanilang kinabibilangan. Ibinigay ng hari ang kanilang kahilingan sa pag-asang higit itong makabubuti sa parokya.
  • 4.
    Hindi marunong magsakaang mga prayle kaya naghanap sila ng maaaring gumawa nito para sa kanila. Sila ay kumuha ng taong mangungupahan sa kanilang lupa o ng tinatawag na ingkilino (inquilino). Binabayaran nila ang mga ito upang pamahalaan ang kanilang lupain.
  • 5.
    Hindi rin marunongmagsaka ang mga ingkilino kung kaya pinauupahan din nila ang mga lupa sa mga magsasaka na kung tutuusin ay mga orihinal na nagmamay-ari ng mga lupain.
  • 6.
    Napunta ang kinikitang mga lupain sa ingkilino at prayle at tumatanggap lamang ang mga magsasaka ng maliit na bahagi ng kinikita mula sa kalakalan.
  • 7.
    Maraming lupain angnabili ng mga prayle sa maraming dako ng bansa. Sa pagdaan ng panahon, higit pang dumami ang mga lupaing naging pag-aari ng mga paring Espanyol.
  • 8.
    Lumalabas sa mgatala na umaabot sa sandaan walumpu’t limang libong ektarya ng mga luapin ang naging pag-aari ng mga prayle sa pagtatapos ng rehimen ng mga Espanyol sa Pilipinas.
  • 9.
    Ang Konsepto ngPatronato Real
  • 10.
    Ang Konsepto ngPatronato Real Ang Patronato Real ang tawag sa kasunduan sa pagitan ng Simbahang Katolika at ng isang Estado, katulad ng Espanya at Portugal noong ikalabinlimang siglo, na nagtatakda ng espesyal na ugnayan sa pagitan ng Simbahan at ng Estado.
  • 11.
    Ang Konsepto ngPatronato Real Ang dalawang pangunahing tampok sa kasunduan ay ang pagbibigay ng Simbahan sa Estado ng karapatang pumili at magtakda ng mga pari sa mga kolonyang kanilang itatatag. Kapalit nito, dapat mangako ang Estado na palaganapin, pananatilihin, at ipagtatanggol nito ang relihiyong Katoliko sa lahat ng kolonya nito.
  • 12.
  • 13.
    Tungkulin ng mgaPrayle Bilang pagtupad at pagtalima sa napagkasunduang Patronato Real, ipinadala ng Hari ng Espanya sa Pilipinas ang mga misyonerong para na inaasahang magpapalaganap ng Kristiyanismo. Naging mabilis at organisado ang pagpapalaganap ng relihiyong Kristiyano. Iyon ay dahil sa mga alintuntunin at batas na sinusunod ng mga misyonero.
  • 14.
    Tungkulin ng mgaPrayle Kilala naman sa tawag na prayle ang mga paring Katoliko na kasapi ng mga orden na may panata ng kahirapan tulad ng mga Agustino, Pransiskano, Dominiko, at Rekolektos. Sila ay namumuhay ng payak at umiiwas sa mga bagay na makamundo.
  • 15.
    Tungkulin ng mgaPrayle Mga naging tungkulin nila: Tungkuling Panrelihiyon Tungkuling Pangkabuhayan Tungkuling Panlipunan Tungkuling Pang-Edukasyon
  • 16.
    Tungkulin ng mgaPrayle Malaki ang naging ambag ng mga prayle sa unang yugto ng pagtataguyod ng kolonya ng Espanya sa Pilipinas. Nakatulong sila hindi lamang sa gawaing panrelihiyon, kundi pati na rin sa pagpapaunlad sa larangan ng edukasyon, pag-aaral ng Medisina, at kalagayan ng teknolohiya at impraestruktura.
  • 17.