SlideShare a Scribd company logo
1 of 5
MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 9
UNANG KWARTER
Inihanda Ni:Martha Jelle A. Deliquina
Halaw sa Modyul ng mag-aaral sa Ekonomiks
I.PAKSANG-ARALIN:
Aralin 4:Alokasyon
II.MGA INAASAHANSA MGA MAG-AARAL:
1.Nasusuri ang mekanismo ng alokasyon sa iba’t-ibang sistemang pang-ekonomiya bilang
sagot sa kakapusan
AP9MKE-Ig14
*Nabibigyang-kahulugan ang salitang alokasyon.
* Nakapagsasaliksik ukol sa mga bansang sumailalim sa mga sistemang pangekonomiya
III.PANIMULA:
Isang katotohanan na dapat nating tanggapin na walang hanggan ang kagustuhan at
pangangailangan ng tao sa harap ng kakapusan ng mga pinagkukunangyaman. Isa ito sa mga pangunahing
dahilan kung bakit pinag-aaralan natin ngayon ang ekonomiks. Ang mekanismo ng pamamahagi ng mga
pinagkukunang-yaman, produkto, at serbisyo ay tinatawag na alokasyon.
Kailangang isaalang-alang natin ang paggamit at paglinang ng lahat ng pinagkukunang-yaman ng
bansa upang makamit ng tao ang pinakamataas na antas ng kasiyahan at kapakinabangan mula rito.
Nararapat na ito ay bigyang-pansin dahil sa katotohanang may kakapusan ang mga pinagkukunang-
yaman.
IV.NILALAMAN:
Itinuturing na pangunahing suliraning pangkabuhayan ang kakapusan. Sa katunayan, pinag-
aaralan ang ekonomiks dahil may kakapusan ang karamihan sa mga pinagkukunang-yaman. Sabi nga ni
John Watson Howe,“There isn’t enough to go around.” Ito ang kasabihang sumasalamin sa suliranin ng
kakapusan. Ito rin ay naglalahad ng katotohanang limitado ang mga pinagkukunang-yaman kung kaya’t
kailangang gumawa ng tamang desisyon kung paano gagamitin nang mahusay ang mga ito at upang
matugunan ang nagtutunggaliang pangangailangan at kagustuhan ng tao.
Ang mekanismo ng pamamahagi ng pinagkukunang-yaman, produkto, at serbisyo ay tinatawag
na alokasyon. Ang alokasyon ay isang paraan upang maayos na maipamahagi at magamit ang lahat ng
pinagkukunang-yaman ng bansa. Ito rin ang paraan upang ang lipunan ay makaagapay sa suliraning dulot
ng kakapusan.
Upang matiyak na efficient at maayos ang alokasyon ng mga pinagkukunangyaman, dapat itong
sumagot sa apat na pangunahing katanungang pang-ekonomiko: 1. Ano-anong mga produkto at serbisyo
ang gagawin? Hindi makagagawa ang lipunan ng produktong kailangan ng tao ayon sa dami at uri na
gusto ng lahat. Bahagi ito ng suliranin ng kakapusan. Ang desisyon kung anong produkto at serbisyo ang
gagawin ay nakasalalay sa pangangailangan ng tao. 2. Paano gagawin ang naturang produkto at
serbisyo? Kung paano isasakatuparan ang pagbuo ng produkto at serbisyo ay nakasalalay kung anong
input ang gagamitin. Marami ring mga paraan na maaaring gamitin kung papaano isasakatuparan ang
produksiyon. Maaaring gumamit ng teknolohiya o tradisyonal na paraan ng paggawa upang mabuo ang
output. 3. Para kanino gagawin ang mga produkto at serbisyo? Ang makikinabang sa pagbuo ng produkto
o serbisyo ang nagsisilbing motibasyon sa pagpapatuloy ng produksiyon. Ang makikinabang sa produkto
o serbisyo ay kung sino ang nangangailangan at may kakayahang makamit ito. Maaaring nasa loob o
labas ng bansa ang gagamit ng gagawing produkto at serbisyo. 4. Gaano karami ang gagawing produkto
at serbisyo? Kailangang malaman ang laki ng pangangailangan ng ekonomiya upang makapagdesisyon
kung gaano karami ang gagawing produkto at serbisyo. Ang potensiyal na makabuo ng produkto at
serbisyo ay nakabatay sa gagamiting input.
Alokasyon sa Iba’t Ibang Sistemang Ekonomiya
Ang sumusunod ay ang iba’t ibang sistemang pang-ekonomiya na umiiral sa daigdig:
Tradisyonal na Ekonomiya
Ang unang anyo ng sistemang pang-ekonomiya ay ang tradisyonal na ekonomiya. Ang kasagutan
sa pangunahing katanungang pang-ekonomiko ay nakabatay sa tradisyon, kultura, at paniniwala. Ang
tanong na ano ang lilikhaing produkto ay hindi mahirap sagutin sapagkat ang pangangailangan ng tao ay
umiikot lamang sa pangunahing pangangailangan tulad ng damit, pagkain, at tirahan. Maging ang
suliranin kung paano lilikha ng produkto ay simple lamang na tinutugunan dahil ang paraan ng
produksiyon ay batay sa sinaunang pamamaraan na itinuro ng matatanda sa pangkat. Sa tradisyonal na
ekonomiya, bagama’t walang tiyak na batas ukol sa alokasyon, may maliwanag na pagkakaunawa ang
mga tao sa paraan nito. Ang anumang produkto na kanilang malilikha ay ipamamahagi ayon sa kanilang
pangangailangan at kung sino ang dapat gumamit.
Market Economy
Sa market economy, ang kasagutan sa pangunahing katanungang pangekonomiko ay ginagabayan
ng mekanismo ng malayang pamilihan. Sa ganitong sistema, ang bawat kalahok – konsyumer at
