SlideShare a Scribd company logo
Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 3:
Pagbabagong Kultural sa
Panahon ng Espanyol
5
5
Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 3:
Pagbabagong Kultural sa
Panahon ng Espanyol
1
Alamin
Sa panahon ng pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas, binago nila ang
maraming aspeto ng pamumuhay ng mga Pilipino. Sapilitan nilang ipinatupad
ang iba’t ibang patakarang nagpabago sa kalagayang pampolitika, pang-
ekonomiya at pangkultura ng mga katutubo.
Sa modyul na ito, tatalakayin ang mga pagbabagong kultural na dala ng
kolonyalismong Espanyol.
Kapag natapos mo na ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
1. Nasusuri ang pagbabagong kultural ng mga Pilipino sa panahon ng Espanyol;
2. Napahahalagahan ang kultura ng mga Pilipino; at
3. Naihahambing ang mga pagbabago sa kultura sa panahon ng
Espanyol at kasalukuyan.
2
Subukin
Panuto: Tignan ang makikita sa bawat larawan. Isulat ang iyong sagot sa sagutang
papel.
1. ___________________________________________________
2. ___________________________________________________
3. ___________________________________________________
4. ___________________________________________________
5. ___________________________________________________
3
Aralin
1
Pagbabagong Kultural sa
Panahon ng Espanyol
Halos mahigit sa tatlong daang taong sinakop ng mga Espanyol ang ating
bansa na nagdulot ng pagbabago sa sinauna nating kultura. Napakalaking
impluwensya ng kulturang Espanyol sa pamumuhay ng mga Pilipino. Ang ating
relihiyon, pananamit, tirahan, paniniwala, panitikan at maging ang tradisyon ay may
malaking bahagdan ng kulturang Espanyol.
Sa kabila ng mga pagbabagong ito ay hindi tuluyang nawala ang ating
kinagisnang kultura. Ang malawakang pagbabago sa kulturang Pilipino ay nakita
noong mga huling taon ng ika-16 na dantaon.
4
Balikan
Suriing mabuti ang mga larawan kung ano ang inilalarawan nito. Isulat ang
iyong sagot sa sagutang papel.
5
Tuklasin
Basahin at unawaing mabuti ang nilalaman ng tula. Sagutin ang mga kasunod na
pamprosesong tanong. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
Mga Tala para sa Guro
Ang sumusunod na aralin ay may kinalaman sa mga batayang
impormasyon sa pagbabagong kultural noong panahon ng
Espanyol. Mainam na gabayan ang mga mag-aaral sa pagtalakay
ng aralin sa pamamagitan ng paggamit ng modyul na ito
6
Baryo San Antonio
ni Hazel V. Cruz
Sa aming baryo na tawag ay San Antonio
Kung saan maraming alaalang aking maikukuwento
Mga tao na nagpapakita ng pagkakaisa at pagkakaunawaan
Isang baryo na di maikakaila ang kagandahan
Mga larong tunay namang napakasayang balikan
Sipa, patintero, palo-sebo, piko, tumbang preso’t taguan
Tatakbo nang tatakbo hanggang maramdaman ang tiyan
Kakain ng masarap na luto ni lola na empanada’t leche flan
Sa kapistahan ng aming Patron, marami dito’y dumadayo
Mga handang binalik-balikan kaldereta, paella’t menudo.
Mga bandang lumilibot sa aming munting baryo
Tunay na nagbibigay ng saya sa aming mga puso.
Mga iba’t ibang pagdiriwang akin ding inaabangan
Tulad ng Simbang Gabi sa tuwing sasapit ang kapaskuhan
Prusisyon ng mga naggagandahang babae sa Santacruzan
At Mahal na Araw na kailangan nating pagnilayan.
Sa pagbabalik ko sa aking sintang baryo
Maraming natantong mga pagbabago
Dahil sa sakuna at trahedyang natamo
Na ngayon ay bumangon at inspirado
Mga bahay na payak noon at simpleng mga kubo
Ngayo’y naglalakihan at napakagarbo
Gayonman hindi naalis ang mga paniniwala sa aming mga puso
Mananatili at pahahalagahan ang baryo San Antonio.
Pamprosesong Tanong:
1. Tungkol saan ang tula?
2. Paano inilarawan ng may akda ang baryo San Antonio?
3. May pagkakahalintulad ba ito sa inyong lugar o baryo? Kung meron
ano-ano ang mga ito?
4. May mga naganap din bang mga pagbabago sa iyong pamayanan?
Isalaysay ito.
5. Bilang isang mag-aaral, paano mo mapahahalagahan ang iyong baryo
na iyong kinabibilangan?
7
Suriin
Mga Pagbabagong Kultural sa Panahon ng Espanyol
Sa modyul na ito gawing gabay sa pag-unawa ng aralin ang sumusunod na
balangkas.
Panahanan
Bago pa man dumating ang mga Espanyol ang mga Pilipino ay nagtayo ng mga
tirahan na malapit sa mga baybayin at sa tabing ilog. May mga nanirahan din sa
mga kabundukan. Ito ay upang malapit sila
sa kanilang pinagkukunan ng kabuhayan.
Ang disenyo ng mga tirahan ng mga Pilipino
ay kadalasang yari sa mga likas na
materyales tulad ng kawayan, buho, cogon at
ratan na angkop sa klima ng bansa. Ang
tirahan ng mga Pilipino ay tinatawag na
bahay kubo.
Sa pagdating ng mga Espanyol nagbago rin ang
estruktura ng tirahan ng mga Pilipino. Ipinakilala ng mga
Espanyol ang bahay na bato. Ito ay malaki at matibay, gawa ang unang palapag
nito sa bato at ang ikalawang palapag naman ay yari sa matigas na kahoy.
PAGBABAGONG KULTURAL SA PANAHON NG ESPANYOL
Pananamit
Panahanan
Mga Laro
Edukasyon
Lutuin Mga Pagdiriwang
Musika, Sayaw,
Sining at Panitikan
Relihiyon
Pagpapangalan
8
Kung susuriin ang bahay na bato na ipinakilala ng mga Espanyol ay halos
pareho ng bahay kubo. Mas matibay lamang dahil ginamitan ito ng bubong na tisa,
batong adobe, semento, baldosa at matitibay na kahoy. Malalaki at maluluwang ang
bintana upang malayang makapasok ang hangin. Mayroon din itong azotea o
balkonaheng na ginagawang pahingaan at pagtanggap ng bisita. Marami pa rin ang
ganitong bahay sa Pilipinas tulad sa Vigan, Ilocos Sur at sa Lungsod ng San
Fernando, Pampanga at maging ilang lugar sa Pilipinas.
Mga nakaaangat lamang sa lipunan ang nakapagpapagawa ng ganitong estilo
ng tirahan. Samantala, ang mga nasa mababang uri ng lipunan ay nanatiling
nakatira sa mga kubo.
Lutuin
Ang impluwensiya ng mga Espanyol sa pagkaing Pilipino ay makikita pa rin
hanggang sa kasalukuyan. Natutuhan ng mga Pilipino ang pagluluto ng longganisa,
tocino, embutido, bistek, callos, torta, pochero,
eschabeche, menudo, afritada, relleno, mechado,
caldereta at estefado na madalas makikita sa tuwing
may pagdiriwang. Nariyan din ang arrozcaldo,
empanada, paella, chirachon at leche flan.
Natuto ang mga Pilipino na gumamit ng kutsara,
tinidor at kutsilyo sa pagkain. Mga kasangkapan
tulad ng tasa, baso, mangkok at plato na naging
impluwensya rin ng mga Espanyol at Tsino.
Pananamit
Unti-unting natutuhan ng mga Pilipino ang magsuot ng mga damit na may
mga istilong Espanyol. Naging pangunahing impluwensya ng mga Espanyol ay ang
tsinelas at sapatos. Ang mga kalalakihan ay
natutong magsuot ng sombrero, mahabang
pantalon, dyaket, camisa chino, ropilla at
sapatos. Ang mga kababaihan naman ay
natutong magsuot ng saya (mahahabang
palda) at kimona (blusang yari sa pinong tela).
Minsan sinasamahan nila ito ng panuel a o
malaking panyo na ipinapatong sa balikat at
mantilla o alampay. Naimpluwensyahan din ng
mga Espanyol ang pagsusuot ng panyeta o
panggayak na suklay sa buhok. Nakagawian din nilang magdala ng abaniko at
panyolito. Ang kasuotang Maria Clara, isa sa mga pangunahing tauhan sa nobela ni
Jose Rizal ang isang halimbawa ng kasuotan ng mga kababaihan noong panahon ng
mga Espanyol.
9
Edukasyon
Walang pormal na edukasyon ang mga sinaunang Pilipino noon. Natuto sila
sa mga turo ng kanilang mga magulang tulad ng pangingisda, pangangaso at
pagtatanim, bagama’t may baybayin ngunit wala silang pormal na edukasyon.
Sa panahon ng mga Espanyol, ang pormal na edukasyon sa Pilipinas ay
pinasimulan. Ang mga prayle ang nangasiwa sa sistema ng edukasyon sa Pilipinas.
Layunin nito na turuan ang mga Pilipino na mamuhay sa pamamaraang Kristiyano.
Dito nagsimula nang nagtayo ng iba’t ibang paaralan at kolehiyo. Ang pagtuturo ng
asignaturang tulad ng katekismo o relihiyon, pagsulat, pagbasa at aritmetika ang
tanging pokus ng mga paaralan. Ang mga paaralang ito ay eksklusibo lamang sa
mga kalalakihan bago pa man sumapit ang ika-19 na siglo.
