2. Ang sibiko (civics) ay tumutukoy sa tiyuretikal (theoretical) at
praktikal na pag-aaral ng mga pagkamamamayan. Ang mga karapatan at
mga tungkuling nakapaloob ditto, ang mga tungkulin ng mga
mamamayan sa isa’t isa bilang miyembro ng isang political na katawan
at sa pamahalaan.
3. Ang pagkamamamayan naman ay tumutukoy sa kalagayan ng isang
taong kinikilala sa ilalim ng batas o kustom (custom) bilang isang
miyembro ng isang nagsasariling estado (sovereign state).
Ang isang tao ay maaaring magkaroon ng maramihang pagmamamayan
(multiple citizenship) at ang isang tao na walang citizenship sa ano
mang estado ay sinasabing stateless o walang estado.
4. Ang nasyonalidad ay madalas na ginagamit bilang kasingkahulugan
para sa terminong pagkamamamayan, lalo na sa internasyonal na
batas, bagama’t ang terminong nasyonalidad ay tumutukoy sa pagiging
kasapi ng isang tao sa isang bansa o isang malaking grupong-etniko.
5.
6. Ang pakikilahok sa gawaing pansibiko (civic engagement) ay
tumutukoy sa mga indibidwal at kolektibong aksiyon na dinisenyo upang
malaman at matugunan ang mga isyu ukol sa kapakanang pampubliko
(public concern).
7. Ang pakikilahok sa gawaing pansibiko (civic engagement) ay
tumutukoy sa mga indibidwal at kolektibong aksiyon na dinisenyo upang
malaman at matugunan ang mga isyu ukol sa kapakanang pampubliko
(public concern).
8.
9. May mga katangiang dapat taglayin ang isang aktibong mamamayan na
nakikilahok sa mga Gawain at usaping pansibiko.
1. Ang may kinalaman sa relasyon sa Diyos.
2. Ang may kinalaman sa relasyon sa sarili.
3. Ang may kinalaman sa relasyon sa pamilya.
4. Ang may kinalaman sa relasyon sa kapuwa.
5. Ang may kinalaman sa relasyon sa kalikasan.
6. Ang may kinalaman sa relasyon sa pamahalaan.
10. Ang mga katangiang nabanggit ay magkakatulong-tulong upang ang
isang mamamayan ay maging kapakipakinabang sa pakikilahok sa mga
gawaing pansibiko.