2. Mga Paalaala sa Loob ng Silid
1. Ugaliing maging mabuti sa bawat isa.
2. Panatilihin ang kaayusan sa loob ng silid.
3. Kung may kailangan sa guro, manyaring itaas ang
kamay at intaying tawagin ng guro.
4. Sikaping maging kaaya-aya ang mga pananalita sa lahat
ng pagkakataon.
4. Layunin ng pag-aaral
1. Natutukoy ang mga gawain o karanasan sa sariling
pamilya o pamilyang nakasama, namasid o napanood na
nagpapatunay sa pagkakaroon o kawalan ng bukas na
komunikasyon.
2. Nabibigyang-puna ang angkop na uri ng komunikasyong
umiiral sa isang pamilyang nakasama, namasid o
napanood.
3. Naisasagawa ang mga angkop na kilos tungo sa
pagkakaroon at pagpapaunlad ng komunikasyon sa
pamilya.
5. Ang komunikasyon ay anumang senyas o simbulo na
ginagamit ng tao upang ipahayag ang kanyang iniisip at
pinahahalagahan, kabilang dito ang wika, kilos, tono ng
boses, katayuan, uri ng pamumuhay at mga gawa.Maging
ang katahimikan ay may ipinahihiwatig. Sa pagmamahal,
inihahayag ng tao ang kanyang sarili sa kanyang
minamahal. Nagpapahayag tayo hindi lamang sa
pamamagitan ng ating sinasabi o ginagawa kundi maging
sa kung sino tayo at paano tayo namumuhay.
ANO ANG KOMUNIKASYON?
7. MGA HADLANG SA MABUTING
KOMUNIKASYON
• Pagiging umid o walang kibo.
Pagkaumid o pagtatago ng saloobin.
• Mali o magkaiba ang pananaw.
Tinitingnan ng isa na higit siyang tama o magaling
• Pagkainis o ilag sa kausap.
Namimili ng kausap
• Takot na ang sasabihin o ipapahayag ay daramdamin
o didibdibin.
Iniisip na mararamdaman o diribdibin ng kausap ang maaari niyang sabihin
8. MGA PARAAN UPANG MAPABUTI
ANG KOMUNIKASYON
• Pagiging mapanlikha o malikhain (creativity)
Paggamit ng tao ng talino at malikhaing isip sa pagtuklas ng
mabuting paraan ng pagpapahayag ng kanyang sasabihin
• Pag-aalala at malasakit (care and concern)
Pagkakaroon ngmalasakit at galang sa kausap
• Pagiging hayag o bukas (openness)
Pagiging bukas lagi at manatiling tapat
9. MGA PARAAN UPANG MAPABUTI
ANG KOMUNIKASYON
• Atin-atin (personal)
Sama-samang usapan atpagpapalitan ng kuro o pagkakaroon ng
masayang balitaan at bahaginan ng karanasan. Subalit may mga
bagay na dapat ay sa pamilya lang pag-usapan.
• Lugod o ligaya
Pagkakaroon ng kaligayahan at lugod sa pakikipag-usap
10. “Sa pagwiwika sumasalipunan ang tao.” Hindi
posible na mabuhay sa lipunan kung walang
salita o wika.
Dr. Manuel Dy (2010)
12. Epekto ng Pagkakaroon ng Komunikasyon
sa isang Pamilya
Naipapahayag ng bawat kasapi ng pamilya ang kanilang
mga
• pangangailangan
• ninanais
• malasakit sa isa’t isa
13. Epekto ng Kawalan ng Komunikasyon sa isang
Pamilya
• Hindi mabuting ugnayan ng mga kasapi nito.
• Madalas na pagtatalo.
• Kakulangan sa paglutas ng suliranin.
• Pag-layo ng loob sa isa’t isa.
• Mahinang pagbibigkis ng mga kasapi nito.
14. Ano ang hamon sa komunikasyon sa
pamilya sa modernong panahon?
