2. Ayon sa kasaysayan, noong 1745, nagkaroon
ng malawakang pag-aalsa ang mga taga-
Cavite, Morong, Batangas, Bulacan, at
Laguna.
3. Dahilan ng pag-aalsa
• Pangangamkam ng mga lupa ng mga katutubo
• Pagtanggal ng mga nakamulatang karapatan ng
mga mamamayan
• Pandaraya sa mga lupain at hindi makatarungang
paniningil ng buwis sa kanilang lupain
4. Pedro Enriquez Calderon
• siyang nagsiyasat noong
1739, ang mga lupain at
kita nito ay napupunta sa
mga relihiyosong pari
tulad ng mga
Dominicano, Heswita, at
Agustino.
5. Mga Binabayaran ng mga katutubo
• Tatlong piso (P3.00) sa may asawa
• Piso at limang sentimo (P1.50) sa mga biyudo o biyuda
• Natuklasan din ni Don Pedro Enriquez na ang mga sukat ng lupa na inilaan
sa mga katutubo ay hindi naayon sa tamang sukat.
• Isang kawani ng audiencia ang gumawa nito at ang mga sumukat ng lupa ay
kasabwat upang dayain ang mga katutubo.
• Ayon naman sa akda ni Juan dela Concepcion, nanghimasok ang mga
Heswita sa mga ari-arian ng mga katutubo.
• Iginiit nila na kanila ang mga lupain at pinagkakamkam ito.
• Nang malaman ito ng mga katutubo, sila ay nag-aklas at nilusob ang mga
tahanan ng mga Heswita at sinunog ang kanilang mga bahay. Ang
paghihimagsik na ito ay lumaganap sa mga karatig na lalawigan.
6. Ang mga paring relihiyoso tulad ng Dominicano at
Agustino ay nang-agaw ng mga lupain, inalisan
ng kalayaan sa pangingisda sa mga iIog, at hindi
pinahintulutang pumutol ng mga puno at kumuha
ng mga prutas ang mga katutubo. Hindi rin sila
pinayagang makapagpastol ng kanilang mga
hayop sa kaburulan.