Noong ika-19 siglo lamang sila unang tumanggap ng kababaihang Pilipino.
Ang mga paaralan para sa kababaihan ay nakapokus ang mga aralin sa mga gawaing
bahay at paglilingkod sa simbahan. Layunin ng mga kolehiyong ito na ihanda ang
kababaihan sa pag-aasawa at pagpasok sa kumbento. Itinuturo dito ang
kagandahang asal, musika, pananahi at pag-aayos ng tahanan.
May mga paaralan ding bokasyonal kung saan itinuturo ang mga kasanayan
tulad ng agrikultura, pag-iimprenta, pagkakarpintero at pagkukulay ng tela.
Musika, Sayaw, Sining at Panitikan
Musika. Ang angking talento at pagkahilig ng mga Pilipino sa musika ay lalo pang
umunlad noong panahon ng mga Espanyol. Natutuhan ng mga Pilipino ang
musikang Kanluranin. Ang paggamit ng instrumentong
alpa, byulin, gitara, piano at plawta ay nalaman din.
Naipakita rin ang kanilang husay sa paglikha ng
instrumentong yari sa kawayan. Halimbawa nito ay ang
“Organong Kawayan” na nasa simbahan ng Las Pinas na
ginawa ni Padre Diego Cera, isang rekoletong misyonero
noong 1818. Naging tanyag sa larangan ng musika sina
Jose Canseco, Bibiano Morales, Marcelo Adonay, Hipolito
Rivera, Andres Dancel at Ladislao Bonus.
Sayaw. Nakilala ang mga sayaw na Jota, Surtido,
Habanera, Tango, Fandango, Lanceros, Rigidon, Polk,
Mazurka at Waltz. Nahaluan din ng impluwensiya ng
Kanluranin ang mga katutubong sayaw ng mga Pilipino.
Sinayaw ang Itik-itik at Tinikling sa indayog na La Jota
at Polka. Ang mga ilang galaw naman sa Carinosa, sayaw Santa Isabel at iba pang
sayaw pag-ibig at pananampalataya sa mga santo ay hango sa Waltz.
Sining. Ang mga likhang pinta at eskultura ay naging limitado lamang sa temang
panrelihiyon noong panahon ng kolonyalismo. Kalimitang inukit at ipininta ang
wangis ng mga santo, Birheng Maria at mahahalagang tagpo sa Bibliya. Nalinang
ang kakayahan ng mga Pilipino sa larangang ito. Si Damian Domingo ay tinaguriang
Organong Kawayan
10
“Ama ng mga Pintor na Pilipino”. Pinakabantog namang pintor sa panahong iyon
sina Juan Luna na lumikha ng “Spolarium”, ang dibuhong nagwagi ng unang
gantimpala sa isang patimpalak sa Espanya.
Panitikan. Malaki rin ang naging impluwensya ng mga Espanyol sa larangan ng
panitikan. Ipinakilala ng mga Espanyol ang dasal, nobena, talambuhay ng mga
santo at santa, awit, korido, tula, kuwento, moro-moro, senakulo, karilyo at
sarsuwela.
 Awit - tulang pasalaysay na binubuo ng labing-dalawang pantig sa bawat
linya. Halimbawa nito ang “Florante at Laura: na likha ni Francisco
Balagtas, ang tinaguriang “prinsipe ng Makatang Tagalog”.
 Korido - tulang may walong pantig sa bawat taludtod. Ang “Ibong Adarna”
at “Don Juan Tiñoso” ang mga halimbawa nito.
 Moro-moro -dulang nagpapakita ng paglalaban ng mga Kristiyano at
Muslim at ang wakas nito ay ang pagkagapi ng Muslim o pangtaggap sa
relihiyong Kristiyanismo.
 Sarsuwela – dulang may salitaan, sayawan at awitan
 Karilyo – dulang gumagamit ng mga tau-tauhang karton na pinapagalaw
sa harap ng ilaw
 Senakulo - dulang nagpapakita ng mga paghihirap at pagpaparusa sa
Panginoong Hesukristo.
Pagpapangalan
Batay sa kautusan ni Gobernador-Heneral Narciso Clavera Bautista, binigyan
ng apelidong Espanyol ang mga Filipino tulad ng Dela Cruz, De los Santos Santiago
at iba pa. Mayroong nakatalang mahigit na 61,000 na pagpipiliang apelido sa
Catalogo Alfabetico de Apellidos. Binago rin ng mga Espanyol ang pangalan ng mga
pook, pueblo na kalimitan ay hinango sa pangalan ng mga patron at santo tulad ng
San Isidro, San Antonio, Del Rosario, Sta. Maria at iba pa.
Relihiyon
Ang mga katutubong Pilipino ay may mga
paniniwala sa mga diyos at diyosa ng kalikasan, marami
rin ang may mga paniniwala sa relihiyong Islam. Sa
pagdating ng mga Espanyol, unti-unting napalitan ng
Kristyanismo ang mga paniniwalang ito. Itinuro ang
mga Katolikong kaugalian gaya ng pagbibinyag,
pagpapakasal, pangungumpisal pagrorosaryo,
pagnonobena, pagsisimba at iba pa. Sa pagpapalaganap
ng mga aral ng Kristiyanismo sinunog ang mga
dokumento patungkol sa dating paniniwala at pinalitan ng mga kuwento ng
pagpapakasakit ni Kristo at ang pangako n’yang buhay na walang hanggan.
Kaugnay nito, dinala ng mga Espanyol sa Pilipinas ang sistema ng
palimbagan. Ang Doctrina Christiana ang kauna-unahang aklat na nailimbag sa
Pilipinas noong 1593. Ito ay isang aklat tungkol sa katesismo at mga dasal at
isinalin ito sa wikang Tagalog.
11
Madaling napasunod ang mga Pilipino sa bagong pananampalataya na ginamit ng
mga prayle ang mga naunang pamamaraan ng paniniwala. Kabilang dito ang
pagbabasbas, paggamit ng mga rebulto at pagsalin ng mga dasal sa salita ng mga
katutubo.
Mga Pagdiriwang
Malaking impluwensiya din ang mga iba’t ibang pagdiriwang panrelihiyon na
dinala ng mga Espanyol. Ang mga ito ay naging bahagi na rin ng tradisyong Pilipino
hanggang kasalukuyan ay ipinagdiriwang pa rin. Ilan sa mga ito ay ang mga
sumusunod.
Pista. Ang kapistahan ng patron o
santo ng bayan ang pinakatanyag at
nakaaaliw na pagdiriwang. Kumpleto
ito sa mga banderitas sa kalsada,
banda ng musiko, palaro, palabas at
sayawan. Bahagi nito ang magarbo at
magastos na handaan. Ang mga
kamag-anakan sa ibang bayan ay
dumadalaw upang makipagdiwang ng
pista. Natutong mangutang ang mga
Pilipino para may maihanda sa araw
na ito. Mayroon din prusisyon ng mga
napiling magandang kababaihan tuwing Flores de Mayo at Santacruzan
Pasko. Ang pasko ay pagdiriwang ng bawat pamilya na ginugunita ang
kapanganakan ni Hesus. Kumakain sila sa noche buena at nagbibigayan ng regalo
katulad ng ginawa ng tatlong hari na nagbigay ng regalo kay Hesus.
Mahal na Araw. Ang kuresma o mahal na araw ay sinisimulan sa Linggo ng
Palaspas (Palm Sunday). Nagdaraos sila ng mga gawaing pansimbahan kagaya ng
misa at prusisyon. Sa panahong ito binabasa nila ang Pasyon o aklat na kung saan
nasusulat ang buhay ni Hesukristo.Nakapapanood din tayo ng mga prusisyon ng
mga taong sinasaktan ang kanilang mga sarili tulad ng pagpasan at pagpapako sa
krus, kilala ang Cutud, San Fernando, Pampanga sa mga gawaing ito. Sila ay
nagpepenitensya na kinapapalooban ng sariling pagpaparusa bilang pagbabalik
tanaw sa hirap at sakit na dinanas ng Panginoong Hesukristo.
12
Binyag at Kasal. Ang bawat Pilipino ay dumaraan sa ritwal ng pagbibinyag. Ito ay
palatandaan na kabahagi na ng mga
pananampalatayang Kristiyano. Ang taong
binibinyagan ay kumukuha ng ninong at ninang sa
paniniwalang gagabay at gaganap sila bilang
pangalawang magulang niya. Gayundin ang
kaugalian sa kasal mamimili ng mga ninong,
ninang at abay upang maging saksi ng kanilang
kasal o pag-iisang dibdib.
Mga Laro
Marami ring mga larong Pilipino ang naimpluwensya ng mga Espanyol. Ang
mga larong ginagamitan ng kard ay nakuha natin sa mga Espanyol tulad ng Juego
de prenda, Pangguinggui, Kuwaho at Siete-siete. Mga larong panlabas naman ang
mga Patintero, Sipa at Palosebo
13
Pagyamanin
A. Panuto: Gayahin ang graphic organizer na nasa ibaba sa iyong sagutang
papel. Gamit ang ginawang graphic organizer ay magbigay ng mga
pagbabago sa panahon ng kolonya sa bawat elemento ng kultura.
Musika
Lutuin
Pananamit
Pagdiriwang
Laro
Panitikan
Mga Pagbabagong
Kultural sa
Panahon ng
Espanyol
14
B. Panuto: Sa iyong sagutang papel gayahin ang tsart na nasa ibaba. Gamit ang
ginawang tsart ay paghambingin ang mga sumusunod noong panahon ng
Espanyol at sa kasalukuyan. Isulat ang salitang naglalarawan sa tamang
hanay.
Elemento ng Kultura Panahon ng Espanyol Kasalukuyan
1. Panahanan
2. Lutuin
3. Pananamit
4. Edukasyon
5. Relihiyon
6. Pagdiriwang
7. Laro
8. Pagpapangalan
9. Musika
10.Panitikan
15
C. Panuto: Sa isang malinis na bondpaper gumawa ng poster na nagpapakita ng
pagpapahalaga sa kultura ng mga Pilipino
16
Rubrik para sa Paggawa ng Poster
MGA
KRAYTERYA
4 3 2 1
Pagkamalikhain Lubos na
nagpamalas ang
pagkamalikhain
sa paghahanda.
Naging
