2. Laro: Kapag itinaas ng guro ang
kanang kamay, tatayo lahat ang
lalaki. Kapag itinaas ng guro ang
kaliwang kamay, tatayo naman
lahat ang mga babae .
3. Awit: Limang Daliri (Gamitin ang
bawat daliri habang itinuturo ang
awit)
Limang daliri ng aking kamay
Si tatay, si nanay, si kuya, si ate
At sino ang bulilit? Ako
6. Itanong:
Sino ang iyong ama?
Ang aking ama ay si ____.
Sino ang iyong ina?
Ang aking ina ay si _____.
Sino-sino ang magulang mo?
Ang aking mga magulang ay sina _____ at _____.
8. Itanong:
1. Ano-anong pangalan ang itinatawag sa iyo ng iyong mga magulang o
kaibigan maliban sa iyong unang pangalan?
2. Sa mga pangalan ito, alin ang gustong-gusto mong itinatawag sa iyo?
Sa isang malinis na papel, gumawa ng name tag kung saan nakasulat ang
pinakagusto mong pangalan. At sa likod nito ay gumuhit ng dalawang
puso at isulat ang pangalan ng mga magulang mo. Kulayan ito ng iyong
mga paboritong kulay. Magpatulong sa iyong guro sa paglalagay ng tali.
Isuot ito tuwing oras ng klase
9. Bakit kailangan mong malaman ang mga pangunahing
impormasyon tungkol sa iyong sarili tulad ng pangalan mo
at pangalan ng mga magulang?
Mahalagang malaman mo ang mga pangunahing
impormasyon tungkol sa iyong sarili tulad ng iyong pangalan
at pangalan ng mga magulang.
Magagamit ang mga ito sa pagpapakilala ng iyong sarili sa
mga bagong kaibigan, kaklase at kalaro.
10. Ipasabi sa mga mag-aaral
ang kanyang pangalan at
pangalan ng magulang.
12. Itanong:
Ano ang pangalan mo?
Ako ay si __________.
Sino ang iyong ama?
Ang aking ama ay si ____.
Sino ang iyong ina?
Ang aking ina ay si _____.
Sino-sino ang mga magulang mo?
Ang aking mga magulang ay sina _____ at _____.
17. Gumuhit ng isang puso at sa
loob ng puso isulat ang
kaarawan at gumuhit ng isang
bilog sa loob ng bilog isulat ang
edad.
18. Bakit kailangan mong malaman ang mga pangunahing
impormasyon tungkol sa iyong sarili tulad ng kaarawan
at edad?
Mahalagang malaman mo ang mga pangunahing
impormasyon tungkol sa iyong sarili tulad ng iyong
kaarawan at edad.
Magagamit ang mga ito sa pagpapakilala ng iyong sarili
sa mga bagong kaibigan, kaklase at kalaro
26. Laro: Hulugang Panyo
Ang batang mahuhulugan ng
panyo ang siyang magsasabi ng
impormasyon tungkol sa
kanyang sarili tulad ng tirahan
at pangalan ng paaralan.
27. Bakit kailangan mong malaman ang mga
pangunahing impormasyon tungkol sa iyong sarili
tulad ng tirahan at pangalan ng paaralan?
Mahalagang malaman mo ang mga pangunahing
impormasyon tungkol sa iyong sarili tulad ng iyong
tirahan at pangalan ng paaralan.
Magagamit ang mga ito sa pagpapakilala ng iyong
sarili sa mga bagong kaibigan, kaklase at kalaro
30. Gamit ang isang papet(maaring kamay na
nilagyan ng medias) Magkwento tungkol
sa sarili
Ako ay si___________
Kilala sa tawag na _____.
Ipinanganak ako noong ________ .
Ako ay ___ taong gulang na.
Nakatira po ako sa _____.
Ang ating paaralan ay ___________.
31. Ano ang masasabi mo sa iyong anyo?
Nagugustuhan mo ba ito kapag
tumitingin ka sa salamin?
32. Ituro ang tula:
“Ako ay Ako”
Ang buhok ko ay kakulay ng kay Ina.
Ang balat ko nama’y kawangis ni Ama.
Namana ko rin ang bilog ng mata ni Lola.
Gayundin ang maliit na labi ni Lolo.
Subalit anumang hawig mayroon ako.
Ako’y ako pa rin natatanging totoo.
33. Lahat ba ng tao ay magkakamukha?
Ano-anong pisikal na katangian ang taglay o
mayroon ka?
Masaya ka ba bilang ikaw?
Mayroon kang pisikal na katangian na
naiiba sa iyong mga kamag-aaral tulad ng
hugis ng mukha, tangos ng ilong, kulay at
hugis ng mata, kulay at anyo ng buhok.
Dapat mong ipagmalaki ang angkin mong
katangian.