prodyuser, ay kumikilos alinsunod sa kanilang pansariling interes na makakuha ng malaking pakinabang.
Ang mga nasa lakas-paggawa ay maaaring makapamili ng kanilang nais na papasukang trabaho. Ang
pangunahing katanungang pang-ekonomiko ay sinasagot ng puwersa ng pamilihan. Ang market economy
ay nagpapahintulot sa pribadong pagmamay-ari ng kapital, pakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng
presyo, at pangangasiwa ng mga gawain.
Presyo ang pangunahing nagtatakda kung gaano karami ang bibilhin ng mga mamimili at kung gaano rin
karami ang malilikhang produkto at serbisyo ng mga prodyuser. Sa kabuuan, ang dami ng produkto na
nais ibenta ng mga prodyuser ay may katumbas na dami ng produkto na nais bilhin ng mga mamimimili.
Sa madaling sabi, presyo ang nagsisilbing pambalanse sa interaksiyon ng konsyumer at prodyuser sa loob
ng pamilihan.
Samantala, ang tungkulin naman ng pamahalaan ay ang pagbibigay ng proteksiyon sa kapakanan
ng mga pag-aaring pampribado, kabilang ang mga batas na mangangalaga sa karapatan,ari-arian, at
kontrata na pinapasukan ng mga pribadong indibidwal.
Command Economy
Sa command economy, ang ekonomiya ay nasa ilalim ng komprehensibong kontrol at regulasyon
ng pamahalaan. Ang pagkontrol ay alinsunod sa isang planong nauukol sa pagsusulong ng ekonomiya na
pinangangasiwaan mismo ng sentralisadong ahensiya (central planning agencies).
Katunayan, ang pagpapasya sa proseso ng mga gawaing pang-ekonomiya ay sentralisado o nasa kamay
ng pamahalaan lamang. Tinutukoy rin ang mga gagamiting pinagkukunang-yaman sa paglikha ng mga
kapital. Samantala, madaling nalalaman ang distribusyon ng kita sa lipunan sa pamamagitan ng
pagtatakda ng pasahod para sa iba’t ibang uri ng hanapbuhay. Ang kita naman sa mga lupang sakahan ay
maaaring matukoy sa pamamagitan ng pagtatakda sa halaga ng mga produktong nagmumula rito.
Ang mga patakaran sa command economy ay ipinatupad sa dating Soviet Union. Sa kasalukuyan,
nananatiling may ganitong sistemang pang-ekonomiya ang Cuba at North Korea.
Mixed Economy
Ang mixed economy ay isang sistema na kinapapalooban ng elemento ng market economy at command
economy. Walang maituturing na isang kahulugan ang mixed economy. Ito ay kinapapalooban ng
magkaugnay na katangian ng dalawang sistema tulad ng malayang pakikilahok sa mga gawaing
pangkabuhayan na pinahihintulutan ng pamahalaan at pagkontrol ng pamahalaan sa ilang gawaing
pangkabuhayan. Ang salitang mixed economy ay nalikha upang tukuyin ang isang sistemang nabuo at
may mga katangian na bunga ng pagsasanib o kombinasyon ng command at market economy.
Hinahayaan dito ang malayang pagkilos ng pamilihan subalit maaaring manghimasok o makialam ang
pamahalaan sa mga usaping nauukol sa pangangalaga ng kalikasan, katarungang panlipunan, at
pagmamay-ari ng estado. May pribadong pagmamay-ari sa mga salik ng produksiyon, imprastraktura, at
mga organisasyon. Ang sistemang mixed economy ay nagpapahintulot din na makagawa ng mga
pribadong pagpapasya ang mga kompanya at indibidwal. Gayumpaman, ito ay hindi nangangahulugang
ganap na awtonomiya para sa kanila sapagkat ang karamihan sa mga desisyong ito ay ginagabayan ng
pamahalaan.
Halaw: Balitao, B., Cervantes,M., Nolasco, L., Ong, J.,Ponsaran,J., Rillo, J. (2012). Ekonomiks: Mga
Konsepto at Aplikasyon. Quezon City: Vibal Publishing House.
V.BUOD:
Binigyang-diin sa araling ito ang konsepto ng alokasyon sa ilalim ng iba’t ibang sistemang pang-
ekonomiya. Upang matiyak na efficient at maayos ang alokasyon ng mga pinagkukunang-yaman, dapat
itong sumasagot sa apat na pangunahing katanungang pang-ekonomiko: 1. Ano-anong mga produkto at
serbisyo ang gagawin? 2. Papaano gagawin ang naturang produkto at serbisyo? 3. Para kanino gagawin
ang mga produkto at serbisyo? 4. Gaano karami ang gagawing produkto at serbisyo?
VI.PAGTATAYA.
1.Ano ang Alokasyon?
2.Isa-isahin at Ipaliwanag sa sariling salita ang iba’t-ibang sistemang pang- ekonomiya.
VII.MGA GAWAIN:
Gawain 1.SISTEMA IKA MO?
Panuto:Piliin sa mga hanay ng salita sa ibaba ang angkop na kataga sa bawat larawan. Isulat ito sa
kahon sa ilalim ng bawat larawan.
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang iyong naging batayan sa pagpili ng sagot?
2. Sa iyong palagay, ano ang ibig sabihin ng sistemang pang-ekonomiya?
Gawain 2: DATA RETRIEVAL CHART
Panuto:Magsaliksik ukol sa mga bansang sumailalim sa mga sistemang pangekonomiya na
nasa kaliwang bahagi ng tsart. Magbigay ng tatlo hanggang limang bansa at isulat ito sa kanang
bahagi ng tsart.
SISTEMANG PANG-EKONOMIYA MGA BANSA
Tradisyunal na Ekonomiya
Market Economy
Command Economy
Mixed Economy