malikhain sa
paghahanda
.
Hindi
gaanong
naging
malikhain sa
paghahanda
.
Walang
ipinamalas na
pagkamalikhai
n sa
paghahanda.
Presentasyon Lubhang naging
malinaw ang
paghahatid ng
mensahe.
Naging
malinaw ang
paghahatid
ng mensahe.
Hindi
gaanong
malinaw ang
paghahatid
ng mensahe.
Hindi naging
malinaw ang
paghahatid ng
mensahe.
Organisasyon Buo ang
kaisipan
konsistent,
kumpleto ang
detalye at
napakalinaw ng
intensiyon
May kaishan
at may sapat
na detalye at
malinaw na
intension.
Konsistent,
may
kaisahan,
kulang sad
etalye at
hindi
gaanong
malinaw ang
intension
Hindi ganap
ang
pagkakabuo,
kulang ang
detalye at di-
malinaw ang
intension
Kaangkupan sa
Paksa
Angkop na
angkop ang
mga larawan sa
paksa.
Angkop ang
mga larawan
sa paksa.
Hindi
gaanong
angkop ang
mga larawan
sa paksa
Hindi angkop
ang mga
larawan sa
paksa.
Kabuuang
Puntos
17
Isaisip
Panuto: Gumawa ng kahawig na graphic organizer sa iyong sagutang papel at
ilahad dito ang iyong natutuhan at kahalagahan nito.
MGA NATUTUHAN KO SA ARALIN
1.
2.
3.
4.
18
Isagawa
A. Panuto: Suriin ang mga sumusunod na pahayag. Iguhit sa kahon ang
thumbs up kung tama at thumbs down kung hindi. Isulat ang iyong
sagot sa sagutang papel.
1. Karamihan sa mga Pilipino ngayon ay nakikibahagi sa
pagdiriwang ng pista.
2. Lahat ng mga lugar at kalye sa Pilipinas ay isinunod ang
pagpapangalan sa mga iba’t ibang Santo at Santa.
3. Nahirapan ang mga Pilipino sa paggamit ng alpa, byulin
gitara kaya’t nanatiling tambol ang gamit na
instrumento ng mga Pilipino.
4. Noong panahon ng mga Espanyol ang lahat ng mga
Pilipino ay nagkaroon ng pagkakataon na pumasok sa
paaralan anoman ang antas sa lipunan.
5. Likas sa mga Pilipino ang pagka-malikhain at husay
pagdating sa larangan ng musika.
6. Ang menudo, kaldereta, arrozcaldo, leche flan at
chicharon ay nanggaling sa mga Espanyol.
7. Ang panonood at paggalang sa kultural na pagtatanghal
ay nagpapakita ng pagpapahalaga sa kultura ng mga
Pilipino.
8. Kristiyanismo lamang ang relihiyon ng mga Pilipino
ngayon.
9. Nananatili hanggang sa kasalukuyan ang mga uri ng
pananamit na dala sa atin ng mga Espanyol.
10.Ang mga naisulat sa panahon ng Espanyol ay may
kinalaman sa relihiyon.
B. Panuto: Gayahin ang tsart na nasa ibaba sa iyong sagutang papel. Gamit ang
tsart isulat sa tamang hanay ang mga mabuti at di-mabuting bunga ng mga
Espanyol na nakikita sa kasalukuyan.
Mabuting Bunga Di-Mabuting Bunga
19
Tayahin
A. Panuto: Piliin ang angkop na inilalarawan ng bawat bilang. Isulat ang
tamang titik sa iyong sagutang papel.
1. A. Dito hinango ang pagpapangalan
ng mga ilang lugar at apelido ng mga
Pilipino.
2.
B. Uri ng pananamit noong panahon
ng Espanyol.
3.
C.Mga larong panlabas na
impluwensya ng mga Espanyol
4.
D.Relihiyong pamana ng mga
Espanyol sa mga Pilipino
5.
E.Likha ni Francisco Balagtas ang
tinaguriang prinsipe ng Makatang
Tagalog
6. F. Panghimagas na hanggang
kasalukuyan ay di nawawala sa
handaan at paborito ng mga Pilipino
7. G.Isang pagdiriwang na pagbabalik
tanaw sa naging pasakit na dinanas
ni Hesukristo.
8.
H. Ang mga paaralan ay eksklusibo
lamang para sa kanila
9.
I. Uri ng sayaw na impluwensya ng
mga Espanyol
10.
J.Panahanan na dinala ng mga
Espanyol
Bahay na Bato
Leche Flan
Kalalakihan
Kristiyanismo
Baro’t saya
Patron at Santo
Mahal na Araw
Patintero at Sipa
Florante at Laura
Waltz at polka
20
B. Panuto: Piliin ang mga bagay, produkto na dinalang pagbabago sa Pilipinas
noong panahon ng Espanyol na hanggang kasalukuyan ay di pa rin
nawawala. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel
bistek panyeta sapatos baro’t saya callos patintero
pasko Mother’s Day kasal hotdog T-Shirt bahay na bato
Santacruzan Madjong pancit siomai ramen empanada
Karagdagang Gawain
A. Panuto: Tukuyin ang inilalarawan sa bawat bilang. Isulat ang wastong
sagot sa sagutang papel.
1. Uri ng tirahan na ipinakilala ng mga Espanyol. Ito ay malaki at matibay
na naging simbolo ng pamumuhay ng isang pamilya.
B__ __ __ __ n __ __ __ t__
2. Isang instrumentong gawa ng mga Pilipino sa pangunguna ni Pare Diego
Cera
O__ __ __ n __ __ __ K __ __ __ y__ __
3. Dulang nagpapakita ng mga paghihirap at pagpaparusa sa Panginoong
Hesuristo
S __ __ __ k __ __ __
4. Unang Aklat na nailimbag sa Pilipinas
D__ __ __ __ i __ __ C__ __ i__ __ __ __ n__
5. Dibuhong gawa ni Juan Luna at nagwagi ng unang gantimpala sa
patimpalak sa Espanya
S __ __ __ __ r __ __ __
21
Susi sa Pagwawasto
Pagyamanin
A.
Musika.
Pagtugtog
ng
instrumento
alpa,
byulin,
gitara,
piano
at
plawta.
Lutuin.
Menudo,
mechado,
bistek
arrozcaldo,
paella,afritada,
relleno
at
iba
pa.
Pagdiriwang.
Pasko,
pista
ng
mga
patron
Mahal
na
araw,
kasal,
binyag,
Flores
de
Mayo
Laro.
Patintero
sipa,
palo
sebo
larong
ginagamitan
ng
kard
tulad
ng
siete
siete
kuwaho
Panitikan.
Awit,
korido,
senakulo
at
mga
lathalain
na
may
kaunayan
sa
kristiyanismo
Pananamit.
Baro’t
saya,
camisa
chino,
pagsusuot
ng
sapatos
at
tsinelas
Tuklasin
1.
Baryo
San
Antonio
2.
Simple
at
payak
na
pamumuhay.
(Tanggapin
ang
iba
pang
may
kaugnay
na
sagot).
3.
Maaaring
iba’t
iba
ang
sagot.
4.
Maaaring
iba’t
iba
ang
sagot.
5.
Sa
pamamagitan
ng
pangangalaga
sa
kapaligiran
ang
sa
mga
tao
sa
pamayanan.
Hindi
paglimot
sa
sa
mga
magagandang
tradisyon
at
kaugalian.
(Tanggapin
ang
iba
pang
may
kaugnay
na
sagot.
22
Pagyamanin
B.
Elemento
ng
Kultura
Panahon
ng
Espanyol
Kasalukuyan
1.
Panahanan
Bahay
na
bato,
unang
palapag
ay
yari
sa
bato
at
ang
ikalawang
palapag
ay
yari
sa
kahoy,
istilo
bahay
kubo
Iba
iba
disensyo
ng
bahay
na
na
may
halo
na
istulo
sa
ibang
bansa.
ay
yari
sa
semento
at
ibang
uri
ng
bato
2.
Lutuin
Chicharon,
kaldereta,
menudo
Iba’t
ibang
pagkain
na
mula
sa
ibang
bansa
tulad
ng
(Samgyupsal,
ramen,
at
iba
pa)
3.
Pananmit
Camisa
chino,
pantalon,
sombrero,
at
iba
pa
T-shirt,
jeans,
sando,amerikana
at
iba
pa
4.
Edukasyon
Aritmitika,
musika
at
mga
asignaturang
may
kinalaman
sa
relihiyon,
Magkaibang
paaralan
para
sa
mga
kalalakihan
at
kababaihan
Pantay
na
edukasyon
para
lahat.
Iba’t
ibang
asignatura
tulad
ng
kasaysayan
Matematika,
Filipino,
English
at
iba
pa
5.
Relihiyon
Kristiyanismo
ang
relihiyon
May
iba’t
ibang
relihiyon
at
sektor
na
kinabibilangan
ng
mga
Pilipino
6.
Pagdiriwang
Pista,
kasal,
binyag
at
iba
pa
Nadagdagan
ang
araw
ng
mga
puso,
Mother’s
Day,
Father’s
Day,
at
iba
pa
7.
Laro
Patintero,
sipa,
at
larong
ginagamitan
ng
kard
Computer
games,
Mobile
legend,
candy
crush,
at
iba
pa
8.
Pagpapangala
n
Nagkaroon
ng
apelido
at
ang
mga
pangalan
karaniwang
galing
sa
mga
santo
at
santa
Pagpapangalan
ay
nagmula
sa
iba’t
ibang
paraan
tulad
ng
magsasama
ng
mga
pangalan
ng
mga
magulang,
at
iba
pa
9.
Musika
Piano,
byulin
plawta
at
iba
pa
Nadagdagan
ang
mga
instrumentong
gamit
10.
Panitikan
Mga
sulatin
at
pagtatanghal
na
may
kinalaman
sa
relihiyon
May
malayang
paksa
23
Isaisip
Mga
posibleng
sagot
1.
Mga
impluwensiyang
kultural
ng
mga
Espanyol
2.
Mga
tradisyon
at
kultura
na
nanatili
pa
rin
sa
kasalukuyan
3.
Paraan
ng
pagpapahalaga
sa
kulturang
Pilipino
Tanggapin
ang
ibang
kaugnay
na
sagot
Isagawa
A
1.
Thumbs
Up
2.
Thumbs
Down
3.
Thumbs
Down
4.
Thumbs
Down
5.
Thumbs
Up
6.
Thumbs
Up
7.
Thumbs
Up
8.
Thumbs
Down
9.
Thumbs
Down
10.
Thumbs
Up
Isagawa
B.
Mga
posibleng
sagot
Mabuting
Bunga
Di-Mabuting
Bunga
Napapanatili
ang
matatag
at
malapit
na
relasyon
ng
mga
pamilya
Natutong
mangutang
ang
mga
Pilipino
sa
tuwing
may
mga
pagdiriwang
tulad
ng
piyesta,
binyag
at
iba
pa
Tanggapin
ang
ibang
kaugnay
na
sagot
Tayahin
A.
1.
J
6.
D
2.
F
7.
G
3.
H
8.
C
4.
B
9.
E
5.
A
10.
I
Tayahin
B.
bistek,
pasko,
santacruzan,
sapatos,
kasal,
callos,
patintero,
bahay
na
bato,empanada
Tayahin
C.
Maaaring
iba
iba
ang
sagot
Karagdagang
Gawain.
1.
Bahay
na
Bato
2.
Organong
Kawayan
3.
Senakulo
4.
Doctrina
Christiana
5.
Spolarium
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex
Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

