5. Ang pagkain, tubig, hangin at tirahan ay
mga basic na pangangailangan ng lahat ng
may búhay. Ang mga bagay na ito ay
makukuha sa ating kapaligiran o kayâ ay sa
pamamagitan ng pagsasaayos nito upang
ang mga ito ay mapakinabangan.
6. Pagkatapos mong pag-aralan ang araling ito, matututuhan
mo na
(1) kilalanin ang mga basic na pangangailangan ng tao,
halaman, at hayop tulad ng hangin, tubig at tirahan;
(2) maipaliwanag kung paanong ang mga bagay na may
búhay ay nangangailangan ng kaniyang kapaligiran upang
makuha ang basic na mga pangangailangan at
(3) makilala ang kahalagahan ng pangangailangan na
maprotektahan at mapanatili ang kaayusan ng kapaligiran.
8. Ang kapaligiran ay tumutukoy sa likás na mundo o mga
bagay na nakaaapekto sa mga gawain ng mga halaman, mga
hayop, at mga tao. Nagbibigay ito ng mga pangangailangan
ng mga bagay na may búhay.
Ang loob ng inyong bahay o tirahan ay napakahalang
pangangailangan na natutugunan ng iyong mga magulang.
Dito, ikaw ay ligtas na nakakapamuhay at nakakamit ang
mga pangunahing pangangailangan gaya ng pagkain, damit,
maaliwalas na hangin, malinis na tubig, at mga bagay na
nakakatulong sa iyong paglaki.
9. Ang lahat ng may búhay gaya ng tao, hayop, halaman, at
ilang organismo na kayang makagawa ng sariling pagkain ay
nanatiling búhay hanggat ang kaniyang mga pangangailangan sa
kapaligiran ay maayos at balanseng natutugunan, at ligtas sa sakit
o karamdaman at anumang sakuna na maaaring makasira o
makamatay rito.
Ang halaman ay halimbawa ng bagay na may búhay na
gumagawa ng sariling pagkain. Hindi kumakain ang mga ito tulad
ng mga hayop at mga tao ngunit kailangan nila ng mga
mapagkukunan mula sa kapaligiran upang gumawa ng sariling
pagkain. Kailangan ng mga halaman ng sikat ng araw, hangin,
tubig, at lupa.
10. Ang mga luntiang dahon ng mga halaman
ay nakakagawa ng pagkain gamit ang enerhiya
mula sa sikat ng araw, carbon dioxide, at tubig.
Ang mga ugat ng halaman ay kailangang
sumipsip ng tubig at mineral mula sa lupa na
dadalhin sa mga tangkay at mga dahon upang
patuloy na mabuhay at dumami.
11.
12. Ang mga hayop ay nangangailangan din ng mga nakukuha
mula sa kapaligiran upang mabuhay. Nakadepende sila sa mga
halaman para sa pagkain. May ibang hayop na halaman
lámang ang kinakain, samantalang ang iba, lalo na ang
malalaki at mababangis sa kagubatan ay kumakain ng maliliit
na hayop. Nagsisilbing tirahan ng mga hayop ang mga punò at
matataas na damo.
Ang yamang-tubig gaya ng mga isda ay nabubuhay sa
angkop na anyong tubig bílang tirahan na kanilang
ginagalawan at pinagkukunan ng pagkain.
Ang mga hayop, halaman at tao ay nakadepende sa
kanilang kapaligiran para sa kanilang mga pangangailangan.
21. There are different ways on how you can
gather information. Information can be
gathered from books, journals, magazines
and other references. Each source provides
specific details. You may enrich your
informational skills using various information
sources.
In this lesson, you are expected to use
different sources of information in reading.
22. What source of information is presented above?
What information can it provide?
23. Sources of Information
Information may be gathered in
various sources. A table of contents, an
index and even a book cover may
provide significant information.
However, detailed information may be
gathered using the following:
24. 1. A book is a source of information that
presents topics in chapters.
25. 2. A dictionary is a collection of words which are
alphabetically arranged. It also provides meanings
to various word items.
26. 3. An encyclopedia is a collection of short
factual entries about various subjects or
topics.
27. 4. A newspaper provides discussion on
updated and current issues and trends.
