2. Salamat po sa
pagbibigay ninyo sa
amin ng isang guro na
matiyagang hinuhubog
ang aming isipan sa
araw-araw.
3. Salamat din po sa
aming mga magulang
sa patuloy na
pagkakaloob sa amin
ng aming mga
pangangailangan.
4. Gabayan naman po
ninyo kami upang
makita ng aming mga
mata ang mga aral na
ibinibigay ng aming
tagapagturo.
5. Bigyan ninyo po kami ng talas ng isip
upang matalos ang mga bagay na
kailangan naming malaman. Patnubayan
mo po kami sa aming landas na piniling
lakarin. Wala po kaming magagawa kung
wala ang inyong tulong at mga pagpapala.
6. PAGPAPAKILALA NG SARILI
Layunin: Nasasagot ang mga tanong
ayon sa napakinggang kuwento.
Naisasagawa nang may kaayusan
ang pagpapakilala ng sarili.
7.
8.
9. Unang araw ng pasukan sa
Paaralang Elementarya ng Sta. Clara.
Makikita ang tuwa at galak ng bawat
isa. Natutuwa ang lahat ng makitang
muli ang mga kaklase at kaibigan.
10. Abala ang lahat sa paghahanap ng
bagong silid-aralan,maliban sa isang
batang si Ella. Siya ay bagong mag-aaral
sa paaralan. Bagong lipat lamang sila sa
lugar kaya wala pa siyang kakilala o
kaibigan man lang.
11. Palinga-linga siya sa paglalakad. Pasilip-
silip siya sa mga silid-aralan. Ang takot
niya ay pilit na tinatago hanggang sa
mapaiyak na siya nang tuluyan.
12. Ilang saglit lang, isang maliit na boses
ang kaniyang narinig. “Ano’ng
pangalan mo? “ Isang matamis na ngiti
ang kaniyang iginanti sabay sabing,
“Ako si Ella. Ikaw?”
13. Ako si
_____________________________
Ako ay ________taong gulang.
Ipinanganak ako noong ____________.
Nakatira ako sa
___________________.
Ang aking mga magulang ay sina
_______________________________.
14. Ano ang dapat tandaan sa pagpapakilala ng
sarili?
Sa pagpapakilala ng sarili ay unang
sinasabi ang aking __________________.
Sinasabi din ang araw. buwan at taon ng
aking __________________.
Ang lugar kung saan ako nakatira ay
tumutukoy sa aking
___________________.
Binabanggit din ang pangalan ng aking mga
_________________________.
15.
16. Ano ang dapat tandaan sa pagpapakilala ng
sarili?
Sa pagpapakilala ng sarili ay unang
sinasabi ang aking __________________.
Sinasabi din ang araw. buwan at taon ng
aking ________.
Ang lugar kung saan ako nakatira ay
tumutukoy sa aking _____________.
Binabanggit din ang pangalan ng aking mga
_________________________.