15. Ang mga hamon sa komunikasyon
sa pamilya
• Pagharap sa maraming pagbabago.
• Entitlement Mentality
• Kawalang galang sa awtoridad at nakatatanda
• Kahirapan sa pagsasalin ng pagpapahalaga
• Paghihiwalay ng magulang
• Kahirapan sa buhay
16. PAANO MAPATATAG ANG
KOMUNIKASYON SA PAMILYA?
“Ang pinakamabisang tugon dito ay ang pag-
unawa sa tunay na kahulugan ng
komunikasyon sa pagitan ng mga tao.”
17. DIYALOGO
• Ito ay ang tunay na komunikasyon sa pagitan ng mga tao --
Martin Buber
• Ito ay pagbubukas ng sarili at tiwala ng pamilya sa isa’t-isa
• Ito ay nagsisimula sa sining ng pakikinig.
• Pakikinig sa kapwa upang maunawaan ang kanyang pananaw at
pinanggalingan
• Ito ay pagkumpirma sa pagkatao ng kausap.
• Ito ay ang pagtingin mo sa iyong kapwa nang may paggalang sa
kanyang dignidad kaya’t nilalagay mo ang iyong sarili at ibinibigay
mo ang buong atensyon sa pakikipagdiyalogo sa kanya
• Ito ay nararapat na sa pamilya nagsisimula at natututuhan.
18. Ugnayang I-Thou
• Ito ay tinatawag na “narrow ridge” o makipot na
tungtungan.
• Ito ay posible lamang sa pagitan ng mga tao
• Ito ay ang pagtingin sa tao ng may paggalang.
19. Ano naman ang MONOLOGO?
• Komunikasyon na ginagawa upang makamit ang isang layuning
pansarili o kung ang pakay ay marinig lamang at hindi ang
makinig.
• Hindi tinitingnan ang kapwa bilang tao kundi isang daan kundi
nakamit ang nais.
• Ugnayang I-It
20. Pangkatang gawain 1
Punan ang hinihingi sa bawat hanay. Sikaping makapagtala
ng lima ang bawat grupo sa bawat hanay. Pipili ang guro ng
ilan sa mga mag-aaral mula sa grupo na magbabahagi sa
klase ng kanilang mga kasagutan. (Gawin sa loob ng 5
minuto)
21. Mga Suliranin sa
Komunikasyon sa Pamilya
Bunsod ng mga Pagbabago sa
Modernong Panahon
Ang Magagawa Ko upang
Matugunan ang mga Ito Bilang
Kabataan
1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.
5. 5.
22. Ang diyalogo ay nararapat na sa pamilya nagsisimula at
natututuhan. Ang isa sa pinakamalaking suliranin sa pamilya
ngayon ay ang kawalan ng tunay na komunikasyon sa pagitan ng
mag-asawa, mga magulang at mga anak. Madalas na sa pakikipag-
usap sa mga anak, mas mahalaga sa magulang ang maipaunawa
ang nais nila para sa kanilang anak, hindi ang pakikinig sa nais ng
mga anak. Ang mga anak naman ay tinitingnan ang mga magulang
bilang mga taong walang kakayahang makinig at umunawa kaya’t
mas minamabuti pa ang manahimik at itago ang tunay na
nararamdaman. Minsan, mas madali ang magpanggap kaysa
magpakatotoo saloob ng pamilya. Labis na nakalulungkot ang
katotohanang maging sa loob ng pamilya ay kadalasang hindi
nakukumpirma ang ating pagkatao.
24. Sumulat ng isang Slogan ng 15-20 salita, tungkol sa
“Kahalagahan ng Komunikasyon Tungo sa Matatag na
Pamilya.” (10 mins.)
