5.filipino 3 paalala sa pagsulat papel sa lipunanng isang nagsusulat iba't ibang estilo sapagsulat (1)
1. Paalala sa Pagsulat
Papel Sa Lipunanng IsangNagsusulat
Iba't Ibang Estilo SaPagsulat
FILIPINO 3 Masining na
Pagpapahayag
2. 1.inaasahang bunga :sa modyul na ito inaasahang
magagawa mong:
1.Maisa-isa ang mga paalala sa pagsulat
2.Magamit ng tama ang kaalamansa papel sa lipunan ng
Isang Nagsusulat
Matagumpay na gumawa ng pagsulat gamit iba't ibang estilo
sa pagsulat
4.magtamo ng kasiyahan sa talakayan
3. SA PAGSULAT
Unang-una,
Kailangan pumili ng magandang paksa.
Mahalaga na ang paksa ay sakop ng kamalayan
at kaisipan.
Ano ang alam mo tungkol sa paksang iyan?
Ano ang kinalaman ng mambabasa mo sa
paksang iyan?
Ano ang layunin mo sa paksang iyan? may
kaugnayan ba sa karanasan mo?
nakatutugon ba ito sa problemang?
5. 1. Iwasan ang mga kilometrikong pagsulat.
2. Iwasan ang mabubulaklak , malalalim at
masasalimuot na pananalita. Hindi na ito uso.
Hindi na rin ito angkop sa nagmamadaling tao ng
modernong panahon. Hindi magandang
nagmamalabis sa ano mang bagay. Hindi
na sapat sobrahan ang paggamit ng salitang Ingles
hanggang sa halos Taglish na ito.
3 Gawing kongkreto at malinaw ang
pagpapahayag.
6. 4 Magsulat ng mga bagay na totoong-totoo sa iyo.
lalo na sa mga bagay na minamahalaga mo. Sa
pagsulat, ibinibigay mo at inilalantad ang
sarili mo- ang mga lakas at kahinaan mo.
Huwag magpakalayu-layo sa paghanap ng paksa.
Maging mapagtanong at palahanap.
5.Gawing kongkreto at malinaw ang
pagpapahayag. Kaya hindi ipinapayo ang pagiging
maligoy at ang paggamit ng mga luma at gasgas
na pangungusap. Hindi na rin uso ang
direktang pangangaral kaya maganda na ang
7. 6.Iugnay mo ang bagay sa paligid sa buhay ng
tao.
7. Iniisip muna ang kabuuan at saka iniisip ang
detalye.
8. Pagsusulat ay isang natatanging larangan na
humihingi ng natatanging kakayahan.
9. 1. Tagapagpahayag ng kaisipan at
damdamin ng panahon.
2. Inaantig niya ang damdamin ng
mambabasa.
3. Nagtuturo siya ng mga bagay
bagay.
4. Tagapagpagulo siya ng isipan ng
mga sang-ayon sa kasalukuyang
takbo ng buhay.
10. 5. Tagagising siya ng mga natutulog
at hindi nababahala.
6. Taga-aliw rin siya ng mga nais
magpalipas ng oras o pampatay sa
oras.
7. Tagapagasiwalat ng mga kaisipang
mahirap tanggapin o paniwalaan.
8. Tinatangay ng isang sulatin ang
mambabasa tungo sa isang mundo.
12. 1. Estilong kombersesyonal
2. Estilong sarkastiko
3. Estilong nagsisimula sa tanong at natatapos din sa
tanong. pagtatanong ay retorikal
4. Estilong panarili
5. Estilong obhektibo
6.Laguman
13. Popular ang estilong panarili ang himig. Nagiging
magaan at madulas ang paglalahad tungkol sa
“mabibigat” na paksa. Ang sulatin ay tulad ng
pakikipagkwentuhan sa isang kapatid o kabarkada. May
himig na nakikipag-usap at nakikipag-bonding.
Kawili-wili ang estilong kombersesyonal o iyong parang
nakikipag-usap ang nagsusulat sa mambabasa. Magaan
ang pagpapahayag na parang kaharap angmambabasa.
Para siyang nagkukuwento at nagsasalaysay tungkol sa
mga personal na karanasan.
14. Ang Estilong Sarkastiko ay may himig
panunuya, pagbibiro, panunudyo, pang-iinis,
pambibira at pananaray. Ito’y kadalasang
ginagamit kapag ang paksa ay isyung pulitikal o
patungkol sa buhay-buhay sa pelikula.
May mag sulating nagsisimula sa tanong at nagtatapos din
sa tanong. Ang pagtatanong ay retorikal. Hindi kailangan
bigyan ng tahasang sagot. Dapat lang itong pag-isispan at
pagnilayan.
15. sa paninging obhektibo, ang mga
pangyayari ay ipinahahayag ng
nagsusulat sa pamamagitan ng
pagmamasid lamang.
samantalang sa paraang laguman
ay pinagsama-sama ang paninging
panarili at paninging obhektibo.
16. PAGSUSULIT:
Tama o mali: isulat ang tama kung ang
tuntunin ay wasto at isulat ang mali kung ang
tuntunin ay di wasto.
1.Estilong kombersesyonalˇay pinagsama-sama ang paninging
panarili at paninging obhektibo.
2. Estilong sarkastiko ang mga pangyayari ay ipinahahayag ng
nagsusulat sa pamamagitan ng pagmamasid lamang.
3. Estilong nagsisimula sa tanong at natatapos din sa tanong.
pagtatanong ay retorikal
4. Estilong panarili Nagiging magaan at madulas ang paglalahad
tungkol sa “mabibigat” na paksa.
5. Estilong obhektibo iyong parang nakikipag-usap ang nagsusulat sa
mambabasa
6.Laguman ay may himig panunuya, pagbibiro, panunudyo, pang-iinis,
pambibira at pananaray. Ito’y kadalasang ginagamit kapag ang
paksa ay isyung pulitikal o patungkol sa buhay-buhay sa pelikula.
17. PAPEL SA LIPUNAN NG ISANG
NAGSUSULAT Tama o mali: isulat ang tama
kung ang tuntunin ay wasto at isulat ang mali
kung ang tuntunin ay di wasto
7.tagagising siya ng mga natutulog at puyat.
8. taga-aliw rin siya ng mga nais magpalipas ng
oras o pampatay sa oras.
9. tagapagasiwalat ng mga kaisipang mahirap
tanggapin o paniwalaan.
10. tinatangay ng isang sulatin ang mambabasa
tungo sa isang mundo.
19. KASUNDUAN:
SUMULAT NG KOMPOSISYON
PAGPAPAKILALA SA MGA SUMUSUNOD:
• Sarili
• Pamilya
• Kaibigan
• Lagyan ng larawan
• Sundin ang mga paalala sa pagsulat (30) pts
• Pumili ng maaaring maging himig ng sulatin