SlideShare a Scribd company logo
1 of 3
Autobiography
                                Crisyl Ramos Sumadsad


       Alam naman naating lahat na ang bawat isa sa atin ay may sari-sariling pananaw o
paniniwala sa buhay. Kaya’t si Crisyl ay naniniwala sa kasabihang “Habang may buhay
may pag-asa”.

        Mula sa pagkabata, ang nakagisnan ni Crisyl na relihiyon ay ang “Iglesia ni
Cristo”, na kung saan sa tuwing sasapit ang araw na may pagsamba ay sama-sama silang
mag-anak sa simbahan. Si Crisyl ay pinalaki ng maayos, may disiplina, may
pagpapahalaga o paggalang sa kapwa at higit sa lahat pinalaki siya ng may takot sa Diyos
ng kanyang mga magulang.           Ang kanyang masipag at responsableng ama ay
nagngangalang Crisencio Castillo Sumadsad, napakabuti ng ama ni Crisyl sa kanya at sa
mga kapatid n’ya, kaya naman pinagmamalaki niya ito kahit na minsan may pagkakataon
na hindi naibibigay ang ilang pangangailangan nilang magkakapatid. Ang mahalaga may
pangarap ang kanyang ama sa kanilang sampong magkakapatid, sapagkat nagsisikap s’ya
na mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanyang mga anak. Kahit nasa gitna ng
kahirapan naitataguyod parin ng kanyang ama ang kanilang pamilya kahit na siya lamang
ang nagtatrabaho, natutugunan ng sapat ang mga pangunahing pangangailangan ng
pamilya di lamang sa pagkain, damit kundi pati narin ang pangangailangan nilang
magkakapatid sa pag-aaral. Masasabi niya na ang kanyang ama ay isang kahanga-hanga
at dapat tularan, dahil may tiwala siya sa kanyang sarili, hindi siya natatakot na harapin
ang iba’t-ibang uri ng pagsubok sa buhay bagkus ay handa siya na harapin ang mga
problema. Marahil, ito ay dahil narin may tiwala siya sa magagawa ng Diyos, ditto siya
kumukuha ng tibay at lakas ng loob para malampasan ang iba’t-ibang suliranin.
Samantala ang kanya namang butihin at huwarang ina ay nagngangalang Herminigilda
Ramos Sumadsad, katulong ng kanyang ama sa pag-gabay sa kanilang magkakapatid.
Ang kanyang isa na lagging nariyan sa tuwing may problema siya, ang nagpapayo at
nagtuturo kung ano ang tama at dapat gawin. Siya ang nakakaalam ng mga sikreto ng
pamilya, siya rin ang nakakaalam kung ano-ano ang pangangailangan ng pamilya. Dahil
sa tapat na pagmamahalan ng kanyang mga magulang nagbunga ang mga ito ng sampung
anak, apat na babae at anim na lalaki.

       Disyembre 18, 1992 ipinanganak si Crisyl Ramos Sumadsad sa masaya at
mapayapang Barangay ng Kapatalan, Siniloan, Laguna. Siya ay may sampung kapatid,
anim na lalaki at apat na babae. Ang kanyang tatlong naggagandahang ate ay
nagngangalang Criselda, Cristina at Melanie. Dahil sa tulong ng kanyang lolo na si
Telesporo Sumadsad nakatapos sa pag-aaral ang kanyang dalawang ate na si Criselda at
Melanie na kumuha ng kursong “Bachelor of Elementary Education”. Na ngayon ang
dalawa niyang ate ay mga ganap na guro na, na nagtuturo sa Elementarya, samantala, ang
kanyang naming ate na si Cristina ay kasalukuyang kumukuha ng kursong “Bachelor of
Science Agricultural Business sa paaralan ding iyon. Si Crisyl naman ay pang-anim sa
magkakapatid at bunso sa babae, katulad ng kanyang dalawang ate ang kinukuha niyang
kurso ay “Bachelor of Elemetary Education” din, sa Laguna State Polytechnic University.
Ang kanya naming nagguguwapuhang kapatid na lalaki ay nagngangalang Crisanto,
Crisencio Jr., Michael, Dave, Cedrick at ang kanyang bunsong kapatid ay si Gendry John.