Kraytirya:
A. Angkop sa Paksa 40%
B. Paggamit ng Salita 30%
C. Orihinalidad 20%
D. Kalinisan 10%
25. Pumili sa iba’t ibang Paraan Upang Mapabuti ang
Komunikasyon. Isulat ang MC kung Mapanlikha o
Creativity, PM kung Pag-aalala at Malasakit, HB kung
Hayag o Bukas, AA kung Atin-Atin, at LL
naman kung Lugod o Ligaya ang sumusunod na sitwasyon.
(Gawin sa loob ng 5 minuto)
26. _______1. Sinikap kong makaipon upang makabili ako ng
magandang tsinelas para sa aking nanay. Naglalakad ako
tuwing umaga papasok sa paaralan. Inipon ko ang dapat
sana’y pamasahe ko.
_______ 2. Palaging masigla ang aking pakikipag-usap sa
aking mga mahal sa buhay lalo na kapag nagkukuwento
ako ng mga pangyayari sa aking buhay.
Mapanlikha o Creativity MC Pag-aalala o Malasakit PM
Hayag o Bukas HB Atin-atin AA Lugod o Ligaya LL
27. _______ 3. Hindi ko idinadaldal o ipinagkakalat ang
maselang pagsubok na pinagdadaanan naming pamilya.
_______ 4. Nakagawian na naming magkakapatid na
magmano sa aming mga magulang at sa mga lolo at lola
bago kami umalis ng tahanan.
_______ 5. Sa tuwing may suliranin ang aming pamilya,
ipinagtatapat kong palagi sa aking mga kapatid at
magulang ang tunay kong nararamdaman.
Mapanlikha o Creativity MC Pag-aalala o Malasakit PM
Hayag o Bukas HB Atin-atin AA Lugod o Ligaya LL
28. _______ 6. Kahit na wala akong maraming salapi, binigyan
ko ng card ang aking ate sa kanyang kaarawan.
_______ 7. Sa tuwing kami ay nasa mall ng aking lola,
akay-akay ko siya habang namamasyal dahil mahina na
ang kanyang mga tuhod.
Mapanlikha o Creativity MC Pag-aalala o Malasakit PM
Hayag o Bukas HB Atin-atin AA Lugod o Ligaya LL
29. ______ 8. Ang pagtatalo ng aking mga magulang kagabi ay
hindi ko ipinagkalat sa aking mga barkada dahil naniniwala
akong masosolusyunan namin ang suliraning ito sa awa at
tulong ng Panginoon
______9. Hindi ako nagdadabog kapag inuutusan ako ng
aking mga magulang, sapagkat sa ganitong paraan ay
mapapalugod ko sila at higit sa lahat ang Diyos na
nagbigay sa aking ng magulang.
Mapanlikha o Creativity MC Pag-aalala o Malasakit PM
Hayag o Bukas HB Atin-atin AA Lugod o Ligaya LL
30. ______10. Nilagyan namin ng mga magagandang
dekorasyon ang aming luma ngunit malaking bahay para sa
aming Family Reunion, kaysa umupa ng mamahaling lugar
na pagdadausan nito.
Mapanlikha o Creativity MC Pag-aalala o Malasakit PM
Hayag o Bukas HB Atin-atin AA Lugod o Ligaya LL
31. Piliin sa kahon ang angkop na salita upang mabuo
ang pahayag.
senyales o simbulo Ivan Pavlov
entitlement mentality Martin Buber
diyalogo Dr. Manuel Dy
1. Ang komunikasyon ay anumang __________na
ginagamit ng tao upang magpahayag.
2. Ang tunay na komunikasyon ay tinatatawag ni
________________ na “diyalogo”.
32. 3. Ang ___________ ay nagsisimula sa sining ng
pakikinig.
4. Ayon kay ___________, “Sa pagwiwika
sumasalipunan ang tao.”
5. Tinatawag na __________________ ang isa sa
mga negatibong pagbabago sa isang pamilya.
senyales o simbulo Ivan Pavlov
entitlement mentality Martin Buber
diyalogo Dr. Manuel Dy