More Related Content

What's hot

Autranesyano
AutranesyanoAutranesyano
Autranesyano
Jose Espina
 
Patakarang pangkabuhayan ng mga espanyol 3rd grading
Patakarang pangkabuhayan ng mga espanyol 3rd gradingPatakarang pangkabuhayan ng mga espanyol 3rd grading
Patakarang pangkabuhayan ng mga espanyol 3rd grading
Billy Rey Rillon
 
AP 5 (Pag-aalsa dahil sa Monopolyo ng Tabako).pptx
AP 5 (Pag-aalsa dahil sa Monopolyo ng Tabako).pptxAP 5 (Pag-aalsa dahil sa Monopolyo ng Tabako).pptx
AP 5 (Pag-aalsa dahil sa Monopolyo ng Tabako).pptx
Jeward Torregosa
 
Aralin 5 Ugnayang Panlipunan at Kalagayang Pangkabuhayan ng mga Sinaunang F...
Aralin 5   Ugnayang Panlipunan at Kalagayang Pangkabuhayan ng mga Sinaunang F...Aralin 5   Ugnayang Panlipunan at Kalagayang Pangkabuhayan ng mga Sinaunang F...
Aralin 5 Ugnayang Panlipunan at Kalagayang Pangkabuhayan ng mga Sinaunang F...
Forrest Cunningham
 
Araling panlipunan yunit ii aralin 12
Araling panlipunan yunit ii aralin 12Araling panlipunan yunit ii aralin 12
Araling panlipunan yunit ii aralin 12
EDITHA HONRADEZ
 
Pag–usbong ng Liberal na Ideya Tungo sa Pagbuo ng Kamalayang Nasyonalismo
Pag–usbong ng Liberal na  Ideya Tungo sa Pagbuo ng  Kamalayang NasyonalismoPag–usbong ng Liberal na  Ideya Tungo sa Pagbuo ng  Kamalayang Nasyonalismo
Pag–usbong ng Liberal na Ideya Tungo sa Pagbuo ng Kamalayang Nasyonalismo
regina sawaan
 
Anoangkultura 161122022530
Anoangkultura 161122022530Anoangkultura 161122022530
Anoangkultura 161122022530
edwin planas ada
 
Ang Pag -usbong ng Kamalayang Nasyonalismo
Ang  Pag -usbong ng Kamalayang NasyonalismoAng  Pag -usbong ng Kamalayang Nasyonalismo
Ang Pag -usbong ng Kamalayang Nasyonalismo
RitchenMadura
 
Paniniwala, tradisyon at kagawiang panlipunan ng sinaunang pilipino
Paniniwala, tradisyon at kagawiang panlipunan ng sinaunang pilipinoPaniniwala, tradisyon at kagawiang panlipunan ng sinaunang pilipino
Paniniwala, tradisyon at kagawiang panlipunan ng sinaunang pilipino
Billy Rey Rillon
 
Sosyo - Kultural na Pamumuhay ng mga Sinaunang Tao
Sosyo - Kultural na Pamumuhay ng mga Sinaunang TaoSosyo - Kultural na Pamumuhay ng mga Sinaunang Tao
Sosyo - Kultural na Pamumuhay ng mga Sinaunang Tao
phiapadilla
 
Ang mga Panahanang Pilipino
Ang mga Panahanang PilipinoAng mga Panahanang Pilipino
Ang mga Panahanang Pilipino
Eddie San Peñalosa
 
AP 5 PPT Q3 W3 - Impluwensya ng Kulturang Espanyol sa Wika at Panitikan ng Ku...
AP 5 PPT Q3 W3 - Impluwensya ng Kulturang Espanyol sa Wika at Panitikan ng Ku...AP 5 PPT Q3 W3 - Impluwensya ng Kulturang Espanyol sa Wika at Panitikan ng Ku...
AP 5 PPT Q3 W3 - Impluwensya ng Kulturang Espanyol sa Wika at Panitikan ng Ku...
RanjellAllainBayonaT
 
Teorya ng Pinagmulan ng Unang Pilipino
Teorya ng Pinagmulan ng Unang PilipinoTeorya ng Pinagmulan ng Unang Pilipino
Teorya ng Pinagmulan ng Unang PilipinoJealyn Alto
 
Ang kilusang propaganda
Ang kilusang propagandaAng kilusang propaganda
Ang kilusang propaganda
RitchenMadura
 
Ang Pamahalaan ng Sinaunang Lipunang Pilipino: Barangay
Ang Pamahalaan ng Sinaunang Lipunang Pilipino: BarangayAng Pamahalaan ng Sinaunang Lipunang Pilipino: Barangay
Ang Pamahalaan ng Sinaunang Lipunang Pilipino: Barangayjetsetter22
 
Q3 AP5 - Pagbabagong Kultural sa Panahon ng Espanyol.pptx
Q3 AP5 - Pagbabagong Kultural sa Panahon ng Espanyol.pptxQ3 AP5 - Pagbabagong Kultural sa Panahon ng Espanyol.pptx
Q3 AP5 - Pagbabagong Kultural sa Panahon ng Espanyol.pptx
PaulineMae5
 
Panghalip Panao, Kailanang Dalawahan sa Kaukulang Palagyo
Panghalip Panao, Kailanang Dalawahan sa Kaukulang PalagyoPanghalip Panao, Kailanang Dalawahan sa Kaukulang Palagyo
Panghalip Panao, Kailanang Dalawahan sa Kaukulang Palagyo
RitchenMadura
 
Pag-usbong ng Liberal na Ideya
Pag-usbong ng Liberal na IdeyaPag-usbong ng Liberal na Ideya
Pag-usbong ng Liberal na Ideya
Maria Luisa Maycong
 
ANG ISYU NG SEKULARISASYON, ANG PAG-AALSA SA CAVITE, AT ANG PAGGAROTE SA GOMB...
ANG ISYU NG SEKULARISASYON, ANG PAG-AALSA SA CAVITE, AT ANG PAGGAROTE SA GOMB...ANG ISYU NG SEKULARISASYON, ANG PAG-AALSA SA CAVITE, AT ANG PAGGAROTE SA GOMB...
ANG ISYU NG SEKULARISASYON, ANG PAG-AALSA SA CAVITE, AT ANG PAGGAROTE SA GOMB...
LuvyankaPolistico
 
Aralin 6 kultura ng mga Sinaunang Filipino
Aralin 6   kultura ng mga Sinaunang FilipinoAralin 6   kultura ng mga Sinaunang Filipino
Aralin 6 kultura ng mga Sinaunang Filipino
Forrest Cunningham
 

What's hot (20)

Autranesyano
AutranesyanoAutranesyano
Autranesyano
 
Patakarang pangkabuhayan ng mga espanyol 3rd grading
Patakarang pangkabuhayan ng mga espanyol 3rd gradingPatakarang pangkabuhayan ng mga espanyol 3rd grading
Patakarang pangkabuhayan ng mga espanyol 3rd grading
 
AP 5 (Pag-aalsa dahil sa Monopolyo ng Tabako).pptx
AP 5 (Pag-aalsa dahil sa Monopolyo ng Tabako).pptxAP 5 (Pag-aalsa dahil sa Monopolyo ng Tabako).pptx
AP 5 (Pag-aalsa dahil sa Monopolyo ng Tabako).pptx
 
Aralin 5 Ugnayang Panlipunan at Kalagayang Pangkabuhayan ng mga Sinaunang F...
Aralin 5   Ugnayang Panlipunan at Kalagayang Pangkabuhayan ng mga Sinaunang F...Aralin 5   Ugnayang Panlipunan at Kalagayang Pangkabuhayan ng mga Sinaunang F...
Aralin 5 Ugnayang Panlipunan at Kalagayang Pangkabuhayan ng mga Sinaunang F...
 
Araling panlipunan yunit ii aralin 12
Araling panlipunan yunit ii aralin 12Araling panlipunan yunit ii aralin 12
Araling panlipunan yunit ii aralin 12
 
Pag–usbong ng Liberal na Ideya Tungo sa Pagbuo ng Kamalayang Nasyonalismo
Pag–usbong ng Liberal na  Ideya Tungo sa Pagbuo ng  Kamalayang NasyonalismoPag–usbong ng Liberal na  Ideya Tungo sa Pagbuo ng  Kamalayang Nasyonalismo
Pag–usbong ng Liberal na Ideya Tungo sa Pagbuo ng Kamalayang Nasyonalismo
 
Anoangkultura 161122022530
Anoangkultura 161122022530Anoangkultura 161122022530
Anoangkultura 161122022530
 
Ang Pag -usbong ng Kamalayang Nasyonalismo
Ang  Pag -usbong ng Kamalayang NasyonalismoAng  Pag -usbong ng Kamalayang Nasyonalismo
Ang Pag -usbong ng Kamalayang Nasyonalismo
 
Paniniwala, tradisyon at kagawiang panlipunan ng sinaunang pilipino
Paniniwala, tradisyon at kagawiang panlipunan ng sinaunang pilipinoPaniniwala, tradisyon at kagawiang panlipunan ng sinaunang pilipino
Paniniwala, tradisyon at kagawiang panlipunan ng sinaunang pilipino
 
Sosyo - Kultural na Pamumuhay ng mga Sinaunang Tao
Sosyo - Kultural na Pamumuhay ng mga Sinaunang TaoSosyo - Kultural na Pamumuhay ng mga Sinaunang Tao
Sosyo - Kultural na Pamumuhay ng mga Sinaunang Tao
 
Ang mga Panahanang Pilipino
Ang mga Panahanang PilipinoAng mga Panahanang Pilipino
Ang mga Panahanang Pilipino
 
AP 5 PPT Q3 W3 - Impluwensya ng Kulturang Espanyol sa Wika at Panitikan ng Ku...
AP 5 PPT Q3 W3 - Impluwensya ng Kulturang Espanyol sa Wika at Panitikan ng Ku...AP 5 PPT Q3 W3 - Impluwensya ng Kulturang Espanyol sa Wika at Panitikan ng Ku...
AP 5 PPT Q3 W3 - Impluwensya ng Kulturang Espanyol sa Wika at Panitikan ng Ku...
 
Teorya ng Pinagmulan ng Unang Pilipino
Teorya ng Pinagmulan ng Unang PilipinoTeorya ng Pinagmulan ng Unang Pilipino
Teorya ng Pinagmulan ng Unang Pilipino
 
Ang kilusang propaganda
Ang kilusang propagandaAng kilusang propaganda
Ang kilusang propaganda
 
Ang Pamahalaan ng Sinaunang Lipunang Pilipino: Barangay
Ang Pamahalaan ng Sinaunang Lipunang Pilipino: BarangayAng Pamahalaan ng Sinaunang Lipunang Pilipino: Barangay
Ang Pamahalaan ng Sinaunang Lipunang Pilipino: Barangay
 
Q3 AP5 - Pagbabagong Kultural sa Panahon ng Espanyol.pptx
Q3 AP5 - Pagbabagong Kultural sa Panahon ng Espanyol.pptxQ3 AP5 - Pagbabagong Kultural sa Panahon ng Espanyol.pptx
Q3 AP5 - Pagbabagong Kultural sa Panahon ng Espanyol.pptx
 
Panghalip Panao, Kailanang Dalawahan sa Kaukulang Palagyo
Panghalip Panao, Kailanang Dalawahan sa Kaukulang PalagyoPanghalip Panao, Kailanang Dalawahan sa Kaukulang Palagyo
Panghalip Panao, Kailanang Dalawahan sa Kaukulang Palagyo
 
Pag-usbong ng Liberal na Ideya
Pag-usbong ng Liberal na IdeyaPag-usbong ng Liberal na Ideya
Pag-usbong ng Liberal na Ideya
 
ANG ISYU NG SEKULARISASYON, ANG PAG-AALSA SA CAVITE, AT ANG PAGGAROTE SA GOMB...
ANG ISYU NG SEKULARISASYON, ANG PAG-AALSA SA CAVITE, AT ANG PAGGAROTE SA GOMB...ANG ISYU NG SEKULARISASYON, ANG PAG-AALSA SA CAVITE, AT ANG PAGGAROTE SA GOMB...
ANG ISYU NG SEKULARISASYON, ANG PAG-AALSA SA CAVITE, AT ANG PAGGAROTE SA GOMB...
 