More Related Content

What's hot

Pagkonsumo: Mga Uri, Salik at Batas
Pagkonsumo: Mga Uri, Salik at BatasPagkonsumo: Mga Uri, Salik at Batas
Pagkonsumo: Mga Uri, Salik at BatasAntonio Delgado
 
Mga Sistemang Pang-Ekonomiya
Mga Sistemang Pang-EkonomiyaMga Sistemang Pang-Ekonomiya
Mga Sistemang Pang-EkonomiyaSam Llaguno
 
Ang Mga Saklaw ng Maykroekonomiks
Ang Mga Saklaw ng MaykroekonomiksAng Mga Saklaw ng Maykroekonomiks
Ang Mga Saklaw ng MaykroekonomiksJonalyn Asi
 
ESP 9 MODYUL 4 - BATAS NA NAKABATAY SA LIKAS NA BATAS MORAL.pptx
ESP 9 MODYUL 4 - BATAS NA NAKABATAY SA LIKAS NA BATAS MORAL.pptxESP 9 MODYUL 4 - BATAS NA NAKABATAY SA LIKAS NA BATAS MORAL.pptx
ESP 9 MODYUL 4 - BATAS NA NAKABATAY SA LIKAS NA BATAS MORAL.pptxEllaMaeMamaedAguilar
 
MELC Aralin 17-Pag-iimpok at Pagkonsumo
MELC Aralin 17-Pag-iimpok at PagkonsumoMELC Aralin 17-Pag-iimpok at Pagkonsumo
MELC Aralin 17-Pag-iimpok at PagkonsumoRivera Arnel
 
Esp 9 Modyul 5: Likas na Batas Moral
Esp 9 Modyul 5: Likas na Batas MoralEsp 9 Modyul 5: Likas na Batas Moral
Esp 9 Modyul 5: Likas na Batas MoralGenefer Bermundo
 
Aralin 5: PAgkonsumo
Aralin 5: PAgkonsumoAralin 5: PAgkonsumo
Aralin 5: PAgkonsumoMaria Fe
 
MELC_Aralin 5_Konsepto at Salik ng Pagkonsumo
MELC_Aralin 5_Konsepto at Salik ng PagkonsumoMELC_Aralin 5_Konsepto at Salik ng Pagkonsumo
MELC_Aralin 5_Konsepto at Salik ng PagkonsumoRivera Arnel
 
Monopolyo at monopsonyoo
Monopolyo at monopsonyooMonopolyo at monopsonyoo
Monopolyo at monopsonyooJerlie
 
Ugnayan ng Kita,Pagkonsumo at Pag-iimpok
Ugnayan ng Kita,Pagkonsumo at Pag-iimpokUgnayan ng Kita,Pagkonsumo at Pag-iimpok
Ugnayan ng Kita,Pagkonsumo at Pag-iimpokJennifer Banao
 
ARALIN 4 ALOKASYON
ARALIN 4 ALOKASYONARALIN 4 ALOKASYON
ARALIN 4 ALOKASYONhome
 
Grade 9 Ekonomiks Yunit 3 Aralin 1
Grade 9 Ekonomiks Yunit 3 Aralin 1Grade 9 Ekonomiks Yunit 3 Aralin 1
Grade 9 Ekonomiks Yunit 3 Aralin 1Nathaniel Vallo
 

What's hot (20)

Supply
Supply Supply
Supply
 
Pagkonsumo: Mga Uri, Salik at Batas
Pagkonsumo: Mga Uri, Salik at BatasPagkonsumo: Mga Uri, Salik at Batas
Pagkonsumo: Mga Uri, Salik at Batas
 
Mga Sistemang Pang-Ekonomiya
Mga Sistemang Pang-EkonomiyaMga Sistemang Pang-Ekonomiya
Mga Sistemang Pang-Ekonomiya
 
Mga sistemang pang ekonomiya
Mga sistemang pang  ekonomiyaMga sistemang pang  ekonomiya
Mga sistemang pang ekonomiya
 
Elasticity of demand
Elasticity of demandElasticity of demand
Elasticity of demand
 
Ang Mga Saklaw ng Maykroekonomiks
Ang Mga Saklaw ng MaykroekonomiksAng Mga Saklaw ng Maykroekonomiks
Ang Mga Saklaw ng Maykroekonomiks
 
ESP 9 MODYUL 4 - BATAS NA NAKABATAY SA LIKAS NA BATAS MORAL.pptx
ESP 9 MODYUL 4 - BATAS NA NAKABATAY SA LIKAS NA BATAS MORAL.pptxESP 9 MODYUL 4 - BATAS NA NAKABATAY SA LIKAS NA BATAS MORAL.pptx
ESP 9 MODYUL 4 - BATAS NA NAKABATAY SA LIKAS NA BATAS MORAL.pptx
 
MELC Aralin 17-Pag-iimpok at Pagkonsumo
MELC Aralin 17-Pag-iimpok at PagkonsumoMELC Aralin 17-Pag-iimpok at Pagkonsumo
MELC Aralin 17-Pag-iimpok at Pagkonsumo
 
Esp 9 Modyul 5: Likas na Batas Moral
Esp 9 Modyul 5: Likas na Batas MoralEsp 9 Modyul 5: Likas na Batas Moral
Esp 9 Modyul 5: Likas na Batas Moral
 
Modyul 5 mga batas na nakabatay sa likas na batas moral
Modyul 5   mga batas na nakabatay sa likas na batas moralModyul 5   mga batas na nakabatay sa likas na batas moral
Modyul 5 mga batas na nakabatay sa likas na batas moral
 
Kakapusan at kakulangan
Kakapusan at kakulanganKakapusan at kakulangan
Kakapusan at kakulangan
 
Aralin 5: PAgkonsumo
Aralin 5: PAgkonsumoAralin 5: PAgkonsumo
Aralin 5: PAgkonsumo
 
