Ang presentasyong ito ay tumatalakay sa kahulugan, kahalagahan, layunin at gamit ng makrong Kasanayan partikular na sa pagsasalita at pakikinig. Ipinaliliwanag nito ang ugnayan ng dalawa lalo na sa larangan ng komunikasyon.
Ang presentasyong ito ay tumatalakay sa kahulugan, kahalagahan, layunin at gamit ng makrong Kasanayan partikular na sa pagsasalita at pakikinig. Ipinaliliwanag nito ang ugnayan ng dalawa lalo na sa larangan ng komunikasyon.
pakikinig:
kahulugan ng pakikinig
proseso ng pakikinig
kahalagahan ng pakikinig
ang bagay nakaimpluwensya sa pakikinig
antas ng pakikinig
mga patnubay sa mabisang pakikinig
Isang presentasyon tungkol sa pakikinig, antas ng pakikinig, mga nakaka-impluwensya sa pakikinig, mga uri ng tagapakinig, mga sagabal ng pakikinig, at mga pamamaraan sa mabisang pakikinig.
3. MGA GABAY NA TANONG
1. Ano ang pagkakaiba ng pakikinig at pandinig? Ipaliwanag
2. Ano-ano ang proseso o yugto ng pakikinig? Ipaliwanag
3. Ano-ano ang antas ng pakikinig? Ipaliwanag
4. Ano-ano ang mga elementong nakakaimpluwensiya sa pakikinig?
Ipaliwanag
5. Ano-ano ang mga salik na maaaring makasagabal sa pakikinig?
Ipaliwanag
6. Ano-ano ang mga uri ng tagapakinig? Ipaliwanag
7. Paano magiging epektibong tagapakinig? Isa-isahin
4. KAHULUGAN NG PAKIKINIG
Ang pakikinig ay isang makapangyarihang instrumento ng
komunikasyon na nagsisilbing impluwensiya upang makipag-
usap ng mabuti. Ito ay isang aktibong gawain. May
nagaganap na pagpoproseso sa isip ng tagapakinig.
Nabibigyang kahulugan ang mga tunog at Salita. Tunog na
naririnig ay nabibigyang interpretasyon at nasusuri ang ating
kaalaman sa istruktura ng wika at naisasaisip ang mensahe,
impormasyon at napahihiwatig sa napakinggan.
5. Ito ay isang aktibong proseso ng pagtanggap ng mensahe sa
pamamagitan ng pandinig at pag-iisip. Aktibo ito dahil
nagbibigay-daan ito sa isang tao na pag-isipan, tandaan at
suriin ang kahulugan at kabuluhan ng mga salitang kanyang
napakinggan.
Ang pakikinig, samakatuwid, ang pag-unawa sa kahulugan ng
mga tunog na napakinggan. Nangangahulugan ito ng
pakikinig nang may layunin ang pag-unawa sa kahulugan ng
mga salita at pangungusap na narinig. Inuunawa ang mga
katotohanan at ideya na nakapaloob sa mga salitang
napakinggan.
6. Bagama’t magkaugnay, may pagkakaiba ang pandinig
(hearing) at pakikinig (listening). Sa lebel ng pisikal na
pandinig sapagkat isang kapasidad ito para matukoy ang
tunog na mabubuo sa isang salita. Tumutukoy ito sa ating
kakayahang marinig ang anumang tunog sa pamamagitan
ng ating mga tainga.
Samantala, isang proseso ng pag-iisip na may layunin na
unawain ang kahulugang nakapaloob sa mga tunog na
pinakikinggan sa pakikinig. Bagama’t magkaiba ang
pandinig at pakikinig, magkaugnay ang dalawa sapagkat
hindi maaaring mangyari ang tunay na pakikinig kung
walang pandinig. Preliminaryong hakbang sa pakikinig ang
pandinig.