Aralin 6 kultura ng mga Sinaunang Filipino
Aralin 6   kultura ng mga Sinaunang FilipinoAralin 6   kultura ng mga Sinaunang Filipino
Aralin 6 kultura ng mga Sinaunang Filipino
 

Similar to AP5_Q3_SLM3_V.pdf

cot_AP5_3rd qtr_carreon.pptx
cot_AP5_3rd qtr_carreon.pptxcot_AP5_3rd qtr_carreon.pptx
cot_AP5_3rd qtr_carreon.pptx
GreyzyCarreon
 
Pagbabagong Panlipunan.pptx
Pagbabagong Panlipunan.pptxPagbabagong Panlipunan.pptx
Pagbabagong Panlipunan.pptx
nod17
 
Quarter 3-Week4,-Araling Panlipunan 5.pptx
Quarter 3-Week4,-Araling Panlipunan 5.pptxQuarter 3-Week4,-Araling Panlipunan 5.pptx
Quarter 3-Week4,-Araling Panlipunan 5.pptx
ermapanaligan2
 
Copy of G5Q3-WEEK-4-AP-PPT.pptx a lesson for grade 5
Copy of G5Q3-WEEK-4-AP-PPT.pptx a lesson for grade 5Copy of G5Q3-WEEK-4-AP-PPT.pptx a lesson for grade 5
Copy of G5Q3-WEEK-4-AP-PPT.pptx a lesson for grade 5
ShirleyPicio3
 
G5Q3-WEEK-4-AP-PPT.pptx a grade 5 lesson
G5Q3-WEEK-4-AP-PPT.pptx a grade 5 lessonG5Q3-WEEK-4-AP-PPT.pptx a grade 5 lesson
G5Q3-WEEK-4-AP-PPT.pptx a grade 5 lesson
ShirleyPicio3
 
Pag unlad ng panitikan
Pag unlad ng panitikanPag unlad ng panitikan
Pag unlad ng panitikan
Rhea
 
Panahon Bago Dumating Ang Kastila
Panahon Bago Dumating Ang KastilaPanahon Bago Dumating Ang Kastila
Panahon Bago Dumating Ang Kastila
Jered Adal
 
AP-WPS Office.pptx. a material for teaching
AP-WPS Office.pptx. a material for teachingAP-WPS Office.pptx. a material for teaching
AP-WPS Office.pptx. a material for teaching
DoradoLammyS
 
Panitikan
PanitikanPanitikan
Panitikan
Vience Grampil
 
AP 5- QUARTER 3- WEEK 2.pptx
AP 5- QUARTER 3- WEEK 2.pptxAP 5- QUARTER 3- WEEK 2.pptx
AP 5- QUARTER 3- WEEK 2.pptx
RosiebelleDasco
 
Panitikan Bago Dumating Ang Mga Kastila
Panitikan Bago Dumating Ang Mga KastilaPanitikan Bago Dumating Ang Mga Kastila
Panitikan Bago Dumating Ang Mga Kastila
Merland Mabait
 
Pagbabago sa Panahanan ng mga Pilipino sa Panahon.pptx
Pagbabago sa Panahanan ng mga Pilipino sa Panahon.pptxPagbabago sa Panahanan ng mga Pilipino sa Panahon.pptx
Pagbabago sa Panahanan ng mga Pilipino sa Panahon.pptx
FelcherLayugan
 
Rehiyon V:Bicol Region
Rehiyon V:Bicol RegionRehiyon V:Bicol Region
Rehiyon V:Bicol Region
Jessa Marie Atillo
 
panitikan sa panahon ng propaganda
panitikan sa panahon ng propagandapanitikan sa panahon ng propaganda
panitikan sa panahon ng propaganda
sjbians
 
DDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDD
DDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDD
DDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDD
LiezelRagas1
 
FIL 3 - KAALAMANG BAYAN AT ARALING FILIPINO
FIL 3 - KAALAMANG BAYAN AT ARALING FILIPINOFIL 3 - KAALAMANG BAYAN AT ARALING FILIPINO
FIL 3 - KAALAMANG BAYAN AT ARALING FILIPINO
marjoriecamu278
 
Pagbabago sa Lipunan at Kultura sa Panahon ng Espanyol
Pagbabago sa Lipunan at Kultura sa Panahon ng EspanyolPagbabago sa Lipunan at Kultura sa Panahon ng Espanyol
Pagbabago sa Lipunan at Kultura sa Panahon ng Espanyol
Mavict De Leon
 
Panitikan sa Panahon ng Kastila
Panitikan sa Panahon ng KastilaPanitikan sa Panahon ng Kastila
Panitikan sa Panahon ng Kastila
Merland Mabait
 
panitikansapanahonngkatila-141205011050-conversion-gate01-1.pdf
panitikansapanahonngkatila-141205011050-conversion-gate01-1.pdfpanitikansapanahonngkatila-141205011050-conversion-gate01-1.pdf
panitikansapanahonngkatila-141205011050-conversion-gate01-1.pdf
AngelaTaala
 

Similar to AP5_Q3_SLM3_V.pdf (20)

cot_AP5_3rd qtr_carreon.pptx
cot_AP5_3rd qtr_carreon.pptxcot_AP5_3rd qtr_carreon.pptx
cot_AP5_3rd qtr_carreon.pptx
 
Pagbabagong Panlipunan.pptx
Pagbabagong Panlipunan.pptxPagbabagong Panlipunan.pptx
Pagbabagong Panlipunan.pptx
 
Quarter 3-Week4,-Araling Panlipunan 5.pptx
Quarter 3-Week4,-Araling Panlipunan 5.pptxQuarter 3-Week4,-Araling Panlipunan 5.pptx
Quarter 3-Week4,-Araling Panlipunan 5.pptx
 
Copy of G5Q3-WEEK-4-AP-PPT.pptx a lesson for grade 5
Copy of G5Q3-WEEK-4-AP-PPT.pptx a lesson for grade 5Copy of G5Q3-WEEK-4-AP-PPT.pptx a lesson for grade 5
Copy of G5Q3-WEEK-4-AP-PPT.pptx a lesson for grade 5
 
G5Q3-WEEK-4-AP-PPT.pptx a grade 5 lesson
G5Q3-WEEK-4-AP-PPT.pptx a grade 5 lessonG5Q3-WEEK-4-AP-PPT.pptx a grade 5 lesson
G5Q3-WEEK-4-AP-PPT.pptx a grade 5 lesson
 
Pag unlad ng panitikan
Pag unlad ng panitikanPag unlad ng panitikan
Pag unlad ng panitikan
 
Panahon Bago Dumating Ang Kastila
Panahon Bago Dumating Ang KastilaPanahon Bago Dumating Ang Kastila
Panahon Bago Dumating Ang Kastila
 
AP-WPS Office.pptx. a material for teaching
AP-WPS Office.pptx. a material for teachingAP-WPS Office.pptx. a material for teaching
AP-WPS Office.pptx. a material for teaching
 
Panitikan
PanitikanPanitikan
Panitikan
 
AP 5- QUARTER 3- WEEK 2.pptx
AP 5- QUARTER 3- WEEK 2.pptxAP 5- QUARTER 3- WEEK 2.pptx
AP 5- QUARTER 3- WEEK 2.pptx
 
Aralin 18 Makbayan Report (1)
Aralin 18 Makbayan Report (1)Aralin 18 Makbayan Report (1)
Aralin 18 Makbayan Report (1)
 
Panitikan Bago Dumating Ang Mga Kastila
Panitikan Bago Dumating Ang Mga KastilaPanitikan Bago Dumating Ang Mga Kastila
Panitikan Bago Dumating Ang Mga Kastila
 
Pagbabago sa Panahanan ng mga Pilipino sa Panahon.pptx
Pagbabago sa Panahanan ng mga Pilipino sa Panahon.pptxPagbabago sa Panahanan ng mga Pilipino sa Panahon.pptx
Pagbabago sa Panahanan ng mga Pilipino sa Panahon.pptx
 
Rehiyon V:Bicol Region
Rehiyon V:Bicol RegionRehiyon V:Bicol Region
Rehiyon V:Bicol Region
 
panitikan sa panahon ng propaganda
panitikan sa panahon ng propagandapanitikan sa panahon ng propaganda
panitikan sa panahon ng propaganda
 
DDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDD
DDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDD
DDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDD
 
FIL 3 - KAALAMANG BAYAN AT ARALING FILIPINO
FIL 3 - KAALAMANG BAYAN AT ARALING FILIPINOFIL 3 - KAALAMANG BAYAN AT ARALING FILIPINO
FIL 3 - KAALAMANG BAYAN AT ARALING FILIPINO
 
Pagbabago sa Lipunan at Kultura sa Panahon ng Espanyol
Pagbabago sa Lipunan at Kultura sa Panahon ng EspanyolPagbabago sa Lipunan at Kultura sa Panahon ng Espanyol
Pagbabago sa Lipunan at Kultura sa Panahon ng Espanyol
 
Panitikan sa Panahon ng Kastila
Panitikan sa Panahon ng KastilaPanitikan sa Panahon ng Kastila
Panitikan sa Panahon ng Kastila
 
panitikansapanahonngkatila-141205011050-conversion-gate01-1.pdf
panitikansapanahonngkatila-141205011050-conversion-gate01-1.pdfpanitikansapanahonngkatila-141205011050-conversion-gate01-1.pdf
panitikansapanahonngkatila-141205011050-conversion-gate01-1.pdf
 

More from CamelleMedina2

lesson_plan (1).docx
lesson_plan (1).docxlesson_plan (1).docx
lesson_plan (1).docx
CamelleMedina2
 
Accomplishment Report in ESP.docx
Accomplishment Report in ESP.docxAccomplishment Report in ESP.docx
Accomplishment Report in ESP.docx
CamelleMedina2
 
