Successfully reported this slideshow.
We use your LinkedIn profile and activity data to personalize ads and to show you more relevant ads. You can change your ad preferences anytime.

Aralin 1.2b pabula at kasaysayan nito

FROM DEPED LPS

Related Books

Free with a 30 day trial from Scribd

See all
  • Be the first to comment

Aralin 1.2b pabula at kasaysayan nito

  1. 1. MAGANDANG ARAW!
  2. 2. BALIK-ARAL TAYO! Tungkol saan ang huling paksa na tinalakay natin?
  3. 3. Pamilyar ka ba sa mga akdang ito? “Ang Kuneho at Pagong” “Ang Matalinong Pagong at Hangal na Matsing” Anong uri ng panitikan ang mga nabanggit na akda?
  4. 4. PABULA Ano ang pabula?
  5. 5. Gamitin ang KWL (Know-What- Learned) Know What Learned
  6. 6. PABULA ay mga kuwento na hayop ang gumaganap ngunit kumikilos at nagsasalita na tulad ng tao. Madalas na inilalarawan dito ang dalawang hayop na may magkaibang ugali at nagwawakas ang kuwento na nagwawagi ang may mabuting ugali at nag-iiwan ng aral.
  7. 7. ay tumutukoy sa pang-araw- araw na buhay sa daigdig (maliban sa pagsasalita ng mga hayop), ang mga suliranin ay nilulutas hindi ng mga kababalaghan, na tulad ng mga kuwentong engkantada,
  8. 8. kundi sa pamamagitan ng mapanusong paraan, paghahanda, o sa pamamagitan ng matalinong gawa na katulad ng tao sa kanilang paglutas ng suliranin: naunahan ng pagong ang kuneho dahil sa kanyang matiyaga at patuloy na paglalakad. Napaglalangan ng pagong ang matsing nang magkunwari siya na ayaw na ayaw niya sa tubig.
  9. 9. hindi naman lahat ng pabula ang pangunahing gumaganap ay hayop, mayroon ding naman na ang gumaganap ay tao katulad ng Ang Batang Sumigaw ng Lobo at Ang Babaing Maggagatas o magkahalong hayop at tao na katulad ng Ang Mabait at Masungit na Buwaya.
  10. 10. PAANO NAGSIMULA ANG PABULA? Ipinalalagay na nagsimula ang pabula kay Esopo, isang aliping Griyego sa taong 400 B.C. Siya ay pangit, tuso at matalino ngunit sa kanyang kahusayan sa pagkukuwento ng pabula, siya’y pinalaya at nagkaroon ng tungkulin.
  11. 11. PAANO NAGSIMULA ANG PABULA? May paniniwala rin na ang pabula ay nanggaling sa Indya at hinango sa Panchantara at Jatakas. Ang Panchantara (limang aklat) ay sinulat sa Kashmir noong 200 B.C. at ito’y itinuturing na pinakamatandang katipunan ng mga pabula sa Indya.
  12. 12. Ang pamagat ng dalawang aklat ay buhat sa pangalan ng dalawang Lobo (Jackals), Kalilab at Dimab o mga pabula ni Bidpai. Ito’y isinalin sa Persya, Arabik at Latin at nagtamo ng katanyagan sa Europa. Isa pang katipunan ng mga pabula sa Indya ang napatanyag, ito’y tinawag na Jatakas.
  13. 13. Ipinalalagay na ito’y lumaganap noong limang daantaon B.B. Ang Jatakas ay ikinapit ng mga Budhist sa mga kuwentong nauukol sa muling pagkabuhay ni Gautama Buddha. Ayon sa paniniwala bago siya nagging Buddha ay nagpasalin-salin muna siya sa iba’t ibang hayop tulad ng barako, leon, isda at daga.
  14. 14. Ang Jatakas ay kuwento sa loob ng isang kuwento na sa hulihan ay may patulang aral. Sa 547 kuwentong Jatakas may 30 lamang ang maaaring pambata. Ang mga kuwentong Jatakas (Eastern Stories and Legends Jatakas Tales) ay tinipon nina Ellen C. Babbit at Marie Shedlock.
  15. 15. Si Jean de la Fontaine ay naglathala ng kanyang pabulang patula sa Pranses noong 1668. At noong 1919 si Milo Winter ay naglathala ng The Aesop for Children. Ang Panitikang Pilipino ay punung-puno rin ng mga pabula at ang mga bata ay maaakit na gumawa ng kanilang sariling kuwento na magtataglay ng aral.
  16. 16. GAWIN NATIN Sagutin ang mga sumusunod na tanong: 1. Bakit kaya patuloy na lumaganap ang mga pabula kahit pa ang mga naunang pabula ay sa paraang pasalita lamang nagpasalin-salin sa bawat henerasyon?
  17. 17. 2. Ano-ano ang katangian ng pabula? 3. Ano ang pinatutunayan ng mahaba at makulay na kasaysayan ng pabula?
  18. 18. 4. Kung makakausap mo si Aesop at iba pang manunulat na nagsisulat ng mga pabula, ano ang sasabihin mo sa kanilang ginawang pagpapalaganap sa mga pabula? 5. Gaano kalawak ang iyong nalalaman tungkol sa pabula? Paano mo pa higit na mapapalawak ang iyong kaalaman hinggil dito?
  19. 19. ISULAT NATIN Naibabahagi ang Sariling Pananaw at Saloobin sa Pagiging Karapat-dapat/Di Karapat-dapat na Paggamait ng mga Hayop Bilang mga Tauhan sa Pabula (F7PS-Icd- 2)
  20. 20. Sa binasang salaysay ay nabatid mo ang mahaba at makulay na kasaysayan ng pabula. Nalaman mo ring mga hayop na nagsasalita at kumikilos na parang mga tao ang gumaganap na tauhan sa mga pabula. Sa iyong palagay, karapat- dapat ba o hindi ang paggamit ng mga hayop bilang mga tauhan sa pabula? Magpahayag ng limang dahilan sa napili mong sagot.
  21. 21. karapat-dapat ang paggamit ng mga hayop sa pabula dahil … hindi karapat-dapat ang paggamit ng mga hayop sa pabula dahil …
  22. 22. PAG-ISIPAN! Epektibo bang gamitin ang mga hayop upang maipahayag ang isang kaisipan tungkol sa akda?
  23. 23. Maraming Salamat!
  24. 24. Inihanda ni: Daneela Rose M. Andoy Grade 7 Filipino Teacher I Agusan NHS

    Be the first to comment

    Login to see the comments

  • JhoanmaeJavier

    Nov. 20, 2019
  • RebeccaBernal1

    Nov. 28, 2020
  • MaricelGonzales8

    Jan. 31, 2021

FROM DEPED LPS

Views

Total views

17,014

On Slideshare

0

From embeds

0

Number of embeds

0

Actions

Downloads

51

Shares

0

Comments

0

Likes

3

×