1. Mga Prinsipyo ng
Good Governance
Philippines
Araling Panlipunan 4
4th Quarter Topic 3
2. Narito ang mga prinsipyo ng mabuting pamamahala ayon sa Good
Governance Philippines ng National Economic and Development Authority
Development Authority (NEDA).
1. Rule of Law and Fairness.
2. Inclusiveness.
3. Participation, Openness, and Transparency.
4. Performance – Orientation and Accountability.
5. Leadership and Stewardship.
6. Ethics and Probity.
7. Service Orientation and Responsiveness.
3. RULE OF LAW AND FAIRNESS.
Pagsunod at pagtataguyod sa karapatang
pantao at sa kapanyarihan ng batas bilang
pundasyon ng kagalingan pantao,
katarungang panlipunan, at pantay na
kaunlarang panlipunan at pang-ekonomiya
(equitable socio-economic development).
5. PARTICIPATION, OPENNESS, AND
TRANSPARENCY.
Pagtaguyod sa karapatan ng mamamayan
na maging bahagi ng mga proseso at
patakaran sa pamamahala, pati sa karapatan
na maipabatid ang mga impormasyong may
kinalaman sa kapakanan ng publiko.
7. LEADERSHIP AND STEWARDSHIP.
Pagtaguyod sa epektibong pamumuno na
mahalaga sa mabuting pamamahala at sa
pamamagitan nito ay maipakita ang
makatuwiran at mabuting paggamit ng
kapangyarihan; kasama rin dito ang wastong
paggamit ng mga mapagkukunang yaman
para maitaguyod ang kapakanan ng lahat.
8. ETHICS AND PROBITY.
Pagtaguyod sa pamamahala nang may
katapatan at mabuting prinsipyo, matuwid na
pamantayan, at positibong pagpapahalaga
upang mapanatili ang tiwala ng sambayanan
sa pamahalaan.
9. SERVICE-ORIENTATION AND
RESPONSIVENESS.
Pagtiyak na ang mga pangangailangan,
kapakanan, at hangarin ng sambayanan ay
naisasaalang-alang at natutugunan, gayundin
ang paglilingkod sa kanila nang mahusay,
matapat, agaran, at may pananagutan.
10. Dahil sa maayos na pamamalakad ng pamahalaan at sa
kawalan ng katiwalian, madaragdagan ang tiwala ng mga
negosyante at dadami ang mga negosyo. Dadagsa rin ang mga
dayuhang mamumuhunan at magtatayo ng negosyo sa bansa.
Ang mga pandaigdigang institusyon ay maeengganyo na
magpautang ng puhunan dito. Magkakaroon ng trabaho ang
maraming mamamayan. Lalong uunlad ang ekonomiya at
magbebenepisyo lalo na ang mahihirap at ang mahihinang
miyembo ng lipunan.