Ekonomiks
EkonomiksEkonomiks
Ekonomiks
 
Kakapusan
KakapusanKakapusan
Kakapusan
 
MELC_Aralin 5_Konsepto at Salik ng Pagkonsumo
MELC_Aralin 5_Konsepto at Salik ng PagkonsumoMELC_Aralin 5_Konsepto at Salik ng Pagkonsumo
MELC_Aralin 5_Konsepto at Salik ng Pagkonsumo
 
Ppt pambansang-kita
Ppt pambansang-kitaPpt pambansang-kita
Ppt pambansang-kita
 
Monopolyo at monopsonyoo
Monopolyo at monopsonyooMonopolyo at monopsonyoo
Monopolyo at monopsonyoo
 
Ugnayan ng Kita,Pagkonsumo at Pag-iimpok
Ugnayan ng Kita,Pagkonsumo at Pag-iimpokUgnayan ng Kita,Pagkonsumo at Pag-iimpok
Ugnayan ng Kita,Pagkonsumo at Pag-iimpok
 
ARALIN 4 ALOKASYON
ARALIN 4 ALOKASYONARALIN 4 ALOKASYON
ARALIN 4 ALOKASYON
 
Grade 9 Ekonomiks Yunit 3 Aralin 1
Grade 9 Ekonomiks Yunit 3 Aralin 1Grade 9 Ekonomiks Yunit 3 Aralin 1
Grade 9 Ekonomiks Yunit 3 Aralin 1
 

Similar to Modyul araling anlipunan 9 aralin 4 alokasyon

EKONOMIKSS GRADED 9- ALOKASYON-PAGHAHATI
EKONOMIKSS GRADED 9- ALOKASYON-PAGHAHATIEKONOMIKSS GRADED 9- ALOKASYON-PAGHAHATI
EKONOMIKSS GRADED 9- ALOKASYON-PAGHAHATIDesilynNegrillodeVil
 
ARALING PANLIPUNAN REPORT GRADE NINE.pptx
ARALING PANLIPUNAN REPORT GRADE NINE.pptxARALING PANLIPUNAN REPORT GRADE NINE.pptx
ARALING PANLIPUNAN REPORT GRADE NINE.pptxAliyahEloisaJeanReal
 
MELC_Aralin 3-Sistemang Pang-ekoomiya
MELC_Aralin 3-Sistemang Pang-ekoomiyaMELC_Aralin 3-Sistemang Pang-ekoomiya
MELC_Aralin 3-Sistemang Pang-ekoomiyaRivera Arnel
 
Aralin 6- Alokasyon at Iba't-Ibang Sistemang Pang Ekonomiya.pptx
Aralin 6- Alokasyon at Iba't-Ibang Sistemang Pang Ekonomiya.pptxAralin 6- Alokasyon at Iba't-Ibang Sistemang Pang Ekonomiya.pptx
Aralin 6- Alokasyon at Iba't-Ibang Sistemang Pang Ekonomiya.pptxAngelicaTolentino19
 
ARALIN-WEEK-3.pptx
ARALIN-WEEK-3.pptxARALIN-WEEK-3.pptx
ARALIN-WEEK-3.pptxDanielDuma4
 
Iba't Ibang Sistemang Pang-ekonomiya Part 1.pptx
Iba't Ibang Sistemang Pang-ekonomiya Part 1.pptxIba't Ibang Sistemang Pang-ekonomiya Part 1.pptx
Iba't Ibang Sistemang Pang-ekonomiya Part 1.pptxQUENNIESUMAYO1
 
Alokasyon at mga Sistemang Pang-ekonomiya
Alokasyon at mga Sistemang Pang-ekonomiyaAlokasyon at mga Sistemang Pang-ekonomiya
Alokasyon at mga Sistemang Pang-ekonomiyaBooNeil
 
MAGALLANES_Mga Iba't Ibang Sistema ng Ekonomiya.pdf
MAGALLANES_Mga Iba't Ibang Sistema ng Ekonomiya.pdfMAGALLANES_Mga Iba't Ibang Sistema ng Ekonomiya.pdf
MAGALLANES_Mga Iba't Ibang Sistema ng Ekonomiya.pdfN/a
 
Alokasyon at Sistemang Pang - Ekonomiya - Araling Panlipunan 9
Alokasyon at Sistemang Pang - Ekonomiya - Araling Panlipunan 9Alokasyon at Sistemang Pang - Ekonomiya - Araling Panlipunan 9
Alokasyon at Sistemang Pang - Ekonomiya - Araling Panlipunan 9rosschristian
 
Mahalagang konsepto sa ekonomiks
Mahalagang konsepto sa ekonomiksMahalagang konsepto sa ekonomiks
Mahalagang konsepto sa ekonomiksneda marie maramo
 
ALOKASYON AT SISTEMANG PANG-EKONOMIYA.pptx
ALOKASYON AT SISTEMANG PANG-EKONOMIYA.pptxALOKASYON AT SISTEMANG PANG-EKONOMIYA.pptx
ALOKASYON AT SISTEMANG PANG-EKONOMIYA.pptxQuennie11
 
alokasyonatmgasistemangpang-ekonomiya-160517090119 (1).pptx
alokasyonatmgasistemangpang-ekonomiya-160517090119 (1).pptxalokasyonatmgasistemangpang-ekonomiya-160517090119 (1).pptx
alokasyonatmgasistemangpang-ekonomiya-160517090119 (1).pptxrich_26
 
Aralin 4 Alokasyon.pdf
Aralin 4 Alokasyon.pdfAralin 4 Alokasyon.pdf
Aralin 4 Alokasyon.pdfKayedenCubacob
 
Yunit 1 aralin 4 alokasyon
Yunit 1  aralin 4 alokasyonYunit 1  aralin 4 alokasyon
Yunit 1 aralin 4 alokasyonThelma Singson
 
Aralin 4 alokasyon at sistemang pang-ekonomiya
Aralin 4  alokasyon at sistemang pang-ekonomiyaAralin 4  alokasyon at sistemang pang-ekonomiya
Aralin 4 alokasyon at sistemang pang-ekonomiyaMiss Ivy
 
aralin3-ibat-ibangsistemangpang-ekonomiya-210908020410.pdf
aralin3-ibat-ibangsistemangpang-ekonomiya-210908020410.pdfaralin3-ibat-ibangsistemangpang-ekonomiya-210908020410.pdf
aralin3-ibat-ibangsistemangpang-ekonomiya-210908020410.pdfCzarinaKrystalRivadu
 

Similar to Modyul araling anlipunan 9 aralin 4 alokasyon (20)

EKONOMIKSS GRADED 9- ALOKASYON-PAGHAHATI
EKONOMIKSS GRADED 9- ALOKASYON-PAGHAHATIEKONOMIKSS GRADED 9- ALOKASYON-PAGHAHATI
EKONOMIKSS GRADED 9- ALOKASYON-PAGHAHATI
 
ARALING PANLIPUNAN REPORT GRADE NINE.pptx
ARALING PANLIPUNAN REPORT GRADE NINE.pptxARALING PANLIPUNAN REPORT GRADE NINE.pptx
ARALING PANLIPUNAN REPORT GRADE NINE.pptx
 
MELC_Aralin 3-Sistemang Pang-ekoomiya
MELC_Aralin 3-Sistemang Pang-ekoomiyaMELC_Aralin 3-Sistemang Pang-ekoomiya
MELC_Aralin 3-Sistemang Pang-ekoomiya
 
Aralin 6- Alokasyon at Iba't-Ibang Sistemang Pang Ekonomiya.pptx
Aralin 6- Alokasyon at Iba't-Ibang Sistemang Pang Ekonomiya.pptxAralin 6- Alokasyon at Iba't-Ibang Sistemang Pang Ekonomiya.pptx
Aralin 6- Alokasyon at Iba't-Ibang Sistemang Pang Ekonomiya.pptx
 
ARALIN-WEEK-3.pptx
ARALIN-WEEK-3.pptxARALIN-WEEK-3.pptx
ARALIN-WEEK-3.pptx
 
Iba't Ibang Sistemang Pang-ekonomiya Part 1.pptx
Iba't Ibang Sistemang Pang-ekonomiya Part 1.pptxIba't Ibang Sistemang Pang-ekonomiya Part 1.pptx
Iba't Ibang Sistemang Pang-ekonomiya Part 1.pptx
 
Alokasyon
AlokasyonAlokasyon
Alokasyon
 
Alokasyon
AlokasyonAlokasyon
Alokasyon
 
Alokasyon at mga Sistemang Pang-ekonomiya
Alokasyon at mga Sistemang Pang-ekonomiyaAlokasyon at mga Sistemang Pang-ekonomiya
Alokasyon at mga Sistemang Pang-ekonomiya
 
MAGALLANES_Mga Iba't Ibang Sistema ng Ekonomiya.pdf
MAGALLANES_Mga Iba't Ibang Sistema ng Ekonomiya.pdfMAGALLANES_Mga Iba't Ibang Sistema ng Ekonomiya.pdf
MAGALLANES_Mga Iba't Ibang Sistema ng Ekonomiya.pdf
 
Alokasyon at Sistemang Pang - Ekonomiya - Araling Panlipunan 9
Alokasyon at Sistemang Pang - Ekonomiya - Araling Panlipunan 9Alokasyon at Sistemang Pang - Ekonomiya - Araling Panlipunan 9
Alokasyon at Sistemang Pang - Ekonomiya - Araling Panlipunan 9
 
Mahalagang konsepto sa ekonomiks
Mahalagang konsepto sa ekonomiksMahalagang konsepto sa ekonomiks
Mahalagang konsepto sa ekonomiks
 
ALOKASYON AT SISTEMANG PANG-EKONOMIYA.pptx
ALOKASYON AT SISTEMANG PANG-EKONOMIYA.pptxALOKASYON AT SISTEMANG PANG-EKONOMIYA.pptx
ALOKASYON AT SISTEMANG PANG-EKONOMIYA.pptx
 
alokasyonatmgasistemangpang-ekonomiya-160517090119 (1).pptx
alokasyonatmgasistemangpang-ekonomiya-160517090119 (1).pptxalokasyonatmgasistemangpang-ekonomiya-160517090119 (1).pptx
alokasyonatmgasistemangpang-ekonomiya-160517090119 (1).pptx
 
Aralin 4 alokasyon
Aralin 4 alokasyonAralin 4 alokasyon
Aralin 4 alokasyon
 
Aralin 4 Alokasyon.pdf
Aralin 4 Alokasyon.pdfAralin 4 Alokasyon.pdf
Aralin 4 Alokasyon.pdf
 
Yunit 1 aralin 4 alokasyon
Yunit 1  aralin 4 alokasyonYunit 1  aralin 4 alokasyon
Yunit 1 aralin 4 alokasyon
 
Aralin 4 alokasyon at sistemang pang-ekonomiya
Aralin 4  alokasyon at sistemang pang-ekonomiyaAralin 4  alokasyon at sistemang pang-ekonomiya
Aralin 4 alokasyon at sistemang pang-ekonomiya
 
Ekonomiks 1
Ekonomiks 1Ekonomiks 1
Ekonomiks 1
 
aralin3-ibat-ibangsistemangpang-ekonomiya-210908020410.pdf
aralin3-ibat-ibangsistemangpang-ekonomiya-210908020410.pdfaralin3-ibat-ibangsistemangpang-ekonomiya-210908020410.pdf
aralin3-ibat-ibangsistemangpang-ekonomiya-210908020410.pdf
 

Recently uploaded

Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...AnjillyAIbrahim
 
Batas Cooper (Philippine Organic Act of 1902.pptx
Batas Cooper (Philippine Organic Act of 1902.pptxBatas Cooper (Philippine Organic Act of 1902.pptx
Batas Cooper (Philippine Organic Act of 1902.pptxDanicaAndoyoDuhali
 
Aralin pangatnig kahulugan at mga halimbawa
Aralin pangatnig kahulugan at mga halimbawaAralin pangatnig kahulugan at mga halimbawa
Aralin pangatnig kahulugan at mga halimbawaChristineJaneWaquizM
 
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nila
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nilaTauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nila
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nilajohnrohannebasale
 
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptx
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptxETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptx
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptxNicsSalvatierra
 
pagkakaiba ng pangungusap at di-pangungusap.pptx
pagkakaiba ng pangungusap at di-pangungusap.pptxpagkakaiba ng pangungusap at di-pangungusap.pptx
pagkakaiba ng pangungusap at di-pangungusap.pptxChristineJaneWaquizM
 
Noli Me Tangere/Kabanata 33-34/Presentasyon ng pagsasalaysay; gawa ni Ryan E....
Noli Me Tangere/Kabanata 33-34/Presentasyon ng pagsasalaysay; gawa ni Ryan E....Noli Me Tangere/Kabanata 33-34/Presentasyon ng pagsasalaysay; gawa ni Ryan E....
Noli Me Tangere/Kabanata 33-34/Presentasyon ng pagsasalaysay; gawa ni Ryan E....ryannioda32
 
AP Q4 -W3-Day 1-5 1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptx
AP Q4 -W3-Day 1-5  1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptxAP Q4 -W3-Day 1-5  1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptx
AP Q4 -W3-Day 1-5 1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptxavegailorladan
 
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYAMGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYARonalynGatelaCajudo
 
Q4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAY
Q4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAYQ4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAY
Q4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAYYamAltib
 
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptx
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptxGrade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptx
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptxmtmedel20in0037
 
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCRichardProtasio1
 
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptxMga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptxitsjewdye
 
PHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptx
PHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptxPHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptx
PHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptxZERos7
 
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptxQUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptxlericacbrocano
 
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptx
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptxkasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptx
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptxSundieGraceBataan
 
Mga-kagamitan-sa-gawaing-kahoy-metal-kawayan-at-pang-elektrisidad-pptx.pptx
Mga-kagamitan-sa-gawaing-kahoy-metal-kawayan-at-pang-elektrisidad-pptx.pptxMga-kagamitan-sa-gawaing-kahoy-metal-kawayan-at-pang-elektrisidad-pptx.pptx
Mga-kagamitan-sa-gawaing-kahoy-metal-kawayan-at-pang-elektrisidad-pptx.pptxNicaGobalizaEsquilon
 
power point ARALING PANLIPUNAN IV S.pptx
power point  ARALING PANLIPUNAN IV S.pptxpower point  ARALING PANLIPUNAN IV S.pptx
power point ARALING PANLIPUNAN IV S.pptxRosemarieGaring
 
ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1
ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1
ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1NorbileneCayabyab1
 
mgauringpangungusap-120706092641-phpapp02.pptx
mgauringpangungusap-120706092641-phpapp02.pptxmgauringpangungusap-120706092641-phpapp02.pptx
mgauringpangungusap-120706092641-phpapp02.pptxKimberlyValdez19
 

Recently uploaded (20)

Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
 
Batas Cooper (Philippine Organic Act of 1902.pptx
Batas Cooper (Philippine Organic Act of 1902.pptxBatas Cooper (Philippine Organic Act of 1902.pptx
Batas Cooper (Philippine Organic Act of 1902.pptx
 
Aralin pangatnig kahulugan at mga halimbawa
Aralin pangatnig kahulugan at mga halimbawaAralin pangatnig kahulugan at mga halimbawa
Aralin pangatnig kahulugan at mga halimbawa
 
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nila
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nilaTauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nila
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nila
 
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptx
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptxETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptx
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptx
 
pagkakaiba ng pangungusap at di-pangungusap.pptx
pagkakaiba ng pangungusap at di-pangungusap.pptxpagkakaiba ng pangungusap at di-pangungusap.pptx
pagkakaiba ng pangungusap at di-pangungusap.pptx
 
Noli Me Tangere/Kabanata 33-34/Presentasyon ng pagsasalaysay; gawa ni Ryan E....
Noli Me Tangere/Kabanata 33-34/Presentasyon ng pagsasalaysay; gawa ni Ryan E....Noli Me Tangere/Kabanata 33-34/Presentasyon ng pagsasalaysay; gawa ni Ryan E....
Noli Me Tangere/Kabanata 33-34/Presentasyon ng pagsasalaysay; gawa ni Ryan E....
 
AP Q4 -W3-Day 1-5 1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptx
AP Q4 -W3-Day 1-5  1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptxAP Q4 -W3-Day 1-5  1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptx
AP Q4 -W3-Day 1-5 1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptx
 
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYAMGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
 
Q4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAY
Q4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAYQ4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAY
Q4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAY
 
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptx
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptxGrade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptx
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptx
 
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
 
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptxMga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
 
PHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptx
PHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptxPHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptx
PHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptx
 
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptxQUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
 
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptx
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptxkasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptx
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptx
 
Mga-kagamitan-sa-gawaing-kahoy-metal-kawayan-at-pang-elektrisidad-pptx.pptx
Mga-kagamitan-sa-gawaing-kahoy-metal-kawayan-at-pang-elektrisidad-pptx.pptxMga-kagamitan-sa-gawaing-kahoy-metal-kawayan-at-pang-elektrisidad-pptx.pptx
Mga-kagamitan-sa-gawaing-kahoy-metal-kawayan-at-pang-elektrisidad-pptx.pptx
 
power point ARALING PANLIPUNAN IV S.pptx
power point  ARALING PANLIPUNAN IV S.pptxpower point  ARALING PANLIPUNAN IV S.pptx
power point ARALING PANLIPUNAN IV S.pptx
 
ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1
ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1
ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1
 
mgauringpangungusap-120706092641-phpapp02.pptx
mgauringpangungusap-120706092641-phpapp02.pptxmgauringpangungusap-120706092641-phpapp02.pptx
mgauringpangungusap-120706092641-phpapp02.pptx
 

Modyul araling anlipunan 9 aralin 4 alokasyon

  • 1. MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 9 UNANG KWARTER Inihanda Ni:Martha Jelle A. Deliquina Halaw sa Modyul ng mag-aaral sa Ekonomiks I.PAKSANG-ARALIN: Aralin 4:Alokasyon II.MGA INAASAHANSA MGA MAG-AARAL: 1.Nasusuri ang mekanismo ng alokasyon sa iba’t-ibang sistemang pang-ekonomiya bilang sagot sa kakapusan AP9MKE-Ig14 *Nabibigyang-kahulugan ang salitang alokasyon. * Nakapagsasaliksik ukol sa mga bansang sumailalim sa mga sistemang pangekonomiya III.PANIMULA: Isang katotohanan na dapat nating tanggapin na walang hanggan ang kagustuhan at pangangailangan ng tao sa harap ng kakapusan ng mga pinagkukunangyaman. Isa ito sa mga pangunahing dahilan kung bakit pinag-aaralan natin ngayon ang ekonomiks. Ang mekanismo ng pamamahagi ng mga pinagkukunang-yaman, produkto, at serbisyo ay tinatawag na alokasyon. Kailangang isaalang-alang natin ang paggamit at paglinang ng lahat ng pinagkukunang-yaman ng bansa upang makamit ng tao ang pinakamataas na antas ng kasiyahan at kapakinabangan mula rito. Nararapat na ito ay bigyang-pansin dahil sa katotohanang may kakapusan ang mga pinagkukunang- yaman. IV.NILALAMAN: Itinuturing na pangunahing suliraning pangkabuhayan ang kakapusan. Sa katunayan, pinag- aaralan ang ekonomiks dahil may kakapusan ang karamihan sa mga pinagkukunang-yaman. Sabi nga ni John Watson Howe,“There isn’t enough to go around.” Ito ang kasabihang sumasalamin sa suliranin ng kakapusan. Ito rin ay naglalahad ng katotohanang limitado ang mga pinagkukunang-yaman kung kaya’t kailangang gumawa ng tamang desisyon kung paano gagamitin nang mahusay ang mga ito at upang matugunan ang nagtutunggaliang pangangailangan at kagustuhan ng tao. Ang mekanismo ng pamamahagi ng pinagkukunang-yaman, produkto, at serbisyo ay tinatawag na alokasyon. Ang alokasyon ay isang paraan upang maayos na maipamahagi at magamit ang lahat ng pinagkukunang-yaman ng bansa. Ito rin ang paraan upang ang lipunan ay makaagapay sa suliraning dulot ng kakapusan.
  • 2. Upang matiyak na efficient at maayos ang alokasyon ng mga pinagkukunangyaman, dapat itong sumagot sa apat na pangunahing katanungang pang-ekonomiko: 1. Ano-anong mga produkto at serbisyo ang gagawin? Hindi makagagawa ang lipunan ng produktong kailangan ng tao ayon sa dami at uri na gusto ng lahat. Bahagi ito ng suliranin ng kakapusan. Ang desisyon kung anong produkto at serbisyo ang gagawin ay nakasalalay sa pangangailangan ng tao. 2. Paano gagawin ang naturang produkto at serbisyo? Kung paano isasakatuparan ang pagbuo ng produkto at serbisyo ay nakasalalay kung anong input ang gagamitin. Marami ring mga paraan na maaaring gamitin kung papaano isasakatuparan ang produksiyon. Maaaring gumamit ng teknolohiya o tradisyonal na paraan ng paggawa upang mabuo ang output. 3. Para kanino gagawin ang mga produkto at serbisyo? Ang makikinabang sa pagbuo ng produkto o serbisyo ang nagsisilbing motibasyon sa pagpapatuloy ng produksiyon. Ang makikinabang sa produkto o serbisyo ay kung sino ang nangangailangan at may kakayahang makamit ito. Maaaring nasa loob o labas ng bansa ang gagamit ng gagawing produkto at serbisyo. 4. Gaano karami ang gagawing produkto at serbisyo? Kailangang malaman ang laki ng pangangailangan ng ekonomiya upang makapagdesisyon kung gaano karami ang gagawing produkto at serbisyo. Ang potensiyal na makabuo ng produkto at serbisyo ay nakabatay sa gagamiting input. Alokasyon sa Iba’t Ibang Sistemang Ekonomiya Ang sumusunod ay ang iba’t ibang sistemang pang-ekonomiya na umiiral sa daigdig: Tradisyonal na Ekonomiya Ang unang anyo ng sistemang pang-ekonomiya ay ang tradisyonal na ekonomiya. Ang kasagutan sa pangunahing katanungang pang-ekonomiko ay nakabatay sa tradisyon, kultura, at paniniwala. Ang tanong na ano ang lilikhaing produkto ay hindi mahirap sagutin sapagkat ang pangangailangan ng tao ay umiikot lamang sa pangunahing pangangailangan tulad ng damit, pagkain, at tirahan. Maging ang suliranin kung paano lilikha ng produkto ay simple lamang na tinutugunan dahil ang paraan ng produksiyon ay batay sa sinaunang pamamaraan na itinuro ng matatanda sa pangkat. Sa tradisyonal na ekonomiya, bagama’t walang tiyak na batas ukol sa alokasyon, may maliwanag na pagkakaunawa ang mga tao sa paraan nito. Ang anumang produkto na kanilang malilikha ay ipamamahagi ayon sa kanilang pangangailangan at kung sino ang dapat gumamit. Market Economy Sa market economy, ang kasagutan sa pangunahing katanungang pangekonomiko ay ginagabayan ng mekanismo ng malayang pamilihan. Sa ganitong sistema, ang bawat kalahok – konsyumer at prodyuser, ay kumikilos alinsunod sa kanilang pansariling interes na makakuha ng malaking pakinabang. Ang mga nasa lakas-paggawa ay maaaring makapamili ng kanilang nais na papasukang trabaho. Ang pangunahing katanungang pang-ekonomiko ay sinasagot ng puwersa ng pamilihan. Ang market economy
  • 3. ay nagpapahintulot sa pribadong pagmamay-ari ng kapital, pakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng presyo, at pangangasiwa ng mga gawain. Presyo ang pangunahing nagtatakda kung gaano karami ang bibilhin ng mga mamimili at kung gaano rin karami ang malilikhang produkto at serbisyo ng mga prodyuser. Sa kabuuan, ang dami ng produkto na nais ibenta ng mga prodyuser ay may katumbas na dami ng produkto na nais bilhin ng mga mamimimili. Sa madaling sabi, presyo ang nagsisilbing pambalanse sa interaksiyon ng konsyumer at prodyuser sa loob ng pamilihan. Samantala, ang tungkulin naman ng pamahalaan ay ang pagbibigay ng proteksiyon sa kapakanan ng mga pag-aaring pampribado, kabilang ang mga batas na mangangalaga sa karapatan,ari-arian, at kontrata na pinapasukan ng mga pribadong indibidwal. Command Economy Sa command economy, ang ekonomiya ay nasa ilalim ng komprehensibong kontrol at regulasyon ng pamahalaan. Ang pagkontrol ay alinsunod sa isang planong nauukol sa pagsusulong ng ekonomiya na pinangangasiwaan mismo ng sentralisadong ahensiya (central planning agencies). Katunayan, ang pagpapasya sa proseso ng mga gawaing pang-ekonomiya ay sentralisado o nasa kamay ng pamahalaan lamang. Tinutukoy rin ang mga gagamiting pinagkukunang-yaman sa paglikha ng mga kapital. Samantala, madaling nalalaman ang distribusyon ng kita sa lipunan sa pamamagitan ng pagtatakda ng pasahod para sa iba’t ibang uri ng hanapbuhay. Ang kita naman sa mga lupang sakahan ay maaaring matukoy sa pamamagitan ng pagtatakda sa halaga ng mga produktong nagmumula rito. Ang mga patakaran sa command economy ay ipinatupad sa dating Soviet Union. Sa kasalukuyan, nananatiling may ganitong sistemang pang-ekonomiya ang Cuba at North Korea. Mixed Economy Ang mixed economy ay isang sistema na kinapapalooban ng elemento ng market economy at command economy. Walang maituturing na isang kahulugan ang mixed economy. Ito ay kinapapalooban ng magkaugnay na katangian ng dalawang sistema tulad ng malayang pakikilahok sa mga gawaing pangkabuhayan na pinahihintulutan ng pamahalaan at pagkontrol ng pamahalaan sa ilang gawaing pangkabuhayan. Ang salitang mixed economy ay nalikha upang tukuyin ang isang sistemang nabuo at may mga katangian na bunga ng pagsasanib o kombinasyon ng command at market economy. Hinahayaan dito ang malayang pagkilos ng pamilihan subalit maaaring manghimasok o makialam ang pamahalaan sa mga usaping nauukol sa pangangalaga ng kalikasan, katarungang panlipunan, at pagmamay-ari ng estado. May pribadong pagmamay-ari sa mga salik ng produksiyon, imprastraktura, at mga organisasyon. Ang sistemang mixed economy ay nagpapahintulot din na makagawa ng mga pribadong pagpapasya ang mga kompanya at indibidwal. Gayumpaman, ito ay hindi nangangahulugang
  • 4. ganap na awtonomiya para sa kanila sapagkat ang karamihan sa mga desisyong ito ay ginagabayan ng pamahalaan. Halaw: Balitao, B., Cervantes,M., Nolasco, L., Ong, J.,Ponsaran,J., Rillo, J. (2012). Ekonomiks: Mga Konsepto at Aplikasyon. Quezon City: Vibal Publishing House. V.BUOD: Binigyang-diin sa araling ito ang konsepto ng alokasyon sa ilalim ng iba’t ibang sistemang pang- ekonomiya. Upang matiyak na efficient at maayos ang alokasyon ng mga pinagkukunang-yaman, dapat itong sumasagot sa apat na pangunahing katanungang pang-ekonomiko: 1. Ano-anong mga produkto at serbisyo ang gagawin? 2. Papaano gagawin ang naturang produkto at serbisyo? 3. Para kanino gagawin ang mga produkto at serbisyo? 4. Gaano karami ang gagawing produkto at serbisyo? VI.PAGTATAYA. 1.Ano ang Alokasyon? 2.Isa-isahin at Ipaliwanag sa sariling salita ang iba’t-ibang sistemang pang- ekonomiya. VII.MGA GAWAIN: Gawain 1.SISTEMA IKA MO? Panuto:Piliin sa mga hanay ng salita sa ibaba ang angkop na kataga sa bawat larawan. Isulat ito sa kahon sa ilalim ng bawat larawan.
  • 5. Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang iyong naging batayan sa pagpili ng sagot? 2. Sa iyong palagay, ano ang ibig sabihin ng sistemang pang-ekonomiya? Gawain 2: DATA RETRIEVAL CHART Panuto:Magsaliksik ukol sa mga bansang sumailalim sa mga sistemang pangekonomiya na nasa kaliwang bahagi ng tsart. Magbigay ng tatlo hanggang limang bansa at isulat ito sa kanang bahagi ng tsart. SISTEMANG PANG-EKONOMIYA MGA BANSA Tradisyunal na Ekonomiya Market Economy Command Economy Mixed Economy