Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
edukasyon sa pagpapahalaga ika-7 baitang q3 w2.pptx
1. MGA PANLOOB NA SALIK NA
NAKAKAIMPLUWENSYA SA
PAGHUBOG NG PAGPAPAHALAGA
2. Sa araling ito ay inaasahang maipapamalas mo ang mga sumusunod na
kaalaman, kakayahan, at pag-unawa.
1. Naipapaliwanag ang mga panloob na salik na nakakaimpluwensya sa
pagpapahalaga.
2. Nasusuri ang isang kilos batay sa isang panloob na salik na
nakaiimpluwensya sa pagpapahalaga.
8. MGA PANLOOB NA SALIK NA NAKAIIMPLUWENSYA SA
PAGHUBOG NG PAGPAPAHALAGA
9. 1. KONSENSYA
Ang konsensya ay ang
panghuhusgang moral ng isip – ang
panghuhusga ng isip kung ano ang
Mabuti at masama.
Kung na hubog ka na gamitin ang
tamang konsensya mula sa iyong
paglaki bilang
nagdadalaga/nagbibinata, napalalakas
ang iyong kakayahan sa pagbuo ng
moral na panghuhusga.
Ang konsensya ay
nangangahulugang “with knowledge” o
mayroong kaalaman. Ipinahihiwatig nito
ang kaugnayan ng kaalaman sa kilos na
ginawa.
10. 2. MAPANAGUTANG
PAGGAMIT NG
KALAYAAN
May mga nag-aakala na ang Kalayaan
ay kapangyarihan na gawin ang anu mang
naisin. Ang tunay na Kalayaan ay
masusumpungan sa pagsunod sa tunay na
Batas ng Moral.
Ang mapanagutang paggamit ng
kalayaan ang pangunahing kakayahang
kailangan upang makapagsagawa ng
tamang pagpapasyang moral at makapili
ng tamang mga pagpapahalaga.
11. 3. PAGIGING SENSITIBO
SA GAWANG MASAMA
Kung ang tao ay tapat sa paggawa ng
tama, mag-aalinlangan siya sa paggawa ng
masama.
Ang isang kilos na masama ay hindi
maaaring ipagwalang bahala. Bilang
kabataan, kailangang maging mulat ka
kung masama ang iyong kilos. Hindi
katanggap-tanggap na dahil sa ang isang
kilos ay madalas na ginagawa ng marami
ay ituturing na itong tama o hindi dapat
ikabahala.
1. LAYON (end) – layunin, dahilan, o
intension ng kilos, at gumagawa ng
kilos
2. PAMAMARAAN (means) – mismong
kilos o gawa
3. MGA PANGYAYARI (circumstances) –
konsiderasyon sa oras, lugar, at paraan
12.
13. 4. DISIPLINANG PANSARILI
Ang disiplina ay hindi galing sa
panlabas sa impluwensya na maaring
idikta sa isang tao. Ito ang kailangang
maggaling sa kanyang sariling
pagnanais na ito ay maisagawa.
Kakayahang pigilan ang sarili sa
paggawa ng mali o mga bagay na hindi
mabuti.
14. 5. PAGSASABUHAY NG BIRTUD O PRACTICE OF
VIRTUES
Masasabi lamang na nagging matagumpay ang
pag-aaral ng birtud kapag paulit-ulit mong
isinasagawa ang mga ito.
15. 6. MORAL NA
INTEGRIDAD
Ito ay mapapanatili kung
magiging matatag sa pakikibaka
para sa katotohanan at
kabutihan.
Ito ay pagsasaloob ng mga
katotohanang unibersal at
pagpapahalagang moral.
1.MORAL DISCERNMENT –
kakayahang tumukoy ng tama sa
mali.
2. CONSISTENT BEHAVIOR – matibay
na pagkapit sa sariling paniniwala.
3. PUBLIC JUSTIFICATION –
hayagang paninindigan at
pagbabahagi ng moral na
paniniwala.
16. GAWAIN
PUMILI NG ISA SA ANIM NA MGA PANLOOB NA SALIK NA
NAKAIIMPLUWENSYA SA PAGHUBOG NG PAGPAPAHALAGA NA SA
TINGIN MO AY KAILANGAN MONG BIGYAN NG HIGIT NA PANSIN AT
DAPAT PAUNLARIN. IPALIWANAG KUNG BAKIT. ISULAT ANG SAGOT SA
ISANG MALINIS NA PAPEL SA PORMANG SANAYSAY.