Week8-RBI-Script.docx
Week8-RBI-Script.docxWeek8-RBI-Script.docx
Week8-RBI-Script.docx
CamelleMedina2
 
RBI-Esp-10-Final.docx
RBI-Esp-10-Final.docxRBI-Esp-10-Final.docx
RBI-Esp-10-Final.docx
CamelleMedina2
 
toaz.info-araling-panlipunan-5-lp-unit-iii-pr_1ee69fd1267db52c9239fed7e2bbec2...
toaz.info-araling-panlipunan-5-lp-unit-iii-pr_1ee69fd1267db52c9239fed7e2bbec2...toaz.info-araling-panlipunan-5-lp-unit-iii-pr_1ee69fd1267db52c9239fed7e2bbec2...
toaz.info-araling-panlipunan-5-lp-unit-iii-pr_1ee69fd1267db52c9239fed7e2bbec2...
CamelleMedina2
 
MT-WORKSHEET.docx
MT-WORKSHEET.docxMT-WORKSHEET.docx
MT-WORKSHEET.docx
CamelleMedina2
 
Filipino-Values-SJBES-2021.docx
Filipino-Values-SJBES-2021.docxFilipino-Values-SJBES-2021.docx
Filipino-Values-SJBES-2021.docx
CamelleMedina2
 

More from CamelleMedina2 (7)

lesson_plan (1).docx
lesson_plan (1).docxlesson_plan (1).docx
lesson_plan (1).docx
 
Accomplishment Report in ESP.docx
Accomplishment Report in ESP.docxAccomplishment Report in ESP.docx
Accomplishment Report in ESP.docx
 
Week8-RBI-Script.docx
Week8-RBI-Script.docxWeek8-RBI-Script.docx
Week8-RBI-Script.docx
 
RBI-Esp-10-Final.docx
RBI-Esp-10-Final.docxRBI-Esp-10-Final.docx
RBI-Esp-10-Final.docx
 
toaz.info-araling-panlipunan-5-lp-unit-iii-pr_1ee69fd1267db52c9239fed7e2bbec2...
toaz.info-araling-panlipunan-5-lp-unit-iii-pr_1ee69fd1267db52c9239fed7e2bbec2...toaz.info-araling-panlipunan-5-lp-unit-iii-pr_1ee69fd1267db52c9239fed7e2bbec2...
toaz.info-araling-panlipunan-5-lp-unit-iii-pr_1ee69fd1267db52c9239fed7e2bbec2...
 
MT-WORKSHEET.docx
MT-WORKSHEET.docxMT-WORKSHEET.docx
MT-WORKSHEET.docx
 
Filipino-Values-SJBES-2021.docx
Filipino-Values-SJBES-2021.docxFilipino-Values-SJBES-2021.docx
Filipino-Values-SJBES-2021.docx
 

