2. Kaagad pinuntahan ni Ibarra ang bahay ni
Kapitan Tiyago nang siya ay dumating upang
ibalita na hindi na siya ekskumulgado ng
simbahan.
Dala niya ang sulat
mula sa arsobispo na
kailangang ibigay niya
sa kura.
3. Tuwang- tuwa si Tiya Isabel, sapagkat boto
siya kay Ibarra at ayaw din niyang
mapangasawa ng kanyang pamangkin si Maria
ang Kastilang si Linares.
Tinawag ni Isabel
si Maria at
pinatuloy si
Ibarra.
4. Ngunit nagulat ang dalaga at si Linares
pagdating ni Ibarra.
Sinabi lang ni Ibarra ang magandang balita
ay siya ay nag-paalam na malungkot.
Malungkot din si Maria Clara.
5. Pumunta si Ibarra sa pinagagawang paaralan kung
saan binati siya ni Nyor Juan.
Ibinalita rin niya ang pagka-alis ng kaniyang
ekskumonikasyon.
6. Nandoon din si Elias na
kasama ng
manggagawa.
Gusto ni Elias na
kausapin si Ibarra kahit
ilang oras lang. Sinabi
nito na mamangka sila
sa lawa bandang hapon.
Pumayag si Ibarra.
7. Dumating si Nyor Juan at ibinigay sa kaniya ang
listahan ng mga gumagawa sa paaralan.
Pero wala ang
pangalan ni Elias.
9. Dahil sa ayaw ni Ibarra na
isipin ni Elias na umiiwas
siya,hindi niya nagkataon
para kausapin ang alperes na
nasalubong niya.
Naalala rin niya ang balak
niyang dalawin si Maria.
10. Sa Bangka ay hindi na nagpaligoy-ligoy si
Elias.
Sinabi ni Elias na siya ang tinig ng mga
sawimpalad.
11. Si Kapitan Pablo na puno ng tulisan na
ang pangalan ay hindi niya binanggit
ay humihingi ng pagbabago sa
pamahalaan, tulad ng :
paglalapat ng katarungan,
pagbibigay ng dignidad sa mga tao,
at
pagbawas ng kapangyarihan sa
mga guwardiya sibil na nagiging
dahilan ng kanilang pag-aabuso sa
karapatang pangtao.
12. Handa si Ibarra na gamitin ang pera upang
humingi ng tulong sa mga kaibigan niya sa Madrid
at pati sa Kapitan Heneral pero iniisip niya na sa
halip makabuti ay baka lalong makasama ang
kanilang balak.
13. Ipinaliwanag ni Ibarra na ang pagbawas ng
kapangyarihan ng sibil ay makasama dahil baka
malagay naman sa panganib ang mga tao.
14. Sinabi ni Ibarra na upang magamot ang sakit,
kailangang gamutin ang sakit mismo at hindi ang
sintomas lang.
Kapag malala na ang sakit, kung kailangan ang
dahas para ito ay masugpo ay kailangang ilapat
ang panlunas kahit na nahapdi.
15. Hindi napapayag ni Elias si Ibarra
sa kaniyang pakiusap sa binata
kaya sinabi nitong sasabihin niya
sa mga sawimpalad na umasa na
lang sa Diyos.
Nagdebate sila sa buting
nagawa ng simbahan at ang
sanhi ng panunulisan ng mga
tao.
17. KANSER NG LIPUNAN NOON
Mga pangaabuso ng mga
gwardya sibil at mga nasa
pamahalaan na dapat at
nagproprotekta sa mga
mamamayan.
18. KANSER NG LIPUNAN NGAYON
Ang mga kapulisan natin ay
parang mga gwardya sibil na
nilalabag din ang karapatang
pantao ng mga mamamamayan
na dapat ay kanilang
pinoprotektahan.
19. Lalong lumala ang pangaabuso ng mga
kapulisan sa panahon ni Pangulong Rodrigo
Duterte nang kanyang ipinatupad ang
operasyong “Tokhang” na naglalayon sana na
matapos ang paggamit at pagbenta ng mga
ipinagbabawal na gamot.
20. Labis na ginamit ng mga pulis ang kanilang
kapangyarihan ang basta basta na lamang
itong naghahanap ng pwedeng nilang gawing
suspect, madalas ay ito ay kanilang pinapatay
kahit walang ebidensya.
Sina Kian delos Santos, Carl Arnaiz at
Reynaldo de Guzman ay ilan lamang sa mga
kabataan ng naging biktima ng pang aabuso
ng mga pulis
21. Sila ay hinuli ng mga pulis habang nasa labas at
pinagbintangan na sangkot sa illegal na droga. Nang
walang makitang ebidensya, ay walang awang
pinatay sila ng sangkot na pulis.
Nakita ang kanilang mga bangkay matapos ang ilang
araw. At hanggang ngayon sumisigaw ng hustisya
ang kanilang mga pamilya