2. • Sequence Iskrip Sinematograpiya
•
• Tunog at Musika Pananaliksik o Riserts
• Disenyong Pamproduksiyon
• Pagdidirehe Pag-eedit
SA PUNTONG ITO TATALAKAYIN NATIN
ANG MGA ELEMENTO NG PELIKULA
4. SINEMATOGRAPIYA
•Pagkuha sa wastong anggulo upang maipakita sa manonood ang
tunay na pangyayari sa pamamagitan ng wastong timpla ng ilaw at
lente ng kamera
Narito ang mga halimbawa ng mga pelikulang nagwagi sa MMFF ng pinakamahusay na
sinematograpiya.
Year Film Cinematographer(s)
2018 (44th) Aurora Yam Laranas
2017(43rd) Siargao Odyssey Flores
2016(42nd) Seklusyon Neil Bion
2015(41st) Nilalang Pao Orendain
5. TUNOG AT MUSIKA
•Ang elementong ito ang nagpapakita ng
pagpapalutang ng bawat tagpo at pagpapasidhi
ng ugnayan ng tunog at linya ng mga diyalogo.
Pinupukaw ang interes at damdamin ng
manonood at inaayunan ang ritmo at daloy ng
pelikula
6. PANANALIKSIK O RISERTS
•Isang mahalagang sangkap sa pagbuo at paglikha ng
dokumentaryo/pelikula dahil sa pamamagitan nito ay
naihaharap nang mahusay at makatotohanan ang mga
detalye ng palabas. Ito ang Gawain ng mga tinatawag
na “researcher” sa team na kumikilos sa likod ng
kamera.
7. DISENYONG PAMPRODUKSIYON
•Pagpapanatili sa kaangkupan ng lugar, eksena,
pananamit, make-up, kagamitan at sitwasyon para sa
masining na paglalahad ng biswal na pagkukuwento.
Ito naman ang pokus na gawain ng mga kabilang sa
production team.
8. PAGDIDIREHE
•Sa pagdidirihe makikita ang mga pamaraan at diskarte ng
direktor kung paano patatakbuhin ang kuwento sa telebisyon
o pelikula. Ipinababatid dito ng direktor ang kanyang
pagkaunawa sa material sa pamamagitan ng malikhaing
pagsasanib ng iba’t ibang elemento ng pelikula.
9. PAG-EEDIT
•Ito ay pagputol, pagdudugtong-dugtong muli ng mga
negatibo mula sa mga eksenang nakunan na. Dito ay
muling sinusuri ang mga tagpo upang tayain kung alin
ang hindi na nararapat isama ngunit di makaaapekto
sa kabuuan ng istorya ng pelikula dahil may laang
oras/panahon ang isang pelikula.