AP5_Q3_SLM3_V.pdf

  • 1. Araling Panlipunan Ikatlong Markahan – Modyul 3: Pagbabagong Kultural sa Panahon ng Espanyol 5
  • 2. 5 Araling Panlipunan Ikatlong Markahan – Modyul 3: Pagbabagong Kultural sa Panahon ng Espanyol
  • 3. 1 Alamin Sa panahon ng pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas, binago nila ang maraming aspeto ng pamumuhay ng mga Pilipino. Sapilitan nilang ipinatupad ang iba’t ibang patakarang nagpabago sa kalagayang pampolitika, pang- ekonomiya at pangkultura ng mga katutubo. Sa modyul na ito, tatalakayin ang mga pagbabagong kultural na dala ng kolonyalismong Espanyol. Kapag natapos mo na ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang: 1. Nasusuri ang pagbabagong kultural ng mga Pilipino sa panahon ng Espanyol; 2. Napahahalagahan ang kultura ng mga Pilipino; at 3. Naihahambing ang mga pagbabago sa kultura sa panahon ng Espanyol at kasalukuyan.
  • 4. 2 Subukin Panuto: Tignan ang makikita sa bawat larawan. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. 1. ___________________________________________________ 2. ___________________________________________________ 3. ___________________________________________________ 4. ___________________________________________________ 5. ___________________________________________________
  • 5. 3 Aralin 1 Pagbabagong Kultural sa Panahon ng Espanyol Halos mahigit sa tatlong daang taong sinakop ng mga Espanyol ang ating bansa na nagdulot ng pagbabago sa sinauna nating kultura. Napakalaking impluwensya ng kulturang Espanyol sa pamumuhay ng mga Pilipino. Ang ating relihiyon, pananamit, tirahan, paniniwala, panitikan at maging ang tradisyon ay may malaking bahagdan ng kulturang Espanyol. Sa kabila ng mga pagbabagong ito ay hindi tuluyang nawala ang ating kinagisnang kultura. Ang malawakang pagbabago sa kulturang Pilipino ay nakita noong mga huling taon ng ika-16 na dantaon.
  • 6. 4 Balikan Suriing mabuti ang mga larawan kung ano ang inilalarawan nito. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
  • 7. 5 Tuklasin Basahin at unawaing mabuti ang nilalaman ng tula. Sagutin ang mga kasunod na pamprosesong tanong. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. Mga Tala para sa Guro Ang sumusunod na aralin ay may kinalaman sa mga batayang impormasyon sa pagbabagong kultural noong panahon ng Espanyol. Mainam na gabayan ang mga mag-aaral sa pagtalakay ng aralin sa pamamagitan ng paggamit ng modyul na ito
  • 8. 6 Baryo San Antonio ni Hazel V. Cruz Sa aming baryo na tawag ay San Antonio Kung saan maraming alaalang aking maikukuwento Mga tao na nagpapakita ng pagkakaisa at pagkakaunawaan Isang baryo na di maikakaila ang kagandahan Mga larong tunay namang napakasayang balikan Sipa, patintero, palo-sebo, piko, tumbang preso’t taguan Tatakbo nang tatakbo hanggang maramdaman ang tiyan Kakain ng masarap na luto ni lola na empanada’t leche flan Sa kapistahan ng aming Patron, marami dito’y dumadayo Mga handang binalik-balikan kaldereta, paella’t menudo. Mga bandang lumilibot sa aming munting baryo Tunay na nagbibigay ng saya sa aming mga puso. Mga iba’t ibang pagdiriwang akin ding inaabangan Tulad ng Simbang Gabi sa tuwing sasapit ang kapaskuhan Prusisyon ng mga naggagandahang babae sa Santacruzan At Mahal na Araw na kailangan nating pagnilayan. Sa pagbabalik ko sa aking sintang baryo Maraming natantong mga pagbabago Dahil sa sakuna at trahedyang natamo Na ngayon ay bumangon at inspirado Mga bahay na payak noon at simpleng mga kubo Ngayo’y naglalakihan at napakagarbo Gayonman hindi naalis ang mga paniniwala sa aming mga puso Mananatili at pahahalagahan ang baryo San Antonio. Pamprosesong Tanong: 1. Tungkol saan ang tula? 2. Paano inilarawan ng may akda ang baryo San Antonio? 3. May pagkakahalintulad ba ito sa inyong lugar o baryo? Kung meron ano-ano ang mga ito? 4. May mga naganap din bang mga pagbabago sa iyong pamayanan? Isalaysay ito. 5. Bilang isang mag-aaral, paano mo mapahahalagahan ang iyong baryo na iyong kinabibilangan?
  • 9. 7 Suriin Mga Pagbabagong Kultural sa Panahon ng Espanyol Sa modyul na ito gawing gabay sa pag-unawa ng aralin ang sumusunod na balangkas. Panahanan Bago pa man dumating ang mga Espanyol ang mga Pilipino ay nagtayo ng mga tirahan na malapit sa mga baybayin at sa tabing ilog. May mga nanirahan din sa mga kabundukan. Ito ay upang malapit sila sa kanilang pinagkukunan ng kabuhayan. Ang disenyo ng mga tirahan ng mga Pilipino ay kadalasang yari sa mga likas na materyales tulad ng kawayan, buho, cogon at ratan na angkop sa klima ng bansa. Ang tirahan ng mga Pilipino ay tinatawag na bahay kubo. Sa pagdating ng mga Espanyol nagbago rin ang estruktura ng tirahan ng mga Pilipino. Ipinakilala ng mga Espanyol ang bahay na bato. Ito ay malaki at matibay, gawa ang unang palapag nito sa bato at ang ikalawang palapag naman ay yari sa matigas na kahoy. PAGBABAGONG KULTURAL SA PANAHON NG ESPANYOL Pananamit Panahanan Mga Laro Edukasyon Lutuin Mga Pagdiriwang Musika, Sayaw, Sining at Panitikan Relihiyon Pagpapangalan
  • 10. 8 Kung susuriin ang bahay na bato na ipinakilala ng mga Espanyol ay halos pareho ng bahay kubo. Mas matibay lamang dahil ginamitan ito ng bubong na tisa, batong adobe, semento, baldosa at matitibay na kahoy. Malalaki at maluluwang ang bintana upang malayang makapasok ang hangin. Mayroon din itong azotea o balkonaheng na ginagawang pahingaan at pagtanggap ng bisita. Marami pa rin ang ganitong bahay sa Pilipinas tulad sa Vigan, Ilocos Sur at sa Lungsod ng San Fernando, Pampanga at maging ilang lugar sa Pilipinas. Mga nakaaangat lamang sa lipunan ang nakapagpapagawa ng ganitong estilo ng tirahan. Samantala, ang mga nasa mababang uri ng lipunan ay nanatiling nakatira sa mga kubo. Lutuin Ang impluwensiya ng mga Espanyol sa pagkaing Pilipino ay makikita pa rin hanggang sa kasalukuyan. Natutuhan ng mga Pilipino ang pagluluto ng longganisa, tocino, embutido, bistek, callos, torta, pochero, eschabeche, menudo, afritada, relleno, mechado, caldereta at estefado na madalas makikita sa tuwing may pagdiriwang. Nariyan din ang arrozcaldo, empanada, paella, chirachon at leche flan. Natuto ang mga Pilipino na gumamit ng kutsara, tinidor at kutsilyo sa pagkain. Mga kasangkapan tulad ng tasa, baso, mangkok at plato na naging impluwensya rin ng mga Espanyol at Tsino. Pananamit Unti-unting natutuhan ng mga Pilipino ang magsuot ng mga damit na may mga istilong Espanyol. Naging pangunahing impluwensya ng mga Espanyol ay ang tsinelas at sapatos. Ang mga kalalakihan ay natutong magsuot ng sombrero, mahabang pantalon, dyaket, camisa chino, ropilla at sapatos. Ang mga kababaihan naman ay natutong magsuot ng saya (mahahabang palda) at kimona (blusang yari sa pinong tela). Minsan sinasamahan nila ito ng panuel a o malaking panyo na ipinapatong sa balikat at mantilla o alampay. Naimpluwensyahan din ng mga Espanyol ang pagsusuot ng panyeta o panggayak na suklay sa buhok. Nakagawian din nilang magdala ng abaniko at panyolito. Ang kasuotang Maria Clara, isa sa mga pangunahing tauhan sa nobela ni Jose Rizal ang isang halimbawa ng kasuotan ng mga kababaihan noong panahon ng mga Espanyol.
  • 11. 9 Edukasyon Walang pormal na edukasyon ang mga sinaunang Pilipino noon. Natuto sila sa mga turo ng kanilang mga magulang tulad ng pangingisda, pangangaso at pagtatanim, bagama’t may baybayin ngunit wala silang pormal na edukasyon. Sa panahon ng mga Espanyol, ang pormal na edukasyon sa Pilipinas ay pinasimulan. Ang mga prayle ang nangasiwa sa sistema ng edukasyon sa Pilipinas. Layunin nito na turuan ang mga Pilipino na mamuhay sa pamamaraang Kristiyano. Dito nagsimula nang nagtayo ng iba’t ibang paaralan at kolehiyo. Ang pagtuturo ng asignaturang tulad ng katekismo o relihiyon, pagsulat, pagbasa at aritmetika ang tanging pokus ng mga paaralan. Ang mga paaralang ito ay eksklusibo lamang sa mga kalalakihan bago pa man sumapit ang ika-19 na siglo. Noong ika-19 siglo lamang sila unang tumanggap ng kababaihang Pilipino. Ang mga paaralan para sa kababaihan ay nakapokus ang mga aralin sa mga gawaing bahay at paglilingkod sa simbahan. Layunin ng mga kolehiyong ito na ihanda ang kababaihan sa pag-aasawa at pagpasok sa kumbento. Itinuturo dito ang kagandahang asal, musika, pananahi at pag-aayos ng tahanan. May mga paaralan ding bokasyonal kung saan itinuturo ang mga kasanayan tulad ng agrikultura, pag-iimprenta, pagkakarpintero at pagkukulay ng tela. Musika, Sayaw, Sining at Panitikan Musika. Ang angking talento at pagkahilig ng mga Pilipino sa musika ay lalo pang umunlad noong panahon ng mga Espanyol. Natutuhan ng mga Pilipino ang musikang Kanluranin. Ang paggamit ng instrumentong alpa, byulin, gitara, piano at plawta ay nalaman din. Naipakita rin ang kanilang husay sa paglikha ng instrumentong yari sa kawayan. Halimbawa nito ay ang “Organong Kawayan” na nasa simbahan ng Las Pinas na ginawa ni Padre Diego Cera, isang rekoletong misyonero noong 1818. Naging tanyag sa larangan ng musika sina Jose Canseco, Bibiano Morales, Marcelo Adonay, Hipolito Rivera, Andres Dancel at Ladislao Bonus. Sayaw. Nakilala ang mga sayaw na Jota, Surtido, Habanera, Tango, Fandango, Lanceros, Rigidon, Polk, Mazurka at Waltz. Nahaluan din ng impluwensiya ng Kanluranin ang mga katutubong sayaw ng mga Pilipino. Sinayaw ang Itik-itik at Tinikling sa indayog na La Jota at Polka. Ang mga ilang galaw naman sa Carinosa, sayaw Santa Isabel at iba pang sayaw pag-ibig at pananampalataya sa mga santo ay hango sa Waltz. Sining. Ang mga likhang pinta at eskultura ay naging limitado lamang sa temang panrelihiyon noong panahon ng kolonyalismo. Kalimitang inukit at ipininta ang wangis ng mga santo, Birheng Maria at mahahalagang tagpo sa Bibliya. Nalinang ang kakayahan ng mga Pilipino sa larangang ito. Si Damian Domingo ay tinaguriang Organong Kawayan
  • 12. 10 “Ama ng mga Pintor na Pilipino”. Pinakabantog namang pintor sa panahong iyon sina Juan Luna na lumikha ng “Spolarium”, ang dibuhong nagwagi ng unang gantimpala sa isang patimpalak sa Espanya. Panitikan. Malaki rin ang naging impluwensya ng mga Espanyol sa larangan ng panitikan. Ipinakilala ng mga Espanyol ang dasal, nobena, talambuhay ng mga santo at santa, awit, korido, tula, kuwento, moro-moro, senakulo, karilyo at sarsuwela.  Awit - tulang pasalaysay na binubuo ng labing-dalawang pantig sa bawat linya. Halimbawa nito ang “Florante at Laura: na likha ni Francisco Balagtas, ang tinaguriang “prinsipe ng Makatang Tagalog”.  Korido - tulang may walong pantig sa bawat taludtod. Ang “Ibong Adarna” at “Don Juan Tiñoso” ang mga halimbawa nito.  Moro-moro -dulang nagpapakita ng paglalaban ng mga Kristiyano at Muslim at ang wakas nito ay ang pagkagapi ng Muslim o pangtaggap sa relihiyong Kristiyanismo.  Sarsuwela – dulang may salitaan, sayawan at awitan  Karilyo – dulang gumagamit ng mga tau-tauhang karton na pinapagalaw sa harap ng ilaw  Senakulo - dulang nagpapakita ng mga paghihirap at pagpaparusa sa Panginoong Hesukristo. Pagpapangalan Batay sa kautusan ni Gobernador-Heneral Narciso Clavera Bautista, binigyan ng apelidong Espanyol ang mga Filipino tulad ng Dela Cruz, De los Santos Santiago at iba pa. Mayroong nakatalang mahigit na 61,000 na pagpipiliang apelido sa Catalogo Alfabetico de Apellidos. Binago rin ng mga Espanyol ang pangalan ng mga pook, pueblo na kalimitan ay hinango sa pangalan ng mga patron at santo tulad ng San Isidro, San Antonio, Del Rosario, Sta. Maria at iba pa. Relihiyon Ang mga katutubong Pilipino ay may mga paniniwala sa mga diyos at diyosa ng kalikasan, marami rin ang may mga paniniwala sa relihiyong Islam. Sa pagdating ng mga Espanyol, unti-unting napalitan ng Kristyanismo ang mga paniniwalang ito. Itinuro ang mga Katolikong kaugalian gaya ng pagbibinyag, pagpapakasal, pangungumpisal pagrorosaryo, pagnonobena, pagsisimba at iba pa. Sa pagpapalaganap ng mga aral ng Kristiyanismo sinunog ang mga dokumento patungkol sa dating paniniwala at pinalitan ng mga kuwento ng pagpapakasakit ni Kristo at ang pangako n’yang buhay na walang hanggan. Kaugnay nito, dinala ng mga Espanyol sa Pilipinas ang sistema ng palimbagan. Ang Doctrina Christiana ang kauna-unahang aklat na nailimbag sa Pilipinas noong 1593. Ito ay isang aklat tungkol sa katesismo at mga dasal at isinalin ito sa wikang Tagalog.