7. Natatamo ang pag-unawa sa pamamagitan ng ating kaisipan.
Isang aktibo itong kasanayan sapagkat may nagaganap sa
isipan ng isang tao habang nakikinig. Ipinoproseso ng
kanyang isipan ang mga bagay na kanyang napapakinggan
hanggang sa maunawaan niya ang kahulugan nga mga ito.
Napakahalaga ng pag-unawa sa proseso ng pakikinig.
Mabilis na pagkuha ng impormasyon – daan upang ang
bawat isa ay magkaunawaan at magkaroon ng mabuting
palagayan. Sa pakikinig kailangan ng ibayong konsentrasyon
sa pag-unawa, pagtanda o paggunita sa naririnig.
8. Nakakatulong sa pagpapalawak ng kaalaman. Ang pakikinig
ay nakakatulong sa pag-unawa ng damdamin, kaisipan at
mauunawaan ang kinikilos, gawi at paniniwala. Lumilikha ito
ng pagkakaisa, sa loob ng tahanan, sa paaralan, at sa
pamayanan.
HALIMBAWA:
Pakikinig ng musika- ang pakikinig ay
napakahalaga sapagkat mabilis ang
pagkatuto kung gagamitan ng
kakayahang pandinig. Ito ang
pinakamabilis na paraan upang
maunawaan ang talakay ang impormasyon ay
karaniwang ibinibigay ng nagsasalita.
9. Halimbawa ng pakuha ng
impormasyon:
Mga pangyayari sa pang araw-araw na
buhay
Panayam
Talakayan
10. KAHALAGAHAN NG PAKIKINIG
1.Pagkuha ng impormasyon
2.Paglutas ng suliranin
Sa pakikinig, nalalaman natin at nabibigyang linaw kung
ano ang naging suliranin o balakid sa anumang gawaing
di nagbunga ng inaasahan. Sa pakikinig din masusuri
ang suliranin at mula rito ay makakabuo ng
posiblengkalutasan sa nasabing suliranin.
11. 3.PAGBABAHAGI NG KARANASAN
Nagpapatuloy lamang ang pagbabahagi ng karanasan
kung nakikita na ang kausap ay taimtim na nakikinig. Sa
pamamagitan nito ang pagbabahagi ng karanasan ay
katanggap-tangap. Naiibsan ang damdamin ng
naggbabahagi habang ang nakikinig naman ay natututo
sa karanasan ng iba sa pamamagitan ng pakikinig.
12. 4.PANGHIHIKAYAT
Sa pamamagitan ng pakikinig, ang isang tao ay
nakapagdedesisyon ayon sa hikayat ng pananalita o
dating ng sinasabi.
Halimbawa:
Huwag dyan, dito na lang mura pa pang matagalan pa.
Dito na po tayo buy 1 take 1 po.
13. YUGTO SA PAKIKINIG
Ang pakikinig ay isang komplikadong proseso. Ang
proseso ng pakikinig ay nahahati sa iba’t-ibang yugto
ayon sa pagkasunod-sunod ng mga ito.
14. Ang unang yugto ay resepsyon o pagdinig sa tunog.
Mapipikit natin ang ating mga mata ngunit hindi mo
naisasara ang iyong taingga lagi itong bukas sa mga tunog
na nagsisilbing stimuli. Ang wave stimuli na iyon ang
nagdaraan ng auditory nerve patungo sa utak.
Ang pangalawa ang rekognisyon o pagkilala sa tunog na
kinikilala natin ang tunog hindi lamang bilang ingay kundi
bilang reyalidad.
Ang pangatlo ay pagbibigay-kahulugan. Ito ay nakabatay
sa dalawang naunang yugto at kung gayo’y mahigpit na
nauugnay sa dalawa, ang pagbibigay kahulugan sa tunog ay
higit na diskriminatibong yugto.
