1. PAKSA: ANG PAPEL NG PAKIKIPAGTALASTASAN SA PANAHON NG ISOLASYON
“Bakuna sa Sakuna”
-Onyok
Epekto ng pandemya’y di natin inaasahan
Madami ang nalugmok, naghirap at nawalan
Pagbabago sa pag-uugnayan, ay di rin naiwasan
Dulot ay pag-aalinlangan at di-pagkakaintindihan
Malaking dagok man ang hatid ng isolasyon
Pakikipagtalastasan, ay susi sa pagtuloy na pag-ahon
Palitan ng ideya, hinaing at sari-saring impormasyon
Naging daan, upang maibigay ang nararapat na aksyon
Sa ngayon, alam kong marami tayong napagtanto
Nakita natin ang kahalagahan ng bawat memoryang nabuo
Sa bawat medya’y kita ang ating mga natatanging kwento
Dahil sa pakikipagkomunikasyon, natutunang sa iba’y sumaludo
Napakahalaga ng papel ng pakikipagtalastasan
Nagbigay linaw sa mga lumot, isyu at nagkaunawaan
Sa bawat bigkas ng salita, ay may kaakibat na pananagutan
At sa diwa ng pagtutulungan, pandemya’y malalampasan
Lahat tayo’y iisa lang naman ang nilalayon
Ang matuldukan ang pandemya at maresolba itong hamon
Makiisa, umaksyon at patuloy tayong umahon
Tungo sa ikabubuti ng lahat at ng ating nasyon.