1. Sa edad na isang taong gulang pa lang ni Talavera Rosa
Glen T. naranasan na niya ang hirap at saya kapiling ang kanyang
buong pamilya, may limang kapatid na lumaki at nagkaisip sa miring
edad pa lamang. Madami man ngunit andun na ang saya at
kaginhawan sa pamilya, punong puno na pag asa at pangarap.
Pebrero 20,1992 ang kaarawan ng siya ay isinilang dito sa mundo
ng isang katauhan.Sa edad na labing isa tumatak na sa puso’t isipan
niya ang na kailangang matapos niya ang kanyang pag-aaral.Dahil
hindi panghabambuhay na ikaw ay isang musmos na kailangang
bantayan at pangalagaaan ng iyong mga magulang bagkus ang lahat
ng isinilang ditto sa mundo ay mayroon kaniya-kaniyang
misyon.Misyong ibinigay ng ating maykapal ,problemang dapat na
lutasin at kaligayahan na dapat tamuhin.
Simula ng siya ay tumuntong na sa pag-aaral,Daycare pa lang
nagkamit na siya ng isang medalya at dalawang karangalan.Maging
ang pagtatapos sa Elementarya ng Tignoan nagkamit na siya ng
dalawang medalya at ito ay sa tulong ng kanyang mga magulang
upang magkaroon ng talentong naipamalas sa bawat paaralan na
kanyang pinapasukan. Mayroon siyang mga magulang na hindi
nagkulang sa paghibog at tamang pagpapalaki sa kanilang mga anak
na sina Gng. Elena Talavera maging ang haligi ng kanilang pamilya na
puno ng sikap at tiyaga sa pamamagitan ng pagtatrabaho ni Ginoong
Gil Talavera. Hindi lang saya at lungkot ang naranasan niya sa
bayan ng Real Quezon kung saan matatagpuan ang Sitio Mahaba,
kundi maging ang takot at pangamba dahil sa trahedyang kanyang
naranasan ng kanyang buong pamilya at maging ang buong mamayan
sa Quezon.
2. Nov. 29,2004 ang araw na hindi malilimutan ng mga taong
bayan sa Quezon,trahedyang tumatatak na sa taong bayan. Marami
sa mga naatira doon ang binawian ng buhay bata man o
matanda.Hindi lamang buhay ang nawala kund pati ang mga tahanan
at mga pangkabuhayan . Hindi sukat akalain ni Rosa Glen ang
nangyari sa kanilang bayan kungn ano ang dahilan. Tanging naisip na
lamang niya kung iyon ay b parusa na isinukli ng may kapal.Sa kabila
ng lahat ay nagpapasalamat din siya dahil wala sa pamilya ang
nadamay, ngunit andun pa din ang lungkot dahil sa nangyari sa
kanyang bayan.