15. Upang maging epektibong tagapakinig, kailangan
nating isaalang-alang ang ilang elementong
nakaiimpluwensya sa proseso ng pakikinig
a.Oras - sadyang may mga oras na ang ating
pandinig ay handang-handa nguit may mga oras
ding kulang iyon sa kahandaan.
b.Channel – madalas, daluyan ng tunog ay nagiging
sagabal sa pakikinig. Kapag ika’y nakikipag-usap sa
telepono o radio, magiging Malabo ang
pagkakadinig mo sa mga salita.
16. c. Edad – karaniwang mahina pa ang kakayahan ng mga bata
sa pagbibigay kahulugan ng narinig samantalang
karaniwang humihina na ang pandinig ng mga matatanda.
d.Kasarian – may mga tao na higit na nakikinig sa babae
kung paanong may iba naman sa lalaki o kung ano ang
preperensya nito.
17. e. Kultura – hindi maihihiwalay ang kultura sa pakikinig. Sa
pagbibigay ng kahulugan sa mga tunog na narinig, ang
isang tao ang lagging naiimpluwensyahan ng kanyang
kultrura.
f. Konsepto sa sarili – ang pagkakaiba-iba ng ating
pananaw ay maraming makaimpluwensya sa proseso ng
komunikasyon. Kailangang linangin sa bawat tao ang
kanyang kasanayan sa pakikinig upang ang lahat ay
magkaroon ng epektibong komunikasyon ngunit paano
ito naisasakatuparan?
18. NARITO ANG ILANG MUNGKAHI SA
PAKIKINIG
1. Pakinggan huwag lamang ang mga salita kundi maging
mensahe.
2. Tulungan ang kausap na linawin ang kanyang mensahe.
3. Ipagpaliban hanggat maaari ang iyong mga paghuhusga.
4. Kontorlin ang mga tugong emosyonal sa narinig.
5. Pagtuunan ang mensahe.
6. Pagtuunan din ng pansin ang istruktura ng mensahe.
7. Patapusin ang kausap.
20. MGA YUGTO NG ISANG ARALIN SA PAKIKINIG
BAGO MAKINIG
Pagpukaw sa kawilihan ayon sa tekstong napakinggan.
Pagtukoy sa ilang dating kaalaman/ impormasyon na
makatutulong sa pag- unawa ng tekstong pakikinggan.
Paglilinaw ng ilang talasalitaan na maaaring makasagabal sa
pag-unawa.
Pagtalakay sa layunin ng isasagawang pakikinig.
21. MGA GAWAING MAILALAPAT SA
YUGTONG ITO NG PAKIKINIG
Impormal na talakayan.
Pag-uusap tungkol sa isang larawan.
Pagtatala ng mga mungkahi, opinion, atbp.
Pagbasa ng kaugnay na teksto.
Pagbasa sa mga tanong na kailangang masagutan
habang nakikinig.
Paghula sa maaaring mangyari.
Pagtalakay sa uri ng wikang maririnig sa teksto.
22. HABANG NAKIKINIG
Ito ang pukos ng aralin. Ang mga Gawain sa yugtong
ito ay naaayon sa mga puntos na nais bigyang- diin
ng guro.
MGA GAWAING MAILALAPAT SA
YUGTONG ITO.
Pagsagot ng mga tanong na maraming pagpipiliang
sagot;
Mga tanong na tama/mali;
Pagtukoy sa mga maling impormasyon.
23. PAGKATAPOS MAKINIG
Sa yugtong ito, maaaring bigyan ang mga mag-aaral ng
mga gawaing bunga ng ginawang pakikinig.
HALIMBAWA:
Pagsulat ng liham sa tagapagsalita bilang
personal na tugon sa sinabi ng tagapagsalita.
24. INDIVIDUAL NA GAWAIN
1. Sumulat ng isang repleksyon na batay sa inyong
natutunan sa:
a.Kahulugan ng pakikinig
b.Kahalagahan ng pakikinig
c.Elementong nakaiimpluwensya sa proseso ng pakikinig
d.3 yugto sa pakikinig
e.Mga mungkahi sa pakikinig.