       Nagtapos ng Elementarya si Crisyl sa mababang paaralan ng Kapatalan
Elementary School na kung saan nagkaroon siya nito ng masisipag na guro at mababait
na kaibigan. Nagtapos naman siya ng sekundarya sa mababang paaralan ng Kapatalan
National High Scholl na kung saan nagkaroon din siya rito ng masisipag na guro,
binibigyan nila ng sapat na edukasyon at nasa tamang pamamaraan ng kanilang pagtuturo
at gayun din nagkaroon di siya ditto ng mapagkakatiwalaang kaibigan na sina Gloria
Monreal, Mary Grace Buzon, Mary Grace Padis, Jessa Libuna at Daisy Begornia at
marami pang iba. Sila ang mga kaibigan ni Crisyl na lagi siyang tinutulungan,
pinapasaya at sinasamahan sa tuwing siya ay may problema. Noong High School siya,
ginawa niya rin ang kanyang buong makakaya para lamang magkaroon ng mataas na
grades. Kaya’t simula “First Year” hanggang siya ay nagging “Fourth Year” hindi siya
nawawala sa Top lagi siyang napapasama ditto. Kaya’t noong dumating ang araw ng
kanilang pagtatapos nakatanggap siya ng mga karangalan. Dahil sa pagtitiwala ng
kanyang adviser na si Mrs. Anie Mandasoc binigyan siya ng karangalang ito ng “Service
Award”. Nakasama din siya sa mga “Achievers”. Siya rin ay nagging “Best in Thesis
Experimentation” ito ay dahil sa pagsisikap niya sa pag-aara, dahil di na siya natutulog
magawa niya lamang ang mga dapat niyang gawin. Naniniwala siya na kaya niya ito
nakamit ay dahil sa paggabay sa kanya n gating Panginoong Diyos. Nagpapasalamat din
siya dahil sa gitna ng kahirapan ay nalampasan niya ang mga pagsubok nung nag-aaral
siya ng High School. Dahil may pagkakataon na hindi siya nakakapasok dahil walang
pera ang kanyang mga magulang. Kaya apektado ang grades niya, dahil sa pagliban niya
nawawalan siya ng mga quizzes at notes sa lahat ng subject. Kaya naman gumigising
siya ng maaga para lamang makapasok, lalo na’t alam niya na wala siyang baon
kinabukasan. Dahil wala siyang pera naglalakad lamang siya papunta sa kanilang
paaralan. Kapag di niya ito ginawa may posibilidad na bumaba ang mga grades niya, at
natatakot din siya na bumaba ang grades niya at baka di siya mapasama sa Top. Pero di
naman siya nagsisi dahil maganda naman ang naging resulta ng paghihirap niya. At isa
pa, kay niya ito nagagawa dahil naisip niya ang mga sakripisyo na ginagawa ng kanyang
mga magulang. At lahat ng karangalang nakamit niya ay iniaalay niya sa kanyang mga
mahal na magulang. Hindi lamang siya nakakakuha ng karangalan mula sa pag-aaral
kundi nananalo din siya sa mga paligsahan tulad ng “Beauty Pageant”. NAgsimula
siyang sumali sa ganitong uri ng paligsahan noong siya ay Grades sapagkat ditto
nadiskubre ng mga guro niya na mayroon siyang talento o kakayahan, hanggang sa
kisalukuyan ay sumasali parin siya, noong 2005 siya ay naging “Ms. Acquaintance”.

        Lubos din siyang nagpapasalamat sa mga kaibigan niya nung High School, kina
Gloria, Mary Grace Padis at buzon, Jessa at Daisy at marami pang iba. Mga kaibigan na
lagi niyang kasama sa kasiyahan at maging sa kalungkutan lalo na sa tuwing may
problema siya. Nagpapasalamat din siya dahil kung wala ang mga kaibigan niya di
sasaya ang high school life niya. Sa tuwing may project si Crisyl o kapag binibigyan sila
ng kanilang guro ng “Research Paper” sama-sama silang magkakaibigan sa library.
Kapag din sila ay may Exam sama-sama rin silang nagrereview kay naman walang
nabagsak sa kanila. Dahil maganda ang impluwensya ng mga kaibigan ni Crisyl, nung
graduation nila lahat silang magkakaibigan ay nagkamit ng karangalan. At nagging
kahanga-hanga sila sa mga guro. Nung nagkahiwa-hiwalay na sila dahil magkokolehiyo
na sila, ilang buwan pa lamang ang nakakalipas ay parang gusto na nilang magkita-kitang
muli. At ditto na realize nila na walang mas hihigit na masaya o mas makapapantay sa
pagkakaibigan nila nung high school.

        Ngayon, si Crisyl ay kumukuhan ng kursong “Bachelor of Elementary Education”
sa Laguna State Polytechnic University. Siya ay nag-aaral ng mabuti para makatapos sa
pag-aaral, maabot ang kanyang mga pangarap sa buhay. At maitaguyod ang kanyang
pamilya sa kahirapan, at masuklian ang paghihirap p sakripisyo ng kanyang mga
magulang. Sa pag-aaral niya ngayon, nagkaroon siya ng mga bagong kaibigan o
kaklaseng mga kaibigan na mababait at mapagkakatiwalaan din tulad ng mga kaibigan
niya noong high school, kaya masaya pa rin siya ngayon kahit na mahirap ang mag-aral,
dahil sa kanila nagkakaroon siya ng pag-asa.

More Related Content

What's hot

The old and new testament
The old and new testamentThe old and new testament
The old and new testament
juriz
 
Environmental problems in the philippines
Environmental problems in the philippinesEnvironmental problems in the philippines
Environmental problems in the philippines
Jve Buenconsejo
 

What's hot (20)

CARRIER DECISIONS OF SENIOR HIGH SCHOOL STUDENTS AND THEIR CHOICE OF ACADEMIC...
CARRIER DECISIONS OF SENIOR HIGH SCHOOL STUDENTS AND THEIR CHOICE OF ACADEMIC...CARRIER DECISIONS OF SENIOR HIGH SCHOOL STUDENTS AND THEIR CHOICE OF ACADEMIC...
CARRIER DECISIONS OF SENIOR HIGH SCHOOL STUDENTS AND THEIR CHOICE OF ACADEMIC...
 
The old and new testament
The old and new testamentThe old and new testament
The old and new testament
 
Global Population and Mobility
Global Population and MobilityGlobal Population and Mobility
Global Population and Mobility
 
HOW SOCIAL STATUS AFFECT COMMUNICATION
HOW SOCIAL STATUS AFFECT COMMUNICATIONHOW SOCIAL STATUS AFFECT COMMUNICATION
HOW SOCIAL STATUS AFFECT COMMUNICATION
 
How to Write Professional Student Bio
How to Write Professional Student BioHow to Write Professional Student Bio
How to Write Professional Student Bio
 
Types of speech context and style
Types of speech context and styleTypes of speech context and style
Types of speech context and style
 
Peace Education: Sharing The Earth Resources
Peace Education: Sharing The Earth ResourcesPeace Education: Sharing The Earth Resources
Peace Education: Sharing The Earth Resources
 
The globalization of religion
The globalization of religionThe globalization of religion
The globalization of religion
 
Hydrometeorological Hazards
Hydrometeorological HazardsHydrometeorological Hazards
Hydrometeorological Hazards
 
Latin american Literature
Latin american LiteratureLatin american Literature
Latin american Literature
 
Barayti ng Wika: Dayalek, Idyolek, Sosyolek
Barayti ng Wika: Dayalek, Idyolek, SosyolekBarayti ng Wika: Dayalek, Idyolek, Sosyolek
Barayti ng Wika: Dayalek, Idyolek, Sosyolek
 
The Contemporary World: Globalization of World Politics
The Contemporary World: Globalization of World PoliticsThe Contemporary World: Globalization of World Politics
The Contemporary World: Globalization of World Politics
 
Wika(teorya)
Wika(teorya)Wika(teorya)
Wika(teorya)
 
Ano ang wika?
Ano ang wika?Ano ang wika?
Ano ang wika?
 
week 1 21st century.pptx
week 1 21st century.pptxweek 1 21st century.pptx
week 1 21st century.pptx
 
Literary approaches
Literary approachesLiterary approaches
Literary approaches
 
Environmental problems in the philippines
Environmental problems in the philippinesEnvironmental problems in the philippines
Environmental problems in the philippines
 
Mga Konseptong Pangwika
Mga Konseptong PangwikaMga Konseptong Pangwika
Mga Konseptong Pangwika
 
Material poverty
Material povertyMaterial poverty
Material poverty
 
The season of Lent
The season of LentThe season of Lent
The season of Lent
 

Similar to My Autobiography (10)

Talavera Autobiography
Talavera AutobiographyTalavera Autobiography
Talavera Autobiography
 
Auto
AutoAuto
Auto
 
Auto
AutoAuto
Auto
 
Autobiography
AutobiographyAutobiography
Autobiography
 
my autobiography
 my autobiography my autobiography
my autobiography
 
Val.ed script
Val.ed scriptVal.ed script
Val.ed script
 
Hamon
HamonHamon
Hamon
 
Jessie Cont Ng Tlmbhy N
Jessie Cont Ng Tlmbhy NJessie Cont Ng Tlmbhy N
Jessie Cont Ng Tlmbhy N
 
Melgineth's Autobiography
Melgineth's AutobiographyMelgineth's Autobiography
Melgineth's Autobiography
 
Personal Presentation
Personal PresentationPersonal Presentation
Personal Presentation
 

More from myd

Block Style
Block StyleBlock Style
Block Style
myd
 
Poem
PoemPoem
Poem
myd
 
Personal Calling Card
Personal Calling CardPersonal Calling Card
Personal Calling Card
myd
 
Palatuntunan
PalatuntunanPalatuntunan
Palatuntunan
myd
 
Business Calling Card
Business Calling CardBusiness Calling Card
Business Calling Card
myd
 
Book Mark
Book MarkBook Mark
Book Mark
myd
 
Spreadsheet Application
Spreadsheet ApplicationSpreadsheet Application
Spreadsheet Application
myd
 
School Flyers
School FlyersSchool Flyers
School Flyers
myd
 
Latest Gadgets 2009
Latest Gadgets 2009Latest Gadgets 2009
Latest Gadgets 2009
myd
 
Bellido Population Beed
Bellido   Population BeedBellido   Population Beed
Bellido Population Beed
myd
 
Grade Sheet
   Grade Sheet   Grade Sheet
Grade Sheet
myd
 
Class Record
Class RecordClass Record
Class Record
myd
 
Fall For You
Fall For YouFall For You
Fall For You
myd
 

More from myd (20)

Conventional Style
Conventional StyleConventional Style
Conventional Style
 
Block Style
Block StyleBlock Style
Block Style
 
Poem
PoemPoem
Poem
 
Personal Calling Card
Personal Calling CardPersonal Calling Card
Personal Calling Card
 
Palatuntunan
PalatuntunanPalatuntunan
Palatuntunan
 
Business Calling Card
Business Calling CardBusiness Calling Card
Business Calling Card
 
Book Mark
Book MarkBook Mark
Book Mark
 
Word Processing Application
Word Processing ApplicationWord Processing Application
Word Processing Application
 
Tittle Presentation
Tittle PresentationTittle Presentation
Tittle Presentation
 
Spreadsheet Application
Spreadsheet ApplicationSpreadsheet Application
Spreadsheet Application
 
School Flyers
School FlyersSchool Flyers
School Flyers
 
Latest Gadgets 2009
Latest Gadgets 2009Latest Gadgets 2009
Latest Gadgets 2009
 
Bellido Population Beed
Bellido   Population BeedBellido   Population Beed
Bellido Population Beed
 
Grade Sheet
   Grade Sheet   Grade Sheet
Grade Sheet
 
Class Record
Class RecordClass Record
Class Record
 
Resume
ResumeResume
Resume
 
Realize
RealizeRealize
Realize
 
Graduation
GraduationGraduation
Graduation
 
Fall For You
Fall For YouFall For You
Fall For You
 
Crisyl Ramos Sumadsad
Crisyl Ramos SumadsadCrisyl Ramos Sumadsad
Crisyl Ramos Sumadsad
 