  • 13. 11 Madaling napasunod ang mga Pilipino sa bagong pananampalataya na ginamit ng mga prayle ang mga naunang pamamaraan ng paniniwala. Kabilang dito ang pagbabasbas, paggamit ng mga rebulto at pagsalin ng mga dasal sa salita ng mga katutubo. Mga Pagdiriwang Malaking impluwensiya din ang mga iba’t ibang pagdiriwang panrelihiyon na dinala ng mga Espanyol. Ang mga ito ay naging bahagi na rin ng tradisyong Pilipino hanggang kasalukuyan ay ipinagdiriwang pa rin. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod. Pista. Ang kapistahan ng patron o santo ng bayan ang pinakatanyag at nakaaaliw na pagdiriwang. Kumpleto ito sa mga banderitas sa kalsada, banda ng musiko, palaro, palabas at sayawan. Bahagi nito ang magarbo at magastos na handaan. Ang mga kamag-anakan sa ibang bayan ay dumadalaw upang makipagdiwang ng pista. Natutong mangutang ang mga Pilipino para may maihanda sa araw na ito. Mayroon din prusisyon ng mga napiling magandang kababaihan tuwing Flores de Mayo at Santacruzan Pasko. Ang pasko ay pagdiriwang ng bawat pamilya na ginugunita ang kapanganakan ni Hesus. Kumakain sila sa noche buena at nagbibigayan ng regalo katulad ng ginawa ng tatlong hari na nagbigay ng regalo kay Hesus. Mahal na Araw. Ang kuresma o mahal na araw ay sinisimulan sa Linggo ng Palaspas (Palm Sunday). Nagdaraos sila ng mga gawaing pansimbahan kagaya ng misa at prusisyon. Sa panahong ito binabasa nila ang Pasyon o aklat na kung saan nasusulat ang buhay ni Hesukristo.Nakapapanood din tayo ng mga prusisyon ng mga taong sinasaktan ang kanilang mga sarili tulad ng pagpasan at pagpapako sa krus, kilala ang Cutud, San Fernando, Pampanga sa mga gawaing ito. Sila ay nagpepenitensya na kinapapalooban ng sariling pagpaparusa bilang pagbabalik tanaw sa hirap at sakit na dinanas ng Panginoong Hesukristo.
  • 14. 12 Binyag at Kasal. Ang bawat Pilipino ay dumaraan sa ritwal ng pagbibinyag. Ito ay palatandaan na kabahagi na ng mga pananampalatayang Kristiyano. Ang taong binibinyagan ay kumukuha ng ninong at ninang sa paniniwalang gagabay at gaganap sila bilang pangalawang magulang niya. Gayundin ang kaugalian sa kasal mamimili ng mga ninong, ninang at abay upang maging saksi ng kanilang kasal o pag-iisang dibdib. Mga Laro Marami ring mga larong Pilipino ang naimpluwensya ng mga Espanyol. Ang mga larong ginagamitan ng kard ay nakuha natin sa mga Espanyol tulad ng Juego de prenda, Pangguinggui, Kuwaho at Siete-siete. Mga larong panlabas naman ang mga Patintero, Sipa at Palosebo
  • 15. 13 Pagyamanin A. Panuto: Gayahin ang graphic organizer na nasa ibaba sa iyong sagutang papel. Gamit ang ginawang graphic organizer ay magbigay ng mga pagbabago sa panahon ng kolonya sa bawat elemento ng kultura. Musika Lutuin Pananamit Pagdiriwang Laro Panitikan Mga Pagbabagong Kultural sa Panahon ng Espanyol
  • 16. 14 B. Panuto: Sa iyong sagutang papel gayahin ang tsart na nasa ibaba. Gamit ang ginawang tsart ay paghambingin ang mga sumusunod noong panahon ng Espanyol at sa kasalukuyan. Isulat ang salitang naglalarawan sa tamang hanay. Elemento ng Kultura Panahon ng Espanyol Kasalukuyan 1. Panahanan 2. Lutuin 3. Pananamit 4. Edukasyon 5. Relihiyon 6. Pagdiriwang 7. Laro 8. Pagpapangalan 9. Musika 10.Panitikan
  • 17. 15 C. Panuto: Sa isang malinis na bondpaper gumawa ng poster na nagpapakita ng pagpapahalaga sa kultura ng mga Pilipino
  • 18. 16 Rubrik para sa Paggawa ng Poster MGA KRAYTERYA 4 3 2 1 Pagkamalikhain Lubos na nagpamalas ang pagkamalikhain sa paghahanda. Naging malikhain sa paghahanda . Hindi gaanong naging malikhain sa paghahanda . Walang ipinamalas na pagkamalikhai n sa paghahanda. Presentasyon Lubhang naging malinaw ang paghahatid ng mensahe. Naging malinaw ang paghahatid ng mensahe. Hindi gaanong malinaw ang paghahatid ng mensahe. Hindi naging malinaw ang paghahatid ng mensahe. Organisasyon Buo ang kaisipan konsistent, kumpleto ang detalye at napakalinaw ng intensiyon May kaishan at may sapat na detalye at malinaw na intension. Konsistent, may kaisahan, kulang sad etalye at hindi gaanong malinaw ang intension Hindi ganap ang pagkakabuo, kulang ang detalye at di- malinaw ang intension Kaangkupan sa Paksa Angkop na angkop ang mga larawan sa paksa. Angkop ang mga larawan sa paksa. Hindi gaanong angkop ang mga larawan sa paksa Hindi angkop ang mga larawan sa paksa. Kabuuang Puntos
  • 19. 17 Isaisip Panuto: Gumawa ng kahawig na graphic organizer sa iyong sagutang papel at ilahad dito ang iyong natutuhan at kahalagahan nito. MGA NATUTUHAN KO SA ARALIN 1. 2. 3. 4.
  • 20. 18 Isagawa A. Panuto: Suriin ang mga sumusunod na pahayag. Iguhit sa kahon ang thumbs up kung tama at thumbs down kung hindi. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. 1. Karamihan sa mga Pilipino ngayon ay nakikibahagi sa pagdiriwang ng pista. 2. Lahat ng mga lugar at kalye sa Pilipinas ay isinunod ang pagpapangalan sa mga iba’t ibang Santo at Santa. 3. Nahirapan ang mga Pilipino sa paggamit ng alpa, byulin gitara kaya’t nanatiling tambol ang gamit na instrumento ng mga Pilipino. 4. Noong panahon ng mga Espanyol ang lahat ng mga Pilipino ay nagkaroon ng pagkakataon na pumasok sa paaralan anoman ang antas sa lipunan. 5. Likas sa mga Pilipino ang pagka-malikhain at husay pagdating sa larangan ng musika. 6. Ang menudo, kaldereta, arrozcaldo, leche flan at chicharon ay nanggaling sa mga Espanyol. 7. Ang panonood at paggalang sa kultural na pagtatanghal ay nagpapakita ng pagpapahalaga sa kultura ng mga Pilipino. 8. Kristiyanismo lamang ang relihiyon ng mga Pilipino ngayon. 9. Nananatili hanggang sa kasalukuyan ang mga uri ng pananamit na dala sa atin ng mga Espanyol. 10.Ang mga naisulat sa panahon ng Espanyol ay may kinalaman sa relihiyon. B. Panuto: Gayahin ang tsart na nasa ibaba sa iyong sagutang papel. Gamit ang tsart isulat sa tamang hanay ang mga mabuti at di-mabuting bunga ng mga Espanyol na nakikita sa kasalukuyan. Mabuting Bunga Di-Mabuting Bunga
  • 21. 19 Tayahin A. Panuto: Piliin ang angkop na inilalarawan ng bawat bilang. Isulat ang tamang titik sa iyong sagutang papel. 1. A. Dito hinango ang pagpapangalan ng mga ilang lugar at apelido ng mga Pilipino. 2. B. Uri ng pananamit noong panahon ng Espanyol. 3. C.Mga larong panlabas na impluwensya ng mga Espanyol 4. D.Relihiyong pamana ng mga Espanyol sa mga Pilipino 5. E.Likha ni Francisco Balagtas ang tinaguriang prinsipe ng Makatang Tagalog 6. F. Panghimagas na hanggang kasalukuyan ay di nawawala sa handaan at paborito ng mga Pilipino 7. G.Isang pagdiriwang na pagbabalik tanaw sa naging pasakit na dinanas ni Hesukristo. 8. H. Ang mga paaralan ay eksklusibo lamang para sa kanila 9. I. Uri ng sayaw na impluwensya ng mga Espanyol 10. J.Panahanan na dinala ng mga Espanyol Bahay na Bato Leche Flan Kalalakihan Kristiyanismo Baro’t saya Patron at Santo Mahal na Araw Patintero at Sipa Florante at Laura Waltz at polka
  • 22. 20 B. Panuto: Piliin ang mga bagay, produkto na dinalang pagbabago sa Pilipinas noong panahon ng Espanyol na hanggang kasalukuyan ay di pa rin nawawala. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel bistek panyeta sapatos baro’t saya callos patintero pasko Mother’s Day kasal hotdog T-Shirt bahay na bato Santacruzan Madjong pancit siomai ramen empanada Karagdagang Gawain A. Panuto: Tukuyin ang inilalarawan sa bawat bilang. Isulat ang wastong sagot sa sagutang papel. 1. Uri ng tirahan na ipinakilala ng mga Espanyol. Ito ay malaki at matibay na naging simbolo ng pamumuhay ng isang pamilya. B__ __ __ __ n __ __ __ t__ 2. Isang instrumentong gawa ng mga Pilipino sa pangunguna ni Pare Diego Cera O__ __ __ n __ __ __ K __ __ __ y__ __ 3. Dulang nagpapakita ng mga paghihirap at pagpaparusa sa Panginoong Hesuristo S __ __ __ k __ __ __ 4. Unang Aklat na nailimbag sa Pilipinas D__ __ __ __ i __ __ C__ __ i__ __ __ __ n__ 5. Dibuhong gawa ni Juan Luna at nagwagi ng unang gantimpala sa patimpalak sa Espanya S __ __ __ __ r __ __ __
  • 23. 21 Susi sa Pagwawasto Pagyamanin A. Musika. Pagtugtog ng instrumento alpa, byulin, gitara, piano at plawta. Lutuin. Menudo, mechado, bistek arrozcaldo, paella,afritada, relleno at iba pa. Pagdiriwang. Pasko, pista ng mga patron Mahal na araw, kasal, binyag, Flores de Mayo Laro. Patintero sipa, palo sebo larong ginagamitan ng kard tulad ng siete siete kuwaho Panitikan. Awit, korido, senakulo at mga lathalain na may kaunayan sa kristiyanismo Pananamit. Baro’t saya, camisa chino, pagsusuot ng sapatos at tsinelas Tuklasin 1. Baryo San Antonio 2. Simple at payak na pamumuhay. (Tanggapin ang iba pang may kaugnay na sagot). 3. Maaaring iba’t iba ang sagot. 4. Maaaring iba’t iba ang sagot. 5. Sa pamamagitan ng pangangalaga sa kapaligiran ang sa mga tao sa pamayanan. Hindi paglimot sa sa mga magagandang tradisyon at kaugalian. (Tanggapin ang iba pang may kaugnay na sagot.
  • 24. 22 Pagyamanin B. Elemento ng Kultura Panahon ng Espanyol Kasalukuyan 1. Panahanan Bahay na bato, unang palapag ay yari sa bato at ang ikalawang palapag ay yari sa kahoy, istilo bahay kubo Iba iba disensyo ng bahay na na may halo na istulo sa ibang bansa. ay yari sa semento at ibang uri ng bato 2. Lutuin Chicharon, kaldereta, menudo Iba’t ibang pagkain na mula sa ibang bansa tulad ng (Samgyupsal, ramen, at iba pa) 3. Pananmit Camisa chino, pantalon, sombrero, at iba pa T-shirt, jeans, sando,amerikana at iba pa 4. Edukasyon Aritmitika, musika at mga asignaturang may kinalaman sa relihiyon, Magkaibang paaralan para sa mga kalalakihan at kababaihan Pantay na edukasyon para lahat. Iba’t ibang asignatura tulad ng kasaysayan Matematika, Filipino, English at iba pa 5. Relihiyon Kristiyanismo ang relihiyon May iba’t ibang relihiyon at sektor na kinabibilangan ng mga Pilipino 6. Pagdiriwang Pista, kasal, binyag at iba pa Nadagdagan ang araw ng mga puso, Mother’s Day, Father’s Day, at iba pa 7. Laro Patintero, sipa, at larong ginagamitan ng kard Computer games, Mobile legend, candy crush, at iba pa 8. Pagpapangala n Nagkaroon ng apelido at ang mga pangalan karaniwang galing sa mga santo at santa Pagpapangalan ay nagmula sa iba’t ibang paraan tulad ng magsasama ng mga pangalan ng mga magulang, at iba pa 9. Musika Piano, byulin plawta at iba pa Nadagdagan ang mga instrumentong gamit 10. Panitikan Mga sulatin at pagtatanghal na may kinalaman sa relihiyon May malayang paksa
  • 25. 23 Isaisip Mga posibleng sagot 1. Mga impluwensiyang kultural ng mga Espanyol 2. Mga tradisyon at kultura na nanatili pa rin sa kasalukuyan 3. Paraan ng pagpapahalaga sa kulturang Pilipino Tanggapin ang ibang kaugnay na sagot Isagawa A 1. Thumbs Up 2. Thumbs Down 3. Thumbs Down 4. Thumbs Down 5. Thumbs Up 6. Thumbs Up 7. Thumbs Up 8. Thumbs Down 9. Thumbs Down 10. Thumbs Up Isagawa B. Mga posibleng sagot Mabuting Bunga Di-Mabuting Bunga Napapanatili ang matatag at malapit na relasyon ng mga pamilya Natutong mangutang ang mga Pilipino sa tuwing may mga pagdiriwang tulad ng piyesta, binyag at iba pa Tanggapin ang ibang kaugnay na sagot Tayahin A. 1. J 6. D 2. F 7. G 3. H 8. C 4. B 9. E 5. A 10. I Tayahin B. bistek, pasko, santacruzan, sapatos, kasal, callos, patintero, bahay na bato,empanada Tayahin C. Maaaring iba iba ang sagot Karagdagang Gawain. 1. Bahay na Bato 2. Organong Kawayan 3. Senakulo 4. Doctrina Christiana 5. Spolarium
  • 26. Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR) Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600 Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985 Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph