3. Ang Mapagmahal na Ina
Si Gng. Shiela
Manulat ay ang klase
ng guro na kaya kang
sakyan sa trip mo. Sa
katunayan ay hindi
talaga niya pinangarap
maging guro dahil ang
gusto niyang kurso ay
medisina.
Ang una niyang
naging impresyon nang
siya ay nagtuturo na ay
siyempre kinabahan
siya at tinanong niya
ang kanyang sarili kung
niya ba talagang
magturo, pero sa huli ay
kinaya niya ito dahil
binigay niya ang lahat
ng kanyang makakaya para lang matuto ang kanyang mga
estudyante. Kahit minsan ay hindi niya naisipang sumuko
sa pagtuturo dahil para sa kanya ay kaya niya ito. Masaya
din siyang nakakatulong siya sa kanyang kapwa sa
pamamagitan ng pagtuturo.
4.
5. Ang Rosas ng Pamilya
Si Bb. Merra Mae
Ramos ay ang tipo ng
gurong mahigpit pero
sa huli ay matuto ka
talaga.
Ang kanyang
inspirasyon sa pagiging
guro ay ang kanyang
pamilya. Sa
pamamagitan ng
kanyang pagtuturo ay
natutulungan niya ang
kanyang pamilya.
Maliban sa
pagiging guro ay meron
din siyang ibang nais na
maabot sa buhay. Ang
mga ito ay ang makapunta sa South Korea, makita ng
personal si Sandara Park at ang lahat ng miyembro ng
2NE1, makabisita sa lahat ng simbahan sa buong mundo
at makapagpatayo ng sariling negosyo. Mayroon din
siyang planong bumuo ng sariling pamilya at higit sa lahat
ang maging masaya at kuntento sa kanyang buhay.
6.
7. Ang Ina ng Bayan
Si Gng. Maechelle Lao ay ang
gurong hindi ka lang ituturing
bilang estudyante kundi parang
isang tunay na anak.
Meron siyang anim na anak
sina Princess, Rose Mae, Andrei
Emmanuel, John Andrei, Regie
Roi at Yurie Nichole.
Noong nakatapos siya ng
kolehiyo, naikumpara niya ang
kanyang saya sa isang tropiyo
dahil maipagmamalaki niya ito
kahit kaninuman.
Ang nakita niyang espesyal sa pagiging guro ay ang
mga estudyante dahil bawat taon iba’t ibang ugali at
karakter ang kanyang makakasalamuha.
Maliban sa pagiging guro, ang iba pa niyang pangarap
ay maging nars. Kahit hindi siya naging nars ay masaya pa
rin siyang naabot niya ang isa sa kanyang mga pangarap
dahil kahit noong una hindi ito ang kanyang pinangarap
pero kahit na gaano ito kahirap masaya pa rin siyang
maging guro.