My Autobiography

  • 1. Autobiography Crisyl Ramos Sumadsad Alam naman naating lahat na ang bawat isa sa atin ay may sari-sariling pananaw o paniniwala sa buhay. Kaya’t si Crisyl ay naniniwala sa kasabihang “Habang may buhay may pag-asa”. Mula sa pagkabata, ang nakagisnan ni Crisyl na relihiyon ay ang “Iglesia ni Cristo”, na kung saan sa tuwing sasapit ang araw na may pagsamba ay sama-sama silang mag-anak sa simbahan. Si Crisyl ay pinalaki ng maayos, may disiplina, may pagpapahalaga o paggalang sa kapwa at higit sa lahat pinalaki siya ng may takot sa Diyos ng kanyang mga magulang. Ang kanyang masipag at responsableng ama ay nagngangalang Crisencio Castillo Sumadsad, napakabuti ng ama ni Crisyl sa kanya at sa mga kapatid n’ya, kaya naman pinagmamalaki niya ito kahit na minsan may pagkakataon na hindi naibibigay ang ilang pangangailangan nilang magkakapatid. Ang mahalaga may pangarap ang kanyang ama sa kanilang sampong magkakapatid, sapagkat nagsisikap s’ya na mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanyang mga anak. Kahit nasa gitna ng kahirapan naitataguyod parin ng kanyang ama ang kanilang pamilya kahit na siya lamang ang nagtatrabaho, natutugunan ng sapat ang mga pangunahing pangangailangan ng pamilya di lamang sa pagkain, damit kundi pati narin ang pangangailangan nilang magkakapatid sa pag-aaral. Masasabi niya na ang kanyang ama ay isang kahanga-hanga at dapat tularan, dahil may tiwala siya sa kanyang sarili, hindi siya natatakot na harapin ang iba’t-ibang uri ng pagsubok sa buhay bagkus ay handa siya na harapin ang mga problema. Marahil, ito ay dahil narin may tiwala siya sa magagawa ng Diyos, ditto siya kumukuha ng tibay at lakas ng loob para malampasan ang iba’t-ibang suliranin. Samantala ang kanya namang butihin at huwarang ina ay nagngangalang Herminigilda Ramos Sumadsad, katulong ng kanyang ama sa pag-gabay sa kanilang magkakapatid. Ang kanyang isa na lagging nariyan sa tuwing may problema siya, ang nagpapayo at nagtuturo kung ano ang tama at dapat gawin. Siya ang nakakaalam ng mga sikreto ng pamilya, siya rin ang nakakaalam kung ano-ano ang pangangailangan ng pamilya. Dahil sa tapat na pagmamahalan ng kanyang mga magulang nagbunga ang mga ito ng sampung anak, apat na babae at anim na lalaki. Disyembre 18, 1992 ipinanganak si Crisyl Ramos Sumadsad sa masaya at mapayapang Barangay ng Kapatalan, Siniloan, Laguna. Siya ay may sampung kapatid, anim na lalaki at apat na babae. Ang kanyang tatlong naggagandahang ate ay nagngangalang Criselda, Cristina at Melanie. Dahil sa tulong ng kanyang lolo na si Telesporo Sumadsad nakatapos sa pag-aaral ang kanyang dalawang ate na si Criselda at Melanie na kumuha ng kursong “Bachelor of Elementary Education”. Na ngayon ang dalawa niyang ate ay mga ganap na guro na, na nagtuturo sa Elementarya, samantala, ang kanyang naming ate na si Cristina ay kasalukuyang kumukuha ng kursong “Bachelor of Science Agricultural Business sa paaralan ding iyon. Si Crisyl naman ay pang-anim sa magkakapatid at bunso sa babae, katulad ng kanyang dalawang ate ang kinukuha niyang kurso ay “Bachelor of Elemetary Education” din, sa Laguna State Polytechnic University.
  • 2. Ang kanya naming nagguguwapuhang kapatid na lalaki ay nagngangalang Crisanto, Crisencio Jr., Michael, Dave, Cedrick at ang kanyang bunsong kapatid ay si Gendry John. Nagtapos ng Elementarya si Crisyl sa mababang paaralan ng Kapatalan Elementary School na kung saan nagkaroon siya nito ng masisipag na guro at mababait na kaibigan. Nagtapos naman siya ng sekundarya sa mababang paaralan ng Kapatalan National High Scholl na kung saan nagkaroon din siya rito ng masisipag na guro, binibigyan nila ng sapat na edukasyon at nasa tamang pamamaraan ng kanilang pagtuturo at gayun din nagkaroon di siya ditto ng mapagkakatiwalaang kaibigan na sina Gloria Monreal, Mary Grace Buzon, Mary Grace Padis, Jessa Libuna at