4. Konteksto:
Pumunta ako sa Maynila na kung saan ang Maynila ang kabisera ng
Pilipinas. Nadatnan ko si Diego sa Quiapo Church. Pagkatapos magdasal ni
Diego ay nakita na niya ako sa labas. Nilibot namin ang Luneta. Ang Luneta ay
lugar na kung saan naganap ang pagkamartir ni Rizal. Nilibot naming ang
Intramuros gamit ang kabayo. Pero ang kabayo ay napagod kaya pinainum
muna ang kabayo. Higit sa lahat, nakita na namin ang Fort Santiago. Ang Fort
Santiago ay isang makasaysayang pook sa Maynila.
6. ANAPORA at KATAPORA
Ginagamit ito upang maiwasan ang paulit ulit na
paggamit ng pangngalan o salitang ginagamit sa
pahayag. Ito ang paggamit ng panghalip na
tumutukoy sa mga nauna o nahuling pangalan
7. ANAPORA o SULYAP NA PABALIK
Ang tawag sa mga panghalip na ginagamit sa hulihan
bilang pananda sa pinalitang pangngalan sa unahan
ng pangungusap o talata.
14. Halimbawa:
Hindi lamang iisang beses ko siyang nakitang
umalis sa aming silid-aralan sa tuwing tutunog ang
bell na hudyat ng recess time. Palaging ginagawa
iyon ni Jun.
15. Halimbawa:
Hindi matatawaran ang kanilang sakripisyo sa
panahon ng pandemya kaya naman, itinuturing na
bagong bayani ang mga doktor at nars.
17. Isulat sa patlang kung ang mga pahayag ay ANAPORA o
KATAPORA.
__________1. Ang Senior Citizens Act o RA 101645 ay mas pinabubuti pa.
Ito ay malaking tulong lalo na sa matatandang mahihirap ang buhay.
_________2. Siya ay may malaking malasakit sa matatanda. Si Miriam
Defensor Santiago ang nagsulong ng bagong batas sa senior citizen.
_________3. May mga ahensiyang handang mangalaga sa matatanda sa
bansa. Sila ang gagawa ng ilang tungkuling hindi nagagampanan ng pamilya
ng matatanda.
_________4. Tayo ay dapat na maging magandang halimbawa. Alagaan
natin ang ating mga magulang hanggang sa kanilang pagtanda. Ang mga
anak na tulad natin ang dapat magpasimula nito.
_________5. Ang matatanda ay maraming pangangailangan. Ibigay natin
sa kanila ang mga pangangailangang ito.
18. ANGKOP NA MGA PAHAYAG
SA PANIMULA, GITNA, AT
WAKAS NG ISANG AKDA
Aralin 2
19. Simula
Sa pagsasalaysay o pagkukuwento, mahihikayat ng
nagsasalita ang kanyang tagapakinig sa mahusay na simula.
Kapag nailahad ang layunin nang epektibo ay napupukaw
ang kaisipan ng mambabasa o tagapakinig na patuloy na
alamin ang kawing- kawing na pangyayari sa papataas at
kasukdulan sa gitna ng kuwento.
Hihintayin din nila ang wakas kung nakamit na ang layuning
inilahad sa panimula.
20. Gitna
Sa bahaging ito, mabuting mapanatili ang kawing-
kawing na pangyayari at paglalarawang nasimulan.
Ipinapakita rito kung paano nagtagumpay o
magwawagi ang pangunahing tauhan.
Maaring gamitin ang kasunod, pagkatapos, walang
ano-ano’y, at iba pa na naghuhudyat ng kasunod na
pangyayari.
21. Gitna
Halimbawa mula sa maikling kwentong
“Pamilya sa Gitna ng Pandemya”
Kasunod nga nito ay nag- iingat ang pamilya sa
hindi nakikitang kalaban ang virus ngunit
mayroon pang isang pinag –aalala ang aking
magulang ang aking ate Lea na nasa abroad
isang nars.
22. Wakas
Napakahalaga rin ng huling pangyayari, maiiwan sa isipan
ng tagapakinig o ng mambabasa. Dito nakapaloob ang
mensaheng magpapabuti o magpapabago pa sa kalooban at
isipan ng lahat- na ang kabutihan ang nagwawagi at may
kaparusahan ang gumagawa nang masama.
Maaaring gumamit ng sa huli, sa wakas, o iba pang
panandang maghuhudyat ng makahulugang pagtatapos.
23. Wakas
Halimbawa mula sa maikling kwentong,
“Pamilya sa Gitna ng Pandemya” Sa wakas,
nakita ko ang bakas ng saya sa mukha ng
aking magulang naibsan ang kanilang
lungkot.
24. Punan ng angkop na pananda o pahayag upang
mabuo ang teksto.
panghuli una pagkatapos saka sumunod
1._________ pakuluin ang mantika sa kawali.
2. _____________kapag kumukulo na ay ilagay na ang mani
3._________halo-haluin iyon hanggang sa maluto.
4.____________hanguin na ang maning naluto.
5._______________ipagiling na ang mani. Kapag nagawa mo na ito,
mayroon ka ng masarap na palaman.