Isang pagpapaliwanag kung paano nakaapekto sa pamumuhay ng mga Pilipino ang relihiyong Kristiyanismo at ang Sistemang Reduccion na ipinatupad ng mga misyonerong paring Espanyol
Sa araling ito, tatalakayin natin ang mga pamamaraang ginamit ng mga Espanyol upang maipatupad ang Kolonisasyon. Pangunahin sa mga patakarang ito ang kristiyanisasyon, reduccion, tributo, encommienda, at polo y servicio o sapilitang paggawa. Tatalakayin din dito ang naging epekto ng mga patakaran sa mga katutubo at naging reaksiyon nila rito.

Sa pamamagitan ng araling ito, mabibigyang-linaw ang konsepto ng kolonisasyon kung saan mauunawaan ang mga naging layunin at pamamaraan ng mga Espanyol sa pananakop sa Pilipinas sa panahon ng kolonyalismo. Malalaman ang mga paglalakbay na inilunsad ng mga Espanyol upang makatuklas ng lupain hanggang sa makarating at makapagtatag sila ng pamayanan sa ilang bahagi ng ating kapuluan.
Ito ay ang Aralin ng mga nasa ika-6 na baitang.
*DISCLAIMER: Ang mga nakasulat na impormasyon at mga larawan ay hindi sa akin. Salamat po sa mga nagmamay-ari.
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a.) maipapaliwanag ang mga sinaunang paniniwala at tradisyon at ang impluwensiya nito sa pang-araw-araw na buhay;
b.) maihahambing ang mga paniniwala noon at ngayon upang maipaliwanag ang mga nagbago at nagpapatuloy hanggang sa kasalukuyan;
c.) matatalakay ang paglaganap ng Islam sa bansa;
d.) masusuri ang pagkakapareho at pagkakaiba ng kagawiang panlipunan ng sinaunang Filipino sa kasaukuyan; at
e.) makabubuo ng konklusyon tungkol sa kontribusyon sinaunang kabihasnan sa pagkabuo ng lipunan at pagkakakilanlang Pilipino.

2. Malaki ang ginampanan ng Kristiyanismo sa
pananakop ng mga Espanyol sa mga katutubong
Pilipino. Ipinakilala nila sa mga katutubo ang iba’t
ibang katuruan ng Kristiyanismo.
6. Iba’t ibang paraan ng pagpapalaganap ang
ginamit ng mga Espanyol upang gawing Kristiyano
ang mga Pilipino. Ang ilan sa mga ito ay ang
pagtuturo ng kautusan, pagpapatayo ng simbahan,
at pagsasagawa ng mga ritwal.
7. Pagtuturo ng mga Kautusan ng Kristiyanismo
1. Pagsamba sa isang Diyos;
2. Paniniwala kay Hesukristo bilang Tagapagligtas;
3. Pagbabasa ng Bibliya, ang banal na aklat ng mga
Kristiyano;
4. Paniniwala sa mga santo at santa o mga banal na tao; at
5. Ang pagkabuhay na muli ng mga nangamatay na tao.
8. Matapos ang pangangaral ay binibinyagan ang
mga katutubo. Ang pagbibinyag ay simbolo ng
pagtanggap ng Kristiyanismo at pagiging isang
ganap na Kristiyano.
9. Pagpapatayo ng mga Simbahan
• Sinira ng mga Espanyol ang mga lugar na pinagsasambahan ng mga
katutubo.
• Nagtayo na sila ng malalaking simbahan upang doon magdasal ang
mga Pilipino.
• Marami sa mga simbahan na kanilang ipinatayo ay makikita pa rin
hanggang ngayon.
• Simbahan ng Paoay sa Ilocos Norte, ng Miag- ao sa Iloilo, ng
Nagcarlan sa Laguna, at marami pang iba.
10. Pagsasagawa ng mga Kristiyanong Ritwal
• Kumpisal
• Kasal
• Misa
• Pagbebendisyon sa taong may sakit
• Pagdarasal tuwing ikaanim na hapon
• Pagdiriwang ng Mahal na Araw
• Kapistahan ng mga patron
11. Sa kumpisal, ang mga katutubo ay nagtutungo
sa simbahan at kanilang inihahayag sa pari ang
kanilang mga nagawang palabag sa kautusan ng
Kristiyanismo.
12. Ang kasal, ay isinasagawa lamang kung handa
nang magkaroon ng sariling pamilya ang isang
babae at lalaking Kristiyano.
13. Ang misa ay ginaganap tuwing umaga ng araw
ng Linggo. Dahil inaasahang dumalo sa misa ang
lahat ng tao sa pamayanan, ang malakas at
magkakasunod na pagpapatunog ng kampana ay
hudyat ng pagtungo ng mga tao sa simbahan.
14. Ang Mahal na Araw ay isang linggong
pagdiriwang na isinasagawa upang alalahanin ang
buhay na pinagdaanan ni Hesus. Ginaganap ito sa
buwan ng Marso o Abril.
16. • Madalas na nagsasagawa sila ng sanduguan.
• Susunod na rito ang pagsasagawa ng mga misa at
pagbibigay ng mga rebulto bilang kapalit ng kanilang
mga anito.
• Tampok sa mga rebultong ito ay ang Santo Niño.
17. Abril 14, 1521- nagsagawa ang mga Espanyol ng
misa sa Cebu.
- Dito tinanggap ni Raha Humabon at ng kaniyang
asawa ang imahe ng Santo Niño o Batang Hesus.
18. * Pinagdiriwang din sa Visayas ang mga pistang
panrelihiyon, tulad ng Sinulog sa Cebu na
nagpapakita ng kanilang pagmamahal kay Santo
Niño.
20. •Hindi lahat ng mga katutubo ay lubusang tinanggap
ang relihiyong Kristiyano ng mga Espanyol.
•Ilan sa kanila ang nag- alsa dahil sa abuso o abuloy
para sa kaligtasan.
•Indulhensiya- abuloy para sa kaligtasan