Daisy Begornia at marami pang iba. Sila ang mga kaibigan ni Crisyl na lagi siyang tinutulungan, pinapasaya at sinasamahan sa tuwing siya ay may problema. Noong High School siya, ginawa niya rin ang kanyang buong makakaya para lamang magkaroon ng mataas na grades. Kaya’t simula “First Year” hanggang siya ay nagging “Fourth Year” hindi siya nawawala sa Top lagi siyang napapasama ditto. Kaya’t noong dumating ang araw ng kanilang pagtatapos nakatanggap siya ng mga karangalan. Dahil sa pagtitiwala ng kanyang adviser na si Mrs. Anie Mandasoc binigyan siya ng karangalang ito ng “Service Award”. Nakasama din siya sa mga “Achievers”. Siya rin ay nagging “Best in Thesis Experimentation” ito ay dahil sa pagsisikap niya sa pag-aara, dahil di na siya natutulog magawa niya lamang ang mga dapat niyang gawin. Naniniwala siya na kaya niya ito nakamit ay dahil sa paggabay sa kanya n gating Panginoong Diyos. Nagpapasalamat din siya dahil sa gitna ng kahirapan ay nalampasan niya ang mga pagsubok nung nag-aaral siya ng High School. Dahil may pagkakataon na hindi siya nakakapasok dahil walang pera ang kanyang mga magulang. Kaya apektado ang grades niya, dahil sa pagliban niya nawawalan siya ng mga quizzes at notes sa lahat ng subject. Kaya naman gumigising siya ng maaga para lamang makapasok, lalo na’t alam niya na wala siyang baon kinabukasan. Dahil wala siyang pera naglalakad lamang siya papunta sa kanilang paaralan. Kapag di niya ito ginawa may posibilidad na bumaba ang mga grades niya, at natatakot din siya na bumaba ang grades niya at baka di siya mapasama sa Top. Pero di naman siya nagsisi dahil maganda naman ang naging resulta ng paghihirap niya. At isa pa, kay niya ito nagagawa dahil naisip niya ang mga sakripisyo na ginagawa ng kanyang mga magulang. At lahat ng karangalang nakamit niya ay iniaalay niya sa kanyang mga mahal na magulang. Hindi lamang siya nakakakuha ng karangalan mula sa pag-aaral kundi nananalo din siya sa mga paligsahan tulad ng “Beauty Pageant”. NAgsimula siyang sumali sa ganitong uri ng paligsahan noong siya ay Grades sapagkat ditto nadiskubre ng mga guro niya na mayroon siyang talento o kakayahan, hanggang sa kisalukuyan ay sumasali parin siya, noong 2005 siya ay naging “Ms. Acquaintance”. Lubos din siyang nagpapasalamat sa mga kaibigan niya nung High School, kina Gloria, Mary Grace Padis at buzon, Jessa at Daisy at marami pang iba. Mga kaibigan na lagi niyang kasama sa kasiyahan at maging sa kalungkutan lalo na sa tuwing may problema siya. Nagpapasalamat din siya dahil kung wala ang mga kaibigan niya di sasaya ang high school life niya. Sa tuwing may project si Crisyl o kapag binibigyan sila ng kanilang guro ng “Research Paper” sama-sama silang magkakaibigan sa library. Kapag din sila ay may Exam sama-sama rin silang nagrereview kay naman walang nabagsak sa kanila. Dahil maganda ang impluwensya ng mga kaibigan ni Crisyl, nung
  • 3. graduation nila lahat silang magkakaibigan ay nagkamit ng karangalan. At nagging kahanga-hanga sila sa mga guro. Nung nagkahiwa-hiwalay na sila dahil magkokolehiyo na sila, ilang buwan pa lamang ang nakakalipas ay parang gusto na nilang magkita-kitang muli. At ditto na realize nila na walang mas hihigit na masaya o mas makapapantay sa pagkakaibigan nila nung high school. Ngayon, si Crisyl ay kumukuhan ng kursong “Bachelor of Elementary Education” sa Laguna State Polytechnic University. Siya ay nag-aaral ng mabuti para makatapos sa pag-aaral, maabot ang kanyang mga pangarap sa buhay. At maitaguyod ang kanyang pamilya sa kahirapan, at masuklian ang paghihirap p sakripisyo ng kanyang mga magulang. Sa pag-aaral niya ngayon, nagkaroon siya ng mga bagong kaibigan o kaklaseng mga kaibigan na mababait at mapagkakatiwalaan din tulad ng mga kaibigan niya noong high school, kaya masaya pa rin siya ngayon kahit na mahirap ang mag-aral, dahil sa kanila nagkakaroon siya ng pag-asa.