Sabi nga nila ang pinakamasaya daw na degree sa pagaaral
ay ang high school life,oo nga naman naranasan niya iyon sa piling
ng kanyang kamagaral,mga gurong naging pangalawang ina ay hindi
nagkulang para sila ay himuking magaral ng mabuti.Ngunit hindi pala
sa lahat ng pagkakataon ay saya nalang ang mararanasan mo mas
maging mahirap para sa kanya ang ikahuling degree sa sekundarya
ang ikaapat na taon.Andito yung kulangin sa baon dahil sa layo ng
bahay nila ay mahirapang bumalik para lang humingi ng baon sa
kanyang mga magulang.Pero andun siya at nagtiis para lang
makatapos na masuklian man lang ang mga paghihirap ng kanyang
mga magulang para sa kanilang magkakapatid.Nangarap na siya ay
makatuntong sa kolehiyo na kahit noong una ay malabong
mangyari.Bago matapos ang kanyang taon sa sekundarya ay
nabigyan naman niya ng parangal ang kanyang mga
magulang.Natapos ang lahat ng kanyang masasayang araw sa
sekundarya maging ang mga pagsubok na kinahirap niya noon.Hindi
lingid sa kanyang mga kapwa kaklase na siya ay hihinto muna sa
kadahilanang walang pansuporta sa pinansyal.Hindi niya magawang
magalit sa kanyang mga magulang dahil nakikita at alam niya ang
3. estado lang ng kanilang pamilya.Pera sa halip na magalit nagdesisyon
siya na pansamantalang magtrabaho muna dahil kung mananatili
siya ay maghihintay lang siya sa waia.Taong 2007 hindi naging
sapat ang mga maliligayang araw upang mas maialis ang takot at
pangamba sa kanyang pagkatao.Ngunit naniniwala pa rin siya na
hanggat may bukas mayroon ding pagasa.At lalo’t higit na nariyan
lang ang ating panginoon na siyang gumagabay sa lahat ng ating mga
gawain,sa mga pagsubok na dapat malagpasan.Nagiging mas
matapang siyang harapin ang mga challenges dahil alam niyang
nariyan lang sa kanyang tabi ang kanyang buong pamilya,mga
kaibigang handang magbigay ng tulong kung kinakaiangan
Sa pangkasulukuyang panahon taong 2009 isa na siyang ganap
na estudyante sa Laguna Este Polytechnic University.Hindi naman
pala kailangang maging seryoso ka sa lahat ng pagkakataon na dapat
maging palakaibigan ka ng mas madali mong malagpasan ang lahat ng
magiging challenges bilang isang college student.Mas mahirap pala
talaga ang kolehiyo na mas dapat pagtuunan mo mg pansin ang iyong
pag-aaral.Mas dapat na maging handa ka sa lahat ng mga
pagkakataong iyong lalakbayin.Kinuha niya o mas pinili niya ang
kursong maging guro dahil simula pagkabata pa lang niya bilang guro
na talaga sa hinaharap ang kanyang pangarap.Makatapos ng pag-
aaral,magkaroon ng magandang bukas at matulungan ang kanyang
mga magulang maging ang kanyang kababatang kapatid.Alam niya na
ang tanging solusyon lang sa kanyang mga pangarap ay ang
edukasyon.Kaya mga heto siya at nagsusumikap mag-aral ng
mabuti,maipagmalaki balang araw ng kanyang mga magulang at pati
ng kanyang mga kaanak.Isang simple ngunit may kakayahang
4. lumaban sa mga pagsubok na dinaranas niya.Mahirap mang makakuha
ng mataas na grado ngunit ang tanging solusyon lamang doon ay ang
pagsisikap at tiyaga sa pag-aaral.Bilang guro alam niyang mahirap
sa lahat doon ay ang problema sa pinansiyal at alam niya na hindi
sa lahat ng pagkakataon nariyan lang ang kanyang mga magulang
para sumoporta,may mga problemang hindi inaasahann kaya naman
labis ang panalangin ang kakaharapin niya sa ating mahal na lumikha
sa lahat.Walang sinumang makapagsabi kung ano ba ang ating buhay
sa panghinaharap tanging tayo lamang na nilikha ng diyos ang
gagawa nito.Simple lang ang pangarap ni Rosa Glen matupad lang
ang mga pangarap niya ay tsaka nalang siya mamimili ng kanyang
kasama sa panghabambuhay.Ang tipo ng mabait ngunit handang
unawain sa lahat ng pagkakataon.Heto ang aking talambuhay na
hanging ngayon ay mas kakaharapin pa niya ang susunod
pangkarugtong nito.At sana sa lahat ng aking pangkakaharapin sa
kasulukuyan ay madali kung maacomplished iyon.Maging gabay sana
ang lahat ng ito mula sa aking pagtao.Hindi lang dapat na maging
mahina ang isang katulad kong estudyante dapat mas naging inspired
siya hpang mas mapadali para sa kanya.Pamamaalam ko lang ay
maging matapang tayo at lalo’ot higit ang paniniwala sa ating
panginoon,sa ating mga magulang na ngbigay ng suporta sa kanilang
mga anak.