28. 5. A magazine is a collection of articles and images
on various topics and interests.
29. 6. A journal is a collection of articles written by
scholars and/or researchers.
30. 7. The Internet allows you to search information
through a browser.
31. Learning Task 1: Match each description in Column A with the source of
information in Column B. Write the letters of your answers in your
notebook.
Column A
_____1. collection of short factual entries
_____2. topics presented in chapters
_____3. articles written by scholars/
researchers
_____4. updated and current issues
_____5. collection of articles and images
_____6. searching information through a
browser
_____7. collection of words and their meanings
Column B
A. Book
B. Magazine
C. Internet
D. Journal
E. Newspaper
F. Dictionary
G. Encyclopedia
32. In your notebook, complete the table below by finding the
meaning and/or explaining the terms using any available
sources of information.
ASSIGNMENT
33.
34. Mga Kilos sa Lokasyon, Direksiyon at Daanan
Napag-aralan mo sa huling aralin kung
paano makibahagi sa mga kasiya-siya at
masasayang gawain. Sa araling ito,
inaasahang mailalarawan at maisasagawa
mo ang mga kilos sa isang lokasyon,
direksiyon, antas at landas.
35. Pagmasdan ang mga
bata sa larawan. Ano-
ano kaya ang kanilang
ginagawa? May
kinalaman ba sa
lokasyon, direksyon,
antas at landas ang
kanilang ginagawa? Ano
nga ba ang mga ito?
36. Lugar/lokasyon—tumutukoy sa likuran, unahan, ilalim,
ibabaw na kinatatayuan ng tao at kinalalagyan ng mga
bagay.
Direksiyon—tumutukoy sa ninanais na patunguhan ng
galaw/ kilos, kung ito ay pataas o pababa, paharap o
patalikod, pakanan o pakaliwa.
Antas/Levels—nagsasabi ng kaugnayan ng katawan sa
kinatatayuan, kagamitan o taas sa espasyo kung ito ba ay
mababa, nása kalagitnaan o mataas.
Landas/Planes—ito ay tumutukoy sa tiyak na daanan,
maaaring paikot, patayo o pahalang.
37. Ang bao, bulod, bola, ribbon, wands (patpat, yantok,
stick) at sariling likhang kagamitan ay mga payak na
kagamitanng makatutulong upang mapaunlad ang
mga kilos/galaw ng katawan, koordinasyon,
panimbang at kahutukan.
38.
39.
40. Performance Task sa P.E.
Sa túlong ng kasama mo sa
bahay, gawin ang mga gawain sa
talaan at sundan ang mga kilos
na nása larawan gamit ang bao
o anumang bagay na katulad ng
bao sa inyong tahanan. Kuhanan
ng video habang ginagawa ito.
41. Paghahati-hati ng Bilang na may 2-3 Digit sa Pamamagitan ng Bilang na
may 1-Digit na Mayroon at Walang Natitira
42. Sa araling ito ay matututuhan mo ang
paghahati-hati (dividing) ng bílang na
may 2–3 digit sa pamamagitan ng bílang
na 1–2 digit.
Tingnan mo ang halimbawa sa ibaba.
Suriin mo kung paano ang paghahati-hati
(dividing) ng bílang na may 2–3 digit sa
pamamagitan ng bílang na 1–2 digit.
43. Halimbawa:
Si Gng. Tomas ay may 54 na mag-aaral na sumáma sa
kanilang lakbay-aral. Nais niya itong hatiin sa 3 pangkat. Ilan ang
bílang ng mga mag-aaral sa bawat pangkat?
Sa paraang ito ay maaring
isulat ang dividend sa
pamaraang kabuuan ng
dalawang bílang (sum of two
numbers) na kung saan ang
unang bílang ay multiples ng
10 upang mabilis mahati ng
divisor.
Solusyon:
54 ÷ 3 = ______
54 ÷ 3 = (30 + 24) ÷ 3
(30 ÷ 3) + (24 ÷ 3)
(10) + (8)
18
44.
45.
46. Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Kumpletuhin ang talaan sa ibaba.
Isulat ang tamang sagot sa angkop na hanay ng bawat bílang.
Gawin ito sa iyong kuwaderno.